Thursday May, 26 2022 02:13:09 PM

NDBC BIDA BALITA (Jan. 26, 2021)

NDBC BALITA • 10:00 AM Tue Jan 26, 2021
687
By: 
NDBC NCA

HEADLINES: 

1.  DIOCESAN priest, binaril at napatay sa Malaybalay City, Bukidnon

2.  Kaso laban kay North Cotabato Gov. Nancy Catamco, ibinasura ng SAndiganbayan; aniya mga nagsampa ng kaso ay mga kontrabida.

3.  Tatlong Covid positive, sumakabilang buhay sa Region 12; 

4. Ilang taga North Cotabato, may alinlangan sa gbakuna kontra Covid-19, lalo na kung made in China.
 

5.  South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr. handa raw magpabakuna ng COVID-19 vaccine 

6.  Sa Region 12, sabi ng Department of Agriculture walang shortage ng karne at gulay at prutas. 

7.  MGA REBELDENG NPA sa South-Central Mindanao, malapit na daw maubos, sabi ng Army.
8. Babaeng angkas ng motor patay matapos tumilapon sa salpukan ng motor, Toyota Hi-Lux pick-up at Bongo fish car sa Polomolok.

‘ANG DETALYE NG MGA BALITA…. SUSUNOD’

-0-

Local………………..

HINILING NG PAMILYA ni Fr. Rene Regalado ng Diocese of Malaybalay sa pulisya na magkaroon ng malalimang imbestigasyon sa kaso ng pagpatay sa kanya.

Nais ng pamilya na malaman kung sino ang responsable sa pagpaslang at kung bakit ginawa ito.

Mahigpit din na kinundina ng Diocesan Clergy of Malaybalay ang pagpatay kay Fr. Regalado at hiniling sa pulisya na bigyang hustisya ang kanyang pagpanaw.

“The Diocese of Malaybalay, the Rgalado family in Valencia City are deeply wounded and saddened with the news of the untimely passing of Father Rene,” ayon Simbahang Katoliko ng Bukidnon.

Alas 7:30 ng gabi noong linggo, nakarinig ng mga putok ang mga pari na nasaMalaybalay Carmel Monastery sa Sitio Pal-ing, Barangay Patpat.  Kayat tumawag sila ng police.

Nang dumating ang mga police, nakita ang sasakyan ni Fr. Regalado sa tabi ng highway at ilang metro ay ang kanyang bangkay na may tama ng bala sa ulo.

-0-

Local…

ANG MGA LABI NI FR. REGALADO ay nakahimlay na ngayon sa San Isidro Labrador Cathedral, Malaybalay City at siya ay ililibing sa Malaybalay Catholic Cemetery. Ang petsa ng libing ay di pa naitakda.

Si Fr. Regalado ay na-ordinahan bilang pari noong Oct. 18, 2007.

Pumasok siya sa St. John 23rd pre-college and college serminaries sa Malaybalbay. Nagtapos siya ng kanyang baccalaureate degree in Theology sa San Isidro College at nagpatuloy ng pag-aaral sa St. John Mary Vianney Theological Seminary sa Camaman-an, Cagayan de Oro City.

Nakilala si Fr. Regalado sa tawag na "Paring Bukidnon" (Mountain Priest) dahil sa kaniyang mga advocacy hinggil sa organic farming at pagsama sa mga panawagan ng mga magsasaka.

-0-
Local…

TULAD NG IBANG LOCAL GOVERNMENT units, ang Maguindanao ay naghahanda na din para bumili ng anti Covid-19 vaccines.

Sinabi ni Maguindanao Gov. Bai Mariam Sangki-Mangudadatu na nakikipag-ugnayan na ang kanyang tanggapan sa national Inter-Agency Task Force para sa tripartite agreement ng vaccine procurement.

Binigyang diin ni Mangudadatu na prioridad pa rin sa vaccination ang mga frontliner at mga vulnerable sa sakit at mga mahihirap.

Inihahanda na ang provincial government ang mga alituntunin para sa vaccination at igagalang naman ang desisyon ng bawat Maguindanaon na aayaw sa bakuna.

-0-

Local…

Ginunita kahapon ng PNP sa Bangsamoro Region ang pagkmatay ng SAF 44 sa Mamasapano, Maguindanao.

Kasabay nito, pinarangalan ng PRO-BAR si Staff Sgt. Elenel Pido ng PNP-SAF na nasawi sa law enforcement operation sa Barangay Limbo, Sultan Kudarat, Maguindanao.

