Wednesday Apr, 24 2024 10:28:26 AM

NDBC BIDA BALITA March 23, 2016

 • 18:05 PM Wed Mar 23, 2016
1,213
By: 
NDBC NCAT

NEWSCAST

MARCH 23,
2016 (WED)
7and00 AM

HEADLINESand

1. MGA SUNDALO at BIFF, muling
nagkasagupa sa Datu Salibo, Maguindanao.

2. Kaligtasan ng publiko sa Semana
Santa, tiniyak ng PNP sa mga lalawigan ng South Cotabato AT North Cotabato.

3. Cotabato Archbishop Orlando Cardinal
Quevedo, main presider sa Chrism Mass sa Immaculate Concepcion Cathedral kagabi
Cardinal, bisita rin sa Chrism Mass sa Kidapawan City ngayong araw

4. Election campaignsa Biernes Santo, bawal pa sabi ng Comelec MULING NAGPANG-ABOT ang mga miyembro ng
Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF at mga sundalo sa Datu Salibo sa
Maguindanao.

Sinabi ni Army’s 6th Infantry Division spokesperson
Capt. Jo-Ann Petinglay na nagsasagawa ng security operations ang mga sundalo sa
Sitio Balas, Brgy. Tee ng nabanggit na bayan nang atakihin sila ng BIFF pasado
alas dyes ng umaga.

Ayon kay Petinglay, nasa 30 mga armadong
miyembro ng BIFF ang umatake sa mga sundalo, na naging hudyat para magkaroon ng
mahigit 40 minutong palitan ng putok sa pagitan ng dalawang grupo.

Aniya pa, wala namang nasawi o
nasugatan sa magkabilang panig.

Gayunman, nabatid na muling nagkasagupa
ang magkabilang panig kagabi ngunit ayon kay Petinglay, hindi pa siya
makapagbibigay ng detalye dahil hanggang ngayon ay wala pang silang natatanggap
na report mula sa field hinggil sa panibagong sagupaan. Samantala, kinumpirma naman ni BIFF
spokesperson Abu Misri Mama ang nasabing pag-atake, at sinabing hindi nila
titigilan ang mga ito kung hindi rin ititigil ng mga sundalo ang panghihimasok
sa kanilang teritoryo.

Sinabi pa ni Mama na may mga sundalo
ring umanong nanghaharas at nanunog ng mga bahay sa naturang lugar, bagay na mariin
naming pinasinungalingan ni Petinglay. Sa kabilang dako pa, napigilan naman ng
mga Army’s Explosives and Ordnance Disposal expert ang isa sanang malakas na
pagsabog mula sa isang bomba na itinanim sa gilid ng national highway ng Datu
Unsay, Maguindanao.

Nabatid na na-stranded ang daan-daang
motorista at mga pasahero na dumaraan sa naturang kalsada dahil dalawang oras
na isinara ito ng mga sundalo at pulis habang dinidis-armahan ang naturang
improvised explosive device o IED. Ang IED ay iniwan ng mga di pa kilalang
suspek sa highway ng Barangay Iganagampong.

Sabi ni Petinglay, hinihinala nilang
ang BIFF pa rin ang nag-iwan ng naturang bomba na ang target ay ang mga
sundalong dumaraan sa lugar. TODO ALERTO
ngayon ang Cotabato city PNP para matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan ng
lungsod na dadayo sa mga simbahan para sa paggunita ng Semana Santa.

Nabatid na
magbabantay ang mga pulis ng lungsod sa mga matataong lugar sa lungsod,
kabilang na ang mga terminal.

Samantala,
naglabas naman ng schedule ang Immaculate Concepcion Cathedral ng kanilang
schedule of activities para sa Semana Santa.

Mamayang gabi
ay gagawin ang healing mass para sa mga may sakit na magsisimula alas singko y
medya ng hapon mamaya.

