Tuesday Jun, 18 2024 05:05:03 AM

NDBC BIDA BALITA (July 11, 2016)

 • 17:38 PM Mon Jul 11, 2016
2,343
By: 
NDBC News and Current Affairs

NEWSCAST

JULY 11, 2016
(MONDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. PNP Chief Dela Rosa, may hamon sa
dalawampu't tatlong mga alkalde sa bansa na umano'y sangkot sa illegal na droga

2. Karnaper,
patay sa pamamaril Lalaki kalaboso sa drug buy bust operation sa Kabacan,
North Cotabato

3. Dalawang menor de edad may dalang pinaniniwalaang
iligal na droga, arestado sa Koronadal City

4. T'nalak Festival at South Cotabato foundation anniversary programs, nagsimula na sand//scontent.fceb2-2.fna.fbcdn.net/v/t1.0-9/13567263_1376442885715458_1534529877600798521_n.jpg?oh=3c6265bb6d840b50c8741958c2edadd0andampoe=5831F444 (One of the floats that participated in the 17th T'nalak Festival and 50th South Cotabato foundation anniversary in Koronadal City on July 11, 2016 -Photo courtesy of Dani Donguilles of Philippine Information Agency (PIA-12)Noteand More images at Radyo Bida Koroandal FB page - ed INIHAYAG ni
Philippine National Police Chief Director General Ronald Dela rosa na pawang
mga ELECTED MAYOR sa iba't ibang bahagi ng bansa ang kanyang unang sinabi na
dalawampo't tatlong mga local executives na sangkot sa illegal na droga.

Ayon kay Dela
Rosa, maliban sa limang PNP Generals na unang pinangalanan ni Pangulong Rodrigo
Duterte, ay may 23 pa itong mga hindi pinangalanang mga ALKALDE SA BANSA na
sangkot rin sa illegal drugs.

HINAMON naman ng
PNP CHIEF ang umano'y mga NARCO-MAYORS na kung hindi nila titigilan ang
kanilang mga iligal na gawain ay mas mabuting mag armas na lamang ang mga ito
at makipag giyera sa mga pulis para matapos na ang problema ng droga sa bansa.

Bagama't tumanggi
si Dela rosa na pangalanan ang mga ito ay tiniyak niyang nasa listahan na ng
pangulo ang 23 mga akusado.

Ipinapaubayan
naman ng PNP sa DILG ang mga proseso at hakbang na gagawin laban sa mga
isinasangkot sa illegal na droga na mga alkalde.

Aniya, hayaan na
lamang si Pangulong Duterte ang magbanggit sa kanilang mga pangalan at ayaw
nitong pangunahan.

Kasalukuyan
namang minomonitor ng PNP ang mga nasabing narco-mayors.

Una nang sinabi
ng Pangulo na hindi lang lalake kundi may babae ring alkalde na sangkot sa
illegal drug trade lalo'ng lalo na sa Mindanao.

NAHAHARAP sa
kasong paglabag sa REPUBLIC ACT 9165 at 10591 ang LIMA katao na pinaniniwalaang
miyembro na sangkot sa malakihang pagbebenta ng illegal na droga sa lalawigan
ng Maguindanao sa bayan ng Radjah Buayan na naaresto noong sabado.

Sa ginawang
operasyon ng Radjah Buayan Municipal Police station, arestado ang mga suspek na
kinilalang

sina Norodin
Makalimpas, 23-anyos, isang tractor operator Abraham Balayanan, 26-years old,
magsasaka

Medz Nok,
27-anyos, isa ring magsasaka at Mohaimen Balayanan, pawang mag residente ng
Radjah Buayan.

Pati na rin
ang suspek na si Jhony sapalon, 25-anyos na residente ng Talitay, Maguindanao.

Sa report,
nakasakay umano ang mga suspek sa isang black Ford Ranger pickup with license
plate WCI 502 nang maaresto ang mga ito.

Nakuha mula
sa mga suspek ang isang M16 assault rifle na may serial number rpo47928,
dalawang long magazine assymbly, 2 short magazine assymbly, 83 rounds ng 5.56
caliber ammunitions, isang armscor cal.45 pistol with serial number 1062231
with 11 rounds .45 cal live ammunitions, 2 pakete ng pinaniniwalaang shabu at
perang nagkakahalaga ng P33,000 pesos cash.

