Thursday Nov, 30 2023 03:17:16 AM

NDBC BIDA BALITA JAN 30, 2016

 • 16:46 PM Sat Jan 30, 2016
1,380
By: 
NDBC NCAT

JANUARY 30,
2016 (SAT)
7and00 AM

HEADLINESand

1. ISANG TAON matapos ang MAMASAPANO
encounterand

PABUYA para sa informant ng
kinaroroonan ni Malaysian terrorist Marwan, HINDI PA NAIBIBIGAY

2. Bahay tinupok ng apoy sa Kabacan,
North Cotabato

3. Insentibo sa mga lokal na pamahalaan
na walang naitalang firecracker injury isinusulong sa South Cotabato

4. Former S. Cotabato guv de Pedro, pumanaw na AT NGAYON SA DETALYE TULUYAN ng binawian ng buhay sa pagamutan ang driver ng payong-payong na nasangkot sa vehicular accident kamakalawa ng umaga.Nakilala ang nasabing driver na si Norman Dagadag, may asawa at residente ng Brgy. Bitu ng bayan ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.Nagawa pang isalba ng doktor ang buhay ni Dagadag pero pagkaraan ng ilang oras ay binawian rin ito ng buhay.MAAALALANG lubhang nasugatan ang anim katao kabilang ang isang buntis nang magkabanggaan ang isang multicab na may plakang MWC 383 at isang payong-payong sa kahabaan ng Sinsuat Avenue, Cotabato City kamakalawa ng umaga.Agad namang isinugod sa ospital ang mga biktima na kinilalang sina Rheann Lapasaran, Ronald at Zenaida Sumagca.Nabatid na patungo sila ng Cotabato Regional Medical Center dahil manganganak sa araw na iyon si Zenaida.Sugatan rin ang isang 17-anyos na magaaral ng Cotabato City National High School main campus na si Tata Bai Pagayao at ang mismong driver ng multicab na si Samsudin Maong. Sumakabilang buhay na si Dating South Cotabato Governor Hilario de Pedro III sa edad na sitenta’ys sais kahapon ng hapon. Ayon kay Board Member Vicente de Jesus na kapartido ng namayapang dating gobernador, si De Pedro ay binawian ng buhay sa kanilang bahay sa Barangay Crossing Palkan Polomolok, South Cotabato. Ipinahayag ni De Jesus na nagmaneho pa ang dating gobernador mula Kidapawan City papuntang South Cotabato kahapon. Umuwi ito ng kanilang bahay para magpahinga dakong alas dos ng hapon. Nabatid na napilitan ang mga kasambahay ni De Pedro na sirain ang pinto ng kanilang kwarto dahil sa hindi na ito sumasagot sa tawag ng kanyang misis nang mag-aalas kwatro na. Natuklasan na lamang ng mga ito ang naninigas nang katawan ng dating gobernador . Si de Pedro ay idineklarang dead on arrival sa isang ospital dahil umano sa cardiac arrest. Ang dating gobernador ay tumatakbo sa pagka board member ng South Cotabato sa ilalim ng LP-NPC Coalition sa May 9 elections. Sa kanyang termino bilang gobernador naging host sa kauna unahang pagkakataon ng Palarong Pambansa ang South Cotabato noong 1995. Si De Pedro ay nahalal din bilang kinatawan ng Second District ng South Cotabato. Siya rin ang isa sa mga may akda ng Campus Journalism Act of 1991. Kaya nang ma cancel ang National Schools Press Conference isang lingo bago gawin sa Koronadal noong 1993, si de Pedro rin ang naging pangunahing tagapagtanggol noon ng lalawigan. Ngunit ang pinakamahalagang pamana nito sa sambayanang Pilipino ang local government code na naging batayan ng pamamahala ng mga local government units sa bansa ngayon. Pinakahuling posisyon na hinawakan ni de Pedro sa gobyerno ay bilang Provincial Administrator ng South Cotabato sa huling mga buwan ng termino ni Dating Governor Arthur dodo” Pingoy noong 2013. KINUMPIRMA ng pamunuan ng Philippine
National Police o PNP na hanggang sa ngayon ay pinoproseso pa ang pabuya
kapalit ng pagkakadakip sa Malaysian bomb expert na si Zulkifli bin Hir, alyas
Marwan”.

Mismo ang Pamahalaan ng Pilipinas at
Estados Unidos ang nagalok ng monetary reward para sa naturang Malaysian
Terrorist.

na nasa halagang 5 million
dollars ang pabuya sa pagkaaresto o pagpaslang kay Marwan na inialok ng
gobyerno ng Amerika.

