Friday Apr, 19 2024 07:09:58 PM

NDBC BIDA BALITA Oct. 26, 2015

 • 16:38 PM Mon Oct 26, 2015
1,679
By: 
NDBC NEWS AND CURRENT AFFAIRS

NEWSCAST

OCTOBER 26, 2015
(MONDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. Tatlong sundalo sugatan sa pananalakay ng armadong gruposa Maguindanao.2. Mga batang Manobo sa North Cotabato, sumailim sa training upang buhaying muli ang kanilang kultura.3. South Cotabato magkakaroon na ng
milk processing center

4. Pinoy Games 2015 Mindanao leg, sinimulan na sa Koronadal 5. Registration of voters, validation ng mga old voters, anim na araw na lang.

Local... KASALUKUYAN paring nagpapagaling sa
pagamutan ang tatlong sundalo na sugatan sa harrastment sa detachment ng 34th
Infantry Batallion Philippine Army sa Brgy. Lintantangan, Mamasapano
Maguindanao.

Nangyari ang insidente alas-5:30 ng
hapon noong sabado.

Kinilala ang mga biktima na sina Cpl.
Panaligan, Cpl. Magaso at PFC Lanagnao ng 34th IB.

Sa report, pinaputukan ng hindi pa
nakikilalang mga riding-tandem na suspek ang naturang detachment gamit ang M79
grenade launcher.

Agad namang tumakas ang mga suspek
matapos ang insidente at dinala ang mga biktima sa pinakamalapit na pagamutan
sa lugar.

Patuloy namang ang ginagawang
imbestigasyon at pagkalap ng impormasyon ng MAMASAPANO PNP para sa
pagkakakilanlan ng mga suspek.

Local NATANGGAP
na ng mga empleyado ng Department of Environment and Natural Resources o
DENR-ARMM ang kanilang PBB o performance-based bonus.

Sinabi
ni DENR-ARMM secretary forester Hadji Kahal Kedtag, nakatanggap lahat ng
kanilang bonus subalit ang halaga nito ay depende sa resulta ng evaluation o
assesment ng bawat job performance mula sa kani-kanilang division head.

Ang
tinig ni DENR-ARMM secretary forester Hadji Kahal Kedtag.

Local.. IPAGDIRIWANG
ng Autonomus region in muslim mindanao o ARMM ang Global handwashing day
ngayong araw.

Ito ay
pangungunahan ni Regional Gov. Mujiv hataman, Dep-ed ARMM Sec. Dr. John Magno,
DOH Usec. Dr. Vicente Belziario Jr. at maging ng DOH-ARMM sec. Dr. Kadil
Sinolinding Jr.

Ala-6:30
ng umaga kanina nang magsimula ang programa sa Bangsamoro People's complex sa
ORG Compound sa Cotabato City.

Ayon
kay DOH-ARMM Sec. Dr. Kadil Sinolinding, pinapaigting nila ang kanilang
kampanya sa handwashing partikyular sa mga magaaral.

Binibigyang
halaga ang Global handwashing day dahil sa malaki ang maitutulong ng paghuhugas
ng kamay laban sa mga sakit, tulad ng diarrhea at respiratory infections na
kadalasang dahilan ng pagkakasakit o pagkamatay ng mga kabataan.

Ang
naturang selebrasyon ay may temang Raise a hand for hygiene .

Local... Local HULING
LINGGO na ngayong araw ang voters registration para sa halalan sa May 2016.

Dahil
dito, NANINDIGAN ang Commission on Elections o Comelec na wala nang extension para
rito.

Ito’y
sa kabila ng inihaing petisyon ng ilang grupo na humihiling sa Comelec na palawigin
pa ng isang linggo ang pagpapatala at pagpapa-validate ng biometrics.

Binigyang
diin naman ni Cotabato City Election officer Atty. Michael Ignes na may
sinusunod silang schedule upang hindi makompromiso ang iba pang preparasyon sa
halalan, tulad ng pag-iimprenta ng mga balota.

Ayon
kay Ignes, bago ang linggong ito ay dumoble pa ang bilang ng mga voters na
dumagsa sa kanilang Comelec office.

Samantala,
dahil sa naranasang brownout kahapon ng umaga, muling nagbalik sa operasyon ang
COMELEC COTABATO ala-1 ng hapon kahapon.

