Tuesday Jun, 18 2024 03:14:51 AM

NDBC BIDA BALITA (June 8, 2016)

 • 19:11 PM Wed Jun 8, 2016
1,311
By: 
NDBC

NEWSCAST

JUNE 08, 2016
(THURS)
7and00 AM

HEADLINESand

1. DEP-ED ARMM, magdaragdag ng mahigit
900 mga guro para magturo sa senior high school.

2. Policewoman na asawa ng vice mayor
ng Talitay, Maguindanao, binaril at napatay sa Tacurong City.

3. Magkapatid na rape suspects, naaresto ng PNP matapos halayin ang magkapatid na batang biktima.4. Army tuloy sa security measures sa Maguindanao sa kabilang ng roadside bombing na ikinasugat ng 4 na sundalo. NGAYON SA DETALYE....MAHIGIT 900 mga bagong guro ang
nakatakdang tanggapin ng Department of Education sa Autonomous Region in Muslim
Mindanao o DepEd-ARMM para magturo sa senior high school ngayong taon.

Sinabi ni DepEd-ARMM information
officer Mobarak Pandi na sa ngayon ay nagsisimula na ang kanilang selection
process para sa mga aplikante.

Una nang nagsagawa ng English
Proficiency Examination para sa mahigit isang libong aplikante ang DepEd-ARMM
nitong nakaraang Miyerkules, June 1.

Sabi ni Pandi, ang mga matatanggap na
guro ay itatalaga sa mga paaralan sa Maguindanao 1 and 2, Lanao del Sur 1 and 2
at Marawi City.

Tiniyak naman ni Pandi na maayos at
patas ang pagpili ng mga bagong guro sa ARMM at ang lahat ng mga aplikante ay
may pagkakataong matanggap kapag pumasa sa proseso.

Ayon kay Pandi, ang pagpili ay base sa
kakayahan ng mga aplikante na susukatin sa pamamagitan ng mahigpit na mga
pagsusulit, teaching demonstration, panel interview at pagsuri sa kanilang mga
credential.

Ang mga matatanggap na senior high
school teacher sa ARMM ay tatanggap ng sahod na mula P19,940 hanggang P39,493.

NANINIWALA
ang Armed Forces of the Philippines o AFP na ang Bangsamoro Islamic Freedom
Fighters o BIFF ang responsable sa pamboboba sa mga sundalo ng Army’s 34th
Infantry Battalion sa national highway ng Brgy. Meta, Datu Unsay, Maguindanao.

Sinabi ni
Army’s 6th Infantry Division Public Affairs chief Capt. Joan Petinglay na
naganap ang roadside bombing pasado alas kwatro ng madaling araw kahapon habang
nagpapatrolya ang mga sundalo sakay ng kanilang military truck.

Isang improvised
explosive device ang ginamit ng mga suspek sa pambobomba.

Ayon kay
Petinglay, pinipigilan ng mga suspek na makapasok sa lugar ang mga sundalo ng
34th Infantry Battalion.

Nnabatid na kumukolekta
umano ng revolutionary tax ang BIFF sa mga residente ng nabanggit na lugar.

Aniya, apat
na mga sundalo ang sugatan sa naturang insidente at agad silang dinala sa Camp
Siongco Hospital.

Dahil sa
insidente, pinaigting pa ng mga sundalo at pulisya ang seguridad sa Maguindanao
kahit ngayong panahon ng Ramadan.

Pinakawalan
na kahapon ang apat sa anim na teenagers na dinukot noong Sabado, June 4, sa
Iligan City.

Ang
mga biktimang pinalaya ay sina Juhari Gubat, Eloisa Lacson, Hanna Yurong at
Kevin Limpin, habang nananatiling bihag ng mga kidnapper ang dalawang iba pa na
sina Berzon Rey Paeste at Cedric Jamias.

Ayon
sa ina ni Hanna na si Nida Yurong, na-trauma at ang kaniyang anak nang nakauwi ito
sa kanilang bahay kahapon ng madaling araw.

Aniya,
ikinwento ng kaniyang anak na piniringan ang kanilang mga mata at tinakpan
naman ng duct tape ang kanilang mga bibig.

Gayunman,
hindi pa malinaw kung bakit sila pinalaya ng mga kidnappers.

Nabatid
na nag-iinuman ang mga nabanggit na kabataan sa Barangay Tibanga, nang magpasya
silang pumunta sa Lala, Lanao del Norte para pumunta sa bahay ni Limpin.

Ngunit
habang nakasakay sila sa isang pampasaherong van, biglang hinarang ng mga
armadong kalalakihan ang kanilang sinasakyan.

Pinababa
sila ng mga ito at inilipat sa ibang sasakyan.

Batay
sa kwentong ng mga napalayang biktima, hindi na nila alam ang mga sumunod na
nangyari dahil nakapiring ang kanilang mga mata.

