Tuesday Sep, 26 2023 11:31:19 AM

NDBC BIDA BALITA Nov. 7, 2015

 • 15:57 PM Sat Nov 7, 2015
1,637
By: 
NDBC NEWS AND CURRENT AFFAIRS

NEWSCAST

NOVEMBER 07, 2015
(SATURDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. NDBCBIDA SPECIALS, nagwagi sa 37th Catholic Mass Media Awards 20152. Isa patay, 14sugatan sa road accident sa Banga, South Cotabato3. Isa patay labin abat sugatan sa road
accident sa Banga, South Cotabato

Local... SA HIGIT 800 entries mula sa iba’t ibang mga entity sa buong Pilipinas, napagwagian ng BIDA SPECIALS ng Notre Dame Broadcasting Corporation ang isa sa pinaka-prestihiyosong award mula sa Catholic Mass Media Awards.
Ang BIDA SPECIALS ang napili bilang BEST BUSINESS FEATURE/NEWS sa radio category sa nakaraang 37th Catholic Mass Media Awards.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakapasok ang BIDA SPECIALS sa CMMA – isa sa mga pinagpipitagang award-giving body sa buong Pilipinas.
Naganap ang CMMA awarding nito’ng November 6 sa Metro Manila.Ang entry ng BIDA SPECIALS na nagwagi ng award bilang, Best Business Feature/News,” ay ang episode nito patungkol sa Liguasan Marsh at ang water-hyacinth business ng kababaihang Moro sa General Salipada K Pendatun, Maguindanao.Ang producer, host, at scriptwriter ng BIDA SPECIALS ay si Malu Cadelina Manar, program director ng NDBC-Kidapawan, na nagwagi na rin ng mga awards mula sa iba’t ibang award-giving body, tulad ng Golden Dove Awards Cultural Center of the Philippines for Broadcast Arts Gawad Agong Awards ng Indigenous Voices of Asia Lakbay Kalusugan Awards ng Department of Health International Committee of the Red Cross at Bright Leaf Awards.
Finalist din si Manar at ang BIDA SPECIALS bilang BEST REPORTER for RADIO mula sa Globe Media Excellence Awards. Sa Nov 17 ang awards night.
Ang BIDA SPECIALS ay isa sa mga special programs ng NDBC na maririnig tuwing Sabado sa tatlong mga himpilan nito ng Radyo Bidasa Koronadal City, Cotabato City, at sa Kidapawan City. Local... Nasawi ang isa katao habang sugatan naman ang 14 na iba pa sa karambola ng tatlong mga sasakyan sa Crossing Cabudian, Banga, South Cotabato kahapon ng umaga. Ang road accident ay kinasangkutan ng isang dumptruck, topdown motorcycle at pick up truck. Kinilala ang nasawi na si Jomar Padre, alyas Yogyog na umano ay isa sa mga sakay ng naaksidenteng dump truck na may license plate MWS 184 na minamaneho ni Alfie Tabion, residente ng Barangay Concepcion, Koronadal City. Kabilang sa mga sugatan sa insidente sina Rey Esprillo disi sais anyos ng bayan ng Tampakan, Vilma Padre,16Denmark Jurin, 20Joffrey Manila at Pedro Asuncion na mga sakay ng dump truck. Sugatan din ang sakay ng Toyota Hilux Pick up na may license plate EMB 732 na sina Christina Galdola, Ai Ai Emboltorio, Helen Feleciano, ng Lambingi, Surallah at Lailani Pangan, Raysel Pangan, at Roberto Pangan pawang mga residente ng Agusan del Sur. Sugatan din ang driver ng topdown motorcycle. Sa panayam ng DXOM Radyo Bida Koronadal sa driver ng dump truck na si Tabion,sinabi nito na nawalan umano siya ng control sa pagmamaneho ng matanggal ang ball joint na komokontrol sa dalawang gulong ng truck dahilan para mabangga ang dalawang mga sasakyan. Dahil sa lakas ng pagkakabangga nito, nagkahiwalay ang ulo at katawan ng dump truck at parang niyuping lata naman ang bumper ng pick up. Nagkalat naman sa highway ang papaya na kargamento ng topdown tricuycle.Ang insidente ay patuloy pang iniimbistigahan ng Banga PNP. Local………………..

