Friday Apr, 26 2024 06:02:07 AM

NDBC BIDA BALITA Oct. 22, 2015

 • 17:07 PM Thu Oct 22, 2015
1,658
By: 
NDBC News and Current Affairs

NEWSCAST

OCTOBER 22, 2015
(HUWEBES)
7and00 AM

HEADLINESand

1. LALAKI, PATAY sa panibagong kaso ng pamamaril
sa Cotabato city at magnanakaw, hinabol at binaril naman ng ilang residente ng
lungsod.

2. SAMPUNG suspected drug pushers, huli
sa raid ng PNP at CIDG sa apat na mga drug den sa Matalam, North Cotabato

3. Nag-amok na lalaki na nanlaban sa mga
pulis, patay sa Columbio, Sultan Kudarat

4. NTC-12, nagbabala sa publiko laban sa text scam. Huwag itong paniwalaan, payo nito sa lahat.

Local...

AGAD
NA NASAWI ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng di pa nakikilalang suspek sa
Marquez street, Barangay Poblacion Mother, Cotabato city, pasado alas dos ng
hapon kahapon.

Kinilala
ng city PNP ang biktima na si Noel Crias Mandalbos, 25 years old, taga-Nuling,
Sultan Kudarat, Maguindanao.

Batay
sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, naglalakad lang si Mandalbos sa naturang
lugar nang lapitan ng nag iisang suspek at pinagbabaril gamit ang cal. 45 pistol.

Nagtamo
ng tama ng bala sa kanyang dibdib at likuran ang biktima na naging dahilan ng
agaran niyang pagkamatay.

Sa
ngayon ay blangko pa rin ang city PNP sa motibo at pagkakakilanlan ng suspek sa
naturang krimen.

UNA
RITO, nabaril at sugatan naman ang isang pinaghihinalaang notoryus na kawatan
sa lungsod matapos na habulin at kuyugin ng mga galit na mga resident eng
barangay Rosary Heights mother.

Sa
ngayon ay hinihintay na lang ng mga pulis na bumuti ang kalagayan ng suspek na
si Ronnie Fernandez Medel,

May
warrant of arrest sa kasong robbery.

Nabatid
na ihahain sana ng mga pulis kay Medel ang naturang warrant of arrest ng
sinubukan nitong tumakas pasado alas tres ng madaling araw kahapon.

Tumakbo
patungong Oblate Drive ang suspek habang hinahabol ng mga pulis.

Tumulong
na rin ang mga residente sa lugar sa pagtugis kay Medel hanggang sa mabaril
siya ng isa sa mga ito.

Nagtamo
ng tama ng bala sa kanyang kanang hita si Medel mula sa hindi pa matukoy na uri
ng baril.

Agad
isinugod ang suspek sa pagamutan para malapatan ng lunas.

Nabatid
na ang warrant of arrest para kay Medel ay inisyu ni Cotabato RTC Branch 13
Judge Bansawan Ibrahim noong pang May 6, 2013. Local...Ipinagtanggol lamang ng mga pulis ang kanilang sarili. Ito ang ipinahayag ni Police Senior Inspector Bernard Francia ang Chief of Police ng Columbio, Sultan Kudarat matapos mabaril at mapatay ng mga ito ang nag-amok na lalaki.Kinilala ni Francia ang nag-amok na suspek na si Anwar Tamanso Olangkaya, trenta anyos, residente ng Datu Paglas Maguindanao.Ayon kay Francia, habang naglalakad ang suspek sa barangay Poblacion, tinututukan nito ng dalang 45 pistol ang sinumang makasalubong kamakalawa ng umaga.Ito ayon kay Francia ay ikinatakot naman ng mga mamamayan na agad na nagsumbong sa mga pulis. Inihayag ni Francia na sa kabila ng makailang beses na pagkumbinse ng mga pulis tumangi si Olangkaya na ibaba ang dalang baril at patuloy lamang sa paglalakad.Nang umabot na ang mga ito malapit sa Columbio National High School, muling kinumbinse ng mga pulis si Olangkaya na bitawan ang baril at sumuko.Ngunit sa halip na sumuko ng matiwasay binaril nito ang mga pulis dahilan para tamaan sa kanyang paa ang isang SPOI Noramin Alas.Gumanti naman kay Olangkaya ang mga pulis. Ang umano’y nag amok na si Olangkaya ayon kay Francia ay dead on arrival sa ospital dahil sa tama ng baril sa kanyang paa at tagiliran. Local NAKABINBIN
ngayon sa Committee on Labor and Employment ng Sangguniang Panglungsod ng
Cotabato ang panukalang nag-aatas sa mga business establishment sa lungsod na
bigyang prioridad ang mga residente dito at out of school youth sa pagkuha ng
mga manggagawa.