Nakuha rin
mula sa mga suspek ang listahan ng ilang pangalan ng mga drug dealers pati ang
BDO BANK RECEIPTS OF PAYMENTS mula sa isang chinese pinaniniwalaang
pinagbentahan ng illegal na droga ng mga suspek.

Nabatid na
matagal nang minomonitor ng Radjah Buayan PNP ang mga galaw ng naturang mga
suspek matapos

silang
makatanggap ng impormasyon na sangkot sa illegal na droga ang mga ito.

Sa ngayon ay
patuloy pang sumasailalim sa imbestigasyon ang mga naaresto. DEAD
ON THE SPOT ang isang lalake matapos pagbabarilin sa ilang ilang street, partikular
sa likurang Bahagi ng SERO Elementary School, Mother Baranggay Rosary Heights,
Cotabato City kamakalawa ng Gabi.

Nangyari
ang pamamaril pasado alas siyete ng Gabi.

Sa
report, kinilala ang biktima na si Gerry Lazo, nasa edad 40 hanggang 45 anyos, may
asawa, nangangalakal ng basura sa lungsod at sinasabing walang pirmanenting
tirahan.

Sa inisyal
na imbestigasyon ng Cotabato City PNP, NAKATAYO lamang ang biktima sa likurang
Bahagi ng SERO Elementary School sa lungsod nang pagbabarilin ito ng hindi pa
nakikilalang suspek na nakasakay umano sa isang motorsiklo.

Nagtamo
ng anim na tama ng bala si Lazo sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan mula
sa caliber 45 na naging dahilan ng kanyang agarang kamatayan. PINAGBANTAAN
ng isang lalake ang isang menor de edad matapos itong pumasok sa bahay ng
biktima sa lungsod ng Cotabato, ala-syete kamakalawa ng gabi.

Ang
menor de edad na biktima ay residente ng purok lumayon Mother Barangay
Poblacion ng lungsod.

Kinilala
ang suspek na si Nasser Abas isang dispatcher ng 'tri-sikad' sa super market
site ng nasabing barangay.

Sa
salaysay ng biktima, bigla na lamang umanong pumasok ang suspek sa kanilang
bahay ng walang pahintulot at dito na ito pinag bantaan.

Tinakot
umano ng suspek ang biktima na papatayin kasama ang kanyang ina kung
magtatangka itong tumakas o lumabas ng kanilang bahay.

Sinabi
rin umano ni ABAS na kung lalake lamang ang biktima ay malamang pinagsususuntok
na siya nito.

Nabatid
na ang suspek ay may matinding galit sa pamilya ng biktima.

Sa
ngayon patuloy namang minomonitor ng City Police station 1 ang posibilidad na
muling panghaharass ng suspek sa menor de edad matapos magsumbong sa kanila ng
tiyahin ng biktima na si Rohaina Langalen trenta’y dos anyos residente ng purok
bualan poblacion dos ng lungsod. PINALAYA
ng Sulu PNP ang suspek sa pagdukot kay Rakina Abubakar, dalawampu’t tatlong
taong gulang, isang guro na naligtas noong Sabado ng umaga sa isang military
checkpoint sa Barangay Tagbak, Indanan, Sulu.

Sakay
ng silver-gold Mitsubishi Strada pick-up si Abubakar nang sumigaw ito upang
makuha ang atensyon ng mga nagsasagawa ng checkpoint na sundalo sa pamumuno ni
2nd Lieutenant Arvin Clarck Talco ng 41st Infantry Battalion, Philippine Army.

Agad
na hinuli ng mga sundalo ang anim na kasama ni Abubakar sa sasakyan na sina
Salim Susulan, Laurel Susulan, Basar Susulan, Jipy Susulan at Salma Saudan na
pawang mga ka-barangay nito sa Kalingalang Caluang, Sulu, at isang Kamil
Dandaih ng Barangay Pitogo ng nasabi ring bayan.

