Monday Jul, 04 2022 01:48:27 PM

NDBC BIDA BALITA (Jan. 9, 2021)

NDBC BALITA • 08:15 AM Fri Jan 8, 2021
778
By: 
NDBC NCA

HEADLINES:

1.  Cream bread na may palaman na cellphone sa loob ng Yellow Bus, napagkamalang bomba, pinasabog sa Kidawapan terminal 

2.  Dalawa pa, nasawi sa Region 12 dahil sa Covid-19. Sila ay taga GenSan at Koronadal City

3.  Mga labi ni PAL flight attendant Christine Dacera nasa Gen. Santos City na.

4.  State of Calamity, inirekomenda na ipatupad sa Kidapawan dahil sa maraming kaso ng Covid-19.

5.  Municipal price coordinating council nais matatag ng DTI-South Cotabato para matiyak ang kapakanan ng mamimili.

6.  Kidapawan Councilor Ruby Sison, sinagot ang hamon ni Mayor Evangelista

7. Pagbaba ng firecracker related injury sa South Cotabato, dahil sa mahigpit na policy ng pamahalaan, ayon kay Dr. Rogelio Aturdido Jr. 

 

ANG DETALYE NG MGA BALITA…. SUSUNOD’

-0-

Local………………..

DALAWA PANG COVID-19 patients ang nasawi sa Region 12.  Isa dito ay taga Koronadal at ang isa ay taga Gen. Santos City.

Dahil diyan, ang total deaths related to Covid-19 sa rehiyon ay abot na sa 138.

Kahapon, naitala ng DOH-12 ang 47 new infections kung saan 13 ay mula Gen. Santos City, tig-siyam sa Isulan at Tacurong City sa Sultan Kudarat, tig-apat sa Kidapawan City at Malungon, Sarangani.

Tig-dalawa sa Tulunan, North Cotabato at Kalamansig, Sultan Kudarat habang tig-isa sa Makilala, Mlang, Polomolok at Palimbang.

May 45 pasyente naman ang gumaling. Pinakamarami ang naka-recover sa Gen. Santos City na may 21 habang 18 naman sa Maitum, SArangani.

-0-

Local …………………….

SAMANTALA, sa BARMM, pito ang bagong kaso ng Covid 19 infections batay sa pinakahuling ulat ng Bangsamoro Inter-Agency Task Force.

At lahat ng bagong kaso ay taga Maguindanao.

Wala namang iniulat na gumalit sa BARMM at ang active cases ay nasa 89 mula sa total confirmed cases na 2,597.

-0-

LOCAL…

PANSAMANTALANG isinara ang tanggapan ng Bureau Internal Revenue District Office sa Kidapawan City upang isagawa ang disinfection.

Ito ay matapos na pagdudahan ang isa nitong kawani na nagpakita ng ilang sintomas ng Covid-19.

Siya ay nagpositibo na sa rapid test at nakatakdang i-swab upang makumpirma.

Ang pagsasara ng BIR district office ay tatagal hanggang sa linggo kayat sa lunes, January 10 ay bukas na uli ito.

Nilinaw naman taga BIR na tumatanggap pa rin sila ng mga nais bumili ng stamps at mga magbabayad pero hanggang sa lobby lamang.

-0-

Local………………..

UMAABOT SA P19 million ang kabu-uang halaga ng illegal drugs ang nakumpiska ng PDEA sa ibat ibang operation sa Region 12 nitong nagdaang taon.

Sinabi ni PDEA-12 Regional Director Naravy Duquiatan na nakapagsagawa ang kanyang tanggapan ng 1,363 anti-illegal drug operations mula Enero hanggang Disyembre 2020 na nagresulta sa pagka-aresto ng 1,316 katao.

Nalulungkot na ibinalita ni Duquiatan na may 132 drug suspects ang nasawi sa operation.

Aniya, maganda ang accomplishments subalit nakalulungkot na kailangang pang may masawi sa kampanya kontra droga.

-0-

Local………………..

MAS PINALAKAS PA ANG MANPOWER RESOURCES ng Maguindanao Integrated Provincial Health Office.

Sinabi ni Maguindanao provincial health chief Dr. Elizabeth Samama na ang Ministry of Health sa Bangsamoro Region ay nagtalaga ng 400 new midwives para sa Maguindanao.

Ito ay magsisilbing frontliner sa 508 barangays ng lalawigan.

Ayon kay Samama, nagagalak siya at binibigyang prioridad ng BARMM leadership ngayong 2021 ang kalusugan ng mga mamamayan.

Inamin ni Samama na kahti nagbigay na ng 400 midwives ang MOH-BARMM, mangangailangan pa din ng may 200 na bagong midwives ang lalawigan.

 

-0-

Local……………………

NASA GEN. SANTOS CITY na ang mga labi ni PAL flight attendant Christine Dacera.

Mismong ang airplane company na kanyang pinagtrabahu-an ang nadala ng kanyang mga labi kahapon at dumating sa GenSan alas 10 ng umaga.

Pagdating sa airport, agad na itinuloy sa St. Peter Chapels ang mga labi ni Dacera para sa kanyang lamay.

Hustisya pa rin ang sigaw ni Sharon Dacera, ang ina ng pumanaw na flight attendant na sinasabing nilasing, pinainum ng droga at ginahasa.

-0-

local...

NANGAKO ANG Philippine Drug Enforcement Agency sa BARMM na itutuloy nito at palalakasin ang kampanya kontra illegal drugs.

Kasunod ito ng dalawang anti-drug operation sa Maguindanao na nagresulta ng pagkakumpiska ng P8.5 million na halaga ng shabu sa Datu Odin Sinsuat at sa Sultan Kudarat towns.

Sa isang pahayag, sinabi ng PDEA-BARMM na nagagalak ito at parami nang parami ang mga nagbibigay ng impormasyon sa kanilang tanggapan hinggil sa operation ng illegal drutgs at mga drug peddlers.

Nangako rin ang PDEA na di ito titigil sa pagtugis kay Saddam Abubakar alias Saddam, ang drug peddler na nakatakas sa isinagawang anti-drug operation sa Sultan Kudarat pero naiwan ang ibinibenta niyang isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P6.8 million.

-0-

local...

Sa pamamagitan ng Resolutions number 1, 2 and 3 s. of 2021, inirerekomenda ng City Disaster Risk Reduction and Management Council ang pagdeklara ng state of calamity sa buong Kidapawan City dahil sa epekto ng COVID-19.

Kasabay din nito ang pagpapalabas ng pondo ng City Government sa abot dalawampung milyong piso na ibibili ng COVID-19 vaccines para maprotektahan ang mamamayan laban sa sakit. Pinangunahan ni City Mayor Joseph Evangelista ang meeting ng CDRRMC kung saan napagkasunduan na gagamitin ang bahagi ng LDRRM Fund para tustusan ang kinakailangang bakuna.

Sakop ng P20 Million DRRM fund ang pambili ng COVID-19 vaccines, apat na mga bagong ambulance at IEC Materials, ayon pa sa CDRRMO. Manggagaling ang pondo mula sa bahagi ng LDRRM fund para sa 2021 at 2020.

Basehan ng pagdedeklara ng State of Calamity ang Presidential Proclamation number 922 ni Pangulong Rodrigo Duterte na naglalagay sa buong bansa sa National State of Health Emergency kasabay ng pagdedeklara mismo ng World Health Organization na isa ng ganap na pandemya ang Covid19, at ang paragraph 1 ng Criteria for Declaration of State of Emergency ng NDRRMC Memorandum Order number 60.

-0-

Rice importation ng Vietnam sa bansang India, wake-up call sa sektor ng agrikultura sa Pilipinas – ayon kay MinDa Chair Pinol 

Ito ang naging pahayag ni Mindanao Development Authority Secretary Emmanuel Pinol sa panayam sa Radyo BIDA hinggil sa usapin ng banta ng pagkulang ng supply ng produksyon ng palay sa bansa na maihahantulad sa nangyaring pag angkat ng bigas ng bansang Vietnam kamakailan sa ka-kompetensya nito sa world market na bansang India.

Napatunayan lamang daw nito ang kanyang dati ng pahayag na hindi dapat umasa ang Pilipinas sa pagexport ng bigas sa ibang bansa dahil kahit ang nangungunang exporters ng bigas sa buong mundo kagaya ng bansang Vietnam ay nakitaan ng pagbaba ng produksyon ng bigas rason upang sila ay mag-angkat.

Inasahan na anya ito ng kalihim, na matagal ng isinusulong ang reporma sa polisiya ng agrikultura partikular sa produksyon ng palay.

Dagdag ni Pinol, dapat anyang magkaroon ng clear policies ang gobyerno upang hindi mahikayat ang mga rice farmers na lisanin ang pagtatanim dahil sa pagdami ng imported rice sa bansa. Na anya nagiging dahilan ng kompetensya sa mga local producers ng bansa na siyang dahilan upang bumagsak ang presyo nito.

-0-

local...

Nagpapagaling na ngayon sa ospital ang mag live in partner matapos na pagtatagain ng suspect na sinasabing may problema sa pag-iisip sa Purok 5, Barangay Kibudtungan, Carmen, Cotabato, alas-5:30 ng umaga kahapon.

Kinilala ang mga biktima na sina Johnny Diparene, 32 years old, isang magsasaka at Jovelyn Monares, 18 years old, na pawang mga residente ng nasabing lugar. Patay naman ang suspek na kinilalang si Ellie Parat Talipjon, 37 years old, isang magsasaka at residente din ng lugar.

Ayon sa imbestigasyon ng PNP, lumalabas na bigla unang kinatay ng suspect ang mga manok na nasa bakuran ng biktima at ininom pa ang dugo nito.

Matapos gawin ay agad ding pumasok sa bahay ng mga biktima at pinagtataga ang maglive-in partner na ikinasugat sa ibat-ibang bahagi ng kanilang katawan. Pero nagawa pa umanong makahablot ng martilyo ang lalaking biktima at pinukol sa ulo ng suspect dahilan din ng kanyang agarang pagkamatay.

Ayon kay Police Major Rey Salgado ang hepe ng Carmen PNP, batay sa kanilang imbestigasyon pinaniniwalaan may problema sa pag-iisip ang suspek dahil sa ilang araw na umanong hindi nakakatulog at palaging lango sa nakakalasing na inumin. Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang mas malalimang imbestigasyon ng otoridad sa nasabing insidente.

-0-

local...

Iniimbestigahan na ngayon ng mga otoridad kung ano ang motibo at sino ang responsible sa pag-iwan ng supot na pinaniniwalaang bomba sa Kidapawan City particular sa Overland Terminal alas 2:00 ng hapon kahapon.

Sa panayam ng Radyo BIDA kay Kidapawan City PNP Chief Police Lt. Col Ramel Hojilla, sinabi nito natagpuan ang nasabing unattended item sa loob ng yellow bus line na galing sa Tacurong City. Agad din itong na di-nisrupt ng Explosive and Ordnace Disposal Team at batay sa inisyal na pagsisiyat kinumpirma ng PNP na negatibo sa pampasabog o IED ang supot ng may lamang tinapay, cellphone at battery na natagpuan sa compartment ng bus.

Ayon kay Hojilla, walang nakitang anumang denonating at triggering device maging shrapnel na component ng IED. Sinabi ng hepe na wala naman silang natatanggap na pananakot o pagbabanta mula sa anumang grupo hinggil sa pagpapasabog pero gayun paman, mas hinigpitan pa ng mga pulis ang pagbabantay sa lahat ng papasok at paglabas ng lungsod kasunod ng nasabing insidente.

Samantala, ayon naman kay City Mayor Joseph Evangelista na hindi magpapatupad ang LGU ng temporaryong pagpapasara ng Overland Terminal.

-0-

 

Upang hindi na muli pang sumiklab ang tensiyon sa pagitan ng Pananggulon at Pendatun Clan sa sa Sitio Pedtad, Brgy Gaunan, Mlang, North Cotabato, patuloy namang tinututukan ng mga local government units ng Mlang, Tulunan sa North Cotabato at General SK Pendatun sa Maguindanao, ang mga nararapat na hakbang sa usaping boundary conflict.

Sinabi sa Radyo Bida ni Mlang Mayor Russel Abonado na matapos ang isinagawang pease dialogue sa pagitan ng dalawang pamilya nitong nakalipas na buwan, hindi na muli pang sumiklab ang nangyaring gulo.

Matatandaang abot sa 50 pamilya ang lumikas sa nasabing lugar nitong Disyembre pero sa ngayon, siniguro ng bawat LGU na masusunod ng dalawang mga pamilya ang kanilang naging kasunduan upang hindi na muling maipit pa ang mga sibilyan.

Habang tuloy ang legal intervention ng pamahalaan, tigil putukan din ang magkabilang panig habang inaayos ang usaping land conflict at bawal din ang pagdadala ng armas matapos itong ideklarang zone of peace Nabatid na una na ring sinuri ng mga assessor at geodetic engineer ang lugar upang matukoy ang political boundary na siyang pinag-aawayan ng mga dalawang grupo mula pa noong 2007. 

