Monday May, 27 2024 12:13:41 AM

NDBC BIDA BALITA March 28, 2016

 • 17:05 PM Mon Mar 28, 2016
1,374
By: 
NDBC NCAT

NEWSCAST

MARCH 28,
2016 (MON)
7and00 AM

HEADLINESand

1. PAGGUNITA ng Semana Santa sa buong
bansa, generally peaceful, ayon sa PNP.

2. FOREST FIRE sa Mt. Apo na nagsimula
noong holy week, mas lumawak pa.

3. Tatlo huli sa illegal drug campaign ng Koronadal PNP anim huli din sa Koronadal City.4. Ex-soldier, patay sa pamamaril sa Mlang, North Cotabato. Generally peaceful ang paggunita ng
Semana Santa ngayong taon sa buong bansa.

Ayon kay Philippine National Police o
PNP spokesperson Chief Supt. Wilben Mayor, bagamat may mga naitalang aksidente
sa kasagsagan ng paggunita ng Semana Santa ay wala namang naitalang malalaking
kaguluhan o pananabotahe kasabay sa aktibidad ng mga Kristiyano sa buong bansa.

Gayunman, sa kabila ng pagtatapos ng
Mahal na Araw ay naka-deploy pa rin ang mga pulis sa mga terminal at pantalan
dahil sa pagbabalik ng mga commuter na nagbakasyon sa mga probinsiya.

Tiniyak naman ng opisyal na tuloy-tuloy
ang kanilang pagbabantay para sa masiguro ang seguridad ng publiko.

Samantala, sa Cotabato city, naging
mapayapa rin sa kalahatan ang Holy Week.

Bagaman at natuon din kahapon ang
pagsisimula ng kampanya para sa mga lokal na kandidato, maayos at payapa naman
ang isinagawang pangangampanya ng mga politico sa lungsod.

May nagdaos ng proclamation rally,
prayer rally at nagsimula na ring magbahay-bahay ang supporters ng mga ito.

Kaugnay nito ay nanawagang muli ang Commission
on Elections sa mga kandidato at supporters ng mga ito na magpaskil lang ng mga
campaign poster, banner at tarpaulin sa mga common poster area, wag magkalat at
iwasang gawin ang mga ipinagbabawal sa panahon ng pangangampanya para hindi
madiskwalipika. Stand up for
peace. Long live the Comprehensive Agreement on the Bangsamoro!

Ito ang tema
sa paggunita ng ikalawang anibersaryo ng paglagda ng Comprehensive Agreement on
the Bangsamoro o CAB.

Inaalala ng
mga peace advocate ngayong araw ang negotiated political settlement sa pagitan
ng gobyerno ng Pilipinas at Moro Islamic Liberation Front o MILF noong 2014.

Ang CAB ang
naging basehan sa pagbalangkas ng proposed Bangsamoro Basic Law o BBL at nagbigay-daan
para sa mga socio-economic interventions at transitional justice and
reconciliation mechanisms para matiyak ang pagkamit ng pang-matagalang
kapayapaan sa Mindanao at sa buong bansa.

Kaugnay nito
ay magkakaroon ng iba’t ibang aktibidad ngayong araw sa Notre Dame University
Gym, sa Cotabato city.

Sa panayam ng
DXMS AM Radyo Bida kay GPH chief negotiator Professor Miriam Coronel-Ferrer,
sinabi nito na bagaman at hindi pumasa sa 16th congress ang BBL, ay
marami na ring narating ang pagkakasundo ng gobyerno at MILF na dulot ng
paglagda sa CAB.

Aniya, ang CAB
ang nagbuklod sa pamahalaan at MILF para magtulungan sa pagkamit ng kapayapaan
sa sibilisado at mapayapang paraan. ANIM
KATAO na pinaniniwalaang mga drug pusher ang naaresto ng mga otoridad sa
Midsayap, North Cotabato sa pagpapatuloy ng drug buy bust operations ng
Midsayap PNP, katuwang ang North Cotabato PNP at Philippine Drug Enforcement
Agency o PDEA 12.

Sinabi
ni Midsayap PNP Chief Police Supt. Tom Tuzon na nagsagawa sila ng operasyon
mula March 23 hanggang March 26.