Magpapatuloy
ang pagtanggap ng COMELEC COTABATO ng mga magpapa biometrics ngayong araw
hanggang sa huling araw sa sabado, mula alas-9 hanggang alas-9 ng gabi. Local...Inaasahan na matatapos na ang konstruksyon ng milk processing center ng South Cotabato provincial veterary office ngayong taon.
Ang pasilidad ay matatagpuan sa Animal Production and Processing Center sa Barangay Tinongcop, bayan ng Tantangan.
Ayon kay Dr. Raul Teves, ng provincial veterinary office ang proyekto ay pinondohan ng provincial government at National Dairy Authority o NDA.
Nabatid na sa ngayon limang mga buntis na baka ang inaalagaan sa animal production center.
Ang mga ito ay gagamitin para sa pagpapataas ng produksyon ng gatas.
Ayon kay Teves layon ng pagpapatayo ng milk processing center na madagdagan ang supply ng gatas na ginagamit sa mga nutrition program sa South Cotabato Local...Tumaas ang bilang ng mga kababaihan na nganganak sa mga health facilities sa South Cotabato.
Ito ay dahil na rin sa mas pinaigting na kampanya ng lokal na pamahalaan.
Nabatid batay sa datus ng integrated provincial health office o IPHO na labinpitng libong mga buntis ang naganak sa mga pampublikong ospital at mga rural health units noong 2014.
Ito ay mas mataas naman sa mahigit labinanim na libong naitala noong 2013.
Ayon kay Haydee Florentin ng IPHO abot na sa walong libo ang ngangak sa mga pampublikong pasilidad sa South Cotabato mula Enero hanggang Hunyo nitong taon.
INihayag ni Florentin na tumaas din ang bilang nga mga kababaihang nanganak na naasikaso ng mabuti ng mga lisensyadong health workers.
Sa kabila nito, inihayag ni Florentin na nagpapatuloy pa rin ang kampanya ng lokal na pamahalaan upang mahikayat ang publiko na pakinabangan ang mga pasilidad ng pamahalaan.
Ito ay upang maiwasan ang kumplikasyon na maaring maging sanhi ng pagkasawi ng isang ina o ng kanyang sanggol. Local...Dumalo sa orientation hinggil sa Advocates in Defense for Violence Free Family o DAD-VFF ang daang daang mga kalalakihan sa South Cotabato.
Layon ng orientation na mapaigting pa ang depensa ng bawat pamilya sa pang-aabuso sa tulong ng mga kalalakihan.
Ayon kay Nelida Periera ang Provincial Social Welfare and Development Officer ng South Cotabato sinimulan nila ang aktibidad Setyembre nitong taon.
Ito ay isinasagawa sa iba’t ibang lugar sa South Cotabato. Ayon kay Periera ipinagpatuloy na nila ang intervention matapos matuklasan ng kanilang tanggapan ang kahalagahan ng mga kalalakihan para mailigtas sa anumang uri ng pangaabuso ang mga kababaihan at kabataan.
Lumahok sa kanilang orientation ayon kay Periera ang mga Indigenous People o IP leaders, barangay officials, tanod, volunteer, church workers, pulisia at mga municipal social welfare officers.
Kinumpirma din ni Periera na gagawin din ang men’s congress sa lalawigan kasabay ng National Children’s Month sa Nobyembre.
Layon nito ayon kay Periera ay upang maituro sa mga kalalakihan ang kanilang kahalagahan sa pag-protekta sa mga kabataan. Local...Nasa Koronadal City ngayon ang mahigit tatlong libong mga atleta mula sa anim na rehiyon ng Mindanao.
Ito ay upang makilahok sa Mindanao Qualifying Leg ng Batang Pinoy Games ng Philippine Sports Commission o PSC.
Ang anim na araw na patimpalak ay nilahukan ng mga atleta na nagkakaedad ng labinlimang taong gulang pababa.
Ang mga ito ay kinabibilangan ng mga out of school youth at mga estudyante na rekomendado ng kanilang mga lokal na pamahalaan.
Paglalabanan naman ng mga ito ang labinpitong mga sports event.
Ang mga atletang makakakuha ng medalya sa Qualifying leg ang magiging kinatawan naman ng Mindanao sa national games sa Cebu City sa Nobyembre
