Tuesday Apr, 16 2024 08:46:34 PM

NDBC BIDA BALITA Oct. 7, 2015

 • 03:30 AM Fri Oct 9, 2015
1,743
By: 
NDBC News and Current Affairs

NEWSCAST

OCTOBER 7, 2015 (WEDNESDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. 15-anyos na lalake, patay sa
pamamaril sa Parang, Maguindano

2. Closure order sa isang Church-run
school sa Kitao-tao, Bukidnon kinondina ng isang progresibong grupo

3. Mga barangay sa bayan ng Banga,
South Cotabato nahati bunsod ng kontrobersya kaugnay sa pamimigay umano ng
gasolina ng local na pamahalaan sa isang kasapi ng media

4. Board Member Cabaya sa LTFRBand Tanggalan ng prangkesa ang may-ari ng van na naaksidente sa Matalam

Local... INIHATID na sa kanyang huling hantungan
ang 15-anyos na binatilyo na biktima ng pamamaril kahapon sa Brgy. Poblacion
uno, Parang, Maguindanao.

Kinilala ni Parang Maguindanao Chief
Sr. Insp. Arnold Allan Bulusan ang biktima na si Mocser Macapeges, grade 9
student ng Notre dame of Parang High school at residente ng Poblacion DOS
Parang Maguindanao.

Ayon kay Bulusan, pinagbabaril ang
biktima mismo sa harap ng kanyang eskwelahan dakong alas-12:50 ng tanghali
kahapon.

Nagtamo ng tama ng bala ang biktima sa
kanyang ulo dahilan ng kanyang agarang kamatayan.

Gamit ng mga hindi pa nakikilalang
suspek ay ang caliber 9mm na baril base sa dalawang empty shells na narekober
sa crime scene.

Agad namang tumakas ang mga suspek sa
hindi malamang direksyon sakay ng kulay pula na honda motorcycle.

Samantala, nang makapanayam ng Radyo
Bida ang tiyuhin ng biktima na si Matanog Councilor Misuari Macapeges, sinabi
nitong rido ang dahilan ng naturang insidente.

Pasado alas-5 ng hapon kahapon ng
magtipon tipon silang magkakapamilya para sa pagpapalibing sa kaniyang
pamangkin.

Kinokonsidera naman ni Councilor
Macapeges na ito ay isang malaking dagok na nangyari sa kanilang pamilya.Si Councilor Misuari Macapeges ang
tiyuhin ng 15-anyos na binatilyong biktima ng pamamaril sa Parang, Maguindanao.

Local... KINUMPIRMA ni DOH Region
12 OIC Dr. Franc Mateo na bagama't lumulubo ang bilang ng mga kaso ng dengue sa
iba't ibang lugar sa mindanao ay hindi naman ito masyadong nakaapekto sa
Cotabato City.

Aniya, kabuuan umangat
lamang ng isang porsyento ang kaso ng dengue ngayong taon kumpara noong
nakaraang taon.

Inihayag naman ni Dr.
Mateo na mas nakapagtala sila ng pagtaas ng kaso ng dengue sa North Cotabato.

Giit ni Dr. Mateo hindi
na bago ang sakit na dengue sa bansa kung kaya't mainam na wag maging kampante
sa ating paligid at tiyaking malinis ito at hindi pamahayan ng lamok na dengue.

Mainam din kung
magtutulungan ang isang barangay para masugpo ang naturang epidemya.

May Panawagan naman si
DOH ARMM Secretary Dr. Kadil Jojo Sinolinding Jr sa lahat na panatilihing
maging malinis ang paligid ng bawat isaalo na't walang pinipili
ang sakit na dengue sa kung sino ang tatamaan ng naturang sakit.0 Local...ANUMANG araw
ngayon ay ilalabas na ng special investigation team ng National Bureau of
Investigation-National Prosecution Service ang resulta ng ikalawang bahagi ng
imbestigasyon ng Mamasapano encounter.

Ayon kay DOJ
Secretary Leila de Lima, ang mismong ulat ang ilalabas ng NBI-NPS special
investigation team.

