Saturday Apr, 20 2024 09:01:27 PM

NDBC BIDA BALITA Sept. 10, 2015

 • 05:03 AM Fri Sep 11, 2015
1,897
By: 
NDBC News and Current Affairs

NEWSCAST

SEPTEMBER 10,
2015 (THURS)
7and00 AM

CALOYand MAGANDANG UMAGA! Tunghayan ang mga
pinakabagong balita ngayong HUWEBES, SEPTEMBER
10, 2015…..

Mga konkretong balita at impormasyon na
dumaan sa wasto, patas at masusing talakayan… Ako si Caloy Bautista at i to ang NDBC BIDA BALITA!

PLAY NEWSCAST – PAU OBB

HEADLINESand

1. TATLO KATAO, patay, 2 iba pa,
sugatan sa shootout sa Cotabato city.

2. Konsehal sa Magpet, North Cotabato, itinangging
may kinalaman sa away ng dalawang tricycle associations sa bayan

3. LAND CONFLICT, dahilan ng sagupaan ng
dalawang grupo sa Lutayan, Sultan Kudarat, ayon sa Militar

4. PANUKALANG bawasan ang kasalukuyang
32% income tax sa bansa, isinusulong ng mga kongresista.

CUE VO………….. ‘ANG DETALYE NG MGA BALITA…. SUSUNOD’

Local………………..

TATLO
ANG NASAWI habang dalawang iba pa ang sugatan sa shootout na nangyari sa SK
Pendatun Avenue, Cotabato city pasado alas 9 kagabi.

Kinilala
ni Cotabato city PNP Dir. Police Sr. Supt. Rex Anungos ang nasawi na si Jordan
Talusub ng Barangay Rosary Heights 3.

Nasawi
naman sa shootout si Roland Kabatuan habang ang mga sugatan ay kinilala naman
na sina Anina Adam at Ben Montes. Si Anina Adam ay dead on arrival sa Cotabato
Regional and Medical Center.

Sila
ay kabilang sa grupo ni Michael Montes alyas Black Moro na naaresto ng mga sundalo.

Una
rito, binaril ng grupo ni Montes ang isang Jordan Talusob habang ito ay
nakatayo sa kahabaan ng SK Pendatun Avenue.

Nagkataon
na nasa lugar ang nagpapatrolyang grupo ng Army’s 5th Special Forces
Battalion kaya agad silang nagresponde.

Gayunman,
sa halip na sumuko ay nanlaban sa mga otoridad ang grupo ni Black Moro kaya
nauwi sa shootout.

Nabatid
na tinamaan din ng ligaw na bala ang isang sibilyan na nakilalang si Rey Gando.

Sinasabing
sangkot ang grupo ni Black Moro sa iba’t ibang krimen sa lungsod at sa karatig
na lalawigan.

Kaya
naman pakiusap ni Army’s 5th Special Forces Battalion commander Col.
Rannie Sevilla sa publiko na lumantad sakaling naging biktima ng grupo ni Black
Moro o kaya ay may alam sa operasyon ng naturang grupo.

BERNADETTEand

BALITANG
SIMBAHAN

PINAYUHAN ngayon ni CBCP Episcopal
Commission on Migrants and Itinerant Peoples Chairperson at Balanga Bishop
Ruperto Santos ang mga Overseas Filipino Worker o OFW at ang kanilang mga mahal
sa buhay na matutong magtipid at huwag ubos-biyaya.

Ginawa ni Bishop Santos ang panawagan
matapos bumagsak ang halaga ng piso kontra dolyar makalipas ang limang taon na umabot
na ngayon sa P47.

Pinangangambahan rin ng Obispo ang
epekto ng pagbagsak ng piso sa dolyar sa bigat ng pasanin sa bayarin ng bansa
sa utang nito sa Estados Unidos.

0- 2ND BREAK

Local …………………

TUMANGGAP ng
parangal at pagkilala ang isang Teduray sa kanyang pagsisikap na maiusulong ang
karapatan ng mga katutubo.

Isa si Jo
Genna Jude” Martin Jover ng Upi, Maguindanao sa anim na nagwagi sa kategoryang
Untold Storiesand Women Transforming their Communities” ng N-Peace Awards.

Si Jover ang
nag-iisang Pinoy na kabuuang sampung peace awardees.