DEAD ON THE SPOT ang suspek sa
nangyaring pamamaril sa trisikad driver na si Watari Sinsao Sapal matapos ang
isinagawang joint operation ng Police station number 1, Cotabato Public Safety
Company, SWAT, RPSB at CIDG-ARMM mag-aalas siyete kahapon nang umaga sa Buliao
uno, Mother Barangay Poblacion, Cotabato city.

Kinilala ang suspek na si Adnan Paches
Wahab alyas Tantungan o Mujahid Wahab, 19 anyos, isa ring trisikad driver,
residente ng Purok Rajamuda sa nasabi ring barangay.

Ayon sa report ng pulisya, nagsasagawa
ng persuit operation ang pinagsanib na tropa ng mga otoridad sa Buliao uno
laban kay Wahab kung saan ay napaulat na ito ay nagtatago.

Nacorner umano ng mga otoridad si Wahab
at pinayuhang sumuko na lamang pero inilabas pa nito ang kanyang .38 revolver
at granada.

Ito naman ang naging dahilan para
mag-open fire ang tropa kung saan ay tinamaan si Wahab sa kanyang ulo dahilan
ng agaran nitong pagkasawi.

Ang operasyon ay pinangunahan mismo ng
kauupong si Cotabato city Police Office Director Sr. Supt. Raul Supiter.

Una rito, nag-aantay lamang ng pasahero
si Sapal sa labas ng supermarket entrance pasado alas singko nang hapon
kamakalawa nang pagbabarilin nang maraming beses ng suspek mula sa likuran
nito.

Bumulagta si Sapal habang mabilis
namang nakatakas ang suspek.

Local …………………

BUMUO ng
isang conflict resolution committee ang bagong talagang OIC ng Cotabato City
PNP na si Sr. Supt Raul Supiter kaugnay sa mga insidente ng pamamaril at
pagpatay na iniuugnay naman sa clan war o rido sa lungsod.

Sinabi ni
Supiter na ang nasabing committee ay siyang tututok sa mga insidente ng clan
war at umaasa na sa nasabing hakbang ay tuluyan nang matutuldukan o di man kaya
ay mawakasan na ito.

Sa naturang
committee, magiging miyembro rito ang PNP, Militar, LGU at maging ang Religious
sector na inaasahang makakatulong ng malaki sa pagresolba ng nasabing problema.

Kung
matatandaan, ilang mga insidente na rin ang naitala sa lungsod na kung saan ang
lumalabas sa imbestigasyon ng mga otoridad ay rido ang pinag-uugatan ng mga
ito.

Nitong buwan
lang nang umupo si Supiter bilang kapalit ni Sr. Supt. Rex Anongos bilang OIC
CCPO Director ng Cotabato City.

Local……………….

MAGSASAGAWA
ng iba't ibang mga aktibidad para sa mga kabataan sa Cotabato City ang City
social welfare and development, national youth Commission at Council for the
welfare of children.

Ito ay
kasabay ng pagdiriwang ng National Children's month ngayong Nobyembre.

Anumang
araw mula ngayon ay sisimulan na ang nakalinyang mga aktibidad sa mga
eskwelahan at mga barangay sa lungsod.

Nabatid
na sa halip na tuwing Oktubre ipinagdiriwang ang naturang okasyon, binago ito
ni P. Aquino sa pamamagitan ng Republic Act no. 10661 kung saan ang National
children's month sa Pilipinas ay idaraos na tuwing Nobyembre.

Ito ay
bilang pagbibigay pugay na rin sa United nations General Assembly o UNGA sa
kanilang convention on the rights of the Child noong November 20, 1989 at
bigyang diin ang kahalagahan nito sa bawat Pinoy.

Otorisado
naman ang nabangit na mga ahensya na humingi ng tulong mula sa iba't ibang
departamento, bureau, opisina at iba pa para maging mas matagumpay ang implementasyon
ng mga aktibidad sa ilalim ng RA 10661.

Local…………………..

BUKAS
NA gaganapin ang kauna unahang Bike for Peace sa Maguindanao, o ang Governor
Toto Mangudadatu Circuit Mountain Bike Challenge kaugnay ng 42nd
Foundation Anniversary ng probinsya.

Sinabi
ni Maguindanao provincial budget officer Lynette Estandarte, siya special
programs chief ng lalawigan, na pambungad na aktibidad ito para sa dalawang
linggong selebrasyon hanggang November 22.