Laman ng
ikalawang ulat ang imbestigasyon ang pagkamatay ni Marwan sa Barangay
Pinsandawan.

Kasama rin sa
nasabing ulat ang pagkamatay sa insidente ng 18 myembro ng MILF at umano’y pagkakasangkot ng Amerika sa Oplan
Exodus.

Nito lamang
Setyembre, pormal na sinampahan ng NBI-NPS special investigating team ang siyam
na pung indibidwal para sa kasong murder at theft.

January 25,
2015 nang mangyari ang madugong engkwentro sa Brgy. Tukanalipao, Mamasapano,
Maguindanao, na ikinasawi ng 44 na SAF troopers, 18 MILF at limang sibilyan.

0 Local...KASABAY ng
pagdiriwang ng National Science and Technology Week, handa na rin ang Autonomous Region in Muslim Mindanao para sa
paglunsad ng kaunaunahang halal congress sa Rehiyon.

Gaganapin ang
naturang pagtitipon sa October 9 sa Alnor Convention Hall.

TAMPOK rito
ang mga halal-certified products pati na rin ang mga pagpupulong tungkol sa
teknolohiya at aindustriya ng halal.

Mismo ang
region’s Science and Technology department o DOST-ARMM ang mangunguna sa halal
congress.

Binigyang
diin ni DOST-ARMM information officer Mon-em Abangad na ang 1st halal congress
ay isa sa mga pangunahing agenda ng kasalukuyang administrasyon ng ARMM.

Inaasahang
magiging daan ito upang makipagpalitan ng mga ideya ang iba't ibang sektor at
organisasyon para sa ika uunlad ng industriya ng halal sa rehiyon at maging sa
buong bansa. 0local...Dalawang
flood control project na nagkakahalaga ng 292 million pesos ang kasalukuyang
iniimplementa sa Buluan River, sakop ng Buluan, Maguindanao.

Sa
ulat ng Department of Public Works and Highways o DPWH-12, ang mga proyekto ay
kinabibilangan ng construction/maintenance of flood control mitigation project
na nagkakahalaga ng 132 million pesos at drainage systems na may pondong 160
million pesos.

Layunin
umano ng dalawang proyekto na ang mabawasan ang pagbaha sa mga lugar na madadaanan ng daloy ng Buluan River na karaniwang nagiging sanhi para masira ang
mga sakahan at kabuhayan ng mamamayan sa lugar.

Maliban
sa pagtatayo ng mga flood mitigation structures, kasama rin sa nasabing mga proyekto ang pagtanggal sa mga
water hyacinth na bumabara sa mga daluyan ng tubig.

Inihayag
ni DPWH-12 Regional Director Reynaldo Tamayo na ang naturang proyekto ay
patunay na prayoridad ng pamahalaan ang pangangalaga sa kaligtasan at kabuhayan ng mamamayan sa nasabing lugar.

Batay
sa huling ulat ng Maintenance Division ng DPWH-12, nasa 79.86% nang tapos ang
flood mitigation project na inaasahang matatapos bago ang December 16, 2015
habang nasa 60.54% na ang nakokompleto sa drainage system project na inaasahang
matatapos naman bago ang May 2, 2016.