Habang
inire-report ng 41st IB ang pangyayari sa pulisya, nakiusap ang biktima na agad
tawagan ang kanyang mga magulang upang ipaalam sa kanila ang kanyang sinapit.

Dinala
ng mga sundalo ang biktima sa kalapit na 501st brigade para sa isang
debriefing.

Ayon
kay Abubakar, dinukot siya nga mga suspek pasado alas 6and00 ng umaga noong Hunyo
20 habang naglalakad papasok ng Kanlagay Elementary School kung saan ito
nagtuturo.

Nilapitan
umano siya ng apat na armadong lalaki sa pamumuno ng pangunahing suspek na si
Salim Susulan at sapilitang dinala sa barangay hall ng Barangay Kanlagay,
Kalingalang Caluang kung saan pinosasan pa ang kanyang kamay at tuluyang
ginahasa ni Salim Susulan. Tampok sa unang araw ng Golden Anniversary at 17th T’nalak Festival ng South Cotabato ang Grand Thematic Parade.
Ito ay lalahukan ng 11 lokal na pamahalaan non government organizations, pribado at pambulikong ,mga tanggapan sa lalawigan.
Maaga pa lamang kanina ay nagsimula nang dumagsa sa mga pangunahing kalye ng Koronadal City ang mga mamamayan upang saksihan ang mga makukulay na float at costume ng mga participants.
Agaw pansin naman sa parada ang pagpapakitang gilas ng 2016 Ati-Atihan champion sa Dinagyang Festival ng Iloilo .
Pagkatapos ng parada ngayong umaga , magkakaroon naman ng opening program sa South Cotabato Sports Complex.
Ito ay susundan ng mass dance competition na lalahukan ng iba’t ibang mga eskwelahan sa lalawigan.
Bago pa man ang pormal na pagisisimula ng programa ngayong araw, nagkaroon muna ng soft opening ng pagdiriwang kagabi.
Tampok dito ang Ceremonial lightning ng Spectacular Lights Display sa Alunan Avenue, T’nalak Food Garden sa harap ng South Cot. Sports Complex, Regional Industrial, Technology and Trade Expo sa ProTech Center, T’nalak Strip sa Alunan Avenue at ang opening ng Agri-Fair/Bahay Kubo and Plants andamp Products Display sa harap ng Provincial Capitol