Mula 2011 ay
kinikilala na ng N-Peace Awards ang mga mga peace-building efforts ng iba’t
ibang mga personalidad sa asya.

Marami sa mga
kalahok sa naturang patimpalak ay mga peace advocate mula Indonesia, Pakistan,
Myanmar, Nepal, Afghanistan, at Pilipinas.

Ngayong taon,
may tatlong kategorya ang N-Peace Awards na kinabibilangan ng Untold Stories –
Women transforming their Communities Campaiging for Action – Women and Men
Mobilizing for Peace at The Peace Generation – Young Women and Men Building
Peace.

Nabatid na
marami sa mga ka-tribo ni Jove rang nakaranas ng pang-aabuso at kawalan ng
hustisya. Ilan sa mga ito ay nag-armas subalit marami rin sa kanila ang sumama
kay Jover sa pagsusulong ng mapayapang pagresolba ng mga problema

Sabi ni
Jover, ang kanyang natanggap na award ay isang oportunidad para makilala sa
buong mundo ang lakas at impluwensya ng isang ordinaryong lumad sa pagsusulong
ng kapayapaan.

-

CUE ………………. STINGER BALITANG PAMBANSA

Naniniwala
ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na mas marami ang magbabayad ng buwis lalo
na sa hanay ng mga negosyante at mga professionals kung bababaan ang sinisingil
sa kanila na income tax.

Ginawa
ni House committee on ways and means chairman Miro Quimbo ang nasabing pahayag
matapos ang pulong ng komite kaugnay ng panukalang bawasan ang kasalukuyang 32%
income tax sa bansa.

Sa
ngayon ay naka-flate sa 32% na rate ang income tax na sinisingil sa lahat ng
mamamayan subalit ta­nging sa mga empleyado na sumasahod tuwing ika-15 at
ika-30 ng buwan ang nakokolektahan ng tamang buwis.

0- LOCAL... Nakapuslit man sa mga otoridad sa kanilang lugar, napasakamay naman ng mga pulis sa Koronadal City ang isang wanted person sa lalawigan ng Iloilo.
Kinilala ng Koronadal City PNP ang suspek na si Paterno Soloren, may apat na taon nang nagtatago sa lungsod.
Ang suspek ay pansamantalang nanirahan sa barangay San Jose Koronadal
Si Soloren ay naaresto ng pinagsanib na pwersa ng Koronadal City at South Cotabato PNP sa barangay Santa Cruz kahapon ng umaga.
Siya ay nahaharap sa kasong murder dahil umano sa pagpatay sa isang kasapi ng Philippine Marines sa kanilang lugar noong 2006
Si Soloren ang itinuturing na number one most wanted person sa bayan ng New Lucena sa Iloilo at pang labinanim naman sa buong lalawigan.
Ang suspek ay naaresto sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Ma. Yolanda Panaguiton-Govino ng Regional Trial Court, 6th Judician Region.
Si Soloren ay kasakuluyang nakaditine sa lock up cell ng Koronadal City PNP.
Inihahanda na ng Koronadal City PNP ang kinakailangang mga papeles para sa nakatakdang paglipat sa kanya sa Iloilo Province.

3RD BREAK

Local…………………….

KINUNMPIRMA
ni Cotabato City PNP Dir. Police Sr. Supt. Rex Anungos na natanggap na niya ang
direktiba ng PNP national headquarters kaugnay sa pag-pullout ng mga police
escorts mula sa mga VIP at politiko.

Gayunman,
ayon kay Anungos, hindi nila agad na matatanggalan ng police escorts ang ilang
mga private individual at elected official ng lungsod dahil may banta sa
kanilang buhay.

Sinabi
ni Anungos na nagbigay na sila ng abiso sa naturang mga indibidwal at inirekumenda
sa mga ito na mag apply sa police security protection group para makahingi ng
security escorts.

Nabatid
na binibigyan ng hanggang tig dalawang police escort ang mga inidibidwal na may
seryosong banta sa kanilang buhay.

Una
rito, ipinagbawal na ni PNP Chief Police Director General Ricardo Marquez nag
awing bodyguard ng mga VIP ang mga pulis.

Sinabi
ni Marquez na dapat ang mga Police Officer ay nasa lansangan at nagpapatrulya
sa mga matataong lugar upang matutukan ang pagsugpo sa kriminalidad.