Ayon
kay Estandarte, ang patimpalak ay lalahukan ng mga bikers mula sa Maguindanao,
North Cotabato, South Cotabato, Sultan Kudarat at iba pang mga karatig
lalawigan.

Nabatid na
lalahok sa naturang aktibidad ang mismong Maguindanao
Governor, kasama sina Cotabato Auxiliary Bishop Jose Colin Bagaforo, at Army’s 6th
ID Commanding General Major General Edmundo Pangilinan.

Samantala,
sa susunod na linggo ay magsisimula na rin ang sports competition ng lahat ng
mga kawani mula sa iba’t ibang departamento ng Maguindanao provincial
government.

Mayroon
ding fun run at zumba sa November 17 na gagawin sa Buluan, para maisulong ang
kalusugan at mabuting pangangatawan sa mga opisyal at empleyado ng lalawigan.

Sa
darating na November 20 ay ang Grand Finals naman ng Kategalan sa Maguindanao o
patimpalak para sa iba’t ibang talento ng mga Maguindanaon.

Ayon
kay Estandarte, maglilibot ang Kategelan team sa iba’t ibang mga bayan para sa
gagawing talent audition and semi finals.

Samantala,
bibigyan naman ng pagkilala ang mga provincial employee ganundin ang mga
partner agency ng provincial government sa araw ng parangal sa darating na
November 21.

Tuloy-tuloy
din ang salo-salo sa en grandeng selebrasyon hanggang sa mismong anniversary
day sa November 22.

