Tuesday Apr, 23 2024 04:34:51 PM

NDBC BIDA BALITA NOV. 26, 2015

 • 03:04 AM Fri Nov 27, 2015
1,643
By: 
NDBC News and Current Affairs

NEWSCAST

NOVEMBER 26, 2015
(THURSDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. SUMABOG SA bakod ng CMO battalion
headqurters, inaalam pa rin ng EOD team.

2. FIRECRACKER ban sa Kidapawan City,
hanggang December 23 na lang.

3. LOKAL NA PAMAHALAAN ng Koronadal city,
nagtalaga ng lugar kung saan maaring salubungin ang bagong taon.

4. Lahat ng LGU sa SOCCSKSARGEN region, pasado sa DILG good houskeeping program

Local………………..

HINDI PA MATIYAK ngayon ng Explosive
Ordnance and Disposal o EOD team kung anong uri ng pampasabog ang ginamit sa
bakod ng Civil Military Operations o CMO Battalion na nasa Quezon avenue
extension, Rosary Heights 2, Cotabato city pasado alas sais kagabi.

Wala namang naiulat na tinamaan sa
nasabing pagsabog pero naalerto ang pulisya militar dahil sa pangyayari.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng
pulisya, dalawang lalaking nakasakay sa motorsiklo at isang kulay puting kotse
ang nakitang dumaan sa blast site bago narinig ang pagsabog.

Patuloy namang nakaalerto ngayon ang
pulisya at militar sa Cotabato city ngayong sunod-sunod na ang mga insidente ng
pagsabog sa lungsod.

Local …………………

KILALA NA NG
Midsayap PNP ang bumaril sa magsasaka dakong alas sais nang gabi kamakalawa sa
Barangay Villarica, Midsayap, North Cotabato.

Ayon kay
Midsayap Chief of Police Supt. Gilbert Tuzon, isolated case ang pangyayari at
may kinalaman sa ilegal na droga.

Aniya,
mismong ang kausap ng biktimang si Amir Adam Ibos, 31 anyos, ang nakakilala sa
suspek.

Una nang
lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng Midsayap PNP na nakatayo lamang si Ibos
sa crossing Villarica at kinakausap ang kanyang kaibigan nang pinarahan ng mga
nakamotorsiklong suspek at nilapitan, saka pinagbabaril gamit ang kalibre 45 na
pistola.

Tinamaan si
Ibos sa dibdib kanang kamay habang agad namang tumakas ang mga suspek sakay ng
kanilang motorsiklo papunta sa direksyon ng Libungan, North Cotabato.

Sa ngayon ay
tinutugis na ng Midsayap PNP ang bumaril sa biktima.

Local…………………….

ISANG
menor de edad ang nahuli ng mga nagpapatrolyang pulis pasado alas otso kagabi
sa Texing, Poblacion 6 ng lungsod.

Ito ay
matapos makunan ang 16 anyos na binatilyo ng sampung sachet ng pinaniniwalaang
shabu.