Habang 7 milyon pesos naman mula sa
pamahalaan ng Pilipinas.

Nilinaw naman ni Chief Supt. Fernando
Mendez, hepe ng PNP Intelligence Group, na ang naturang reward money ay
mapupunta sa inpormante na nagturo sa kinaroroonan ni Marwan.

Ayon kay Mendez, mahigpit ang proseso
sa pagbibigay ng pabuya dahil maraming requirement na dapat kumpletuhin ng mga
claimant.

SAMANTALA, tinanggap na ni PNP chief
Police Director General Ricardo Marquez ang Plaque of Appreciation para sa PNP
Special Action Force na pinirmahan ni Federal Bureau of Investigation Director
James Comey.

Ito matapos mapatunayan sa
imbestigasyon ng FBI na ang DNA sample na nakuha mula sa daliri ni Marwan ay
tumugma sa kapatid nito na nakapiit sa Amerika. EXTORTION ang
nakikitang motibo sa tangkang pagpapasabog ng Improvised explosive device o IED
na isinilid sa loob ng isang bag at iniwan sa terminal ng bus sa Shariff Aguak,
Maguindanao noong huwebes.

Sa report,
Sinabi ni Husky Bus Company Cotabato Station head Carlo Manalo na bago pa man
ang insidente ay nakakatanggap na sila ng text mula sa isang Abu Saddab na
lider ng grupong ISM

At humihingi
ng 2 milyon pesos na halaga ng pera na magsisilbi umano na buwanang proteksyon
ng Husky Company para hindi mabiktima ng pambobomba ang kanilang mga bus.

Hindi naman
malinaw kung ano ang ibig sabihin ng ISM.

Pero ayon kay
Manalo, patuloy ang pagpapadala ng mensahe at pananakot ng naturang grupo na
papasabugin o i-aambush ang kanilang mga unit.

Inihayag
naman ni Manalo na inireport na niya lahat sa pulis ng Cotabato City at
Maguindanao.

Una ng
kinumpirma ni 601st Brigade Philippine Army Commander Col. Lito Sobejana, na
narekober ng kanilang Explosivie ordinance disposal team ang 60mm mortar high explosives,
one MK-2 type ng hand grenade, 250 milligrams ng gasoline, dalawang blasting
cap, 9-volts battery at cellphone sa loob ng isang kulay itim na bag.

Base sa
salaysay ng mga testigo, isang lalake na hindi masyado katandaan ang kanilang
napansin na nakasakay sa Husky Bus mula sa Cotabato City na may dalang gray
pack bag saka iniwan pagkarating sa shariff aguak terminal.

Agad namang
na diffuse ng EOD team ang naturang IED pasado ala una ng hapon noong huwebes.

HINDI ISUSUKO ng pamahalaan
ang pagsusulong ng inaasam na kapayapaan sa Mindanao anuman ang kalalabasan ng
Bangsamoro Basic Law o BBL.

Ito matapos na ihayag ng
Moro Islamic Liberation Front na hindi na matutuloy ang decommissioning process
oras na tuluyang hindi maipasa ang BBL sa ilalim ng Aquino administration at
ang posibleng paglaganap ng mga kaguluhan sa rehiyon.

Giit naman ni Presidential
Communications Secretary Sonny Coloma, patuloy ang pamahalaan sa pagtataguyod
sa prosesong pangkapayapaan at paghimok sa lahat ng stakeholders na bigyan ng
tsansa ang kapayapaan sa Southern Philippines.

Matatandaan na bahagi ng
peace process sa pagitan ng pamahalaan at MILF ay ang decommissioning ng mga
armas ng rebeldeng grupo kung saan 47 na mga armas pa lamang ang sumailalim sa
decommissioning ceremony sa Sultan Kudarat, Maguindanao na sinaksihan pa ni
Pangulong Benigno Aquino noong June 16, 2015. SIMULA
na ngayong araw ang early registration para sa academic year 2016-2017 para sa
lahat ng public elementary at secondary school sa buong bansa.

Ayon
kay Amiro Elementary School sa Cotabato City Principal I Merrieta Lacson, Base
sa memorandum na inilabas ni Department of Education secretary Armin Luistro,
magtatagal hanggang February 29, 2016 ang nasabing early registration.

