Sunday Jul, 14 2024 07:57:54 PM

NDBC BIDA BALITA (July 2, 2016)

 • 20:04 PM Sat Jul 2, 2016
1,956
By: 
NDBC

NEWSCAST

JULY 02, 2016
(SATURDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. Carnapper at suspected drug user patay nang makipagbarilan sa Koronadal PNP.2. LIBO LIBONG MANANAMPALATAYANG MUSLIM
inaasahang dadalo sa isasagawang GRAND IFTAR sa Cotabato City People's Palace

3. Dalawa patay sa Army-NPA skirmishes sa Magpet, North Cotabato

3. Upang mapaigting ang kampanya kontra
illegal drugs, Project Duterte ipatutupad ng PNP sa region 12

sand//scontent.fmnl4-2.fna.fbcdn.net/v/t1.0-9/13592175_997011950405614_2697892935315085364_n.jpg?oh=02d9c9bbd75c5c7b48a93674c1470215:ampoe=5802C321 Suspected Carnapper na nanlaban napatay ng mga pulis sa Koronadal City
Kinilala ni Koronadal Chief of Police, Superintendent Barney Condes ang suspek na si Francis Patricio, residente ng Sto. Nino, South Cotabato.
Ang suspek ayon kay Condes ay sangkot din umano sa serye ng carnapping, robbery-hold up, at pagtutulak ng illegal na droga at minsan na ring nakulong.
Sa katunayan ayon sa police official mayroon pa itong dalawang standing warrant of arrest mula sa korte.
Lumabas sa inisyal na imbistigasyon ng mga pulis na ang kulay puting Toyota Van na nirentahan ni Patricio noon pang Hunyo 26 ay pagaari ni Alexander Borja, residente din ng bayan ng Sto. Nino.
Nirentahan ito ni Patricio para umano sunduin ang tiyahin sa isang ospital sa Tupi.
Napilitan si Borja na magsumbong sa mga pulis nang bigong ibalik ni Patricio ang nirentahang van.
Matapos ang ilang araw na paghahanap, ang suspek na si Patricio ay namataan ng mga pulis na nagpapatrolya sa harap ng Gaisano Grand Mall pasado alas dyes kagabi.
Ayon kay Condes sa halip na tumalima sa utos ng mga pulis na bumaba ng van, nagpaputok pa umano ang suspek dahilan para gantihan din siya ng mga ito hanggang sa tuluyang mapatay.
Nakuha ng mga pulis sa loob ng van ayon kay Condes ang isang granda, 357 magnum revolver, paltik na 5.56mm na baril, mga bala at 5 sachet ng suspected shabu.
Si Patricio ay pangalawang ng suspected karnaper na patay ng mga pulis sa Koronadal City.
Matatandaan na patay din ang isang alyas Taweng residente ng General Santos City nang manlaban sa mga pulis na sumita sa kanya sa Barangay General Paulino Santos alas dose ng madaling araw kamakalawa. PANGUNGUNAHAN ng Cotabato City
Government ang isasagawang grand iftar o ang sabay-sabay na hapunan pagkatapos
ng buong araw na pag-aayuno para sa mga mananampalatayang Islam partikular na
sa mga nag-oobserba ng Banal na buwan ng Ramadan, mamayang alas-5:30 ng hapon.

Ito ang kinumpirma ni Bobby Benito ng
Bangsamoro Center for Just Peace sa Radyo Bida.

Ayon kay Benito, inaasahang nasa limang
libo hanggang pitong libong mga nagaayunong muslim ang tutugon sa nasabing
programa ng lokal na pamahalaan bilang pagpapakita na ang mga Moro sa Central
Mindanao partikular na sa Cotabato City ay patuloy na nagkakaisa.

Ayon kay Benito, alas-4 pa lamang ng
hapon ay inaasahan na nila ang pagdating ng mga libog-libong partisipante.