Local...Ipinahayag ni Koronadal City Mayor Peter Miguel ang kanyang state of the city address o SOCA kahapon.
Ito ay dinaluhan ng mga kawani ng local na pamahalaan, local na opisyal,estudyante, kintawan mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno, at pribadong sector.
Kaugnay nito, ipinahayag ng Alkalde na isa sa naging prayoridad ng kanyang administrasyon ang pagpapaigting pa ng mga proyektong pang-infrustruktura sa lungsod.
Layon nito ayon kay Miguel ay upang lalo pang makahiyakat ng mas maraming negosyo ang lungsod.
Binigyan diin ng alkalde na mahalaga ang maayos na road network para sa pagunlad ng ekonomiya ng Koronadal.
Kabilang sa mga naipatupad ng local na pamahalaan ang rehabiliataion at concreting ng provincial road at mga barangay roads sa Koronadal City.
Ang mga ito ayon kay Miguel ay pinondohan ng local na pamahalaan ng mahigit pitumpung milyong piso.
Inihayag din ni Miguel na naglaan ng 3.9 million ang city government para sa konstruksyon ng temporaryong tulay sa barangay Namnama.
Ito ay bilang pampalit sa tulay na sinira ng flashflood noong Hulyo a biente kwatro.
Ayon kay Miguel nakatakda na ring simulan ang pagsasaayos ng ilang mga pangunahing tulay sa lungsod.
Tiniyak din ng alkalde na sa kabila ng mga aberya, masisimulan ang konstruksyon ng public terminal ng Koronadal bago pa man magtapos ang kasalukuyang taon. Local...Narecover ng mga pulis ang nakaw na motorsiklo sa bayan ng Banga, South Cotabato.
Ang kulay itim na Kawasaki HD III motorcycle na walang license plate ay natuklasan ng team ni Police Inspector Senen Balayon ang OIC ng Banga PNP sa Sitio Bagong Tuklas, Barangay Liwanay, Banga, South Cotabato, dakong alas singko ng hapon kamakalawa.
Ang motorsiklo ayon sa PNP ay inabandona sa lugar ng kwarenta’y dos anyos na si Renante Nacional kasama ang tatlong mga menor de edad.
Ito ay ninakaw habang naka-park sa tabi ng Municipal Gym ng Tupi, South Cotabato tanghali noong Oktobre a tres.
Samantala dumulog naman sa pulisiya ang isang Paulino Gasmin, residente ng barangay Polonuling, Tupi, South Cotabato.
Ito ay matapos nakawin ang kanyang kulay itim na Skygo motorcycle na walang ring license plate.
Ayon sa salaysay ni Gasmin sa mga pulis ang kanyang motorsiklo ay tinangay ng mga magnanakaw habang ito ay naka park sa loob mismo ng kanilang compound.
Natuklasan ni Gasmin ang pagkawala ng kanyang motorsiklo dakong alas onse ng gabi kamakalawa.
Ang insidente ay patuloy pang iniimbistigahan ng Tupi PNP.0 Local...Nakuha ng mga otoridad mula sa mga suspek na kanilang ang tatlumput limang small at dalawang large sachet ng suspect shabu.
Ito ay maliban pa sa isang 20 gauge na paltik na baril, , dalawang mga bala nito, disposable lighter at improvised tooter.
Ang operasyon laban sa illegal na droga ay isinagawa ng ng South Cotabato Provincial Anti Drug Task Force,sa Barangay Paraiso, Koronadal City kamakalawa ng gabi.
Ito ay nagresulta naman sa pagaresto sa mga suspek na sina Nords Esmael at Togs Dudzie, pawang mga residente ng Barangay Maindang, Lutayan, Sultan Kudarat.
Inihahanda na ng pulisiya ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2202 laban sa mga suspek na nakakulong ngayon sa Koronadal City PNP lock up cell. 0-Local...Muling nabuhay ang dalawang grupo ng mga barangay sa Bayan ng Banga, South Cotabato.
Ito ay nagsimula matapos mabulgar ang panghiningi umano ng gasolina ni Mario Arcenas, ng Bombo Radyo Koronadal sa local na pamahalaan ng Banga.
Ayon kay Chairman Jonathan Ladot, ng Barangay Cabudian, Banga, ang grupong napabilang sa tinawag nilang lucky 9 at kaalyado umano ng alkalde ay kinabibilangan ng mga barangay ng Cabuling, Malaya, Lam-afus, Lambingi, Improgo, Reyes, Rizal, Punong Grande, at Lamba.
