Saturday Jun, 15 2024 06:20:52 PM

NDBC BIDA BALITA (May 12, 2016)

 • 17:53 PM Thu May 12, 2016
1,506
By: 
NDBC

NEWSCAST

MAY 12, 2016 (THURS)
7and00 AM

HEADLINESand

1. GURO, binugbog at pinagbantaan pa ng
isang punong barangay at kanyang mga escort sa Cotabato city.

2. Bahay ng tumatakbong alkalde at
Councilor ng isang bayan sa Maguindanao, pinasabugan

3. HALALAN sa region 12, naging maayos at
payapa kahit na nagkaaberya ang ilang mga Vote Counting Machine, ayon sa PNP

4. Honoraria ng mga gurong nagsilbing BEI, ipapalabas na sa susunod na ilang araw, sabi ng Comelec Sa detalye...AGAD NA NAGSUMBONG sa Cotabato City PNP
ang isang guro matapos siyang bugbugin at pagbantaan pa ng barangay Rosary
Heights 5 chairperson Amil Sula at kanyang mga escort nito pasado alas tres ng hapon
kahapon.

Batay sa salaysay ng biktimang si Jodsbarie
Compania, 45 years old, taga-1st street, Don E. Sero, ng nabanggit na barangay,
nakaupo lang siya sa labas ng kanyang bahay nang dumating ang isang kulay
puting Mitsubishi Estrada kung saan sakay si Sula kasama ang kanyang mga
armadong escort.

Aniya, bumaba ang mga suspek sa
sasakyan at nilapitan siya.

Nagkaroon pa anya sila ng maiksing pag
uusap ni Sula bago ito tumalikod at pagkatapos ay sinimulan na siyang

bugbugin ng tatlong escorts ng punong
barangay.

Sinabi ni Compania na tumakbo siya at
nagtago sa bahay ng isang alyas Willy at sinundan pa siya ni Sula at ng mga
escort nito at pinalabas sa nasabing bahay.

Paglabas ni Compania ay kinausap siya
ni Sula ngunit bigla siyang pinumpok sa likod ng M14 rifle ng isa sa mga
escorts ng punong barangay.

Aniya, pinagsusuntok pa siya sa ulo at
likod ng mga kasamahan nito.

Tumakbo ulit si Compania at pumasok sa
bahay ng isang Bailing Adrie.

Sinundan pa rin siya ng mga escort ni
Sula pero pinigilan na ni Bailing Adrie ang pambubugbog kay Compania.

Paniwala ng mga imbestigador, ang
nangyari kay Compania ay karugtong ng rambulan na nangyari sa loob ng Don E.
Sero Elementary school noong araw ng eleksyon na kinasasangkutan ng tinatayang
halos isang daan katao kabilang na si Sula.

Samantala, bukas naman ang DXMS AM
Radyo Bida para pakinggan ang panig ni barangay RH 5 Sula kaugnay ng nabanggit
na pangyayari. TINIYAK ng
Department of Education o DepEd na kaagad na matatanggap ng mga gurong nagsilbi
bilang mga Board of Election Inspectors o BEIs ang kanilang honoraria sa
tatlong araw na pagsisilbi para sa katatapos na May 9 national and local elections.

Ayon kay
Education Sec. Armin Luistro, ang bayad ng mga guro para sa pagsisilbi sa
eleksyon ay maaaring ibigay at makuha sa pamamagitan ng automated teller
machine o ATM, cash card o cash advance.

Bagamat
walang tinukoy na eksaktong petsa, sinabi ni Luistro na maibibigay ang poll
duty pay ng mga guro sa loob ng tatlong araw, matapos na maisumite ng kanilang
election officers ang listahan na may kaukulang dokumentasyon.

Batay sa
kasunduan ng DepEd at Commission on Elections o Comelec, ang mga public school
teacher na nagsilbing BEI ay makakatanggap ng P4,500, kabilang ang P3,000 na
honoraria P500 para sa verification at sealing ng books of voters P500 para
sa final testing and sealing ng Vote Counting Machines at P500 para sa
one-time transportation allowance ng mga ito.

Ang mga guro,
principal at supervisors na nagsilbing supervising officials sa eleksyon ay
makakatanggap ng P3,000 habang ang mga support staff nila sa election
supervisors, ay makakatanggap naman ng P1,500 bawat isa.

Nagtabi rin
ang Co­melec ng 30 million pesos para sa election-related deaths o injuries ng
sinumang personnel ng DepEd, gayunman, una nang masayang ibinalita ng DepEd na
walang gurong namatay, nasaktan o naharap sa legal protest dahil sa eleksyon.

