Sunday Jun, 16 2024 05:18:04 AM

NDBC BIDA BALITA OCT. 28, 2015

 • 16:50 PM Wed Oct 28, 2015
1,576
By: 
NDBC NEWS AND CURRENT AFFAIRS TEAM

NEWSCAST

OCTOBER 28, 2015
(WEDNESDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. Cotabato City PNP, nakahanda na para
sa UNDAS

2. Bus Inspector patay sa pamamaril sa
Kabacan, North Cotabato

3. Comelec Koronadal, handa sa pagdagsa ng mga mamamayan habang palapit ang deadline ng registration.4. Councilor ng Banga na naghamon ng suntukan sa kapuwa councilor, humingi ng patawad.

DETALYE

LocaL NAKAHANDA na ang Cotabato City PNP para
sa nalalapit na Undas o araw ng mga patay.

Ayon kay City Director Sr. Supt. Rex
Anongos, nakalatag na ang kanilang mga security plan para sa Undas.

At ngayong araw ay magkakaroon sila ng
coordinating conference sa lahat ng mga ahensya kabilang ang Armed forces of
the philippines at Special forces batallion.

Binigyang diin ni Anongos na
ipinagbabawal pa rin ang pagdadala ng mga kutsilyo, baril, alak at maging ng
mag sound system sa loob ng sementeryo.

May nakalatag na rin silang police
assistance desk para sa publiko na.

Local PINASINAYAAN
AT BINASBASAN kahapon ng umaga ang ipinatayong mosoleum sa Immaculate
Conception Cathedral sa Cotabato city sa pangunguna mismo ni Cotabato
Archbishop Orlando Cardinal Quevedo, OMI, DD na nagdiriwang din ng kanyang 35th
Episcopal Ordination Anniversary kahapon.

Sa panayam ng
DXMS Radyo Bida, inihayag ni Cardinal Quevedo na isa sa mga layunin sa
pagpapatayo ng nasabing mosoleum ay upang magkaroon ng sariling himlayan ang
dalawa sa mga pinakaunang Archbishops ng Cotabato na sina Archbishop Gerard
Mongeau at Archbishop Philip Smith.

Bukas aniya
para sa lahat ang mosoleum kung saan ay maaaring dalawin at ipagdasal ng mga
mananampalatayang Katoliko ang dalawang pumanaw na arsobispo.

Kinumpirma
naman ni Cardinal Quevedo na totoong hindi masyadong naagnas ang mga labi ni
Archbishop Smith nang mailabas ang kabaong nito sa pader ng simbahan kahapon.

Gayunpaman,
ipinaliwanag ni Quevedo na ito ay dahil gawa sa bakal ang kabaong ng yumaong
arsobispo at hindi nakakapasok ang hangin sa loob nito kaya napreserve ang mga
labi nito.

Samantala,
determinado pa rin ang kauna-unahang Cardinal sa Mindanao na magserbisyo
ngayong nasa ika-35 taon na niya bilang arsobispo na naitalaga na sa iba't
ibang lugar.

Local

NGAYON PA
LANG ay nagpaalala na ang Department of Labor and Employment o DOLE sa mga
employers na sumunod sa itinatakdang batas sa pagbabayad ng holiday pay sa mga
manggagawa nito sa papasok sa Nobyembre 1 at Nobyembre 30.

Sa inilabas
na Labor Advisory no. 15 ni DOLE Sec. Rosalinda Baldoz kung saan idineklarang
special non-working holiday ang Nobyembre 1, All Saints Day habang regular
holiday naman ang Nobyembre 30 na Bonifacio Day.

Sa ilalim ng
Proclamation No. 831 na nilagdaan ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III,
noong Hulyo 17, dapat bayaran ang mga manggagawang papasok sa nasabing dalawang
araw na holiday.

Sakaling
hindi sumunod ang sinumang employers ay maaaring magreklamo ang sinumang
empleyado sa DOLE sa pamamagitan ng pagtawag sa hotline 527-8000, o sa DOLE
trunkline na 527-3000.

Local... DAHIL
SA MALAKING epekto ng haze mula sa Indonesia, nag-abiso ang World health
Organization o WHO na dapat bawasan ang
emission ng mga nagpapadumi sa hangin.