Habang ang mga barangay naman ng Cabudian, Rizal Poblacion, Rang-ay, San Vicente, Kusan, Bo.5, Derilon, Lampari, Benetiz, Yangco, San Jose,Liwanay at El Nonok ay napabilang sa Hudas trese.
Ang Hudas Trese ayon kay Ladot na kinabibilangan ng kanilang barangay ang nahirapan sa pag-request ng gasolina sa lokal na pamahalaan.
Ayon kay Ladot para matugunan ang pangangailangan ng kanilang mga constituents, pinagkakasya na lamang nila ang pondo ng kanilang barangay.
Himutok pa ni Ladot ang gasolina na ibinibigay umano ng Banga LGU kay Arcenas ay dapat napakinabnagan pa ng mga mamamayan ng Banga.
Ipinahayag naman ni Improgo Barangay Chairman Fermin Dorego na nakatataggap naman daw ng gasoline assistance ang kanilang barangay mula sa Banga LGU.
Para mabigyan linaw ang kotrobersyal na usapin sa gasolina, magpapatawag ng legislative inquiry ang Sangguniang Bayan ng Banga ngayong araw.
Ayon kina Councilors Janeem Reyes at Arnel Wanan, hihilingin din nila sa pamamagitan ng resolosyon ang interbensyon ng Commission on Audito o COA sa kontrobersya. Local...Hindi na nakauwi ang isang estudyanteng inutusan lamang na bumili ng yelo ng kanyang tyuhin sa Koronadal City.
Ito ay matapos na maaksidente sa sinakyang motorsiklo kamakalawa ng gabi.
Ang biktimang si Jay Valentine ng Barangay San Jose Koronadal ay kinilala mismo ng kanyang tyuhin na si nono Singson kahapon na ng umaga.
Lumabas sa inisyal na imbistigasyon ng mga pulis na posibleng tumilapon ang biktima matapos mag-overshoot sa daan ang minamaneho nitong motorsiklo sa Purokk Everlasting barangay Avancena sa lungsod.
Ang biktima ay nagtamo ng matinding sugat matapos tumama sa bato ang ulo nito.
Tinulungan pa ng ilang mga concerned citizen na nakakita sa kanya si Valentine, ngunit siya ay di na umabot ng buhay sa South Cotabato Provincial Hospital. 0Local...Patay ang isang driver matapos pagbabarilin ng di pa kilalang suspek sa roundball ng Brgy. Kayaga, Kabacan, North Cotabato alas 9and00 ng umaga kahapon.Kinilala ni Police Senior Ins. Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si Wendell Manubag Canyadilla, 34 anyos na taga Tres de Mayo, Digos City, Davao del Sur.Ayon kay Cordero nakaupo lamang si Canyadilla sa isang waiting shed sa lugar nang lapitan ito ng mga suspek at agad na pinagbabaril.Mabilis namang tumakas ang mga suspek gamit ang isang motorsiklo matapos ang insidente.Nagtamo ng tama ng bala ang biktima sa kanyang katawan gamit ang caliber 9mm pistol base na rin sa narekober ng mga otoridad sa crime scene.Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya bago ang pamamaril may nakaalitan umano ang biktima na patuloy namang nilang kinukumpirma ta kung may kaugnayan ba ito sa pamamaril sa kanya.Sa ngayon blanko pa ang Kabacan PNP sa motibo sa insidente habang kinukumpirma rin nila kung may kaugnayan sa droga ang insidente.Nanawagan rin ang PNP sa mga kamag-anak o kakilala ng biktima na ang bangkay nito ay nanatili pa rin sa Collado Funeral Homes ng Kabacan, North Cotabato.
Local...Kung si Kidapawan City Jivy Roe Bombeo ang tatanungin, hindi pa pogi points ang paglatag nito ng abot sa 35 panukalang batas sa harap mismo ng ibat ibang sektor ng lungsod kahapon.Sinabi ni Bombeo na napapanahon ang naturang mga ordinansa dahil ang iba ay naipasa pa noong munisipyu pa ang Kidapawan at ang iba ay kinakailangan ng rebisahin at amyendahan.Kabilang na rito ang speed limit ordinance na una nang naoprabahan noong pang 1996.Ayon kay Bombeo, kung hindi man lahat ng 35 ordinansa ang lulusot ay nakaksiguro itong sampu sa naturang bilang