 

 

-0-

local...

Magsasaka patay sa pananaga ng kapitbahay sa Polomolok, South Cotabato

Kinilala ng Polomolok Deputy Chief of Police Captain Randy Apostol ang nasawing biktima na si Jesus Serdeña, 38 years old, magsasaka at nakatira sa Barangay Upper Klinan, Polomolok, South Cotabato.

Ayon kay Apostol si Serdeña ay nataga ng lagaraw nang mapadaan sa tapat ng bahay ng kapitbahay at matagal nang nakaalitan na si Olegario Hitosa, 45 years old.

Ito ay habang naglalakad para sana bumili ng sigarilyo sa isang sari-sari store. Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng Polomolok PNP na bago ang pananaga nagtalo pa ang biktimang si Serdeña at suspek na si Hitosa na empleyado ng Polo Samahang Nayong Cooperative.

Ayon kay Apostol ang insidente ay nasaksihan pa ng kapatid ni Serdeña na hiningan nito ng tulong. Ang biktimang si Serdeña ay agad na binawian ng buhay sanhi ng malubhang taga sa ulo at kaliwang kamay. Matapos ang krimen agad namang tumakas ang suspek na si Hitosa pero siya ay nahuli din sa hot pursuit operation ng mga pulis.

Nakuha sa kanya ng mga ito ang lagaraw na ginamit umano sa krimen. Ayon kay Apostol inihahanda na ng Polomolok PNP ang kaukulang kaso laban sa suspek na si Hitosa. 

-0-

local...

Magkaroon din dapat ng functional na local price coordinating council o LPCC ang mga munisipyo sa South Cotabato.

Binigyan diin ito ni Department of Trade and Industy o DTI South Cotabato Provincial Director Rectoniel Regenio. Ayon kay Regenio dapat ay katuwang ng provincial coordianting council sa pag-monitor ng supply at presyo ng mga pangunahing produkto ang kanilang mga counterpart sa municipal level.

Aminado naman ni Regenio na hindi maaring magtalaga ng suggested retail price o SRP ang LPCC Pero maaring matukoy ng mga ito kung magkano dapat ang itataas sa presyo ng mga basic commodities sa isang lugar.

Layon din nito ayon kay Regenio na maprotektahan ang mga mamimili. Voice Clip…Si DTI South Cotabato Provicial Director Rectoniel Regenio Nauna nang kinumpirma ni Regenio na pinadalhan na nila ng letter of inquiry ang mga pangunahing trader sa Koronadal City.

Ito ay upang pagpaliwanagin sa mas mataas na SRP ng ilang mga produkto lalo na ng mga noche Buena items noong Holiday Season

-0-

local..

Isilbi ang mga locally produced na kape sa mga pagpupulong at iba pang kahalintulad na aktibidad.

Ito ang hiling ng Regional Development Council o RDC 12 sa pamamagitan ng resolusyon sa mga local government unit o LGU sa rehiyon.

Layon nito na lalo pang ma-promote ang mga kape ng Soccksargen. Ayon sa RDC 12 ang kape ay isa sa labin anim na prayoridad na industry cluster sa rehiyon.

Ito ay suportado din ng Department of Trade and Industry o DTI. Sa katunayan ayon kay DTI 12 Regional Director Jude Constantine Jaugan, ang industriya ng kape ay isa sa mga tinulungan ng ahensya noong 2020.

Binigyan diin ni Jaugan na ang region 12 ay isa sa mga major coffee producers. Ipinahayag ni Jaugan na para mapaganda ang kalidad at lalo pang ma-promote sa merkado kailangan na matutukan ang coffee industry sa region 12.

Ayon sa RDC 12 ang 32.4 percent na kontribusyon sa coffee production ng rehiyon ang pinakamataas sa buong bansa. Kaya hindi rin imposible na kilalanin ang Soccksargen bilang Coffee capital ng Pilipinas.

-0-

local...

Bumaba ang firecracker related injury sa South Cotabato dahil sa maigting na kampanya laban dito ng mga otoridad, pakikipagtulungan ng publiko at ang pagbabawal din ngayon sa mga pagtitipon dahil sa pandemya. Ito ang paniniwala ni Provincial Health Officer Dr. Rogelio Aturdido Jr.