Ito ay
upang mas mapabilis at makumpleto ang cycle ng buong academic school year at
matiyak na ang mga magulang at guardian ay magkakaroon ng sapat na panahon
upang maipatala ang kanilang mga anak para sa susunod na school year.

Puspusan
rin ang kampanya ng DEPED na sa tulong ng mga lokal na opisyal at ng civic
organizations, maaaring maibalik sa eskwelahan ang mga kabataan sa komunidad na
hindi nakapagaral sa nagdaang taon, kabilang na ang mga kabataang may espesyal
na pangangailangan.

Nagsimula
ang early registration kaninang 7:30 ng umaga sa lahat ng pampublikong paaralan
sa buong bansa.

Handa na ang lalawigan ng Sarangani sa paghost nito sa SOCCKSARGEN Regional Athletic Association o SRAA meet
Ito ang tiniyak ni Isagani Cruz, ang Schools Division Superintendent ng DepEd sa lalawigan.
Ayon kay Cruz, karamihan sa mga patimpalak kaugnay sa regional meet ay gaganapin sa bayan ng Kiamba sa kauna unahang pagkakataon.
Ipinahayag ni Cruz na may mga sports event din sa SRAA meet na gagawin sa ilan pang mga bayan tulad ng Maitum.
Ito ayon sa DepEd Official ay taliwas naman sa unang pag host ng Sarangani sa regional meet noong 2006 na nakasentro lamang sa Sarangani Sports Complex sa bayan ng Alabel ang lahat ng mga patimpalak.
Ayon kay Sarangani Board Member Cornelio Martinez Jr., ang Chair ng Committee on Youth, Sports Development and Drug Abuse ng Sangguniang Panlalawigan, layon nito na mapaganda rin ang iba pang mga pasilidad sa iba pang bayan.
Ang pamahalaang panlalawigan ng Sarangani ay naglaan ng mahigit 2.3 million pesos para sa SRAA meet.
Ito ay kinuha naman mula sa Special Education Fund o SEF.
Mahigit 1.6 million pesos naman mula sa pondo ay inilaan para sa ground preparation ,at pagsasaayos ng mga billeting quarters.
Ipinaayos din ang Kiamba Sports Comlex, at Malalag Central Elementary School kung saan gaganpin ang mga individual events tulad ng archery.
Nabatid na ang swimming event ay gaganapin naman sa South Cotabato Sports Complex sa Koronadal City dahil sa Olympic size swimming pool nito.
Inaasahang makikilahok sa SRAA meet ang mahigit tatlong libong mga atleta mula sa siyam na dibisyon ng Deped sa rehiyon dose. Maaring magbigay ng insintibo sa mga local government units na makapagtala ng zero fire cracker injuries ang pamahalaang panlalawigan ng South Cotabato.
Inirekomenda ni Board Member Agustin Demaala, ang Chairman ng Committee on Public Order and Satefy ng Sangguniang Panlalawigan sa katatapos lamang na stakehoders meeting kontra paputok ang pagpasa ng resolution hinggil dito.
Ito ayon sa Board member ay upang mapaglaanan ng kaukulang pondo.
Ayon kay Demaala ang pagbibigay ng insintibo sa mga lugar na walang biktima ng firecracker ay alternatibong plano matapos ibasura ng konseho ang panukalang magbabawal sana ng mga paputok sa South Cotabato.
Layon nito ayon kay Demaala na maibsan ang bilang ng mga firecracker related injury tuwing pasko at bagong taon.
Nabatid na ang bayan ng Tampakan sa South Cotabato ay walang naitalang nasugatan dahil sa paputok noong 2014. Lumabas sa datus ng Provincial Epediomology and Surviellance Unit o PESU na isang daang katao ang nasugatan dahil sa paptutok mula Nobyembre Biente singko 2015 haggang Enero a sais 2016.
Ito ay mas mababa naman ng 10.7 perdent kung ikukumpara sa kaparehong panahon noong 2014 at 2015 na naitala sa lalawigan.
Gayunpaman, ipinahayag ni Lailyn Ortiz ang Provincial Director ng Department of Interior and Local Government o DILG na makikipag ugnayan ang kanilang tanggapan sa PNP at mga barangay Officials.
Ito ay upang matiyak ang maigting na pagpapatupad ng Paputok Ordinance sa mga Barangay.
Nakasaad sa ordinansa ang mga uri ng mga paputok na maari lamang payagan sa lalawigan tuwing holiday season.
Kunin na ang kanilang sahod.
Ito ang panawagan ni Department of Labor and Employment o DOLE 12 Regional Director Ofelia Domingo sa mga benipisyaryo ng kanilang Special Program for Education of Students o SPES.