Mayroong
kabuuang 277 thousand,527 na mga guro ang nagsilbi bilang BEIs, habang 90
thousand,400 naman ang support staff at 37 libo ang supervisors sa katatapos na
eleksyon. TINUTUGIS
PA HANGGANG NGAYON ng mga sundalo at pulis sa Lanao del Sur ang suspek na
nanunog ng limang mga classroom, dalawang araw matapos ang national at local
elections.

Ayon
kay AFP Public Affairs Office chief Col. Noel Detoyato na isang supporter at
kapatid ng natalong kandidato ang nanunog ng eskwelahan sa Barangay Maliwanag,
Bayang, Lanao del Sur.

Isang
Mocoday Holing ang itinuturong suspek sa panununog.

Sinabi
ni Detoyato na ito ang ikalawang insidente ng panunuog ng paaralan na election-related.

Aniya
masama ang loob ng suspek dahil natalo ang kaniyang kapatid sa halalan.

Samantala,
ayon kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon, nagdeklara sila ng failure of
elections sa

Binidayan,
Lanao del Sur na mayroong 26 clustered precincts, at 7,845 registered voters.

May
failure of election din sa Tamparan, Lanao del Sur na may tatlong clustered
precincts, at 1,047 registered voters

Aniya,
nakatakda rin nilang ideklara na nagkaroon ng failure of election sa Binidayan,
Lanao del Sur dahil sa hindi pagsipot ng mga BEI sa lugar.

Nabatid
na nagdeklara rin ng failure of elections ang COMELEC sa Maitum, Sarangani, Pata,
Sulu aqt

Panglima
Estino, Sulu.

Ayon
kay Guanzon, hindi naisagawa ang botohan dahil sa mga rason tulad ng karahasan,
terorismo, hindi pagdating ng mga gurong magsisilbi bilang board of election
inspectors at napaghalo o napagpalit na mga balota sa dalawang presinto.

Sabi
naman ni Comelec Chairperson Andres Bautista na magtatakda sila ng special
elections sa limang mga lugar ngayong Sabado, May 14.

Pero
di naman nito binanggit ang mga lugar kung saan magkakaroon ng special
elections. NAPROKLAMA
na bilang governor-elect ng Maguindanao si incumbent provincial governor at re-electionist
Esmael ‘Toto’ Mangudadatu.

Na-proklama
na rin maging ang kanyang tandem running-mate na si Vice governor Datu Lester
Sinsuat at maging ang mga board member sa dalawang distrito ng Maguindanao.

Sa
kanyang mensahe, sinabi ni Mangudadatu na lubos siyang nagpapasalamat sa lahat
ng kanyang mga supporter na nanindigan at nagbantay sa nakalipas na halalan.

Tiniyak
ng gubernador na tuloy ang pagbabago sa lalawigan at makaka-asa ang mga
Maguindanaon ng tapat na serbisyo mula sa Maguindanao provincial government.

SAMANTALA,
BAGAMA'T WALA PANG PORMAL AT OPISYAL NA RESULTANG inilalabas ang Commission on
Elections o COMELEC kung sino ang nanalo sa pagka gobernador sa Autonomous
region in Muslim Mindanao o ARMM, kitang kita na ang libolibong kalamangan ni
incumbent at re-electionist ARMM Gov. Mujiv Hataman sa kanyang mga katunggali.

Si
Hataman ay tuumatakbo bilang gobernador ng rehiyon sa ilalim ng partidong
liberal.

Sa
isinagawang presscon kahapon sa ORG Compound, hindi naiwasang tanungin si
Hataman patungkol sa magiging takbo ng kanilang pamamahala sa ilalim ng
pamumuno ni PDP-laban Presidential candidate Rodrigo Duterte na nangunguna
ngayon sa bilangan ng mga kandidato sa pagka pangulo ng bansa.

Binigyang
diin ni Hataman na bagama't hindi sila magka-alyado ni Duterte ay suportado
nila ito.

Naniniwala
ang gobernador na kung mismo siya ay nais niyang maayos ang buong ARMM ay nais
din ni Duterte na maayos ang buong Pilipinas.

Inihayag
naman ni Hataman na dapat dumaan sa proseso at hindi dapat masasagasaan ang
karapatang pantao sa anumang pamamaraan ng sinuman sa pagsugpo ng droga, krimen
at korapsyon sa bansa.

NAKATAKDA
NANG umuwi ng Indonesia ang mga apat na mga

Indonesian
Nationals na pinalaya ng Abu Sayyaf Group o ASG sa karagatang sakop ng
Tawi-Tawi noong nakalipas na buwan.