Sa
ngayon ay nakatakdang iturn-over ng pulisya ang binatilyo sa Office of Social
Welfare and Development. Local...Nilinaw ni Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista na hindi niya inihinto kundi pag reregulate lamang ang pagbibigay ng financial assistance o ang grants and aids ng mga konsehal sa mga taga Kidapawan na nagsosolicit ngayon sa Welfare Desk na siyang in-charge dito.Sinabi ni Evangelista, na nagsisimula na kasi ang pagdagsa ng mga humihingi ng solicitation na hindi naman importante at hindi emergency.May iba kasi na humihingi ng pinansyal na tulong kahit panliligo lamang ng dagat, tuition fee at iba pa.Napansin ng alkalde na mas dumami pa ito matapos ang filing ng kanilang certificate of candidacy.Ayon kay Evangelista, naipaliwanag niya na rin ito sa mga barangay officials pero ilan pa rin sa kanila ay hindi pa alam ang nabanggit na bagong sistema.Idinagdag pa ng opisyal na kelangan munang magbigay ng magpapatunay na dokumento ang sinumang hihingi ng tulong sa City Governemnt kasama ang kanilang barangay official.Iniiwasan lamang ni Evangelista na magiging modus na ito ng iba.Tinututukan rin ngayon ng Welfare desk ang mga humihingi ng tulong na hindi taga Kidapawan City.Samantala, ipinahayag rin ni Evangelista ang ONE fund Policy na kanilang ipinatutupad ngayon sa kada barangay na nagdiriwang ng kanilang kapyestahan kung saan hanggang 10 thousand pesos lamang ang inilaang pondo para rito kabilang na ang mula sa mga konsehal, mayor at vice mayor para sa kanilang mga gagawing aktibidad. Local...Mariing kinondena ng Manilakbayan 2015 ang plano ngayon ng National Commission on Indigenous Peoples o NCIP na babaguhin ang terminong lumad bilang paglalarawn sa isang miembro o grupo ng indigenous peoples o IP sa Mindanao.Sa isinagawang pagtitipon ng mga Lumad leaders at NCIP officials sa Tagum City,Davao del Norte kamakailan, para sa kanila ang salitang LUMAD ay pagpapababa umano sa kanilang tribu.Sinabi ni Bai norma Rivera isa sa mga B'laan-Tagabawa leader ng Davao del sur,ang terminong lumad ay hindi na umano nag rerepresenta sa mahigit 18 tribung katutubo sa mindanao.Pero para naman kay Kerlan Fanagel, isa sa mga organizer ng Manilakbayan 2015, nararapat paring gamitin ang salitang lumad dahil meron umano itong ‘political bearing’.Ibig sabihin, kaakibat sa nabanggit na termino ay ang pagkilala sa kanilang mga karapatan na mamuno, karapatan sa sariling pagpapasya at karapatan sa lupain ng kanilang mga ninuno.Samantala sa paglilibot naman ng Radyo Bida kaugnay sa nabanggit na usapin narito naman ang ilang pahayag at reaksyon ng mga taga Kidapawan City. Local...Sa layuning mas mapalakas pa ang programa ng Children in Conflict of the Law o CICL, naglaan ngayon ng abot sa 800 thousand pesos na pondo ang Makilala LGU para sa pagpapatayo ng isang Drop in Center.Sinabi ni Municipal Social Welfare and Development Officer Lina Cañedo, nais nilang matutukan ang mga kabataang nasasangkot sa mga iba't ibang kaso o krimen sa bayan.Tatawagin naman itong Gaputanan Center mula sa terminong Manobo na ang ibig sabihin ay Refuge o takbuhan ng mga kabataan.Ang drop in Center ang magiging custodial home ng mga CICL kung saan isasailalim sila sa mga de briefing lalo na yaong mga may edad 15 taong gulang pababa base na rin sa Juvinile WElfare Act.Ngayong taon ayon pa kay Canedo nasa 20 mga kaso na ng CICL ang naitatala ng kanilang tanggapan kung saan karamihan dito ay kasong pagnanakaw.Umapela lamang si Canedo sa mga magulang na bantayan ng maigi ang kanilang mga anak at bigyan ng sapat na atensyon para makaiwas sila na maging sangkot sa mga ilegal na aktibidad. Local...Gumawa ng kasaysayan sa buong bansa ang SOCCSKARGEN Region.
Ito ay matapos makapasa sa good financial housekeeping ang lahat ng mga local government unis o LGUs nito.
Ayon kay Josephine Leysa, ang Assistant Regional Director ng Department of Interior and Local Government o DILG 12, tanging SOCCKSARGEN lamang ang nakagawa nito sa buong bansa.
Dinagdag din ni Leysa na ang rehiyon dose ay pumapangalawa sa pagpapatupad ng mga programang pinondohan ng local na pamahalaan.
Ito ayon kay Leysa ay tinututukan ng DILG dahil kadalasan naantala ang mga locally funded projects.
Ayon kay Leysa ang Good Financial Housekeeping ay component program ng Seal of Good governance ng DILG.
Saklaw nito ang pagtiyak sa tamang paggamit ng pondo ng pamahalaan.
Matatandaan na walong mga LGU sa SOCCSKSARGEN Region ay tumanggap ng Seal of Good Local Governance o SGLG noong Agosto.,
Kabilang sa mga ito ang mga bayan ng Magpet, Tulunan at Mlang sa North Cotabato Kiamba sa Sarangani Sto Nino sa South Cotabato at Bagumbayan at Columbio sa Sultan Kudarat. local...Babaguhin ng ng Provincial Mining and Regulatory Board o PMRB South Cotabato at Enviroment and Management Bureau o MGB 12 ang ilang mga panuntunan sa renewal ng Smal Scale Mining o SSM Contracts at permit sa lalawigan.
Ayon kay EMB 12 Regional Director Constancio Paye Jr, na siya ring PMRB Chair, ang mga SSM non metallic mineral operators ay kailangang magbayad ng sampung libo para sa renewal ng kanilang permit.
Sisingilin naman ng dalawampung libong ang mga nagmimina ng ginto, silver at chromite na nais mag-renew ng kanilang SSM operation permit.