Sa Huwebes
Santo, March 24 ay gagawin naman ang Masws of the Lord’s Supper alas singko y
medya ng hapon. Kasunod nito ang washing of the feet na tradisyunal na
seremonya tuwing Huwebes Santo, at ang Holy Vigil na pangungunahan ng iba’t
ibang mga sektor.

Sa BIyernes
Santo, magsisimula naman ang station of the cross alas siyete ng umaga. Habang ang
Seven Last Words ay gagawin ala una ng hapon.

Ang Salubong
at Ester Sunday Mass ay gagawin naman sa Linggo, march 27, alas singko ng umaga.

SINAMPAHAN
NA ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act
of 2002 ang isang lalaki matapos maaktuhang nagbebenta ng iligal na droga sa
ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA- ARMM na nagkunwaring
bibili ng shabu.

Kinilala
ang suspek na si Norudin Abdul Usop, 32 years old, taga-Gonzalo Javier street,
Barangay RH-7, Cotabato city.

Ayon
sa report ng PDEA-ARMM, nagkunwari silang bibili ng limang gramo ng shabu kay
Usop na nagkakahalaga ng 6,500 pesos.

Agad
nag-deploy ng mga operatiba ang PDEA ARMM sa bahay ng suspek kung saan nakuha
ang 55 gramo ng pinaniniwalaang shabu na tinatayang nagkakahalaga 65 thousand
pesos.

Iginiit
naman ng suspek na hindi sa kanya ang mga nakumpiskang shabu.

Sa
ngayon ay nasa kustodiya pa ng PDEA-ARMM si Usop habang inihahanda ang mga
ebidensyang gagamitin laban sa suspek.

UMAASA ang mga Catholic
Bishops Conference of the Philippines o CBCP na hindi maubos ang panahon ng
bakasyon ng mga mananampalataya sa mga beach resort, malls at mga pasyalan sa
buong panahon ng Holy Week.

Hinimok ng CBCP ang mga
mamamayan na gawing tunay na makabuluhan ang paggunita ng Mahal na Araw at
gugulin ang panahon ng bakasyon para sa pagninilay, pananalangin at pagkawang-gawa
kasama ang buong pamilya para mapatatag ang relasyon sa Diyos.

Ayon pa sa CBCP, hindi dapat
mapalitan ng mga materyal na kasiyahan ang dapat ay panahon ng kabanalan at
pagbabalik loob sa Diyos.

Hinimok naman ng mga Obispo ang
mga mananampalataya na bisitahin ang mga pilgrimage church sa Pilipinas ngayong
Semana Santa at alamin ang kasaysayan at kabuluhan ng mga ito sa buhay ng mga
Katolikong Pinoy.

SA
MARCH 26 pa dapat magsimulang mangampanya ang mga lokal na kandidato.

Ito
ang paglilinaw ng Commission on Elections o Comelec at pina alalahanan ang mga
local candidate na mahigpit na ipinagbabawal ang pangangampanya sa March 25,
lalo na’t tumapat ito sa Biyernes Santo. Kaya
naman ang campaign kick-off ng mga lokal na kandidato na kinabibilangan ng mga
congressmen, governors, vice governors, provincial board members, city and
municipal mayors, at city and municipal councilors ay magsisimula sa Sabado de
Gloria. Tugon
ito ng Comelec sa sumbong na ilang campaign materials ng mga local candidate ang
nagkalat na ngayon sa maraming mga lugar. Banta
ng Comelec, maaaring maharap sa diskwalipikasyon ang mga kandidatong lalabag sa
Comelec rules.

Samantala,
pinahihintulutan naman ng Comelec ang pagbaklas ng mga campaign material ng mga
local candidate na ipinaskil na kahit hindi pa simula ng kanilang campaign
period.