Sinabi
ni Jolo PNP Chief Police Chief Supt. Junpikar Sittin na ibinaba mula sa isang
sasakyan ang apat na bihag alas-tres ng hapon kahapon sa tapat ng bahay ni Sulu
Gov. Abdusakur Tan.

Agad
namang dinala ang mga pinalayang sina Moch. Ariyanto Misnan, Lorens M.P.S, Dede
Irfan Hilmi at Samsir sa Teodulfo Station Hospital sa Jolo para sa medical
checkup.

Sinasabing
si Moro National Liberation Front o MNLF Political Affairs head, Samsula Adju
ang namagitan sa negosasyon kapalit ang 50 Million pesos na ransom, pero ayaw
pa itong kumpirmahin ng pulisya.

Noong
May 1 ay sampung Indonesian Nationals din na pawang mga crew ng isang tugboat
ang pinalaya ng mga Abu Sayyaf member makalipas ang ilang araw na pagkakabihag.

Sa
ulat ng Armed Forces of the Philippines, tinatayang nasa labing-lima pang mga
Pinoy at mga foreigner pa ang kasalukuyang bihag ng ASG. Higit sampung mga bala ang tumapos sa buhay ng isang menor de adad nang ito ay pagbabarilin ng di pa kilalang mga suspek sa Rizal Extension, bry. Poblacion, Kidapawan City alas nuebe ng umaga.Kinilala ang biktima sa kanyang alyas na si Sukarap Aligna, 17 anyos na taga brgy. Poblacion.Sa report ng PNP, dalawang gunman ang pwersahang pumasok sa tinutuluyang boarding house ng biktima kung saan siya nakatambay at doon siya pinagbabaril.Nagawa paNG tumakbo ang biktima sa likod ng kanilang boarding house pero nahulog ito sa dating septic tank at doon na siya tinuluyan ng mga suspek.Tama sa ibat ibang bahagi ng katawan ng bitkima ang naging dahilan ng kanyang agarang kamatayan habang may kasama pa umanong dalawang lalaki ang biktima na nakatakas sa krimen.Blanko pa ngayon ang PNP sa motibo sa nabanggit na pamamaril. Patuloy pa rin sa ngayon ang bilangan sa General Salipada K Pendatun, Maguindano nang maudlot ito matapos pasabugan ang bahay ng isang kandidato na tumatakbo bilang alklade nitong lunes ng umaga. Sinabi ni Councilor Rohollah Pendatun Ali ng General SK Pendatun, isang M-79 grenade ang sumabog habang kinakausap raw ni Datu Bimbo Pendatun Ali, tumatakbong mayor, ang kanyang mga supporters ilang oras ang nakaraan nang simulan ang botohan nitong lunes.Bago ang naturang pagsabog ay pinaulan pa sila ng bala ng mga di pa kilalang suspek na agad namang tumakas matapos ang krimen.Apat ang nasugatan sa pangyayari at kinilala ang isa sa mga nasugatan na si Fatima Kamensa, pinsan ni Rohollah.Una rito, ilang araw bago ang eleksyon marami na umanong mga kahina-hinalang sasakyan ang umaaligid sa kanilang bahay.Nabatid na si Rohollah at Datu Bimbo ay magkapatid at magkatabi lamang ang bahay sa nabanggit na lugar.Ayon kay Rohollah, nangunguna ngayon sa bilangan ang kapatid na si Datu Bimbo mula sa apat na mga kandidato.Pero sa ngayon ay wala pa ring naidedeklarang panalo sa lugar dahil hindi pa din nakukumpleto ng mga barangay ang kanilang transmission dahil sa mahinang signal at sa usapin rin ng seguridad. Matapos ang eleksyon pinaghahandaan na rin ngayon ng mga guro at ibat-ibang mga school administrator sa North Cotabato ang pagbubukas ng klase ngayong school year 2016-2017.Una nang inanunsyo na ng Department of Education o DepEd na sa June 13, 2016 ang pagbubukas ng klase sa lahat ng mga pampublikong paaralan ngayong taon.Kaugnay nito nanawagan ngayon si Cotabato Schools Division Supt. Omar Obas sa publiko na lumahok