Thursday Feb, 22 2024 11:11:48 PM

NDBC BIDA BALITA Oct. 27, 2015

 • 
1,740
By: 
NDBC NEWS AND CURRENT AFFAIRS

NEWSCAST

OCTOBER 27, 2015
(TUESDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. LIMA KATAO patay, dalawang iba pa,
sugatan sa ambush na naganap sa Datu Odin Sinsuat,

2. Army detachment, banana plantation, sinalakay ng mga NPA sa North Cotabato.3. COMELEC Offices sa North Cotabato, dinadagsa
na ng mga botanteng naghahabol ng biometrics registration deadline.

4. MGA MAMAMAYAN sa South Cotabato,
pinagiingat sa masamang epekito ng Haze mula Indonesia.

5. 2 patay sa magkahiwalay na pamamaril sa Cotabato City.

Local DEAD
ON THE SPOT ang lima katao, kabilang ang apat na taong gulang na bata, habang sugatan
naman ang dalawang iba pa matapos tambangan ang mga ito ng di pa nakikilalang
mga suspek sa harap ng Dulangan Elementary School, sa barangay Dulangan, Datu
Odin Sinsuat, Maguindanao pasado alas kwatro ng hapon kahapon.

Kinilala
ni DOS PNP Chief Police Senior Inspector Lyndsy Sinsuat ang mga namatay na sina
Bai Lilang Ayunan, 50 years old Kago Kasan, 30 Pink Rose Ayunan, 28 Baby Boy
Pasawiran, 28 at Shoam Ido, apat na taong gulang, pawang mga taga- barangay Kalanganan
mother, Cotabato City.

Sugatan
naman, at nasa kritikal na kondisyon sa pagamutan sina Manawir Ayunan, 27 years
old at Norhana Ayunan, 19.

Sabi
ni Sinsuat, base sa kanilang inisyal na pagsisiyasat, sakay ng kulay Maroon na
Innova with licensed plate YS 3539 ang magkakamag-anak na biktima

At
pauwi na sana ng Cotabato city mula General Santos city nang maganap ang
ambush.

Ang
mga biktima ay sinundan ng mga suspek na sakay Toyota HiLux at pagsapit sa
naturang lugar ay pinaulanan ng bala ang sasakyan ng mga biktima gamit ang M-16
rifle at cal. 45 pistol, base naman sa mga basyo ng bala na natagpuan sa crime
scene.

Rido
o away-pamilya ang ititurong dahilan ng naturang krimen, ayon kay Sinsuat. Gayunman, tinitingnan din nila ang iba pang posibleng motibo. Local DALAWANG MAGKASUNOD
NA INSIDENTE NG PAMAMARIL ang naitala kahapon sa Cotabato City.

Ang una ay
ang pamamaril sa isang ice cream vendor pasado alas diyes nang umaga kahapon sa
Purok Kalilintad, Mother Barangay Poblacion ng lungsod.

Kinilala ang
biktima na si Norodin Salinto Lusogro, 27 anyos, taga- barangay Limbo, Sultan
Kudarat, Maguindanao.

Dead on the
spot ang biktima matapos lapitan ng hindi pa nakikilalang suspek habang
naglalako ng ice cream at pinagbabaril gamit ang caliber 45 pistol.

Nagtamo ng
tama ng bala sa kanyang likod si Lusogro na tumagos hanggang sa kanyang dibdib
at sa kanyang kanang hita.

Sunod namang
pinagbabaril ang biktima na kinilalang si Kempee Ali alyas Black Jack, 25 years
old, taga-RS Buan, barangay Poblacion Uno ng lungsod.

Nakatayo lang
si Ali sa Jose Lim Sr. Street corner Quezon avenue pasado ala una nang hapon
kahapon nang biglang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek gamit ang
kalibre 45 na pistola.

Dead on the
spot din ang biktima matapos tamaan sa ulo nito.

Si alyas
Black Jack ay una na ring nakulong sa lock-up cell ng Police station 1 dahil sa
kasong Illegal possession of fire arms.

Sa ngayon ay
inaalam pa ng mga imbestigador ang motibo sa dalawang panibagong insidente ng
pamamaril na naitala sa Cotabato city. Local MAS
PAIIGTINGIN PA ng bagong upong Officer in Charge ng Midsayap PNP ang kampanya
ng pulisya laban sa iligal na droga sa Midsayap, North Cotabato katuwang ang iba
pang mga ahensya ng gobyerno.