Matatandaan
na February 9 nang magsimula naman ang campaign period para sa national
candidates kabilang ang president, vice president, senators at party-list
representatives. Libu-libung mga grade five pupils ang inaasahang magtatapos ngayong araw sa kanilang tatlong araw na camp kaugnay sa taunang ginagawang Summer Kids Peace Camp o SKPC sa North Cotabato na pinangungunahan mismo ni Governor Emylou Mendoza.Sinabi ni Norito T. Mazo, Community Affairs Officer I at Provincial Coordinator ng SKPC, ang aktibidad ay unang sinimulan sa Dualing Elementary School, sa Aleosan, North Cotabato nitong lunes.Pagkatapos sa bayan ng Aleosan, gagawin rin ang kaparehong aktibidad sa iba pang mga bayan sa lalawigan hanggang Mayo.Nakasentro ang nabanggit na training sa pagpapahalaga sa tatlong tribu o TRI-People na ngayon ay naninirahan sa lalawigan.Kabilang na rito ang Muslim, Kristiyano at Lumad.Sa pamamagitan SKPC Dito mababago ang pananaw ng bawat bata kaugnay sa kanilang pakikitungo sa ibang kulutra at paniniwala tungo sa tunay na kapayapaan sa Mindanao.Sinabi ni Mazo na kaya grade five ang sumasailalim sa naturang training dahil meron pa silang isang taon sa kanilang grade six na maiapply ito sa kanilang mga sarili at mabigyan ng oportunidad na maibahagi sa lower grades at maging ehemplo sa komunidad.Nabatid na noong 2015, abot sa 25 thousand na mga grade five pupils ang nakapagtapos ng 3-day camp kung saan itinuro sa kanilang ang pagkakaroon ng peace initiatives, leadership skills training at maging ang environmental protection at basic survival skills. Kulungan ang bagsak ng isang lalaki matapos itong makorner ng mga pulis nang tangayin nito ang isang motorsiklo sa brgy. Poblacion Pikit, North Cotabato alas tres ng hapon kahapon.Kinilala ni Ins. Sindatu Karim, hepe ng Pikit PNP ang suspek na si Rusman Salik Mohamad, 35-anyos na taga Sitio Basagen, Pagangan, Aleosan.Ayon kay Karim, agad naka hingi ng saklolo ang may-ari na hindi naman binanggit sa report dahil tinagay raw ng isang lalaki ang kanyang kulay asul na HONDA XRM 125.Agad nagsagawa ng pursuit operation ang PNP at duon nila nasakote ang suspek na ngayong ay nakakulong na sa Pikit PNP lock up cell at inihahanda na ang kasong isasampa laban sa kanya.Sa kabilang dako, huli rin ang dalawa katao matapos silang makuhanan ng ilegal na droga sa bayan pa rin ng Pikit, pasado alas dos ng hapon kahapon.Kinilala ang suspek na sina Abdillah Manampan Kusain, 33-anyos na taga brgy. Manaulanan, Pikit kung saan nakuhanan siya ng isang sachet ng pininiwalaang shabu.Habang nakuhanan naman ang kasama nitong si Norhan Misawa Sambaga na taga Sapu Masla, Malapatan, Saranggani Province ng mga ilegal drug parapahernalia.Kapwa nakakulong ngayon ang mga suspek habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanila. Tiniyak na rin ng buong hanay ng Kabacan Municipal Police station ang kanilang ipapatupad na seguridad sa buong bayan kaugnay sa paggunita ng Semana Santa na magsisimula bukas.Sinabi ni Sr. Ins. Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP, mananatili ang kanilang mahigpit na highway inspection at maging ang deployment ng mga PNP personnel sa mga Simbahan, palengke, terminal at ibang mga matataong lugar sa bayan.Aasahan rin ang mga assistant desk ng PNP para kaagad na mahingian ng saklolo ng publiko sakaling may mga kailangan at emergency ang mga ito.Ayon kay Cordero mananatili rin ang kanilang mga operasyon kagaya ng Kapkap Bakal, Oplan Sita,Oplan Bulabog at maraming pang iba.Samantala, ibinunyag naman ni Cordero na sampung mga barangay ngayon sa Kabacan ang tinututukan ng PNP na kabilang sa immediate of concern sa darating na halalan.Tumanggi muna ang opisyal na pangalanan ang mga barangay.Bagaman at napabilang ang mga ito sa category 2 mananatili pa rin silang alerto para sa pagpapanatili ng seguridad dito. Abot sa higit apat na libong mga pamilya ang nakatanggap na ng relief assistance mula sa Matalam Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council o MDRRMC.Sinabi ni MDRRMC Officer Engr. Marilyn Samson, noong nakaraang linggo pa sinimulan ang nabanggit na relief distribution sa mga barangay ng Kabulakan, Kibia, Lampayan, Latagan, New Abra, Minamaing at New Alimodian.Nasa dalawang milyong piso naman ang inilaang pondo ng Matalam LGU para rito mula sa calamity fund.Nilinaw ni Samson, lahat na mga indigent families ang kanilang target na mabibigyan ng tulong para masigurong may makain ang mga ito.Laman ng naturang relief packs ang bigas, noodles, can goods at iba pa.Sa naturang operasyon boluntaryo namang hindi sumama ang mga incumbent officials sa mga nabanggit na barangay batay na rin sa Omnibus Election Code. Doble seguridad ngayon ang ipapatupad ng Makilala PNP sa 15 mga barangay ng bayan matapos isailalim sa Election watch list ngayon darating na May 9 election.Ayon pa kay Chief Ins. Elias Colonia, hepe ng Makilala PNP kabilang rito ang mga barangay ng Luna Sur, Malabuan, Villaflores, Bato, Malungon, Guangan, Malasila, Batasan, Biangan, Kisante, Old Bulatukan, Sto. Niño Luayon Rodero at brgy. Sta Felomina.Ang nabanggit na watch list ng PNP ay base na rin sa kanilang intelligence monitoring at sa mga una nang mga naitalang karahasan at presensya ng mga rebeldeng grupo sa naturang mga area.Ayon kay Colonia, magpapatupad sila ng deployment sa kanilang mga tauhan sa mga nabanggit na barangay para maiwasan ang gulo sa araw ng botohan.Nakikipag-ugnayan na rin ang PNP sa mga barangay officials at militar para matiyak na maayos at mapayapa ang gagawing eleksyon ngayong Mayo. DAAN-daang mga mananampalatayang Katoliko ang inaasahang dadalo sa gagawing Chrism Mass sa Our Lady Mediatrix of All Grace Cathedral, Kidapawan City ngayong alas nuebe ng umaga.Magiging main celebrant sa misa si Cotabato Achbishop Most Reverend Orlando Cardinal Quevedo, OMI, DD, kasama ang ilang piling mga pari ng Diocese ng Kidapawan.Si Cardinal Quevedo din ang magbabasbas sa langis na gagamitin ng mga pari sa pagbibinyag, kumpil, pag annoint sa mga may sakit at maging sa ordinasyon ng mga bagong pari.Kasabay ng Chrism Mass ay ang pagbabago ng pangakong sinumpaan ng mga pari sa pagpapalaganap ng mga aral ni Kristo.Sa Huwebes Santo, gagawin ang paghuhugas ng mga paa ng mga apostoles na pangungunahan ni Monseignor Carlito Garcia, DCK, ang diocesan administrator ng Kidapawan Diocese.Umaga ng Biyernes ay magsasagawa ng Stations of the Cross na iikot sa mga piling lansangan ng kungsod.Alas tres ng kahalintulad na araw ay isasagawa din cathedral ang pitong huling habilin ni Hesus. Sabado ng hapon ay magkakaroon ng pagbabasbas ng nagong apoy at ang tridum mass na tumatagal ng halos tatlong oras.Isasagawa din dito ang pagbabago ng pangako ng mga binyagang Katoliko, maging ang pagbibinyag sa mga yumakap sa Kristiyanismo.Sa Linggo ng pagkabuhay ay magkakaroon naman ng Salubong kung saan magiging hudyat ito ng pagtatapos ng isang buong linngong paggunita sa Kuwaresma. NDBC BIDA BALITA Tutulungan ng Department of Labor and Employment o DOLE ang walumput apat na mga Overseas Filipino Workers o OFW.
