Friday Apr, 26 2024 06:45:24 AM

NDBC BIDA BALITA Oct. 8, 2015

 • 03:50 AM Fri Oct 9, 2015
1,751
By: 
NDBC News and Current Affairs

NEWSCAST

OCTOBER 08, 2015 (THURSDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. MGA AKUSADO sa Maguindanao Massacre
case, posibleng madesisyunan bago magtapos ang termino ni PNoy

2. Aktibong papel ng civil society
organization sa tinatawag na, 'grassroots participatory governance' pinalalakas
sa limang mga bayan sa North Cotabato

3. Mga out school youth sa Tacurong
city sinanay sa pagawa ng papel mula sa oil palm leaf stalks

4. Replica ngMagellan cross, nasa Kidapawan cathedral, mananampalatayang katoliko dagsa

LocaL...

NANINIWALA si outgoing
Justice Secretary Leila de Lima na madedesisyunan na ng korte ang kaso ng mga
sangkot sa Maguindanao massacre bago magtapos ang termino ni

Pangulong Aquino sa 2016.

Ayon kay De lima, isa
itong commitment sa presidente na pagtitiyak sa pagsasakdal sa mga akusado.

Maaalalang mag a-anim na
taon na sa susunod na buwan ang trahedya pero hanggang ngayon ay wala pa ring
nahahatulang guilty o nabibigyan ng hustisya ang mga biktima.

Kabilang sa mga
pangunahing akusado sa karumal-dumal na krimen ay si Andal Datu Unsay”
Ampatuan Jr. at kanyang kapatid na si Zaldy Ampatuan, na kapwa nililitis sa
Quezon City Regional Trial Court Branch 221.

Partikular na
pinahalagahan ni De Lima ang pagbasura sa bail petition ng mga Ampatuan bunsod
ng malakas na ebidensiya na naiharap ng prosekusyon sa korte sa

kanilang pagkakasangkot
umano sa pagpatay sa 58 katao, kabilang ang mahigit 30 mamamahayag noong
November 23, 2009.

local...LAKING pasasalamat ni
Soledad Echevarria, 55 anyos ng Brgy. Dualing, Aleosan North Cotabato matapos
siyang makaligtas sa madugong vehicular accident sa Matalam-Kidapawan highway
partikular sa West Patadon, Matalam North Cotabato pasado alas dos ng madaling
araw noong October 3.

Sariwa pa kay Soledad ang
nangyari na hindi niya akalaing makakaligtas siya sa trahedya matapos na
aksidenteng bumangga ang kanilang sasakyan sa dalawang magkatabing puno ng
Mahogany.

Una ng ibinalita ng DXND
radyo bida na, Dead on the spot ang walo katao habang apat naman ang sugatan sa
insidentehabang isa pa sa mga
sugatan ang binawian din ng buhay sa ospital.

Nagmula ang kulay puti na
TOYOTA HI ACE VAN na may license plate ng LHM 995 sa DAVAO City na first trip
patungong Cotabato City.

Isa si Echevarria sa apat
na iba pang agad na isinugod sa ospital matapos siyang mahulog nang kusang
bumukas ang pinto nito sa sobrang lakas ng pagkakabangga sa puno.

Nagtamo ng sugat si
Echevarria sa kanyang ulo at braso. Local...NAKINABANG sa
LIBRENG serbisyong medikal ang mga senior citizens sa lungsod ng Cotabato
kahapon.

Ito ang isa
sa mga aktibidad na tampok sa taunang selebrasyon ng Elderly filipino week na
pinangunahan ng City Government of Cotabato.

Kaisa ng
lokal na pamahalaan ng Cotabato ang Office on Health Services, Cotabato
Regional and Medical Center, Medical Society and Dental Society Cotabato

City, at
Department of Health 12.

Dumagsa naman
ang mga senior citizen mula sa iba't ibang barangay sa isinagawang medical at
dental services, pati na rin ang pamimigay ng libreng bitamina at gamot sa
People’s Palace.

Ang Elderly
Filipino Week o Linggo ng Nakatatandang Filipino ay ipinagdiriwang tuwing unang
linggo ng oktubre sa ilalim ng Proclamation No.479 na pinirmahan ni President
Fidel Ramos on September 26, 1994.

Tema ng
naturang selebrasyon ay Igalang ang Nakakatanda at ang Kanilang Karapatan”. Local...NABABAHALA si
Maguindanao Governor Esmael TOTO Mangudadatu sa pagdami ng
gumagamit at nagbebenta ng shabu sa lalawigan ng Maguindanao.

Aniya, mula 1
to 10, nasa ikawalo ang marka nang pagiging rampant ng bentahan ng shabu sa
lalawigan.

Nakiusap
naman si Mangudadatu na sana'y mabigyan ito ng atensyon ng mga otoridad.

Bilang
chairperson ng provincial peace and order council, isa ito sa mga naging paksa
ng isinagawang meeting kahapon sa office of the provincial governor sa Buluan,
Maguindanao.

Bagama’t
hindi lamang talamak ang bentahan ng droga sa Maguindanao, mainam na
magtulungan ang bawat isa para masugpo at matigil na ang naturang masamang
gawain.

Si
Maguindanao Governor Esmael Toto Mangudadatu.

