Sunday Jul, 14 2024 07:57:27 PM

NDBC BIDA BALITA (July 1, 2016)

 • 17:58 PM Fri Jul 1, 2016
2,093
By: 
NDBC

NEWSCAST

JULY 01, 2016
(FRIDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. Curefew, sisimulan na mamayang gabi sa Cotabato City2. Mga kapitan ng Sultan Kudarat, Maguindanao, inatasan ng mayorna sugpuin ang illegal drug problem3. KORONADAL CITY PNP nagpaliwanag kung
bakit napatay ang isang suspected na magnanakaw ng motorsiklo

4. Koronadal City mayor tutol sa panibagong tricycle fare hike
sand//scontent.fmnl4-3.fna.fbcdn.net/v/t1.0-9/13344814_1056061471156638_1374889236709901012_n.jpg?oh=d2295f3c8c0898664bcb50fb82409a2fandampoe=57F5440A Sa Davao City, ipinatupad ni dating Mayor ngayon President Duterte ang 10 p.m.curfew sa minors.(Photo Rody Duterte for President Movement ) SIMULA MAMAYANG ALAS-10 NG GABI,
mahigpit nang iimplimenta ng Cotabato City PNP ang 10 PM CURFEW para sa mga
indibidwal na may edad 18 pababa.

Ito ay bahagi ng City Ordinance no.
2212 sa taong 2003 o An ordinance revising no. 65 series of 1964 na may
titulong Providing curfew hours for persons below 18 years old below.

Kaakibat ng implimentasyon ng naturang
ordinansa ay pagpapataw ng penalidad sa mga lalabag nito.

Maglilibot naman ang lahat ng Police
stations at maging ang iba pang Public safety force sa lungsod sa
pakikipagugnayan sa Cotabato City social welfare office para matiyak na
kanilang mamomonitor ang mga menor de edad na nasa labas pa ng kanilang mga
bahay pag sapit ng alas-10 ng gabi.

Ayon kay Cotabato City PNP Spokesperson
PSI Rowell Zafra, LAYUNIN ng PNP na matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga
kabataan sa Cotabato City laban sa kriminalidad.

Una na ring inanunsyo ni President Rody
Duterte na ipapalaganap niya sa iba't ibang bahagi ng bansa ang 10 pm curfew lalong
lalo na sa mga menor de edad na walang mga kasamang nakatatanda o magulang sa
labas ng kanilang bahay. IPINAPAUBAYA
ni ARMM Regional Governor Mujiv Hataman sa Philippine drug enforcement Agency o
PDEA at Philippine National Police o PNP sa pagpapaigting ng kanilang kampanya
laban sa illegal na droga sa rehiyon.

Nakatakda
namang magsagawa ng Regional peace and order council meeting ang Hataman
Administration kasama ang iba't ibang ahensya ng Regional government anumang
araw ngayong buwan ng Hulyo.

Sa kabila
naman ng mga naglalabasang balita at impormasyon mula sa iba't ibang kilalang
mga personalidad na meron silang mga kilalang drug lords o mga sangkot sa illegal
na droga,

BINIGYANG
DIIN ni Hataman na ayaw niyang maglabas ng kahit na anong impormasyon o
maglabas ng pangalan ng sinuman na wala namang sapat na katibayan na sangkot
nga ito sa illegal na droga.

MALIBAN sa
illegal na droga, suportado rin ni Hataman ang kampanya ni President Rody
Duterte laban sa terorismo.

SAMANTALA, Kahapon
lang ay pormal nang nanumpa sa kani kanilang mga tungkulin sina Governor
Hataman at Regional Vice Governor Haroun Al Rashid Lucman sa Shariff Kabunsuan
Cultural Complex sa ARMM Compound sa Cotabato City pasado alas dose ng
tanghali.

Piniling
manumpa nina Gov. Lucman at RVG Lucman kay Upi Mayor Ramon Piang, isang multi
awarded Local Chief Executive ng rehiyon at tinitingalang Lumad Leader.

Magiging
prayoridad nina Hataman at Lucman ang pagpapalago ng ekonomiya sa ARMM at
pagpapatuloy ng mga Repormang nasimulan para sa mga Bangsamoro.

Lubos namang
pinasalamatan ng dalawang opisyal ang lahat ng mga taga ARMM sa suporta at
tiwalang muling pamunuan ang rehiyon. PINULONG
ni Sultan Kudarat, Maguindanao Mayor Datu Shameem Mastura ang lahat ng mga
kapitan mula sa 39 na mga barangay, Chief of police at mga kasundaluhan para sa
kanilang programa at kampanya laban sa illegal na droga sa bayan kamakalawa.

Hangad
ng alkalde na tuluyang masugpo ang problema sa ipinagbabawal na gamot sa bayan
base na rin sa prayoridad ng bagong halal na Presidente Rody Duterte.

Agad
ring ipinag utos ni Mayor Shameem sa lahat ng kanyang mga Baranggay Officials
na hikayatin na ang lahat ng kanilang mga kababayan na magbagong buhay at
boluntaryong sumuko na sa mga otoridad.