Babala
ng WHO, dapat iwasan na ang pagtangkilik sa mga bagay na nakakadagdag ng mga
air pollutants katulad ng black carbon, ozone at methane na tinuturing
short -lived climate pollutants o SLCP.

Hinihikayat
nila ang lahat ng bansa sa agarang aksyon na bawasan ang emission ng mga
sinasabing SLCP para maprotektahan ang kalusugan ng tao at maiwasan ang
pagkakasakit at premature death.

Nabatid
na mahigit tatlo hanggang limang milyon katao ang masasagip bawat taon hanggang
2050 kung maipapatupad kaagad ang agarang paghihimok ng WHO.

Pangunahing
layunin ng WHO sa mga hakbang gaya ng pagbawas ng mga nagdudulot sa emission ng
SLCP ay upang matugunanan ang kanilang parehong layunin sa pakikipaglaban sa
climate change at pagsisiguro ng maayos na kalusugan.

Local... Nagdagdag na ng voters registration machine o VRM ang Koronadal City Comelec Office.
Ito ay bilang paghahanda na rin sa inaasahang pagdagsa ng mga mamamayan sa mga nalalabing araw ng registration of voters para sa May 2016 elections.
Ayon kay Atty, Richard Opinion, ang city comelec election officer ng Koronadal, mula sa 250 abot na sa limang daang mga registrants ang kayang iproseso ng kanilang tanggapan bawat araw.
Nabatid na sa ngayon dalawang mga VRM na ang ginagamit ng Comelec.
Sa kabila nito, nagpapatuloy pa rin ang siksikan ng mga mamamayan para humabol sa mga huling araw ng pagpapatala.
Tiniyak naman ni Opinion na maayos at matiwasay pa rin ang ginagawa ngayong registration of voters sa Koronadal.
Umaapela naman si Opinion sa publiko na para tiyak na makapagpatala, pumunta na ngayon pa lamang sa Comelec at huwag nang hintayin pa ang deadline sa Sabado.
Ayon kay Opinion, para makapag-accommodate ng mas maraming mga mamamayan bukas ang kanilang tanggapan mula alas otso ng umaga hanggang alas syete ng gabi.
Inihayag ni Opinion na mula sa dating mahigit walumpung libo, umaabot na ngayon sa mahigit siyamnapung libo ang mga registered voters sa Koronadal City.
Local... Muntik nang magsuntukan ang dalawang mga myembro ng Sangguniang Bayan sa bayan ng Banga, South Cotabato.
Nabatid na ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan nina Indigenous Peoples Mandatory Representative o IPMR Arnel Wanan at Councilor Alex Garcia ay nagugat sa magkakasalungat na opinion ng mga ito sa plano ng lokal na pamahalaan na pagbili ng prime mover truck.
Ayon kay Wanan, matapos ang insidente sa loob ng kanilang session hall noon Otobre biente uno pinagbantaan umano siya ni Garcia.
Ang umanoy pagbabanta sa kanya ni Garcia ay ipina-blotter naman ni Wanan sa Banga PNP.
Nabatid na ang mahigit pitong milyong ibibili ng prime mover truck ay diverted funds mula sa iba pang proyekto ng Banga LGU na mariin namang tinututulan ni Wanan.
Ipinahayag naman ni Councilor Garcia na nakapagbitaw ito ng maanghang na salita laban kay Wanan dahil nadala umano siya ng kanyang emosyon dahil umano sa pamimilosopo nito sa pagharap sa isyu.
Binigyan diin naman ni Garcia na tanging ipinaglalaban nito ay ang dissenting opinion ng Department of Interior and Local Government o DILG na ministerial lamang ang papel ng konseho.
Ibig sabihin nito ayon kay Garcia, ang maari lamang gawin ng konseho ay humiling ng paliwanag, at wala silang karapatan na baguhin ang resolution ng Municipal Developoment Council o MDC Banga na pagbili ng prime mover truck ng LGU.
Kasabay ng paghingi nitong ng dispensa, ipinahayag naman ni Garcia sa panayam ng DXOM Radyo Bida Koronadal na handa naman siyang makipag ayos sa nakaalitang IPMR representative.
Local...Arestado ang isang barangay kagawad matapos na makuhaan ng baril at mga bala sa Brgy. Aflek ,T’boli, South Cotabato kamakalawa ng madaling araw.
