Friday Apr, 19 2024 05:54:17 PM

NDBC BIDA BALITA Oct. 10, 2015

 • 19:50 PM Sat Oct 10, 2015
1,727
By: 
NDBC News and Current Affairs

NEWSCAST

OCTOBER 10, 2015
(SATURDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. NGCP towers sa Pikit, North Cotabato, pinasabogan ng IED, blackout naranasan sa Maguindanao at Cotabato City kagabi2. Congressman Win Gatchalian, bumisita
sa Radyo Bida Kumpirmadong tatakbo sa senado sa 2016 elections

3. Matapos manakawan ang treasurer's office,CCTV camera ilalagay munisipyo at iba pang lugar.4. Deaths due to dog bites, ikinaalarma ng Kidapawan City veterinary office.

Local... Ginulantang ng malakas na pagsabog ang mga residente ng Bgry. Batulawan matapos sumabog ang dalawang mga bomba sa brgy. Batulawan Pikit, North COtabato pasado alas onse kagabi.Sinabi ni Senior Ins. Sindatu Karim, hepe ng Pikit PNP, ang dalawang mga bomba ay itinanim sa dalawang torre ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP.Matapos matanggap ng PNP ang report sa pangyayari agad nila itong beneripika kasama ang 7th Infantry Battalion ng Philippine Army, at Task Force Pikit, at nakita nila mismo sa blas site na natumba na ang dalawang torre.Ito ay ang Tower 44 at Tower 45 na nakatayo sa nabanggit na barangay kung saan halos tatlong daang metro lamang ang layo mula sa likurang bahagi ng Cafgu detachment.Hindi pa ngayon makumpirma ng mga otoridad kung anong uri ang naturang pampasabog.Patuloy din nilang iniimbestigahan ai inaalam ang motobo sa insidente.Matatandaan noong 2013 ilang mga insidente rin ng pagpapasabog sa mga torre sa North Cotabato kapag papalapit na ang eleksyon.
Local... Maagang bumisita si Valenzuela City 1st
District Representative Win Gatchalian sa Radyo bida kanina.Maliban sa kanyang kompirmasyon na
tatakbo siya bilang Senador sa susunod na eleksyon, bumisita rin siya sa
Cotabato City upang dumalo sa imbitasyon sa ika-42 anibersaryo ng Mindanao
State University-Maguindanao.

Nais rin ni Gatchalian na humingi ng
suporta sa kanyang isinusulong na House Bill 5905 na isang free higher
education act.

12 billion pesos ang halaga na
kakailanganin para sa naturang panukala na kukunin umano sa pondo na
pamahalaang pang national.

Binigyang diin ni Gatchalian na
edukasyon ang pinakamatibay na panlaban sa kahirapan.

Samantala, inihayag naman ni Gatchalian
ang kanyang interes sa pagtakbo bilang senador sa 2016 election.

Suportado naman ni Gatchalian ang
usaping pangkapayapaan na isinusulong sa kognreso.

Umaasa si Gatchalian na magdudulot ito
ng pagkakaisa at hindi pagkakawatak watak ng bawat isa.

Local...PATULOY PANG TINUTUGIS ng Datu Odin Sinsuat,
Maguindanao PNP ang isang barangay kagawad na suspek sa pamamaril sa nasabing
bayan.

alas-4:30 ng hapon kamakalawa nang mangyari ang
pamamaril sa Brgy. Dinaig Proper.

kinilala ang suspek na si Mike Mamasabakulodan,
52 anyos, may asawa at brgy kagawad ng naturang barangay.

habang ang biktima ay si Andamen Bandar, 52
anyos, at isang farmer.

sa report, bago ang insidente ay nagkaron umano
ng alitan sina Bandar at Mamasabakulodan.

Nang pauwi na sana ang biktimang si Bandar sa
kanilang bahay ay sinundan ito ng suspek.

Daladala ang kanyang armas, walang atubiling
pumasok si Mamasabakuladon sa loob ng bahay ng biktima at pinagbabaril ito.

Gamit ng suspek ang kanyang M16 armalite rifle
base sa dalawang empty shells na narekober sa crime scene.

sa parehong araw, agad na inilibing si bandar
alinsunod sa kultura at tradition ng Muslim. Local...
NAKATAKDANG
SAMPAHAN ng kasong paglabag sa RA 9165 o COMPREHENSIVE DANGEROUS DRUGS ACT OF
2002 ang dalawa katao sa Midsayap, North Cotabato.

Base
sa arrest warrant na inihain ni Judge Arvin Balagot ng RTC branch 17 ng
kidapawan City, target ng mga otoridad ang alias dido na sinasabing big time
illegal drug pusher sa bayan ngunit bigo itong mahuli.

