Thursday Jun, 20 2024 02:20:53 PM

NDBC BIDA BALITA Nov. 16, 2015

 • 21:51 PM Mon Nov 16, 2015
1,590
By: 
NDBC NEWS AND CURRENT AFFAIRS

NEWSCAST

NOVEMBER 16, 2015 (MONDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. MAGKAKASUNOD na pagsabog ng Granada,
naitala sa Cotabato city, nitong weekend DALAWANG SUNDALO at isang sibilyan,
sugatan.

2. PANGHAHAGIS ng granada sa Kabacan,
North Cotabato may bahid pulitika raw, ayon sa isang mataas na opisyal ng PNP -
North Cotabato

3. Mga mamamayan na nakatira sa mga
delikadong lugar s Koronadal city, nabigyan ng temporary relocation site

4. Mangingisda ng Lake Sebu, nagwagi bilang mayari ng cleanest and greenest household sa South Cotabato Local………………..

PATULOY
NA NILALAPATAN ng lunas sa pagamutan ang dalawang mga sundalo na nasugatan sa
pagsabog ng granada sa kanto ng Rosales Street at Sinsuat Avenue nitong Sabado
ng gabi.

Sinabi
ni PNP-Cotabato City Director Sr. Supt. Raul Supiter na batay sa kanilang
inisyal na imbestigasyon, target ng naturang pagpapasabog gamit ang
pinaniniwalaang M-79 rifle grenade.

Nagpapatrolya
ang mga sundalo ng Special Forces Battalion sa lugar nang puntiryahin ng di pa
kilalang mga suspek.

Sugatan
din sa naturang insidente ang isang sibilyan na nakatayo lang sa naturang
lugar.

Samantala,
sa hiwalay na panayam ng DXMS AM Radyo Bida kay Special Forces Battalion
commander Col. Ranulfo Sevilla, sinabi nito na nangyari ang pagpapasabog
matapos na makapagpiyansa at nakalaya si Ruben Montes alyas black moro, na
suspek sa kasong illegal possession of firearms at pang kaso.

Dagdag
ni Sevilla, posible rin na yung mga drug syndicate na kanilang mga nakabangga
ang responsable sa naturang panibagong pag atake sa kanilang mga sundalo.

Sadya
namang di kinilala ni Sevilla ang mga sugatang sundalo para sa seguridad ng mga
ito.

Una
rito, pinasabugan din ng MK2 fragmentation grenade ang Cotabato Light and Power
Company o COLIGHT sub-station pasado alas sais ng umaga kamakalawa.

Unang
inakala ng mga empleyado ng COLIGHT na transformer ang sumabog sa kanilang
substation.

Pero base
sa CCTV footage, namataan ang isang bagay inihagis bago ito sumabog kaya agad nilang
ini report sa City PNP.

Na-recover
ng mga pulis at ng EOD team sa lugar ang safety lever ng nabanggit na Granada.

Wala
namang naiulat na nasaktan o nasawi sa insidente.

Sa
kabilang dako pa, kagabi isa ring Granada ang natagpuan sa parking area ng
isang bar sa Sinsuat Avenue.

Gayunman,
kusa itong pinasabog ng Ordnance and Disposal team na rumesponde matapos
mag-report ang may ari ng naturang bar. Local
…………………

NAGBIGTI ang isang
payong-payong driver at patay na nang matagpuan ng kanyang misis sa loob ng
kanilang bahay sa Cotabato city kaninang madaling araw.

Kinilala ng City PNP ang
nagpatiwakal na si Kalvin Castillo, 36 years old, at taga barangay Rosary
Heights 7 ng lungsod.

Kwento ng misis ng
nasawi, natulog siya sa bahay ng kanyang mga magulang kagabi, at pag uwi niya
sa kanilang bahay kaninang pasado alas singko ng umaga ay natagpuan na lang nya
ang mister na nakabitin sa kanilang hagdan at wala ng buhay.

Ginamit ni Castillo sa
pagbigti ang isang balabal.

Naniniwala ang mga
imbestigador na personal na problema ang nag udyok kay Castillo para tapusin
ang kanyang buhay.

Local…………………….

