Tuesday Jul, 16 2024 05:39:06 PM

NDBC BIDA BALITA (July 8, 2024)

NDBC BALITA • 09:30 AM Mon Jul 8, 2024
407
By: 
NDBC NCA

HEADLINES

1   USTADZ na nalunod sa Kabacan, bangkay na nang matagpuan sa Pulangi river sa N. Cotabato

2   Hog raisers sa Koronadal pinayuhan ng city vet na magpatupad ng sariling defensive move kasunod ng pagdami ng ASF sa North Cotabato

3   BILANG ng mga barangay na apektado ng ASF sa Antipas, nadagdagan pa

3   KAHANDAAN sa health emergency sa rehiyon, tiniyak ng DOH 12

4   OCD 12, inalerto ang publiko kasunod ng mga pagbaha at landslide na naitala sa rehiyon

5   DALAWANG Drug suspects patay, pulis, sugatan sa anti-drug operation sa BARMM

6   MILITARY sa Mindanao, inatasan ni P. Marcos na tiyaking maayos at mapayapa ang BARMM parliamentary elections

-0-

INATASAN NI P. MARCOS ang military sa Mindanao na tiyaking mapayapa at maayos ang eleksyon sa Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao (BARMM).

Ang BARMM parliamentary elections ay kasabay ng pagdaraos ng 2025 midterm at local elections.

Ayon sa pangulo, mahalaga talaga na may kredibilidad ang eleksyon sa BARMM upang tiyak na legal ang pag-upo ng mga kasapi ng Bangsamoro parliament.

Ginawa ni Marcos ang pahayag sa kanyang pagbisita sa Camp Teodulfo Bautista sa Jolo, Sulu nitong weekend.

Ang malinis na eleksyon ay mangangahulugan ng maayos na pamahalaan sa BARMM, ayon sa kanya.

Nais ng pangulo na aksyunan ng AFP ang mga banta sa kapayapaan at kaayusan sa rehiyon at Mindanao.

-0-

GINAWARAN NG Medalya ng Sugatang Magiting si Patrolman Abdulmijir Usman Kali Jr, ang police na nasugatan sa shootout na nangyari sa Bongao, Tawi-Tawi nitong weekend.

 

Si Kali, kasapi ng 1405th Mobile Force Company ng Regional Mobile Force Battalion 14-B ay naka-confine sa West Metro Medical Center sa Zamboanga City.

Si PRO-BAR Regional Director Brig. Gen. Prexy Tanggawohn ang nag-sabit ng medalya kay Kali sa ospital.

Si Kali ay nasugatan sa anti-drug operation habang nasawi ang dalawang drug peddlers ang napatay matapos makipagbarilan sa mga pulis sa palenge ng Bongao.

Nakuha sa mga nasawi ang dalawang caliber 45 pistols, mga bala at shabu na nagkakahalaga ng P36,000.

Si Kali ay tinamaan sa kaliwang hita matapos unang paputukan ng mga suspect.

Ang ‘Medalya ng Sugatang Magiting’ ay simbolo ng katapangan at dedikasyon ng isang law enforcer sa kanyang sinumpaang tungkulin at sa bayan.

-0-

PINABULAANAN ni BARMM spokesperson Asnin Pendatun ang kumakalat sa social media na listahan ng mga itatalagang officers in charge ng walong bayan sa Special Geographic Area.

Ayon kay Pendatun, walang pang opisyal at final na listahan ng mga OICs na inaprubahan si Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim. Ang kumakalat na listahan ay isang disinformation.

Giit ni Pendatun na kapag final na ang talaan ng napiling OICs ay mismong ang office of the chief minister ang maghahayag nito sa publiko.

Sa ilalim ng batas na bumuo ng walong bagong bayan sa SGA, si Chief Minister Ebrahim ang magtatalaga ng mga officers in charge.

Una rito, bumuo ng screening committee si Ebrahim upang pag-aralan at i-review ang aplikasyon ng mga nais maging OIC.

-0-

Ustadz na naanod sa Kabacan, bangkay na nang matagpuan sa Pulangi river sa Carmen, Cotabato

MATAPOS ang halos dalawang araw na paghahanap, natagpuan ng malamig na bangkay ni Ustadz Mohammad Katimanan sa Pulangi river na bahagi ng Barabgay Tawan-tawan, Carmen, North Cotabato pasado alas 6:00 kaninang umaga.