Nabatid
na marami sa mga bodyguard ng mga VIP ay ang mga bagitong pulis na kailangang i-recall
ng PNP.

Nais
ni Marquez na maipatupad ang Patrol 101 na binabalangkas ng liderato ng PNP o
ang deployment ng mas maraming mga pulis sa kalye at mga barangay.

Samantala,
ang mga nasa himpilan ay mamanduhan lamang ng ilang mga pulis na siyang gagawa
ng mga trabahong administratibo.

Sa ngayon,
nasa one is to one thousand ng ratio ng pulis sa bawat mamamayan kaya’t
nagbawas ang liderato ng mga tauhan sa mga himpilan para maipakalat sa mga
lansangan.

LOCAL... Kaso laban sa city treasurer at alkalde ng Koronadal kaugnay umano sa kwestyonableng intillgence fund ng lungsod, dinis-miss ng ombudsman
Ibinasura ng Ombudsman ang isa pang kaso na isinampa laban kina Koronadal City Mayor Peter Miguel at City Treasurer Marloun Gumbao.
Sa anim na pahinang resolution nito, ipinahayag ng Ombudsman na walang sapat na basehan ang kasong paglabag sa Graft and Corrupt Practices Act laban sa mga respondent.
Ayon sa Ombudsman, dumaan sa masusing talakayan ang mahigit labindalawang milyong pisong intillegence fund na inabrupbahan ng Sangguniang Panglugsod noong nakaraang taon.
Ito ayon naman sa complainant ay mis-appropriation.
Binigyan punto rin ng Ombusman na wala batayan ang paninidigan ng complainant na dapat ay quarterly ang pag-release ng intillgence fund ng city government.
Matatandaan na ang kaso laban kina Miguel at Gumbao ay isinampa ni City Councilor Rene Jumilla noong nakaraang taon..
Ayon kay Gumbao, magsasampa ito ng kaso na humihiling ng danyos laban kay Councilor Jumilla.
Voice Clip…..
Si Koronadal City Treasurer Marloun Gumbao.
Abangan ang sagot ni Councilor Jumilla sa usapin sa iba pang mga public affairs program ng DXOM Radyo Bida Koronadal.
0- LOCAL.. Nasawi ang isang magsasaka matapos mabiktima ng pananaga sa bayan ng Surallah, South Cotabato.
Kinilala ng Surallah PNP ang biktima na si Reil Marcelo, biente sais anyos at residente ng Lower Sitio Columbasinong, Barangay Colungolo, Surallah.
Ang biktimang si Marcelo ay tinaga umano ng bayaw na si Anthony Salas, biente kwatro anyos at residente din sa lugar.
Lumabas sa inisyal na imbistigasyon ng pulisya na paguwi ni Marcelo matapos magtrabaho sa bukid, nadatnan umano nito sa kanilang bahay ang suspek na bayaw.
Habang mainitang nagtatalo, tinangka umano ng biktimang si Salas na kumuha ng kutsilyo ngunit naunahan siya ng bayaw at pinagtataga gamit ang malaking lingkaw na mas kilala sa tawag na karit o lagaraw”.
Ang biktimang si Marcelo ay nagtamo ng sugat sa leeg na naging sanhi ng kanyang dagliang pagkasawi.
Habang ang bayaw na suspek na si Salas ay patuloy pang pinaghahanap ng mga pulis nang tumakas matapos umanong gawin ang krimen.
Ang matagal nang alitan sa pagitan ng suspek at biktima ang motibo na tinukoy ng pulisiya sa krimen.

CUE ………………. STINGER BALITANG PAMBANSA

Ipapaubaya
ng Malacañang sa Kongreso ang pagrepaso sa family code kasunod ng hakbang ng
Santo Papa na pabilisin ang proseso ng annulment ng kasal.

Ayon
kay Communication Secretary Hermino Coloma Jr., ginagalang nila ang pananaw ng
Santo Papa at iginiit na bahala na ang mga mambabatas sa pag-aaral sa batas sa
annulment na nakapaloob sa family code.

Dahil
sa kawalan ng divorce sa Pilipinas, sa pamamagitan lamang ng annulment at legal
separation mapapawalambisa ang kasal pero magastos at mahaba ang process.