Sabi
ni Midsayap PNP OIC Police Supt. Gilbert Tuzon na ipagpapatuloy niya ang nasimulan
ng pinalitang dating hepe na si Police Supt. Renante delos Santos.

Si
Tuzon ay pinuno ng Cotabato City PNP - Public safety company bago itinalagang
hepe ng Midsayap PNP.

Papalit
naman sa kanyang dating pwesto si delos Santos.

Ginanap
ang turnover of command kahapon sa Midsayap PNP headquarters.

Sa
panayam kay Tuzon ng DXMS AM – Radyo Bida ngayong umaga, iginiit nito na
tututukan din ang mga maliliit na krimen na nangyayari sa naturang bayan bukod
sa talamak na bentahan ng droga sa ilang liblib na mga barangay doon.

Aniya,
palalakasin din niya ang barangay patrol at ugnayan sa mga barangay official
para makatulong sa kanilang mga gagawin operasyon.

Kasabay
nito ay hiningi naman ni Tuzon ang suporta at kooperasyon ng mga mamamayan ng
bayan para maging matagumpay ang kanilang laban kontra krimen. Local PATULOY
ANG PANAWAGAN ng Autonomous Regional government sa mga magulang at mga bata na
maging malinis at ugaliing maghugas ng kamay.

Ito ay
kasabay ng en grandeng pagdiriwang ng Global Handwashing Day kung saan bisita
ang singer na si Ronie Liang bilang handwashing ambassador ng ARMM.

Sabay-sabay
na naghugas ng kamay ang mga mag-aaral, ARMM officials at employees sa
ceremonial handwashing bilang pagpapakita ng wastong paghugas ng kamay gamit
malinis na tubig at sabon.

Kasunod
nito ang isinagawang pulong balitaan kasama ang mga matataas na opisyal ng
Department of Education at Department of Health sa ARMM, kung saan isang
kasunduan ang nilagdaan sa pagitan ng ARMM government at ng AusAID para maipatupad
ang mga programang pangkalusugan at pangkalinisan sa bawat paaralan sa rehiyon.

Ayon
kay DepEd-ARMM Regional Secretary John Magno, prayoridad nilang maging malinis
sa kanilang sarili ang bawat bata sa rehiyon.

Nabatid
na batay sa datos noong mga nakaraang tao, umabot ng mahigit 70 percent sa
populasyon ng mga bata sa ARMM ang kumpirmadong may bulate sa kanilang
digestive system.

Pero
ngayon ay kinumpirma ni Magno na bumaba na ito sa mahigit 30 percent.

Tiniyak
naman ng Maguindanao 1 Schools Division ang kanilang buong suporta sa
pagpapatupad ng kalinisan sa bawat paaralan sa ARMM.

Katunayan
ayon pa kay Maguindanao 1 Schools Division Superintendent Bai Meriam Kawit,
matagal na nilang pinapanatiling malinis ang bawat paaralan sa kanilang
distrito.

Aniya,
tinuturuan din nila ang mga bata na maging malinis hi di lamang sa kanilang mga
paaralan kundi hanggang sa kanilang mga pamamahay.

Hinihikayat
naman ARMM government ang lahat ng mga lokal na pamahalaan sa rehiyon na
suportahan sila sa kanilang kampanya para magkaroon ng zero open-defication ang
bawat komunidad.

Paliwanag
pa ni DOH-ARMM Regional Secretary Kadil Jojo Sinolinding, Jr., ang mga LGUs raw
kasi ang mas may kontrol sa kanilang mga mamamayan.

Ang
open-defecation ay ang nakaugalian na ng ilang mga residente sa mga liblib na
komunidad na magbawas kahit saan na siya namang nagiging dahilan ng pagkakaroon
ng bulate sa lupa at karaniwang nakukuha ng mga bata.

Local GAYON
PA LANG ay nagpa alala na ang Department of Labor and Employment o DOLE sa mga
employer na sumunod sa itinatakdang batas sa pagbabayad ng holiday pay sa mga
manggagawa ngayong darating na November 1 at November 30.

Sa
inilabas na Labor Advisory No. 15 ni DOLE Sec. Rosalinda Baldoz kung saan
idineklarang special non-working holiday ang November 1, All Saints Day habang
regular holiday naman ang November 30 na Bonifacio Day.