Ang mga ito ay pawang mga residente ng Sarangani Province at na-repratiate sa Jakarta, Indonesia kamakailan lang.
Ayon kay DOLE 12-Sarangani Field Office Head Alma Borela, ang mga OFW na isinailalim nila sa debriefing at profiling ay mula sa mga bayan ng Alabel, Malapatan, Maitum at Glan.
Sinabi ni Borela na karamihan sa mga ito ay biktima ng illegal recruitment.
Ang iba naman ayon kay Borela na nagtrabaho bilang crew ng mga fishing boats na pagaari mismo ng mga Pilipino ay hinuli ng Indonesian Coastguard.
Pinabalik sa bansa ang mga nahuling mangingisda matapos abandonahin ng kanilang mga employer.
Kinumpirma din ni Borela na dalawa sa mga pinabalik ay pinangakuan na magtrabaho sa Lebanon at illegal na dumaan sa Indonesia.
Ang mga OFW na ikinulong ay nakabalik sa bansa sa tulong ng gobyerno.
Ang mga repatriated OFW ay tutulungan sa pamamagitan ng National Reintegration Center for OFWs o NRCO ng DOLE sa Koronadal City.
Kabilang sa tulong na maibibgay ng ahensya sa mga ito ang counseling o debfriefing.
Magbibigay din ng referral para sa lokal o overseas employment, livelihood at legal assistance ang DOLE sa mga repatriated OFWs.
Matatandaan tatlumput walong mga OFW mula Sarangani ang na repatriate noong 2013, labin apat noong 2014, at tatlumput dalawa naman ngayong taon.
Gaganapin ang 3rd Youth Summer Camp sa South Cotabato sa Abril a biente hanggang biente tres.
Ito ay pangungunahan ng Sports and Development Program o SYDP ng lalawigan.
Ayon kay SYDP Coordinator Jinky Avance, inaasahang dadalo sa summer youth camp ang mahigit walong daang mga kabataan.
Ang mga ito ay pawang mga kinse anyos pataas.
Ang mga participants ay sasailalim sa iba’t ibang team building activities, physical fitness activities at survival games.
Magkakaroon din ng hiking activity ang mga ito sa trangkini falls.
Layon ng Youth Summer Camp na hubugin ang mga kabataan para maging mabuting lider at mailihis ang landas sa masasamang bisyo tulad ng illegal na droga.
Magiging host naman ng aktibidad ngayong taon ang bayan ng Lake Sebu.
Ayon kay Avance ang mga interesadong lumahok sa tatlong araw na Summer Youth Camp ay maari lamang makipag ugnayan sa SYDP Office sa South Cotabato Provincial Capitol.
Paiigtingin pa ng pulisiya ang kanilang police visibility sa Koronadal City.Ayon kay Koronadal Chief of Police,Superintendent Barney Condes, ito ay upang matiyak ang kaligtasan ng mga mammaayan sa paggunita ng Semana Santa.
Sinabi ni Condes na maliban sa militar, katuwang din ng PNP sa pagpapanatili ng katiwasayan sa lungsod ang kanilang mga force multipliers.
Ayon sa police official, karagdgang mga pulis ang itatalaga sa mga simbahan at iba pang matataong lugar sa Koronadal City, lalong lalo na sa byernes Santo.
Maging ang security plan ng mga pulis sa buong South Cotabato para sa mahal na araw ay nakalatag na rin.
Ito ang tiniyak ni South Cotabato PNP,Police Community Relations Officer, Superintendent George Parcon.
Kaugnay nito, nagbigay naman ng safety tips para sa ligtas na paggunita ng Semana Santa si South Cotabato PNP Provincial Director Franklin Alvero.