Ayon kay Atty Jay Alano, ang director ng Batang Pinoy Games ng PSC, mahalaga ang patimpalak dahil nagbubukas ito ng pinto sa mga kabataang atleta.
Inihayag ni Alano ang mga atleta sa Batang Pinoy Games ay may pagkakataon na mapabilang sa national team na ipadadala ng bansa sa iba’t ibang mga international competition.
Ang Mindanao Qualifying Leg ng batang pinoy games ay sinimulan sa pamamagitan ng parada sa mga pangunahing kalye ng host city na Koronadal kanina.
Ito ay sinundan naman ng opening program sa harap ng city hall.
Ang patimpalak ayon kay Alano ay magtatapos sa October 29. Local...Nagsimula nang bumisita sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay sa public cemetery ang ilang mga mamamayan sa Koronadal City.
Ito ay magiisang linggo bago ang Undas at Todos Los Santos.
Ayon kay Rosa Dela Cruz, pinili nilang pumunta sa sementeryo ng mas maaga, dahil ayaw nilang makipagsiksikan sa dami ng tao.
Bukod dito ayon kay Aling Rosa, kinakailangan din nilang maglakad dahil inaasahan na ang pagsasara ng mga daan sa paligid ng sementeryo ilang araw bago ang paggunita ng Undas at Todos Los Santos
May iba namang mga mamamayan na abala na sa paglilinis at pagpipinta sa puntod ng kanilang mga yumao ngayon pa lamang.
Kapansin pansin naman na sa ngayon pa lamang ay pinalinis na ng lokal na pamahalaan ang public cemetery ng Koronadal. Local...Mas pinalalakas pa ng Department of Industry o DTI Cotabato ang pagsulong sa karapatan at proteksyon ng mga konsumedores sa lalawigan bagay na ikinatuwa at pinuri naman ng Provincial Government.Sinabi ni Cotabato DTI Provincial Director Engr. Anthony Bravo, malaki ang papel ng pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Gov Emmylou Mendoza sa mga hakbang ng departamento upang itaguyod ang consumer empowerment.Tinukoy ni Bravo ang obserbasyon ng National Consumer Welfare Month ngayong Oktubre kung saan suportado ng provincial governmentang DTI sa monitoring ng mga business establishment sa mga posibleng paglabag ng mga ito sa mga batas na nagtataguyod ng consumer rights and protection.Nanawagan si Engr Bravo sa mga consumers na maging alerto at mapagbantay sa mga binibili at kung sakaling may reklamo laban sa establishments ay wag mag-atubiling ireport sa DTI.Sinabi ng opisyal na patuloy ang DTI Provincial Office sa monitoring at inspection sa mga tindahan maging malalaki o maliliit upang matiyak na hindi umaabuso ang mga ito laban sa mga costumers.Tiniyak naman ni Bravo na bukas ang kanilang tanggapan sa anumang reklamo mula sa consumers ng lalalwigan.Tema ng National Consumer Welfare Month ngayong taon ay Consumer Protection in the ASEAN Economic Community.”Local...Gagawin ngayong araw ng Cotabato Police Provincial Office o CPPO ang turn over sa apat na mga PNP station na may mga overstaying na chief of Police matapos matangap ang order mula sa sa Police Regional Office 12.Sinabi ni CPPO spokesperson Supt. Bernard Tayong kabilang sa overstaying COP's ay sina Police Chief Ins. Elian Coloñia ng Matalam PNP, Chief Ins. Maria Joyce Birrey ng Makilala PNP, Supt. Reynante Delos Santos ng Midsayap at Chief Ins. Donal Cabigas ng Pigcawayan PNP.Sa Matalam PNP, papalitan ni Chief Ins. Sonny Leoncito si Chief Insp. Coloñia na malilipat naman sa Makilala PNP bilang kapalit ni Chief Ins. Maria Joyce Birrey.Temporaryo namang malilipat sa Provincial Headquarters si Birrey habang wala pang kumpirmasyon ang application nito bilang bagong Chief of Police ng Magpet PNP.Habang magpapalit lang ng pwesto si Delos Santos ng Midsayap PNP kay Supt. Gilbert Tuzon mula sa Police Public Safety Batalion sa Cotabato City.Si Cabigas ng Pigcawayan PNP ay papalitan naman ni Senior Ins. Melocotones ng Aleosan PNP.Kumpiyansa naman si Tayong na magagampanan