Ang Provincial Epidemiology and Surveillance Unit o PESO ng Integrated Provincial Health Office o IPHO ay nakapagtala ng labin isang firecracker related injury sa South Cotabato mula December 13 hanggang January 6.

Ayon kay Aturdido ito ay mas mababa ng 59 percent kumpara sa dalwamput pitong mga biktima nito sa kaparehong panahon noong nakaraang taon. Gayunpamnan nanawagan din si Aturdido sa mga nasugatan ng mga legal o iligal man na mga paputok na pumunta sa pinakamalapit na ospital. Ito ay upang mabigyan ng anti-biotic at makaiwas sa kumplikasyon.

-0-

local..

Pinakawalan kaagad ng mga kawani ng Community Environment Natural Resources Office o CENRO ng Department of Environment and Natural Resources o DENR 12 ang isang Dog toothed Cat Snake na kanilang na-rescue sa natural habitat nito sa Sitio Nacolil, Barangay Lago, Glan, Sarangani Province.

Ito ay ayon kay Glan CENRO Forester Abdul Cariaga. Ayon kay Cariaga ang nasabing ahas ay unang nakita ng concerned citizen at bantay dagat na si Efren Lahindo sa kanilang sampayan. Matapos hulihin ang ahas ay agad namang itong ibinigay ni Lahindo sa CENRO Glan.

Ayon kay Cariaga dahil walang sugat agad din nilang pinakawalan ang nailigtas na ahas. Pinuri naman ni Cariaga si Lahindo sa pag-rescue nito at pag-report sa ahensya sa nasabing ahas. Ang lahat na mga wildlife species sa Pilipinas tulad ng ahas na nailigtas sa Glan ay protektado ng Wildlife Resources Conservation and Protection Act.

Ang paghuhuli, at pagbebenta ng mga ito na walang permit ay mariing ipinagbabawal. Kaya panawagan ni Cariaga sa publiko agad na isumbong sa CENRO Glan ang mga lumalabag sa nasabing batas.

 

-0-

TIMRA

 

NARITO ang mga balitang mula sa Tingog Mindanao Radio Alliance o TIMRA hatid ng MX3 CAPSULE AND TEA na ipinamamahagi ng DMI Medical Supplies.

Niyanig ng MAGNITUDE 4.3 na lindol ang Zamboanga del Norte pero paggalaw abot hanggang Zamboanga del Sur at Zamboanga Sibugay kahapon.

Ayon sa ulat ng Phivolcs, naitala ang lindol alas-10:20 umaga at ang epicenter ay natukoy 32 kilometro mula sa timog ng Siocon, Zamboanga del Norte.

Wala namang naiulat na nasawi o nasaktan pero damages sa mga gusali at tahanan, inaalam pa ng otoridad.

-0-

SA CARAGA REGION, mahigit 1,500 mga mahihirap na mamayan ang nakatanggap ng certificate of land ownership award mula sa DAR sa kabila ng umiiral na pandemya nitong nagdaang taon.

-0-

SA DAVAO CITY, ipinatayo ng city government ang P10 milyong pisong halaga ng halfway house para sa mga dating NPA na sumuko na sa pamahalaan.

-0-

SA BUKIDNON, malapit nang matapos ang itinatayong airport sa bayan ng Don Carlos sa Bukidnon.  Katunayan, 98 percent complete na ang airport terminal, ayon kay town Mayor Victoria Ontanillas-Pizarro .

 

 

 

3 teens drowned in Lebak, Sultan Kudarat

COTABATO CITY  - Three teenagers were drowned and two elders survived while swimming at a beach resort in Lebak, Sultan Kudarat on Sunday...

P74K worth shabu seized from Tampakan drug ring

KORONADAL CITY - Anti-narcotics agents seized P74,000 worth of shabu from two drug den operators and three accomplices entrapped in Tampakan,...

Dating sundalo na wanted sa Lebak, naaresto ng PNP

LEBAK, Sultan Kudarat  - Naaresto ang isang wanted person na may kasong concubinage kahapon ng umaga, Hulyo 3,2022 sa Purok Langka, Brgy....

3 `serial' armed robbers in GenSan busted

GENERAL SANTOS CITY --- Three suspects in recent armed robberies here got busted as they motored through a checkpoint after divesting someone of...

Comelec urges barangay, SK voters to register starting Monday

MANILA – The Commission on Elections (Comelec) on Saturday reminded Filipinos eligible to vote in the Barangay and Sangguniang Kabataan (SK)...