Sa
ilalim ng Proclamation No. 831 na nilagdaan ni Pangulong Aquino, nitong July 17,
dapat bayaran ang mga manggagawang papasok sa nasabing dalawang araw na
holiday.

Sakaling
hindi sumunod ang sinumang employer ay maaaring magreklamo ang kanilang empleyado
sa DOLE sa pamamagitan ng pagtawag sa hotline 527-8000, o sa DOLE trunkline na
527-3000.

Samantala,
una na ring naglabas ng abiso ang Department of Trade and Industry o DTI sa mga
negosyante na huwag magsamantala sa mga mamimili ngayong undas.

Sakali kasing tumataas ang presyo ng mga bulaklak at kandila tuwing All Saints at All
Souls Day, bagay na tinututukan ngayon ng DTI.

Katunayan,
naglabas ng Standard Retail Price o SRP ang DTI para maging gabay ng mga
consumer sa pagbili ng naturang mga produkto. local...Inaasahan na ang pagtaas ng presyo ng mga bulaklak sa Undas at Todos Los Santos sa Koronadal City.
Gayunpaman nilinaw ng mga flower vendor sa lungsod, na kung magtataas man sila ng presyo dahil sa pagtaas rin ng demand ng mga bulaklak ito ay bahagya lamang.
Paliwanag ni Gloria Mamburao, ang Presidente ng Koronadal Flower Vendors Association, kumpara noong nakaraang taon, sapat ang supply ng mga bulaklak ngayon sa lungsod.
Inihayag ni Mamburao na sa ngayon ay umaangkat sila ng mga bulaklak sa Barangay Saravia sa Koronadal at karatig bayan ng Tupi.
Ayon kay Mamburao, tumigil muna ng delivery pansamantala ang kanilang mga supplier sa nakalipas na araw para maipreserba sa Undas at Todos Los Santos ang kanilang mga bulaklak.
May ilang namang mga flower vendor na sa halip na magtaas ng presyo, magbabawas na lamang ng tangkay sa bawat bundle ng kanilang mga paninda.
Ang chrysanthemum sa Koronadal City ay nagkakahalaga pa rin ng isang daang piso bawat bundle, ang kada dosena ng rosas naman ay naibebenta ng mula isang daan hanggang two hundred pesos depende sa klase.
Habang ang mga flower arrangement naman ay pinagbibili ng mula dalawang daang piso pataas, depende sa mga bulaklak na inilagay at laki nito.
Local...Hindi makaapekto sa mga atleta ng Mindnanao Qualifying Leg ang haze mula Indonesia na nakaabot na rin sa Koronadal City.
Ito ang binigyan diin ni Atty. Jay Alano, ang program director ng Batang Pinoy Games ng Philippine Sports Commission o PSC.
Ayon kay Alano, hindi pa rin kasi na-established kung ano talaga ang epekto ng haze sa lungsod.
Inihayag ni Alano na bagama’t maaring makapagpapalala sa mga nagtataglay ng respiratory diseases ang haze, malakas ang resistensya ng mga atleta para labanan ang epekto nito. Nauna nang nilinaw ng Enviornment Management Bureau o EMB 12 na hindi umabot sa alarming level ang hazed na nakaabot na sa Koronadal City at ibang lugar sa region 12.
Gayunpaman pinayuhan naman ni Dr. Teogenes Baluma ang Regional Director ng Department of Health o DOH 12 ang publiko lalong lalo na ang mga may respiratory diseases na mag-ingat.
Ito ay sa pamamagitan ng pagsusuoot ng face mask sa tuwing lalabas ng bahay. Local...Patay ang angkas ng ng isang motorsiklo sa panibagong aksidente sa daan sa Tupi, South Cotabato.
Kinilala ng Tupi PNP ang biktima na si Laina Bano, biente singko anyos, residente ng Barangay Bunao, Tupi.
Lumabas sa inisyal na imbistigasyon ng mga pulis na habang nakaangkas sa Honda XRM 125 motorcyle ang biktima dakong alas singko ng hapon kamakalawa.
Nabangga umano sila ng may sidecar na STX 125 motorcyle, na noon ay minamaneho ng biente uno anyos na si Alvin Bulnes pagdating sa intersection ng Balayon at Jose Rizal Streets sa barangay Poblacion, Polomolok.
Ang motorsiklo na sinakyan ni Bano ay natumba matapos mawalang ng control ang driver nitong si Homidy Bano dahil sa lakas pagkakabanga umano ng tricyle sa kanila.
Ang biktimang si Laina ay nagtamo ng matinding sugat matapos mabagok sa sementadong daan ang kanyang ulo.