0NGAYONG
PAPALAPIT NA ANG PASUKAN, muling nagbabala ang Department of Trade and Industry
o DTI sa?mga?manufacturer ng
school supplies pagdating sa labeling ng mga?produkto,?partikular ang
papel, lapis, eraser, na kailangan pasado ng Food and Drug Administration o
FDA.

Dulot
na rin ito sa insidente ng pagkakaroon ng mas mataas na lead content at
chemicals ng produkto kumpara sa itinakda.

May?kaukaulang parusa ang
mga nagbebenta ng mislabeled na produkto partikular kapag napatunayan ito’y sinadya.

Bukod
sa pagkakulong ng tatlong taon ay may multa pang humigit kumulang sa 400
thousand pesos.

Dahil
dito, payo pa rin sa mga mamimili na maging mapanuri sa pagbili ng mga
kagamitan.

Pagdating?naman sa presyo,
may inilabas nang?suggested?retail price o SRP
ang DTI para sa school supplies na magsibling guide sa tamang presyuhan.

Makikita
ang kumpletong listahan sa kanilang website na and//www.dti.gov.ph www.dti.gov.ph .

May
umiikot ring mobile Diskwento Caravan upang?makapamili?ng mas murang
school supplies.

TULOY-TULOY
PA RIN ang operasyon ng Armed Forces of the Philippines o AFP sa Western
Mindanao laban sa Abu Sayyaf group o ASG kahit ngayong Ramadan.

Sinabi
ni Western Mindanao Command spokesperson major Filemon Tan Jr. na nakasentro pa
rin ang kanilang intensified law enforcement operation ngayon sa mga
bulubunduking bahagi ng Basilan at Sulu at iba pang mga lugar sa Western
Mindanao na napapaulat na may presesnya ng Abu Sayyaf.

Nilinaw
naman ng opisyal na kinokonsidera pa rin nila ang kanilang mga sundalong Muslim
at binibigyan ng pagkakataon na magawa ang kanilang obligasyon sa Islam sa
panahon ng Ramadan.

Nakatutok
pa rin aniya ang kanilang operasyon sa pagsagip sa mga natitira pang bihag ng ASG.