Kinilala ang suspek na si AFlek Barangay Kagawad Joan Listam Lintang, 50 anyos.
Si Lintang ay inaresto ng mga kasapi ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG South Cotabato sa pangunguna ng hepe nitong si Police Senior Inspector Timothy Narciso.
Isinagawa ng mga pulis ang pag-raid sa tahanan ng biktima sa bisa ng search warrant ni Judge Oscar Noel Jr, ng Justice on Wheels sa Polomolok, South Cotabato.
Narekober ng raiding team sa bahay ni Lintang ang isang Armscor .38 pistol, tatlumput walong mga bala nito at limang mga bala ng 45 pistol.
Inihahanda na ng CIDG ang pagsasampa ng kasong illegal possession of firearms laban sa suspek na barangay kagawad.
Local...Abot sa 142 na mga local government units o LGUs ang nakilahok sa Mindanao Qualifying Leg ng Batang Pinoy Games sa Koronadal City.
Ito ayon kay Tony Aguilar ang Koronadal City Sports Coordinator ay mas marami sa 101 na mga LGUs na nakiisa sa qualifying leg ng patimpalak sa Pagadiin City noong nakaraang taon.
Inihayag din ni Aguilar na abot sa 3,400 na mga atleta ang dumating para maglaban sa labinpitong mga sports event sa Batang Pinoy Games sa Koronaal.
Ayon kay Aguilar kung isasama pa ang mga coaches at chaperons, abot sa mahigit limanglibo katao ang dumayo sa Koronadal City para saksihan ang Mindanao Qualifying Leg ng Batang Pinoy Games.
Ipinahayag naman ni Atty. Jay Alano ang Program Director ng Batang Pinoy ng Philippine Sports Commission na naging maayos at matiwasay ang patimpalak sa nakalipas na apat na araw.
Ang patimpalak ay magtatapos naman sa Oktobre a biente nuebe. Local...Inaasahang dadalo sa para legal forum ang mahigit isang daang mga lider ng kabataan sa South Cotabato.
Ang mga ito ay pawang mga kasapi ng Pag-asa Youth Association of the Philippines, South Cotabato Chapter. Makikiisa rin sa forum ang mga benipisyaryo ng Non government organizations na save the children at World Vision.Paguusapan sa forum ang karapatang pantao ng mga kabataan.
Ang aktibidad ay gagawin sa Provincial Capitol Gym, bilang kabahagi ng Children’s Month Celebration sa Nobyembre a biente otso.
Ayon kay Nelida Periera ang Provincial Social Welfare and Development Officer ng South Cotabato, kakaiba ang para legal forum .
Ayon kay Periera magiging pangunahing tagapagsalita kasi mismo nito mga kabataan na may edad labinpitong taong gulang pababa.
Ang mga ito ayon kay Periera ay sinanay sa usaping legal ng Salin Mindanaw.
Ang grupo ang siyang katuwang ngayon ng South Cotabato Provincial Government sa pagbalangkas ng bagong chidren welfare code.
Kabilang sa paguusapan sa forum ayon kay Periera ang Children’s Rights are Human Rights, UN Convention on the Rights of Children, Children’s Participation, Bullying, child abuse at suicide prevention.
Tema naman ng forum ang Tingong Kabataan, Alamin ang Inyong Karaptan”. Local... Emosyonal na ibinahagi ng mga guro ng Mindanao Interfaith Service Incorporated o MISFI Academy ang nangyaring umano pagpapasara sa kanilang paaralan ni brgy. White Kulaman Chairperson Filipe Cabugnason noong nakaraang linggo.Ito ay kasabay naman sa isinagawang session ng Sangguniang Bayan ng Kitao-tao, Bukidnon kamakalawa kasama ang 21 mga estudyante at guro ng MISFI para ilatag ang kanilang reklamo laban sa brgy. officials at militar na umuukupa ngayon nabanggit na eskwelahan.Ayon kay Mam Bebing ng MISFI Academy pwersahang pinasok ni Kapitan Cabugnason ang paaralan at nagdeklara itong sirain at ipasara na nagdulot naman ng takot sa mga estudyante.Sa nabanggit na session dalawang resolusyon ang inilatag ng SB member sa pangunguna ni Hon. Vice Mayor Roditu Rafisura bilang aksyon sa nabanggit na pangyayari.Una ang paglalagay kay Councilor Lesario Lantong na manguna sa gagawing imbestigasyon sa issue.Ikalawa ang paggawa ng liham para kay 8th IB Batallion Commander Lt. Col. Lenon Babelaria