PATAY ang
isang magsasaka matapos barilin ang sarili sa Midsayap, North Cotabato.

Kinilala ang
nasawi na si Albert Karo alyas Jimbo, taga barangay Poblacion Dos ng naturang
bayan.

Binaril ni
Karo ang sarili matapos na mabaril nito ang kanyang live in partner na si Rosalie
Kabudol, may asawa at residente rin ng naturang barangay.

Sa
imbestigasyon ng Midsayap PNP, nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa hanggang sa
bumunot ng cal 45 pistol si Karo at binaril sa dibdib si Kabudol.

Pagkatapos ay
binaril naman nito ang sarili sa leeg.

Dead on the
spot si Karo habang si Kabudol ay kritikal ang kondisyon sa pagamutan.

Samantala,
patay din ang isang habal-habal driver matapos barilin sa Midsayap.

Nakilala ang
biktima na si Salik Salicula.

Nagkunwaring
pasahero ang suspek na nakilalang si Tular Manisil at nagpahatid kay salicula
sa barangay Nabalawag kamakalawa ng gabi. Subalit hindi na nakabalik pa si
Salicula.

Kinabukasan,
natagpuan na lang ang bangkay ng biktima sa Sitio Campo Muslim, barangay Nabalawag.
May tama ito ng bala ng 45 cal pistol sa likod.

Tinangay din
ang motorsiklo nito.

Ang suspek ay
pinaghahanap pa ng mga pulis. Local……………….

NASA CUSTODY
na ngayon ng PNP –Davao City ang naarestong bomber at dating miyembro ng Moro
Islamic Liberation Front-Special Operations Group.

Naaresto ng pinagsanib
na puwersa ng mga sundalo at pulis sa Pigcawayan, North Cotabato noong November
11 ang suspek na si Abdul Manap Mentang, alyas Manny, Manap, at Al-Molk sa isinagawang
entrapment operation sa Barangay Panatan, Pigcawayan.

Si Mentang ay
may standing warrants na inilabas ng Davao City at Cotabato City Regional Trial
Courts na may kasong multiple murder at multiple frustrated murder.

Responsable
si Mentang sa Sasa Wharf at Ecoland terminal bombing sa Davao City noong 2003
na ikinasawi ng 23 sibilyan at ikinasugat ng 127 iba pa.

Batay sa mga
naunang imbestigasyon, kabilang si Mentang sa unang batch ng 15-man group na
trained sa basic demolition for urban terrorism ng teroristang grupo ng Jemaah
Islamiyah noong 1995.

Siya rin ang
nagsanay sa ilang miyembro ng MILF sa paggawa ng bomba.

