Thursday Jun, 20 2024 02:22:25 PM

NDBC BIDA BALITA Nov. 17, 2015

 • 17:19 PM Tue Nov 17, 2015
1,611
By: 
NDBC NEWS AND CURRENT AFFAIRS

NEWSCAST

NOVEMBER 17, 2015
(TUESDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. Apat katao, patay sa massacre sa Carmen, North Cotabato.2. BIFF nagsalita tungkol sa nangyaring
grenade explosion sa Cotabato City

3. Task Force Kabacan, bubuin matapos
ang sunod-sunod na panghahagis ng granda sa bayan.

4. Sniffing dogs at CCTV Camera
ilalagay sa South Cotabato Provincial Rehabilitation and Detention Center

4. Apat katao, patay sa massacre sa Carmen, North Cotabato. LOCAL...Apat kataong miembro ng isang pamilya ang patay sa massacre na naganap sa Barangay Ugalingan, Carmen, North Cotabato kagabi. Tatlong iba na pawang miembro din ng pamilya ang nasugatan at ginagamot ngayon sa North Cotabato provincial hospital, ayon sa report ng DXND Radyo Bida Kidapawan.Kinilala ni Superintendent Bernard Tayong, tagapagsalita ng North Cotabato PNP ang mga nasawi na sina Ibrahim Agal, 50, at ang kanyang mga anak na sina SArah, 9, Pama, 10 at Mustapha, 12.Sugatan naman sinaMokamad Agal, 18 Nashrudin Agal, 9 and Jerry Agal, 42, lahat mga nakatira sa Barangay Ugalingan, Carmen, North Cotabato.Ayon kay Tayong, kumakain ang mga biktima sa loob ng kanilang bahay alas 7:30 kagabi nang dumating ang mga armadong kalalakihan at agad na pinaulanan ang mga biktima.Dalawa ang namatay noon din habang ang iba ay binawian ng buhay sa pagamutan.Rido ang nakikitang dahilan ng massacre, ayon kay Tayong.Nabatid na bago lang nakatira sa Barangay Ugalingan ang mga biktima dahil noon siya ay nakatira sa Barangay Manili pero lumipat dahil sa away sa pamilya.

Local………………..

NAGPAHAYAG ng posibilidad si Bangsamoro
Islamic Freedom fighter o BIFF Spokesperson Abu Misry Mama na sila ang
responsable sa pagpapasabog ng granada sa kanto Rosales Street at Sinsuat
Avenue nitong Sabado ng gabi.

Pero aminado si Abu Misry na wala pa
siyang nakukuha na reports tungkol sa tunay na nangyari.

Inihayag naman ni Abu Misry na kabilang
ang Cotabato City na may presensya ng BIFF kung saan hindi imposible na
magsagawa sila nang operasyon lalo na kung magkataon na magkasalubong sila ng
tropa ng sundalo.

Kaugnay naman sa pagkasangkot ni Black
Moro sa insidente, hindi na nagbigay ng reakasyon si Abu Misry dahil sa maaring
totoo rin umano ang hinala ng 5th Special forces kung sino ang nasa likod ng
pagpapasabog.

SA HIWALAY na pahayag, natawa na lamang
si 5th special forces Commander Lt. Col. Ranulfo Sevilla matapos itong makinig
sa panayam ng DXMS radyo bida kay Abu Misry Mama.

Pabiro pang sinabi ni Sevilla na baka ang
pagpatay rin kay Bayaning si Jose Rizal ay akuin rin ng BIFF.

Nilinaw ni Sevilla na isa sa mga suspek
nila si Ruben Montes alias Black Moro dahil matapos nila itong mahuli noong
September 9 ay nakalaya na ito.

Dagdag ni Sevilla, posible rin na yung
mga drug syndicate na kanilang mga nakabangga ang responsable sa naturang
panibagong pag atake sa kanilang mga sundalo.

Pinagtataka lamang ni Sevilla kung
bakit hinayaang makalaya si Black Moro na una ng sinabi ni City Mayor Japal
Guiani na hindi pwedeng pairalin ang property ban upang makalaya ang isang
akusado.

