Friday Mar, 29 2024 09:31:42 PM

NDBC BIDA BALITA Oct. 16, 2015

 • 17:53 PM Fri Oct 16, 2015
1,779
By: 
NDBC News and Current Affairs

NEWSCAST

OCTOBER 16, 2015
(FRIDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. NUISANCE candidates, babantayan ng
COMELEC sa huling araw ng filing ng Certificate of Candidacy.

2. COMELEC - South Cotabato, wala pang
natutukoy na hot spots o areas of concern sa lalawigan kaugnay sa 2016 election

3. Para hustisya, biktima
ng human rights violations sa Mindanao, maglalakad ng isang buwan patungong
Maynila.

4. Govt employee, putol ang paa matapos mabundol ang isang truck sa Kidapawan City.5. Lalaki, patay sa Cotabato City nang barilin ng kanyang nakasagutan at nakasuntukan.

Local BABANTAYAN ngayon ng Commission on
Elections o COMELEC ang pagsulpot ng mga nuisance candidate o yung mga
maghahain ng kanilang mga kandidatura pero di naman seryosong tatakbo at balak
lang guluhin o lituhin ang mga botante sa 2016 elections.

Gayunman, paliwanag ni Cotabato city
election officer Atty. Michael Ignes, tanging ang COMELEC Central office sa
Maynila lang ang pwedeng magdeklara sa isang kandidato bilang ‘nuisance’ at
maaring magdiskwalipika rito na tumakbo sa halalan.

Sabi ni Ignes, responsibilidad lang ng
kanyang tanggapan na tiyaking tama at kumpleto ang mga kailanggang dokumento ng
mga kandidatong maghahain ng CoC bago ipadala sa COMELEC - Central Office.

Ayon kay Ignes, ang Law Department na
ng COMELEC ang magsasagawa ng evaluation, pagdinig sakaling may petisyon at
mag-diskwalipika sa isang kandidatong maituturing na ‘nuisance’ candidate.

Samantala, hanggang 4:45 ng hapon na
lang mamaya tatanggap ng CoC ang City election office para sa mga local
candidate ng lungsod sa 2016 polls.

Una rito, nakapaghain na ng kanilang
mga CoC ang dalawang malalaking political party sa lungsod.

Unang naghain ng CoC ang local team ng National
People's Coalition o NPC.

Si
Cotabato city mayor Japal ‘Jojo’ Guiani ay muling tatakbo bilang alkalde ng
lungsod sa May 2016 elections at vice mayor naman nito si city administrator
Atty. Cynthia Guiani-Sayadi.

Nasa
line up naman ng kanilang mga konsehal sina Graham Nazer Dumama, Abdillah Lim, Christina
Chua, Dr. Ed Rabago, Jonathan Cortez, Abedan Solano, Freddie Ridao, Hassan
Biruar, Janeth Dalagan at dating Colight manager Cris Ferolino.

Samantala, kahapon ay naghain na rin ang
Liberal Party local bets sa pangunguna ni dating city vice mayor at MNLF
chairperson Mus Sema na tatakbo sa pagka-alkalde habang vice mayor naman niya
si Muhammad Em Pasigan.

Sa ilalim ng LP, tatakbo naman sa
pagka-konsehal ng lungsod sina Bruce Matabalao, Sukharno Sema, Michael
Datumanong, Nitz Formento, Princess Dilangalen-Piang, Boy dela Fuente Jr.,
Ustadz Jaafar Ali, Pastor Troy Cordero, Buts Ghadzali Abo at Datu Duma Sinsuat
III

Local SABAY-SABAY na naghain ng Certificate
of Candidacy o CoC sa magkahiwalay na election offices ang mga kandidato ng
Partido Liberal sa Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM at sa
Maguindanao.

Isang class valedictorian sa isang public
high school sa Barangay Tukanalipao, Mamasapano, Maguindanao ang naghain ng CoC
para kay ARMM Gov. Mujiv Hataman na muling tatakbo sa pagka gubernador ng
rehiyon sa susunod na taon.

Nagboluntaryo si Norombai, 17 years old,
na dalhin ang CoC ni Hataman sa COMELEC ARMM office bilang pagpapakita ng
suporta sa isinusulong na peace and development initiatives ng kandidato.

Running mate naman ni Hataman si ARMM vice
governor, Haroun Al-Rashid Lucman, na tatakbo muli bilang bise gubernador.

Samantala,
sabay namang naghain ng kanilang CoC ang governor at vice governor ng
Maguindanao sa ilalim ng Partido Liberal kahapon.

