Friday Apr, 16 2021 12:09:06 AM

NDBC BIDA BALITA Oct. 1, 2015

 • 06:43 AM Fri Oct 2, 2015
1,648
By: 
NDBC News and Current Affairs

NEWSCAST

OCTOBER 01, 2015
(THURSDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. DALAWAN MENOR-DE-EDAD,
Dead-on-the-spot sa vehicular accident sa Midsayap, North Cotabato

2. LIMANG
MGA pinaniniwalaang Drug dealer arestado sa drug raid sa Kabacan, North
Cotabato, walong daang libong piso halaga ng shabu, nasamsam

3. Ilang mga rice varieties na tatagal
sa dry spell, inirekomendang itanim ng DA 12

4. PNP, umaasa na susuportahan ng
susunod na pangulo ang Patrol Plan 2030

5. 18 sugatan sa Yellow Bus bombing sa Polomolok

Local………………..

PINAGLALAMAYAN na ngayon ang dalawang
driver ng magkaibang motorsiklo na sangkot sa vehicular accident sa Brgy
kimagango, Midsayap, North Cotabato.

Dead-on-the-spot ang mga biktima si Leo
Lixel Garcia at Gino Pideri, kapwa 17-anyos matapos ang insidente.

Sa report, Minamaneho ni Garcia ang
kanyang motorsiklo na Suzuki raider kasama ang kanyang mga kaklase na sina
Vincent Dikalan 18-yrs old, taga-Pikit at Adrian Obinyeta na taga-Midsyap.

Habang minamaneho naman ni Gino Pideri
ang Kanyang kawasaki Baja motorcycle, angkas ang kanyang ina na si Remera, 45
anyos at kapatid na si Teresita, 20 anyos.

Ayon kina Dikalan at Obinyeta, nakapabilis
ng pagpapatakbo ni Garcia habang pauwi sila sa kanilang mga bahay.

Pinayuhan pa umano nila si Garcia na
magdahadahan ngunit iginiit nitong kaya niyang magmaneho ng mabilis.

Pero sa kurbadang bahagi ng Brgy.
kimagango, dito na nagalangan si Garcia ng makasalubong ang Baja motorcycle na
minamaneho ni Pideri.

Dahil hindi na nakontrol ang pagmamaneho
ay tuluyang nagsalpukan ang dalawang motorsiklo.

Labis naman ang pagdadalamhati dalawang
pamilya sa pagkasawi ng kanilang mga anak.
Kasalukuyan namang nagpapagaling sa
pagamutan ang mga angkas ng mga nasawi.

0-Local Abot sa 18 katao, kabilang na ang isang linggong gulang na bata, ang sugatan nang sumabog ang isang improvised bomb sa loob ng isang unit ng Yellow Bus sa Polomolok, South Cotabato kaninang tanghali. Ayon sa flash report ng DXOM-AM Radyo Bida, ang bus na may body number 2008 at license plate na MDB-296 ay patungo ng Gen. Santos City mula Polomolok bus terminal nang sumabog ang bomba alas 12:20 ng tanghali.Ang IED ay inilagay sa isang back pack at ipinatong sa overhead bin ng bus at pinasabog sa pamamagitan ng cellphone habang binabaybay ng bus ang national highway sa Barangay Glammang, Polomolok.Pinaniniwalaang kagagawan ng al-khobar extortion gang ang insidente. Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya. 0-Local Awayan
sa lupa ang nakikitang anggulo ng pulisya sa nangyaring strafing incident
nitong linggo sa Brgy. Kayupo Pandag Maguindanao.

Patay
sa naturang insidente sina sina Bai Imbo Babaranto at Naid Tucon na isang
buntis at dalawang mga menor de edad.

Sugatan
naman ang dalawa pa na pawang mga residente ng Brgy. Kayupo Pandag Maguindanao.

Sa
report, pinasok ng mga armadong kalalakihan ang Narciso Palm Oil Plantation at
pinagbabaril ang mga biktima na katiwala ng may-ari nito.