Kaugnay
nito ay inaanyayahan naman ni Maguindanao Governor Toto Mangudadatu ang lahat
na makiisa at makisaya sa pagdiriwang ng 42nd founding anniversary
ng probinsya na may temang Celebrating Successand An inspiration in pursuing
inclusive growth.” Local...Nakakulong ngayon ang isang pasyente sa Kidapawan City PNP matapos makuhanan ng di lisensyadong baril nang parahin ito ang sinasakyang van sa Kidapawan City pasado alas syete ng umaga kahapon.Sinabi ni Supt John Meridel Calinga, hepe ng Kidpaawan PNP sa DXND RADYO BIDA, pinara nila ang isang Toyota HiAce Van na may license plate na YT5225 matapos matanggap ang isang tawag na umano sangkot ang nasabing sasakyan sa isang nangyaring kidnapping sa brgy. Amas Kidapawan City.Sakay sa naturang van ang isang 78-year old na lalaki na umano pasyente na kinilalang si Patrocino Ramos Bolaryo at driver na si Senior Jail Officer ng BJMP na si Jesie Bolaryo kasama rin sina Omar Sharif Tula, Rastula Malundong Talib, Yaser Sulaiman Manalundongat Wanting Tino Tupindig.Pero nang ma flag down na ng PNP ang naturang private vehicle boluntaryong ibinigay ni Patrocino ang pagmamay-aring caliber .380 pistol at magazine na may tatlong bala na wala namang dokumento maipakita.Paliwanag naman ng anak na si Jessie ay dadalhin lang sina nila sa Davao City ang kaniyang ama dahil sa secheduled check up nito dahil sa mentall illness.Hindi rin nila kinidnap ang ama taliwas naman sa report na natanggap ng PNP mula rin sa kaanak nito na taga Amas na umano pwersahang sinakay si Patrocino sa sasakyan.Imbes na sa Hospital ay kulungan ang binagsakan ng paseyente na nakatakda namang samapahan ng kasong paglabag sa RA10591 o illegal pssesion of firearms.Problema rin sa pamilya ang sinasabing dahilan ng insidente. Local..Ikinaalarma ngayon ng mga opisyal at mamamayan ng brgy. White Kulaman ng Kita-tao Bukidnon ang umano banta sa kanila ng grupong New People's Army o NPA na lulusubin ang kanilang barangay anumang araw mula ngayon.Ito ang ibinunyag ni White Kulaman Chairperson Filepe Cabugnason sa DXND RADYO BIDA.Ito base ay naman sa testimonya ng tatlo katao na umano hinold ng NPA at pinakawalan din noong huwebes sa Sitio Bayugan, Brgy Kitubo na kinilalang sina Samuel Paradero, isang IP Leader anak nitong si Beltran Billy” Paradero at estudyanteng si Jovani Rebacca.Ayon kay Cabugnason, sinabihan raw ang tatlong mga biktima na umalis na sa kanilang lugar para di na madamay pa sa gagawing pang-aatake nila.Hinarang raw ng NPA ang pag-akyat ng mga produkto at pagkain ng mga residnete para wala nang mabili ang mga sundalong nananatili sa lugar at para tuluyan na itong umalis.Tinukoy pa ng mga biktima ang NPA leaders na sina Commander Jayco, Yudi, at joseph na umano hindi bababa sa isang daan ang kasamahan nito.Sinabi ni Cabugnason, na di nila ipagpalit ang hanay ng militar at hindi nila ititigil ang ang pakikipaglaban sa rebeldeng NPA.Sa kabila ng pangyayari sa kaniyang barangay malaki ang paniniwala ni Cabugnason na babalik rin sa normal ang sitwasyon ng brgy. White Kulaman sa pamamagitan naman ng pagbibigay ng respeto sa karapatang pantao. local...Mas palalakasin pa ng Kidapawan City Government ang kanilang suporta sa larangan ng basic education sa mga pampublikong paaralan sa Kidapawan.Ito ay sa pamamagitan naman ng isinusulong ngayon ni City Councilor Jivy Roe Bombeo na proposed Ordinace na may pamagat na Quality Universal Education Empowerment Program for the City of Kidapawan para sa lahat ng mga mag-aaral sa lungsod.Ayon kay Bombeo laman ng naturang ordinansa na gagawin ng permanent ang tinatanggap na educational subsidy ng mga mag-aaral sa Kipawan City.Ito ay kaugnay rin sa nagpapatuloy na programa ni City Mayor Joseph Evangelista na subsidiya na planong gagawing 300 pesos na sa susunod na school year.Kabilang rin dito ang panukala na tatangalin na ang PTA dues sa mga paaralan at iba nilang mga babayarin.Para matiyak rin na maipagpatuloy ng isang estudayante ang kaniyang pag-aaral gagawa silang ng kontrata at bubuo rin sila ng magmomonitor nito.Kabilang na rito ang City LGU, Committee on Education, at DepEd Kidapawan.Idinagdag rin ni Bombeo na magpapatuloy ang feeding Program ng lGU sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Evangelista.Kung papasa ang nabanggit na panukala hindi naman bababa sa sampung milyong piso ang kanilang ilalaan na pondo para rito para sa susunod na chool year 2016-2017. Local...Patay ang isang Construction Worker matapos pagbabarilin ng di pa kilalang suspek sa brgy. Singao Kidapawan City, alas dos ng madaling araw kanina.Kinilala ng City PNP ang biktima na si George Mabini Ayco, 28- anyos may asawa na taga purok rambutan brgy. Singao Kidpawan.Ayon sa report habang natutulog ang biktima sa loob ng kanilang bahay ay pinasok ito ng suspek at pinagbabaril.Dead on the spot ang biktima na nagtamo naman ng tama ng bala sa ulo gamit ang di pa matukoy na uri ng baril.Mabilis namang tumakas ang suspek matapos ang krimen.Blanko pa sa ngayon ang PNP sa motibo sa krimen habang patuloy nilang iniimbestigahan ang panibagong kaso ng pamamaril sa lungsod. Local...Makikinabang sa mahigit 1.9 million pesos na proyektonog kabuhayan ng Department of Labor and Employment o DOLE 12 ang mga mamamayan sa Tacurong City, Sultan Kudarat.