Si Gov.
Esmael Mangudadatu and Vice Gov. Lester Sinsuat ay tatakbo muli sa parehong
posisyon sa 2016 elections.

Sila
ay sinamahan ng kanilang pamilya, kapag-anak at mga town mayor ng lalawigan.

Nabatid
na nasa 34 na mga alkalde sa Maguindanao ay nasa ilalim ng LP na kina-aaniban
din ni Mangudadatu at Sinsuat.

Si Mangudadatu
ang provincial chapter chairperson ng LP sa Maguindanao.

Inaasahang
makakatunggali naman ni Mangudadatu si

si
Kalil Marangit Abeb ng partidong United Nationalists Alliance at Datu Ali
Midtimbang ng Talayan.

Sa
kabilang dako pa, ang kapatid ng gubernador na si Khadafeh ay muling tatakbo
bilang miembro ng 24-seat Regional Assembly ng ARMM habang si Zajid naman ay
muling tatakbo sa pagka kongresista ng 2nd district of Maguindanao. Local...Naghain na ng kanyang Certificate of Candidacy o COC sa pagka-gobernadora ng Cotabato para sa May 9, 2016 elections si incumbent Gov Emmylou Lala” J. Taliño-Mendoza.Pasado alas-nuebe ng umaga kahapon nang tumungo ang gobenadora sa tanggapan ng COMELEC Provincial Office sa Amas, Kidapawan City kasama ang ilang provincial officials, kamag-anak at ilang malalapit na kaibigan.Tatakbo sa ilalim ng Liberal Party o LP si Gov Taliño-Mendoza na siyang partido ng administrasyon kung saan standard bearer sa pagka-Pangulo si dating Dept of Interior and Local Government Secretary Mar Roxas III at Camarines Sur 3rd District Representative Leni Robredo bilang Pangalawang Pangulo. Si Cotabato Provincial Election Supervisor Atty. Duque Kadatuan ang tumanggap at nag-apruba ng COC ni Gov Taliño-Mendoza na sinaksihan naman ng iba pang tauhan ng COMELEC.Kasabay nito, ipinahayag ni Gov Taliño-Mendoza na ipagpapatuloy niya ang kanyang mga nasimulang pagbabago at kaunlaran sa Lalawigan ng Cotabato sa pamamagitan ng mga programa at proyektong kapaki-pakinabang sa mamamayan sa ilalim ng adbokasiya ng ‘Serbisyong Totoo’ Local...Dumami ang mga kandidato na naghain ng kanilang Certificate of Candidacy o COC sa Koronadal City at Sount Cotbato comelec sa ikaapat na araw ng filing nito kahapon.
Kabilang sa mga maagang dumulog sa tanggapan ng Comelec para mag file ng kanilang COC ang mga kandidato sa pagka-konsehal sa lungsod ng partidong Liberal .
Ang mga ito ay ang nagbabalik konseho na si James Lagasca at Henry Aguirre.
Nag file din ng kanilang COC para sa re-election ang mga incumbent city councilors na sina Edwin Abris, Mark Lapidez, Junette Hurtado at Roger Cadeleno.
Kasama din ng mga ito na nag file ng COC si ABC President at Ex Officio member Rogelio Joquinio.
Susubok ding maupo sa konseho ng mga first timers na sina Anabelle Pingoy , Fracis Ross Dideles, at Prechie Love Ogoy.
Habang sa provincial level nag file na rin ng COC ang mga pambato ng LP-NPC Coalition sa pangunguna ni incumbent South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes kahapon.
Maliban kay incumbent Vice Governor Cecil Diel na tatakbo muli bilang board member, kasama ni Fuentes na nagfile ng kanilang COC ang reelectinist na si incumbent second district congressman Ferdinand Hernandez.
Nagfile din ng kanilang COC ang mga pambato ng LP-NPC sa pagka board member.
Ang mga ito ay ang magpapare-elect sa second district na sina Esther Marin Catorce, Ellen Grace Subere-Albios, Agustin Dema-ala, dating South Cotabato Governor Hilario de Pedro III at ang nagbabalik konseho na si Dardanilo Dar.
Kakandidato naman sa pagka board member sa first district sa ilalim pa rin ng LP-NPC ang incumbent na si Glezel Trabado, kasama ang mga firs timer din na sina Eamon Matti, at Romeo Tamayo.
Ang kapartido ng mga ito na si incumbent first District Congressman Pedro Acharon Jr ay humabol din ng filing ng COC kahapon.
Ang partidong demokratikong Pilipino o PDP Laban na pinangungunahan ng gubenatorial bet nitong si dating Koronadal City Mayor Fernando Miguel ay maghahain naman ng kanilang COC ngayong araw. Local...

