Saturday Sep, 30 2023 05:05:22 AM

NDBC BIDA BALITA NOV. 25, 2015

 • 05:48 AM Thu Nov 26, 2015
1,614
By: 
NDBC News and Current Affairs

NEWSCAST

NOVEMBER 25, 2015
(WEDNESDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. RESULTA ng isinagawang imbestigasyon
ng CCPO at Special Forces sa nangyaring pagsabog sa Cotabato city,
magkasalungat.

2. GURO SA Magpet, North Cotabato na
namukpok ng bao ng niyog sa kanyang estudyante, inireklamo.

3. GINANG, PINASLANG at ninakawan ng motorsiklo
sa Polomolok, South Cotabato.

4. ARMM, naghanda ng programa kaugnay ng Mindanao Week of Peace. Tampok ang PBA legends versus ARMM reform team shoot for peace exhibition game.

Local………………..

HINDI TUMUGMA ANG resulta ng ginawang
imbestigasyon ng Cotabato city Police Office at ng 5th Special Forces Battalion
ng Philippine Army sa nangyaring pagsabog sa Sinsuat avenue corner Rosales
street noong November 14, pasado alas syete nang gabi.

Una nang naiulat sa inisyal na
imbestigasyon ng pulisya, na dalawang sundalo at isang sibilyan ang nasugatan
sa pang-aatake ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa nagpapatrolyang tropa ng
Special Forces habang nakasakay sa kanilang KM-450 truck gamit ang M-79 grenade
launcher.

Pero sa isinagawang presentasyon ni
CCPO Director Sr. Supt. Raul Supiter sa Sangguniang Panlungsod ng Cotabato
kahapon, inihayag ng police official na batay sa kanilang mga nakuhang
impormasyon sa ilang mga nakasaksi sa pangyayari, wala umano silang nakitang
mga lalaking nakamotorsiklo na umatake sa nagpapatrolyang tropa ng Special
Forces sa lugar.

At dahil dito, kumbinsido ang CCPO na
accidental firing ang nangyari mula mismo sa panig ng Special Forces matapos mabangga
ng sumusunod na sasakyan ang kanilang KM-450 truck.

Naniniwala ang CCPO na posibleng
nagulat ang isa sa tropa ng Special Forces kaya naipaputok nito ang kanyang
dalang M-79 at tinamaan ang puno ng mangga kung saan sumabog ang bala nitong
40mm round.

Una nang nakausap ng mga imbestigador
ng CCPO ang ilang mga nakasaksi sa insidente kasama na ang testimonya ng driver
ng sumusunod na sasaskyan sa KM-450 ng Special Forces at ang sibilyang
nasugatan. Local …………………

NAKATAKDA
NANG sampahan ng paglabag sa Republic Act 9165 ngayong araw ang pinaniniwalaang
isang drug pusher at user na nahuli ng Philippine Drug Enforcement Agency o
PDEA-ARMM pasado alas tres nang hapon kahapon sa Kilometer 15, Barangay Labungan,
Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Kinilala ang
naarestong drug pusher na si Badrudin Abas alyas Teng Abas, 28 anyos na siyang
target ng operasyon at illegal drug user na si Allan Jones Maganaka, 33 anyos,
isang magsasaka, pawang mga residente din ng nasabing barangay.

Ito ay
matapos magbenta si Abas sa ahente ng PDEA-ARMM na nagpanggap bilang buyer
habang naaktuhan naman si Maganaka na gumagamit ng ilegal na droga sa bahay ng
target suspek.

Nakuha ng mga
operatiba mula sa bahay ni Abas ang anim na sachet ng pinaniniwalaang shabu na
tinatayang nagkakahalaga ng labinlimang libong piso.

Sa ngayon ay
nasa detention facility na ng PDEA-ARMM si Abas at Maganaka habang hinahanda
ang mga ebidensya laban sa mga ito.

Local…………………….

MAGLULUNSAD
NG mga aktibidad ang Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM government
kaugnay ng Mindanao Week of Peace.

Ito ay
sinimulan sa pamamagitan ng isang parada ngayong umaga sa ORG quadrangle.

