Saturday Apr, 20 2024 12:47:19 PM

NDBC BIDA BALITA Oct 2, 2015

 • 03:56 AM Sat Oct 3, 2015
1,971
By: 
NDBC News and Current Affairs Team

NEWSCAST

OCTOBER 02, 2015
(FRIDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. 15 KATAO, kalaboso Libu-libong
halaga ng shabu, nasabat sa isang drug den sa Cotabato city.

2. Bagong
Chief Of Police Sa Kidapawan City, hinamon ng alkalde ng lungsod

3. IED, sumabog sa loob ng Bus mula
Koronadal patungong Gensan sa Polomolok, South Cotabato 18 sugatan. IED sumabog din sa Basilan.

4. Sa South Cotabato, motorsiklo ng lalawigan tinangay sa loob ng provincial capitol grounds 5. Indian national, natagpuang patay sa Matalam

Local NAKATAKDA NANG SAMPAHAN ng kasong
paglabag sa Republic Act 9165 ngayong umaga ang 15 katao matapos abutan ng mga
operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA-ARMM sa isinagawang
buy-bust operation sa isang pinaniniwalaang drug den sa Washington area, Jose
Lim Sr. Street, Barangay Poblacion 6, Cotabato city pasado alas kwatro nang
hapon kahapon.

Kinilala ang mga nadakip na sina
Nurudin Escala, Norma Sob, Romeo Paquit, Mama Gayak, Solaiman Tayuan, Bong
Mohammad, Rahima Mohammad, Norodin Ali, Richelle Evedientes, Joey Mokamad,
Michael Ebos, Rolando Paquit, Merlyn Akabong, Danilo Miguel at Raymund Arriola.

Ayon sa report ng PDEA-ARMM, nagkunwari
silang bibili ng shabu na nagkakahalaga ng 200 piso sa nasabing drug den at
katransakyon ang target ng operasyon na isang alyas Bobby.

Pero nakadeploy na ang mga operatiba
kasama ang Special Forces sa labas at agad pinasok ang lugar.

Natuklasan sa loob ng compound ang
tatlong drug den at nakuha ang 50 gramo ng shabu na nagkakahalaga 70 hanggang
80 libong piso kasama na ang mga drug paraphernalia.

Mabilis namang nakatakas ang ilan sa
mga nasa loob ng compound kasama na ang target ng operasyon na si alyas Bobby.

Nilinaw naman ng PDEA-ARMM na hindi
lahat ng mga nabanggit na pangalan ay makakasuhan dahil patuloy pa nilang
isinasailalim sa interogasyon ang mga ito.

Local

PATAY ANG
APAT KATAO matapos ang nangyaring pagsabog sa bahagi ng kalsada ng Brgy.
Sunrise, Isabela City, Basilan kahapon.

MASUWERTE
namang nakaligtas ang bise-mayor ng Isabela City, Basilan nang mangyari ang
pagsabog.

Kinilala ni
Basilan Provincial Director Sr. supt. Oscar Nantes ang mga dead-on-the-spot na
mga biktima na sina Muhaimin Jalil at isang kinilalang si Maullah kapwa staff
ni Ajibon at si Gregorio General Delgado, isang government employee.

Habang
sinubukan pang dalhin sa pagamutan si Ramil Omar, dating kapitan ng Brgy.
Balatanay pero binawian rin ng buhay.

Sugatan naman
at kasalukuyang nagpapagaling sa pagamutan sina Sattar Abdul, Nurhaida Dela
Cruz, Amlan Sali Adam, Tuoay Kalbi, Florante Agustin at Grace Manual Flores At
lima pang hindi nakikilalang mga sibilyan.

Ayon kay
Nantes, convoy ang dalawang sasakyan nina Isabela City Vice Mayor Abdulbaki
Panther Ajibon nang mangyari ang insidente.
Nabatid na
Papauwi na sana sina Ajibon sa kanilang bahay mula sa isang local council
session.Bago ang
pagsabog ay nakalagpas na ang Van na sinasakyan ng Bise-Mayor habang akto
namang sumusunod ang Toyota Pick-up nila.

Dahil sa
malakas na pagsabog, nasira rin pati ang mga kabahayan na malapit sa
pinangyarihan.

Ayon kay Nantes, ito na ang ika-apat n beses na biktima ng roadside bombing si Ajibon matapos
ang parehong insidente sa parehong barangay ilang taon na ang nakalipas.

Local IKINATUWA
ng mga senior citizen ng Landasan at karatig baranggay ng Parang Maguindanao
ang isinagawang Medical mission ng People's Medical Team ng Maguindanao
provincial government kahapon.

