Friday Mar, 29 2024 10:45:52 PM

NDBC BIDA BALITA Oct. 23, 2015

 • 16:22 PM Fri Oct 23, 2015
1,581
By: 
NDBC News and Current Affairs Team

NEWSCAST

OCTOBER 23, 2015
(FRIDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. BARANGAY TREASURER, pinagbabaril sa Sultan
Kudarat, Maguindanao, patay.

2. Magpet peace and order Council,
mariing kinondena ang pagpatay sa mga lumad leader sa bayan

3. Pinoy Games Mindanao leg, pasisimulan na sa Koronadal, mga atleta dumating na.4. 2 babaeng taga Polomolok, nagbenta ng Hilux pero sasakyan kinarnap, mga biktima iniwan sa Cotabato City5. Motion, ihaharap sa Supreme Court para ipagtanggol ang FAB, CAB

Local DEAD
ON THE spot ang isang barangay treasurer matapos pagbabarilin ng hindi pa
nakikilalang suspek pasado alas otso ng umaga kahapon sa Barangay Darapanan,
Sultan Kudarat, Maguindanao.

Kinilala
ang biktima na si Kuntir Dalaig Naning, 52 years old, treasurer ng barangay Nekitan,
ng naturang bayan.

Batay
sa inisyal na imbestigasyon ng Sultan Kudarat PNP, sakay ng isang Kawasaki Baja
motorcycle si Naning papunta nang national highway nang pinara ito ng suspek at
pinagbabaril.

Agad
namang tumakas ang suspek papunta sa hindi pa malamang direksyon.

Narekober
ng mga rumespondeng pulis sa crime scene ang 11 basyo ng bala ng M16 rifle na
pinaniniwalaang ginamit ng suspek sa pamamaril kay Naning.

Sa
ngayon ay pa natukoy ng Sultan Kudarat PNP ang motibo ng suspek sa nasabing
pamamaril.

Samantala,
sa Cotabato city naman, isa ring lalaki ang nasawi sa panibago na namang insidente
ng pamamaril sa lungsod.

PATULOY
PANG KINIKILALA ngayon ng City PNP ang biktima na binaril at napatay ng di pa
nakikilalang suspek pasado alas dos nang madaling araw kanina sa Apitong
street, Barangay Rosary Heights 11, ng lungsod.

Inilarawan
sa report na ang biktima ay nasa edad 25 hanggang 30 years old, nakasuot ng
kulay gray na sando at kulay pulang skinny shorts.

Ito
ay nagtamo ng tama ng bala mula sa kalibre 45 na pistola sa kanyang likod at
batok.

Sinubukang
kilalanin ng mga barangay officials ng RH-11 ang biktima pero nabigo ang mga
ito.

Sa
ngayon ay nasa Villa Funeral homes na ang bangkay ng naturang biktima.