Sa naturang
panukala ni city councilor Bruce Matabalao, nakasaad na dapat ay 50% ng mga
manggagawa ng isang business establishment ay residente ng lungsod habang 20%
naman ay out of school youth na may kakayahan at kwalipikadong magtrabaho.

Ang naturang
panukala ay pumasa na sa unang pagbasa at inaasahang isasalang sa pangalawang
pagbasa sa susunod na linggo.

Nabatid na
may ilang mga pagbabago lang na gagawin sa naturang panukalang-batas base na
rin sa rekumendasyon ng mga business owner sa lungsod.

Sabi ni
Matabalao, inihain niya ang naturang kasunod ng sunod sunod na pagbubukas ng
mga malalaking mall at department store sa lungsod para mabigyan ng pagkakataon
ang mga mamamayan ng lungsod at mga out of school youth na makapag trabaho.

Local... ISANG
LINGGO bago mag-Undas ay puspusan na ang monitoring ng Department of Trade and
Industry o DTI sa presyo ng mga bulaklak at kandila sa mga pamilihan.

Ito ay
para m atiyak na sumusunod sa itinakdang suggested retail price o SRP ng DTI ang
mga negosyante.

Una ng
naglabas ng SRP para sa kandila at mga bulaklak ang DTI para maging gabay ng mga
mamimili sa tamang presyo ng naturang mga produkto.

Sinabi
ni DTI Undersecretary Victorio Dimagiba na layon nitong makapamili ng mura at
dekalidad na kandila at mga bulaklak ang mga mamimili sa mga pamilihan.

Maaaring
makita sa official website ng ahensiya na and//www.dti.gov.ph www.dti.gov.ph ang SRP ng mga kandila
at bulaklak.

Samantala,
sa Cotabato city, inaasahan namang tataas ang presyo ng mga bulaklak at kandila
sa mga pamilihan kaya ngayon pa lang ay abala na ang DTI at maging ang lokal na
pamahalaan ng lungsod sa pagbibigay ng abiso sa mga negosyante.

Kaugnay
naman sa seguridad ng mga bibisita sa mga sementeryo, nakatakdang magpulong ang
mga pulis at sundalo sa lungsod para matiyak na mababantayan ang mga sementeryo
at iba pang mataong lugar laban sa mga masasamang loob na maaaring manamantala
sa naturang okasyon.

May
inihahanda na ring traffic rerouting scheme ang Traffic Management Unit para
matiyak na hindi gaanong magsikip ang daloy ng trapiko sa November 1 at 2.

Local... UMAASA
ngayon si Cotabato city mayor Jojo Guiani na kilalanin bilang isa sa Most
Business Friendly Cities and Municipalities ang lungsod.

Kahapon,
isinagawa ang final judging para sa naturang patimpalak.

Sabi
ni Guiani, ang Cotabato City ang nag iisang LOCAL GOVERNMENT UNIT at MORO-GOVERNED
CITY sa Mindanao na napabilang sa mga finalist.

Ang Search
for the Most Business Friendly Cities and Municipalities ay taunang ginagawa ng
Philippine Chamber of Commerce and Industry para bigyang parangal ang mga LGU
na may mahusay na TRADE AND INVESTMENT POLICIES at SOUND FINANCES.