Susundan
naman ito ng isang maiksing programa bilang kick-off activity ng 18-day
campaign to end Violence Against Women.

Maliban
dito ay ilulunsad din ang ARMM GAD Code Implementing Rules and Regulations
kasama si Liberal Party senatorial candidate Ina Ambolodto bilang panauhin.

Makikiisa
din sa pagdiriwang si TESDA head Joel Villanueva at maging ang PBA legends na maglalaro sa gabi sa CCSPC gymnasium. Local…………………..

WALA
NA UMANONG magagawa ang Land Transportation Office o LTO kung mayroon mang
additional requirments sa pagkuha at pag-renew ng lisensya.

Ayon
kay LTO-Cotabato City chief Papacan Pacalundo, sinusunod lamang umano nila ang
kautusan mula sa kanilang central office.

Para
sa opisyal, mas mabuti na rin umano ang additional requirements mula sa PNP at
NBI.

Samantala,
inaasahang ma-eextend naman ng dalawang taon ang expiration ng drivers' license
kapag walang naitalang violation ang nagmamay-ari nito sa loob ng tatlong taon.

Ibig
sabihin, magiging limang taon na bago mag-expire ang drivers' license kung
masunurin sa batas-trapiko ang isang driver.

Paliwanag
pa ng LTO, ito ay bilang reward na rin sa mga law abiding drivers lalo na sa
mga tsuper. Local……………….

HINDI
NA UMABOT pang buhay sa pagamutan ang isang magsasaka matapos pagbabarilin ng
hindi pa nakikilalang mga suspek dakong alas sais kagabi sa Barangay Villarica,
Midsayap, North Cotabato.

Kinilala
ang biktima na si Amir Adam Ibos, 31 anyos, residente ng rin ng nasabing
barangay.

Batay
sa inisyal na imbestigasyon ng Midsayap PNP, nakatayo lamang si Ibos sa
crossing Villarica at kinakausap ang kanyang kaibigan nang pinarahan ng mga
nakamotorsiklong suspek at nilapitan, saka pinagbabaril gamit ang kalibre 45 na
pistola.

Tinamaan
si Ibos sa dibdib kanang kamay habang agad namang tumakas ang mga suspek sakay
ng kanilang motorsiklo papunta sa direksyon ng Libungan, North Cotabato.