Local...Ligtas na ngayon sa posibleng pananalasa ng kalamidad ang dalawamput isang pamilya sa Sitio El Gawel, Barangay Saravia, Koronadal City.
Ayon kay Cyrus Urbano ang Action Officer ng City Disaster Risk Reduction and Management Center, ito ay matapos mabigyan ng relecation site.
Gayunpaman nilinaw na Urbano ang temporaryo lamang na manatili sa mas ligtas na lugar di kalayuan sa kanilang dating mga tahanan ang mga bakwit.
Paliwanag ni Urbano, hindi pa kasi nakabili ng permanenteng malilipatan ang mga apektadong residente ang local na pamahalaan.
Matatandaan na dahil sa banta ng landslide sa kanilang lugar sa itaas na bahagi ng Sitio El Gawel, nagpatupad ng force evacuation ang city government sa mga residente doon. Local...Nagtipon ang mga myembro ng Provincial Council for the Protection of Children o PCPC sa South Cotabato.
Layon nito na makapagbigay ng update at pagusapan ang local development plan for children ng lalawigan na binalangkas noon pang 2000.
Ang katatapos lamang na dalawang araw na aktibidad ay nagbigay ng panahon sa mga kasapi ng PCPC na suriin ang kanilang mga kapaki-pakinabang na programa sa ilalim ng 25 year plan.
Ang programang ito ay nagpapahalaga sa karapatan ng mga kabataan.
Kabilang sa mga ito ang survival rights, protection rights at development rights.
Ayon kay Jennifer Britania isa sa mga naging speaker sa workshop, malaki ang naitulong ng children’s code para lalo pang mapaigting ang mga programa para sa mga kabataan sa lalawigan.
Kabilang din sa mga napagusapan sa workshop ang mga plano para lalo pang mapagtibay ang proteksyon sa mga bata.
Ito ay sinusuportahan din ng Provicial Planning and Development Office, Nutrition Office, Agriculture Office, Girls Scout of the Philippines, Boys Scout of the Philippines, PNP, military at DepED.
Kasama din ng mga ito ang mga non government organizations o NGOs na Save the Childten, World Vision, at iba pang mga concerned na sangay ng pamahalaang panlalawigan. Local...Maglagay ng listahan ng mga ipinagbabawal na paputok sa kanilang mga tindahan.
Ito ang hiniling ni Dr. Ala Baby Vingno ang Assistant Provincial Health Officer ng South Cotabato sa mga retailer ng mga paputok sa lalawigan.
Layon nito ayon kay Vingno ay upang mapapa-alalahanan at matiyak ang kaligtasan ng publiko lalong lalo na ang mga bata habang papalapit a ang panahon ng kapaskuhan.
Ito ay bilang kabahagi din ng pinaagang iwas paputok campign ng provincial health office ngayong taon.
Ayon kay Vingno karamihan sa mga nabiktima ng paputok sa South Cotabato ay nagkakaedad ng pito hanggang sampung taong gulang.
Marami sa mga ito ay nasabugan ng ipinagbabawal na Piccolo na bukod sa mura ay y mabibili din kadalasan sa mga tindahan.
Nabatid na labindalawang katao ang kinasuhan ng pulisiya dahil sa illegal na pagbebenta ng mga paputok sa South Cotabato noong nakaraang taon.
Sinimulan na rin ng provincial health office ng South Cotabato ang pagpapakalat ng mga tarpuline kontre paputok sa mga eskwelahan magiging prayoridad din ng kanilang iwas paputok campaign. Local...Isinusulong ngayon ng Kabugwason Palaum Scholarship Program o KPSP Committe ng South Cotabato ang pagbibigay ng scholarship sa mga incoming second year college students.
Ito ay upang makaagapay din sa reporma sa edukasyon na ipinatutupad sa bansa.
Ayon kay KPSP Head Earl Lope, magpupulong ang scholarship committee para matalakay ang posibleng pag-amyemda sa mga panuntunan ng programa na nagbibigay lamang ng scholarship sa mga incoming freshmen students.
Inihayag ni Lope na possible kasing bumaba ang mga papasok ng first year college sa susunod na dalawang taon dahil sa pagpapatupad ng K to 12 dagdag na senior high school.
Umaasa din si Lope na dahil sa pinaplanong pag-amyemda sa probisyon ng KPSP mabibigyan din ng scholarship ang mga out of school youth papasok sa second college.
Nilinaw din ni Lope kukuha pa rin ng qualifying exam ang mga nais magkaroon ng scholarship. Local..Pinatunayan ng isang mangingisda sa bayan ng Lake Sebu, South Cotabato na may angking din itong green thumb sa patatanim ng mga gulay at ornamental plants.
Ito ay matapos tanghaling over all champion sa Search for Cleanest and Greenest Household sa bayan ng Lake SEbu, South Cotabato.
Si Ariel Tedera ng Sitio Tukoful ay naging consistent first place winner mula sa una hanggang sa pangatlo at huling judging .
Napagwagian din ni Tedera ang best maintained area category ng patimpalak.
Si Tedera ay tumanggap ng kabuuang dalawamput limang libong pisong cash prize.
Pumapangalawa naman kay Tedera si Anthony Artatio ng Sito Tokoful na tumanggap ng walong libong piso.
Si Corazon Sarigo naman ng Isla Tupas na tumanggap ng anim na libong piso ay nasa pangatlong pwesto.
Nabatid na sa unang judging, ang patimpalak ay nilahukan ng tatlumput tatlong mga residente hanggang sa umabot na lamang ang mga ito sa labinlima sa final judging.
Ang Search for Cleanest ang Greenest Household sa Lake Sebu ay pinangunahan ng Provincial Environment and Management Office ng South Cotabato.
Layon nito mapanatili ang Luntian at magandang tanawin sa mga bahay na nakapaligid sa lawa para mas lalo pang maging kaaya-aya sa mga turista.
Ang Lake Sebu ay itinuturing na pangunahing tourist destination sa South Cotabato