Si Katimanan ay tumawid sa ilog sa Barangay Simone, Kaabacan, SGA-BARMM kasama ang kaniyang anak gabi ng Biyernes nang anurin sila dahil sa lakas ng agus.

Nailigtas ang anak nito pero si Katimanan ay hindi agad natagpuan.

Nabatid na dumalo sa isang kasal ang mag-ama bago paman nangyari ang insidente.

Nasa state of decomposition na ito nang matagpuan.

Inilibing agad ito alinsunod sa kulturang Muslim.

Wala pang dalawang Linggo ay may nalunod ding apat na indibidwal sa dalawang Barangay sa Matalam, Cotabato, habang isa rin sa Pikit.

-0-

Barangay na apektado ng ASF sa Antipas, nadagdagan pa

NITONG Sabado lang nang inanunsyo ni Cotabato Provincial Advisory Council focal person on ASF Engineer Eliseo Mangliwan na nakumpirmang positibo na rin sa African Swine Fever (ASF) ang Barabgay Kiyaab at Malire sa Antipas, Cotabato.

May kaso na rin ng sakit sa Barangay Datu Agud sa ngayon, maliban pa sa Brgy. Poblacion at Magsasay na unang nakapagtala ng kaso.

Habang sa Makilaka ay nadagdag sa listahan ng may kaso ang Barangay Bulakanon, maliban pa sa San Vicente.

Positibo din sa sakit ang ilang barangay sa President Roxas at Pigcawayan.

Nagpapatuloy ang blood sampling sa mga pasok sa 500-meter radius mula sa ground zero.

-0-

Kahandaan sa health emergency sa rehiyon tiniyak ng DOH 12

Handang rumesponde sa health emergency ang region 12.

Ito ang tiniyak mismo ni DOH 12 Regional Director Aristides Concepcion Tan.

Ayon pa kay Tan bahagi ng kanilang paghahanda ang pagpapaigting ng pagsasanay ng kanilang mga personnel.

Sa katunayan ayon pa kay Tan mayroon na silang cadre ng mga health responder na may sapat na training at kaalaman sa pagresponde sa emergency cases.

Dagdag pa ni Tan, nakikipagtulungan din ang DOH sa mga LGU para sa paggawa ng disaster at migitation plan.

Sinabi rin ni Tan na nakikilahok din ang mga health workers aa mga drills para mas mahasa pa sa pagresponde sa panahon ng emerhensya.

-0-

Hog raisers sa Koronadal pinayuhan ng city veterinarian na maghigpit pa ng biosecurity kasunod ng ASF outbreak sa Cotabato province

Manananatili ang banta ng African Swine Fever o ASF hangga’t wala pang bakuna para dito.

Kaya payo ni Koronadal Veterinarian Dr. Charlemange Calo sa mga hog raiser sa lungsod maghigpit pa ng biosecurity.

Paalala pa nito sa mga magbaboy huwag basta magpapasok ng kung sino sa kanilang piggery.

At bago pumasok dapat hindi pa nagamit sa labas ang mga damit at sapatos.

Ipinunto pa ni Calo na mahalaga rin na malagyan ng kulambo ang mga piggery.

Layon nito ayon kay Calo na hindi makapasok ang mga ibon na nakakain ng feeds sa mga lugar na may ASF.

Dapat ayon pa kay Calo ay may walling o pader din ang mga hog raiser lalo na ang mga nasa backyard piggery farming.

Umapela din si Calo sa mga negosyante na huwag umangkat ng mga baboy sa mga lugar na red zone o infected ng ASF

Sinabi ito ni Calo kasunod ng pagdami na naman ng ASF cases sa ilang mga bayan sa Cotabato Province

-0-

OCD 12 pinaalerto  ang publiko kasunod ng mga pagbaha at landslide na naitala sa rehiyon

Makinig sa abiso ng mga local government unit lalo na ng barangay para makaiwas sa mga kalamidad.

Ito ngayon ang paalala sa publiko ni Office of the Civil Defense o OCD 12 Information Officer Joriemae Balmediano.

Payo pa ni Balmediano sa mga mamamayan i-secure ang kaligtasan ng pamilya sa mga kalamidad sa pamamagitan ng pagkakaroon ng emergency food bags.

Nananawagan din si Balmediano lalo na ang mga nakatira sa mga mababang lugar na maging mapagmatyag at agad na lumikas.