Kinilala
ni Tuzon ang mga naaresto na sina

Willy Magpale,
52 years old, taga – barangay Kimagango, Midsayap Gelo Mancanagan, 39, taga-barangay
Nalin 1 Renwel Carwida, 25, taga-barangay Poblacion Uno

at Ronaldo
Orbuda, 32 taong gulang at taga- barangay Anunang, Midsayap.

Bukod
sa mga sachet ng shabu, nakumpiska rin sa mga suspek ang mga drug paraphernalia
at isang cal. 45 pistol.

Samantala,
arestado rin ang dalawa pang mga indibidwal na nahuli sa aktong bumibili ng
shabu na sina Peter John dela Cruz at Ronwel Cabalog taga- barangay Barongis, Libungan.

Sabi
ni Tuzon, ngayong araw nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ang mga naarestong
suspek.

NAKATAKDANG
SAMPAHAN ng kasong graft sa Tanggapan ng Ombudsman ang provincial treasurer ng
Basilan dahil sa umano’y hindi pag-remit
ng kontribusyon ng mga opisyal at kawani ng tanggapang panlalawigan sa Government
Service Insurance System o GSIS, Philippine Health Insurance Corporation o
PhilHealth at Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG Fund.

Sasampahan
ng mga kasong paglabag sa Section 3(e) ng Republic Act No. 3019 (The Anti-Graft
and Corrupt practices Act), Section 6(b) ng GSIS Act at Section 20 ng Pag-IBIG
Fund Law si Basilan provincial treasurer Mukim Abdulkadil.

Batay
sa datos ng Commission on Audit o COA, umaabot sa mahigit 14.6 million pesos ang
kabuuang halaga ng kontribusyon noong December 31, 2007.

Umaabot
naman sa mahigit 3.6 million pesos ang natitirang balanse na hindi nai-remit
hanggang October 2008.

Ikinatwiran
ni Abdulkadil na na-delay ang remittance ng kontribusyon bunsod ng tagilid na
sitwasyon ng peace and order sa lugar.

Pero
ayon sa Ombudsman unjustifiable” ang depensa ng respondent dahil wala namang
maihatag na pruweba o ebidensya si Abdulkadil na magpapatotoo sa ipinupunto
nito.

Dalawang
mga miyembro ng Barangay Peace and Action Team sa Al-Barka, Basilan ang
nasugatan makaraang masabugan ng pinaniniwalaang improvised explosive device,
Linggo ng hapon.

Ayon
kay Task Force Zambasulta deputy commander Major Demy Tejares, nakilala ang mga
biktima na sina Sarip Alista at Allahero Ujajin

Ayon
sa ulat, nagpapatrolya ang dalawang mga biktima sa bahagi ng Sitio Bohe Buug sa
Bgy. Macalang nang maapakan ng biktimang si Alista ang IED.

Dahil
dito, agad na sumabog ang bomba na malubhang ikinasugat ng dalawa.

Hinala
ng mga otoridad, posibleng may kinalaman ang pagtatanim ng bomba sa
nagpapatuloy na opensiba ng military sa lugar.

Samantala,
bago ito, patay naman ang dalawang mga miyembro ng Abu Sayyaf Group o ASG at
sugatan ang pitong mga sundalo sa engkwentrong naganap sa Barangay Macalang sa
Al-Barka.

Tumagal
ng tatlong oras ang sagupaan sa pagitan ng mga tauhan ng 4th Special Forces
Battalion at tinatayang nasa 40 mga ASG member.

Ayon
kay Western Mindanao Command spokesperson Maj. Filemon Tan, pawang minor
injuries lamang ang tinamo ng mga sundalo na tinamaan ng shrapnel mula sa M203
grenade launchers.

Dinala
na sa Camp Navarro General Hospital sa Zamboanga City ang mga sugatang sundalo.

Kinilala
ang mga nasawing rebelde na sina ASG sub-leader Eric Arjibon at isang alyas
Aiyan.

Si
Arjibon ay eksperto sa paggawa ng bomba at responsable sa pagpapasabog sa mga
establisyimento sa Basilan.