Kung kaya't mahigpit nilang
pinaaalahanan ang mga ito lalo na ang mga KALALAKIHAN na gamitin ang KANAN AT
KALIWANG BAHAGI NG GATE papasok sa City Hall.

Habang para naman sa mga KABABAIHAN
hinihikayat na gamitin ang FRONT GATE papasok sa City hall o People's Palace.

Inaasahan naman na si Darul Ifta Grand
Mufti Abu Huraira Udasan ang magbibigay ng Muhadara habang naghihintay ng oras
ng hapunan mamaya.

Nakatakda namang magbigay ng kanyang
mensahe para sa lahat ng dadalo sa grand iftar si Hon. Mayor Japal Guiani Jr.
at ilan pang mga personalidad. MATAGUMPAY
ang seremonsya ng Office of the Civil Defense para sa pagsismula ng isang
buwang selebrasyon ng National Disaster Consciousness sa ARMM at sa buong
bansa.

Inihanda
ng OCD-ARMM ang kick-off ceremony sa 6th ID Division Training School sa
Baranggay Semba, Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao na nagsimula pasado alas
nuebe ng umaga kahapon.

Dito,
napagusapan ang kahandaan ng Office of the civil deffense sa pag responde sa
panahon ng kalamidad, mapa natural or man-made man ito.

Binigyaan
diin din ni Office of the Civil Deffense OIC at Regional Disasater Risk
Reduction Management Council o PDRRMC
Acting executive director Myrna Angot, na siya ring nanguna sa naturang
programa, na nakahanda bente-kwatro oras ang responders at volunteers ng
OCD-ARMM sa iba't ibang bahagi ng ARMM, sakaling may kalamidad na tatama sa
rehiyon, lalo pa't pumasok na ang panahon ng tag-ulan.

Sa
ngayon, nakalatag na ang iba't ibang aktibidad sa isang buwan na selebrasyon na
gaganapin sa iba't ibang lugar sa rehiyon.

Tema ng
selebrasyon ngayong taon ay Kahandaan at pagtugon sa sakuna, Tunkulin ng
bawat isa .

Dinalohan
din ng mga kinatawan mula sa iba't ibang sektor ng ARMM Government ang National
Disaster Consciousness month kick-off ceremony ng OCD-ARMM kasama ang PNP, AFP,
BFP, DILG, DOST at RPDO. BINIGYAN
ng 48-oras na ultimatum ni Philippine National Police Director Ronald Bato”
Dela Rosa ang mga pulis na sangkot sa illegal na droga para boluntaryong
sumuko.

Sa
kaniyang mensahe sa pormal na pag-upo bilang PNP chief, binigyan lang ni Dela
Rosa ng dalawang pagpipilian ang mga pulis na sangkot sa droga – ang sumuko o
maging full time drug lords na lang at makipag-giyera sa PNP.

Dagdag
pa ng PNP chief, Binigyan ng 48-oras na ultimatum ni Philippine National Police
(PNP) Director Ronald Bato” Dela Rosa ang mga pulis na sangkot sa illegal na
droga para boluntaryong sumuko.

Sa
kaniyang mensahe sa pormal na pag-upo bilang PNP chief, binigyan lang ni Dela
Rosa ng dalawang pagpipilian ang mga pulis na sangkot sa droga – ang sumuko o
maging full time drug lords na lang at makipag-giyera sa PNP.

Dagdag
pa ng PNP chief, totoong dumating na ang pagbabago, at maging ang birthdate ng
mga tiwaling pulis ay magbabago at magiging November 2 o All Soul’s Day.

Ayon
kay Dela Rosa, matinding operasyon ang kanilang gagawin sa mga pulis na
scalawags lalo na sa mga alagad ng batas na ipinagyayabang pa ang pag-recycle
nila ng mga shabu na nare-recover sa mga operasyon.