LOCAL.. Kakulangan sa mga nagbabantay na Jail guards.
Ito ang nakikitang dahilan ni OIC Jail Warden Juan Lanzaderas nang pagtakas ng ilang mga preso at pagpuslit ng mga kontrabando sa South Cotabato Provinicial Rehabilitation and Detention Center o SCPRDC.
Ayon kay Lanzaderas, ang pasilidad ay mayroong isang jail guard sa bawat labin anim na inmate na doble sa dapat sana ay isang jail guard sa bawat walong mga preso.
Matatandaan na napurnada ang balak sanang pagtakas ng apat na mga preso sa SCPRDC matapos matunugan ng mga Jail guards noong nakaraang buwan.
Nakakumpiska rin ng umano suspected shabu at mga patalim ang mga jail guard nang magsagawa ng search operation sa tatlong mga selda ng pasilidad kahapon. Si South Cotabato OIC Provincial Jail Warden Juan Lanzaderas
Binigyan diin naman ni South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes na hindi dahilan ang kakulangan ng mga tauhan para bantayang ang seguridad sa SCPRDC.
Ayon sa gobernador, dapat ay tiyakin ng mga jail guard at namamahala sa pasilidad na ginagampanan nila ng maayos ang kanilang mga trabaho. 0NARITO
ANG BALITANG PANGKALUSUGAN HATID NG GOLDSHINE PHARMACEUTICALS INCORPORATED.

HEALTH
NEWS-

MGA BIDA, ALAM NIYO BA ANG HEALTH
BENEFITS NG PAGLALAKAD?

Ayon sa mga eksperto, mas mainam ang
paglakad sa hapon kumpara sa umaga dahil hindi nauubos ang inyong enerhiya sa
pagrerepair ng mga muscles sa katawan.

Nakakatulong din ito na palakasin ang
puso sa pamamagitan ng maayos na sirkulasyon ng dugo.

Napapanatili din nito ang inyong
timbang dahil nagsusunog ito ng hanggang sa 150 calories.

Naaagapan din nito ang pagkakaroon ng
dementia o pagiging makakalimutin.

Lumabas din sa isang pagaaral na ang
mga taong mahilig maglakad ay mas masaya kumpara sa mga taong gumagamit ng
sasakyan.

4TH BREAK

Local……………….

ARESTADO
ang apat kataong pinaniniwalaang nagtutulak ng ipinagbabawal na gamot sa
Midsayap, North Cotabato at sa mga karatig na bayan.

Kinilala
ang mga suspek na sina Datuan Dulwa, Datukon Utto, Tonting Mambayaon at Wato
Dres, pawang mga taga barangay Poblacion, Midsayap.

Sa
bisa ng search warrant na inisyu ni RTC Branch 24 judge Nelly Lydia Laguindanum,
naglunsad ng raid sa bahay ng mga suspek ang pinagsanig na grupo ng Criminal
Investigation and Detection Group o CIDG Central Mindanao at North Cotabato,
Regional Public Safety Battalion, Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA 12
at Midsayap PNP.

Nakuha
mula sa mga suspek ang 84 sachets ng shabu na hindi pa natukoy ang halaga,
isang shotgun at mga bala cal. 45 at 9mm pistols.

Sa
ngayon ay nakakulong na sa Amas Provincial jail ang mga naarestong suspek.

BALITA ABROAD………………….. PLAY STINGER

Nakalabas
na ng ospital ang dalawa sa apat pang Filipino nurses na nahawahan ng
nakamamatay na Middle East Respiratory Syndrome-Corona Virus o MERS-CoV sa
Riyadh, Saudi Arabia.

Ito
ang kinumpirma ni Department of Foreign Affairs o DFA spokesperson Charles Jose
kung saan tuluyan nang gumaling ang dalawang Filipino nurses matapos ang ilang
linggong monitoring sa kalusugan ng mga ito.

Samantala,
nananatili pa rin sa Intensive Care Unit ang dalawa pang Pinoy nurses na
isinasailalim sa mahigpit na monitoring subalit nagagawang makipag-usap.

Magugunitang
una nang nakalabas ng ospital ang isang Filipino nurse matapos na dumaan sa
isolation hanggang sa tuluyang gumaling.