Ito ay
Kasabay ng pagdiriwang ng National Elderly Week ngayong buwan.

Nakinabang
ang mga lolo at lola sa mga serbisyong pangkalusugan tulad ng libreng
konsultasyon kasama na pati mga gamot at dental services.

At
kahit hindi taga- barangay Landasan na mga senior citizen ay pumunta rin para
maka-avail ng mga libreng serbisyo.

Ayon
kay Tim Ambolodto ng People's Medical Team ng Maguindanao provincial
government, hindi lamang sa nasabing lugar magtatapos ang kanilang paghahatid
ng libreng serbisyong pangkalusugan kundi may mga lugar pa sila sa lalawigan na
pinagpaplanuhang puntahan.

Maaari
ring mag-request ang inumang mga opisyal ng asosasyon o pederasyon ng mga
senior citizen ng alinmang mga bayan sa probinsya upang mapaglingkuran nila.

Sinabi
pa ni Ambolodto na ang regular na paghahatid nila ng libreng serbisyong
pangkalusugan ay tuloy pa rin sa lahat ng mamamayan ng 36 na bayan sa
lalawigan.

local Patay na ng matagpuan ang isang Indian National sa Sitio F. Validivieso, brgy. New Bugasong, Matalam, North Cotabato alas syete ng umaga kahapon.
Sinabi ni Police Chief Ins. Elian Coloña, kinilala mismo ng kamag anak nito ang biktima na si Ranjit Sing Brar, 27- anyos, kolektor sa isang pautang sa Purok 9, brgy Sudapin, Kidapawan City.
Ayon sa report, naglalakad lamang ang isang magsasakang si Ronie Egan nang matagpuan nito ang bangkay ng biktima sa gilid ng daan sa nabanggit na lugar.
Agad namang tinungo ng PNP ang area at doon na tumambad sa kanila ang bangkay ng biktima na puno ng pasa ang katawan at may bakas pa ng lubid sa kanyang leeg.
Ayon sa PNP posibleng hinold-up ang biktima at pinatay.

Blanko pa ngayon ang PNP sa motibo at pagkakakilanlan sa suspek habang patuloy naman nila itong iniimbestigahan.Sa Bayan ng magpet, patay ang isang magsasaka matapos pagbabarilin ng di pa kilalang suspek sa brgy. Mahungkog.Kinilala ang biktima ni Senior Ins. Felix Fornan, hepe ng Magpet PNP na si Jaime Mahulayon, 54-anyos na nagtamo ng tama ng bala sa kanyang dibdib dahilan ng kanyang kamatayan.Ayon sa report, ilang mga indibidwal umano ang nambabato sa kanilang bahay at nang beripakhin na ito ni Jaime ay dito na siya binaril ng mga suspek na agad namang tumakas matapos ang krimen sakay ang isang motorsiklo.