Ang tseke ayon ay DOLE 12 Regional Director Ofelia Domingo ay pormal na tinanggap mismo ni Tacurong Mayor Lina Montilla at City Accountant Elma Bides kamakalawa.
Ang pondo ay mula sa Bottom Up Budgeting o BUB at ipatutupad sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood and Emergency Employment Program o DILEEP.
Ito ay matapos lumagda sa kasunduan ang lokal na pamahalaan at DOLE hinggil sa pagbibigay ng livelihood assistance sa 140 na mga informal settlers ng Tacurong City.
Ang mga kabuhayan starter kits at nego kart ay ibibigay sa mga persons with disability o PWD, mga dating Overseas Filipino Workers, electricians at dressmakers.
Ang mga ito ay pawang mga nagtapos sa skills training ng lokal na pamahalaan ng Tacurong City. Local...Kalaboso ang isang ginang matapos makuhanan ng suspected shabu sa Banga, South Cotabato.
Kinilala ni Police Chief Inspector Marvin Duadua ang Chief of Police ng Banga ang suspek na si Rona Dajay, kwarenta’y sais anyos at residente ng Barangay Zone 3, Koronadal City.
Ayon kay Duadua, matapos makatanggap ng tip sa umano’y pag transport ng illegal drugs ng suspek, agad na nagsagawa ng check point operation ang mga pulis sa national highway barangay San Vicente, Banga, kagabi.
Nabatid na si Dajay ay sakay ng motorsiklong kinontrata nito para lamang umano kumuha ng illegal na droga sa Barangay Ambalgan, Sto, Nino. South Cotabato nang maharang ng mga pulis.
Nakuha ng mga pulis mula sa suspek ang tatlong sachet ng suspected shabu na nagkakahalaga ng mahigt tatlong libong piso.
Inihahanda na ng Banga PNP ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act laban sa suspek na nakakulong na ngayon sa Banga PNP lock up cell. Local...Magkakaroon ng bagong ospital ang General Santos City.
Ayon kay Gensan City Mayor Ronnel River nakikipag usap na siya sa ilang mnga doctor sa kalakhang Maynila para mamahalaga sa ipatatayong ospital.
Ang modernong ospital ayon ka Rivera ay ipatatayo sa may limang libong square meter na lupain sa National Highway Barangay Apopong.
Ito ay tatawaging Sarangani Bay Medical Specialist Center.
Ang ground breaking ng ospital ay isinagawa noong nakaraang linggo at dinaluhan ng mga board of directors nito at mga lokal na opisyal ng General Santos City.
Umaasa naman ang lokal na pamahalaan na makatutulong ang ipatatayong ospital para maresolba ang problema ng siksikan ng mga pasyente sa General Santos City Hospital.
Ipinihayag naman ni Rivera na bagama’t hindi matukoy ang pondo at desniyo ng proyekto, inaasahang matatapos ang pagtatayo ng Sarangani Medical Specialist Center sa loob ng dalawang taon. Local...Posibleng mapapakinabangan na ng mga mamamayan ng South Cotabato ang Solar Power Plant na ipinatatayo ngayon sa bayan ng Suralla bago magtapos ang kasalukuyang taon.
Ayon kay Manny Jumilla ang Provincial Planning and Development Coordinator ng South Cotabato, kapag nagkatugma sa schedule ni Pangulong Benigno Aquino III, pasisinayaan ang proyekto sa Nobyembre a biente kwatro.
Inihayag ni Jumilla na sa ngayon ay inaayos na rin ni Governor Daisy AVance Fuentes ang schedule ng pangulo para sa inaugauration ng planta.
Ayon kay Jumilla nais kasi ng German company na NV Vogt na nagtayo sa solar power plant na pangunahan ni PNoy ang pagpapasinaya dito.
Ang five megawatt solar power plant na pinakamalaki sa buong Mindanao ay matatagpuan sa Barangay Centrala, Surallah, South Cotabato.
Ito ay nagkakahalaga ng 12 Million US dollars at inaasahang makatutulong sa pagkakaroon ng sapat na supply ng kuryente sa lalawigan.

2 slain in police anti-gunrunning ops in Sultan Kudarat

  PATAY matapos manlaban sa raiding team ang dalawang mga suspek sa ikinasang entrapment operation ng mga pulis sa National Higway, Brgy....

Dawlah member dead, 3 hurt in Maguindanao del Sur clash

COTABATO CITY - Soldiers shot dead a member of the Dawlah Islamiya and wounded three others in an encounter over the weekend in Ampatuan town in...

Sulu Gov pledges full support to BARMM’s action plan on women, peace, security

JOLO, Sulu – The Bangsamoro Women Commission (BWC) has earned the support of Governor Abdusakur Tan of Sulu Province in the implementation of the...

Gunmen force hundreds of Tedurays out of tribal lands

COTABATO CITY --- More than 300 ethnic Tedurays have abandoned their ancestral lands in Maguindanao del Norte after gunmen shot their houses with...

Islamic preacher, nasawi sa car accident sa Buluan, Maguindanao Sur

DEAD ON ARRIVAL sa ospital ang isang Imam o Muslim Religious preacher nang aksidenteng mabangga ng silver Toyota Vios sa harap ng New market,...