Local...Patay na ng matagpuan ang isang lalaki matapos umanong malunod sa isang ilog sa brgy. Libuo, Mlang North Cotabato kahapon ng gabi.Kinilala ni Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer Constantino Diason ang biktima na si Junny dela Cruz, 56 anyos na nakatira rin sa brgy. Libuo, Mlang.Ayon sa report pasado alas dyes noong miyerkules ng umalis ang biktima para umano mangisda.Bitbit naman ni Dela Cruz ang kanyang flashlight at pana gamit pangisda na unang narekober sa ilog.Agad namang rumisponde ang MDRRMC para sa rescue operation matapos ring matanggap ang tawag mula sa isang brgy. kagawad sa lugar.Ilang oras pa naghanap ang mga otoridad at mabuti na lamang ay nahawakan ng isa sa mga nag rescue ang biktima ng sisirin ang ilog dahil hindi ito lumutang.Wala namang nakikitang foul play ang mga otoridad na posibleng ikinamatay ng biktima kundi ang pagkakalunod lamang nito.Ayon kay Diason hindi naman malakas ang tubig ng mangyari ang insidente.Posible umanong nadulas ang biktima at nawalan ito ng balanse dahil ayon sa salaysay ng kaniyang pamilya lasing ito ng umalis ng bahay para mangisda. Local...Mula sa 38 na real properties na isasailalim sana sa Public Auction na naka schedule kahapon, siyam na lamang dito ang naisubasta ng Kidapawan City LGU.Ang naturang bilang ay bunga na rin ng pagtugon ng mga may-ari ng mga delinkwenteng lupa, gusali at makinarya na bayaran ang kanilang buwis sa City hall matapos ideklarang isusubasta na ang mga ito.Sinabi ni City Legal Officer Atty. Jose Paulo Evangelista paraan lamang ito para maisulong ang tax collection campaign sa lungsod.Ang naturang Public Auction ay base naman sa Section 54 ng Local Government Code na nagbibigay kapangyarihan sa mga LGU na magsagawa ng pagsusubasta sa mga delinkwenteng real properties.Kabilang na rito ang lupa, gusali at makinaryang pag-aari na hindi nakabayad ng real property taxes ng isa o mahigit pang mga taon sa City Government.Sa tala ng City Treasurer's Office, anim na lupang taniman o agricultural land at tatlong residential lots ang isinailalim sa Public Auction kahapon.Panawagan ngayon ng City LGU na samantalahin ang pagbabayad ng buwis lalo na at nasa hulinh quarter na ang taong 2015.
Local...Nakahanda ang pulisiya na bantayan ang seguridad ng mga delegado at maging mga manonood sa Mindanao Leg ng Batang Pinoy Games sa Koronadal City.
Ito ay tiniyak mismo ni Superintendent Nestor Salcedo, ang Chief of Police ng Koronadal.
Sa katunayan ayon kay Salcedo sinimulan na ng City PNP ang pagbabantay sa mga billeting quarters ng mga delegado na dumating sa lungsod kamakalawa.
Ayon kay Salcedo maliban sa mga billeting quarters, pinaiigting din ng PNP ang pagbabantay sa mga playing venues at Koronadal City Hall.
Inihayag ng Police Official na katuwang ng mga pulis sa pagpapanatili ng katiwasayan sa Koronadal ang augmentation force mula sa PNP 12 Regional Headquarters, South Cotabato Provincial Police Office, 27th IB ng militar at Barangay Peace Keeping Action Team o BPATs.
Pinaalahanan din ni Salcedo ang mga mamamayan na habang nanonood at nakisaya sa iba’t ibang mga sports event,dapat ay huwag ding kalimutan ng ang kanilang kaligtasan.
Payo ni Salcedo sa mga mamamayan maging mapagmatyag at agad na ireport sa mga kinauukulan kung may makikitang kahina-hinalang bagay o personalidad sa kanilang kapaligiran.
Umaapela din si Salcedo sa mga taga Koroandal City at karatig lugar na suportahan ang Batang Pinoy Games na magaganap sa Octobre biente kwatro hanggang biente nuebe.
Local...Umaabot na sa mahigit isang libong mga atleta sa Mindanao Leg ng Batang Pinoy games ang nakapagpatala kahapon sa city Hall Lobby.
Unang dumating sa lungsod ang mga delegado mula Tawi-tawi, Zamboanga Sibugay, South Cotabato, at General Santos City.
Kabilang din sa mga nakapagpatala ang mga atleta ng host city na Koronadal.
Ayon kay Atty. Jay Alano, Project Director ng Philippine Sports Commission o PSC,inaasahan nilang makikilahok sa batang Pinoy games ang may apatnalibong mga atleta.
Ayon kay Alano bukod sa katiwasayan sa Koronadal napili para maging venue ng patimpalak ang lungsod dahil na rin sa suporta ng lokal na pamahalaan. Ipinahayag naman ni Koronadal City Sports Coordinator Tony Aguilar na dalawamput dalawang mga local government units sa Mindanao ang nagkumpirmang lalahok sa Batang Pinoy Games.
Ang anim na araw na patimpalak ay sisimulan sa pamamagitan ng parada sa mga pangunahing kalye ng Koronadal.
Ito ay magtatapos naman sa Koronadal City Hall, kung saan din gaganapin ang opening program sa Sabado.
Local...Magpapadala ng tulong para sa mga biktima ng bagyong Lando sa Luzon ang lokal na pamahalaan ng Koronadal.
Ito ay ayon kay Cyrus Urbano ang action officer ng City Disaster Risk Reduction and Management Council o CDRRMC.
Kaugnay nito, umapela naman ng tulong para sa mga biktima ng bagyo si Urbano.
Ayon kay Urbano tatanggap ng in cash o in kind na tulong ang City LGU.
Ang mga ito ay maaring ihatid sa city hall lobby.
Maari ring makipag ugnayan sa CDRRMC office ang mga may magagandang loob na magbibigay ng tulong sa mga sinalanta ng bagyong Lando.
Local...Magpapalabas ng advisory ang Department of Health o DOH Region 12 hinggil sa nararanasang Haze sa buong rehiyon.
Sinabi ni DOH 12 Assistant Regional Director Dr. Francisco Mateo na ang nakikitang usok o ang haze ang dahil na rin sa wildfire sa Indonesia.
Meron umano itong mga pollutants na kasama na posibleng magdulot ng sakit.