Mabilis
namang tumakas ang mga suspek nang matunugan ang paparating na mga sundalo at
Cafgu.

Agad
na dinala ng mga otoridad ang mga sugatang biktima sa isang pagamutan sa
Tacurong City.

Sa
ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa Pandag, Maguindanao
sa pamumuno ni S/Insp. Noel Sudaria sa naturang pangyayari.

0- Local INAASAHANG
UUMPISAHAN ang second phase ng cadastral survey ngayong taon bago sumapit ang
2016 national and local elections.

Ipinaliwanag
ni ARMM DENR Sec. Kahal Kedtag na layunin ng pagsusukat ay upang matukoy ang
political boundaries ng mga munisipyo at maituwid ang wastong sukat ng ARMM.

Ang mandatong
ito ay alinsunod sa kautusan ni Pangulong Benigno Aquino lll at DENR Sec.Ramon
JP Paje.

Ibinida ni
Sec. Paje na matatapos na nila ng mas maaga sa itinakdang oras ang century-old
cadastral project na ipinatupad sa iba’t-ibang rehiyon kabilang na ang ARMM
partikyular sa Basilan, Sulu, Tawi-Tawi, Lanao del Sur at Maguindanao.

Bunsod ng
pabago-bagong panahon, ipinaliwanag ng Department of Environment and Natural
Resources ang kahalagahan ng pangangalaga sa protected area sa buong Pilipinas.

Binigyang
diin ni Paje na lahat ng protected areas ay nagsisilbing tagahigop ng carbon
dioxide na kinakailangan ng kalikasan.

Ayon sa
kalihim, ang patuloy na pangangalaga at rehabilitasyon sa protected areas sa
ilalim ng National Greening Program ng DENR ay nakatulong upang tumaas ang
carbon sink o carbon sequestration sa bansa.

Local TIYAK
ang mga karpenterong sundalo na matatapos nila ang kanilang ginagawang Madrasah
building para sa estudyante ng Islamic theology ngayong buwang ng Oktubre.

Patuloy
ang konstruksyon ng naturang buildign sa loob ng Islamic school campus sa
Barangay Kulasi, S.K. Pendatun na sakop ng ikalawang distrito ng Maguindanao.

Nabatid
na ang naturang barangay ay halos 17-taon naging biktima ng paglalaban-laban ng
mga armado at pamahalaan.

Ayon
kay Major Gen. Edmundo Pangilinan, ang commander ng Army’s 6th Infantry
Division, ang dalawang classroom buildign na ipinatatayo sa nasabing brgy na
pinunduhan ni Maguindanao Gov. Esmael Mangudadatu ay maaring pakinabangan ng
humigit kumulang isang daang magaaral.

Nagkakaisa
sa pagtatayo ng school building ang mga
magigiting na karpentero ng 33rd Infantry Battalion at 601st Brigade, na
kapwa component units ng 6th ID.

Maliban
sa nakatutulong ito para sa pagaaral ng mga kabataan, malaki rin ang tulong
nito upang mabigyang daan ang pagkakaisa at pakikipagugnayan ng mga militar at
MILF.

Local Pinaalalahanan
ng Department of Health ng Autonomous Region in Muslim Mindanao o DOH-ARMM ang
publiko sa pagbili ng mga gamot at food supplements sa mga pamilihang-bayan.

Ayon
DOH-ARMM Secretary Dr. Kadil Sinolinding Jr., kapag sinabing food supplements
para lang itong vitamins.

Aniya,
Mali ang mga sinasabing gamot ito sa cancer, high blood, diabetes at marami
pang iba na kung saan salungat ito sa mga siyentipikong pag-aaral.

Pero
nilinaw ng kalihim na walang naidudulot na masama ang pag-inom ng mga food
supplements ngunit kailangang siguruhing aprubado ito ng Food and Drug
Administration o FDA.