Patuloy naman ang isinasagawang
imbestigasyon ng 5th Special Forces sa naturang insidente upang matukoy kung
sino ang tunay na responsable sa pagpapasabog sa lungsod.

Local …………………

HUMILING ng
kunting panahon si Cotabato City Director Senior Supt. Raul Supiter para
masugpo ang talamak na illegal gambling last-2 number game activity sa lungsod.

Aminado si
Supiter na problema ito sa buong bansa at hindi lamang sa Cotabato City kung
kaya't hindi magiging madali ang tuluyang pagsugpo rito.

Sa
pagkakasangkot naman ng ilang mga pulis sa illegal na aktibad na last-2 number
game, Sinabi ni Supiter na inaksyonan na nila ito ngunit itinanggi ng mga
sangkot ng pulis.

Patuloy
namang gumagawa ng paraan ang Cotabato City PNP para mismo ang namumuno sa mga
illegal na gawain ang kanilang maaresto.

May paalala
naman si Supiter para sa kanyang kapwa mga pulis na sangkot sa illegal na
gawain.

Local…………………….

PINAIIGTING
ng Pigcawayn PNP ang kanilang kampanya konta droga sa bayan.

Kamakailan
lang ay matagumpay nilang isinagawa ang isang buy bust operation sa Poblacio
dos, National highway ng bayan Kung saan huli ang dalawa katao.

Kinilala
ni Pigcawayan Deputy Chief Insp. Ricardo Carbonell ang mga suspek na sina Sonny
Catalan at Marshad Pacullo.

Nakuha
mula sa mga suspek ang tatlong transparent na pakete na may laman ng
pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng 900 pesos bawat isa.

Kasalukuyan
namang nakakulong ang mga suspek at nasampahan na ng kasong paglabag sa RA 9165
sa Kidapawan City Prosecutor's office.

Ayon
kay Carbonell, mahigpit nilang iniimplimenta ang kanilang kampanya kontra droga
base na rin sa direktiba ng kanilang provincial director.

Kaugnay
nito, umaasa naman si Carbonell sa mahigpit na kooperasyon at pakikipagtulungan
ng publiko sa PNP.