Dagdag pa nito na naka depende sa level ng pollutants na napasama sa hangin ang pwedeng magdulot ng Asthma at ubo.
Pwede rin na madagdagan ang mga respiratory related diseases depende sa resistensya ng tao.
Bagamat tolerable pa naman ang sistwasyon, payo nito sa publiko na uminom ng maraming tubig at iwasan ang paglabas ng bahay kung walang importanteng gagawin.
Nakikipag-ugnayan na ang DOH 12 sa DENR-EMB 12 hinggil naman sa test sa kanilang gagawin.
Local...Patay ang isang dalaga matapos umanong malunod sa irrigasyon sa Barangay Carpenter Hill Koronadal City.
Kinilala ni Carpenter Hill Chairman Benidicto Pasteras ang biktima na si Jennellyn Macarisas, biente otso anyos, at residente ng purok ng Paglaum sa lugar.
Ayon kay Pasteras natagpuan ang wala nang buhay na katawan ng biktima dakong alas kwatro ng hapon kamakalawa.
Inihayag ni Pasteras, na huling nakitang buhay ang biktima na naliligo sa kanal ng National Irrigation Administration o NIA may limang oras bago bago ito natagpuang patay.
Ayon sa barangay Chairman, si Macarisas, ay posibleng inatake ng epelipsy habang naliligo sa irrigation kanal na naging sanhi ng kanyang pagkalunod.
Gayunpaman nagsagawa pa ng autopsy ang mga otoridad para matiyak na walang foul play sa pagkasawi ng biktima. Local...Limang mga resolusyon ang kaagad naaprubahan kahapon sa isinagawang Municipal Peace and Order Council meeting ng Magpet LGU kaugnay sa insidente ng pagpaslang sa mga lumad leaders sa bayan.Una ay ang pagkondena sa ginawang pagbaril at pagpatay ng New People's Army o NPA sa mga Lumad Leaders, paghikayat sa militar o CAFGU na magtayo ng dagdag na detachment sa mga liblib na barangay ng Magpet, paghimok sa PNP na bumuo ng Special Investigation Team para matukoy na ang motibo at pagkakakilanlan sa suspek sa pagpatay sa IPMR ng bargy Don Panaca, Pang-apat, paghikayat sa GRP-NDF monitoring team na imbestighan ang kaso sa mga Lumad, at ang Panglima ay hiling sa Police Regional Office 12 na mananatili si Police Senior Ins. Felix Fornan bilang cheif of Police ng MAgpet PNP dahil sa maganda nitong nitong performance.Ayon kay Magpet Mayor Florenito Gonzaga, nakatakdang ipadala ngayon araw sa mga ahensyang responsable sa mga bagay na ito para mapag-aralan at tuluyan nang maiplementa.Sa naturang pagtitipon, ipinabatid rin ng Luimad leaders ang kanilang sentimyento at nangyaring pagpatay sa kanilang mga kapwa lumad na ngayon ay patuloy na humihingi ng hustisya.Hinamon rin ni 39th Infantry Battalion Civil Military Operations Head Captain Aldrin Moral na manatiling matatag para na rin sa kanilang tribu sa kabila ng mga pangyayari.Sinabi naman ni Cotabato Police Provincial Office Deputy Director Supt. Noel Kinazo, ang pagpatay sa rebel returnee ay nagpapakita lamang na ito ang magiging kahahantungan ng mga dating miembro ng NPA na ayaw pahintulutan ng mga rebelde na magbalik loob sa gobyerno at bumalik sa kanilang normal na buhay.
Sinampahan na ng kasong paglabag sa Presidential Decree no. 1602 o Illegal Gambling Act ang 36 na mga indibidwal na naaresto sa inilunsad na surprise raid ng Cotabato Police Provincial Office sa Kidapawan City.Pero sa huling update mula sa City PNP, mula sa nabanggit na bilang 19 rito ay nakapagpyansa na kahapon.Nanatili namang nakakulong sa lock up cell ng Kidapawan ang 17-katao na karamihan ay nagmula sa Kidapawan City at ang iba ay mula sa Davao del Sur.Una rito gabi noong lunes nang makatanggap ng report si CPPO Director Senior Sup. Alex Tagum sa umano nangyayaring sabong ng gagamba sa National Highway partikular sa gilid ng Penongs at Gasoline Station ng lungsod. Agad namang tinungo ng PNP ang nabanggit na lugar at matagumpay na naaresto ang mga suspek.Inilarawan pa ni Tagum ang area na parang isang maliit na sabungan kung saan napapalibutan ito ng matataas na bakod.Maituturing naman itong hindi basta bastang pasugalan ayon pa kay Tagum dahil malalaki umano ang mga pustahan ng mga suspek. Local...Naaresto ang dalawa katao matapos mahulihan ng kalibre 45 ng baril at mga bala sa inilunsad na Oplan Lambat Bitag Sasakyan ng mga otoridad sa National Highway ng Poblacion, Pikit, North Cotabato kahapon ng umaga.Mismong si Sr. Supt. Alex Tagum, ang Provincial director ng Cotabato Police Provincial Office o CPPO ang nanguna sa nasabing operasyon kasama ang Pikit PNP at iba pang mga himpilan ng pulisya sa lalawigan.Kinilala ang mga nahuli na sina Buwakan Aloy, 36-anyos at Pata Usman, 27-anyos parehong taga Brgy. Balong, North Kabuntalan Maguindanao.Nabatid na wala kasing maipakitang dokumento ang mga suspek dahilan para hulihin ang mga ito.Kasong paglabag sa illegal possession of firearms and ammunition ang kakaharapin ng mga suspek na ngayon ay nakakulong na sa Pikit PNP lock up cell.Samantala abot naman sa 115 mga motorsiklo at mga tricycle ang nahuli ng mga pulisya sa ikinasang ‘Lambat Bitag’.Ayon kay Tagum ang nasabing mga sasakyan ay nalambat dahil sa mga paglabag sa alituntunin ng traffic division ng PNP kagaya ng kawalan ng lisensiya, driver’s license, walang OR/CR, walang helmet at iba pa.Agad namang dinala sa LGU Pikit ang nahuling mga sasakyan.Ang Oplan kahapon ay ikalawang serye na sa Hihgway inspection ngayong linggo na inilunsad ng CPPO na bahagi rin ng kanilang kampanya sa anti-carnapping lalawigan ng North Cotabato. Local MAGHAHAIN ng Urgent
Motion for Leave to Intervene and to Admit Attached Comment-in-Intervention sa
Korte Suprema si Atty. Datu Michael Mastura ngayong darating na October 27.