Ayon kay South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes, naglaan ang provincial government ng mahigit P16 million pesos para sa aniya ay makasaysayang golden anniversary ng South Cotabato.
Kaya ayon kay Fuentes aasahan naman ng mga mamamayan ang mas masayang padiriwang ngayong taon. Pagkatapos ng mga pulis, sumailalim na rin rin sa mandatory drug testing maging ang mga kawani ng National Bureau of Investigation o NBI 12 sa Koronadal City.
Ayon kay NBI 12 Regional Director Atty. Agusto Eric Isidro layon nito na matiyak na ligtas sa droga ang kanilang tanggapan.
Ito ayon kay Isidro ay bilang tugon na rin ng NBI sa mandato ni Pangulong Rodrigo Duterte na sugpuin ang problema ng illegal na droga sa bansa.
Binigyan diin ni Isidro, na lahat ng mga kawani ng NBI 12 ay dapat sumailalim sa drug test.
Ipinahayag din nito na ang sinumang empleyado ng NBI na matutuklasang positibo sa illegal drugs ay maaring sumailalim sa rehabilitasyon o kakasuhan ng administratibo.
Timbog sa anti illegal drug operation ng mga pulis ang dalawang mga estudyante sa Koronadal City noong Sabado.
Ayon kay Koronadal Chief of Police, Superintendent Barney Condes, ang mga suspek na nasa 16 at 17 anyos ay nakorner ng mga pulis sa masukal na bakanteng Lote sa likod ng isang mall sa Purok Kahirup, Barangay Sto. Nino.
Nabatid na ang mga naarestong menor de edad ay pawang mga residente ng Pigcawayan, North Cotabato.
Lumabas sa inisyal na imbistigasyon ng mga pulis na mula sa kanilang lugar, sumakay ng bus ang mga suspek papuntang Koronadal City para ihatid umano ang illegal na droga sa isang alyas Ama.”
Naninidigan naman ang mga suspek na hindi nila alam na droga pala ang laman ng cellophane na umano ay ipinadala sa kanila.
Nakuha ng mga pulis sa mga suspek ang isang jumbo pack, tatlong maliliit na sachet at P1,000 marked money.
Ang mga menor de edad na suspek ay nakatakda namang i-turn over ng PNP sa Department of Social Welfare and Development o DSWD.
Bago pa man ang pagkaaresto ng mga pulis sa mga ito natagpuan namang patay ang isa umanong notorious drug pusher sa Purok Abrenica, Barangay General Paulino Santos,Koronadal.
Kinilala ito na si Eric Paul Roble, na nasa drug watchlist ng PNP, residente ng Barangay Agdao Davao City at temporaryong nakatira sa isang resto bar sa Koronadal.
Si Roble ay tinamaan ng bala ng baril sa leeg, likod at tagiliran na naging sanhi ng kanyang pagkasawi.
Narekober ng mga pulis sa crime scene ang dalawang basyo ng 45 pistol.
Di pa batid ng pulisiya kung sino ang suspek at ano ang motibo nito sa krimen.
Tiniyak ng Department of Health o DOH 12 ang kahandaan nito sa pagtugon sa pangangailangan ng mga mamamayan na maaring mabiktima ng mga sakit ngayong tagulan.
Gayunpaman ayon kay DOH 12 Regional Health Emergency Management Staff Coordinator Leo Chiong dapat pa ring magingat ang publiko sa mga vector-borne diseases.
Kabilang sa mga ito ayon kay Chiong ang nakamamatay na dengue fever at malaria.
Ipinahayag din ni Chiong na napansin din ng ahensya ang pagdami ng sakit na diarrhea sa lalawigan ng North Cotabato sa mga nakalipas na buwan dahil sa maruming tubig.
Ayon kay Chiong dapat ding huwag ipagwalang ang common cold o trangkaso, influenza at respiratory tract infections .
Ipinahayag din ni Chiong na tuwig tagulan dumarami rin ang nagkakaroon ng leptospirosis, iba pang sakit mula sa ihi ng daga sanhi ng pagkakababad sa tubig baha.

Mayroon nang 41 mga bagong fire-fighter ang Bureau of Fire Protection o BFP Region 12.
Ang mga bagong fire fighter na ito ay nakapasa sa qualification at recruitment process mula naman sa mahigit 200 aplikante.
Ang panunumpa ng mga ito ay pinangunahan mismo ni BFP 12 Regional Director Fire Sr. Superintendent Louie Paracan sa kanilang tanggapan sa Koronadal City.
Ayon kay Paracan, ang mga bagong fire fighters ay sasailalim din sa tatlong buwang on the job training sa BFP 12 Regional Office.
Ituturo sa mga fire fighters ang mga usapin para sa mga uniformed personnel, social decorum at maraming iba pa. Kapag natapos na ang training ang mga bagong recruit na fire fighters ay itatalaga naman sa iba’t ibang fire stations sa region 12.
Kabahagi din ng programa ang promosyon ng 51 non commissioned officer ng BFP sa buong region 12. Naghahanda na ngayon ang isang estudyante ng University of Southern Mindanao, Kabacan sa kanyang nalalapit na laban sa Mr. andamp Ms. Planet
International 2016.
Ito matapos mapili si Paul Joshua Tahum, tubong Midsayap, 4th year Nutrition and dietetics student, bilang representante ng Mr. Philippines sa
nabanggit na patimpalak na gagawin naman sa bansang bansang Georgia sa Europe.
Nag audition si Tahum sa Maynila noong nakaraang buwan at mapalad naman siyang napabilang sa mga lalahok sa naturang Pageant.

Makakalaban niya rito ang ang 45 mga kabataan na nagmula sa iba’t-ibang bansa sa mundo.
Kasama niyang sasabak sa paligsahan ang isang Moeisha Hannah Beech, na nagmula sa Luzon at tubong Tanay, Rizal na ibibida kultura ng Pilipinas at
galing ng Pinoy.Laking tuwa niya dahil siya ang kauna-unahang napiling representative ng ating bansa na ipinagmamalaki din naman ngayon ng USM.Layunin ng naturang pageant na mabigyan ng boses ang mga kabataan at maipaalam ang kanilang mga adbokasiya sa lipunan.