sa mga ilulunsad na Brigada eskwela sa mga paaralan na magsisimula na ngayong buwan.Layunin nito na ihanda ang mga pasiladad na gagamitin ng mga estudyante at para matukoy ang mga pangangailangan ng mga ito,Batay sa school calendar na nakapaloob sa DepEd Order 23 series of 2016, kabuuang 202 ang school days o araw ng klase ng mga mag-aaral, kabilang na ang limang araw na in-service training o INSET break.Ang school year ay binubuo ng 54 days para sa unang quarter 48 days para sa ikalawang quarter 48 days sa ikatlong quarter at 52 days sa huling quarter.Ipinaalala naman ni Education Secretary Armin Luistro sa mga pribadong eskwelahan na mag-bukas ng klase nang hindi mas maaga sa unang Lunes ng Hunyo at hindi lagpas sa huling araw ng Agosto.Inaasahan din ang pagdagsa ng mas maraming mag-aaral lalo na sa full implementation ng K to 12 program sa buong Pilipinas, partikular sa Senior High School. NDBC BIDA BALITA Headlineand Danyos ng Ipu-ipo na tumama sa mga barangay sa Kidapawan City, pumala na sa higit isang daang milyong pisoUmabot na sa 113 milyong piso ang naitalang danyos sa agrikultura ng Kidapawan City Agriculture Office matapos tumama ang Ipu-ipo at nagpapatuloy na El Niño phenomenon sa ilang mga barangay sa lunsod.Sinabi ni City Agriculturist Nesmero Espejo ang nabanggit na halaga ay base na rin sa kanilang nakoletang datos at monitoring mula sa mga barangay.Aniya, mula sa 40 mga barangay 24 rito ang labis na naapektuhan matapos rin daanan ng malakas na hangin ang mga pananim na saging ng mga magsasaka.Ayon pa kay Espejo sinimulan na rin nila ang pamamahagi ng tulong sa mga apektadong magsasaka na ayon sa kanila tala ay umabot sa higit apat na raang ang naapektuhan nito.Una na ring nakatanggap ng tulong mula sa barangay Council ang isa sa apat na pamilya na binayo ang bahay ng tamaan ng Ipu-ipo sa barangay balindog ng lungsod.Inaasahan ngayon ang dagdag na tulong mula City Agriculture Office para maiabot sa mga apektadong pamilya at magsasaka. Hinihintay na lamang ngayon ng kontruktor sa nagpapatuloy na road widening project sa Quezon Boulevard, Kidapawan City na makumpletong matanggal ang mga natitirang poste ng kuryente sa Highway para matapos na nila ang naturang proyekto.Ito ang sinabi ni Department of Public Works and Highways o DPWH First Engineering District Engr. Elpidio Birog matapos ang obserbasyong hanggang ngayon ay di pa rin tapos ang naturang road rehabilitation.Pero sinabi Birog na meron na silang mga unang kasunduan partikular ang COTELCO tungkol sa kanilang mga pasilad na nanatili ngayon sa highway.Bagaman at walang binanggit ang mga opisyal kaugnay sa time frame ng naturang pagtanggal sa mga natitirang poste umaasa si Birog na aasikasuhin ito ng COTELCO anumang oras mula ngayon.Sa ngayon, sinimulan na rin ang konstruksyon sa ibang linya ng kuryente sa harapan ng Our Lady Of All Grace Cathedral sa National Highway.Sisimulan na rin kasi ang una nang nabanggit na itatayong proyekto sa lugar ang state of the art na overpass sa lungsod oras na ipapalabas na rin ang pondo para dito.Hiling na lamang ngayon ng DPWH ang pang-una at pasensya sa lahat ng mga ahensyang unang naapektuhan sa nabanggit na konstruksyon. Sa kabila ng ilang aberya maitawasay at maayos pa
ring naisagawa sa pangkalahatan ang halalan sa buong rehiyon dose.