Nanawagan ngayon ng mga fire at rescue volunteers ang grupong 505 DREAM para maapula ang lumalawak na sunog sa Mt.Apo.Ayon kay Marlon Seballos, Director ng 505 Dream, mabilis ang pagkalat ng apoy sa bundok dahil na rin sa mga tuyong
dahon at mga puno.Nakadagdag pa rito ang malakas na hangin.Isa ang grupo ni Seballos sa mga unang rumesponde sa nabanggit na sunog.Samantala, sinabi naman Kidapawan City Tourism Officer Joey Recimilla marami nang mga report na lumabas kaugnay sa
pinagmulan ng sunog pero patuloy pa ring itong kinukumpirma ng mga otoridad.Nagsimula raw ang apoy sa may bandang Kapatagan, Davao del Sur na kumalat sa North Cotabato partikular sa bahagi ng
Kidapawan, Magpet, Makilala, Eco Triangle pero patuloy pa ring kinukumpirma ng mga otoridad.Subalit kinumpirma ni Recimilla na kontrolado na ang apoy sa KMM Eco Triangle sa North CotabatoAyon kay Recimilla agad ding kasing kumilos ang mga LGU Executive sa paligid ng Mt. Apo para tumulong na maapula ang
naturang sunog.Aniya higit isang daang trekkers mula Kidapawan City ang umakyat sa bundok na ligtas namang nakababa lahat.Sa ngayon patuloy ang ginagawang pagtulong ng mga rescue team at volunteers at fire fighting equipment sa area para
maisalba ang Mt.Apo, ang siyang pinaka mataas na bundok sa buong Pilipinas.Pahirapan pa rin kasi ang pag apula ng mga fire volunteers sa lugar kaya aasahang lalawak pa ito kung hindi agad
maapula na umano umabot na sa higit dalawang daang ektarya ng bundok.Una nang nagkaroon ng Forest Fire sa Mt. Apo noong 1970's at 1980's at muli ngayong 2016. Nasa kustodiya na ngayon ng Toril, Police Station sa Davao City ang isang 22-anyos na si Roy Moreno matapos itong
mahuli ng Taskforce Davao sa Barangay Sirawan, Toril District, Davao biyernes ng gabi.Si Moreno na taga Barangay Sinsuat, 2nd Block, Kidapawan City ay naaresto sa checkpoint ng nabanggit na lugar matapos
makuhanan ng mga pampasabog.Ayon sa report sakay ang suspek sa isang pampasaherong van mula Kidapawan City.Nang pinababa na umano sila sa naturang checkpoint ay inamin ng suspek na siya ay may bitbit na mga pampasabog.Agad naman itong nakumpirma nang mga otoridad kung saan kabilang sa mga narekober kay Moreno ang dalawang improvised
blasting machine na may walong batteries, isang M26 fragmentation hand granade, isang improvised electric blasting
cap, isang improvised tester may 9-volt battery, at electrical tape.Patuloy pa ngayong iniaalam kung ano ang motibo ng suspek sa pagdadala nang naturang mga bomba at kung sangkot ito sa
malaking grupo na ang layunin ay manggulo at magdala ng trahedya sa Davao City.Dahil sa insidente, mas pinaigting pa ngayong ng Taskforce Davao ang kanilang ginagawang inspeksyon sa highway para
matiyak ang kaligtasan ng publiko.Samantala, hindi naman inakala ng ama ng suspek na si Daniel Moreno ang nangyari sa kanyang anak.Sa ekslusibong panayam ng DXND Radyo Bida kay Mang Daniel, Nobyembre pa noong nakaraang taon ang huling pag-uusap ng
mag-ama sa Kidapawan City.Ang paniwala ng ama ay magtatrabaho lamang ito sa isang construction site sa ibang lugar, pero nagulat na lamang sila
dahil nagpapadala na umano siya ng pera sa kanyang pamilya kada buwan.Kwento pa ng ama ng suspek, mabait na bata raw si Roy at wala itong naging record sa City PNP maging sa kanilang
barangay.Hindi rin niya inakala na marunong itong gumawa ng mga bomba dahil hanggang elementarya lang ang tinapos nito.Pero kung nasangkot man daw sa anong grupo ang kanyang anak ay wala na siyang kontrol dito.Hiling lamang ng ama sa mga otoridad na payagan silang madalaw o mabisita kung saan man ang kinalalagyan ng anak. Patay ang isang drayber habang sugatan naman ang back rider nito nang pagbabarilin sila ng di pa kilalang mga suspek