Local...Patuloy ngayong nagpapagaling ang limang nasugatan sa nangyaring panghahagis ng granada sa corner Rizal Avenue at Malvar Street, Kabacan, North Cotabato pasado alas sais ng gabi noong Sabado.Kinilala ni Ins. Randy Apostol, Deputy ng Kabacan PNP ang mga biktima na sina Berlie Lamban Baluyot, 46, taga Doña Aurora Poblacion Kabacan, Rosalie Lacabo Parenyas, 36 ng brgy. Bannawag, John Clark Mantilla Openia, 13, ng Roxas Street, Poblacion, Gerardo Omrete Moya, 48 ng Ma. Claria Extension, Poblacion at isang Johaina Pops Suelo Alon, 17 anyos na taga Quirino Street Poblacion Kabacan.Nagtamo ng tama ang mga biktima sa ibat-ibang bahagi ng kanilang katawan na agad namang isinugod sa pagamutan.Ayon kay Apostol dalawang lalaking sakay ng isang kulay asul na Kawasaki Motorcycle ang pinaniniwalaang nanghagis ng nabanggit na granada na mabilis namang tumakas patungong Malvar Street matapos ang krimen.Patuloy ngayong tinutugis ng mga otoridad ang suspek habang patuloy din nilang iniaalam ang posibleng motibo sa insidente.Ito na ang ikalawang insidente ng panghahagis ng granada sa Kabacan ngayong Nobyembre lamang kung saan nitong nakaraang miyerkules ay sugatan rin ang isang limang taong gulang na batang lalaki sa Brgy. Kayaga, Kabacan, North Cotabato. Local...Nilinaw ni Lou Mayormita, ang acting city administrator ng Kidapawan LGU, na hindi authority to grant permit for expansion sa operasyon ng Gaisano Grand Mall ang hiningi ni City Mayor Joseph Evangelista sa Sanggunian Panglungsod.Ayon kay Myormita, inidorso lamang nito sa konseho ang sulat na nanggaling mismo sa nabanggit ng estbalisyemento.Aniya, ang hinihingi umano ng Gaisano Grand ay ang document interposing no objection para sa nabanggit na expansion na kanilang gagawin sa lungsod partikular sa Barangay Lanao.Ang nabanggit na usapin ay magkaiba pa sa isyu na inihain ni Kapitan Alberto Canonoy ng Barangay Lanao.Ayon kay Canonoy ang problema nila ay ang mabahong tubig sa kanal na itinatapon ng naturang Mall.Samantala, nagtapos naman kahapon ang ibinigay na palugit sa Gaisano Grand para makumpleto nila ang kanilang mga rekitos sa pagpapaayos ng kanilang drainage canal.Nabatid na matagal ng iniinda ng ilang mga residente ng brgy. Lanao ang mabahong kanal sa lugar at nagdudulot na rin ng perwisyo sa ilang mga commuters na dumadaan lamang sa nabanggit na area. Local...nKulungan ang bagsak ng isang 21 anyos na lalaki matapos maaresto dahil sa pagbibitbit nito ng ilegal na droga sa Kidapawan City alas tres ng hapon kahapon.Huli ang suspek na si Rico Semera, taga Digos City, Davao del Sur kasabay sa inilunsad na highway Check ng City PNP sa pangununa ni Police Director Supt. John Calinga at mga miembro ng Traffic Management Unit .Nang parahin na ang suspek dahil rin sa kaduda duda nitong motorsiklo ay dito na narekober sa kanya ang isang sachet ng pinaniniwalaang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng 1500 pesos.Nakakulong na ngayon ang suspek habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya.Samantala, nakaalerto naman ngayong ang buong hanay ng pulisya sa Kdiapwan City matapos ang suno sunod na kaso ng panghahagis ng granada sa Kabacan, North Cotabato.Sa impormasyon mula sa Public Safety Office, dinoble pa ng PNP ang ang kanilang visibility at pagpapatrolya sa mga pangunahing kalye sa lungsod.Nanawagan rin si Supt Calinga sa publiko na agad makipag ugnayan sa mga otoridad sakali mang may mapansing kahina-hinalang tao o bagay sa kanilang mga lugar.Sabado nang gabi nang hagisan ng granada ang Corner Rizal at Malvar Street ng Poblacion Kabacan na ikinasugat ng lima katao at kagabi naman isang panghahagis rin ng granada ang gumulantang sa Rizal Sreet bayan ng Kabacan. Local...Dead on the spot ang isang magsasaka matapos pagbabarilin ng dalawang lalaki