DEAD ON
ARRIVAL SA pagamutan ang isang lalaki matapos pagbabatilin pasado alas tres ng
hapon kahapon sa Jose Lim St. Street extension, Purok Rajamuda, Barangay Mother
Bagua, Cotabato city.

Kinilala ang
biktima na si Abdulbasit Pulindao, 48 anyos, residente ng Campo Muslim sa
nasabi ring barangay.

Ayon sa
imbestigasyon ng pulisya, may nakasagutan at nakasuntukan ang biktima hanggang
sa humantong ito sa pagbunot ng baril ng kanyang kasuntukan.

Pinagbabaril
ng maraming beses ng suspek si Polindao gamit ang kalibre 45 na baril sa harap
mismo ng barangay hall ng Bagua Mother o ilang metro lamang din ang layo mula
sa police station number 4.

Nagtamo ng
apat na tama ng bala sa kanyang katawan si Polindao habang agad namang tumakas
ang suspek na hindi na inabutan ng mga rumispondeng pulis sa pangunguna mismo
ni Police Station number 4 station commander Sr. Insp. Alex Lanestosa at
Cotabato city Police Office Director Sr. Supt. Rex Anongos.

Patuloy
namang tinutugis hanggang sa ngayon ng pulisya ang nakatakas na suspek.

Local BINALEWALA ng
Malacañang ang panukala ng Parish Pastoral Council for Responsible
Voting o PPCRV na agahan ang pagpapatupad ng gun ban
upang maiwasan ang election-related violence sa bansa.

Ipinaliwanag
ni Presidential Communications Operations Office Sec. Herminio Coloma Jr. na
noong 2013 elections ay naging matagumpay naman ang PNP sa pagpapanatili ng
peace and order sa bansa kahit na hindi hinabaan ng Commission on Elections o
Comelec ang pagpapa-iral ng gun ban.

Aniya
pa, naging matagumpay ang PNP sa implementasyon ng ‘Oplan Katok’ kung saan
nagsagawa sila ng house to house campaign para kausapin ang mga may-ari
ng registered firearms bilang bahagi ng kanilang gun control program.

Samantala,
sa Maguindanao at Cotabato city, inaasahan namang mas mahihigpit ang mga
otoridad sa pagpapatupad ng gun ban.

Ito ay
matapos namang hilingin ng Maguindanao provincial peace and order council sa
Comelec na pairalin ang state of emergency kung saan matagal nang nasa ilalim
ang lalawigan, kabilang na ang lungsod ng Cotabato.

Inilagay
sa ilalim ng State of Emergency ang nabanggit na mga lugar matapos mangyari ang
Ampatuan massacre noong November 2009 kung saan abot sa 58 katao ang nasawi
kabilang na ang ilang mga mamamahayag.