sa Mantawil Extension, Purok Chrislam, Poblacion, Kabacan, North Cotabato alas 11:35 ng umaga noong Sabado de Gloria.Kinilala ni Police Senior Ins. Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si Astarging Ranara, 36-anyos,
driver habang ang sugatan naman na angkas nito ay kinilalang si Ryan Dayana Ferrer, 29-anyos kapwa residente ng Brgy.
Balindog, Kidapawan City.Batay sa ulat sakay ang dalawang mga biktima sa kulay itim na XRM 125 at nagkaroon umano ng illegal drug transaction
sa dalawang di pa nakilalang mga armadong suspek.Agad umanong pinababa ang dalawa sa kanilang motorsiklo at doon na pinagbabaril.Sa ulo tinamaan ang biktimang si Ranara ng malapitan dahilan ng kanyang kamatayan habang nagawa namang makatakas ni
Ferrer pero pinaputukan din ito at tinamaan ang kanyang paa na agad namang isinugod sa Kabacan Medical Specialist.Kalibre .45 na pistola ang ginamit ng mga suspek sa nasabing pamamaril batay sa mga narekober sa bala sa crime scene.Mabilis namang tumakas ang mga suspek tangay ang motorsiklo ng mga biktima sa bahagi ng Sitio Lote, brgy. Kayaga na
ngayon ay patuloy namang tinutugis ng pulisya.Malaki naman ang paniniwala ng Kabacan PNP na onsehan sa droga ang dahilan ng nasabing insidente. Umabot sa halos apat na milyong piso ang halaga ng pinsala matapos lamunin ng higanteng apoy ang isang rubber
plantation at Oil Palm Plantation sa brgy. Baynosa, Tulunan, North Cotabato pasado alas singko ng hapon noong
biyernes.Ang nasabing Oil Palm Plantation ay pagmamay-ari ni Pat Piñol habang pagmamay-ari naman ni Boy Takardon ang naturang
Rubber Plantation.Ayon kay Ariel Losbañez, caretaker ng Nocordeco Rubber Plantation na katabi lamang ng dalawang plantasyon nagulat na
lamang siya kasama nang iba pang mga caretakers sa lugar sa biglaang apoy.Agad silang rumesponde sa kabilang area at humingi ng saklolo.Dahil sa malaking sunog ilang mga firestations na sa North Cotabato ang tumulong para apulahin ito.Alas singko ng hapon noong biyernes nagsimula ang apoy at ideneklara ng BFP Tulunan na fire out madaling na araw na
nang sabado.Tinatayang nasa 55 ektarya ng mga tanim ang nasunog.Patuloy pa ngayong iniimbestigahan ng mga otoridad ang nabanggit na insidente. Dead on the spot ang isang Civil Security Unit member ng Kidapawan City nang pagbabarilin ito nitong biyernes ng gabi
sa brgy. Ginatilan, Kidapawan City.Kinilala ang biktima na si Bienvinido Marasigan Cornejo, 55-anyos na residente rin ng nabanggit na lugar.Ayon sa report minamaneho ng biktima ang kanyang Kawasaki rouser na may license plate na 2997 MZ patungong sentrong
bahagi ng lungsod pero pagdating nito sa villegas compound ng naturang lugar ay doon na siya pinagbabaril ng di pa
kilalang suspek.Sa imbestigasyon ng pulisya sinundan ng nakamotorsiklong suspek ang biktima at doon na siya pinagbabaril.Patay noon din ang biktima na nagtamo ng maraming tama ng bala sa kanyang katawan gamit ang 38 revolver base na rin sa
mga basyo ng bala na narekober sa crime scene.Patuloy pa ngayon iniimbestigahan ng mga otoridad ang insidente.Sa kabilang dako Patay naman ang isang retiradong sundalo na si Efren Prado, 52 anyos na taga Purok Uno, brgy.
Bialong, Mlang, nang pagbabarilin ito sa Rizal Street Poblacion A, Mlang North Cotabato noong Miyekules.Sinabi ni Supt. Joefrry Todeño, hepe ng Mlang PNP, kakababa lamang ni Prado kasama ang asawa nito sa kanilang