Local...Labis ang kasiyahan ngayon ng mga opisyal at residente ng Barangay Linangkob, Kidapawan City matapos tumanggap proyekto mula sa Provincial Government of Cotabato.Kabilang na rito ang farm-to-market road rehabilitation na nagkakahalaga ng P1.5M kung saan maliban sa Linangkob ay pakikinabangan din ng mga kalapit barangay na Sikitan at Sto. Niño line canal na nagkakahalaga ng P1M at distribution line water tapping na nagkakahalaga ng P200,000 kung saan abot sa 70 pamilya ang makikinabang.Mismong si Cotabato Governor Emmylou Lala” Taliño-Mendoza ang nanguna sa turnover ceremony ng mga projects na abot sa P2.7M ang kabuuang halaga. Pinasalamatan naman ni Brgy Linangkob Chairperson Rodolfo Rodriguez ang Provincial Government sa paglalagay ng naturang infra projects at water system dahil malaki ang ginhawang dulot nito sa mga residente.Ito ay bahagi naman sa patuloy na pagpapatupad ng mga programa at proyekto na magpapaangat sa kabuhayan ng mamamayan ng lalawigan. Local...Aprubado na kay Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr. ang paglalagay ng ‘Task Force Kabacan’.Ikinaalarma na kasi ng PNP at maging ng mga residente ang tatlong insidente ng panghahagis ng granada sa magkakaibang lugar sa Kabacan nitong buwan lamang.Ayon kay Police Senior Ins. Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP ang bubuuing TASKFORCE ay makakatulong ng malaki para sa pagpapanatili sa seguridad ng bayan at para maprotektahan ang mga mamamayan.Ito ay pangungunahan naman ni Senior Supt. Alex Tagum, Provincial Director ng Cotabato Police Provincial Office kung saan magiging TASKFORCE Commander si Supt. Tom Tuzon, Deputy Taskforce Commander si Sr. Ins. Cordero, kasama rin ang Regional Public Safety Battalion 12, Philippine Army, katuwang din ang ilang mga Municipal Police station ng probinsya.Nagpagkasunduan na idedeploy ang mahigit isang daang personnel sa bawat Gasoline Station ng bayan at sa mga pangunahing kalye nito.Tiniyak rin ni Lt. Col. Auddie Edralin, commanding Officer ng 7th IB, Philippine Army ang kanilang partisipasyon sa naturang TASKFORCE.Maging si Brgy. Poblacion Chairperson Mike Remulta ay nangako rin na muling bubuhayin ang pagiging alerto ng mga Barangay Peace Keeping Action Team o BPAT sa bayan.Ang nabanggit na mga pahayag ay ibinunyag ng mga opisyal sa isinagawang Municipal Peace and Order Council Meeting kahapon.Dinaluhan naman ito ng mga Barangay kapitan ng Kabacan, Municipal Councilors, Business Sector at Civil Society Organization.Matatandaang lima ang nasugatan sa nangyaring pagsabong ng granada nitong Sabado lamang sa Corner Rizal at Malvar Street Poblacion , habang isang limang taong gulang na bata rin ang nasagutan sa pagsabog noong Nov. 11 sa Rock Oil Gasoline Station ng Brgy. Kayaga.Ayon kay Cordero, tukoy na nila ang mga posibleng nasa likod ng nasabing insidente pero tumanggi muna itong magbigay ng komento at pahayag habang patuloy ang kanilang isinagawang imbestigasyon sa nabanggit na insidente. Local...Nakatanggap ng Red Orchid Award ang Mlang LGU mula sa Department of Health dahil sa matagumpay nitong implementasyon ng No Smoking policy sa bayan.Tinanggap ni Dr. Glicerio Sotea MB, head ng Mlang Municipal Health Unit ang nasabing award noong nakaraang linggo.Para kay Sotea, ang nabanggit na parangal ay nakamit ng matapos ang istriktong pagpapatupad ng LGU sa naturang polisiya sa mga pangunahing lugar ng Mlang.Matatandaang ilang mga bisita at maging ang mga residente rin ang pinatawan ng penalidad dahil sa paglabag sa Anti-Smoking Ordinance.Bilang panawagan naglagay naman ng mga plaka ang MLANG LGU sa buondary ng Makilala at Matalam para ipaalam sa publiko na bawal ang paninigarilyo sa bayan bagay naman na kinilala ng DOH.Ang Mlang ay isa sa mga bayan sa North COtabato na magiging representate sa gagawing National Awarding Ceremony sa Red Orchid Award na gagawin sa Cagayan de Oro ngayong darating na Disyembre. Local...Patay ang isang tricycle Driver na kinilalang si Romeo Daquewag, 37-anyos matapos pagbabarilin ng di pa kilalang suspek sa