Nagsagawa ng wreath-Laying ceremony ang mga policez sa BARMM sa pangunguna Brig. Gen. Samuel Rodriguez upang alalahanin ang kabayanihan ng SAF-44 na ang misyon noong Jan. 25, 2015 ay arestuhin si Malaysian bomb maker Zulkipli bin Hir alias Marwan.

Napatay si Marwan pero nakasagupa ng SAF ang pinagsanib na pwersa ng MILF at BIFF sa isang corn field sa Barangay Tukanalipao. 

Ginawaran ng Medalya ng Kadakilan si Sgt. Pido habang 
Medalya ng Sugatang Magiting at Medalya ng Kagalingan naman ang ginawad kina Captain Ronillo Daligdig, Corporal Gyvard Bando, Corporal John-Ryan Aquino, Patrolman Cayl Jun Gonzalez, na mga miembro ng SAF PNP na sugatan sa engkwentro sa Limbo, Sultan Kudarat.

-0-

Local………………..

SUMUKO SA MILITARY sa Sultan Kudarat provincie ang isang mass organizer ng New Peoples Army.

Si Gorio, mass base recruiter ng NPA sa Palimbang, Sultan Kudarat ay sumuko sa 38th Infantry Battalion.

Siya ay mass kilala bilang organizer-leader Kisasabanay Dulangan Manobo (Kiduma) at dating miembro ng Platoon Telego, NPA Guerrilla Front 73 ng Far South Mindanao Region.

Isinuko ni Gorio ang isang Garand rifle at mga bala.

Pagod na daw siya sa pagiging rebelde at nais na magbagong buhay.

-0-

Local…

KONTI NA LANG, sabi ng Army.

Konti na lang dahil malapit na daw maubos ang mga rebeldeng komunista sa south-Central Mindanao.

Ito ang sinabi ni 6th Infantry Division spokesperson Lt. Colonel Anhouvic Atilano sa panayam ng Radyo Bida.

Ayon kay Atilano, maraming mga kasapi ng Far South Regional Committee ng CPP-NPA ang sumuko na sa pamahalaan kasunod ng pinalakas na kampanya kontra komunista ng 6th Infantry Division.

Sinabi ni Atilano na may mangilan-ngilan pang mga rebeldeng NPA ang nananatili sa bukid pero gusto na rin daw sumuko.  Naghihintay lang sila ng pagkakaton.

Ayon kay Atilano, nawawalan na ng kakayahan ang mga NPA na maglunsad ng tactical offensive.

-0-

Local………………..

Sa report ng DOH-12, kabilang sa mga nasawi ay isang 91 taong gulang na babae na taga Tacurong, isang 61 years old na lalaki na taga Koronadal at isang 55 taong gulang na babae na taga General Santos City.

Dahil dito abot na sa 161 ang total COVID-19 related deaths sa Soccskargen region.

Sa magkasunod na dalawang araw, mas maraming COVID-19 patients ang naitalang gumaling sa Region 12, ayon sa DOH.

May 32 pasyente naman ang gumaling kayat umakyat na sa 3,784 ang total recoveries sa Region 12.

14 sa mga gumaling ay mula South Cotabato, 10 Sultan Kudarat, 5 North Cotabato at 3 General Santos City.

May 25 na bagong kaso ang rehiyon kaya meron nang ngayong 4,429 total novel coronavirus infection sa Rehiyon.

Labing dalawa sa mga bagong kaso ay taga North Cotabato.

Samantala, sa Bangsamoro region, 12 na panibagongCovid infections ang naitala BARMM Ministry of Health.

Dahil dito abot na sa 3,841 ang total COVID-19 cases sa rehiyon.

Sampu sa mga bagong kaso ay taga Lanao del Sur at Marawi City at dalawa naman sa Cotabato City.
 
Walang naitalang gumaling kung kayat nanatili sa 3,535 ang total recovered patients sa rehiyon.

Nasa 147 naman ang aktibong kaso.
 

-0-

Local………………..

NAGPAPAGALING NA sa ospital ang isang karpentero na nasugatan matapos mabagsakan ng plain sheet gutter sa iinatatayong bahay sa Penafrancia Village, Cotabato City.

Nakilala ang biktima na si JUN VALERA, nasa hustong gulang, karpentero, taga Cotabato City.

Ayon sa kasamahan ng biktima, habang naglalagay sila ng gutter sa bubong ng bahay ng bigla diumano itong bumigay at aksidenteng nabagsakan ang biktima.

