Tuesday Nov, 29 2022 06:12:23 AM

NDBC BIDA BALITA (Jan. 5, 2021)

NDBC BALITA • 10:00 AM Tue Jan 5, 2021
904
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

HEADLINES:

1.  24 new COVID-19 cases, naitala sa Region 12, sampu dito taga-North Cotabato, isa lang naitala sa BARMM

2.   Uuwing taga South Cotabato mula sa ibang bansa, dapat magpa-quarantine, ayon kay Gov. Tamayo 

3.   Kidapawan City mayor, iginiit na dapat iwasan ang mass gathering dahil mataas na ang kaso ng local transmission 

4.   Mini dump truck sinunog sa North Cotabato, suspects, tinutugis ng PNP

5.   Bilang ng mga nasaktan dahil sa paputok sa pagsalubong sa New year, bumaba ngayong taon, sabi ng DOH

6.   LALAKI na umawat lang sa nag-aaway na mga kalalakihan sa Dau Odin Sinsuat, Maguindanao, aksidenteng nabaril.

7.  Collection ng South Cotabato provincial treasurer’s office sa 2020, bumagsak ng halos P43 million. Treasurer, nagpaliwanag. 

 

‘ANG DETALYE NG MGA BALITA…. SUSUNOD’

 

-0-

 

Local………………..

Umaabot na sa 4,778 ang total coronavirus infection sa Region 12 matapos naitala ng Department of Health ang 24 na panibagong kaso kagabi.

Sinabi ng DOH na sampu sa mga bagong pasyente ay taga North Cotabato, tig-apat sa Sultan Kudarat at General Santos City, tatlo Cotabato City, dalawa South Cotabato at isa sa Sultan Kudarat.

Kahapon din, iniulat ng DOH ang 14 na mga pasyenteng gumaling.

Dahil dito, meron na ngayung 4,268 recovered patients sa rehiyon.

Sa 14 na mga pasyenteng gumaling, anim ang taga South Cotabato, lima General Santos City at tig-iisa sa Cotabato City, Sultan Kudarat at North Cotabato.

Bahagyang umakyat ng hanggang sa 340 ang active cases habang nanatili naman sa 169 ang bilang ng mga nasawi sa Region 12.

Sa Bangsamoro Region, isa lang ang nadagdag na bagong kaso ng Covid-19, ayon kay BARMM health minister Dr. Ameril Usman.

-0-

Local..

Nadiskubre ang isang pinaghihinalaang drug den matapos magsumbong ang isang concerned citizen sa mga Barangay officials sa Purok Paraiso, Barangay Rosary Heights-7, Cotabato City.

Ang lugar ay isang abandonadong bahay may masukal na bakuran na nasa gilid ng ilog.

Hindi na inabutan ang mga suspek sa lugar matapos na tumakas ng matunugan diumano ang mga paparating na mga police mula station 2.

Naiwan ng mga suspek ang mga drug paraphernalia, ilang empty sachet at isang pakete na may lamang pinaghihinalaang shabu, ID, isang payong paying tricycle at mga panabong na manok.

Inaalam na ng PNP ang may ari ng bahay at patuloy ang paghahanap sa mga suspek.

 

 

-0-

Local………………..

LALAKI na ang intensyon ay maawat ang nag-aaway sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao, aksidenteng nabaril.

Malubha na isinugod sa pagamutan si Rene Feliciano, ang 52 taong gulang na umawat sa isang away sa isang Beach resort sa Datu Odin Maguindanao.

Batay sa kwento ng anak ng biktima, nilapitan ng kanyang ama ang isang grupo ng mga kalalakihang nagkakagulo sa tabing dagat upang umawat ng bigla na lamang diumano itong binaril ng isa sa mga lalaking sangkot sa away gamit ang isang 9mm pistol.

Nagtamo ng dalawang tama ng bala sa kanyang likod ang biktima at patuloy ngayong nilalapatan ng lunas sa pagamutan habang nagpapatuloy naman ang imbestigayon ng PNP sa insidente.

-0-

Local………………..

TATLONG KASO NG FIRECRACKER RELATED injury ang naitala sa Bangsamoro Region sa pagsalubong sa bagong taon.

