Saturday Jun, 22 2024 11:55:45 AM

NDBC BIDA BALITA Oct. 24, 2015

 • 15:59 PM Sat Oct 24, 2015
1,579
By: 
NDBC News and Current Affairs

NEWSCAST

OCTOBER 24, 2015
(SATURDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. Mag-asawa, inaresto dahil sa pagtutulak ng illegal drugs sa Maguindanao2. OFW na taga Pagadian, pinatay sa Mamasapano, Maguindanao.3. Batang Pinoy delegates sa Koronadal, nagreklamo kulang daw ang tubig. LGU, agad na umaksyon.4. Comelec-South Cotabato, nagsagawa na ng signal mapping upang matiyak ang maayos na PCOS signal sa 2016 elections

Local... NAKATAKDA
NANG sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 ang mag-asawang inaresto
ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA-ARMM dakong alas dose nang
madaling araw kanina sa Upper Capiton, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Kinilala
ang naarestong mag-asawa na sina Haron Macmod, 37 anyos, isang magsasaka,
number 2 priority target listed ng PDEA-ARMM at Annabelle Ebrahim na kilala rin
sa pangalang Annabelle Usman, 31 anyos, na nasa number 4 priority target listed
naman ng tanggapan sa lalawigan.

Nakuha
mula sa paghahalughog ng PDEA-ARMM ang dalawang malalaking sachet ng
pinaniniwalaang shabu na may lamang tig-25 gramo o may kabuuang 50 gramo at
tinatayang nagkakahalaga ng halos 100 libong piso.

Ayon
sa imbestigasyon ng PDEA-ARMM, malakihan ang ilegal na transaksyon ng mag-asawa
at si Macmod umano ang nakikipagtransaksyon sa mga kliyente habang si Ebrahim
naman ang kumukuha ng bayad.

Una
na umanong nahulihan si Macmod ng isang kilo ng shabu sa Davao city kung saan
ay nakulong ito siyam na taon na ang nakakaraan.

Pero
nakalabas ito noong taong 2012 dahil nailipat na ng assignment ang mga pulis na
nakahuli kay Macmod kaya bumalik din ito sa kanyang dating ilegal na aktibidad.

Gayunpaman,
hindi na nakalusot pa ang mag-asawa matapos maglabas ang Regional Trial Court
Branch 13 ng Search warrant na may lagda ni Judge Bansawan Ibrahim kaya agad
naglunsad ng operasyon ang PDEA-ARMM.

Local...PATULOY na
tinutugis ng mga otoridad ang suspek sa pagpaslang sa isang dating OFW sa Brgy.
Dabanayen, Mamasapano, Maguindanao.

Dakong alas-8
kamakalawa ng gabi ng pinagbabaril hanggang mapatay ang biktima na si Rodelyn
Ditulacan Garay, 32 years old, single, datign OFW at residente ng Pagadian
City.

Sa report,
agad na tumakas ang hindi pa nakikilalang suspek matapos ang insidente.

Nabatid na
naroroon ang biktima dahil bumisita ito sa kanyang kaibigan na residente rin ng
nasabing barangay na kinilalang si Saida AKmad, 29 years old.

Napagkasunduan
naman ng MAMASAPANO PNP at pamilya ng biktima sa Pagadian City na ilibing na
lamang si Garay sa parehong paraan ng kultura ng Muslim.

Nabatid na
mahigpit ring nakipagcoordinate ang mga kapulisan sa kapitan ng barangay
Dabanayen at maging sa karatig barangay upang mapasok nila ang criem scene na
isang liblib na lugar.

Dito
pinahintulutan ang mga otoridad na makapasok pero pinakiusapan silang wag
dalhin ang kanilang mga armas.

Patuloy naman
ang ginagawang imbestigasyon ng Mamasapano pnp sa naturang pamamaril.

Local...Ilang flights
na patungo at paalis ng Cotabato City ang kinansela dahil sa haze o usok mula
sa nasusunog na kagubatan sa Indonesia.

Dahil dito,
nakipagpulong na ang Civil Aviation Authority of the Philippines at Department
of Environment and Natural Resources sa Pagasa upang pag-usapan ang 'haze'.

Ayon sa
Pagasa, napagkasunduan na huwag munang payagan na makalipad paalis at patungo
ang mga eroplano sa Awang airport sa Cotabato City para sa kaligtasan ng mga
pasahero.

Nabatid na
lumawak na ngayon ang epekto haze sa Northern Mindanao, Caraga Region, at
Southern Mindanao.