Local...HIGIT sampung mga poste ng Kuryente ng Cotabato Electric Cooperative o COTELCO ang tatamaan ng road widening project ng Department of Public Works and Highways o DPWH sa national highway sa Kidapawan City.Ito ang umano isa sa mga dahilan kung bakit hanggang sa ngayon ay nakatiwangwang pa rin ang proyekto.Hindi raw kasi magalaw-galaw ng private contractor ng DPWH ang naturang mga poste dahil pag-aari ito ng kooperatiba.Nagpaliwanag sa isyu’ng ito si Cotelco general manager engineer Godofredo Homez.Sa panayam, inamin ni Homez na may problema nga sa paglilipat ng naturang mga poste.Una, hindi raw kasi basta-basta ma-i-transfer nila ang mga poste dahil nakaharang ang mga gusali.Pangalawa, private property din ang lote. Di raw sila na-inform ng DPWH bago sinimulan ang proyekto.Ikatlo, nangangailangan ito ng malaking pondo. Halos milyon ang gagastahin ng Cotelco para lamang maitabi ang higit sampung mga electric poles nila na tatamaan ng road widening.Dahil dito, posible’ng lalo pang matagalan ang pagkumpleto sa naturang road widening project na sana’y makakabenepisyo sa mga motorista.Samantala, hanggang sa ngayon ay tikom pa rin ang bibig ng DPWH ukol dito. Sinubukang kunin ng RADYO Bida ang kanilang reaksyon pero wala ni isa man sa mga opisyal nila ang nagbigay ng paliwanag. Local...KAPAG panahon ng tagtuyot, ilan sa mga katutubo kumakain na ng ‘kayos’ kahit alam nila’ng delikado ito’ng kainin.Noong tumama ang El Nino sa North Cotabato, halos sampu katao ang nahilo nang kumain ng ‘kayos’ o wild yam.Sinabi ni Datu Antonio Inda, lider ng mga Manobo sa Sitio Puas Inda sa Barangay Amas, na wala nang pagpilian ang mga kapwa niya katutubo kundi ang kumain ng kayos para lamang mabuhay.Ito raw ang ayaw mangyari ni Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista.Kaya nga ba’t nito’ng Martes ay inaprubahan na ng LGU ang pagpapalabas ng pondo para pambili ng mga seedling ng root crops, gulay, at iba pang mga proyekto na ipamamahagi sa mga magsasakang maapektuhan ng El Nino.Sa pamamagitan nito, mahihikayat ang mga magsasaka magtanim ng heat-resistant crop tulad ng yellow variety ng cassava.Kapag nagsimula nang magtanim ng cassava ngayong Oktubre ang mga magsasaka, tiyak, may aanihin na sila ngayong Pebrero – kung saan matindi na ang El Nino.Maliban dito, titiyakin rin ng Kidapwan LGU na may sapat na tubig-maiinom sa mga lugar na tatamaan ng tagtuyot.May livestock dispersal din na gagawin sa ilang mga apektadong barangay. DINUMOG ng mga parishioners ng Diocese ng Kidapawan ang apat na raan at siyamnapu’t anim na gulang na replica ng Magellan’s Cross na dumating sa Kidapawan City nito’ng Miyerkules.Ang replica ay inilagay sa harap ng altar sa loob ng Our Lady Mediatrix of all Grace Cathedral na nasa Quezon Boulevard.Kahit ano’ng oras ay bukas ang Cathedral para sa nais bumisita at masilayan ang antigong krus – na umano bitbit pa ni Ferdinand Magellan nang sakupin nila ang Pilipinas noong 15th century.Sinabi ni Father Eduard Bacus ng DCK, parochial vicar ng M’lang parish, na hindi maipagkakaila na si Magellan ang nagdala ng Katolisismo sa bansa.Napapanahon din ang pagbisita ng replica dahil sa ngayong buwan ng Oktubre ay ipinagdiriwang ang Buwan ng Rosaryo. Ang replica ay nag-iikot sa iba’t ibang panig ng bansa para ipaalala na ang krus ay simbolo ay buhay na pagmamahal ni Kristo sa sanlibutan.Kaugnay nito, nananawagan si Father Bacus sa mga parishioner na bisitahin at makiisa sa mga aktibidad.Tatagal ang krus hanggang Sabado bago ito ilipat sa isang Gagmay’ng Kristohanong Katilingban sa Barangay Sibsib, Tulunan.Susunduin naman ito ng mga parishioners na magmumula sa Koronadal City.Ang huling destinasyon nito ay sa lalawigan ng Basilan.

1 patay, 3 huli sa gun buy bust sa Maguindanao del Sur

TALAYAN, Maguindanao del Sur - ISA sa ang patay matapos mauwi sa shootout ang ikinasang firearms buy bust operation ng CIDG-BARMM sa Barangay...

AFP chief hails bravery of 7 soldiers hurt in clash vs. BIFF

MANILA – Armed Forces of the Philippines (AFP) chief Gen. Romeo Brawner Jr. on Wednesday visited and lauded the seven wounded soldiers for their...

Cotabato Light: April power bill for residential slightly higher

COTABATO CITY - The overall residential rate of Cotabato Light & Power Company (Cotabato Light) is higher by 0.2408 centavos, or equivalent to a...

Villagers displaced by hostilities between 2 Moro factions

COTABATO CITY - A Moro gunman was killed while six others were reportedly hurt in a series of gunfights on Wednesday afternoon in Barangay Banucagon...

300 pamilya, lumikas dahil sa bakbakan ng dalawang armed groups sa Pigcawayan

LUMIKAS ang nasa 300 mga indibidwal mula Barangay Banucagon, Pigcawayan, Cotabato nang sumiklab kahapon ng hapon ang bakbakan sa pagitan ng dalawang...