Lahat ng mga ito ay minor injuries lang at hindi life threatening case.

Isa ang tinamaan ng stray bullet sa Maguindanao, ayon kay BARMM health ministry Dr. Amirel Usman.

SA pangkalahatan, ayon kay Dr. Usman, mapayapa ang pagsalubong sa bagong taon.

-0-

local...

Pinaghahanap na ngayon ng mga pulis ang limang mga lalaki na sinasabing suspect sa panununog ng isang mini dump truck sa Purok 1, Barangay Dolores, Antipas, Cotabato, alas-10:30 ng gabi nitong sabado.

Tinatayang nasa P350,000 ang halaga ng mini dump truck na sinunog ng mga suspect habang inaalam pa sa ngayon ang motibo nito.

Ayon sa ulat ng Antipas PNP, alas-11:10 ng gabi nang makatanggap sila ng tawag patungkol sa insidente.

Ayon kay Antipas PNP Chief Police Captain John Calinga, naturang sasakyan ay pagmamay-ari ng LTB Builders and Construction Company. Agad naman silang nagtungo sa lugar ng pinangyarihan ng panunununog kasama ang Charlie Company ng 72nd IB Philipinne Army at ang BFP-Antipas.

Sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na ang kulay asul na Mini Dump Truck na may license plate RHJ 416 ay sinilaban ng mga suspek gamit ang gaas.

Isa sa mga posibleng dahilan anya ng panununog ay napagtripan lamang dahil hindi naman nakatanggap ng extortion o anumang ulat ang PNP na gawa ito ng anumang teroristang grupo.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad para tukuyin ang mga salarin at motibo ng mga ito para gawin ang insidente.

-0-

local...

Hindi na nakapalag pa ang 20 anyos na binata matapos na makuhanan ng dried marijuana leaves sa Purok 2 Barangay Del Carmen, Pres. Roxas, Cotabato, pasado alas 12:00 ng tanghali.

Kinilala ang naaresto na si Daniel Montero, isang rubber tapper at residente ng Purok 1, Lot 60, Barangay Labu-o ng nasabing bayan. Ayon sa ulat ng President Roxas PNP, dumulog sa kanilang himpilan ang isang dalaga at inireklamo ang suspek dahil sa sekswal na pang-aabuso umano nito sa kanya.

Agad namang umaksyon ang mga pulis at nagsagawa ng hot pursuit operation laban sa suspek hanggang sa ito'y nahuli.

Sa di inaasahang pagkakataon, nang kapkapan ng mga otoridad ang suspek, nakumpiska mula sa pag-iingat nito ang dalawang kulay berdeng cellophane na naglalaman ng dried marijuana leaves.

Sa ngayon kulong na sa President Roxas PNP ang suspek at kakaharapin ang mga kaukulang kasong isasampa laban sa kanya.

-0-

local...

Nagpapatuloy ngayon ang isinasagawang search and retrieval operation ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office o MDRRMO Tulunan matapos na pinaniniwalang nalunod sa ilog ang isang senior citizen sa Purok 7, La Ezperanza, Tulunan, Cotabato.

Ayon kay Tulunan MDRRMO Head Engr. Ernie Diaz, magdadalawang araw nang nawawala ang 74-anyos na lolo mula nang makita ang kanyang kapares na tsinelas malapit sa ilog ng Malasila River, alas nuebe ng umaga nitong linggo.

Paniwala ng kaanak ng biktima, maaaring nalunod ito pero wala nakasaksi sa insidente at umaasa pa rin makakauwi pa ito sa kanila. Pahirapan din ang search and rescue ng MDRRM dahil sa nararanasang pag-ulan sa lugar.

Ngayong umaga, muling ipagpapatuloy ng MDRRM ang retrieval operation sa lugar. Samantala, muli namang nagpaalala ang nasabing tanggapan lalo na sa mga malapit sa ilog na mag-ingat ngayong may mga pag-ulan dahil mataas ang lebel ng tubig at madulas ang gilid na dinaraanan.

-0-

local...