Aniya,
magiging ama” siya sa 160,000 na police force na magbibigay ng reward para sa
mga tumutupad sa tungkulin at parusa sa mga sumusuway.

Nakitaan ng Office of the Ombudsman ng sapat na dahilan upang kasuhan ng graft o paglabag sa Anti Graft and Corrupt Practices Act si dating Norala, South Cotabato Mayor Romeo Januto.
Ito ay kaugnay sa pagkakasangkot ni Januto at iba pang mga myembro ng Bids and Awards Committee o BAC ng Norala sa irregular na pagbili umano ng P1.8 million fertilizer noong 2005.
Kabilang din sa mga pinakakasuhan ng Ombudsman sina Norala Municipal Accountant Grace Medina, Municipal Treasurer Carlos Bengil, Bids and Awards Committee Chairman Dominador Eschucha Jr. at BAC member Victor Balayon na kasalukuyan namang Norala Mayor.
Lumabas sa pagsisiyasat ng Commission On Audit o COA na minadali nina Januto ang pag award ng proyekto sa supplier na RCS Trading.
Bigo umano ang BAC na maghanap ng iba pang supplier na may mababang presyo na mas kapaki pakinabang sana sa gobyerno.
Matatandaan na nabigo si Januto nang tumakbo itong Vice Mayor ng Norala matapos ang kanyang termino. Ilulunsad ng Police Regional Office 12 ang bago nilang programa upang lalo pang mapaigting ang kampanya kontra illegal na droga sa subong rehiyon sa July 4.
Ayon kay PRO 12 Public Community Relelations Chief, Police Superintendent Romeo Galgo, ang Project Duterte o Drugs Use and Trafficking Elimination through Rehabilitation, Training and Enforcement ay ilulunsad sa pamamagitan ang simultaneous motorcade, limang minutong noise barrage ng iba’t ibang police units.
Ito ay upang ipalalala sa mga mamamayan na huwag gumamit ng illegal na droga.
Paliwang ni Galgo, ang Project Duterte ay inisyatibo ng PRO 12.
Saklaw nito ang dalawang pamamaraan sa pagsawata ng problema sa illegal drugs.
Una ayon kay Galgo ay ang pag-resurface o bolontaryong paglitaw ng mga drug dependents at ikalawa ay pagsagawa ng anti illegal drug operation ng mga pulis sa mga ito.
Ito ang ipinahayag ni Galgo matpaos kumpirmahin ang pag resurfaced ng mahigit 6,000 drug dependents sa buong region 12.
Mahigit 3,000 sa mga ito ay mula sa lalawigan ng South Cotabato Kauupo pa lamang ng Duterte Administration pero tila nagsimula nang magpakitang gilas sa pag aresto ng mga sangkot sa illegal drugs ang mga pulis sa South Cotabato kahapon.
Sa bayan ng Banga, arestado ang mag live in sa anti illegal drug operation ng mga pulis sa Barangay El Nonok.
Kinilala ni Banga, Chief of Police, Chief Inspector Marvin Duadua ang mga suspek na sina Allan Castrodes alyas Cap at live in partner nitong si Cecilia Dela Penas alyas Tating .
Nakuha ng mga pulis sa mag- live in ang apat na malaki at dalawang maliit na sachet ng suspected shabu, dried marijuana leaves, at drug paraphernalia.
Ayon kay Duadaua ang mga drug suspek ay matagal nang minanmanan ng mga pulis.
Isinagawa ng mga pulis ang pagtugis sa mag live in sa bisa ng search warrant ng korte.
Sa bayan ng Sto.Nino kalaboso din ang isang suspected drug pusher matapos makuha sa kanya ang 9 na sachet ng suspected shabu, at drug paraphernalia.
Ayon kay Sto. Nino Chief of Police, Senior Inspector Bernie Faldas si Allan Porras ay naaresto sa kanilang lugar sa Purok Pagasa, Barangay Teresita.
Ito ay matapos sa bisa naman ng warrant of arrest ni Norala 1st Municipal Trial Court Judge Marlo Brasales.