ng mga bagong hepe ang kanilang responsibilidad base na rin sa kanilang kwalipikasyon matapos silang pinili ng local Chief Executive.Una ng sinabi ni Senior Supt. Danilo Peralta ang Head ng Human ResourcePersonnel ng PRO 12 na kanilang ipinatupad ang reshuffling sa apat na mga COP matapos silang lumampas sa 18 buwan nilang tungkulin bilang hepe.Inaasahang may susunod pang mga pagbabago sa leadership sa hanay sa CPPO matapos ipababa ng Camp Crame ang bagong polisiya nito na hahawak sa First at Third Class Municipality. Local...Umaapela ngayon ng PAGKAKAISA ang isang tribal Leader sa North Cotabato sa Lumad community na palakasin pa ang seguridad sa kanilang mga lugar.Ito matapos ang ilang insidente na ng pagpaslang sa mga magsasakang lumad sa mga liblib na barangay ng Magpet, North Cotabato.Naniniwala ni Datu Apolinario Ambag na ang matibay na relasyon at pagkakaisa ng mga lumad ang siyang malinaw na sagot sa krimen at pagkakawatak ng kanilang tribu.Base naman sa monitoring ng opisyal abot na sa 22 lumad ang binawian ng buhay sa magkakaibang dahilan mula 2010 hanggang ngayong taon na ngayon ay patuloy pa ring sumisigaw ng hustisya.Hinimok rin nito ang mga IPMR's ng mga barangay maging ang Philippine National Police at iba pang responsableng ahensya na bilisan na ang imbestigasyon sa mga kaso.Maging si Cotabato 2nd District Rep. Nancy Catamco ay hinikayat ni Ambag na pumasa ng isang batas na kilalanin ang customary Law ng mga Lumad para maging mas lihitimo ito sa mata ng batas sa bansa. local...Pinawi ni Dr. Frank Matteo, ang assistant regional director ng Department of health 12 ang pangamba ng Publiko kaugnay sa masamang epekto ng Haze sa katawan ng isang tao.Ayon kay Matteo sa DXND RADYO BIDA, bagaman ay hindi pa ganuon kalala ang sitwasyon ngayon sa Region 12 sa epekto ng Haze mula sa bansang Indonesia, patuloy pa rin ang kanilang monitoring lalo na sa mga mas apektadong area kagaya ng South Cotabato at ilang bahagi ng General Santos City.Sinabi ni Mateo na ang Haze ay nagmula sa alikabok, sulfur dioxide, carbon monoxide, particulate matter, at nitrogen oxide na siya namang nagiging dahilan na kung papasok ito sa katawan ng tao ay magbibigay ng masamang epekto katulad ng allergy.Mas lalo naman lalala kapag may una ng sakit ang tao lalo na sa baga nito.Tinukoy rin ni Mateo na mas vulnerable ang mga kabataan sa epekto ng Haze dahil hindi pa gaanong develop ang kanilang mga baga at gayunman sa mga matatanda.Sa pinakahuling monitoring ng Environmental Management Bureau - Region 12 nasa normal level pa naman ang rehiyon kaya walang dapat ipangamba ang publiko.Samantala Hindi naman kinumpirma ni Matteo ang pagkamatay ng isang indibidwal na umanobinawian ng buhay matapos ma trigger ang asthma nito dahil sa Haze, pero tiniyak niyang patuloy ang kanilang monitoring tungkol dito.Payo lamang ni Mateo sa publiko na panatilihing malakas ang immune system at uminom ng maraming tubig.end

PBBM to PNPA grads: Maximize technology to fight crime, serve

SILANG, CAVITE – President Ferdinand R. Marcos Jr. on Friday called on the new graduates of the Philippine National Police Academy (PNPA) to...

Picong ambush suspect falls during hot pursuit operation

PICONG, Lanao del Sur - After a thorough investigation and follow-up operation, operatives were able to identify the seven individuals involved in...

NDBC BIDA BALITA (April 19, 2024)

  HEADLINES 1   BABAE patay sa ambush sa Maguindanao del Sur; Pulis naman sugatan sa ambush sa Lanao del Sur 2  ...

3 dead in South Cotabato highway accident

COTABATO CITY - Three individuals died instantly in a gruesome highway mishap involving two vehicles in Barangay Polonuling in Tupi town in South...