Nakatakdang lilipad paaalis ng bansa si Paul John sa huling linggo ng Agosto ngayong taon.

Inaasahan ngayon ang mas mabilis na pagtugon at tamang serbisyong pangkalusugan para sa mga sanggol na ihahatid ng Cotabato Provincial Hospital o
CPH.
Ito matapos sumailalim ang 50 mga nurses, midwives at iba pang health care providers ng CPH sa dalawang araw na Kangaroo Mother Care-Care for
Small Baby seminar sa Capitol Rooftop, Amas, Kidapawan City mula July 5-6, 2016.Ayon kay Dr. Eva Chua-Rabaya, OIC ng Cot IPHO, mahalagang madagdagan pa ang kaalaman ng mga health care providers upang matiyak na tama ang
serbisyong pangkalusugan para sa mga sanggol.Si Dr. Socorro Sokee” de Leon, Presidente ng Kangaroo Mother Care Foundation, Phil., ang naging speaker sa naturang seminar kung saan nagbigay
naman siya ng mga lectures. Kabilang sa kanyang ibinahagi ay intra-partum and maternal care, common pregnancy complications, partograph, essential newborn care, neonatal
resuscitation, concepts and procedures of Kangaroo Mother Care ganun din ang enrolment and discharge ng KMC programs.Nagsagawa din si Dr. de Leon ng actual demonstration ng ilan sa nabanggit na mga topiko upang mas maging malinaw at lalong maintindihan ang mga
topiko.Sang-ayon raw ito sa adbokasiya ng Serbisyong Totoo” na naglalayong palakasin pa ang pagbibigay ng basic services sa mamamayan kabilang na ang
pangkalusugan.

Patay ang isang pinaniniwalaang karnaper at suspek sa pagtutulak ng illegal na droga sa panibagong krimen sa Aglipay St., Poblacion, Kabacan,
North Cotabato kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang biktima na si Custacio Salasya alias Mondragon, na taga Brgy. Tunggol, Datu Montawal, Maguindanao.Ayon sa report ng PNP nakatayo lamangang biktima sa harap ng Marpid Lodging House ng pagbabarilin ng di pa nakilalang suspek gamit ang kalibre
.45 na baril batay sa mga narekober na basyo ng bala sa crime scene.

Nagtamo ang biktima ng tama ng bala sa kanyang ulo na naging dahilan ng kanyang agarang kamatayan.

Lumabas sa imbestigasyon ng PNP SOCO na nakuhan ng isang sachet ng shabu ang biktima habang mabilis na tumakas ang mga suspek.Napag-alaman ring kabilang sa drug watch list ng Kabacan PNP na sangkot sa carnapping at pagtutulak ng droga sa bayan ang nabanggit na biktima.Samantala huli na ang lahat para kay Renato Salvador Gaspar matapos itong posasan ng Kabcan PNP dahil sa inilunsad na drug buy bust operation sa
Purok Miracle, Poblacion, Kabacan, North Cotabato alas 1:30 ng hapon kahapon.Sinabi ni Police Senior Ins Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP nahuli si Gaspar makaraang magbenta ito sa isang asset ng PNP kung saan nakuhan
ito ng iligal na droga at marked money.Ayon pa sa suspek, plano na nitong mag surface sa PNP sa susunod na araw pero wala na itong nagawa nang masakote sa nabanggit na operasyon.Paliwanag pa ni Gaspar na runner lamang siya sa mga kanyang benebentahang illegal na droga.

Ang nabanggit na operasiyon ay isinagawa ng Kabacan Municipal Police Station katuwang ang 7IB ng Philippine Army at sa tulong na rin ng mga
baranggay officials sa lugar.

Matapos ang nangyaring drug raid operation sa pangunguna ng Police Regional Office 12 sa Purok Islam Poblacion, Matalam, North Cotabato na
nagresulta naman ng pagkamatay ng walo ka tao, magsasampa ngayon ng kaso ang pamilya ng mga namatayang biktima.Iginiit kasi ni Bai Nora Lumantag, pamangkin ang isa sa mga napatay ng otoridad na si Jobaina Lumantag ay hindi raw ito sangkot sa iligal na
droga at isa lamang itong sibilyan.Isasampa umano nila ang kaso sa Commission on Human Rights o CHR.