Siya ay binawian ng buhay habang ginagamot sa South Cotabato provincial hospital sa Koronadal City.
Ang driver naman ng motorsiklo na sinakyan nito ay nagpapagaling pa sa Polomolok Municipal Hospital kung saan sila unang dinala.
Ang tricyle na nakabangga sa mga biktima at driver nitong si Bulnes ay inilagay sa cusotody ng Polomolok PNP habang nagpapatuloy pa ang kanilang imbistigasyon sa insidente.
Local...Matapos ang masusing pagsusuri, pinangalanan na ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council o RDRRMC 12 ang mga Gawad KALASAG Awardees ngayong taon.
Ang mga lalawigan ng Sarangani, South Cotabato at North Cotabato ay kinilala bilang best prepared province sa rehiyon dose.
Ang General Santos ay tinanghal naman bilang best prepared city sa highly-urbanized city category at Koronadal, South Cotabato at Tacurong City, Sultan Kudarat naman sa component city category.
Ang bayan ng Tupi sa South Cotabato ay nagwagi naman bilang best prepared municipality sa first class at third class category.
Ang Edwards sa T’boli ay tinanghal na best prepared barangay sa Urban Category at Cebuano sa Tupi sa rural category.
Ang best prepared government emergency response management urban category award ay napunta naman sa Isulan Central Fire Station sa bayan ng Isulan Sultan Kudarat.
Habang ang best in Basic Search and Rescue Award ay iginawad sa Tacurong City Responsive Assistance and Coordinated Emergency Search and Rescue o TRACER ng Tacurong city.
WAgi naman sa Best Prepared Hospital –LGU category ang Cotabato Provincial Hospital sa Amas Kidapawan City.
Ang mga nabigyan ng parangal ay pinasalamatan naman ni Minda Morante ang Chairman ng RDRRMC 12 dahil sa pagpapatupad ng mga programa upang maibsan ang epekto ng kalamidad.
Ayon naman kay Zorahaida Taha , ang Regional Director ng Deparmtent of Social Welfare and Development o DSWD 12 na siya ring Vice Chair ng RDRRMC sa rehiyon, dapat ay maging handa ang lahat sa posibleng pagdating ng anumang kalamidad.
Ayon kay Taha isang malaking hamon para sa lahat ng kanilang stakeholders ang zero casualty o pagbuwis ng buhay sa tuwing may mananalasang kalamidad sa rehiyon.
Ang Gawad KALASAG o KAlamidad at Sakuna LAbanan, Ssriling Galing ang Kaligtasan ay kumikilala sa Lokal na pamahalaan, Non Government Organization, at pribadong sektor na naging maayos sa pagpapatupad ng mga programa para maibsan ang perwisyong dala ng kalamidad.
Ang awarding ceremony sa regional winners ng GAWAD Kalasag awards ay isinagawa sa General Santos City kamakailan lang. Local...Limitahan ang paglabas ng bahay at mga outdoor activities.
Ito ang hiniling ni Dr. Rogelio Aturdido Jr, ang provincial health officer ng South Cotabato sa mga mamamayan ng lalawigan.
Sa isang pulong balitaan, binigyan diin ni Aturdido na dapat magingat ang mga may respiratory diseases at sakit sa puso bunsod na rin ng haze mula Indonesia na nakaabot na rin sa South Cotabato.
Nabatid sa pinakahuling pagaaral ng Environment and Management Bureau o EMB 12 na ang pagtaas ng coarse dust at fine particles sa ilang lugar sa rehiyon ay bunsod ng forest fire sa Indonesia na nagdala naman ng haze sa Mindanao.
Payo ni Aturdido sa mga mamamayan, kung hindi talaga maiwasan na lumabas, magsuot ng face mask.
Iniromenda din nito sa publiko na iwasan muna ang pag-ehersisyo tuwing madaling araw.