motorsiklo sa harapan ng isang bangko para mag withdraw ng pera.Pero bigla na lamang silang nilapitan ng suspek at agad na binaril si Efren.Naisugod pa sa pagamutan ang biktima pero binawian rin ito ng buhay.Agad ding tumakas ang mga suspek matapos ang krimen.Iniaalam pa ngayon ng PNP ang motibo sa insidente at pagkakakilanlan sa mga suspek.NDBC BIDA BALITA Timbog sa operasyon laban sa illegal na droga ng mga pulis ng isang suspected drug pusher at user sa Koronadal City.
Ang suspek na si Marlon del Rosario, biente sais anyos , binata ay naaresto sa Abad Santos Street, Barangay Zone 11, noong Huwebes Santo.
Ayon kay Koronadal Chief of Police, Superintendent Barney Condes, nakuha mula sa suspek ang walong malaking sachet ng suspected shabu, drug paraphernalia at pera.
Si del Rosario na matagal nang minamanmanan ng mga pulis ay pampito sa drug watchlist sa Koronadal City.
Samantala arestado din ang binata at trenta anyos na si Arman Cordero, residente ng Barangay Poblacion, bayan ng Tantangan, kung saan din siya naaresto noong Byernes Santo.
Ayon kay Tantangan Chief of Police, Chief Inspector John Erik Medel, si Cordero ay nakuhanan ng isang sachet ng suspected shabu, drug paraphernalia at limang daang pisong marked money.
Samantala, sa bayan naman ng Tampakan, South Cotabato, arestado matapos aktong mahuling nagbebenta ng illegal na droga ang kwarenta’y uno anyos na si Antonio Mar, alias gang gang”.
Si Mar ay naaresto sa sa drug buy bust operation ng mga pulis sa Barangay Poblacion, Tampakan, dakong alas nuebe ng gabi noong Byernes.
Nakuha ng team ni Tampakan Chief of Police Senior Inspector Jardi Mont Sibal, mula sa suspek ang isang sachet ng suspected shabu at limang daang pisong marked money.
Inihahanda na ng pulisiya ang pagsasampa ng kasong palabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act laban sa tatlong mga nakakulong na suspek Magtatatayo ng dagdag na 135 silid aralan sa mga indigenous people o IP communities ang Department of Social Welfare and Development at Department of Education.
Ang mga silid aralan na ito ay mapapakinabangan ng mga IP Communities sa mga liblib na barangay ng rehiyon dose.
Ang proyekto ay bilang kabahagi ng pagpapatayo ng bagong mga pampublikong eskwelahan sa mga lugar ng katutubo.
Ayon kay DSWD 12 Assistant Regional Director Gemma Rivera, minamadali na ngayon ng ahensya ang pagsisimula ng proyekto.
Sa katunayan ayon kay Rivera sinimulan na nila ang technical sessions, pagpupulong at pre-construction activities.
Ang mga silid aralan ay ipatatayo sa mga lalawigan ng Sarangani, Sultan Kudarat, South Cotabato at North Cotabato.
Makikinabang din sa proyekto ang mga IPs sa mga lungsod ng Koronadal, Tacurong at General Santos.
Ayon kay DepEd 12 OIC Regional Director Arturo Bayucot, ang pagbibigay ng pangalan, disenyo at iba pa pang aspeto sa konstrksyon ng mga silid aralan ay ipapaubaya na ng DepEd sa mga benipisyaryong IP Communities.
Ang dagdag na mga public schools ay ipatutupad sa pamamagitan ng Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-A Comprehensive and Integrated Devivery of Social Services o KALAHI-CIDDS ng DSWD.
Pinagaaralan ngayon ang posibleng pagtatayo ng water impounding facility sa South Cotabato.
Ang pagsasagawa ng pananaliksik sa matataas na lugar sa lalawigan na maaring gawing natural water reservoir at small impounding facilities ay pangungunahan ng bubuuing Task Force.
Ayon kay Governor Daisy Avance Fuentes, layon nito mapaghandaan ang mga darating pang tagtuyo’t.
Naniniwala si Fuentes na maaring maantala ng impounding water facilities ang epekto ng dry spell ng mula isa hanggang dalawang buwan.