Payo ni Alvero sa mga mamamayan, bago umalis ng bahay, tiyaking nakatanggal sa saksakan ang mga electrical appliances.
Malahaga din ayon sa police official na natakpan ng buo ng kurtina ang mga bintana para hindi masilip ng mga magnanakaw ang loob ng bahay.
Ayon kay Alvero ihabilin sa mga kakilala o kapitbahay ang iiwanang bahay.
Sa mga may malayong byahe, ayon kay Alvero dapat tiyakin na nasa maayos na kondisyon ang sasakayan at may sapat na tulog ang nagmamaneho nito.
Ipatutupad sa lahat ng mga eskwelahan sa South Cotabato ang Drug Abuse Resistance Education o DARE Program ng pulisiya.
Ito ayon kay South Cotabato Board Member Agustin Demaala ay bilang kabahagi ng pagpapigting ng kampanya kontra illegal na droga sa mga kabataan.
Ayon kay Demaala, na siya ring Chairman ng Provincial Anti Drug Abuse Council o PADAC, sa pamamagitan ng DARE program, natuturuan ang mga elementary pupils sa masamang epekto ng droga.
Ipinahayag ng board member na ang pondo na gagamitin sa DARE program ay kukunin sa karagdagang isang milyong inilaan ng pamahalaan panlalawigan sa PADAC.
Ayon naman sa datus ng South Cotabato PNP, limamput apat na mga eskwelahan sa lalawigan ang nakinabang sa DARE program noong nakaraang taon.
Nabigyan naman ng kaalaman hinggil sa pagiwas sa illegal drugs ang may anim na libong grade 5 at 6 pupils.
PDRRMO South Cotabato naka-alerto rin ngayong Semana Santa
Nasa blue alert status ngayon ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council o PDRRMC South Cotabato.
Ayon kay South Cotabato PDRRM Officer Mila Lorca, ito ay bilang pagsunod na rin nila sa kautusan ng Office of the Civil Defense o OCD 12, ngayong Semana Santa.
Sinabi ni Lorca na biente kwatro oras na bukas ang operation center ng PDRRMO simula ngayong araw hanggang sa Easter Sunday.
Layon nito na agad na maka-responde sakali mang magka-emergency hindi lamang sa Koronadal City kungdi maging sa iba bang bayan ng South Cotabato.
Ipinahayag ni Lorca na inutos na rin ni Governor Daisy Avance Fuentes na dapat ay may maiiwang personnel ang lahat ng mga disaster offices ng bawat local government units sa Semana Santa.
Umapela din si Lorca sa mga mamamayan na para hindi mabiktima ng mga masasamang loob na bago umalis,dapat ay tiyaking naka lock ng mabuti ang kanilang mga bahay.

P340K na halaga ng smuggled cigarettes, natagpuan sa Maguindanao del Norte

COTABATO CITY - MAHIGIT P340,000 na smuggled cigarettes nasamsam sa baybayin ng Simuay, Sultan Mastura, Maguindanao del Norte. Sa isinagawang Anti...

Maj. Gen. Rillera honors wounded soldiers in clash with BIFF in MagSur

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte - Major General Alex S. Rillera PA, Commander of the 6th Infantry Division/Joint Task Force Central, led the...

Cotelco announces power interruption sked in Kidapawan

TO OUR VALUED MEMBER-CONSUMER-OWNERS (MCO): This is to inform you that we will have a SCHEDULED power interruption on the following scheduled date...

Cotabato Light announces power service interruption for April 25

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company has announced a scheduled power interruption for April 25, Thursday affecting Bubong, Kalanganan...

NDBC BIDA BALITA (April 23, 2024)

HEADLINES 1   BIFF leader Kagi Karialan at 11 mga tauhan, patay sa Army offensive sa Maguindanao del Sur; sabi ng BIFF laban nila di pa...