Dahil sa bigat at talas ng gilid ng gutter na bumagsak sa karpentero ay nawalan ito ng malay at halos maputol ang kanyang kaliwang binti.

Pangamba ng biktima at mga kaanak nito na posibleng mahirapan na syang makakapaglakad ng dahil tindi ng sugat na natamo.
 

-0-

Local………………..

Isinugod sa ospital isang batang nagtamo ng malalim na sugat sa kanyang ulo matapos diumanong aksidenteng mabagsakan ng mga Jalousie Window Glass Pansacala street, Rosary Heights-10, Cotabato City.

Ayon sa kwento ng kaanak ng bata, kalalabas lamang mula sa kanilang tahanan ang biktima kasama ang kanyang ina alas 9 ng umaga kahapon.

Habang naglalakad sa isang iskinita at makipot na danana, bigla na lang nalaglag ang mga glass window ng isang mataas na bahay.

Sentro sa ulo ng bata bumagsak ang isa sa mga jalousie kayat nagtamo ito ng malalim na sugat sa ulo at mawalan ng malay.

Napag alaman na kaya diumano bumagsak ang mga salamin ng bintana ay dahil sa pinaglalaruan ito ng ibang mga bata na nasa itaas ng bahay.

Nangako ang may ari na tutulong sila sa gastusin sa pagpapagamot sa bata.
 

-0-

Local………………..

Isumbong sa tanggapan ng Department of Labor and Employment o DOLE  ang kung sakali mang may bawas ang kanilang  sahod.

Ito ang panawagan ni Department of Labor and Employment o DOLE 12 Assistant Regional Director at South Cotabato Field Office concurrent head Arlene Bisnon sa mga benepisyaryo ng kanilang livelihood programs.

Ipinahayag ito ni Bisnon matapos makatanggap ng report na may mga barangay official umanong binabawasan o kumukuha ng parte sa sweldo ng mga benepisyaryo ng kanilang Tulong Panghanapabuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD Program.

Binigyan diin ni Bisnon na para maimbestigahan ang mga reklamo ng mga TUPAD beneficiary kung meron man, dapat may matanggap din silang mga reklamo.

Babala naman ni Bisnon  sa mga barangay official at accredited co-partner o ACP kinakaltasan ang sweldo ng mga TUPAD beneficiary, maaring ma-blacklist ang mga ito ng ahensya.

Dinagdag din nito na hihilingin din ng DOLE ang tulong ng Department of the Interior and Local Government o DILG para makasuhan ang mga nanamantalang opisyal ng barangay.
 

-0-

Local………………..

Tiniyak ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr na handa siyang mabakunahan ng COVID-19 vaccine.

Sinabi ni  Tamayo na gagawin niya ito lalo na kung ang layunin ay mapawi ang pangamba ang publiko sa nasabing bakuna.

Naniniwala din si Tamayo na dumaan sa quality control at ligtas ang COVID-19 vaccine kaya nararapat lamang na samantalahin kung ito ay magiging available na sa publiko.

Ayon kay Tamayo, magiging balakid lamang sa pagpapabakuna nito ng COVID-19 vaccine ang mga prayoridad  na nais mabigyan nito ng national government.

Voice Clip…Si South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr.

Nauna nang tiniyak ni Tamayo na kung kinakailangan may pondo na pambili ng COVID-19 vaccines ang provincial government.

Bukod dito ayon sa gobernador nakikipag  ugnayan din  sila sa South Cotabato Medical Society para malaman ang rekomendasyon ng mga ito sa mas maigting na paglaban sa COVID-19.

Ito ay bukod pa sa pagpapaigting ng mga border checkpoint sa South Cotabato sanhi ng bagong variant ng COVID-19.
 

-0-

Local………………..

Nagtapos sa isang buwang Carpentry at Electrical and Management Installation NC II training ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA 12 ang limampung mga pulis sa rehiyon.

Umaasa  naman si PNP 12 Regional Director Brigadier General Michael John Dubria na ito ay magpapabago pa sa imahe ng mga pulis.

Sinabi ni Dibria na maliban sa tagapagpatupad ng batas  at pagpapanatili ng katiwasayan may iba na ngayong alam gawin ang mga pulis na graduate ng TESDA.

Kaugnay nito, tiniyak naman ni TESDA 12 Regional Director Rafael Abrogar II na may marami pang mga programa ang TESDA para sa PNP.