Plano ng pamahalaang panlalawigan na mapagkukunan ng tubig para sa impounding facility ang mga pangunahing ilog sa South Cotabato.
Kabilang dito ang Allah River at Sepaka sa Surallah , Silway River sa Polomolok at Marvel River sa Koronadal City.
Ipinahayag ni Fuentes na hihilingin din ng pamahalaang panlalawigan ang tulong ng Department of Environment and Natural Resources at Department of Agriculture sa pagtatayo ng pasilidad.
Ayon kay Fuentes ang water impounding facilities ay gagawing imbakan ng sobrang tubig sa mga ilog tuwing tagulan.
Tinututukan ngayon ng pulisiya ang apat na mga barangay sa Koronadal City.
Ito ay kasabay naman ng pagsisimula ng kampanya para sa mga lokal na kandidato.
Ayon kay Koronadal Chief of Police, Superintendent Barney Condes, mariing binabantayan ngayon ng pulisiya ang mga bulubunduking bahagi ng mga barangay ng Cacub,Topland, Esperanza at San Jose.
Ipinahayag ni Condes na kadalasan kasing dumadaan sa lugar ang mga armadong grupo patungo sa karatig bayan at lalawigan.
Ayon sa police official, bagama’t nanatili pa ring matiwasay ang Koronadal sa pangkalahatan, ayaw pa ring maging kampante ng pulisiya.
Sinabi ni Condes na patuloy pa rin ang kanilang mariing pagbabantay sa seguridad ng lungsod.
Binigyan diin ni Condes na nais ng PNP na maging maayos at matiwasay ang halalan sa Koronadal sa Mayo.
Tiniyak din ng police official na nakalatag na rin ang seguridad na ipatutupad ng PNP sa eleksyon Supply ng tubig sa Barangay Mambucal, Koronadal City, apektado ng tagtuyo’t
Nagtitiis ngayon sa kakulangan ng tubig ang mga residente ng Barangay Mambucal sa Koronadal City.
Ito ay dahil na rin sa Epekto ng El Nino Phenomenon.
Sa ngayon,kailangan muna ng mga residente sa lugar na pumila at maghintay ng matagal para makapag igib ng tubig.
Idinadaing ng mga mamamayan ng Mambucal ang sobrang hina ng tubig na dumadaloy sa kanilang lugar.
Ayon sa mga ito, dahil sa dry spell, halos matuyo na rin kasi ang bukal sa bundok na nagsu-supply sa kanila ng tubig.
Ipinahayag naman ni Mambucal Barangay Chairman, Rodrigo Moreno na rotational na nagpapakawala ng tubig ang reservoir ng barangay.
Ito ay upang kahit papaano ay masuplayan ang mas maraming mga mamamayan.
Ang kawalan ng sapat na supply ng tubig ay matagal nang problema sa Mambucal tuwing tag init.
Nabatid na dahil matatagpuan sa mas matataas na bahagi ng lungsod, hindi pa kayang suplayan ng City of Koronadal Water district ng tubig ang barangay.
Kaya umaasa pa rin ng kanilang tubig mula sa bukal ang mga residente ng Mambucal hanggang ngayon

Indigents, IPs get housing units from MSSD

AMPATUAN, Maguindanao del Sur - Indigenous Peoples and Moro indigents are now enjoying living in the comforts of their own homes provided for them by...

Army neutralizes a BIFF, captures IEDs and firearm in MagSur clash

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – Operating troops of the Joint Task Force Central were conducting military operations in Butilen, Datu...

Magkapatid na drug peddlers, huli sa anti-drug ops sa MagNorte, P3.4-M shabu nakumpiska

NAARESTO NG MGA TAUHAN NG PNP ang magkapatid na drug peddler sa ikinasang anti-drug operation sa Barangay Dalican, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del...

6ID naglunsad ng air at ground assaults vs DI/BIFF sa Maguindanao Sur

  NAGLUNSAD ANG ARMED Forces of the Philippines ng air at ground assaults laban sa hinihinalang kasapi ng BIFF at Military, naglunsad ng air...

Health workers in far island town gets stipends from BARMM

COTABATO CITY - Up to 72 barangay health workers (BHW) in the so remote Sapa-Sapa island town in Tawi-Tawi each got their overdue P12,000 cash...