Ito ay upang maiwasan ang sakuna sa posibleng mga pagbaha at landslide.

Sinabi ito ni Balmediano matapos maitala ang landslide at mga pagbaha sa region 12 noong nakaraang lingo.

Ito ayon pa kay Balmediano ay sanhi ng malakas na ulan na dala naman ng easterlies at Inter Tropical Convergence Zone o ICTZ.

-0-

Publiko muling pinagiingat ng Department of Migrant Workers 12 sa illegal recruitment

Sumunod sa tamang proseso at mag-apply lang sa mga otorisadong agency para hindi mabiktima ng illegal recruitment.

Ito ang payo sa mga nais maging OFW ni Department of Migrant Workers o DMW 12 OIC Regional Director Maria Carolina Agdamag .

Dapat din ayon pa kay Agdamag na tiyakin na ang mga kinakausap ay konektado sa agency.

Paalala pa ni Agdamag, ang mga tauhan ng ahensya na nagiikot sa labas ng kanilang tanggapan ay mayroong ding Special recruitment authority mula sa DMW.

Kailangan din ayon kay Agdamag na sumunod ang mga ito sa mga itinalagang petsa at venue.

Pwede rin aniyang mag-apply ang naghahangad na magtrabaho abroad sa mga job fair.

Pinayuhan din nito ang mga job-seeker na nais mangibang bansa na magbayad lang ng placement fee na hindi lalagpas sa isang buwang sweldo kung mayroon  nang kontrata.

Ayon kay Agdamag hindi kasi maitatangi na naririyan pa rin ang banta ng illegal recruitment.

-0-

P29 pesos per kilo  na bigas isinusulong ng DA na maibenta rin sa mga KADIWA Centers sa Mindanao

Target ng Department of Agriculture na makapagbenta na rin ng tig P29 kada kilo na bigas ang kanilang mga KADIWA centers sa Mindanao sa Agusto o Setyembre.

Ayon kay DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. gagawin nila ito sa pakikipagtulungan ng mga local government units, farmer cooperatives, at private businesses.

Maliban dito  pinagpaplanuhan na rin aniya ng DA at mga attached agencies at korporasyon nito ang pagbenta  din ng well-milled rice sa mga KADIWA Centers ng mas mababa ang presyo sa merkado.

Sinabi ito ni Tan nang pangunahan ang paglunsad ng large scale trial ng P29 Rice Program.

Layon nito na makakolekta ng komprehensibong datus sa lahat ng aspeto ng pagbebenta ng bigas tulad ng demand, supply at logistics na titiyak sa matagumpay na pagpapatupad ng nasabing programa.

Ayon sa DA 12, ito ay isang inisyatibo na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para maibsan ang epekto ng mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin lalo na ng bigas para sa mga mahihirap, senior citizens, solo parents, at persons with disabilities.

-0-

Cotabato City Mayor Matabalao nagsabing bukas ang kaniyang tanggapan para sumuko ang mga kalalakihang nambugbog at nanutok ng baril sa isang computer shop

BUKAS ang tanggapan ni City Mayor Bruce Matabalao o kaya ang Cotabato City PNP para sumuko ang mga kabataang sangkot sa pagbugbog sa isang lalaking nagllaro lang sa loob ng isang computer shop.

Nangyari ang insidente noong sabado ng gabi sa Barangay Rosary heights 2 ng lungsod.

Makikita sa kuha ng CCCTV Camera na nasa loob ng computer shop ang biktimang lalaki nang pumasok ang hindi bababa sa pitong mga kalalakihan sabay suntok sa biktima.

Ang isa sa kanila ay nagkasa pa ng baril sa biktima ngunit hindi ito pinaputok habang ang isa pa ay may dalang baseball bat at pinalo sa biktima.

Sa faceboook post ng alkalde, sinabi niyang bukas ang kaniyang tanggapan para sumuko ang nasabing grupo kasama ang kani-kanilang mga pamilya na umano'y mga taga Manday Street ng Barangay Mother Bagua ng lungsod.

Iniutos na rin ng alkalde sa PNP at Public Safety office na hanapin ang mga nambugbog para maimbestigahan kung ano ang puno't dulo ng pangyayari.