Dinagdag din ni Abrogar na malaki kasi  naitulong ng mga pulis para  maabot ng mga programa ng TESDA ang mga liblib na barangay sa rehiyon.

Karamihan sa mga ito ayon kay Abrogar ang mga lugar na pinagkukutaan ng mga myembro ng makakaliwang grupo na nagbalik loob sa pamahalaan.

Ang mga pulis  na nagtapos ng pagsasanay ay tumanggap ng sertipikasyon mula sa TESDA.

Pero ayon kay Abrogar sa halip na tanggapin ang kanilang mga allowance bilang mga trainee, napagdesisyunan ng nasabing mga pulis na ibigay na lamang ito sa mga lugar na kanilang tinutulungan.

Ang pagsailalim sa training ng mga pulis ay napagkasunduan ng mga pamunuan ng PNP at TESDA. 
 

-0-

Local………………..

Angkas ng motorsiklo patay sa   vehicular crash sa Polomolok, South Cotabato
Kinilala ni Polomolok PNP Deputy  Chief of Police, Captain Rommel Hitalia  ang biktimang nasawi sa vehicular crash na si Asyah Simpal nakatira sa Barangay Laconon, Tboli, South Cotabato.

Ayon kay Hitalia habang tumatawid sa national highway sa Barangay Crossing Palkan ang motorsiklo na sinakyan ng biktima, nabangga ito  ng paparating na Toyota Hi-lux Pick up na galing Koronadal City.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon sa kabilang lane highway ang motorsiklo at sa kasamaang palad, naka head on collinssion naman nito ang paparating Bongo pick up na fish car na galing naman ng General Santos City.

Kinumpirma ni Hitalia na ang biktimang si Asyah na nagtamo ng matinding mga sugat ay dead on arrival sa ospital.

Sugatan din sa insidente ang driver ng sinakyan nitong motorsiklo na si Denela Simpal.

Ayon kay Hitalia maliban sa  motorsiklo na sinakyan ng mga biktima ikinustodya rin ng POlomolok PNP ang Toyota Hi-lux na nakabangga sa kanila at driver nitong si Althea Kaye Barcelona ng General Santos City.

Gayundin ang Bongo Truck at driver nitong  si Ervin Jay Erfe ng Sto. Niño, South Cotabato.

Ipinahayag ng nasabing police official na ito ay habang  hinihintay pa nila ang pagdating sa police station ng mga kaanak ng mga biktima.
 

-0-

Local………………..

Saklaw ng utos ni Koronadal Mayor Eliordo Ogena na paglilinis  at pag-landscape sa kanilang harapan ang lahat na mga  establisemento sa lungsod.

Iniutos ito ng alkalde sa pamamagitan ng ipinalabas na executive order.

Kasunod ito ng road clearing operation ng composite team ng lokal na pamahalaan na unang ipinatupad sa pitong mga barangay na malapit sa sentro ng Koronadal.

Binigyan diin ng alkalde na walang exemption sa kanyang utos , maliit man o malalaking mga establisemento sa lungsod.

Kasabay din nito ang pag-obliga ni Ogena na paglalagay ng basurahan sa tapat ng mga commercial establishments sa Koronadal.

Dinagdag din nito na   hihilingin din nito sa Sangguniang Panglungsod na bumalangkas ng oridansa para mas ma-obliga pa ang mga commercial establishment sa Koronadal na maglinis at mag-landscape kung kinakailangan.

Ito ay bilang bahagi din  ng pagpapatupad ng road beautification program ng lokal na pamahalaan.
Nauna nang sinabi ng alkalde na bilang sentro ng region 12  nararapat na maging  kaaya-aya sa mga mamamayan na dumarayo dito ang Koronadal City.

-0-

Local………………..

Kidapawan City pa rin ang may pinakamaraming naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa buong North Cotabato batay sa ilang araw na tala ng DOH-12.

Kagabi, labindalawang kaso ang naitala sa North Cotabato kung saan sa nasabing bilang sampu ang mula sa Kidapawan City, tig-isa sa Kabacan at Libungan.

Dahilan para umakyat sa animnaput siyam ang active cases sa Kidapawan City, siyam na ang binawian ng buhay habang 136 na ang nakarekober sa nasabing sakit.

Nabatid na halos puno na rin ngayon ang Temporary Treatment and Monitoring Facility ng lungsod dahilan kung bakit magdadagdag pa ng isolation facilities ang LGU sa mga pasyente.