Ang
mga food supplements ay hindi garantisadong panggamot sa anumang sakit na
nararamdaman.

Aniya,
kailangang mabigyan ng sapat na impormasyon ang mamamayan o mamimili dahil
karapatan ng bawat isa na malaman ang katotohanan tungkol sa kakayahan ng mga
gamot.

Dahil
na rin sa mga naglipanang ibinibentang iba’t-ibang uri ng gamot sa merkado na
ang iba ay peke pa, hinikayat ni Sinolinding ang publiko na maging maingat at
wais sa pagbili ng mga medisina upang gumaling at hindi magdulot ng masamang
epekto sa ating kalusugan. 0LocalArestado ang lima katao kung saan apat rito ang mga BIGTIME drug dealers ng pasukin ng mga otoridad ang limang mga kabahayan na sinasabing drug den sa magkahiwalay na lugar ng Lapu-Lapu St., Purok Krislam, Poblacion at Galas Subdivision, Brgy. Kayaga Kabacan, North Cotabato alas tres ng madaling araw kahapon.
Ang mga suspek ay kinilala ni Police Senior Supt. Alexander Tagum, ang CPPO Provincial Director na sina Badrudin Gonsang, Allan Esma Alias Allan Odag, Fatima Encarnacion alias Babo Oding, Edgar Macabuat Gonsang, Arnold ‘Nold’ Gonsang at ang kanilang runner na si Eddie Flores Tuan.Sinabi naman ni Senior Ins. Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP, nakuha mula sa mga suspek ang tatlong kalibre .45 na baril, siyam na Magazine, anim na bala ng kalibre .40, 36 bala kalibre .45, dalawang empty shell ng 9millimeter mortar, 174 na empty shell ng kalibre .45 at isang granada.Nakuha din sa paghalughog sa mga bahay ng suspek ang 20 sachet ng shabu na may bigat na 100 gramo na may estimated market value na P800,000.00, mga residue ng shabu, apat na piraso ng tuyong dahon ng Marijuana at dalawang electronic digital weighing scale.Maliban dito, nakumpiska din ng mga otoridad ang abot sa P94,124.00 na cash o ang drug money.

Ang pag-aresto sa mga suspek ay sa bisa ng warrant of arrest mula sa korte.Ang operasyon ay sa tulong ng pinagsanib na pwersa ng Cotabato PPO, CPPSF, CIDG, 7th IB kasama ang mga element ng Makilala PNP, Antipas PNP, Mlang PNP, Tulunan PNP, Kidapawan City PNP at Kabacan PNP.Ang nasabing kampanya ay suportado naman ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr. at ipinahayag nito magbibigay siya ng insentives sa mga informants at tiniyak rin ang kanilang proteksyon laban sa anumang magiging banta sa kanilang buhay.
LocalPatay ang isang tricycle driver matapos pagbabarilin ng riding tandem criminals sa Datu Dima Street, Poblacion, Carmen, North Cotabato alas dos ng hapon kahapon.
Ang biktima ay kinilala ni Police Senior Ins. Julius Malcontento, hepe ng Carmen PNP na si Orlando Mantawil, 42 anyos, na taga Brgy Manarapan, Carmen.Sa inisyal na ulat ng pulisya, ilang segundo lang ang nakalipas matapos nitong iparada ang motorsiklo at bumaba ay bigla na lamang itong dinikitan ng dalawang suspek na nakamorsiklo at agad na pinagbabaril.Hindi na nagawang makatakbo pa ang biktima matapos itong magtamo ng tama ng baa sa kanyang kataan sanhi ng kanyang agarang kamatayan.Agad namang tumakas ang mga suspek matapos ang krimen.

Sa ngayon blanko pa ang PNP sa motibo sa pamamaril habang patuloy na iniimbestigahan ang insidente.
LocalSakali mang maramdaman na ang El Nino Phenomenon sa probinsiya ng North COtabato partikular sa brgy. Magsaysay, Antipas, naniniwala ang brgy council na malalabanan nila nito.Ito ang ipinahayag ni brgy. Kagawad Minerva Quinones ng makapanayam ng DXND Radyo nang isagawa sa kanila ang BIDA SA BARANGAY Videoke Challenge noong martes.