Paliwanag ni Aturdio ang isang tao ay nangangailagan ng mas maraming oxygen kapag nag-eexcercise kaya malaki rin ang posibilidad na makakalanghap ito ng mas maraming haze na mas makapal tuwing umaga o madaling araw. local...Nilinaw ni Department of Agriculture-12 Regional Executive Director Amalia Jayag-Datukan,na walang negatibong epekto ang Haze o usok na dulot ng Forest Fire mula sa bansangIndonesia sa mga tanim sa rehiyon dose.Sinabi ni Datukan base sa kanilang isinagawang pagsisiyasat walang malaking banta sa mgatanim ang haze partikular sa mga tropical plants.Sa katunayan ayon pa kay Datukan, maganda pa ang epekto nito sa mga tanim dahilmakakatulong ito sa Protoperiodic activity ng halaman na magreresulta sa mabilis nitongpamumulaklak at pamumunga.Nabatid na matagal na ring obserbasyon ng mga magsasaka ang ginagawa nilang pagpapausoksa mga tanim para paalisin ang mga peste sa mga dahon at para maiwasan ang mga sakitnito.Sa ngayon patuloy rin ang research ng DA 12 office kung maganda pa ba ang epekto ng Haze sa mga tanim kung magtatagal pa ito hanggang sa mga susunod na buwan sa Mindanao. local... Mas pinalalakas pa ngayon ng Cotabato Police Provincial Office o CPPO ang kanilang kampanya kontra kriminalidad sa lalawigan.Kapansin-pansin kasi ang mga tarpaulins ng CPPO na kanilang ipinakakalat sa mga pampublikong lugar sa Kidapawan City at maging sa labimpitong bayan sa North Cotabato.Sa naturang tarpaulin naka balandra ang hamon ng PNP laban sa mga kriminal na nakasaad na Maliit ang Mundo ng mga Kriminal at terorista sa probinsya ng North COtabato.”Sinabi ni CPPO spokeperson Supt. Bernard Tayong, sa pamamagitan nito makikita ng mga may masasamang loob na seryuso ang PNP sa kanilang kampanya kontra terorismo at kriminalidad na kagagawan ng mga masasamang tao kabilang na rito ang illegal drugs, car napping, gambling at pagsugpo sa mga lawless group na nais maghasik ng lagim sa lalawigan.Ayon kay Tayong, walang karapatan ang mga kriminal na makagawa ng krimen o anumang ilegal sa probinsiya at isa na rito ang sunod sunod na isinagawang raid ng PNP sa pangunguna ng CPPO Director Senior Supt. Alexander Tagum kung saan abot na sa 50 katao ang nahuli simula noong nakaraang buwan.Hinihikayat ngayon ni Tayong ang publiko na huwag matakot na makipag-ugnayan sa mga pulis o magreport kung may mga bagay o tao man na kahina-hinala sa kanilang mga lugar. Local...Nagsimula nang magsiksikan sa tanggapan ng Commission on Elections o COMELEC offices sa North Cotabato ang mga nais magparehistro para sa nalalapit na Local at National Elections 2016.Sinabi ni Provincial Election Supervisor Atty.Duque Cadatuan, ngayon pa lamang ay halos puno na ang mga tanggapan ng COMELEC para sa mga magpaparehistrong botante, isang linggo bago ang deadline.Ito ay sa kabila ng kanilang maagang panawagan sa publiko at pagbisita sa mga barangay sa pamamagitan ng Satellite Registration kung saan ay hindi man lang binigyan ng importansiya ng Mamamayan.Naniniwala naman si Cadatuan na kaya ngayon ay halos puno ang mga tanggapan ng COMELEC dahil tapos na ang filing ng certificate of Candidacy ng mga tatakbo para sa 2016 election, at nagsimula na ring manghakot ang mga kandidatu ng mga botante para magparehistro at ang iba ay piniling magpahakot kagaya ng kanilang mga nakasanayan noong mga nakaraang eleksyon.Sinisi naman ng iba ang mabagal na sistema ng COMELEC personnel dahil na rin sa limitadong manpower nito.Kaya naman bilang tugon, magbubukas ang mga COMELEC Office sa North Cotabato mula alas nuebe ng umaga hanggang alas nuebe ng gabi kung saan inaasahang mas kakapal pa ang bilang ng mga magpaparehistro at kukuha ng BIOMETRICS.Sa datus ng COMELEC mula anim na raang libong botante noong 2013, iniaasahang aabot sa 650 thousand ang registered voters sa lalawigan ang boboto sa synchronized National and Local elections ngayong darating na Mayo 2016. Local...Nilinaw ni Kidapawan City Councilor Jivy Roe Bombeo ang ordinance no. 15-065 na hindi bawal ang paggamit ng roller blades sa mga pampublikong lugar sa lungsod.Ipinaliwanag ni Bombeo na nais lamang niyang iregulate ang pagamit nito lalo na sa National highway at City streets sa Kidapawan.Ilang mga report kasi ang kanyang natatangap na ginagawa na