Paulit-ulit naman ang paalala ng health authorities sa publiko na iwasan ang pagpunta sa mga maraming tao at huwag kalimutan ang pagsunod sa health protocols upang makaiwas sa sakit at hindi na madagdagan pa ang bilang ng mga nagpopositibo.

Muling apela ng LGU sa lahat ang kooperasyon.

Sa buong North Cotabato, mayroong lima ang nakarekober kahapon.
 

-0-

Local………………..

 Kidapawan City pa rin ang may pinakamaraming naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa buong North Cotabato batay sa ilang araw na tala ng DOH-12.

Kagabi, labindalawang kaso ang naitala sa North Cotabato kung saan sa nasabing bilang sampu ang mula sa Kidapawan City, tig-isa sa Kabacan at Libungan.

Dahilan para umakyat sa animnaput siyam ang active cases sa Kidapawan City, siyam na ang binawian ng buhay habang 136 na ang nakarekober sa nasabing sakit.

Halos lahat ng mga bagong kaso ng sakit ay nakuha sa pamamagitan ng social gathering.

Nabatid na halos puno na rin ngayon ang Temporary Treatment and Monitoring Facility ng lungsod dahilan kung bakit magdadagdag pa ng isolation facilities ang LGU sa mga pasyente.

Paulit-ulit naman ang paalala ng health authorities sa publiko na iwasan ang pagpunta sa mga maraming tao at huwag kalimutan ang pagsunod sa health protocols upang makaiwas sa sakit at hindi na madagdagan pa ang bilang ng mga nagpopositibo.

Muling apela ng LGU sa lahat ang kooperasyon.

Sa buong North Cotabato, mayroong lima ang nakarekober kahapon.
 

-0-

Local………………..

Hindi maiiwasan na mabahala ang maraming mamamayan sa North Cotabato o nagdadalawang isip na magbakuna ng anti-COVID-19 vaccine dahil sa bago pa ito at kontrobersyal na dala dengvaxia.

Pagtitiyak ni North Cotabato Integrated Provincial Health Officer Dra. Eva Rabaya na ligtas itong gamitin dahil dumaan naman sa clinical trials at aaprubahan ng Food and Drugs Administration o FDA.

Nasa 1Million na mga taga North Cotabato naman ang target na mapakunahan pero marami pa anyang dadaan proseso bago ito maipatutupad.

Tulad na lamang ng identification and master listing, pre-registration at maraming iba pa.

Matatandaang isinagawa na kamakailan ang consultative meeting ng lahat ng mga matatatas na opisyal sa probinsya upang mapag-usapan ng Mabuti bago ito ipatupad at masigurong ligtas ang lahat ng mga mamamayan ng probisnya kung sakaling dumating na bakuna.

Samantala, inihayag din nito an kung sakaling may tanong na kailangan ng sagot hinggil sa nasabing usapin ay maaring makipag-ugnayan lamang sa kani- kanilang Barangay health centers.
 

-0-

Local………………..

 Muli pang nakatanggap ng tulong mula sa pamahalaan ang mga pamilyang nakatira sa high risk areas na may banta ng landslide sa posibleng pagyanig.

Batay sa datus ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Division sa taong 2020 umabot sa Php29,780,000 o tig sampung libo bawat pamilya ang naipamahaging ayuda ng Pamahalaang Panlalawigan sa 2,978 pamilyang labis na naapektuhan ng lindol noong taong 2019 at naninirahan sa high risk areas. 

Abot naman 5,569 pamilya na ang mga bahay ay partially damaged o 2,000 per family at 1,472 pamilya na ang mga bahay ay totally damaged 2,500 bawat pamilya ang nakatanggap rin ng ayuda mula sa probinsya. 

Kamakailan lamang, higit sa P2.8M ayuda ang ipinamahagi ng PDRRMD sa Barangay Daig Tulunan, at Barangay ng Magcaalam, Kisandal, Kamada at Bongolanon, Magpet Cotabato.

Ang nasabing financial assistance ay parte pa rin ng pondong inilaan ng Pamahalaang Panlalawigan para sa mga nasalanta ng lindol noong taong 2019.
 

-0-

Local………………..

 Kidapawan City pa rin ang may pinakamaraming naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa buong North Cotabato batay sa ilang araw na tala ng DOH-12.

Kagabi, labindalawang kaso ang naitala sa North Cotabato kung saan sa nasabing bilang sampu ang mula sa Kidapawan City, tig-isa sa Kabacan at Libungan.