Ang
naturang insidente ang itinuturing na pinakamalala at pinaka malaking election
related violence sa kasaysayan ng bansa. Local...Mariing itinanggi ni Kidapawan City Councilor Ruby Padilla-Sison ang report sa umano pangkakasangkot ng kanyang driver sa isang Sex Scandal.Ayon kay Sison, walang katotohanan ang naturang impormasyon na una nang ipinakalat matapos itong maghain ng kanyang certificate of candidacy o COC noong Lunes.Para sa opisyal isa lamang itong ‘political mudslinging’, para sirain ang kanyang pangalan at integridad bilang konsehal ng lungsod.Una nang ipinakalat ng isang radio station sa Kidapawan City ang nabanggit na report na umano ang driver ni Kagawad Sison at isang City LGU employee gamit ang sasakyan ng gobyerno ay nasangkot sa isang sex scandal na ‘Penis Captivus’ o vaginal lock na isinagawa sa loob ng sasakyan sa isang resort sa Kidapawan.Naniniwala si Sison na hindi ito magagawa ng kanyang driver at katanuyan aniya magkasama pa sila sa mga oras na umano nangyari ang insidente. Local...Sasabak ngayong araw sa auditon ng Pilipinas Got talent sa Davao City ang magkapatid na Ruiz mula sa brgy. Indangan, Kidapawan City.Kinilala ang mga ito na sina Vannesa Jane, grade 9 student at Honey Mae Ruiz grade 8 student na nagmula sa tribung Lumad na Taga-bawa.Kahapon kasabay ng Sangguniang Panlungsod sesyon ay ipinakilala ang dalawa at nagbahagi pa ng kanilang awitin.Bilang suporta, agad namang nag-abot ng pinasyal na tulong ang SP members para sa kakailanganin ng mga ito.Sa panayam naman ng DXND Radyo Bida sa kanilang ina na si Rhona Mae Ruiz, matagal nang sumasali ang kanyang mga anak sa singing contest.Katunayan naging kampeon pa ang isa sa mga anak nito na si Honey Mae sa bida sa baranggay Videoke Challenge ng Radyo Bida sa brgy. Indangan noong nakaraang taon.Magkasama rin umano sila ni Reynan Dal-Anay na isa ring Lumad mula sa Bukidnon Province ang nakapasok para mag audition sa The Voice Kids Season 2.Ngayon umaasa ng suporta ang magkapatid mula mismo sa mga taga Kidapawan City para sabayan sila sa kanilang pangarap at oportunidad sa kanilang buhay. Local...Daan daang mga biktima ng Human Rigths Violations mula sa Mindanao ang inaasahang magmamartsa sa harap mismo ng Presidential Palace sa Maynila para hingin ang hustisya sa mga naging biktima ng extra judicial killing sa Mindanao partikular sa North Cotabato.Ayon kay Norma Capuyan ang chair ng Apo Sandawa Lumadnong panaghiusa sa Cotabato magsisimulang maglakad ang mga Indigenous Peoples, Moro, peasant communities at ibang sektor bukas hanggang sa November 30, 2015.Ito ay ang Manilakbayan 2015 kung saan ito na ang ikatlong taong isinagawa ito.Sinabi ni Capuyan na ang lahat ng lalahok sa naturang paglalakad ay mga biktima mismo ng militarisasyon at pandarambong at nais nilang hikayatin ang gobyerno na i-pull out ang militar sa mga skwelahan at komunidad na naging unang dahilan umano ng tensyon at kaguluhan sa kani-kanilang mga lugar.Kabilang na rin dito ang patuloy na sigaw ng hustisya sa pagkamatay ng italyanong pari na si Father Fausto Tentorio sa Arakan, North Cotabato apat na taon na ang nakalilipas dahil hanggang sa ngayon nananatili pa rin sa Department Of Justice ang kaso at hindi pa rin napaparusahan ang mga salarin sa naturang pangyayari. Local...Sa halip na opisina, sa ospital ang bagsak ng isang 21-anyos na trabahante ng gubyerno matapos sumalpok sa pickup truck ang minamaneho nitong motorsiklo sa national highway sa Kidapawan City, pasado alas syete ng umaga kahapon.Kinilala ang biktima na si Billy Rey Gallaza, na taga-M’lang, North Cotabato.Putol ang kaliwang paa ni Gallaza matapos ito’ng madaganan mismo ng kanyang motorsiklo.Ayon sa report ng Traffic Management Unit, papunta sana ng Amas complex ang biktima habang ang pickup truck ay paliko na sana ng Petron station para magpagasolina mula Cotabato side nang maganap ang salpukan.Mabilis umano ang takbo ng motorsiklo kaya’t na’ng paparating na ang pickup ay ‘di na nito kaya’ng ikabig pa sa mas ligtas na lugar ang kanyang sasakyan dahilan ng aksidente.Agad namang rumesponde ang Kidapawan Call 911 at dinala ito sa pagamutan habang dinala rin sa istasyon ng pulisya ang pickup truck driver para isailalim sa imbestigasyon. Local...Ligtas na umano sa mahabang dry spell ang Koronadal City at buong lalawigan ng South Cotabato.
Ito ay ayon kay Cyrus Urbano, ang City Disaster Risk Reduction and Management Council o CDRRMC Action Officer ng Koronadal.
Paliwanag ni Urbano tinanggal na ng Pagasa ang lungsod at lalawigan sa mga lugar na maaring makararanas ng mahabang tagtuyot.
Ito ay dahil na rin sa mga pagulan na nararanasan ngayon na taliwas naman sa naging prediksyon noon ng weather company.