Iniimbestigahan pa ng mga otoridad ang naturang pamamaril.
LocalSugatan ang labinwalong pasahero nang sumabog ang isang improvised explosive device o IED sa isang bus ng Yellow Bus Line o YBL Inorporated.
Nilinaw naman ni Boy Par ang operation manager ng YBL na ang mga sugatan ay pawang nagtamo lamang ng minor injury.
Sa katunayan ayon kay Par apat na lamang sa mga sugatan ang naka-confine sa dalawang pribadong ospital sa General Santos City habang ang iba naman ay nakalabas na ng ospital.
Tiniyak naman ni Par na sasagutin ng kompanya ang pagpapagamot sa mga sugatan. Nabatid na naganap ang pagsabog sa national highway barangay Silway 7 bayan ng Polomolok, South Cotabato na binabaybay ng bus dakong alas onse kwarenta’y singko kanina.
Ang pinasabugang bus ay galing Koronadal, South Cotabato at patungong General Santos City.
Kaugnay nito, ipinahayag ni Police Superintendent Amante Suriaga, ang Chief of Police ng Polomolok na posibleng naipuslit ng suspek ang pampasabog ng magbaba at magsakay ng pasahero ang bus sa bayan ng Tupi.
Ayon kay Suriaga, posibleng ginamit na detonating device sa bomba ay cellphone.
Ito ayon kay Suriaga ay batay naman sa battery at sim card na nakuha ng mga kasapi ng scene of the crime operatives o SOCO.
Nabatid na ang di pa tukoy na pampasabog ay hinalo ng suspek sa ulam para di kaagad mapansin.
Ang pampasabog ay iniwan ng suspek sa lalagyan ng baggage ng mga pasahero sa itaas na bahagi ng bus.
Ang pagsabog ay nagresulta naman sa pagkabasag ng salamin sa ilang bintana ng bus.
Inaalam pa ng mga otoridad kung sino ang suspek at kung ano ang motibo nito sa pagiwan ng pampasabog sa isang bus ng YBL.
LocalPatay na ng matagpuan sa daan ng Purok San Pedro, Barangay Poblacion Tampakan, South Cotabato ang isang laborer.
Kinilala ng Tampakan PNP ang biktima na si Rodrigo Bestrillo, at residente din sa lugar.
Ang wala nang buhay na katawan ni Bestrillo ay unang natagpuan ng isang Alexander Amadeo dakong alas dyes y medya ng gabi kamakalawa.
Ang biktima ay nasawi dahil sa tama ng bala ng di pa matukoy na uri ng armas sa kanyang batok.
Lumabas sa inisyal na imbistigasyon ng mga pulis na ilang oras bago natagpuang patay, si Bestrillo ay nakipaginuman pa sa ilang mga kaibigan.
Nagpapatuloy pa ang imbistigasyon ng Tampakan PNP para matukoy kung sino ang suspek at kung ano ang motibo nito sa pagpatay sa biktima.
LocalTiwala ang mga health officials sa South Cotabato na tuluyan nang masawata ang tatlong mga karamdaman sa lalawigan sa susunod na limang taon.
Kabilang sa mga sakit na ito ang malaria, leprosy at schistosomiasis.
Ayon kay Governor Daisy Avance Fuentes, inaasahan ang pagdeklara ng World Health Organization sa South Cotabato bilang malaria free sa susunod na taon.
Ito ay matapos lumabas sa pinakahuling datus ng integrated provincial health office o IPHO na walang naitalang bagong kaso ng malaria lalong lalo na sa mga boundary ng Sarangani at Sultan Kudarat.
Ang mga lugar ay tinukoy noon na endemic o mayroong mataas na kaso ng malaria.
Ayon kay Jose Baroquillo ang Provincial Malaria
Focal Person, ito ay resulta ng inter-malaria border operation ng IPHO.
Target naman ng IPHO na maideklara ang zero case ng leprosy sa South Cotabato sa susunod na dalawang taon.
Nabatid na ang lalawigan ay nakapagtala lamang ng mas mababa sa one percent sa kada sampung libong populasyon na kaso ng leprosy sa nakalipas na apat na taon.
Namigay na rin ng gamot kontra schistosomiasis ang IPHO sa bayan ng Tantangan at Koronadadal City, kung saan may pinakamaraming kaso nito.
Naniniwala naman si Fuentes na masawata ang nabanggit na mga karamdaman sa pakikipagtulungan ng mga mamamayan sa mga health workers ng lalawigan.
LocalHindi na makalabas ng kulungan ang suspected drug pusher na si Rohaida Salbaton.
Ayon kay Police Chief Inspector Joel Fuerte, ang chief of police ng Sto. Nino, si Salbaton ay hindi na pinayagan ng korte na makapagpyansa.
Ito ay matapos makuhanan ng isang malaking sachet ng suspected shabu, sa drug buy bust operation ng mga pulis sa Barangay Ambalgan, kamakalawa.
Nabatid na ang suspek ay magiisang buwan pa lamang nakalabas sa South Cotabato Rehabilitation and Detention Center dahil umano sa pagdadala at pagbebenta ng illegal drugs.
Si Salbaton ayon kay Fuerte ay tatlong beses ng naaresto dahil sa Illegal na droga.
Kasama nitong naaresto sa barangay Ambalgan si Richard Palermo ng Poblacion Sto.Nino.