Simula ngayon mahigpit ng ipapatupad sa Kidapawan City ang pagbabawal na lumabas ng 65 years old pataas at 15 years old below kung hindi naman mahalaga.

Ito ang sinabi ni City Mayor Joseph Evangelista matapos mas lumubo pa ngayon ang kaso ng COVID-19 sa lungsod kung saan karamihan sa mga ito nakuha sa virus sa pagsasagawa ng social gathering. Nilinaw naman ni Evangelista na walang ipapatupad na lockdown sa lungsod pero kung patuloy na lulubo ang bilang ay posibleng ibabalik ang paggamit ng ID system.

Aminado rin ang alkalde na halos puno na ang Temporary Treatment and Monitoring Facility maging ang Apo Summit Isolation facility pati na ang private hospitals kung saan umabot na ngayon sa 37 ang positive cases sa lungsod. Sa nasabing bilang anim na ang nasawi kung kaya’t mahigpit na ipagbabawal ang paglabas lalo na ang may mga medical underlying condition.

Muli ipinaalala ng alkalde ang pagbabawal sa pag “tapok-tapok” “pagtagay-tagay” upang hindi na muling madagdagan pa ang kaso ng sakit. 

-0-

local...

Sa pagsimula ng bagong taon, mas tumaas din ang mga naitatalang bagong kaso ng COVID-19 infections sa buong North Cotabato. Kagabi lamang, sampu ang naiulat na bagong kaso ng sakit.

Kung saan anim dito ay mula sa Kidapawan City habang tig dalawa naman mula sa Makilala at Matala, North Cotabato.

Sa ngayon, patuloy pang nagpapagaling ang mga pasyente sa kani-kanilang municipal isolation facility at Temporary Treatment and Monitoring facility para sa 14-day mandatory period.

Isa naman ang naiulat na recovery na mula sa lungsod Muli ding nagpapaalala ang health authorities sa publiko na maging maingat sa sarili upang hindi na mas dadami pa ang kaso ng sakit s abuong probinsya.

-0-

local...

Inutusan na ni Koronadal Mayor Eliordo Ogena ang City Social Welfare and Development Office o CSWDO na magbigay ng kaukulang tulong sa mga mamamayang nasunugan sa lungsod noong December 31.

Ayon kay Ogena maliban sa mga pagkain magbibigay din ng pinansiyal na tulong sa mga biktima ang city government. Ipinahayag din ng alkalde na kung walang malilipatan maglalaan din ng relocation site ang Koronadal LGU sa mga nasunugang pamilya. Pero ayon kay Ogena una munang ibibigay ang mga kinakailangan nila sa ngayon.

Tiwala naman ang alkalde sa kabila ng sunod sunod na mga trahedya tulad ng COVID-19, baha at sunog makakabangon pa rin ang Koronadal City. Voice clip…Si Koronadal Mayor Eliordo Ogena Matatandaan na abot sa sampung mga establisemento ang naabo sa sunog sa Koronadal bago magbagong taon. Ito ay nakapekto naman sa walong mga pamilya.

Ang insidente ay tumupok sa mahigit 2.7 million pesos na halaga ng mga ari-arian. Wala pang kumpirmasyon ang Bureau of Fire Protection o BFP sa sanhi ng sunog.

-0-

local...

Obligadong sumailalim sa 14-day quarantine ang mga OFW at bakasyonista na papasok sa South Cotabato mula sa dalawampung mga bansa na may travel ban sa Pilipinas mula December 30,2020 hanggang January 15,2021.

Ito ay ipinagutos ni Governor Reynaldo Tamayo Jr. Kabilang sa mga bansang ito ang United Kingdom, Denmark, Ireland, Japan, Australia, Israel, The Netherlands, Hongkong, Switzerland, France, Germany, Iceland, Italy, Lebanon, Singapore, Sweden, South Korea, Canada at Spain. Ang mga bansang ito ay nakitaan kasi ng mas madaling makahawa na bagong COVID-19 virus strain .

Binigyan diin din ni Tamayo na bagama’t exempted sa travel ban ang mga Filipino citizens mula sa nasabing bansa, kailangang mag-quarantine muna ang mga ito sa mga pasilidad lamang ng gobyerno. Iniutos din ng gobernador ang mas maigting na border control sa mga Pilipino mula sa mga bansang may travel ban.