sa brgy. Inas, Mlang North Cotabato, alas kwatro ng hapon kahapon.Kinilala ni Supt. Joefrry Todeño ang biktima na si Juanito Cardines Quintero, 49 anyos habang kinilala naman ang mga suspek na sina Lino Cardido at Junsing Alig parehong mga taga Purok 1, brgy. Inas Mlang.Ayon kay Todeño nagkausap pa ang dalawang suspek at ang biktima hanggang humantong ito sa maiinit na pagtatalo dahilan para barilin nila ang biktima na nagtamo ng tama ng bala sa kanyang katawan.Mabilis namang tumakas sina Cardido at Alig matapos ang krimen.Sa inisiyal na imbestigasyon ng pulisya, ito na ang ikalawang pagkakataon na mangyari ang insidente sa pagitan ng dalawang pamilya.Awayan sa lupa naman ang sinusundang anggulo ng mga otoridad sa naturang insidente.Desido ngayon ang pamilya Quintero na magsampa ng kaso laban sa mga suspek na ngayon ay tinutugis na ng mga otoridad.- Local...Napili para sa Search for Exemplary Pantawid Pamilya Children ang kambal na grantee ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program sa Matalam, North Cotabato.Ang nabanggit na award ay ibinibigay sa mga 4p's Children na nagtamo ng karangalan sa kanilang pag-aaral sa kabila ng kanilang mahirap na sitwasyon sa buhay.Sinabi ni 4ps Project Development Officer Juliet Ramojal ang nakamit na tagumpay nang kambal na sina Rinna at Rhiza Tubias na taga Brgy. Manupal, Matalam ang siyang naging daan ng magkaptid para sa regional level.Ang kambal na Tubias ay nakapagtapos sa elementary level na consistent honors kung saan si Rhinna ang kanilang Valedictorian habang Salutatorian naman ang kambal nitong si Rhizza.Para kay Ramojal, insperasyon para sa ibang mga 4Ps Beneficiary ang natamong parangal sa magkapatid.Sa ngayon nasa grade 7 na sina Rhina at Rhiza sa Dalapitan High School.Anumang araw ngayong linggo lilipad na patungong Metro Manila ang kanilang grupo para sa gagawing mga pagsasanay at Awarding rin sa Search for Exemplary Pantawid Pamilya Children na lalahukan ng 17 mga rehiyon o 54 mga nominees

Dinna Harbi, NDU nursing student, is Mutya ng Kutawato 2024

Itinanghal na Mutya ng Kutawato 2024 si Dinna Harbi. Ito beauty and brain contest ay pinakatampok sa 65th Araw ng Kutawato celebration 2024....

Marcos accepts Sara's resignation as DepEd secretary

MANILA – Vice President Sara Duterte stepped down as education secretary and vice chairperson of the government’s anti-communist task force,...

6th ID inaugurates, opens Peace Museum

Officials launched on Wednesday a Peace Museum in the Army’s Camp Siongco in Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte showcasing relics and mementos...

VP Sara resigns sa education secretary, vice chair NTF-ELCAC

Presidential Communication Office (PCO) statement: At 2:21 pm today, 19 June 2024, Vice President Sara Z. Duterte, went to Malacañang and tendered...

Extensive probe on Lamitan City gas station bombing sought

COTABATO CITY - Residents urged for a deep probe on Tuesday night’s bombing of a fuel station in Lamitan City, convinced it was not a terror attack,...