Kaugnay
nito mariin namang sinabi ng alkalde sa lahat ng mga magmamatigas at ayaw
sumunod sa batas, na magsuot na ng damit na bakal sakaling magpapatuloy sa
kanilang mga bisyo.

Aniya,
walang puwang sa Sultan Kudarat ang mga illegal Drug Users at Pushers.

Kamakailan
lang ay limang indibidwal na sangkot sa illegal na droga ang sumuko sa Sultan
Kudarat PNP at inaasahang madaragdagan pa ito ayong kay SK Chief of Police
Insp. Winderlyn Banico. PANIBAGONG
biktima ng pagnanakaw ang isang guro ng Headstart College dakong alas dos y
medya ng hapon kahapon sa Cotabato City.

Kinilala
ang biktimang si Engkid Manikil, 40 anyos, residente ng Bulalo, Sultan Kudarat
Magundanao.

Sa
report ng City Police station no. 1, nakuha mula sa biktima ang isang cellphone
na J-1 Ace Samsung na may dalawang sim cards na nagkakahalaga na abot sa 7,000
pesos.

Sa
salaysay ng biktimang si Manikil, wala na ang kanyang cellphone bago pa siya
tumungo sa kanilang faculty room.

Hinala
naman ng guro na isang estudyante lang din ang nagnakaw ng kanyang cellphone.

ANG
naturang insidente ay babala naman para sa lahat, lalo na't hindi lang
nangyayari ang krimen sa labas ng bahay o mga establisyemento kundi maging sa
loob ng inyong eskwelahan o pinatatrabahuan. MAGHAHAIN
ng kasong kriminal ang pamilya at mga kamag-anak ng nasawing miyembro ng
tinaguriang Fallen 44 laban kay dating Pangulong Benigno Aquino III kaugnay sa
Mamasapano encounter noong Enero 25, 2015.

Ayon
kay Atty. Ferdinand Topacio, tutulungan sila ng Volunteers Against Crime and
Corruption o VACC sa paghahain ng kaso laban kina Aquino, dating PNP Chief Alan
Purisima at dating PNP-SAF Director Getulio Napeñas.

Si
Aquino ay nawalan ng immunity makaraang bumaba sa puwesto matapos ang anim na
taong termino bilang pangulo ng bansa.

Matatandaang
sa inilbas na resulta ng imbestigasyon ng senado kaugnay sa mamasapano
encounter, malinaw umanong may pananagutan si Aquino sa insidente.