Sa
kabila nito, wala pa ring inilalabas na travel ban ang Pilipinas sa Arabian
Peninsula subalit nananawagan ang DFA sa lahat ng bibiyahe sa nasabing bansa na
maging maingat at tiyakin na malinis ang mga ito sa kanilang katawan.

0- LOCAL... Pinabulaanan ni Magpet Councilor Manuel Aboy Jr ang committee chair sa Transportation ng Magpet na may kinalaman siya sa issue ngayon sa pagitan ng dalawang tricycle association na bumabyahe mula Magpet hanggang Kidapawan City

Una na kasing lumabas ang report na kinakampihan ni Aboy ang grupong Trycle Operator and Driver's Association of Magpet o TODAM kontra sa grupong Magpet Kidapawan trycle operator'a and driver's association o MKTRIODA. Ayon kay Aboy, matagal ng may alitan ang dalawang asosasyon kaya kaagad itong pinulong ni Mayor Florenito Gonzaga kasama ang personahe mula Kidapawan TMU Office at City Mayor Office para pag-usapan na pag-isahin na lang sila para marecognize ito at mabigyan ng permit na magkapagtorno at makapagbyahe sa loob ng Kidapawan City.

Sa ngayon, ang MKTRIODA lamang ang binigyan ng pahintulot ng City LGU nga makapag-torno sa Overland terminal at sa Mega Market.

Base sa kanilang napagkasunduan, kinakailangan munang magpamyembro sa MKTRIODA ang mga sakop sa assosasyon ng TODAM para makapagbyahe na rin sa lungsod.

Pero, ilang mga miembro naman ng TODAM ang tumnggi nito dahil na rin sa contribution na abot sa 2500 pesos kung saan ang 1,000 ay para sa kanilang membership fee.

Para naman sa TODAM kung iisahin na lamang sila bakit pa sila magbayad ng membership fee.

Dahil sa may kamahalan ang nasabing fee mas pinili na lamang ng mga taga TODAM na bumyahe sa bayan ng Magpet kesa magbayad ito ng mahal. Hinihikayat ngayon ni Aboy ang dalawang grupo na magkaisa na lamang para wala nang gulo at isa nlang ang kanilang byahe sa Kidapawan City 0- LOCAL.... Land conflict o awayan sa lupa ang naging dahilan ng sagupaan ng dalawang grupo sa boundary ng barangay Bayasong at Sisiman sa bayan ng Lutayan, Sultan Kudarat madaling araw kahapon.
Ito ay ayon kay Lt. Col. Melquiades Feleciano ng 601st Brigaide ng militar.
Ang nagkasagupaang grupo ayon kay Feleciano ay pawang mga myembro ng Buaya Lanao na pinamumunuan ni Commander Falcon at Moro Islamic Liberation Front na pinamumunuan naman ng isang Commander Pigi.
Ayon kay Feleciano tumagal ang palitan ng putok sa magkabilang pannig pasado alas dyes ng umaga kahapon.
Ang insidente ay nagresulta sa pagkasugat ng lima katao.
Kabilang sa mga sugatan sina Byasong Chairman Falcon Bansil, Barangay Kagawad Botchoy Galando, at ang Barangay Peacekeeping Action Team o BPAT member na si Norodik Salakib.
Sugatan din ang mga sibilyan na sina Roger Manunutok at Tondon Donde.
Nilinaw naman ni Felciano na matapos pakiusapan ng pulisiya agad naman nag-withdraw ang grupo ni commander Falcon kaya nanumbalik ang katiwasayan sa lugar at agad nakabalik sa kanilang mga tahanan ang mga lumikas na residnete.
Kinumpirma din ni Feleciano na ang agawan sa lupa sa boundary ng dalawang mga barangay ay matagal ng problema sa lugar.
Naniniwala naman si Feleciano na maari lamang maresolba ang problema sa pagitan ng dalawang grupo sa pamamagitan ng dayalogo. 0- LOCAL... Problema sa buhay at pag-ibig ang sinusundang anggulo ngayon ng mga otoridad sa posibleng

pagpatiwakal ng isang 41-anyos na mister sa mismong bahay nito sa Brgy. Katidtuan,

Kabacan, North Cotabato.

Kinilala ni Police Senior Ins. Ronnie Cordero ang biktima na si Benjamin Llavore

Reniedo, residente ng nabanggit na lugar.