Poblacion, Matalam, North Cotabato kahapon ng umaga.Ayon kay Chief Ins. Sonny Lenocito, hepe ng Matalam PNP pauwi na sana ang biktima mula palengke nang tambangan ito ng dalawang suspek.Tinamaan sa tiyan ang biktima gamit ang 45 caliber pistol at isinugod sa pagamutan.Pero Ayon kay Leoncito binawian na rin ito ng buhay kahapon ng hapon.Land Conflict naman ang sinusundang anggulo ng PNP sa krimen. Local...Ideneklara na kahapon ng Department of Health at Multi-sectoral Group na Zero Open Defecation o ZOD ang buong bayan ng Presidente Roxas, North Cotabato.Ito matapos makumpleto ng lahat ng mga pamilya sa bayan na magkaroon ng sariling palikuran at malinis na inuming tubig.Ang nabanggit na deklarasyon ay pinangunahan mismo ni Department of Health 12 Sec. Teogenes Baluma, na nagbigay ng kanyang pagsaludo sa mga ahensyang nanguna mismo rito.Hinamon ngayon ni Baluma ang mga barangay Officials ng bayan na patuloy na imonitor ang kanilang mga nasasakupan.Ayon kay Baluma, malaki ang magiging epekto sa komunidad ang simpleng pagtatayo ng kanilang mga palikuran lalo na sa katawan ng mga residente at para maiwasan ang mga nangungunang sakit kagaya ng pananakit ng tiyan, pagtatae na dulot naman ng maruming tubig.Sinabi ni Brgy. Sarayan Chairperson Adonias Daguman, matagumpay nilang natamo ang ZOD Declaration matapos nilang ipasa ang Brgy ordinance na nag-uutos sa mga residente na gumawa ng kanilang sariling palikuran.Ang Zero-open Deification Program ipinatupad ng ACF International, Health officials sa LGU at mga Brgy officials. Local...Magkakaroon ng dalawang mga sniffing dogs ang South Cotabato Provincial Rehabilitation and Detention Center o SCPRDC na mas kilala rin sa tawag na provincial jail.
Ayon kay Juan Lanzaderas,ang OIC Provincial Jail Warden ng South Cotabato ang mga sniffing dogs ay kukunin na nila sa South Cotabato PNP Provincial Headquarters.
Inihayag ni Lanzaderas na ang mga aso ay tutulong sa pagsabat ng mga kontrabando lalong lalo ng illegal na droga na ipupuslit sa piitan.
Kinumpirma din ni Lanzaderas na ang paglalagay ng mga close circuit television camera sa pasilidad.
Inihayag ni Lanzaderas na kailangan ang CCTV Cameras para mas mabantayan ang mahigit siyamnaraang mga inmate sa apat na ektaryang compound ng provincial jail.
Matatandaan na naaresto ang isang babae matapos magtangkang magpuslit ng droga para sa kanyang live in partner na nakakulong sa detention center noong huwebes.
Tiniyak naman ni Lanzaderas na hindi makapaaekto sa pagtanggap ng dalaw ng mga preso ang mas pinahigpit na seguridad sa provincial jail.
Local...Isailalim sa disaster preparedness training ang mga myembro ng kanilang Barangay Disaster Action Team o BDAT.
Ito ang apela ni South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes sa lokal na pamahalaan ng Koronadal.
Ayon kay Fuentes, bilang component city ng lalawigan, may epekto sa kabuuang peformance ng South Cotabato sa paghahanda sa posibleng pagdating ng kalamidad kapag hindi sinanay ang disaster reponse team ng Koronadal.
Bukod dito ayon kay Fuentes, mahalaga ang pagsasanay dahil bilang mga front liners, ang mga taga barangay ang unang tutugon sa pangangailangan ng mga residente na apektado ng kalamidad. Inihayag ni Fuentes na maliban sa Koronadal City, halos tapos na ring sanayin ng disaster team ng lalawigan ang kanilang mga counterpart sa mga barangay ng South Cotabato.
Ayon sa gobernador, maaring makasuhan ang mga lokal na opisyal na bigong makapagbigay agad ng kaukulang tulong sa mga mamamayan na sinalanta ng kalamidad.
Ito ang ipinahayag ni Fuentes kaugnay umano sa pagtanggi ng lokal na pamahalaan ng Koronadal na sanayin ng team ng Provincial Disaster Disaster Risk Reduction and Management Office ang kanilang mga local disaster responders.
Ang pahayag na ito ni Fuentes ay pinabulaanan naman ni Cyrus Urbano, ang Action Officer ng CDRRMC Koronadal.
Iginiit ni Urbano na hindi umano sinipot ng mga trainers ng lalawigan ang BDAT trainings na itinakda sa mga clustered barangays ng Koronadal City.