Dahilan para umakyat sa animnaput siyam ang active cases sa Kidapawan City, siyam na ang binawian ng buhay habang 136 na ang nakarekober sa nasabing sakit.

Halos lahat ng mga bagong kaso ng sakit ay nakuha sa pamamagitan ng social gathering.

Nabatid na halos puno na rin ngayon ang Temporary Treatment and Monitoring Facility ng lungsod dahilan kung bakit magdadagdag pa ng isolation facilities ang LGU sa mga pasyente.

Paulit-ulit naman ang paalala ng health authorities sa publiko na iwasan ang pagpunta sa mga maraming tao at huwag kalimutan ang pagsunod sa health protocols upang makaiwas sa sakit at hindi na madagdagan pa ang bilang ng mga nagpopositibo.

Muling apela ng LGU sa lahat ang kooperasyon.

Sa buong North Cotabato, mayroong lima ang nakarekober kahapon.

-0-

Local………………..

Kasong isinampa laban kay North Cotabato Governor Catamco, ibinasura ng Sandiganbayan
Nagpalabas na ng desisyon ang SandiganBayan pabor kay Cotabato Governor Nancy Catamco.

Ito ay ang pagbasura sa kasong isinampa laban sa kanya dahil sa kawalan ng sapat na ebidensya. 

Inilabas ng 4th Division ng SandiganBayan ang desisyon nitong January 19, 2021 nag nagsabi na sinuri.nito ang mga ebidensya  na naipresenta ng prosekusyon  laban kay Governor Catamco ay hindi sapat upang mag-uugnay na may partisipasyon ito sa krimen sa paraan ng pakikipagsabwatan.

Sinabi ng korte, na hindi nagawa ng prosekusyon na mapatunayang may kasalanan o guilty beyond reasonable doubt si Gov. Catamco at hindi ito sapat upang magsulong ng panibagong paglilitis.

Kumbinsido ang korte ang na i-dismiss ang kaso na naitala bilang SB -19 - CRM - 0100. 

Naghayag ng pasalamat ang Gobernador sa panibagong panalo sa buhay dahil nangangahulugan ito ng mas mahusay na serbisyo publiko mula sa kanyang pamunuan.

-0-

Local………………..

Inactivate na ngayon ng Department of Agriculture sa Region 12 ang local price monitoring council ng bawat LGU upang mamonitor ang lahat ng mga presyo ng basic commodities sa rehiyon.

Nabatid kasi na biglang tumaas ang presyo ng mga ibenebentang karne ng baboy, gulay at prutas dahil umano sa kakulangan ng supply pero paglilinaw ni DA-12 Regional Director Arlan Mangelen sapat ang supply nito at iginiit na walang shortage.

Isa sa mga sinasabing dahilan umano ay ang pag cull ng mga alagang baboy particular na sa North Cotabato dahil sa epekto ng African Swine Fever o ASF.

Ayon kay Mangelen hindi naman lahat ng lugar sa rehiyon ang naapektuhan ng ASF.

Kaugnay nito, muling magsasagawa ng KADIWA ni Ani at Kita ang tanggapan sa mga susunod sa araw sa ibat-ibang lugar sa probinsya bilang patunay na hindi kulang ang supply ng mga pangunahing produkto sa rehiyon.

Pero aminado ang opsiyal na mayroong traders na nagmamanepula sa mga produktong baboy sa merkado.

 

Bomb explodes inside travelling Yellow Bus in Koronadal

KORONADAL CITY - A suspected improvosed bomb went off inside a moving Yellow Bus along Gen San Drive, this city, particular in front of KCC Mall....

UPDATE: Fire hits Cotabato City's PC hill residential area

COTABATO CITY - SUMIKLAB ANG SUNOG sa PC hill Cotabato City na tumupok sa ilang mga tahanan na nasa likod ng Cotabato City Naitonal High School annex...

Bus conductor slain, driver hurt in NoCot gun attack

KABACAN, North Cotabato – An unidentified gunman shot dead Wednesday a bus conductor of Rural Tours inside what supposed to be a police well-...

PNP: Lanao Sur special polls “peaceful, orderly, quiet”

COTABATO CITY – Police said the special elections in 12 villages in Lanao del Sur have been going on smoothly without any hindrances. Lt. Colonel...

MILG-BARMM continues projects to capacitate LGUs

COTABATO CITY – Minister Naguib Sinarimbo of the Ministry of the Interior and Local Government in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao...