Tuesday Nov, 29 2022 06:11:26 AM

NDBC BIDA BALITA (January 2, 2021)

NDBC BALITA • 22:00 PM Sun Jan 3, 2020
950
By: 
NDBC NCA

HEADLINES:

1.  Walang isa mang biktima ng paputok sa Cotabato City; 14 naman ang naitalang firecracker related injury sa Region 12

2.  Sa unang araw ng 2021, abot sa 24 katao ang nagpositibo sa Covid-19 sa Soccsksargen; sa BARMM, dalawa lang ang bagong kaso

3.  Kidapawan Bishop Bagaforo, umaasang magtapos na Covid, Dasal din niya na sana mga Pinoy maging mas makatao at mas maka-Diyos ngayong 2021

4.  Pamilya ng OFW ng South Cotabato na pinatay ng amo sa Kuwait, masaya sa desisyong bitay sa suspect

5.  Pagkamatay ng isang paring Dominican habang paakyat ng Mt. Apo, ini-imbestigahan pa ng mga otoridad sa Digos City

6.  Police Malabon, huli sa pagpaputok ng baril habang sinasalubong ang bagong taon.

6.  Isang bata sa Lanao del Norte, patay matapos na tamaan ng ligaw na bala bago mag New Year.

 

CUE VO………….. ‘ANG DETALYE NG MGA BALITA…. SUSUNOD’

 

-0-

 

LOCAL…

Walang nasaktan o nasugatan dahil sa puputok o ligaw na bala sa Cotabato City.

Ito na ang pang-siyam na taon na zero firecracker related injury sa lungsod, ayon kay Mayor Cynthia Guiani-Sayadi.

Pero, may mga inarestong kalalakihan dahil sa pagbebenta at pagsindi ng paputok habang sinasalubong ang New Year.

Ang mga inaresto ay lumabag sa Cotabato City ordinance 2144 na nagbabawal sa pagbebenta at pagsindi ng firecracker o paputok.

SA kabila ng umiiral na ordinansa at ang mahigpit na pagpapatupad ng firecracker ban, marami pa rin ang nagpaputok ng firecrackers at fireworks.

Nagkataon lang na di sila inabot ng mga otoridad kayat nakapagpaputok ng firecracker.

Marami naman ang gumamit ng tradisyunal na paingay.

-0-

 

Local…..

 

Sa buong Soccsksargen region, labing apat katao, ang nasugatan dahil sa paputok, ayon sa Dept of health 12.

Anim sa mga ito ay taga South Cotabato, apat sa Sultan Kudarat, dalawa sa Gen. Santos City at tig-isa sa Sarangani at North Cotabato.

Lahat ng mga nasugatan ay mga lalaki na nagkakaedad ng 4 hanggang 31 taong gulang, ayon sa Regional Epidemiology Surveillance Unit ng DOH-12.

Walang iniulat na nasawi dahil sa paputok sa rehiyon.

 

-0-

 

 

Local………………..

SA PAGSISIMULA NG 2021, may 24 na bagong kaso ng Covid-19 ang naitala ng Department of Health sa Soccsksargen region.

At siyam din ang gumaling sa mga nagkasakit matapos maka-recover.

Walang iniulat na nasawi, ayon sa DOH bulletin.

Sa kabu-uan, ang Region 12 ay merong 4,720 ang kumpirmadong nagkasakit sa buong rehiyon mula March 16.

As of yesterday, may 239 pa ang active Covid patients habang abot sa 4,223 na ang gumaling.

Samantala, may 167 naman ang namatay dahil sa sakit.

Sa bagong kaso, 17 ang mula Gen. Santos City, lima sa Cotabato City at dalawa sa Sultan Kudarat.

 

-0-

Local…

SA BANGSAMORO REGION, dalawang bagong kaso ng Covid ang naitala ng inter-agency task force habang walang isa man sa 80 active cases ang gumaling sa unang araw ng 2021.

Ang dalawang bagong kaso ay naitala sa Sulu at Maguindanao.

Sa ngayon, pinakamaraming kaso ang naitala sa Lanao del Sur na may 1,169 habang 678 naman sa Maguindanao.

Sa buong BARMM, merong total 2,555 ang confirmed cases at 98 ang nasawi.

 

-0-

 

 

Local………………..

NAILIGTAS ng mga tauhan ng Philippine Army ang isang dating opisyal ng New Poeples Army sa Palimbang, Sultan Kudarat na pinaniniwalaang nasugatan sa inilunsad na military operations.

Alas 3 ng hapon nitong araw ng Huwebes, huling araw ng 2020, namataan ng mga elemento ng 37th Infantry Battalion ang ang sugatang NPA sa Sitio Upper Compac, Barangay Baglas, Palimbang.

Nakilala ito na si Elmer Lasib, na may alias na Billy, Ka Bodo at Ka Bogs, dating commanding officer ng Guerilla Front, Far South Mindanao Region NPA.

Sinabi ni 603rd Infantry Brigade commander Colonel Eduardo Gubat na agad binigyan ng first aid ang sugatang rebelde at ngayon ay nasa maayos nang kalagayan.

Sinabi ni 6th ID chief Major Gen. Juvymax Uy na kahit siya ay kalaban ng pamahalaan at sugatan, tinulungan siya ng military bilang pagsunod sa international humanitarian law sa lahat ng kanilang operation.

-0-

Local………………..

Sa Digos City, ini-imbestigahan pa ng mga otoridad kung ano taga ang dahilan at namatay ang isang Dominican priest ha bang paakyat ng Mt. Apo bago mag New Year.

Ayon kay Digos City disaster risk reduction and management council action officer John Sevilla, paakyat ng Mt. Apo si Fr. Oscar Novem Enjaynes, OP kasama ang 10 iba pa at mga climbing guides nang bigla siyang nawalan ng malay sa, Sitio Upper Paradise, Kapatagan, Davao del Sur.

Ito ay matapos ang apat na oras na paglalakad.

Si Fr. Enjaynes ay naka-talaga sa Davao City at dating finance officer ng Colegio de San Juan de Letran.

 

-0-

 

Local………………..

 

Umaasa si Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo na higit na pagpalain at biyayaan ng Panginoon ang bawat isa sa pagsisimula ng bagong taong 2021.

Ito ang bahagi ng panalangin ni Bishop Bagaforo, kasalukuyang national director ng CBCP-NASSA/Caritas Philippines, kaugnay sa pagtatapos ng 2020 na nabalot ng iba’t ibang mga pagsubok at hamon.

Apat ang pangunahing panalangin ng Obispo para sa diocese of Kidapawan at sa buong bansa ngayong 2021.

Kabilang sa mga panalangin ng Obispo ay ang matagumpay, masaya at makahulugang pagdiriwang ng ika-500 anibersaryo ng Kristyanismo sa Pilipinas na mahigit siyam na taong pinaghandaan ng Simbahan sa bansa.

Panalangin rin ni Bishop Bagaforo ang ganap na pagiging matapat, makatao at maya-Diyos na sambayanang Filipino lalo’t higit ng pamahalaan upang higit na mangibabaw ang pagkakapantay-pantay at kasaganahan para sa lahat.

Binigyang diin rin ng Obispo ang mariing pagtutol sa mga isinusulong na DEATH Laws sa bansa na makasisira sa kasagraduhan ng buhay na ipinagkaloob ng Panginoon sa bawat nilalang.

Tutol din siya sa ang divorce law, euthanasia, abortion at same sex marriage.

Dasal din niya ang tuluyang pagsugpo sa Coronavirus Disease 2019 pandemic sa bansa na nagdulot ng malawakang krisis hindi lamang sa kalusugan kundi maging sa ekonomiya at buhay ng bawat mamamayan.

-0-

 

TANGGAL NA SA SERBISYO ang siyam na mga police na sangkot sa pagpatay sa apat na sundalo sa Jolo noong June 29.

Sinabi ni PNP Director Gen. Debold Sinas na inaprobahan na niya ang rekomendasyon ng PNP probe body na nagrekomenda ng summary dismissal sa siyam dahil sa kasong administratibo.

Ang mga ito ay kinilalang sina Senior M/Sgt. Abdelzhimar Padjiri; Master Sgt. Hanie Baddiri; Staff Sgt. Iskandar Susulan; Staff Sgt. Ernisar Sappal; Corporal Sulki Andaki; Patrolman Mohammed Nur Pasani; Staff Sgt. Almudzrin Hadjaruddin; Patrolman Alkajal Mandangan and Patrolman Rajiv Putalan.

 

 

-0-

 

 

TIMRA

 

SA DAVAO CITY, PINALAWIG PA NI Mayor Sara Duterte ang 24-hour liquor ban at curfew hanggang sa January 31.

SA pamamagitan ng Executive Order No. 71, pinalawig ang liquor ban at curfew mula alas 9 ng gabi hanggang alas 4 ng madaling araw. Nagtapos na sana ito noong Dec. 31.

 

Sa ilalim ng liquor ban, bawal ang pagbebenta ng alak at inuman sa mga pampublikong lugar, restaurants at beerhouses.

-0-

SA ZAMBOANGA DEL NORTE, patay ang isang lalaki matapos barilin sa harap ng kanyang misis habang palabas ng Mosque sa Barangay Sas, bayan ng Gutalac.  Nasawi on the spot si Emol Camontol habang nakaligtas naman ang kanyang misis.

-0-

SA CAGAYAN DE ORO CITY, tiniyak ni DOH-Northern Mindanao Regional Director Dr. Adriano Suba-an na sapat ang supply ng RT-PCR test kits upang malaman kung positibo sa Covid ang isang tao o hindi. Fake news ang balitang wala nang test kits kontra Covid ang Region 11, ayon ky Suba-an.

-0-

SA DAVAO CITY uli, nababahala ang mga health worker ng Southern Philippines Medical Center (SPMC) dahil dumaraming ang mga bangkay sa morgue na hindi nakukuha ng kanilang mga kama-anak at patuloy na dumarami dahil araw araw ay may namamatay sa naturang ospital dahil sa Covid-19.  Anim sa mga unclaimed cadavers ay taga Davao City ayon kay SPMC head Dr. Ricardo Audan.

 

 

Pagpatay sa mga kasapi ng CAFGU sa Buldon, Maguindanao Norte, kinundina ng 6th ID

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – Mariing kinundena ng pamunuan ng 6th Infantry Division ang pamamaril sa mga kasapi ng civilian active auxiliary...

Bigtime oil price rollback on Tuesday, Nov. 29

MANILA – Oil companies today started implementing rollback on prices of petroleum products. The pump prices of diesel was but by P3.95 per liter...

Explosion naganap sa Pikit, North Cotabato

ISANG pagsabog ang natala sa Sitio Pogpog Brgy., Poblacion, Pikit, Cotabato bandang alas 10:20 kagabi, November 27, 2022. Ayon sa mga residente,...

Unknown to him, man sells carnapped motorbike to its owner

NABULAGA ANG DALAWANG mga suspek matapos na malamang ang pinagbentahan nila ng kanilang nakaw na motorsiklo ay ang mismong may-ari nito. Una nito...

P102,000 worth shabu seized from 3 drug den operators

COTABATO CITY – Anti-narcotics agents seized P102,000 worth of shabu from three operators of a clandestine drug den entrapped in Datu Odin Sinsuat,...