Sa bayan ng Surallah, bagama’t isang sachet lamang ng suspected shabu ang nakuha sa suspek na si Danny Maganto, nakunanan naman ito ng 45 pistol at ilang mga bala.
Ayon kay Surallah Chief of Police, Chief Inspector Joel Fuerte, isinagawa nila ang pagaresto sa suspek sa barangay Lamian, Surallah sa bisa ng search warrant ni Surallah Municipal Trial Court Judge Jose Abu Filipe.
Sinimulan ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council o RDRRMC 12 ang Observance ng National Disaster Consciousness Month sa pamamagitan ng motorcade sa Koronadal City kahapon.
Kaugnay nito umaapela naman si OCD 12 Regional Director Minda Morante sa publiko na suportahan ang isang buwang selebrasyon.
Ito ayon kay Morante ay sa pamamagitan ng pagkabit ng mga streamers na nagtataglay ng tema nito sa kanilang tanggapan, eskwelahan at iba pang establisemento.
Tema ng selebrasyon ngayong taon ayon kay Morante ang Kahandaan at Pagtugon sa Sakuna, Tungkulin ng Bawat Isa.”
Ayon kay Morante na siya ring Chairperson ng RDRRMC 12 naghanda rin ng iba’t ibng aktibidad ang kanilang tanggapan pa sa National Consciousness Month Celebration.
Kabilang sa mga ito ayon kay Morante ang Tree Growing at Coastal Clean-up Drive, Draw and Tell Contest at Essay Writing Contest para sa mga estudyante sa elementarya at high school.
Saklaw din ng pagdiriwang ang Information Education Campaign para sa mga persons with disability , senior citizens at Indigenous People.
Ipinahayag ni Morante na magkakaroon din ng Flood Summit.
Layon nito ayon kay Morante na maituro sa mga mamamayan ang mga nararapat gawin upang malabanan ang epekto ng kalamidad. Magbibigay ng libo libo at makukulay na cupcake ang Provincial Tourism Council ng South Cotabato sa Golden Anniversary at 17th Tinalak Festival ng lalawigan.
Ayon kay Tourism Council President Jim Raborar,ang mga cupcake ay gawa mismo ng kanilang mga myembro.
IIpinahayag ni Raborar na ang mga cupcake ay gagawing mapa ng South Cotabato.
Ang bawat lugar sa lalawigan ay ipapakita sa pamamagitan ng mga kulay ng cupcake.
Upang makita ng mga mamamayan, ito ayon kay Raborar ay ilalagay sa isang mas mataas na mesa, kasabay ng festival launcheon sa South Cotabato Gym sa July 18.
Ayon kay Raborar,maliban sa fruit centerpiece ,magiging highlight din ng selebrasyon ang mapa ng South Cotabato na gawa sa mga cupcakes.

Bangsamoro READi nagpatupad ng evacuation sa SGA

Pasado alas onse Biernes kagabi ay nagsimula nang makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan ng Special Geographic Area (SGA) ang Bangsamoro READi...

Images of floods affecting NoCot, MagSur, SulKud

COTABATO CITY - Several villages in Pikit, North Cotabato are now under water, including villages now under the Bangsamoro Special Geographic Area (...

Malacanang officials visit flood affected Maguindanao del Norte, other areas in Mindanao

COTABATO CITY - DSWD Secretary Rex Gatchalian, together with Undersecretary for Disaster Response Management Group (DRMG), arrived in the...

Floods submerge Pagalungan town hall compound

COTABATO CITY - An overnight downpour in Bukidnon and North Cotabato resulted in the flooding of Pagalungan after the Malitubog-Maridagao river...

Civilian police informer killed in illegal firearms deal sting

COTABATO CITY - An illegal gun dealer shot dead a civilian police informer and ran away after he sensed that he had sold three rifles to...