Sa
ngayon ay inaalam pa ng mga imbestigador ng Midsayap PNP kung ano ang motibo sa
nasabing pamamaril. Local... Nagbigay ng 109 percent rating ang Department of Interior and Local Government o DILG sa Provincial Council for the Protection of Children o PCPC South Cotabato.
Ito ang dahilang ng pagkakapili ng ahensya sa PCPC South Cotabato bilang most functional sa buong rehiyon dose.
Ang parangal ay personal mismong tinanggap ni South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes mula kay DILG 12 Assistant Regional Director Josephine Leysa pagkatapos ng kanyang State of the Children’s Address kamakalawa.
Ayon kay Leysa lumagpas ang PCPC South Cotabato sa isang daang porsyento dahil sa mga bonus points na nakuha nito.
Inihayag ni Leysa na maliban sa mga panuntunan ng DILG nakapagpatupad pa ng ibang inisyatibo ang pamahalaang panalawigan para lalo pang maisulong ang kapakanan at karapatan ng mga bata.
Ito na ang pangatlong magkasunod na taon na nakuha ng PCPC South Cotabato ang parangal matapos ring tanghaling most functional noong 2013 at 2014. Maliban sa South Cotabato, kinilala rin ng DILG 12 ang dalawa pang mga Local PCPC sa SOCCKSARGEN region bilang ideal PCPC ngayong 2015.
Ang mga ito ay ang PCPC General Santos City na mayroong 80.5 percent rating at Sarangani na may 80 percent rating.Naging batayan naman ng DILG sa pagpili sa mga best o ideal PCPC ang organizations, meetings, policies, programs at projects at Accomplishment nito. Local...Nakapagbigay ng abot sa mahigit limang daang libong pisong halaga ng tulong ang gobyerno sa walong mga rebelde na sumuko sa South Cotabato.
Ayon kay Lailyn Ortiz, ang provincial director ng Department of Interior an Local Government o DILG South Cotabato ang mag rebel returnees na ito ay nakabalik na sa kani-kanilang pamilya.
Para matulungan na makapagbagong buhay ang mga dating NPA ay nabigyan ng tig limampung libo ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process o OPAPP at tig labinlimang libo ng provincial government ng South Cotabato.
Inihayag naman ni Lt. Col Ronald Jess Alcudia, ang Commanding Officer ng 27th IB ng militar na tiyak na mabibigyan ng financial asissistance ang mga susukong NPA dahil sa Comprehensive Local Integration Program o CLIP.
Saklaw ng CLIP ang pagbibigay ng livelhiood training,legal assistance, healing at reconciliation initiatives sa mga sumukong rebelde.
Kinumpirma din ni Alcudia na karamihan sa mga sumuko ay mga child warriors mula sa mga boundary ng Sarangani at South Cotabato.
Inihayag din ng military official na may mga militar nang nagbabantay sa labinsiyam na mga barangay sa mga tri-boudnaries ng Lake Sebu, South Cotabato, Kiamba at Maitum sa Sarangani.
Layon nito na matigil na ang pangrerecruit ng rebeldeng grupo sa mga menor de edad na karamihan ay nakatira sa mga indigenous people IP Communities sa lugar.
Local...Kalaboso sa anti illegal drug operation ng mga pulis ang tatlo katao sa magkakahiwalay na lugar sa South Cotabato kamakalawa ng hapon
Inaresto ng mga pulis ang isang Mark Espanola, residente ng Purok Matibay, Barangay Santa Cruz, Koronadal City.
Ito ay matapos makuha sa kanya ang isang medium sized na sachet ng suspected shabu at tatlong daang pisong marked money.
Ayon kay Police Chief Inspector Ramil Villagracia ng Provincial Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Group ng Philippine National Police, si Espanola ay kanilang natiklo sa buy bust operation sa isang resort sa barangay Santa Cruz. Maliban kay Espanola naaresto din sa hiwalay na operasyon ng grupo ni Villagracia sa Koronadal ang isa pang suspected drug pusher.
Kinilala ng police official ang suspek na Abner Cadiz alias Nonoy , trenta’y singko anyos at residente ng Tampakan, South Cotabato.
Ayon kay Villagracia ikinasa ng mga pulis ang kanilang drug buy bust operation sa National Irrigation Road sa PUrok Silangan, Barangay Sto. Nino, Koronadal City.
Ito ay matapos makatanggap ng tip mismo kay Sto. Nino Barangay Chairman Norberto Banaria ng regular na pagbebenta ng suspek ng illegal na droga sa lugar.