Madaling
araw kahapon ng pinasok ng mga elemento ng PDEA, Midsayap PNP at barangay
officials ang bahay ni Alias Dido ngunit nakatakas ito.

Huli
naman ang asawa nitong si Baynot Alamada, 33-anyos, reasidente ng poblacion 7
ng nasabing bayan AT isang Bona Usman Ali, 35-anyos, single at walang trabaho.

Nakuha
mula kay Alamada ang malalaking pakete ng pinaniniwalaang shabu at pitong
maliliit na pakete at pera na nagkakahalaga ng 29, 100 pesos.

Narekober
rin ng mag otoridad ang iba pang drug paraphernalia, lighter, improvised
toother, mga empty sachets, ballpen, maliit na notebook at iba pa.

Kasalukuyan
namang sumasailalim sa imbestigasyon ang dalawa habang nakakakulong sa Midsayap
PNP locked up cell.

0- Local Binalaan
ng Malacañang ang mga botante laban sa mga kandidatong gagamit sa Mamasapano
issue sa kanilang kampanya sa darating na halalan.

Ayon
kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, hindi maiiwasang may
pulitikong gagamit sa usapin para maisulong ang sariling agenda para sa
kandidatura.

PAKIUSAP
nila sa mga kandidato na huwag dagdagan ang pasakit sa pamilya ng mga nasawi sa
pagkaladkad ng kanilang mga mahal sa buhay sa political agenda.

Sa
ngayon, binubuhay sa Senado ang isyu ng Mamasapano matapos hingin ni Sen. Juan
Ponce-Enrile na pagdebatehan sa plenaryo ang committee report ni Sen. Grace
Poe.

Local.. NAKAROON
NG coordinating conference ang mga opisyal at election officers sa lungsod ng
Cotabato.

Ayon
kay Cotabato City Police office DEPUTY DIRECTOR SUPT.MARCY SACULO SALTING, Ito
ay sa paghahanda at pagtitiyak sa seguridad para sa nalalapit na filing of
certificate of candidacy ngayong Lunes.

Binigayang
diin ni Salting na bagama't ang provincial election office ng Maguindanao ay
sakop ng Autonomous region in muslim mindanao, bibigyan nila ito ng seguridad
dahil sakop ng Cotabato City ang kanilang opisina.

Humihingi
naman ng paumanhin si Salting sa posibleng pagsikip ng trapiko malapit sa
Maguindanao Provincial Comelec office at ARMM regional comelec office.