umano ng mga skaters lalo na sa mga kabataan ang kanilang mga skate bilang transportasyon bagay naman na ikinatakot ng opisyal para sa kanilang seguridad.Nais lamang ni Bombeo na maiwasan ang mga disgrasya sa National Highway na kadalasan kinasasangkutan sa mga over speeding ng mga sasakyan kung saan rin dumadaan ang mga skaters.Ang nasabing ordinansa ay tinalakay nitong nakaraang biyernes na dinaluhan naman ng mga skaters sa Kidapawan City at naipaliwanag naman ito ng maayos sa kanila.Sinabi ng konsehal na maari pa ring mag skate ang mga ito sa pampublikong lugar sa Kidapawan kagaya ng City Plaza, Gymnasium, Schools na may malalawak na area maliban na lamang sa City Streets at National Highway.Kaugnay nito, plano ngayon ni Bombeo kasama ang ibang Sangguniang Panlungsod Members na magsagawa ng proposal kay City Mayor Joseph Evangelista para sa isang partikular area kung saan maaring maglaro ang mga skaters.Tiniyak naman ni Bombeo na bilang Chair ng Committee on Transportation isa siya na tututok at magmonitor sa nabanggit na usapin kasama ang City LGU at Traffic Management Unit. local...Inatake ng mga pinaniniwalaang miembro ng New Peoples Army ang isang Army detachment sa Makilala, North Cotabato kagabi. Kasabay halos nito ay ang pagsunog ng mga rebelde sa dalawang malalaking truck ng isang banana plantation.Ang sinalakay na detachment ng 39th Infantry Battaslion ay matatagpuan alas 8:45 kagabi ay nasaBarangay Luna Sur.Sa panayam ng DXND Radyo Bida kay Kagawad Virgilio Maambong, sinabi nito na halos magkasabay lamang na hinaras ng dalawang grupo ng NPA ang detachment ng militar at panununog rin sa dalawang Prime Mover Truck na pag-aari ng isang contractor ng DOLE Stanfilco.Alas 8:47 nang pasukin ng may sampung armadong lalaki ang nasabing kompanya at sinunog ang dalawang ulo ng nabanggit na truck.Maliban dito ay dinis-armahan rin ng mga rebelde ang dalawang gwardiya na on-duty sa mga oras na iyon.Pero nilinaw ni Maambong na wala namang nangyaring paglikas at wala ring mga nadamay o nasaktang mga residente sa pangyayari.Matapos ang isang oras ay dumating na ang Makilala PNP sa area kung saan wala na rin ang mga rebeldeng NPA na tumakas patungong New Baguio, Makilala.Ikinabahala naman ng mga taga Luna Sur ang pangyayari dahil sa posiblidad na ipasara ng DOLE STANFILCO ang kanilang kompnya kung saan mahigit dalawang daang pamilya naman ang maapektuhan kung tuluyan itong ipasara.Bagaman at ilang kilometro pa ang layo sa pinangyarihan ng krimen sa residential houses nagdulot naman ito ng takot at pangmba sa mga taga Luna Sur.Ayon kay Mambong ito na ang pangalawang pagkakataon na ginawa ng NPA ang panghaharas sa detachment ng miltar at panununog ng mga heavy equipment sa nabanggit na lugar.

PDEA shuts down drug den in Cotabato City, arrests 4, seizes P170K shabu

COTABATO CITY - Joint elements of PDEA BARMM Drug Enforcement Officers, Police Station 2, Cotabato City Police Office, and PNP Maritime conducted a...

P6.8-M worth shabu seized in another Lanao del Sur PDEA bust

COTABATO CITY - Anti-narcotics agents confiscated P6.8 million worth of shabu from two dealers who fell in another entrapment operation in Lanao...

BTA backs Cha-Cha moves

COTABATO CITY - The Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) parliament has expressed support to calls for charter change to resolve...

OPAPRU assures corruption has no place in MILF decommissioning process

MANILA – The Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) assured that it would not tolerate irregularities in...

CIDG agents arrest in North Cotabato 2 men wanted for illegal drugs, murder in BARMM

PIGCAWAYAN, North Cotabato - KAKALABAS pa lamang sa pagamutan ng dalawang mga wanted persons nang arestuhin ng mga tauhan ng Criminal Investigation...