Ang ilang
biyahe ng Cebu Pacific mula Manila papuntang General Santos ay na-divert na rin
sa Davao City.

Una rito, tiniyak ng Environmental Management Bureau o EMB-12 na ligtas
ang air quality sa Region 12 sa kabila ng presensiya ng haze na pinaniniwalaang
nanggaling sa forest fires na naganap sa Indonesia.

Ayon kay EMB-12 information officer Maysheen Collong, batay sa kanilang
ambient air monitoring systems, nakita na ang pollutants sa hangin ay nasa
standard level pa rin.

Pero sa kabila nito, ang reported cases ng respiratory-related diseases
sa mga residente simula nang magkaroon ng haze sa rehiyon.

Gayunman, base aniya sa resulta ng kanilang air quality monitoring,
maaaring hindi raw dahil sa haze ang pagtaas ng respiratory-related diseases
dahil nananatiling ligtas ang hangin sa rehiyon.

Local... NASA 280 na aplikante ang kukuha ng Philippine national Police
Academy admission test sa Cotabato City.

Ayon kay Police chief inspector Neil Gumana, ang chief examiner
ng Police station 2 sa lungsod, isasagawa ang exam bukas October 25, 2015 sa
Notre Dame University o NDU Cotabato, alas-7 ng umaga.

Ayon kay Gumana, posibleng umabot hanggang 19 thousand na
aplikante ng PNPA sa buong bansa.

At dito, sasailalim pa ang mga ito sa iba pang assestment
sakaling maipasa nila ang eksaminasyon.