Nakuha ng mga pulis kay Alias nonoy ang limang medium sized sachet ng suspected shabu, 38 revolver, digital na timabangan, drug paraphernalia, at XRM motorcycle na ginagamit umano nito sa kanyang illegal drug transaction.
Samantala arestado naman ang kwarenta’y otso anyos na si Roland Macaraeg matapos makuhanan ng dalawamput limang sachet na may bakas ng suspected shabu,isang bala ng 9MM, drug paraphernalia at labin tatlong piraso ng ipinagbabawal na Piccolo sa Tantangan, South Cotabato.
Ayon kay Police Chief Inspector Jhonny Rick Medel ang Chief of Police sa Tantangan, isinagawa nila ang pag raid sa bahay ni Macaraeg sa Purok Pagasa,Bukay Pait Tantangan matapos makakuha ng searh warrant sa korte.
Inihahanda na ng pulisiya ang pagsasampa ng mga kasong paglabag sa comprehensive dangerous drugs act at illegal possession of fire arms sa tatlong mga naarestong drug suspek. Local...Pinatay na inagawan pa ng motorsiklo.
Ito ang kalunos lunos lunos na sinapit ng isang babae sa Polomolok, South Cotabato matapos mabiktima ng riding tandem na mga suspek.
Kinilala ng Polomolok PNP ang biktima na si Sharon Calamba, may asawa at residente ng Jamela Subdivision, Polomolok.
Lumabas sa pagsisiyasat ng mga pulis na si Calamba ay binaril ng mga suspek habang nagmamaneho ng kanyang Honda XRM motorcycle sa kanilang lugar, dakong alas dos ng hapon kahapon.
Ang biktimang misis ay dead on the spot dahil sa tama ng di pa matukoy na armas sa kanyang ulo.
Ang motorsiklo nito ay tinangay ng mga suspek.
Samantala nagsumbong sa pulisiya ang trenta anyos na si Benny de Los Reyes matapos mahold-up sa Purok 3, Barangay Glamang, Polomolok.
Si Delos Reyes ay sales personnel ng Hari Royal Business and Marketiing Corporation.
Sa salaysay nito sa mga pulis inihayag ni delos Reyes na hbang siya ay nangongolekta sa isang tindahan sa lugar hintuan siya ng tatlong mga naka-bonnet na suspek na nakasakay sa dalawang XRM motorcyles na walang license plate.
Ayon sa biktima dalawa sa mga suspek ang bumaba ng motorsiklo at tumutok sa kanya ng 38 revolver bago nagdeklara ng hold up.
Wala nang nagawa pa si Delos Reyes ng sapilitang kunin sa kanya ng mga suspek ang bag na naglalaman ng mahigit dalawampung libong collection nito, wallet at dalawang mga cellular phones.
Nagpapatuloy pa ang imbistigasyon ng Polomolok PNP sa naturang mga insidente. Tinupok ng apoy ang tindahan ng mga sasakyan sa Surallah, South Cotabato.
Ayon sa Surallah, PNP nagsimula ang sunog sa Motor Star Company sa Allah Valley Drive, Zone 6 Surallah dakong alas otso kagabi.
Nagdeklara ng fire out ang mga bombero pagkatapos ng isang oras.
Abot naman sa mahigit dalawang daang libong pisong mga ari arian ang tinupok ng apoy sa nasunog na establisemento.
Lumabas sa inisyal na imbisitigasyon ng mga otoridad na nagsimula ang sunog nang bumalik ang supply ng kuryente matapos magka-brown out sa lugar.
Gayunpaman nagpapatuloy pa ang imbistigasyon ng Bureau of Fire Protection o BFP Surallah para matukoy ang sanhi ng sunog. Local...Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 10591 o illegal possession of firearms ang tatlo katao matapos mahulihan ng di lisensyadong baril sa inilatag na highway check ng Joint Task Force Kabacan sa Brgy. Kayaga, Kabacan, North Cotabato Kinilala ni PSI Ronnie Cordero Hepe ng Kabacan PNP ang mga suspek na sila Tong Calim Pananggilan, 40 anyos at si Bagonaed Calim Pananggilan 44 anyos, tricycle driver, parehong taga Sitio Lumayong, Brgy. Kayaga, Kabacan.Ayon kay Cordero, nakuha mula kay Tong Calim ang kalibre 9mm pistol habang narekober naman kay Bagonaed ang isang bala ng kalibre .45, isang hammer at tatlong pinaniniwalaang parte ng baril.Samantala, huli din ang isang Esmael Pinde Buat, 25-anyos, magsasaka at residente ng Bergy. Langugan, Carmen, North Cotabato.Naaresto ang suspek sa checkpoint ng PNP Compac sa Corner ng Sunset at Abellera St., Poblacion, Kabacan.Nakuha mula sa suspek ang isang kalibre .45 na pistol, magazine at mga bala.Kasong paglabag sa RA 10591 din kakaharapin ng suspek.