Inutusan din ni Tamayo ang PNP na tulungan ang mga local government unit sa paqpapatupad ng kanyang executive order para mapigilan pagpasok ng bagong strain ng COVID-19 virus sa South Cotabato.

Kasunod din ito sa utos ni Tamayo na pagpapalawig ng Modified General Community Quarantine o MGCQ sa lalawigan hanggang sa January 31.

-0-

local...

Nakapagtala ng labinapat na mga kaso ng firecracker related inury ang Department of Health o DOH sa region 12 mula December 21 hanggang January 1.

Ito ay mas mababa naman ng 51 cases na namonitor nila sa SOCCKSARGEN sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Ayon kay DOH 12 Health Education and Promotion Officer Arjohn Gangoso, base ito sa datus na nakuha nila sa mga rural health units at ospital sa rehiyon.

Nilinaw naman ni Gangoso na sa kabila nito, wala namang naputulan ng bahagi ng katawan dahil sa paputok at tinamaan ng ligaw na bala sa rehiyon. Sinabi ni Gangoso na pinakamaraming anim sa mga sugatan ay naitala sa South Cotabato, apat sa Sultan Kudarat, dalawa sa General Santos City at iisa sa Sarangani Province at North Cotabato.

Lahat na mga biktima ayon kay Gangoso ay nasa mabuti nang kalagayan matapos maipagamot. Pinakabata sa mga nasugtan dahil sa paputok sa rehiyon ayon kay Gangoso ay four years old at pinakamatanda naman ay 31 years old.

Apat sa mga ito ay nagtamo ng eye injury habang ang iba naman ay napaso. Ipinahayag din ni Gangoso na walo sa mga sugatan ay gumamit ng kwitis o sky rocket, dalawa ang nagpaputok ng boga at may tig iisang biktima naman ang pla-pla, sparkler, fountain, at di pa matukoy na devices.

Magtatagal ang monitoring ng DOH 12 sa firecracker related injury hanggang ngayon araw.

-0-

local...

Target ng provincial treasurer’s office ng South Cotabato na makalikom sana ng 2.268 billion pesos mula sa tax collection at economic enterprise ng lalawigan noong 2020. Pero ayon kay Provincial Treasurer Alvin Batol abot lamang sa 2.225 billion pesos ang kanilang nakolekta hanggang noong December 31.

Ibig sabihin nito ayon kay Batol kinulang sila ng mahigit 43 million pesos. Paliwanag ni Batol, itinigil kasi pansamantala ng provincial government ang economic enterprise nito noong nakaraang taon. Bunsod ito ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay batol sa loob ng ilang buwan hindi kumita ang provincial government ng South Cotabato sa Zipline sa Lake Sebu. Bukod dito ayon kay Batol ini-waived din ng lalawigan sa loob ng dalawang buwan ang rental sa sports complex, at South Cotabato Gym.

Kaya ayon kay Batol para makabawi ngayong 2021 tutukan ng kanilang tanggapan ang economic enterprise ng lalawigan na may malaking income, professionl tax at real property tax. Voice Clip…Si South Cotabato Provincial Treasurer Alvin Batol

-0-

LOCAL..

NAGPAPATUPAD NA NG mas mahigpit na health protocols ang Minsitry of Health sa Bangsamoro Region in Muslim Mindanao sa Basulta o Basilan, Sulu at TAwi-TAwi area.

Sinabi ni BARMM Health Minister Dr. Ameril Usman sa panayam ng Radyo Bida ngayong umaga, pinakiusapan ng regional government ang Malayasia, lalo na sa Sabah, Malaysia local government authorities na i-delay muna ang pagpapa-uwi sa mga Pinoy mula sa naturang bansa.

Ito ay upang maiwasan ang pagpasok sa bansa ng bagong variant ng Covid-19 na naitala na sa Malaysia.

-0-

Local..

MAINIT, SIKSIKAN at mabagal ang proseso.

Ito ang reklamo ng mga dating OFW na umuwi sa Cotabato City at Maguindanao na pumila para makatanggap ng ayuda mula sa Overseas Workers Welfare and administration OWWA-BARMM.