Nabatid
na noong nakaraang taon, kabilang ang Cotabato city sa Top 3 Most Business
Friendly Cities and Municipalities sa buong bansa.

Local...Tatalakayin ngayon araw sa gagawing Municipal Peace and Order Council meeting sa bayan ng Magpet ang ibat ibang kaso ng pamamaril na naitala ngayong buwan na kinasasangkot ng mga lumad na biktima at mga rebel returnee.Sinabi ni Mayor Florenito Gonzaga, layunin ng MPOC na makabuo ng isang resolusyon para masolusyunan ang problema sa lugar na umano kagagawan ng mga New People's Army o NPA.Ayon kay Gonzaga, bagaman at itinuturing nilang isolated ang mga kaso, aminado naman siyang nagdudulot na ito ng takot sa komunidad lalo na sa mga lugar kung saan naganap ang krimen.Pero sa kabila nito tiniyak ng akalde na nananatiling mapayapa ang bayan ng Magpet para sa mga residente, negosyante at sa mga bibisita rito.Apela lamang ng opisyal sa mga makakaliwang grupo na tigilan na ang mga kaparehang gawain at hayaan ang mga rebel returnee na bumalik sa kanilang mga normal na buhay.Matatandaang mahigit sampung mga dating miembrio ng NPA ang nagbalik loob sa goyernong sa pamamagitan naman ng Peace and Development Outreaceh Program o PDOP ng 57th Infantry Batallion ng Philippine Army na ngayon ay pinalitan na ng 39th IB na nakabase sa Makilala, North Cotabato. Local...Inaanyayahan ni Kidapawan City Councilor Jiv-Jiv Bombeo ang publiko na dumalo sa gagawing public hearing sa kanyang limang mga proposed ordinaces ngayong araw.Una nito ang proposed ordinances 15-070 at 15-065 o an Ordinance regulating the operation of recruiters and or recruitment agencies sa Kidapawan City.Gagawin ito ngayong alas otso ng umaga hanggang alas dose ng tanghali sa Kidapawan City Convention Center sa Deped.Tatalakayin rin ang proposed ordinances Number 15-060, 15-061, 15-062, 15-063, 15-066, at 15-068.Ang mga nabanggit na ordinansa ay naka sentro sa issuance, renewal, substitution, transfer, at suspension o cancellation sa mga motorized-tricycles for hire at operators permit sa Kidapawan CityAng public hearing sa naturang mga proposed ordinances ay gagawin ala una ng hapon hanggang alas-singko ng hapon sa Kidapawan City Pilot Covered Court.
Ilan lamang ito sa 35 mga proposed ordinances na inilatag ni Councilor Bombeo noong nakaraang buwan. Local...KASABAY ng dragnet operation at raid sa apat na mga nangungunang shabu tiangge sa bayan ng Matalam, ang Oplan Lambat Bitag Sasakyan naman ang inilunsad kahapon ng mga elemento ng Cotabato Police Provincial Office o CPPO.
Abot sa 100 mga motorsiklo at tricycle na walang mga prangkisa, lisensya, at iba pang dokumento ang naka-impound ngayon sa municipal gym sa Poblacion ng Matalam.
Posible, ayon kay Senior Inspector Ramel Hojilla, pinuno ng CPPO operation section, ang ilan sa naturang mga sasakyan ginagamit sa ilegal na gawain, tulad ng pagtutulak ng shabu, pagnanakaw ng mga sasakyan, pagpatay, at iba pa.
Sinabi ni CPPO provincial director Sr. Supt. Alex Tagum na ang Oplan Lambat Bitag Sasakyan ay isa lamang sa kanilang mga istratehiya para mahuli ang mga kriminal.
Paraan din nila para mapanatili sa lalawigan ang katahimikan at kaayusan.
SAMANTALA, plano ng CPPO bumili ng drone o unmanned aerial vehicle.
Ayon kay Tagum, malaki ang maitutulong ng drone, lalo na sa paghahanap ng mga criminal.