Ayon kay Cordero, natagpuan na lamang ng kanilang katiwala sa pagmamay-aring sakahan ang

biktima na nakalambitin na sa isang kubo at wala ng buhay.

Nylon na tali naman ang ginamit ng suspek sa pagkitil sa kanyang sariling buhay.

Sa ngayon nangangalap pa ng dagdag na impormasyon ang mga otoridad gayunman pahayg mula

sa pamilya ng biktima para magamit sa kanilang patuloy na pag imbestiga sa nasabing

insidente. 0- 5TH BREAK

Local…………………..

NANINIWALA
si Pangulong Aquino na walang magaganap na karahasan kung hindi maipapasa sa
kasalukuyang administrasyon ang Bangsamoro Basic Law o BBL.

Sinabi
ng Pangulo, wala namang indikasyon ang magkabilang panig ng gobyerno at MILF na
babalik sa giyera kung mabibigong maipasa ang BBL.

Aniya,
may ibang paraan din silang isinusulong sa Kongreso para mabuhusan nang biyaya
at suporta ang Bangsamoro.

Pero
kung sakaling magkakagulo, tiyak daw na kagagawan ito ng mga nais magsamantala
sa sitwasyon.

Ayon
kay Communications Sec. Sonny Coloma, na ginagawa nila ang lahat ng makakaya
para madaliin ang deliberasyon ay pagsasabatas ng naturang panukala, katuwang
ng mga mambabatas.

Una na
ring sinabi ng pamunuan ng MILF na naniniwala pa rin sila sa mapayapang
pagresolba sa mga hindi mapagkasunduan.

Nagpahiwatig
din ang grupo na hindi na mauuwi muli sa armadong pakikidigma sakaling hindi
maipapasa ngayon ang BBL.

SPORTS ……………. (Play Stinger)

Wagi ang Pinoy lifters na sina Hidilyn Diaz at Nestor Colonia ng
gold medals sa Asian Senior Weightlifting Championship sa Phuket, Thailand.

Wagi si Diaz ng tatlong ginto sa women’s 53-kg division, habang
si Colonia naman ay nakakuha ng dalawa sa men’s 56-kg class.

Binuhat ni Diaz ang 96kg sa snatch at 118kg sa clean and jerk
para sa kabuuang 214kg at angkinin ang tatlong gold sa event.

Kinolekta naman ni Colonia ang gold sa clean and jerk at total
events 153kg at 274kg.

Inaasahang sasabak sina Diaz at Colonia sa World Championship sa
Houston bago matapos ang taon, kung saan target ang puwesto para sa 2016 Rio de
Janeiro Olympics.

Sumainyo ang mga bidang balita ngayong HUWEBES, SEPTEMBER 10, 2015… INYONG NAPAKINGGAN sa mga himpilan ng
NOTRE DAME BROADCASTING CORPORATION, ang RADYO BIDA at HAPPY FM…

Bahagi ng serbisyo-publiko ng Oblate of Mary Immaculate na MAHIGIT
75 taon ng nagbibigay ng makabuluhan at matapang na paglilingkod sa Pilipinas.

AKO SI CALOY BAUTISTA .

Maaari ninyong balikan ang
mga balitang narinig sa sa and//www.ndbcnews.com.ph www.ndbcnews.com.ph na ngayon ay mayroon ng
mahigit 500 tagapagtangkilik at mambabasa.

Sa ngalan ng NDBC Radyo Bida News and Current Affairs Team,
I-WATCH Productions at Maguindanao Sky Cable,

Hanggang BUKAS pong
muli! Maraming salamat at MAGANDANG UMAGA.

New airline to fly across BARMM

COTABATO CITY — Bangsamoro Airways, a pioneering airline based in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), will begin flying...

PBBM to PNPA grads: Maximize technology to fight crime, serve

SILANG, CAVITE – President Ferdinand R. Marcos Jr. on Friday called on the new graduates of the Philippine National Police Academy (PNPA) to...

Picong ambush suspect falls during hot pursuit operation

PICONG, Lanao del Sur - After a thorough investigation and follow-up operation, operatives were able to identify the seven individuals involved in...

NDBC BIDA BALITA (April 19, 2024)

  HEADLINES 1   BABAE patay sa ambush sa Maguindanao del Sur; Pulis naman sugatan sa ambush sa Lanao del Sur 2  ...