Pero
dahil may immunity pa noon si Aquino hindi agad ito nasampahan ng kaukulang
kaso habang sina Napeñas at Purisima naman ay agad naharap sa Usurpation of
Authority of Official Functions at paglabag sa Section 3 ng Anti-Graft and
Corrupt Practices Act dahil sa naging papel nila sa Oplan Exodus. Patay ang isang umano’y magnanakaw ng motorsiklo matapos tumangkang lumaban sa mga pulis sa Koronadal City pasado alas dose y medya ng madaling araw kahapon.
Ayon kay Koronadal City Chief of Police, Superintendent Barney Condes dahil sa laganap na insidente ng nakawan ng motorsiklo, nag-deploy ng intelligence team ang PNP sa ilang lugar sa lugnsod.
Nang mapadaan sa De Pedro St. Barangay General Paulino Santos, pinara ng mga pulis ang nakamotorsiklong suspek dahil sa kaduda dudang kilos nito.
Ayon kay Condes sa halip na huminto ng maayos bumunot ng baril ang suspek kaya inunahan na siya ng mga pulis.
Ang suspek ay dead on the spot dahil sa tama ng bala ng baril sa kanyang dibdib.
Ayon kay Condes sa pamamagitan ng mga dokomento na narecover ng mga pulis nabatid nila na ang motorsiklo ay tinangay ng suspek mula sa General Santos City.
Ito ay kinuha rin kahapon ng mayari nito na kinilala lamang ang napatay na umanoy magnanakaw ng motorsiklo sa pangalang Alyas Taweng.
Sinabi ni Condes na hiniram lamang ng suspek ang motorsiklo sa may ari nito kamakalawa ng hapon.
Ngunit nang hindi pa rin bumalik kinagabihan ipina-blotter niya ito sa Calumpang Police Station sa Gensan.
Ayon kay Condes, narecover din ng mga pulis ang 22 caliber revolver nang wala pa ring pagkakakilanlan na suspected carnaper. Mahaharap sa kasong grave misconduct ang isang pulis na aksidente umanong nakapatay sa isang inmate sa Lake Sebu, South Cotabato noong Hulyo 26.
Ayon kay Lake Sebu Chief of Police Chief Inspector Joel Bagaygay, sasampahan nito ng kaso si PO2 Reynaldo Fortes.
Matatandaan na si Fortes ay aksidente umanong nakabaril sa inmate na si Budin Faan 52 anyos nang tinangka umanong agawin ng preso ang kanyang baril.
Una dito, pumasok umano sa selda si Fortes para patahimikin ang nagwawalang preso.
Ang presong si Fudan na kinasuhan ng pangaabuso ng kanyang misis ay tinamaan ng bala ng baril sa hita at paa ay nasawi matapos umanong maubusan ng dugo.
Nilinaw naman ni Bagaygay na nagpapatuloy din ang imbistigasyon ng Provincial Internal Affairs Service o PRIAS ng PNP South Cotabato at Scene of the Crime Operatives o SOCO sa insidente.
Ayon kay Bagaygay may karapatan din ang pamilya ng nasawing preso na magsampa ng kaso laban sa pulis nilang si Fortes. Ilang oras bago ang panunumpa ni President Rodrigo Duterte, isinagawa rin ang oath taking ceremony ng mga bagong halal na opisyal ng Koronadal City.
Ito ay pinangunahan ni City Mayor Peter Miguel na nasa kanya nang pangatlong termino.
Tulad ng oath taking ceremony ni Duterte, simple at madamdamin din ang panunumpa ng mga opisyal ng Koronadal dahil sa pagdalo ng kanilang pamilya.
Kung ang oath taking ni Duterte ay ginawa sa Malakanyang, nagsilbi namang lugar ng panunumpa ng mga opisyal ng Koronadal ang City Hall Lobby.
Tulad ni Duterte, ipinahayag naman ni Koronadal City Mayor Miguel ang pagpapatuloy ng maigting na kampanya kontra illegal na droga sa Koronadal.
Hiling pa ng alkalde sa publiko isumbong ang pangalan ng pinaghihinalang drug pusher at user at bahala na aniya ang mga otoridad sa pagtugis sa mga ito.
Sa ngayon abot na sa mahigit 650 na drug user at pusher ang nag-resurface sa Koronadal City Police Station at nangakong magbagong buhay.
Isingawa rin kahapon ang oath taking ng mga bagong halal na opisyal ng lalawigan sa South Cotabato Gym.
Ipinahayag naman ni South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes na naniniwala siya na matutugnan ang problema sa illegal na droga sa mga unang buwan ng Duterte Administration.
Gayunpaman ayon kay Fuentes imposible aniya mangyari ito sa iba pang mga problemang ngayon ng bansa.
Tiniyak din ng gobernador ang suporta nito sa kasalukuyang administrasyon. Tutol si Koronadal Mayor Peter Miguel na taasan ang pasahe sa mga pampasaherong tricyle sa lungsod.Binigyan diin ni Miguel na sa buong region 12 ang Koronadal City ang may pinakamataas na fare matrix .
Ito ay bukod pa sa mas mababang presyo ng mga produktong petrolyo sa ngayon.
Ayon kay Miguel walang dahilan na dagdagan pa ang P10.000 minimum na pasahe sa tricyle sa Koronadal, dahil ito ay hindi na patas sa mga mamamayan.
Kaya hiling nito sa mga tricyle drivers, makuntento na sa kasalukuyang minimum fare matrix.
Ito ang pahayag ni Miguel kaugnay sa dagdag pasahe na isinusulong ng ilang grupo ng mga tricyle drivers at operators sa Koronadal City. Tutulungan ng Koronadal PNP ang mga nag-resurface na drug pushers at user na tuloy tuloy na makapagbagong buhay.
Ayon kay Koronadal Chief of Police, Superintendent Barney Condes ito ay sa pamamagitan ng pag refer sa kanila sa mga concerned na agensya ng gobyerno.
Sinabi ng police official na makikipag ugnayan ang city PNP sa Technical Education Skills Authority o TESDA para mabigyan ng skills training ang mga nagre-surface na drug dependents sa Koronadal.
Maging si City Mayor Peter Miguel ay nagpahayag din na para sa tuloy tuloy na pagbabagong buhay kailangan ng lokal na pamahalaan na magkaroon ng sustainable program sa mga lumitaw na drug dependents.
Ayon kay Miguel dapat saklaw ng programang ito ang pagkakaroon ng pasilidad, pag-hire ng mga doctor at livelihood programs.

Bangsamoro READi nagpatupad ng evacuation sa SGA

Pasado alas onse Biernes kagabi ay nagsimula nang makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan ng Special Geographic Area (SGA) ang Bangsamoro READi...

Images of floods affecting NoCot, MagSur, SulKud

COTABATO CITY - Several villages in Pikit, North Cotabato are now under water, including villages now under the Bangsamoro Special Geographic Area (...

Malacanang officials visit flood affected Maguindanao del Norte, other areas in Mindanao

COTABATO CITY - DSWD Secretary Rex Gatchalian, together with Undersecretary for Disaster Response Management Group (DRMG), arrived in the...

Floods submerge Pagalungan town hall compound

COTABATO CITY - An overnight downpour in Bukidnon and North Cotabato resulted in the flooding of Pagalungan after the Malitubog-Maridagao river...

Civilian police informer killed in illegal firearms deal sting

COTABATO CITY - An illegal gun dealer shot dead a civilian police informer and ran away after he sensed that he had sold three rifles to...