Ginawa niya’ng halimbawa ang operasyon nila sa Purok Krislam, Poblacion ng Matalam. Nagtagumpay umano sila na maaresto ang may 10 kalalakihan na nagtangkang tumakas at magtago sa putikan at damuhan makaraang lusubin nila ang erya, kahapon.
Mismong si Tagum ang hihingi umano ng pondo sa opisina ni Cotabato Governor Lala Mendoza para ito maisakatuparan. Local... NAKABINBIN ngayon sa Committee on Labor and Employment ng Sangguniang Panglungsod ng Cotabato ang panukalang nag-aatas sa mga business establishment sa lungsod na bigyang prioridad ang mga residente dito at out of school youth sa pagkuha ng mga manggagawa.Sa naturang panukala ni city councilor Bruce Matabalao, nakasaad na dapat ay 50% ng mga manggagawa ng isang business establishment ay residente ng lungsod habang 20% naman ay out of school youth na may kakayahan at kwalipikadong magtrabaho.Ang naturang panukala ay pumasa na sa unang pagbasa at inaasahang isasalang sa pangalawang pagbasa sa susunod na linggo.Nabatid na may ilang mga pagbabago lang na gagawin sa naturang panukalang-batas base na rin sa rekumendasyon ng mga business owner sa lungsod.Sabi ni Matabalao, inihain niya ang naturang kasunod ng sunod sunod na pagbubukas ng mga malalaking mall at department store sa lungsod para mabigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan ng lungsod at mga out of school youth na makapag trabaho. Local...Nasawi ang isa katao habang sugatan naman ang isa pa sa banggaan ng isang pick up truck at motorsiklo sa National Highway, Barangay Liwanay, Banga, South Cotabato dakong alas syete kamakalawa ng kagabi.
Kinilala ng Banga PNP ang biktima na si John Lamprea, kwarenta’y kwatro anyos, empleyado ng Department of Agrarian Reform o DAR South Cotabato.
Si Lamprea ay dead on arrival sa ospital dahil sa malalang mga sugat na natamo nito.
Ang angkas naman nitong si Christine Pinas, biente kwatro anyos,kawani ng local government ng Surallah na sugatan din ay ginagamot pa sa isang pribadong ospital. Lumabas sa inisyal na pagisisyasat ng pulisiya na habang minamaneho ni Lamprea ang isang susuki raider motorcycle, aksidententeng nabangga nito ang Isuzu Pick Up na pagaari ng Euro Hydro Power Holdings.
Ayon sa PNP nawalan umano ng kontrol ang driver ng pick up nang mag-overtake sa isang sasakyan at biglang inokopa ang lane ng motorsiklo na nagresulta naman sa road accident.
Kinilala ng pulisiya ang driver ng pick up na si Antonio Aquino Jr, kwarenta’y dos anyos , residente ng General Santos City.
Si Aquino ay inilagay sa custody ng Banga PNP, habang nagpapatuloy pa ang kanilang imbistigasyon sa insidente. Local...Magingat sa sa mga text scam.
Ito ang hiniling ni Froilan Jamias ang Regional Director ng National Telecommunications Commission o NTC 12 sa publiko.
Inihayag ni Jamias na kadalasang naging modus ng mga suspek ang pagpapdeposito ng pera sa isang account para gamitin sa pagproseso sa napanalunan umanong pera.
May pagkakataon din ayon kay Jamias na ang load na kanilang hinihingi sa kanilang mga biktima ay ibenebenta din ng mga scammer sa ibang bansa.
Ayon kay Jamias, may pagkakataon ding ginagamit ng mga scammer ang Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO para makapangloko.
Pero ang pinakamadalas ayon kay Jamias ay ang paghingi ng pasalod ng mga ito.