na i-pull ang militar na isa rin sa mga kasama ni Cabugnason na nag padlock sa MISFI Academy.Habang nakatakda namang sagutin sa loob ng pitong araw ni Cabugnason ang mga reklamo at testimonya ng mga guro na ipina subscribe na sa kanilang abogado.Tiniyak rin ng Kitao-tao Vice Mayor at Councilors na kanilang tututukan at bibilisan ang nabanggit na kaso.Matapos ang naturang session isang programa ang isinagawa ng mga progresibong grupo bilang pagkondena sa sinapit ng kanilang mga kasamahan at sa ginawa ni Kapitan Cabugnason. Local...Dead on arrival sa pagamutan ang isang lalaki matapos itong saksakin ng kaniyang kakilala sa Sitio Tahamaling, Brgy. Bongolanon, Magpet North Cotabato.Kinilala ni Senior Ins. Felix Fornan, hepe ng Magpet PNP ang biktima na si Rodney Mahinay, nasa tamang edad, may asawa habang kinilala naman ang suspek na si Edilberto Nebria parehong residente ng nabanggit na lugar.Sa imbestigasyon ng Magpet PNP, naglalaro ng baraha ang suspek kasama ang mga kaibigan nito nang dumating ang biktimang si Mahinay at nagtanong kung magkano ang pustahan ng mga ito at nag-ingay pa, na nagresulta ng mainitang pagtatalo sa mga naglalaro duon.Agad naman itong pinakalma at inawat ng suspek pero sa halip na makinig ay una pang sinuntok ng biktima ang suspek sa mukha dahilan para kunin nito ang kanyang kutsilyo at sinaksak ang biktima.Nagtamo ng matinding sugat sa tiyan si Mahinay na agad namang isinugod sa pagamutan pero ideneklara na itong dead on arrival ng mga doktor.Sa ngayon nakakulong na ang suspek na si Nebria sa Magpet PNP lock up cell habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya. Local...Patay ang isang Bus Inspector ng Rural Transit matapos itong pagbabarilin ng di pa kilalang suspek sa loob ng Terminal Complex ng Brgy. Kayaga, Kabacan, North Cotabato pasado alas singko ng hapon kahapon.Kinilala ni Police Senior Ins. Ronnie Cordero ang biktima na si Reyno Capacillio Laguardia, 47-anyos, may asawa na taga Quirino Street, Poblacion Kabacan.Ayon sa report nakatayo lamang ang biktima habang hinihintay nito ang bus mula Cagayan de Oro City nang lapitan ito ng isang lalaki na umano naka suot pa ng kulay itim na sando at itim na shortpants at nagkaroon pa ng maikling pag-uusap sa biktima.Pero nang dumating na ang nabanggit na sasakyan at habang patungo na rito ang biktima, sinundan ito ng suspek at agad na pinagbabaril.Nagtamo ng tatlong tama ng bala ang biktima sa kanyang katawan gamit ang kalibre 45 na baril base na rin sa mga basyo ng bala na narekober ng otoridad sa crime scene.Isinugod pa sa pagamutan ang biktima subalit idineklara na itong dead on arrival ng mga doktor.Agad nagsagawa ng pursuit operation ang Kabacan PNP laban sa suspek na mabilis na tumakas sakay ang kanyang XRM motorcycle pero bigo silang mahuli ito.Sa ngayon blanko pa ang Kabacan PNP sa motibo sa krimen habang patuloy na iniimbestigahan ang insidente. Local...Nagdulot ng aberya sa nagpapatuloy na registration at validation ng Commission on Election o COMELEC Kidapawan ang isang oras na Brown Out sa service area ng COTELCO kahapon.Ayon kay City Acting Election Officer Atty. Marilyn Bayao noong isang araw pa nagsimula ang nasabing brown out at wala silang magawa kundi itigil muna ang kanilang operasyon.Maliban kasi sa madilim sa loob ng tanggapan ay maliit rin ang espasyo ng kanilang kwarto dahil na rin sa bulto bultong mga papel ng mga nais magpa validate at magparehistro