Nilinaw naman ni Gumana na libre ang naturang admission test. Local...Problema ngayon ng ilang mga delegado sa Mindanao Leg ng Batang Pinoy Games ang kakulangan ng tubig sa ilang mga billeting quarters sa Koronadal City.
Ayon kay Ambrosio Makiling, boxing coach ng Zamboanga city, walang tubig sa Osita Elementary School kung saan sila nananatili kadalasan tuwing madaling araw.
Inihayag ni Makiling na problema tulong ng kanilang mga atleta ang maligo ng mas maaga.
Gayunpan nilinaw din nito na wala silang problema sa inuming tubig dahil may mabibili naman silang bottled water.
Kaugnay nito ipinahayag naman ni Toni Aguilar ang City Sports Coordinator ng Koronadal na ipapaalam nito sa administrator ng Osita Elementary School ang daing ng mga delegado.
Ipinahayag din ni Aguilar na posibleng ring hilingin ng city LGU ang tulong ng Bureau of Fire Protection o BFP para magpadala ng tubig sa eskwelahan.
Nilinaw ni Aquilar na ang posibleng kakulangan sa supply ng tubig sa mga billeting quarter ay isa sa mga problemang pinaghandaan ng lokal na pamahalaan sa pag host nito sa batang Pinoy games.
Ang patimpalak ay pormal na sisimulan sa pamamagitan ng parada mamamayang hapon.
Ito ay magsisimula sa South Cotabato Sports Complex at magtatapos naman sa City hall kung saan gaganapin ang opening program.
Ayon kay Aguilar pormal na magsisimula ang mga sports competition bukas, araw ng linggo.
Local...Magkakaroon ng maayos at mabilis na bilangan ng boto sa 2016 elections.
Ito ang tiniyak ni Atty. Jay Gerada ang election Supervisor ng South Cotabato sa isang pulong balitaan.
Ayon kay Gerada, nakapagsagawa na ng precint mapping sa mga eskwelahan ang comelec.
Layon nito ay upang matukoy ang mga lugar na dead spot o walang telecommunication signal.
Ayon kay Gerada, magpapadala ng portable satellite facility para magamit sa pag transmit ng mga boto sa mga lugar na walang signal ang comelec.
Gayunpaman nilinaw ni Gerada na kokonti lamang ang mga dead spot sa South Cotabato.
Ang limang porsyento ng mga voting precint na walang telecommunication signal sa lalawigan ay matatagpuan sa mga liblib na barangay ng Lake Sebu, T’boli at ilang mga Sitio sa bayan ng Surallah.
Umaasa naman si Gerada na dahil sa patuloy na paglawak ng coverage ng mga telecommunications company, maibsan ang mga lugar na dead spot sa South Cotabato, bago pa man ang May 2016 elections.
Ang lalawigan ng South Cotabato at General Santos City ay mayroong magigit pitumpung daang libong mga botante. Local...Magiging highlight ng 10th National Shrimp Congress ang poster presentation ng mga pananaliksik kaugnay sa shrimp o hipon.
Ayon kay Zenaida Raof Laidan, ang regional director ng Department of Science and Technology o DOST 12 ito ay bukas sa mga estudyante, out of school at iba pang nilang mga stakeholders.
Inihayag ni Laidan na ang mga poster ay dapat may laki na two feet by for feet, at naglalaman ng title ng research project, at ilang mahahalgang impormasyon sa may ari nito.
INihayag ni Laidan na dapat naipaliwanag din sa poster ang mga dahilan kung bakit isinagawa ang pagaaral, at ang kabutihang dala nito sa pamumuhay ng mga mamamayan.
Ayon kay Laidan ang mga nais magsumite ng kanilang poster presentation ay maari lamang makipag ugnayan sa DOST 12 Office sa Cotabato City at kanilang mga field offices sa Iba’t ibang lalawigan at lungsod sa rehiyon dose.
Ang deadline ng pagsumite ng poster ay sa October 30.
Katuwang ng DOST 12 sa pamamahala sa shrimp congress ang Philippine Shrimp Industry, SARGEN Shrimp Stakeholders’ Association Incorporated, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, Department of Trade and Industry at Southeastern Asian Fisheries and Development Center.
Ang 10th national congress ay gaganapin sa SM General Santos City Trade Hall sa November 11 hanggang 13.
Tema naman nito ang Maximizing Benefits of Shrimp Culture for a Modern Globally Competitive Industry”. Local...Magkakaroon na ng pagkakataon ang mga maliliit na negosyante sa rehiyon dose na maipakita ang kanilang mga produkto.
Ayon kay Imbrahim Guiamadel, ang Regional Director ng Department of Trade and Industry o DTI 12 ito ay sa pamamagitan ng kanilang Treasure of Region 12”.
Layon nito ayon kay Guiamadel na maipromote sa iisang lugar ang nga produkto ng mga micro, small, and medium enterprises o MSMEs.
Ayon kay Guaimadel dapat malaman ng bansa na kada buwan ng Nobyembre ay mayroon Tresure of Region 12 kung kelan matutunghayan ang mga ipinagmamalaking produkto ng rehiyon.
Inihayag ni Guiamadel na kasabay din ng display ng iba’t ibang mga produkto ang iba pang mga component actitivities na makatutulong sa mga MSMEs.