Nabatid
na hirap pa rin ang militar na matukoy ang mga lugar na pinagtataguan ng Abu
Sayyaf sa Sulu kasama ang kanilang mga bihag dahil palipat-lipat ng lugar ang
mga ito. Sugatan ang anim katao matapos sumalpok sa rotunda ng Surallah, South Cotabato ang kanilang sinakyang Sportivo Vehicle.
Kinilala ang mga ito na sina Edizon Dizon 19 anyos, driver ng naaksidenteng sasakyan, Christopher Gamboa 35 anyos, government employee at ang mga college students na sina Ariel Arellano, Megal Nuelit, Rey Acuna, at Bernard Vale.
Ayon kay Surallah Chief of Police, Chief Inspector Joel Fuerte, posibleng hindi agad napansin ng driver na si Dizon ang Rotonda dahil brownout at madilim sa lugar nang maganap ang aksidente dakong ala una ng madaling araw kahapon.
Inihayag ng police official na maaring mabilis din ang takbo ng sasakyan kaya huli na nang makapag-preno ang driver .
Dahil sa lakas ng pagkakasalpok nito sa rotunda, natumba at parang latang niyupi ang sasakyan na noon ay mula Koronadal at patungong bayan ng Surallah.
Nilinaw naman ni Fuerte na lahat ng mga sakay ng naaksidenteng sasakyan na kagagaling lamang ng party ay nasa stable nang kalagayan sa isang ospital sa Koronadal City. Masusing iniimbistigahan ngayon ng Koronadal City Traffic Section ang cloning o pangongopya ng Motorized Transport Operators Permit o MTOP number ng mga pampasaherong tricyle sa Koronadal City.
Ayon kay City Traffic Officer Ed Tabago, nagsasagawa ngayon ng cleansing sa record ng mga pampasaherong tricyle sa Koronadal ang kanilang tanggapan upang matukoy mga gumagamit ng pekeng MTOP number.
Inihayag ni Tabago na para madaling matukoy ang mga nangongopya ng MTOP, dala dala ng mga traffic enforcer habang naka duty ang listahan ng mga legal holder MTOP numbers.
Layon nito na mapigilan ang mga masasamang loob na gamitin sa anumang krimen ang ipinapasadang tricyle. Ito ayon kay Tabago ay bilang pagtiyak na rin ng city traffic section sa seguridad ng mga estudyante sa pagsisimula ng klase sa Hunyo a trese.
Umapela din si Tabago sa mga pasahero lalong lalo na tuwing gabi na bago sumakay, tiyakin na nakuha ang MTOP number ng sasakyang tricyle. Umaapela si Koronadal Mayor Peter Miguel sa publiko lalong lalo na sa mga commercial establishments na magingat sa mga masasamang loob na gumagamit sa kanyang pangalan upang makapang-gantso.
Ito ang ipinahayag ni Miguel matapos umanong magpadala ng pagkain sa isang himpilan ng radyo ang isang fast food chain gamit ang kanyang pangalan.
Ayo kay RMN Koronadal News Director Eden Canete,maging sila man mismo ay nagduda nang mag-diliver ng pagkain sa kanilang himpilan ang fast food chain kamakalawa ng hapon.
Inihayag ni Canete na nang makumpirma sa alkalde na wala siyang inorder na pagkain para sa kanila, pinabalik na lamang nila ito sa fast food chain.
Nabatid na maliban kay Miguel ginamit na rin ng mga suspek upang makapanloko ang pangalan nina Dr. Editho Vigo ng Koronadal City Health Office , City Engineer Ruel Tianchon, , Deped Koronadal OIC Schools Division Superintendent Leonardo Balala, Father Romy Cathedral at South Cotabato Provincial Legal Officer Atty. Romeo Sucaldito.
Hiling ni Miguel sa may ari ng mga commercial establishment na may pagdududa sa mga nakikipag transaksyon sa kanila agad na magsumbong sa pulisiya upang maparusahan. Inaresto ng mga pulis ang dalawang magkakapatid matapos umanong gahasain ang dalawa ring menor de edad na magkakapatid sa Koronadal City.
Ayon kay Koronadal City Chief of Police, Superintendent Barney Condes unang inaresto sa Barangay Morales, Koronadal ang 21 anyos na si Ferdinand Lamoste.
Arestado din sa follow up operation ng mga pulis sa Purok Urban Poor, Barangay San Isidro ang nakatatandang kapatid ni Ferdinand na si Randy 32 anyos.
Ang magkakapatid na Lamoste ang siya umanong nanghalay sa magkakapatid na rape survivor na nagkakaedad ng 10 at 9 anyos.
Ang mga suspek ayon kay Condes ay kapatid din ng amain ng mga rape survivor.
Nabatid na ang ina ng dalawang menor de edad ay nagtatrabaho sa ibang bansa.
Natuklasan lamang ng lola ang matagal nang pangaabuso sa kanyang mga apo nang madiskubre ang pamamaga sa maselang parte ng kanilang katawan.
Lumabas din sa inisyal na pagsisiyasat ng mga pulis na biktima din umano ng panghahalay ng mga suspek na Lamoste ang isa mismo nilang kaanak.
Inihahanda na ng pulisiya ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa mga rape suspek na nakakulong na ngayon sa Koronadal City PNP lock up cell. Patay ang isang pulis matapos pagbabarilin sa Tacurong City Sultan Kudarat, pasado alas dose ng tanghali kahapon.
Kinilala ni Tacurong Chief of Police,Superintendent Rannie Hachuela ang biktima na si Police Officer 3 Lilibeth Sabal,kasapi ng Philippine Maritime Group region 12 na nakabase sa General Santos City.
Nabatid na kapaparada pa lamang ng Toyota Hilux vehicle na sinakyan ng biktima mula Gensan sa national highway, Barangay Buenaflor Tacurong, ng lapitan at pagbabarilin ng nakamotorsiklong mga suspek.
Ang biktimang pulis ay dead on the spot dahil sa tinamo nitong mga tama ng bala ng 45 pistol.
Timaan din ng bala sa leeg ang kasama nitong si Sammy Alimudin na ginagmot pa sa isang pribadong osital sa Tacurong City.
Maswerte namang nakaligtas sa pamamaril ang isa pa nilang kasama na si Nurshida Monico .
Nabatid na ang biktimang policewoman ay maybahay ni Talitay, Maguindanao Vice Mayor, Abdul Wahab Allan Sabal.
Hindi pa batid ng Tacurong city PNP kung ano ang motibo ng naka bonnet at naka sombrerong riding tandem na mga suspek sa pagbaril sa mga biktima.

6 dead, four hurt in General Santos City highway accident

COTABATO CITY - Five commuters, among them a 12-month-old child, and a tricycle driver died when the three-wheeled vehicle carrying them...

NDBC BIDA BALITA (June 17, 2024)

HEADLINES 1   P2.2 million na halaga ng shabu, nakumpiska ng PNP sa simultaneous operation nito sa Region 12 2   Sa North...

63 guns seized, confiscated during PRO-12 Sacleo

GEN. SANTOS CITY - A total of 62 operations were conducted that resulted in the arrest of 2 individuals and the confiscation of 63 assorted...

P2.2-M shabu seized during PRO-12 SACLEO

GEN. SANTOS CITY - The Police Regional Office 12, under the leadership of Regional Director Brig. Gen. Percival Augustus Placer has successfully...

Kagi Murad: Reflect on Eid al-Adha for stronger, unified Bangsamoro

COTABATO CITY – As Muslims celebrated Eid al-Adha on Sunday, Chief Minister Ahod Ebrahim called on the Bangsamoro community to reflect on the...