-0-

Criminology student na nawawala noong Miyerkules at sinasabing natagpuang patay sa Bongo Island, Parang, Maguidanao del Norte, buhay at nasa Manila ayon sa pamilya

ITO ANG pahayag sa DXMS Radyo Bida ni Kagui Muraida Dabpil Tato, tiyahin ng nawawalang criminology student na si Bainary Embel Mohammad Dabpil.

Si Bainary na 22 anyos ay taga Datu Blah Sinsuat, Maguindanao del Norte.

Ayon kay Kagui Muraida, noong July 3, Miyerkules, nagpaalam ang kanyang pamangkin na pupunta lamang ito sa Cotabato City dahil may kukunin na pera.

Paglipas ng ilang oras, bigla itong tumawag at sinabing kinuha siya ng mga kalalakihan at isinakay sa itim na van. Mula noon, hindi na ito makontak.

Kahapon lamang, nakatanggap sila ng tawag mula sa mga concerned citizen kaugnay sa natagpuang bangkay sa Bongo Island, Parang, Maguindanao del Norte.

Agad nila itong inilibing sa pag-aakala na yun ay bangkay ni Bainary.

Nitong Sabado rin nang makatanggap sila ng mensahe mula mismo kay Bainary na nagsabing siya ay nasa Maynila.

Palaisipan para kay Kagi Muraida paano ito napunta sa Manila ngunit nagpapasalamat ito dahil buhay ang kanyang pamangkin.

Samantala, sa mga nawawalan ng kaanak na nailibing nila, maaring makipag-ugnayan kay Kagui Muraida sa pamamagitan ng 09535978767.

Sinabi ni Kagui Muraida na ang kanilang babaeng inilibing ay nakasuot ng sleeveless na kulay pula, naka-maong pants at blue na sapatos.

-0-

PINASALAMATAN ng mga local officials ng Sulu si P. Marcos dahil sa suportang ibinigay nito sa provincial government at sa mga bayan.

Noong Biernes, binista ni P. Marcos ang Jolo, Sulu at namigay ng ayuda sa mga mangingisdang apektado ng pandemic.

Pinuri din ni Marcos ang mga local officials dahil napabuti nila ang peace and order situation sa lalawigan na noon ay sento ng karahasan, pambobomba at terorismo ng Abu Sayyaf Group.

-0-

Huli, pero di kulong. Ito ang nangyari sa isang lalaking ang motorsiklo ay walang license plate sa Cotabato City.

Binigyan ng citation ticket ng Cotabato City Traffic Management Unit ang isang lalaking di kinilala sa report dahil walang maayos na plaka ang kanyang sasakyan.

Ang matindi pa ay sa halip na temporary registration na plaka ang ilagay, nakasulat ang ganitong mga kataga: “Looking for Sigle Mom.”

Dahil diyan, nilabag ng lalaki ang “No Plate No Travel Policy” ng TEU.

Katuwaan lang daw sabi ng lalaki, sagot ng traffic officer, hindi katuwaan dahil ito ay isang paglabag sa batas.

-0-

ISANG BABAE ang nagtamo ng first degree burn matapos na masunog ang kanyang bahai sa Barangay Paulino Sanots, Koronadal City kahapon.

Kinilala ng BFP ang biktima na si Melinda Balfermoso.

Ayon kay Barangay Chairman Danilo Delos, nagsimula ang sunog alas 3 kahapon ng hapon at nadamay pa ang isang katabingbahay.

May narinig umano na pagsabog sa main switch ng bahay bago ang sunog na nagsimula sa kesame at mabilis na kumalat.

 

Maguindanao Sur now under state of calamity due to massive floods 

COTABATO CITY  – The Maguindanao del Sur provincial board approved has approved this afternoon a resolution putting the entire province under...

PRO-12 sends augmentation force for Tnalak in SoCot

GEN. SANTOS CITY - Brig. Gen. Percival Augustus Placer, PRPO-12 regional director, spearheaded on Monday the send-off ceremony of the 106 police...

PDEA-12 agents arrest couple together operating drug den

COTABATO CITY - Anti-narcotics agents seized P91,800 worth of shabu from a couple operating a drug den in Barangay Cabaruyan in Libungan, North...

Badminton player from Lanao Sur brings gold for BARMM in Palaro 2024

Jamal Rahmat Pandi of Lanao del Sur I has brought honor to the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) by winning another gold medal...

P1.2-M smuggled cigarettes recovered in Tawi-Tawi

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao del Norte - In a coordinated effort on the night of July 13, 2024, law enforcement units successfully intercepted a...