Ayon kay OWWA-BARMM Regional Director Uga Sulaiman, halos P13 million na ang nailabas ng kanyang tanggapan para sa mga OFWs na nakauwi dahil sa pandemiya.

Makikita sa social media posts ng mga OFW ang baha ng pila sa OWWA office sa Quezon Avenue o Parang Road kahit napakainit ng panahon.

-0-

 

NARITO ang mga balitang mula sa Tingog Mindanao Radio Alliance o TIMRA hatid ng MX3 CAPSULE AND TEA na ipinamamahagi ng DMI Medical Supplies.

SA DAVAO CITY, ITUTULOY NG STA. ANA PNP ang pagpapatupad ng household lockdown dahil sa mataas pa rin na kaso ng Covid 19 sa Barangay Sta Ana. 

May 54 mga bahay at compound ang isinailalim sa lockdown at pinagbawalan ang mga miembro ng tahanan na lumabas upang huwag kumalat ang virus na mula sa kanilang kamag-anak. 

Sinabi ni Sta Ana PNP station chief Major Benkalin Baluan karamihan sa mga kaso sa Sta Ana area ay nahawa mula sa kanilang kamag-anak na unang nagpositibo.

Wala aniyang transmission sa barangay kundi sa mga bahay-bahay lang. Lockdown din ang buong barangay at walang maaring pumasok o lumabas.

Meron naman silang sapat na food supplies mula sa city government, kabilang ang tubig inumin.

-0-

SA BUTUAN CITY, huli ang isang dating barangay kapitan, isang dating kagawad at isang incumbent barangay kagawad dahil sa pagdadala ng hindi lisensyadong baril. Kaugnai ito ng pinalakas na kampanya kontra loose firearms.  May threat daw sila kaya nagdadala ng baril yon nga lang walang lisensya.

SA LANAO DEL NORTE, nais ni Emilyn Manamparan, ang ina ng 12 taong gulang na batang tinamaan ng ligaw na bala noong kasagsagan ng pagsalubong sa bagong taon na kasuhan na ang mga suspect.  Kapitbahay ng pamilyang Manamparan ang mga natukoy na nagpaputok ng baril pero hindi pa sila nadakip at di pa nakasuhan.

SA VALENCIA CITY sa Bukidnon, ipinasara ni City Mayor Azucena Huervas ang Rizal Park at ang Riverside boulevard upang limitahan ang kilos ng mga tao kasunod ng patuloy na pag-taas ng mga kaso ng Covid-19.

SA ZAMBOANGA CITY, nakatakdang ipatupad ng Zamboanga City local government unit ang restrictions o pagbabawal sa mga pasaherong papasok sa lungsod mula sa Basulta o Basilan, Sulu and Tawi-Tawi at Malaysia.  Dahil ito sa banta ng bagong Covid 19 variant na meron na sa Sabah, Malaysia.

 

Pagpatay sa mga kasapi ng CAFGU sa Buldon, Maguindanao Norte, kinundina ng 6th ID

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – Mariing kinundena ng pamunuan ng 6th Infantry Division ang pamamaril sa mga kasapi ng civilian active auxiliary...

Bigtime oil price rollback on Tuesday, Nov. 29

MANILA – Oil companies today started implementing rollback on prices of petroleum products. The pump prices of diesel was but by P3.95 per liter...

Explosion naganap sa Pikit, North Cotabato

ISANG pagsabog ang natala sa Sitio Pogpog Brgy., Poblacion, Pikit, Cotabato bandang alas 10:20 kagabi, November 27, 2022. Ayon sa mga residente,...

Unknown to him, man sells carnapped motorbike to its owner

NABULAGA ANG DALAWANG mga suspek matapos na malamang ang pinagbentahan nila ng kanilang nakaw na motorsiklo ay ang mismong may-ari nito. Una nito...

P102,000 worth shabu seized from 3 drug den operators

COTABATO CITY – Anti-narcotics agents seized P102,000 worth of shabu from three operators of a clandestine drug den entrapped in Datu Odin Sinsuat,...