Una rito, madaling araw nitong sabado July 9, nang pasukin ng PNP sa pamumuno ni Supt. Maximo Sebastian, ang head ng PNP-12 Regional Anti-illegal
Drugs Special Operations Task Group ang lugar para sa search operation base na rin sa bisa ng korte.

Pero nilinaw naman ni Supt. Romeo Galbo, PRO 12 spokesperson na una silang pinaputukan ng mga suspek dahilan para gumanti rin ang mga ito.Aniya, ang mga nasawi ay dati na rin sangkot sa ilegal na aktibiodad kagaya ng carnapping, paggamit ng ilegal na droga, robbery hold up sa North
Cotabato.

Nakuhan pa ang mga ito ng mga armas, ilegal na droga at mga drug paraphernalia.Sa naturang operasyon 7 ang dead on the spot habang isa naman ang binawian ng buhay sa ospital.Kinilala ang mga ito na sina Tainko Lamping Mamakan, isang fish vendor Bolao Palti, 24-anyos, magsasaka Haron Lamping Mamakan,fish vendor
Abudzaid Runas, 18-anyos, Tahir Kasan Salipudin Mustapa Tausi Mangapan Mama Musa, Jobaina Lumantag habang naaresto naman ang suspek na si
Aratok Iba Balabagan, 40-anyos parehong nakatira sa nabanggit na lugar.Patuloy pa ngayong iniimbestigahan at pangangalap ng impormasyon ng mga otoridad kaugnay sa insidente.
Makakaasa ngayon ang mga residente ng apat na barangay ng Tulunan, North Cotabato sa maagap na pagresponde sa anumang kriminalidad sa kanilang
lugar.Ito matapos sumailalim ang 90 mga Barangay Peace Keeping Action Team o BPAT sa isang Enhancement Training.

Sinabi ni Sr. Ins Felix Fornan, hepe ng Tulunan PNP kabilang rito ang mga barangay ng Minapan, Maybula, Kanibung at brgy. New Bunawan, Tulunan.Layunin ng nabanggit na aktibidad ay para sanayin ang mga BPAT members sa mga pagsugpo ng kriminalidad sa kanilang mga area, pagbibigay solusyon
sa mga nangyayaring gulo, at paghikayat sa kanilang mga constituents na laban ang ilegal na gawain at pagkakasangkot sa paggamit ng ilegal na
droga.

Samantala, kasabay naman ng naturang pagsasanay na isinagawa nitong nakaraang linggo ay ang pagsasailalim rin ng drug test sa lahat ng PNP
personnel ng Tulunan.

Di pa batid ni Fornan kung kelan lalabas ang resulta at tanging tiniyak lang nito ang posibleng pagsasampa ng kaso o anumang karampatang parusa
ang kanilang kakaharapin sakaling may magpositibo sa nabanggit na drug test.

NDBC BIDA BALITA

6 dead, four hurt in General Santos City highway accident

COTABATO CITY - Five commuters, among them a 12-month-old child, and a tricycle driver died when the three-wheeled vehicle carrying them...

NDBC BIDA BALITA (June 17, 2024)

HEADLINES 1   P2.2 million na halaga ng shabu, nakumpiska ng PNP sa simultaneous operation nito sa Region 12 2   Sa North...

63 guns seized, confiscated during PRO-12 Sacleo

GEN. SANTOS CITY - A total of 62 operations were conducted that resulted in the arrest of 2 individuals and the confiscation of 63 assorted...

P2.2-M shabu seized during PRO-12 SACLEO

GEN. SANTOS CITY - The Police Regional Office 12, under the leadership of Regional Director Brig. Gen. Percival Augustus Placer has successfully...

Kagi Murad: Reflect on Eid al-Adha for stronger, unified Bangsamoro

COTABATO CITY – As Muslims celebrated Eid al-Adha on Sunday, Chief Minister Ahod Ebrahim called on the Bangsamoro community to reflect on the...