Ito ay para
depensahan ang Framework Agreement on the Bangsamoro o FAB at Comprehensive
Agreement on the Bangsamoro o CAB na gustong ipawalang-bisa ng Philippine
Constitutional Association.

Si Mastura ay
senior member ng MILF Peace Negotiating Panel, dating miembro ng House of
Representatives at deligado ng 1971 Constitutional Convention.

Sabi ni
Mastura, ang nakatakda niyang paghain ng naturang intervention case sa Supreme
Court ay para sa maratabat o karangalan na maipagmamalaki ng Bangsamoro.

Kaugnay nito
ay hinihiling ngayon ni Mastura ang suporta ng lahat ng mga mamamayang
Bangsamoro para manalangin at patuloy na maniwalang may magaganap na pagbabago
sa Bangsamoro.

Aniya, walang
imposible kapag nagkaisa ang mga Bangsamoro sa pakikipaglaban para sa hustisya
at kalayaaan.

Local PATULOY
NGAYONG BINIBIREPIKA ng mga imbestigador ang iniulat ng dalawang indibidwal na
dumulog sa Police station 1 hinggil sa isang carnapping incident kahapon nang
hapon.

Ayon
sa salaysay ng mga biktimang sina Ariel Comia Bautista, 47 years old at Mary
Jane Corro Salazar, 41, pawang mga taga-Polomolok, South Cotabato, una silang
nakipagkita sa umano ay mga buyer ng sinasakyan nilang kulay puting Toyota
Hilux na may licensed plate ZNJ 944 at nakapangalan kay Gilbert Montes sa
Tacurong city.

Nakapost
kasi sa Facebook na ‘for sale’ ang nasabing sasakyan at doon din nagkasundong
bibilhin ng buyer ang hilux sa halagang 580 thousand pesos.

Pero
nang magkita ang mga ito sa Tacurong city at makasakay ang tatlong hindi pa
nakikilalang mga lalaking suspek sa sasakyan para mag test drive ay tinutukan
umano ng mga ito ng kalibre 45 pistola at piniringan pa ang mga biktima.

Dadag
pa ni Bautista at Salazar, ibiniyahe umano ng mga suspek ang sasakyan hanggang
dito sa Cotabato city at ibinaba sila ng mga ito sa City Plaza pasado alas tres
nang hapon kahapon.

Tinangay
umano ng mga suspek ang Toyota hilux patungong Sinsuat avenue.

Matapos
ang insidente ay agad namang nagtungo sa police station ang mga biktima para
magpasaklolo.

Winds destroy houses in Magsur, NoCot

COTABATO CITY --- Some 40 houses were destroyed by strong winds that pummeled lowlands in the adjoining towns of Montawal, Maguindanao del Sur and...

UK: Bangsamoro one of world’s few successful peace processes

MANILA – The United Kingdom has hailed the creation of the Bangsamoro region as one of the world’s few successful peace processes as it joined...

Antipas LGU releases official list of victims of highway mishap

OFFICIAL list of victims of March 25, 2024 vehicular accident involving passenger van and cargo truck. The list is from the local government of...

Cotabato Light announces April 6 power service interruption

Cotabato Light announcement:  To all our valued customers, please be informed of the scheduled power interruption affecting a portion of...

BARMM has new police regional director

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao Norte - Police Brig. Gen. Prexy Dugas Tanggawohn was installed as new police regional director for the Bangsamoro...