dahilan para ihinto muna ang mga proseso.Sinabi ni Bayao na wala rin kasi silang naka stand by na generator kaya isang oras ring napalya at apektado ang operasyon .Hindi rin mabatid ng COTELCO ang saktong dahilan ng nasabing load curtailment dahil sumusunod lang din raw sila sa abiso mula sa National Grid Corporation of the Philippines o NGCP. Local...Hinamon ngayon ni Makilala Mayor Rudy Coaogdan ang bagong upong Chief of Police ng Makilala PNP na si Chief Ins. Elias Colonia na hulihin ang top 15 listed criminals sa bayan sa loob ng kanyang unang dalawang buwan.Ito ang kanyang deriktiba kay Colonia na pumalit namn kay Chief Ins. Maria Joyce Birrey na nagyon ay pansamatalang naka-assign sa Cotabato Police Provincial Headquarters.Sinabi ni Coaogdan, dapat lamang na mabulok sa bilangguan ang mga taong patuloy na lumalabag sa batas at nagbibigay ng masamang impluwensya sa mamamayan ng bayan lalo na sa mga kabataan.Partikular na tinukoy ng opisyal ang ilegal gambling, ilegal drugs na nanatiling talamak sa Makilala at ibang bahagi ng North Cotabato.Suportado rin ng alklade ang bagong polisiya ni CPPO Director Senior Supt. Alexander Tagum na 95% deployment ng mga pulis sa mga estratihikong lugar na posibleng pangyarihan ng krimen.Hindi rin binanggit ni Coaogdan ang kanyang susunod na hakbang sakaling hindi matapos ni Colonia ang trabahong ibinigay sa kanya.Si Chief Ins. Colonia ay isa lamang sa mga hepe ng lalawigan na kabilang sa isinagawang reshuffling matapos mag-overstay mula sa Matalam PNP. Local...Humigit kumulang isang daang miembro ng PBB Lanmar ang nakipagpulong kahapon sa isang miembro ng National Bureau of Investigation o NBI sa Region 12 sa opisina mismo ni Kidapawan City councilor o former trial court judge Atty. Francis Palmones. Si Palmones ang kanilang napili bilang legal counsel.Ayon sa ilang miembro ng PBB Lanmar na nakapanayam ng DXND Radyo Bida, pursigido sila na magsampa ng kasong Large scale estafa sa dalawa katao at isa nito ay mula sa malaking restaurant sa Kidapawan City, at dating OFW na taga-President Roxas, North Cotabato.Para sa mga biktima, pyramiding raw ang PBB Lanmar dahil karamihan sa kanila ay hindi na nakuha ang mga dapat nilang kikitain.Nabatid na ang membership fee sa PBB Lanmar, ay P1,500 at kung makakapagrecruit ng dalawa ay makatatanggap ng abot sa sampung libong piso.Ayon sa iba may natanggap raw silang food suplement pero ang ibang PBB member ay wala pa ring natatanggap hanggang sa ngayon.Sa ngayon abot na sa isang libo ang narecruit mula sa bayan ng Magpet at mahigit isang daan sa Kidapawan City.NDBC BIDA BALITA

Shabu dealer killed in shootout with PDEA-12 agents

COTABATO CITY --- Anti-narcotics agents shot dead an elusive shabu dealer in an entrapment operation on Friday night in Koronadal City that turned...

DOLE issues pay rules for Eid’l Adha

MANILA – Private sector employees who will not report for work on June 17, a regular holiday in observance of Eid’l Adha (Feast of Sacrifice),...

2 bata patay nang malunod sa ilog; OVP BARMM, nagbigay ng ayuda at Janazah Kits

COTABATO CITY - TUMAGAL ng halos apat na oras ang paghahanap sa magkapatid na nalunod sa Matampay river, Mother Barangay Poblacion, Cotabato City...

Army collects 18 more high-powered guns in MagSur 

COTABATO CITY --- Residents of Datu Paglas, Maguindanao del Sur surrendered on Thursday to an Army unit 18 high-powered firearms in support of the...

‘Bangsamoro women can lead’—women groups on BARMM 2025 polls

COTABATO CITY — Bangsamoro women representatives from various organizations convened in a forum recently to discuss strategies for strengthening...