Ayon kay Domingo, hindi pa kasi nakuha ng 1,321 na benipsyaryo ng SPES ang kwarenta porsyento na bahagi ng kanilang sahod sa DOLE.
Nabatid na ang DOLE 12 ay mayroon pang mahigit tatlong milyong pisong unclaimed SPES wages .
Payo ni Domingo sa mga SPES benefeciary, makipagugnayan sa pinakamalapit na tanggapan ng DOLE o sa kanilang Public Employment Service Office o PESO.
Pinakarami sa hindi nakakuha ng bahagi ng kanilang sweldo sa DOLE ang nasa lalawigan ng North Cotabato na umabot sa 583, 297 sa South Cotabato, 176 sa General Santos City, 101 sa Sultan Kudarat, at labintatlo sa Cotabato City.
Pangunahing dahilan naman ng mga ito ang kakulangan ng mga kinakailangang dokomento. Huli ang lima katao kabilang na ang apat na mga menor de edad sa operasyon laban sa illegal na droga ng mga pulis sa Banga, South Cotabato.
Kinilala ni Banga PNP Chief of Police, Chief Inspector Marvin Duadua ang isa mga inaresto na si Joe Antonio, alyas Long Hair, trenta anyos at residente ng Lambayong Sultan Kudarat. Ang mga menor de edad na hinuli ay naimbitahan lamang umano sa boarding house ng suspek na ni raid ng mga pulis.
Isinagawa ng mga pulis ang pag raid sa boarding ni Antonio sa Barangay San Vicente, Banga, dakong alas singko y medya ng madaling araw kahapon.
Nakuha ng mga pulis kay Antonio ang siyam na sachet ng suspected shabu at drug paraphernalia.
Kinumpirma naman ni San Vicente Barangay Chairman Juan Celiz na si Antonio ay magiisang buwan pa lamang na nangungupahan sa kanilang lugar.
Ang mga menor de edad naman na kasama nitong hinuli ay ibinigay naman sa municipal social welfare and development office o CSWDO Banga.
Sa bayan ng Surallah inaresto naman ng team ni Chief of Police Chief Inspector Joel Fuerte sina Ruther Roxas byente syete anyos, mekaniko at ang estudyanteng si James Apellido biente kwatro anyos. Nakuha mula sa dalawang suspek ang dalawang sachet ng suspected shabu, drug paraphernalia, at dalawamg empty cartridge ng 9mm na baril.
Ang mga suspek ay natimbog sa Barangay Libertad Surallah, alas kwatro ng madaling araw kahapon.
Abot naman sa labinpito katao ang naaresto ng mga otoridad sa Purok Lovers, Barangay Ambalgan, Sto, Nino, South Cotabato magaalas onse ng umaga kahapon
Nakuha sa mga ito ang iba’t ibang sized ng sachet ng suspected shabu, baril, granada at drug paraphernalia.
Ang Barangay Ambalgan ay kilalang bagsakan ng illegal na droga na dinadala sa iba’t baing lugar sa South Cotabato
Ang anti illegal drug operation sa lugar ay isinagawa ng pinagsanib na pwersa ng Sto. Nino PNP, Norala PNP, National Bureau of Investigation, Highway Patrol Group at Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA 12.
Ito ay dahil na rin sa bisa ng search warrant ng korte.
Inihahanda na ng pulisiya ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa mga inarestong drug suspek.

Cotabato Light announces Dec. 3 NGCP-initiated power interruption

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company (Cotabato Light) today announced the scheduled power service interruption of the National Grid...

Bangsamoro town hall to rise in Mapun island

COTABATO CITY – The most isolated municipality in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) will soon have its own new municipal...

Former guerilla-medics now barangay health workers

COTABATO CITY - The Bangsamoro government has initially employed 1,049 former combatant-medics of the Moro Islamic Liberation Front, among them women...

Estudyante na isang CAFGU, patay sa pamamaril sa Pikit

ESTUDYANTE, patay sa pamamaril sa isang paaralan sa Barangay Ginatilan, Pikit, North Cotabato ngayong umaga ng November 29, 2023. Sa inisyal na...

NDBC BIDA BALITA (Nov. 29, 2023)

HEADLINES 1   SPECIAL Investigation Group, binuo upang resolbahin ang pagpatay sa Indian national sa Datu Paglas 2  ...