Gayunpaman nilinw ni Urbano na dahil prediksyon lamang ang datus ng Pagasa, hindi dapat maging kampante ang mga mamamayan.
Tiniyak din ni Urbano na nagpapatuloy din ang mga paghahanda ng CDRRMC sa posibleng pa ring tagtuyot.
Pinayuhan din nito ang mga magsasaka sa lungsod na sundin ang tamang schedule sa pagtatanim bilang proteksyon na rin sakali mang magka-dry spell.
Matatandaan na ang Koronadal at South Cotabato ay kabilang sa mga lugar na tinukoy noon ng Pagasa na maapektuhan ng El Nino Phenomenon simula Oktobre hanggang unang quarter ng susunod na taon. Local...Naghahanap pa ng karagadang mall na maaring pagdausan ng halalan ang Comelec South Cotabato.
Ito ayon kay Atty, Jay Gerada, ang Election Supervisor ng South Cotabato ay bilang paghahanda na rin sakaling matuloy ang planong paglalagay ng mga polling precinct sa mga mall.
Ayon kay Gerada sa ngayon kasi ay tanging SM mall pa lamang sa General Santos City ang kinokonsiderang gawing voting precinct sa 2016 election.
Matatandaan na ang mall ay ginamit na ring voting center para sa mga persons with disability noong nakaraang halalan.
Nilinaw naman ni Gerada na malabong maglagay ng voting precinct sa mga mall sa Koronadal.
Paliwanag nito, di tulad sa General Santos City malapit lamang kasi ang mga paaralan na karaniwan nang ginagawang voting centers sa tuwing eleksyon .
Ang General Santos City ay nasa ilalim pa ng hurisdiksyon ng Comelec South Cotabato. Local...Maaring Maasahan ng mga mamamayan ang matiwasay at maayos an eleksyon sa South Cotabato sa 2016.
Ito ay matapos lumabas sa command conference ng Comelec noong nakaraang linggo na wala pang natukoy na hot spot o areas of immediate concern kaugnay sa halalan sa lalawigan.
Layon ng command conference ayon kay Atty. Jay Gerada, ang provincial election supervisor ng South Cotabato, ay upang ma-assess ang sitwasyong pampolitikal at makapagbalangkas ng mga security measures na ipatutupad kaugnay sa halalan.
Nabatid na walang naitalang anumang karahaasan may kaugnayan sa eleksyon sa South Cotabato.
Sa kabila nito, tiniyak naman ni Police Senior Superintendent Jose Arnaldo Briones Jr, ang PNP provincial director , na patuloy pa rin ang miagiting na pagpapatupad ng pNP ng seguridad sa South Cotabato.
Sa katunayan ayon kay Briones, maliban sa mga tanggapan ng comelec, karagdagang pulis din ang itinalaga sa mga matatagong lugar sa lalawigan.
Nagpapatuloy din ayon sa police official ang kanilang check point operation sa mga pangunahing daan.
Aminado naman si Briones nadahil sa presensya ng armadong grupo, nakatutuok din ngayon ang PNP at militar sa mga liblib na barangay ng T’boli, Tampakan at Lake Sebu. Local...Isinusulong ng Provincial Mining and Regulatory Baord o PMRB ang pagtatag ng Minahang Bayan sa Sarangani
Ito ang napagusapan sa kauna unahang pagpupulong ng mga myembro ng katatag pa lamang na PMRB sa lalawigan
Layon nito ay upang matiyak ang maayos na pagpapatupad ng mga reporma sa small scale mining activities.
Ayon kay Constancio Paye Jr ang Regional Director ng Environment and Management Bureau o EMB 12, kapag naitatag na ang MInahang bayan, ang small scale mining operation sa labas ng mga lugar na saklaw nito ay illegal.
Ayon kay Paye na siya ring Chairman ng PMRB Sarangani, matapos ang pagkakatag nito, lahat ng mga application sa Minaahang bayan ay ipo-proseso ng PMRB.
Kaugnay nito tiniyak naman ni Nemrad Paul Butil ng Sarangani Provincial Environment and Natural Resources Office o PENRO na handang makipagtulungan ang kanilang tanggapan sa PMRB.
Naqsisilbing gabay naman ng PMRB sa pagpapatupad ng mga panuntunan sa small scale mining operation ang iba’t ibang mga batas kaugnay sa pamamahala at disposisyon ng mga mineral resources.

Winds destroy houses in Magsur, NoCot

COTABATO CITY --- Some 40 houses were destroyed by strong winds that pummeled lowlands in the adjoining towns of Montawal, Maguindanao del Sur and...

UK: Bangsamoro one of world’s few successful peace processes

MANILA – The United Kingdom has hailed the creation of the Bangsamoro region as one of the world’s few successful peace processes as it joined...

Antipas LGU releases official list of victims of highway mishap

OFFICIAL list of victims of March 25, 2024 vehicular accident involving passenger van and cargo truck. The list is from the local government of...

Cotabato Light announces April 6 power service interruption

Cotabato Light announcement:  To all our valued customers, please be informed of the scheduled power interruption affecting a portion of...

BARMM has new police regional director

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao Norte - Police Brig. Gen. Prexy Dugas Tanggawohn was installed as new police regional director for the Bangsamoro...