Ayon kay Quinones ngayon pa lamang ay nagsasagawa na sila ng information dessimination sa mga mamamayan kaugnay sa nalalapit na kalamidad. Bagamat aminado ang brgy. Council na kulang sila sa mga resources sa ngayon, tiniyak naman niyang gagawan nila ito ng paraan ng council.Ilang pamilya rin kasi mula sa mahigit isang daang bilang ay nakakaranas pa rin ng matinding kahirapan.

Pagdating naman sa suplay ng tubig tiniyak naman ni Quinones na magkakaroon sila ng sapat na suplay nito dahil meron naman sariling pinagkukunan ng tubig ang kanilang barangay.
localLocalNilinaw ni Kidapawan City Councilor Lauro Taynan Jr. na ang electric subsidy na ipinamamahagi ngayon ng City Government ay nagmumula sa royalty tax share na ibinayad ng Energy Development Corporation o EDC at hindi ito refund mula sa Cotabato Electric Cooperative o COTELCO.Ito ang ipinahayag ng opisyal matapos kumalat ang mga impormasyon mula sa mga baranggay na nanggaling umano ang kanilang natatanggap na power subsidy sa COTELCO. Una nang sinimulan ang pamimigay ng power subsidy sa mga COTELCO consumer sa Kidapawan City noong lunes na magpapatuloy namang hanggang October 10.Hinihikayat naman ni Taynan ang lahat na mga power consumer na kunin nila ang nasabing subsidy dahil kung hindi ay ibabalik ito sa City LGU.Noong nakaraang taon, abot sa humigit kumulang tatlong milyong piso ang naibalik sa City Government matapos hindi na claim ng ilang mga power consumer ang kanilang electric subsidy. LocalNasawi ang isang laborer matapos umanong magsuicide sa Surallah, South Cotabato.
Ayon sa Surallah PNP ang ang trenta’y sais anyos na si Elvie Masangkay ay natagpuan na lamang ng ilang mga kaanak ng kanyang misis na nakalambitin na sa puno ng niyog.
Natuklasan ang wala nang buhay na katawan ni Masangkay di kalayuan sa kanilang bahay sa Purok Garcia, Barangay Naci, Surallah, kamakalawa ng gabi.
Si Masangkay ang nabigti gamit ang lubid.
Sinubukan pa ng mga kaanak nito na iligtas mula sa may labindalawang talampakang taas ng niyog si Masangkay ngunit siya ay ideneklarang dead on arrival sa isang pribadong ospital sa Surallah.
Lumabas sa inisyal na imbistigasyon ng mga pulis na bago umano nagpatiwakal, nagtalo umano ang lasing na si Masangkay at misis nito.
Samantala, patay din ang biente syete anyos na binata matapos magpatiwakal sa Koronadal City kamakalawa ng gabi.
Ayon sa Koronadal City PNP ang wala nang buhay na katawan ni Evagelous Barcelona ay natagpuan na nakalambitin sa may sampung talampakang taas na high round bar sa likod ng bahay ng kanyang tiyahin sa Lauban, Subdivision, Barangay Morales, Koronadal city.
Huli umanong nakitang buhay si Barcelona dakong alas sais ng gabi noong Setyembre a biente otso.
Ayon sa Pulisiya, si Barcelona ay nagbigti gamit ang electrical chord.
Depression naman ang posibleng dahilan na tinukoy ng mga otoridad sa pagpakamatay ng binata.
Ito ay batay naman sa suicide note na iniwan ng biktima bago nagpatiwakal.
Nabatid na bukod sa dinaramdam nitong acute pneumonia, magisa lamang namumuhay si Barcelona dahil ang aman nito ay sumakabilang buhay na at ang kanyang ina naman ay nagtatrabaho sa ibang bansa.
Abot na sa tatlo katao ang naitalang nasawi matapos mag suicide sa South Cotabato nitong linggo lamang.