Dinagdag din ni Paye na ang mga accredited SSM Association ay magbabayad sa EMB 12 Office habang ang mga individual SSM operators naman ay sa PMRB South Cotabato.
Nabatid na ang MGB ay mayroong labintatlong mandatory requirements para sa mga SSM Association habang walo naman ang PMRB.
Kabilang sa mga ito ang verified na sulat ng renewal sa PMPRB.
Ang mga pagbabago sa panuntunan ng pagkuha ng SSM permit ayon kay Paye ay bilang pagpapatupad na rin ng People’s Small Scale Mining Act of 1991 sa susunod na taon. Local...Maaring salubungin ng mga mamamayan sa Koronadal ang 2016 sa rotunda area o mas kilala sa tawag na rounball .
Ayon kay City Mayor Peter Miguel, ang lugar ay itinalaga para maging venue ng pagdiriwang.
Layon nito ayon sa alkalde na magkakaroon ng iisang lugar lamang kung saan maaring magpaputok ng mga firercaker at pyrotechnic devices ang publiko sa pagdiriwang.
Inihayag ni Miguel na maaring makisaya sa pagdiriwang sa rotunda area hindi lamang ang mga residente sa poblacion kungdi maging sa mga barangay.
Umaasa naman ang alkalde na sa pamamagitan ng pagkakaroon lamang ng isang lugar sa selebrasyon ay mababawasan ang mga fire cracker related injury sa Koronadal City sa pagsalubong ng bagong taon.
Kaugnay nito sinimulan na rin ng local na pamahalaan ng Koronadal ang kanilang kampanya kontra paputok katuwang ang pulisya.
Ito ay bilang paghahanda na rin sa holiday season.
Ayon sa PNP kabilang sa mga paputok na mariing ipinagbabawal dahil sa panganib na dala ng mga ito ang Piccolo, Super Lolo, Atomic Big Triangulo, Mother Rockets, Lolo Thunder, Pillbox, Boga, big Judah’s belt, Big Bawang, Kwiton, Goodbye Philippines, Kabasi, Watusi o dancing firecracker.
Habang pinahihintulutan naman ang pagpaputok ng Baby Rocket, Bawang, Small Triangulo, Pulling of Strings, Paper Caps,Roman Candle, Luces, Sparkles, Fountain Trompillo, Whislte Bomb at Butterfly.
Gayunpaman,nauna nang umapela ang Provincial Health office ng South Cotabato sa mga magulang na para matiyak ang kaligtasan ng kanilang mga anak, huwag hayaan ang mga ito na humawak ng anumang pyrotechnic devices.
Ayon kay Dr. Rogelio Aturdido Jr, ang provincial health officer ng South Cotabato, karamihan kasi sa mga nabiktima ng mga paputok sa lalawigan ang mga bata na nagkakaedad ng sampung taong gulang pababa.
Ang South Cotabato rin ang mayroong pinakamaraming nabiktima ng paputok sa rehiyon dose noong nakaraang taon.
Local...Manghuli ng mga malalaking ISDA
Ito ang hamon ni South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes sa Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.
Ayon kay Fuentes kadalasan kasing nahuhuli ng PDEA ang mga maliliit na drug pusher at user na tinututukan naman ng pulisiya.
Ito ang ipinahayag ni Fuentes matapos maaresto ng PDEA at PNP ang isang barangay Chairman sa Sto. Nino, South Cotabato.
Matatandaan na si Barangay Upper Sepaka, Surallah Chairman Datu Pudi Ambalgan kasama ang anak nito at bayaw ay naaresto sa anti illegal drug operation ng mga pulis sa barangay Ambalgan, Sto. Nino, noong byernes.
Iginiit ni Fuentes na bahala na ang naarestong barangay chairman na resolbahin ang pinasok nitong problema.
Local...Magiging kinatawan ng South Cotabato bilang best Sangguniang para sa first hanggang third class municipality sa rehiyon dose ang bayan ng Tupi.
Ayon kay Lailyn Ortiz ang provincial director ng Department of Interior and Local Government o DILG, South Cotabato, kikilalanin sa parangal ang buong konseho at hindi ang indibidwal na mga myembro nito.
Inihayag ni Ortiz na ang pagbibigay ng Most Outstanding Sangguniang bayan ay ibinabatay naman sa pagsusuri ng DILG sa maparaan sa pamamahala at internal operations ng konseho.
Iginiit naman ni Ortiz na maliban sa kanilang regular na mandato, lahat ng mga konseho sa South Cotabato ay may kani kanilang makabagong ideya.
Sa katunayan ayon kay Ortiz, sa kabila ng kakulangan sa pondo, nakapag-computerized pa rin ang mga ito at ipinadala sa training ang kanilang mga staff para mapabuti ang kanilang serbisyo.
Gayunpaman ayon ka Ortiz ilan sa mga konseho na ito ay hindi naabot ang kanilang efficiency level na siya namang naging lamang ng Tupi Municipal Council.
Ang pagpaparangal sa Most Outstanding Sangguniang sa regional level ayon kay Ortiz ay gagawin sa susunod na taon.

Cotelco announces power interruption sked in Kidapawan

TO OUR VALUED MEMBER-CONSUMER-OWNERS (MCO): This is to inform you that we will have a SCHEDULED power interruption on the following scheduled date...

Cotabato Light announces power service interruption for April 25

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company has announced a scheduled power interruption for April 25, Thursday affecting Bubong, Kalanganan...

NDBC BIDA BALITA (April 23, 2024)

HEADLINES 1   BIFF leader Kagi Karialan at 11 mga tauhan, patay sa Army offensive sa Maguindanao del Sur; sabi ng BIFF laban nila di pa...

Cops seize P2.7-M worth shabu in Maguindanao Norte buy-bust

COTABATO CITY - Policemen seized P2.7 million worth of shabu from a peddler entrapped in Barangay Limbo in Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte...

Kagi Karialan, 11 BIFF patay sa encounter sa Datu Saudi Ampatuan; Army may mga sugatan din

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – Nasawi ang pinakamataas na lider ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters – Karialan Faction kasama ang 11...