ay tiyak na maipapasa sa ilalim ng kanyang komite, ang Committee on transportation bago magtapos ang taong 2015.Gayunpaman hindi niya hahayaan ang ibang komite ng Sangguniang Panlungsod na responsable sa iba pang mga inilatag na batas lalo na sa usapin ng kalusugan, kapaligiran at iba pa.Binigyang diin rin ng opisyal na marami rin sa kanyang mga batas noon ang ngayon ay napapakinabangan lalo na sa usapin ng edukasyon at kapakanan ng mga kabataan.Kasama ni Bombeo sina Kagawad Ruby Padilla Sison at Kagawad Alan Amador bilang co-author sa naturang proposed ordinances habang secondary co-author naman sina HOn. Estela Lamata atN Hon. Rey Suelan. Local...Hinimok ni Cotabato Board Member Loreto Cabaya Jr. ang Land Trasportation Franchising and Regulatory Board o LFTR 12 na tanggalin ang prankisa ni Jovanie Tenajeros, ang may ari ng van na nasangkot sa malagim na trahedya sa Matalam-Kidapawan Highway na ikinasawi ng siyam katao noong Sabado.Ayon kay Cabaya paraan ito upang mabigyan ng paunang hustisya ang nangyari sa mga biktima gayunman sa kanilang mga naiwang pamilya lalo pa't hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nahuhuli ang tumakas na driver na si Brendo Singko ng Pikit, North Cotabato.Paraan rin ito ayon pa kay Cabaya na magising ang iba pang driver operators na maging responsable sa kanilang pagmamaneho para hindi na maulit pa ang kaparehong insidente.Si Tanajeros ay nag mamay-ari ng dalawang unit ng pamapasaherong van na parehong bumabyahe ng DAVAO-Cotabato at vice versa.Ang resolusyon na isinulong ni Cabaya ay sinuportahan naman ng iba pang Sangguniang Panlalawigan Officials kasabay ng SP session kahapon sa Provincial Capitol, Amas, Kidapawan City Patuloy ngayong nagpapagaling sa pagamutan sa Kidapawan City ang isang magsasaka matapos itong pagtatagain ng kanyang kapwa magsasaka sa purok 7, brgy. Gayola, Kidapawan kahapon ng umaga.Kinilala ng PNP ang biktima na si Charlito Oracion, 38-anyos habang kinilala naman ang suspek na si Diosdado Villamero, parehong nakatira sa nabanggit na lugar.Ayon sa report, sinita raw ng biktima ang suspek dahil nag-iinuman ito sa kalagitnaan ng kanilang trabaho.Ikinagalit rin umano ng suspek dahil siningil niya ang biktima sa kanilang iniimung TUBA pero ayon sa biktimang si Oracion bakit siya magbabayad na hindi naman siya uminom nito dahilan para pagtatagain siya ng suspek.Samantala, isang text naman ang natanggap ng DXND Radyo Bida tungkol sa umano matagal na pagresponde ng baranggay officials ng Gayola sa lugar dahilan na natagalan rin ang rescue ng mga pulis.Ngayon patuloy pang iniimbestigahan ng mga otoridad ang insidente.

3 bigtime drug peddlers nabbed in Koronadal

KORONADAL CITY - Three big-time drug peddlers were arrested during a drug buy-bust operation in Barangay Morales, this city on Sunday.  Joint...

Cotelco announces April 20 scheduled power service interruption

TO OUR VALUED MEMBER-CONSUMER-OWNERS (MCO): This is to inform you that we will have a SCHEDULED power interruption on the following scheduled date...

Comelec holds historic voter sign-up in 2 MILF camps

SULTAN KUDARAT, Maguindanao del Norte – The Commission on Elections (Comelec) on Monday held the first-ever voter registration inside the Camp...

NDBC BIDA BALITA (April 16, 2024)

HEADLINES 1   Registration of voters, ginawa ng Comelec sa loob ng kampo ng MILF 2   Tatlong drug suspect na may higit...

Lalaki sa Mamasapano, nakaligtas sa pamamaril, pero motor niya sinunog ng mga suspect

NAKALIGTAS sa pananambang ang isang lalaki habang sakay ng kanyang motorsiklo sa Sitio Dakumuya, Brgy Mamasapano, Mamasapano town sa Maguindanao del...