Matatandaan na nasawi din ang magsasakang si Doning Dal, matapos magpatiwakal sa bayan ng Lake Sebu noong Lunes.
LocalBugbog at pasa sa katawan ang natamo ng dalawa katao na mula Koronadal City ay tumungo pa ng bayan ng Tantangan, South Cotabato para magnakaw umano ng kambing.
Kinilala ni Police Chief Inspector Jose Mari Simangan, ang Chief of Police ng Tantangan, ang mga suspek na sina Rolito Zabala, trenta’y nuebe anyos at Jhon Cabang, biente singko, pawang mga residente ng Balmores Street, Koronadal.
Ayon kay Simangan, matapos maaktuhang tangay ang dalawang mga kambing, sina Zabala at Cabang ay kinuyog ng mga mamamayan.
Nabatid na ang kambing na tangay ng dalawa ay pagaari ng ng isang Salik Palangan na ninakaw umano ng mga suspek sa compound nito sa Purok Salukag, Poblacion Tantangan kamakalawa ng hapon.
Ngunit bago pa man nakalayo sa lugar, natunugan ni Palangan na nawawala na ang kanyang mga kambing at hinabol ang dalawang mga suspek kasama ang mga kaanak at kapitbahay.
Narecover naman ng mga rumespondeng pulis sa lugar ang mga kambing ni Palangan, at Suzuki X4 motorcyle na walang license plate na sinakyan ng mga suspek.
Inihahanda na ng PNP ang pagsasampa ng kaso laban sa mga suspek na nakakulong na ngayon sa Tantangan PNP lock up cell.
LocalWagi sa Lupong Tagapamayapa Award o LTIA ng Department of Interior and Local Government o DILG ang barangay Poblacion sa bayan ng Polomolok, South Cotabato.
Ayon kay Poblacion Polomolok, Barangay Chairman Vicente Yungco, kaakibat ng karangalang ito ang tatlong daang libong cash incentive.
Inihayag ni Yungo na nakuha ng kanilang barangay ang unang pwesto sa first, second and third class municipality category ng LTIA.
Pumapangalawa naman sa Polomolok ang nagwagi noong nakaraang taon na Barangay Limay sa Bataan.
Ang LTIA ay ibinibigay sa mga barangay na pinakamaayos na nakapagpatupad ng kanilang batas pambarangay o barangay justice system.
Inihayag ni Yungco na sa mahigit 350 na kaso na idulog sa kanilang barangay noong nakaraang taon.
Isa lamang sa mga ito ang na-indorse sa korte, dahil karamihan sa mga ito ay naayos na sa barangay level pa lamang dahil sa interbensyon ng kanilang Lupong Tagapamayapa.
Ang Awarding Cedremony sa LTIA ayon kay Yungco ay isinagawa sa kalakhang Maynila kasabay ng Liga ng mga Barangay Assembly noong Lunes.
Maliban sa Poblacion, Polomolok, isang barangay pa sa rehiyon dose ang nagwagi sa LTIA ngayong taon.
Ang unang pwesto sa highly urbanized city category ng LTIA ay nasungkit ng Barangay Katangawan sa General Santos City LocalWalang pasok sa mga pampublikong tanggapan at eskwelahan sa Koronadal city sa Oktobre a otso.Ito ay matapos ideklarang special non working holiday ng malakanyang ang nabanggit na araw.Ang proclamation number 119 na nagdedeklara ng special non working holiday sa lungsod ay nilagdaan mismo ni Executive Secretary Pacquito Ochoa.Layon nito na mabigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan ng Koronadal na maipagdiwang ang 15th Charter Anniversary at 5th Negosyo Festival ng Koronadal.Kaugnay nito ipinahayag ni Koronadal City Mayor Peter Miguel na magiging sentro ng selebrasyon ngayong taon ang merkado publiko.Ayon