Kabilang sa mga ito ang Regional Trade Fair, Treasures of Region 12 Product Show, Craft Special Setting, BIMP-EAGA Pavilion of Region 12 Products, Patok na Negosyo” Trainings and Seminars, BIMP-EAGA Forum on Halal Opportunities, Financing Fora and Advocacy on Philippines New Generation Currency, Business Matching- at maraming iba pa.
Ayon kay Leonard Flores ang chief ng Industry Development Division ng DA 12 ang nabanggit na mga aktibidad ay inaasahang makapagbibigay ng abot sa isang milyong dolyar na export sale at mahigit sampung milyong pisong investment.
Ang Treasures of Region 12” 2nd Regional Trade Fair at ang mga Side Events nito ay gaganapin sa SM City General Santos sa on November 11-15.
Ito ay inaasahan naman dadayuhin ng may tatlong libong mga mamamayan. Local..Walang dapat ipangamba ang mga mamamayan hinggil sa nararanasang Haze.
Sinabi ni EMB 12 Regional Director Maria Soccoro Lanto na base sa kanilang pagsusuri ay nasa tolerable level pa ang Haze sa Region 12.
Sa inilabas na Air Quality Monitoring result ng EMB, nasa 114.53 microgram per cubic meter ang coarse dust particles na mas mataas sa standard level at 83.3 micrograms per normal cubic meter ang fine particles mas mataas parin sa standard level nito.
Wala umanong dapat ipangamba ang publiko dahil base sa kanilang Air Quality Index pasok parin ito sa 55-154 value kung saan Fair ang kanilang pagsusuri sa kalidad ng hangin. Maglalagay din ang EMB 12 ng dalawang equipment para masuri ang kalidad ng hangin na ilalagay sa Kidapawan city at Sarangani.
Nabatid na mayroon nang equipment na inilagay sa old city hall ng koronadal at acharon complex sa GenSan.
Sinabi naman ni Dr. Teogenes Baluma, Regional Director ng DOH 12 na kailangan paring mag-ingat ang mga mamamayan lalong-lalo na ang may mga asthma at ubo.
Pwede umanong lumala ang mga chronic obstructive pulmonary diseases dahil sa Haze.
Nirerekomenda nito na kung may sakit, kailangang gumamit ng face mask. Sinabi naman ni Dante Ariola, ang OIC ng Pagasa na posibleng tatagal pa ang haze sa rehiyon dahil na rin sa hanging habagat kasabay ng bagyong lando. Bagaman hindi pa mawawala ang haze, aasahan naman na gaganda ang panahon sa buwan ng Nobyembre at Disyembre. Local..Kulungan ang bagsak ng isang ginang matapos makuhanan ng ilegal na droga sa isinagawang search operation sa kanyang bahay sa Purok 6, brgy. Gubatan, Magpet, North Cotabato pasado alas dyes ng umaga kahapon.Kinilala ni Sr. Ins Felix Fornan, hepe ng Magpet PNP ang suspek na si Merlyn Labawan Postrado allias Elly,may asawa at tatlong anak.Hinalughog ng Magpet PNP ang bahay ng suspek sa bisa ng search warrant no. 82 na pirmado naman Presiding Judge Arvin Sadiri Balagot kung saan nakuha mula rito ang anim na sachet ng pinaniniwalaang shau.Ayon kay Fornan matagal na nilang minamanmanan ang suspek na nagbebenta ng ilegal na droga sa barangay kung saan mga menor de adad pa ang ginagawang runner nito.Samantala hindi na rin nakawala pa ang isang 43-anyos na lalaki sa isinagawa ring search operation ng Magpet PNP sa Purok 1-b sa brgy. Panago-an magpet pasado alas nuebe kagabi.Naaresto ang suspek na si Jerry Yano matapos makuha sa kanya ang siyam na mga sachet ng pinaniniwalaang shabu sa bisa ng search warrant no.81 na pirmado ni Judge Arvin Sadiri Balagot.Nakakulong na ngayon sa Magpet PNP lock up cell ang dalawang suspek na sina Postrado at Yano habang inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na isasampa laban sa kanila. Local...Patay ang isang barangay kagawad matapos paulanan ng bala ng mga di pa kilalang suspek sa brgy. Camutan, Antipas North Cotabato alas syete ng umaga kahapon.Kinilala ni Police Chief Ins. Andres Sumugat, hepe ng Antipas PNP ang biktima na si brgy. Camutan kagawad Arnold Delgado Bazar, 42- anyos, may asawa na residente ng nabanggit na lugar.Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya nasa labas lamang ng kanilang bahay ang biktima habang nagpapakain ito ng kanyang mga alagang manok nang pagbabarilin ng mga suspek na umano pumwesto pa sa bahay ng isang Melani Baliguian Gomez katabi ng bahay ng biktima.Nagtamo ng tama ng bala ang biktima sa ibat ibang bahagi ng kanyang katawan gamit ang m16 armalite rifle at carbine rifle base na rin sa mga basyo ng bala na narekober sa crime scene.Nabatid na sugatan rin ang isang 12 taong gulang na lalaki na si Richard Suarez timbang at Ronald Teodoro, 30 anyos na umano tinamaan ng ligaw na bala nang mangyari ang insidente na agad namang isinugod Antipas Medical Hospital.Ngayon tinutugis na ng Antipas PNP katuwang ang 72nd CAA CAFGU ng brgy. Canaan at mga opisyales sa posibleng pagkakahuli at pagkakakilanlan sa mga suspek.Blanko pa ngayon ang PNP sa motibo sa krimen. Local...NOON pang 2007 naipasa ang Anti-Red Tape Act o ARTA.
Layon nito na mabuwag ang tinatawag na, ‘bureaucratic red tape’ sa gubyerno.