Ayon kay Police Regional Office 12 Spokesperson,
Police Superintendent Romeo Galgo, walang naitalang karahasan kaugnay sa eleksyon ang PNP sa
SOCCSKSARGEN.

Aniya maliban sa pumalyang mga Vote counting machine
o VCM na kadalasang isinumbong ng mga botante sa mga pulis, dalawa katao rin na
may dalang 20 pre-shaded ballot ang inaresto ng mga pulis sa Cotabato City.

Ang mga ito ayon kay Galgo ay kakasuhan naman ng
PNP.

Nanawagan din ang police official sa publiko na
huwag maging kampante pagkatapos ng eleksyon, sa halip ayon kay Galgo, ngayong
ang tamang panahon para lalo pang maging alisto ang publiko.

Ayon kay Galgo maari kasing samantalahin ng mga
masasamang loob ang election fever na
nararamdaman pa rin ng karamihan upang magsagawa ng pangatake sa alinmang lugar
sa rehiyon.

Kampante si South Cotabato Governor Daisy Avance
Fuentes na matutukoy kung sino ang responsable sa pagagawa ng umanoy pampasabog
na natuklasan sa compound ng South Cotabato Provincial Rehabilitation and
Detention Center noong nakaraang linggo.

Ito ayon kay Fuentes sa pamamagitan ng pagtutulungan
ng intilglence community.

Ayon sa Gobernador dahil sa hirap nang makapasok sa loob ng pasilidad na
mas kilala sa tawag na provincial jail ang illegal na droga, maaring naghahanap
na ng ibang paraan ang ilang mga preso
para makatakas.

Aniya ilan sa mga preso sa loob ng piitan ay mga
high profile na dapat tutukan ng mga otoridad.

Matapos ang pakakatuklas ng pampasabog,
pansamantalang ipinagbawal ang dalaw sa provincial jail.

0Inaayos pa ng Finance Department ng Comelec ang
listahan ng mga BEI sa katatapos lamang na synchronized local at national
elections.

Ayon kay Koronadal City Election Officer Atty. April
Mitchor, ito ang dahilan kung bakit hindi kaagad maibigay ng Comelec sa mga BEI
ang kanilang honorarium.

Paliwanag ni Mitchor,matapos magkaroon ng last
minute changes sa mga BEI lalong lalo na sa mga
magugulong lugar, kailangan matiyak ng Comelec na tama ang talaan nila
ng mga BEI na nagsilbi sa eleksyon para hindi maipasok sa ibang account ang
kanilang honorarium.

Nilinaw din nito na wala nang problema sa talaan ng
BEI sa Koronadal, ang gusto ng comelec finance department na sabay ibigay ang
honarium ng mga BEI sa buong bansa.

Ang mga BEI
na walang ATM account ayon Mitchor ay tatanggap ng pre-paid cash card.

Ayon kay Mitchor kung hindi ngayong araw, maaring
makuha ng mahigit 300 BEI sa Koronadal City
ang kanilang honorarium bukas.

Ipinahayag ni Mitchor na ang mga BEI ay tatanggap ng
P4,500 honorarium at P1,500 naman ang
mga support staff.

Naiproklama na ng Comelec ang mga nagwaging
kandidato sa katatapos lamang na synchronized local at national election noong
May 9 kagabi.

Uupo muli bilang kongresista sa unang distrito ng
South Cotabato si incumbent congressman Pedro Acharon Jr.

Wagi din bilang kinatawan ng ikalawang distrito ng
lalawigan si incumbent Congressman Ferdinand Hernandez.

Si South Cotabato Governor Daisy AVance Fuentes ay
babalik naman sa pwesto sa ikalawang termino.Nagkakaroon naman ng bagong bise gobernador ang
lalawigan sa katuhan ni incumbent Board Member Vicente de Jesus.

Pasok naman bilang mga myemro ng Sangguniang
Panlalawigan sa first district sina Mon
Matti, Gly Mariano-Trabado, at Romy Tamayo.

Inihalal naman ng taong bayan bilang mga board member
sa second district sina Esther Marin Catorce, ang anak ng namayapang provincial
governor Hilario de Pedro III na si Hilario de Pedro VI, Cecile Diel, Ellen
Grace Subere-Albios, Romulo Solivio, Dardanilo Dar, at Agustin Demaala.

Kaugnay nito ipinahayag ni Governor Daisy Avance
Fuentes na magiging prayoridad ng kanyang administrasyon sa susunod na taon ang
pagpapatupad ng mga proyektong pang infrustruktura tulad ng pagsemento ng mga
daan sa lalawigan.

2 bata patay nang malunod sa ilog; OVP BARMM, nagbigay ng ayuda at Janazah Kits

COTABATO CITY - TUMAGAL ng halos apat na oras ang paghahanap sa magkapatid na nalunod sa Matampay river, Mother Barangay Poblacion, Cotabato City...

Army collects 18 more high-powered guns in MagSur 

COTABATO CITY --- Residents of Datu Paglas, Maguindanao del Sur surrendered on Thursday to an Army unit 18 high-powered firearms in support of the...

‘Bangsamoro women can lead’—women groups on BARMM 2025 polls

COTABATO CITY — Bangsamoro women representatives from various organizations convened in a forum recently to discuss strategies for strengthening...

Police confiscate P1.6-M smuggled cigarettes in SoCot, MagNorte 

KORONADAL CITY - About P1.630 million worth of smuggled cigarettes believed to be from Indonesia and Malaysia were confiscated during separate law...

Maguindanao Sur village chair killed in gun attack

COTABATO CITY - An incumbent village chairman died on the spot in a gun onslaught in Pagatin village, Datu Salibo town in Maguindanao del Sur around...