Local...Isinagawa kahapon ng Sanguniang Panlalawigan ng Cotabato ang Public hearing tungkol sa Revised Investment and Incentive Code of Cotabato.Pinangunahan ito ni North COtabato 3rd District BM Ivy Dalumpines-Balitok kasama ang mga Local Investment officer ng LGU, at mga negosyante mula sa iba't ibang lugar ng lalawigan.Ayon kay Dalumpines, layunin ng pagrebisa sa naturang ordinansa na madagdagan ang mga probisyon na magbibigay ng suporta at magpapalakas sa mga Local Micro, Small and Medium Entrepreneurs at ilan sa mga ito ay ang micro financial assistance, Common Service facilities, at special incentives.Ipapatupad ito sa pamamamgitan ng bubuuing Provincial Trade and Promotion Center na tututok sa MSMEs para mapalago ang produksyon at negosyo.Ang Investment Code ay nakatuon sa mga serbisyo at negosyo na may kinalaman sa pagbibigay ng trabaho, environmental concernes at promosyon sa mga lokal na produkto.Sinabi ni Dalumpines, isasailalim na sa final furnishing ang Ordinansa at target nilang matapos ang proseso bago ang Disyembre para masimulan na ang implementasyon nito sa susunod na taon. Local...Maglalagay ng karagdagang mga close circuit television camera o CCTV ang local na pamahalaan sa Surallah, South Cotabato.Ayon kay Surallah Mayor Antonio Bendita, isang kasunduan na ang kanilaang nilagdaan sa isang kompanya para dito.
Inihayag ni Bendita na maghahanap sila ng bagong kontraktor upang masimulan agad ang proyekto.
Nabatid na maliban sa mga tanggapan ng gobyerno, ikakabit din ang tatlumput walong mga CCTV sa ilang mga mahahalagang lugar sa Surallah.
Ayon kay Bendita, madali sanang naresolba ang pagnanakaw sa Municipal treausrer’s office ng Surallah kung mayroon lamang CCTV sa lugar.
Ito ang ipinahayag ni Bendita matapos pasukin ng mga magnanakaw at matangayan ng mahigit P128.000 ang tangapan.
Ang insidente ay nagresulta naman sa pagtanggal ng alkalde sa dalawang mga guwardiya na naka-duty ng maganap ang insidente. Local...Nagpapatuloy pa ang imbistigasyon ng pulisiya sa pagpatay sa isang fish cage operator sa Lake SEbu, South Cotabato
Kinilala ng Lake Sebu PNP ang biktima na si Romeo Dakingking, kwarenta’y uno anyos at residente ng sitio Lembanig, Poblacion Lake Sebu.
Ang pananaksak ay naganap sa Sitio Lembanig, dakong alas onse ng gabi kamakalawa.
Tinukoy naman na suspek sa pagsaksak sa biktima ang fish cage opetator din na si Charlito Trulan biente kwatro anyos at residente din sa lugar.
Ang suspek na si Trulan ay agad namang naaresto ng mga rumespondeng pulis.
Bagama’t inaalam pa kung ano ang nagtulak sa suspek na si Trulan para patayin ang biktima, inihahanda na ng Lake Sebu PNP ang pagsasampa sa kanya ng kasong pagpatay. Local...Sasagutin natin sa tamang panahon.
Ito ang binigyan diin ni Mayor Diosdado Pallasigue ng Isulan, Sultan Kudarat sa desisyon ng Ombudsman na may sapat na dahilan para siya ay makasuhan ng paglabag sa Anti graft and corrupt practices act.
Ito ay kaugnay naman sa pag-re-assign ni Pallasigue sa ibang tanggapan kay dating Isulan Municipal Planning and Development Coordinator Elias Segura.
Ayon sa alkalde hindi pa nito opisyal na natanggap ang desisyon ng ombudsman
Binigyan diin din ng alkalde na hindi nito ni-renstate si Segura dahil sa kawalan ng writ of execution mula sa civil service commission o court appeals.
Tiniyak ni Pallasigue na sakali nang mataggap na nito ang desisyon ng Ombudsman idadaan nito sa legal na proseso ang usapin. Kinumpirma di di Pallasigue ang pagkandidato nito sa pagka Gobernador ng Sultan Kudarat para sa 2016 elections Local...Walang election hot spot o areas of concern sa lalawigan kaugnay sa eleksyon sa susunod na taon.Gayunpaman tiniyak ni South Cotabato PNP Provincial Director Police Superintendent Jose Arnaldo Briones Jr. na maghihigpit pa rin ng seguridad ang pulisiya.Ito ayon kay Briones ay upang matiyak ang matiwasay at maayos na filing ng certificate of candidacy o
COC sa susunod na lingo.
Ayon kay Briones dahil tiwala siya sa pagiging professional ng mga kandidato sa South Cotabato, inaasahan na ng pulisiya na walang magaganap na kaguluhan may kaugnayan sa halalan.
Dinagdag din ng police official na nagpapatuloy din ang maigting na monitoring ng pulisiya sa mga paggalaw umano ng iilang grupo sa mga bulubunduking bahagi ng lalawigan. Local...Magbibigay ng parangal ang OVerseas Workers Welfare Administration o OWWA 12 sa mga Overseas Filipino Workers o OFW at mga dating OFW na naging magandang halimbawa sa kanilang komunidad.
Ayon kay Marilou Sumalinog ang OWWA 12 Regional Supervisor, ito ay kaugnay sa Search for Model OFW o MOFYA awards ng ahensya.
Nabatid na anim na mga active at dating OFW ang nominado para sa parangal ngayong taon.
Ang mga ito ayon kay Sumalinog ay nagmula sa iba’t ibang lugar sa rehiyon dose.
Binigyan diin ni Sumalinog na dahil pakay ng mga OFW sa pangibang bansa na mabigyan ng magandang buhay ang kanilang pamilya.
Mahalaga para sa pararangalang mga OFW ang nakapagpaaral sa kanilang mga anak at nakapag-pondar kabuhayan.