sa alkalde, sinisimbolo nito ang mura at de kalidad na produkto na mabibili sa lungsod.Kabilang din sa pinakaabangang aktibidad kaugnay sa pagdiriwang ang pagpapakitang gilas ng mga alagang aso sa dog festival sa Oktobre a kwatro.Inaasahan naman ang muling paligsahan ng iba’t ibang regional offices ng ahensya ng gobyerno sa pamamagitan ng region 12 got retro grooves sa October 6. Magkakaroon din ng grand sale sa buong buwan ng Oktobre, kung kelan magbibigay ng diskwento sa kanilang mga paninda ang iba’t ibang mga commercial establishment .
Ang isang linggong Charter Anniversary at Negosyo Festival ay sisimulan sa pamamagitan ng motorcade sa mga pangunahing kalye ng Koronadal.
Ito ay susundan naman ng opening program sa merkado publiko sa Okotobre a tres. LocalMagtanim ng mga produkto na tatagal sa mahabang tag-tuyo’t.
Ito ang hiniling ng Deparment of Agriculture o DA 12 sa mga magsasaka ng rehiyon.
Ayon kay Amalia Jayag Datukan, ang Regional Executive Director ng DA region 12, dapat itanim ng mga magsasaka ang mga produktong inirekomenda ng kanilang tanggapan.
Layon nito ayon kay Datukan ay upang maibsan ang masamang epekto ng dry spell.
Ayon kay Datukan ang mga magsasaka sa mga irrigated na lupain ay dapat magtanim ng Pagsanjan , o Tubigan variety ng palay.
Habang ang mga nasa rainfed lowlands naman ay pinapayuhan na magtanim ng Sahod Ulan, Rio Grande at Sacobia rice varieties.
Ang mga upland farmers naman ayon kay Datukan ay dapat na magtanim Pasig, at Katihan varities.
Inihayag din ni Datukan na maliban sa pagtatanim ng mga inirekomenda nilang rice varieties dapat ding magpatupad ng mga water saving technology ang mga magsasaka.
Kabilang sa mga ito ayon kay Datukan ang irrigation control, alternate na pagpapatubig at drying, drip irrigation o unti unting pagpapatubig sa kanilang mga sakahan at iba pa.
Ayon sa Pagasasa ang El Nino Phenomenon ay mararanasan sa mahigit limampung porysentong bahagi ng bansa mula Oktobre ngayong taon hanggang sa unang quarter ng 2016.
Inihayag namanng Office of the Civil Defense o OCD 12 na sa rehiyon dose makararanas ng pinakamababang below normal na mga pagulan ang mga lalawigan ng South Cotabato, Sarangani, Sultan Kudarat at General Santos City

Water buffalo vs. Montero sa Sto Nino, South Cotabato

KORONADAL CITY -- Nasawi ang isang kalabaw matapos na ito ay mabangga ng isang Mitsubishi Montero sa national highway ng New Panay, Sto Nino, South...

2 babae, huli sa drug buy bust ng PDEA-BARMM, P3.4-M na halaga ng shabu, nakumpiska

COTABATO CITY – Huli ang dalawang babae, isa rito ay buntis, sa ikinasang anti-drug operation ng PDEA-Maguindanao sa harap ng isang food chain at...

1 kilo of shabu seized from couple in Marawi 

LANAO DEL SUR --- State agents confiscated P6.8 million worth of shabu from a couple entrapped Wednesday afternoon in Marawi City. Ating Pundogar...

'Notorious gang leader' killed in Maguindanao police op

COTABATO CITY – Police and military operatives killed in a shootout a former village chairman turned gang leader in Maguindanao whose group...

NDBC BIDA BALITA (April 14, 2021)

  HEADLINES: 1.   TATLO PATAY, pati bata damay, sa ambush sa Cotabato City.  2.   MGA TIG-A ULO sa Koronadal...