Pero nito’ng 2012 lang naipatupad ito ng PNoy administration nang maupo bilang Interior Secretary ang namayapang si Jesse Robredo.
Ang problema, marami sa mga local government unit o LGU ang hindi nagpapatupad ng naturang batas.
Kaya nga ba’t mas ipinaiintindi sa publiko ang kahalagahan ng ARTA at ang papel ng civil society organization o CSO para magsilbing ‘watchdog’ kung nangyayari ba ang transparency sa isang LGU, ayon kay Rey Monteclaro ng ACF International. SA North Cotabato, limang mga bayan ang benepisyaryo ng proyektong, Empowered Participatory Governance for Progress, na ipinatutupad ng ACF International at ng Department of Interior and Local Government o DILG.
Ang mga ito ay ang mga bayan ng Arakan, Antipas, Matalam, Magpet, at President Roxas.
Kahapon, sumailalim sa Monitoring and Evaluation ng ARTA ang ilang mga CSO representatives mula sa naturang mga bayan.
Ayon kay Lucia Alipunga ng DILG-North Cotabato, bagama’t pumasa sa ARTA ang mga bayan sa lalawigan, may ilang probisyon pa rin nito ang hindi pa naipapatupad ng ilang mga LGU.
Halimbawa na lamang ang pagkakaroon ng ramp o elevator para sa mga persons-with-disabilities, pregnant women, at mga elderly ang mga city at municipal hall sa lalawigan.
Isa na rito ang Kidapawan City hall. Local...Umaapela ngayon ng tulong ang mga guro ng MISFI Academy sa brgy. White Culaman, Kitao-tao Bukidnon sa lokal na pamahalaan at mga responsableng ahesnya matapos umano ang dahan dahang pagdemolish sa nabanggit na eskwelahan ng barangay council kahapon.Ito ang ipinaabot ng teaching staffs ng MISFI na sina Teacher Evelyn at Rius Valle sa DXND Radyo Bida.Sinabi ni Valle, unang dinimolish ng brgy Officials ang gate ng MISFI na pinangunahan mismo ni White Kulaman Kapitan Felipe Cabugnason kasama ang 8th at 23rd Infantry Battalion sa Philippine Army.Maliban sa pagtanggal sa mga bakod hinarass rin ng mga opisyales ang mga estudyante at pilit na pinapasara ang nasabing paaralan.Samantala, mariin namang itinggi ni Kapitan Cabugnason ang nangyaring pagdemolish sa nabanggit na eskwelahan.Ayon kay Cabugnason hindi rin nila hinaras ang mga guro at estudyante.Katunayan aniya, mapayapa nilang pinalabas ang mga guro at estudyante at ipinasara ang mga classroom at gate ng MISFI.Patuloy na naninidigan si Kapitan Cabugnason walang sapat na dokumento ang MISFI para mag-operate sa lugar at naniniwala siyang pinapatakbo ito ng NEW people's Army. Local...Hustisya pa rin ang patuloy na sigaw ng pamilya ni Marco Vea isang rebel returnee na pinaslang sa mga pinaniniwalaang miembro ng New People's Army o NPA sa brgy. Imamalig Magpet, North Cotabato noong nakaraang linggo.Emosyonal ang naging pahayag ng ama ng Biktima na si Mario Vea, na umano hindi na binigyan ng pagkakataon ang kanyang anak matapos itong boluntaryong bumalik loob sa gobyerno.Sa salaysay ni Vea, personal na umalis ang kanyang anak sa grupong NPA para matutukan ang kaniyang pamilya at mamuhay ng normal.Pero kaliwat kanang banta sa kanyang buhay rin ang natatanggap mula sa nabanggit na grupo na nagresulta sa pagpatay sa kanya.Umaapela ngayon si Vea sa NPA na sana ay makonsensya ang mga ito sa ginawa sa kanyang anak kung saan iniwan na ang kanyang apat na mga anak at sa kanyang asawa.Ang biktimang si Marco, sumuko sa 57th Infantry Batallion ng Philippine Army sa ilalim ng isinagawang Peace and Development Outreached Program ng militar kasabay na rin ang paniniwala nitong malabanan ang banta ng rebeldeng grupo sa kanyang buhay.Ang 57th IB ngayon ay umasailalim ng re-training sa 602: brigade na pinalitan naman ng 39th IB sa ilalim ng 1002nd Bridage na nakabase sa Davao Region.

Coast Guard member hurt in Basilan gun attack dies in hospital

COTABATO CITY - The 26-year-old Philippine Coast Guard member wounded in a gun attack in Lamitan City on Thursday afternoon died in a hospital in...

Lalaki, binaril sa loob ng Mosque sa Maguindanao Sur, suspect kilala na ng mga otoridad 

COTABATO CITY - KINILALA ang biktima na si Mohammad Bato Ampatuan alias "Mads", 43 years old, at residente ng Sitio Siawan, Barangay Tamontaka, Datu...

Cops seize smuggled cigarettes in Jolo and Tawi-Tawi

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao Norte - About 1500 reams of smuggled cigarettes were recovered by troops from Jolo MPS together with augmented...

350 pamilya, apektado ng bakbakan ng 2 MILF groups sa MagSur

BATAY YAN sa ulat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office o MDRRMO ng Datu Unsay na isinumete sa Provincial Disaster Office....

Hundreds displaced as 2 MILF groups clash in Maguindanao del Sur

COTABATO CITY - Some 200 villagers have fled to neutral grounds as two rival groups in the Moro Islamic Liberation Front clashed and reportedly...