Ang MOFYA awards ay hinati sa land base at sea-based category.
Ang mga pararangalan ayon kay Sumalinog ay kanilang isasapubliko sa MOFYA awarding ceremony na gagawin sa Koronadal City sa Oktobre a kinse.
Ang mga awardee sa regional level ang siya naming kakatawayan sa rehiyon dose sa national MOFYA awards Local...Patuloy ngayon pinapakinabangan ng Makilaleñio ang libreng edukasyon na hatid ng Makilala LGU sa pamumuno ni Mayor Rudy Caoagdan.Nabatid na sa ilalim lamang ng pamumuno ni Coagdan nagsimula ang programang Makilala Institute of Science and Technology o MIST para sa mga mahihirap pero mga karapat dapat na mga estudyante.Maliban sa pasasalamat ng libung libung mga estudyante ngayon na nakapag-aral na sa MIST ilan sa kanilang mga magulang ay nagbigay rin ng pahayag tungkol sa nasabing programa.Para sa kanila, isang dinig sa panalangin at pagtupad sa kanilang mga pangarap ang naging inisytiba ng alklade.Ang MIST ay nagsimula noong June 2014 kung saan libu libung mga estudyante na ang nagpapatuloy ngayon sa kanilang pag-aaral at kumukuha sa mga kursong Bachelor of Science in Public Administration, BS Entrepreneurship, BS Agricultural Technology, BS Agriculture, BS Environmental Science Associate in Computer Technology at Midwifery.Ang MIST ang pinaka unang LGU-run-College sa buong Mindanao. Bumaba ang kaso ng Dengue sa Kidapawan City sa nakalipas na tatlong quarter ng taon.Sa inilabas na datos ng City Epidimiolgy and Surveillance Unit o SESU Kidapawan mula Enero hangang Setyembre ngayong taon ay nakapagtala lamang ng 373 ng dengue cases ang lungsod.Mas mababa naman ito kumpara noong nakaraang taong 2014 dahil nakapagtala lamang ng 464 na kaso ng dengue sa kaparehas na panahon.Ang magandang balita ay wala pang naitalang binawian ng buhay dahil sa nabanggit na sakit ngayon taon kung saan dalawang bata naman ang nasawi noong 2014.Sa pahayag ng SESU nakatulong ng malaki ang kampanya ng City Government lalo na sa mga liblib na barangay ng Kidapawan.Mas mataas na rin ang kaalaman ng lungsod tungkol sa dengue.Katunayan nito halos araw araw ay puno ang City Health Office sa mga nagpapakunsulta nito.Ayon naman kay Dr. Jerry Reyes ang resident Doctor ng City Hospital kontrolado nila ang nagkakasakit ng dengue sa hospital.Ngayon oktubre isang kaso ng dengue lamang ang kanilang ginagamot.Kaya ayon sa doktor hindi na muna niya inirerekomenda ang paglalagay ng dengue express lanes sa kanilang hospital dahil kaya pa naman nila ang bilang ng mga nagkakasakit nito.Sapat rin ang kanilang mga kagamitan at gamot sakali mang dadagsa ang mga pasyente lalo na sa inaasahang El Niño Phenomenon. Local...Ikinaalarma ngayon ng Kidapawan City Veterinary Office ang pagtaas ng bilang mga namamatay na aso sa lungsod dahil sa sakit na Canine DisTemper, isang uri ng viral disease.Sinabi ni City Veterinary officer Dr. Eugene Gornez, noong nakaraang buwan pa nagsimula ang pagdagsa ng mga pet owner sa kanilang tanggapan dahil sa nabanggit na sakit.Agad naman nitong pinaalerto ang mga Brgy. animal health worker para imonitor ang naturang sakit sa mga barangay.
Nabatid na naitala ang may pinakamaraming kaso ng Canine DisTemper sa mga barangay Balindog, Sudapin, Kalaisan, Sumbac at Brgy Manongol.Ayon kay Gornez kadalasang sintomas ng Canine disease ay ang pagmumuta ng aso, pagiging matamlay,pag uubo, minsan ay nangingig ang mga ito at mababa lamang ang survival rate ng aso.Nakakahawa at naipapasa rin ang nasabing sakit sa pamamagitan ng hangin kaya ngayon pa lamang ay mas maiging talian na lamang ang mga alagang aso.Ayon kay Gornez, para maiwasana ang Canine disease, mas mabuting pabakunahan na kaagad ang mga alagang aso ng Vanguard vaccine dahil hindi kayang malunasan ng ordinaryong anti biotic lamang ang naturang sakit.Ibinunyag rin ni Gornez na may kamahalan ang naturang vaccine at kulang ang kanilang supply at pondo para dito.Nilinaw rin ng opisyal na walang kaugnayan ang Rabies vaccine sa pagkamatay sa mga bagong nabakunahan na siya namang itinuturong dahilan ng sakit na ito.Sa kanilang pagsisiyasat hindi lamang sa Kidapawan City may naitalang ganuong sakit kundi pati na rin ang mga bayan ng Antipas at President Roxas.

PBBM to PNPA grads: Maximize technology to fight crime, serve

SILANG, CAVITE – President Ferdinand R. Marcos Jr. on Friday called on the new graduates of the Philippine National Police Academy (PNPA) to...

Picong ambush suspect falls during hot pursuit operation

PICONG, Lanao del Sur - After a thorough investigation and follow-up operation, operatives were able to identify the seven individuals involved in...

NDBC BIDA BALITA (April 19, 2024)

  HEADLINES 1   BABAE patay sa ambush sa Maguindanao del Sur; Pulis naman sugatan sa ambush sa Lanao del Sur 2  ...

3 dead in South Cotabato highway accident

COTABATO CITY - Three individuals died instantly in a gruesome highway mishap involving two vehicles in Barangay Polonuling in Tupi town in South...