Ang dalawang mga suspected drug courier at pusher ay pansamantalang nakaditine ngayon sa lock up cell ng Sto. Nino Municipal Police Station.
LocalTila naghahamon na naman ang mga masasamang loob sa Koronadal City.
Ito ay matapos nakawin ang isang motorsiklo na naka-park mismo sa South Cotabato Provincial Capitol Compound sa Alunan Avenue, Koronadal City.
Ayon sa City PNP ang nawawalang asul na xrm 125 motorcyle na may license plate SG 3161 ay pagaari ng provincial government ng South Cotabato.
Ito ay naka isyu sa kwarenta’y tres anyos na si Cornelio Pluma, kawani ng Provincial Environment and Management office o PEMO.
Sa sumbong nito sa mga pulis, ipinahayag ni Pluma na nadiskubre nito ang pagtangay sa motorsiklo dakong alas kwatro hapon kahapon.
Ayon kay Pluma iniwan nito ang motorsiklo sa provincial capitol compound at pumunta sa South Cotabato Gym para dumalo sa Civil Service Employees Week Celebration.
Laking gulat na lamang nito na sa kanyang pagbalik kinahapunan ay nawawala na ang motorsiklo.
Dahil sa tumataas na bilang ng mga motorsiklong ninakaw, mas pinaigting ngayon ng High Patrol Group ng South Cotabato ang kanilang kampanya kontra dito.
Ayon kay Police Chief Inspector, Arnold Carino, ang hepe ng HPG South Cotabato, nakatuon ngayon sa mga barangay ang kaniang information education campaign.
Target ng kanilang IEC campaign ang mga barangay officials na malaki ang maitutulong sa mga pulis para maresolba ang problema ng nakawan ng motorsiklo sa South Cotabato.
Nabatid na abot pitong motorsiklo ang ninakaw sa South Cotabato noong Setyembre. LocalNaaresto ang isang negosyante sa isinigawang buy bust operation sa National Highway ng Poblacion Makilala, North COtabato alas onse ng umaga kahapon.
Kinilala ni Makilala Deputy Chief Senior Ins. Argie Celeste ang suspek na si Panfilo Timbobolan Catapang Jr. Alyas Ondoy, 53 anyos na siyang target sa naturang operasyon at isang Rosito Bustamante, 41 anyos parehong mga taga Poblacion, Makilala.Ayon kay Celeste kabilang ang suspek na si Catapang si Top listed drug courier sa bayan sa ilalim ng Municipal Anti-illegal Drug Special Operations Team at matagal na ring minamanmanan ng mga otoridad.Nakuha mula sa mga suspek ang tatlong pininiwalaang shabu na ayon sa kanila nanggaling pa sa bayan ng Matalam.Sa Magpet, North Cotabato

Kulungan naman ang bagsak ng isang negosyante na itunuturong MAJOR DRUG COURIER sa bayan ng Magpet, matapos ilunsad ang buy bust Operation alas syete kagabi.Ang mga suspek ay kinilala ni Senior Ins. Felix Fornan, hepe ng Mgpet PNP na si Rodel Parcon Alcontin, 34 anyos na taga Poblacion Magpet kung saan nakuha sa kanya ang isang sachet ng pinaghihinalaang shabu at isang kalibre 45 na baril at dalawang magazine.Ayon kay Fornan matagal ng isinailalim sa surveillance si Alcontin matapos ang sunod sunod na reklamo laban sa kanya kaugnay sa ilegal nitong gawain sa nabanggit na lugar.Nakakulong na ngayon ang tatlong mga suspek sa Makilala PNP at Magpet PNP lock up Cell habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na isasampa laban sa kanila.
localIdinownload na ng National Housing Authority o NHA ang abot sa 2.5 million pesos na second trance para sa Indigenous People's Housing Project sa Sitio Malumpini, brgy. New Bulatukan,Makilala, North Cotabato.Sinabi ni NHA OIC District Manager Zenaida Cabiles, ang nasabing pondo ay gagamitin para sa pagpapatayo ng dagdag na 25 mga bahay para makumpleto ang 50 Houses na proyekto para sa mga piling Lumad settlers sa nabanggit na lugar.Kaugnay nito, magsasagawa ng pagpupulong ang Local Inter-Agency Committee ng Makilala LGU ngayong araw para pag-usapan ang estado ng iba pang proyekto ng bayan maging ang mga kontraktor nito.Samantala, sa isinagawa namang pagkumpirma ng NHA sa lugar doon nila nakumpirma na ilan sa mga itinayong bahay ay sira na kung saan hindi ito nagtugma sa naaprobahang project specifications dahilan para irekomenda ng komite na ipapaayos sa krontaktor ang mga depektibong istruktura.Una nang inireklamo ng mga IP leader ang biglaang pagkawala ng kontruktor dahilan ng pagkakadelay sa proyekto. Ayon kay Cabiles temporaryong natigil ang naturang proyekto matapos magkaproblema ang kontruktor nito sa pagpapaakyat umano sa mga materyales dahil sa sirang daanan papunta sa area, na para naman sa NHA ay hindi sapat na dahilan para ihinto ang proyekto.LocalSinampahan ng kasong graft and corruption ni Matalam Municipal councilor Christopher Baracca ang mga Valdivieso na may hawak ngayon ng dalawang
pwesto sa bayan ng Matalam.
Kabilang sa sinampahan ng kasong paglabag sa RA Act 3019 o Graft and Corrupt Practices Act sina Matalam Mayor Oscar Valdeviezo anak niyang si Vice-Mayor Cheryl Valdeviezo-Catamco at Cotabato 3rd district Board Member Maybell Valdeviezo. Maliban dito, sinampahan rin sila ng gross misconduct and conduct prejudicial to the interest of service at neglect of duty sa ilalim ng Republic Act 6713 o Ethical Standards for Public Officials and Government Employees at paglabag sa Presidential Decree 807 o Civil Service Rules.Ginawa umanong basehan ni Barraca sa kanyang pagsamapa ng kaso sa mga Valdivieso sa Office of the Ombudsman – Mindanao ang mga findings sa Commission on Audit noong 2013 at 2014.