Sa kabilang dako, huli rin sina Rhosman Dataya Pedtamanan, 28 anyos, residente ng Purok Nasay, Brgy. Kilagasan at si Samrudin Abas, 27 anyos, residente ng Poblacion, Carmen matapos makuhanan ng ilegal na droga sa Tandang Sora Street, Purok Krislam, Poblacion, Kabacan.Nahuli ang mga suspek habang nagsasagawa ng pagpapatrolya ang Task Force Kabacan nang mapansin ang kaduda duda nitong mga kilos.Dito na nakuha mula sa suspek ang ilang drug paraphernalia’s pati na isang sachet ng pinaniniwalaang shabu.Nakakulong na ngayon ang mga suspek sa Kabacan PNP lock-up cell at inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 9165 o ‘comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002’. Local....Patay ang isang dating miembro ng Barangay Peace Keeping Action Team o BPAT ng brgy. Sibsib Tulunan matapos makipagbarilan sa isang on duty na BPAT member gabi noong linggo.Kinilala ni Police Sr. Ins. Rolando Dillera, hepe ng Tulunan PNP ang biktima na si Alyas Toto Amancio habang kinilala naman ang suspek na si Rodolfo Gikain.Ayon sa report, may sinita umanong isang lalaki si Amancio malapit naman sa outpost kung saan naroroon si Gikain.Agad naman itong nilapitan ni Gikain hanggang sila na ang nagkainitan ni Amancio kung saan unang pinaputukan ni Amancio si Gikain na tinamaan naman sa kanyang kaliwang hita.Nang gumanti naman ng putok ang suspek ay dito na napuruhan ang biktima at binawian ng buhay na tinamaan sa kanyang tiyan gamit ang kalibre 45 na baril.Sa inisyal na imbestigasyon at mga impormasyong natatanggap ng mga otoridad problema sa trabaho o may dati nang personal na alitan ang suspek at biktima na tinututukan naman ng PNP na posibleng motibo sa krimen.Sa ngayon ay nakakulong si Gikain sa Tulunan PNP lock up Cell habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya. Local...Dead on the spot ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng di pa kilalang suspek sa Poblacion, Kabacan North Cotabato pasado alas kwatro ng hapon kahapon. Kinilala ang biktima na si Jun Moreno na taga USM Plang Vilage 2, Poblacion Kabacan. Ayon sa report, papauwi na ang biktima sa kanilang pamamahay at pagdating nito sa harap ng USM annex Elementary School ay dito na siya pinagbabaril ng suspek. Nagtamo ng tama ng bala sa kanyang katawan ang biktima mula sa di pa matukoy na uri ng baril. Patuloy pa ngayong iniimbestigahan ng PNP ang nabanggit na insidente.Samantala, sinampahan na ng kasong Carnaping with Homicide ang isang Kumban Butuan na itinurong suspek sa pamamaril at pag-aagaw ng motrsiklo sa negosyanteng si Kadot Angles sa Brgy Kayaga, Kabacan.
Nahuli si Butuan sa inilunsad na pursuit operation ng pulisya ilang oras matapos ang krimen.Ayon sa PNP, konektado sa isang malaking grupo ang suspek na responsible sa iba’t-ibang krimen sa kabacan, na patuloy namang kinokomperma ng mga otoridad.

BARMM lady solon unveils facility dedicated to women, cooperatives in DAS

DATU ABDULLAH SANGKI, Maguindanao del Sur — The Bangsamoro government unveils a new building primarily dedicated to the welfare of the Bangsamoro...

Ginang sa Makilala, patay matapos kumain ng palaka; rape suspect sa SNA, patay nang manlaban sa PNP

MAKILALA, North Cotabato - Wala pang isang oras, binawian na ng buhay ang isang ginang na pinaniniwalaang nalason sa kinaing palaka sa Barangay...

Surprise drug test ginawa sa mga opisyal ng PRO-BAR, resulta wala pa

PINANGUNAHAN NI BARMM police regional director Brig. Gen. Allan Nobleza ang unannounced drug test sa 129 na mga police officials at police personnel...

RTWPB 12 okays new wager order for Region 12 workers

KORONADAL CITY  – The Department of Labor (DOLE) in the Soccsksargen region, through the Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB...

Stakeholders glad with passage of BARMM government code

COTABATO CITY - Stakeholders were elated to have a regional governance code for the Bangsamoro region after a long wait. Regional lawmakers...