Binigyan diin din ni Urbano na nakapagsagawa na rin ng BDAT training sa mga barangay ng lungsod ang CDRRMO. Local...Darating sa South Cotabato si Department of Health o DOH Secretary Janette Garin.
Si Garin ang magiging panauhing pandangal sa 1st National Human Immunodeficiency Virus/ Acquired Immune Defficiency Syndrome o HIV/AIDS Summit.
Ito ay kinumpirma ni John Cudilla ang HIV/AIDS Focal Person ng South Cotabato.
Ang summit ay gaganapin sa Nobyembre a biente kwatro.
Ayon kay Cudilla, ito ay inaasahang dadaluhan ng mahigit apatnaraang health workers at HIV/AIDS Advocates mula sa iba’t ibang panig ng bansa.
Inihayag ni Cudilla na nasa panghuling bugso na sila ngayon sa mga paghahanda sa summit.
Ang Ist HIV/AIDS Summit ay pangungunahan ng provincial health ng South Cotabato at Department of Health o DOH region 12.
Ang aktibidad ay pinaglaanan ng mahigit isang milyong ng DOH.
Layon nito na makapagbalangkas ng mga kaukulang hakbang para maipalaganap sa publiko ang nakamamatay na sakit na HIV/AIDS. Local...Umaabot na ngayon sa P130.000 per kilo ang presyohan ng Siboyas sa Koronadal City.
Ayon sa Sibuyas Vendor na si Didith Padua, ito ay mas mataas sa otsenta pesos per kilo sa presyo nito noong nakaraang buwan.
Paliwanag ni Padua, bumaba ang supply ng sibuyas matapos salantain ng bagyo ang mga pataninam nito sa Luzon kung saan din sila umaangkat ng kanilang mga paninda.
Ayon kay Padua, mas kumonti ang kanilang customer ngayon kaya apektado na rin ang kanilang kita sa biglaang pagtaas sa presyo ng Sibuyas.
Inihayag din ni Padua na dahil sa hindi nakapagtanim, wala rin silang maangkat na stock ng Sibuyas sa kanilang mga supplier sa Koronadal City. Ayon naman sa bidang mamimili na si Cherry naging bahagi na ng pagaraw araw na pamumuhay ng tulad niyang maybahay ang sibuyas.
Kaya malaking epekto din sa pang araw araw nilang gastusin ang pagtaas sa presyo nito.
Kaya sa halip na bumili ng maramihan, pilit nitong pinagkakasya ang kanyang budget sa pamamagitan ng pagbili ng patingi-tinging pagbili ng Sibuyas Local...Pangrerecuit ng rebelde sa mga IP Communities sa South Cotabato at Sarangani mariing binabantayan ngmilitar
Kinumpirma ni Lt. Col Ronald Jess Alculdia, ang commanding officer ng 27th IB ng militar na nagiging target pa rin ng pang-rerecruit ng rebeldeng grupo ang mga komunidad ng mga Indigenous People o IPs.
Kadalasan ayon kay Alcudia, nagiging biktima ng recruitment ng mga ito ay ang mga IPs na menor de edad.
Sa katunayan ayon sa military Official, karamihan sa mga kasapi ng New Peoples Army o NPA na sumuko sa mga lugar na nasasakupan ng 27th IB ay pawang mga menor de edad na mga IPs.
Ang mga ito ayon kay Alcudia ay nagmula sa mga boundary ng Sarangani Province at South Cotabato na pinagkukutaan ng mga rebelde.
Inihayag ni Alcudia na ang kabiguan ng mga NPA na tuparin ang pangakong mas magandang buhay para sa kanila ang naging dahilan ng pagsuko ng mga batang rebelde.
Ayon kay Alcudia para maresolba ang problema, mas pinaigting ngayon ng militar ang kanilang pakikipag ugnayan sa mga lokal na pamahalaan.

Dinna Harbi, NDU nursing student, is Mutya ng Kutawato 2024

Itinanghal na Mutya ng Kutawato 2024 si Dinna Harbi. Ito beauty and brain contest ay pinakatampok sa 65th Araw ng Kutawato celebration 2024....

Marcos accepts Sara's resignation as DepEd secretary

MANILA – Vice President Sara Duterte stepped down as education secretary and vice chairperson of the government’s anti-communist task force,...

6th ID inaugurates, opens Peace Museum

Officials launched on Wednesday a Peace Museum in the Army’s Camp Siongco in Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte showcasing relics and mementos...

VP Sara resigns sa education secretary, vice chair NTF-ELCAC

Presidential Communication Office (PCO) statement: At 2:21 pm today, 19 June 2024, Vice President Sara Z. Duterte, went to Malacañang and tendered...

Extensive probe on Lamitan City gas station bombing sought

COTABATO CITY - Residents urged for a deep probe on Tuesday night’s bombing of a fuel station in Lamitan City, convinced it was not a terror attack,...