Isinampa ito ni Barraca noong September 8, 2015.Kaugnay nito, Kinuha rin ng DXND Radyo BIDA ang panig ng mga Valdiveso kung saan naging tagapagsalita ng mga ito si Matalam Vice-Mayor Cheryl Catamco- Valdivieso.

Ayon kay Vice Mayor Catamco malinaw na pamumulitaka lamang ang ginawa ni Baracca.Alam kasi raw ni Barraca na tatakbo bilang alkalde ng Matalam si Vice Mayor Catamco.

Nabatid na tatakbo rin si Barraca bilang municipal Councilor sa ilalim ng ibang partido.Kasama umano sa kanyang line up ngayong darating na 2016 elections ay kabilang rin sa mga nagfile ng kaso laban sa mga Valdivieso. LocalUnang araw pa lamang ng bagong Chief Of Police ng Kidapawan City PNP na si Supt. John

Calinga kaagad na itong hinamon City Mayor Evangelista.Ayon kay Evangelista nais niyang tutukan at ipagpatuloy ng bagong hepe ang OPLAN

SLEEPLESS NIGHTS sa mga menor de edad na una na ring sinimulan ni Supt. Franklin Anito

kasama ang TMU, City Health at CSWD sa lungsod.Mandatu ng alkalde na mas higpitan pa ang kanilang operasyon para wala nang makikitang

menor de edad sa mga internet cafe, videoke bars tuwing dis oras ng gabi at maging ang

mga pagsulputan ng mga gangs sa mga paaralan sa Kidapawan.Iginiit rin ni Evangelista ang ALL OUT WAR against ilegl drugs sa lungsod. Itong lahat naman para kay Calinga ay hindi niya magagawa kung wala ang suporta ng

alkalde, ni CPPO Director Senior Supt. Alexander Tagum at maging ngkomunidad.
Sa mensahe ni Calinga kahapon inisa isa nito ang kanyang mga nangungunang tutukan sa

kanyang panibagong simula sa serbisyo at kabilang na rito ang Gangs sa mga eskwelahan,

illegal drugs, quick response team, deployment sa mga pnp personnel sa Kidapawan City,

magandang relasyon sa loob ng trabaho at iba pa.
Samantala kasabay ng turn over ceremony, namigay rin si Mayor Evangelista ng 20 mga hand

cups para sa City PNP at snifer riffle para mismo kay Supt. Calinga. HEALTH
NEWS-

Alam nyo ba na mayroong mga fats na
mabuti sa katawan, pero mayroon rin namang mga nakasasama?

Ang lahat ng pritong pagkain kahit pa
niluto sa vegetable oil ay hindi makabubuti.

Dati, sinasabing ang margarine ay mas
mabuti kaysa sa butter, pero nang maglabasan ang katototahanan sa hydrogenated
oil products, nagkaroon ng masamang reputasyon ang margarine.

Ang mga shakes at creamy drinks ay puno
ng mga trans fats na maaring magdulot ng pagkakasakit pagtagal.

Karamihan sa mga pies na nabibili sa
groceries ay puno rin ng trans fats.

Marami ring biscuit at tinapay na
nabibili over-the-counter ang may trans fats at hydrogenated oils.

Kaya naman mas makabubuti na kung hindi
maiiwasan, gumawa na lamang ng home-made at alisin ang taba o di kaya ay
tignang mabuti ang packaging bago bumili.

New airline to fly across BARMM

COTABATO CITY — Bangsamoro Airways, a pioneering airline based in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), will begin flying...

PBBM to PNPA grads: Maximize technology to fight crime, serve

SILANG, CAVITE – President Ferdinand R. Marcos Jr. on Friday called on the new graduates of the Philippine National Police Academy (PNPA) to...

Picong ambush suspect falls during hot pursuit operation

PICONG, Lanao del Sur - After a thorough investigation and follow-up operation, operatives were able to identify the seven individuals involved in...

NDBC BIDA BALITA (April 19, 2024)

  HEADLINES 1   BABAE patay sa ambush sa Maguindanao del Sur; Pulis naman sugatan sa ambush sa Lanao del Sur 2  ...