Payo ni Jamias sa mga mamamayan, kapag nakatanggap ng mga text messages na nagsasabing nanalo sila sa raffle, huwag itong pansinin.
Maari rin nila itong ireport agad sa NTC matapos ma-capture ang buong text, ilagay ang pangalan, address at contact number.
Maari itong i fax sa 228-9808, pwede ring mai-scan o ipadala sa email sa NTC para mai-block ang sim ng sender. Local...Kinumpirma ni Seigfred Flaviano, ang OIC ng Provincial Environment and Management Office ng South Cotabato na nakaapekto na rin sa lalawigan ang wildfire sa Kalimantan at Sumatra, Indonesia.
Ito ayon kay Flaviano ay batay naman sa ulat ng Pagasa.
Ayon kay Flaviano, nilipad ng hanging dala ng bagyong Lando patungo sa ilang bahagi ng Mindanao ang haze mula Indonesia.
Gayunpaman,nilinaw ni Flaviano na walang gaanong epekto sa kalusugan ng publiko ang haze na umabot sa South Cotabato at mga karatig lugar.
Paliwang ni Flaviano ang haze na nakaabot sa lalawigan ay minimal lamang at matatagpuan sa pinaka mataas na bahagi ng atmosphere.
Gayunpaman ayon kay Flaviano, labis na maapektuhan nito ang mga saskayang panghimpapawid.
Sa katunayan ayon kay Flaviano, ang haze na nagresulta sa low visibility ay naging sanhi ng pagkaantala ng ilang flight sa General Santos City.
Sa ngayon ayon kay Flaviano ay patuloy na nakikipag ugnayan ang PEMO sa EMB-DENR at pagasa para makakuha ng update sa maaring epekto ng haze sa South Cotabato at mga karatig lugar. Local...Kulong ang isang CAFGU matapos makuhanan ng mahigit isang daang libong pisong halaga ng dried Marijuana leaves sa Tampakan, South Cotabato.
Kinumpirma ni Col Ronald Jess Alcudia ang Commanding Officer ng 27th IB ang nahuling suspek ay myembro ng CAFGU na nakatalaga sa detachment kng 27 IB sa bayan ng Tantangan.
Tumanggi muna si Alcudia na pangalanan ang suspek habang patuloy pa itong iniimbistigahan ng mga otoridad.
Isinagawa ng mga otoridad ang pag-raid sa bahay ng suspek kahapon.
Maliban sa dried marijuana leaves nakumpiska din ng raiding team mula sa bahay ng suspek ang paltik na shot gun at mga bala nito , granada at drug paraphernalia.
Nabatid na ang pag raid sa tahanan ng suspek ay pinangunahan ng Philippine Drug Enforcement Agency o PEDEA 12.Ayon kay Alcudia pagkakatanggal sa serbisyo ang maaring kahaharapin ng naarestong CAFGU.

1 patay, 3 huli sa gun buy bust sa Maguindanao del Sur

TALAYAN, Maguindanao del Sur - ISA sa ang patay matapos mauwi sa shootout ang ikinasang firearms buy bust operation ng CIDG-BARMM sa Barangay...

AFP chief hails bravery of 7 soldiers hurt in clash vs. BIFF

MANILA – Armed Forces of the Philippines (AFP) chief Gen. Romeo Brawner Jr. on Wednesday visited and lauded the seven wounded soldiers for their...

Cotabato Light: April power bill for residential slightly higher

COTABATO CITY - The overall residential rate of Cotabato Light & Power Company (Cotabato Light) is higher by 0.2408 centavos, or equivalent to a...

Villagers displaced by hostilities between 2 Moro factions

COTABATO CITY - A Moro gunman was killed while six others were reportedly hurt in a series of gunfights on Wednesday afternoon in Barangay Banucagon...

300 pamilya, lumikas dahil sa bakbakan ng dalawang armed groups sa Pigcawayan

LUMIKAS ang nasa 300 mga indibidwal mula Barangay Banucagon, Pigcawayan, Cotabato nang sumiklab kahapon ng hapon ang bakbakan sa pagitan ng dalawang...