NDBC BIDA BALITA Sept. 14, 2015
NEWSCAST
SEPTEMBER
14, 2015 (MON)
7and00 AM
CALOYand
MAGANDANG
UMAGA! Tunghayan ang mga pinakabagong balita ngayong LUNES, SEPTEMBER 14, 2015…..
Mga konkretong balita at impormasyon na
dumaan sa wasto, patas at masusing talakayan… Ako si Caloy Bautista at i to ang NDBC BIDA BALITA!
PLAY NEWSCAST – PAU OBB
HEADLINESand
1. NAARESTONG SUSPECTED ILLEGAL
RECRUITER sa Cotabato city, iginiit na napag-utusan lang.
2. Magsasaka nakuhanan ng sniper rifle,
granada, shabu, at mga gamit sa komunikasyon sa national highway ng Magpet,
North Cotabato
3. Mahigit dalawang daang libo natangay ng mga hold
upper sa Sub office ng South Cotabato Electric Cooperative II sa Tupi, South
Cotabato
4. Department of the interior and local
Government, may bago ng kalihim
CUE VO………….. ‘ANG DETALYE NG MGA BALITA…. SUSUNOD’
Local………………..
NAKATAKDA
NG ILIPAT sa Cotabato city jail ang suspected illegal recruiter na naaresto ng
City PNP matapos na mambiktima at nangako ng trabaho sa ilang mga residente ng lungsod
at karatig na mga bayan.
Nadakip
noong August 18 ang suspek na si Samil Mantawil Lucas, 30 years old, taga-Purok
Amirol Barangay Kalanganan Mother ng lungsod at nagpapanggap na employer ng
PUREGOLD.
Nabawi
ng mga pulis ang mga application form ng mga nabiktima ni Lucas at isa nga rito
si Samsudin Abiden na ni-recruit bilang security guard.
Gayunman,
sinabi ni Abiden na hindi na siya magsasampa ng kaso laban kay Lucas.
Samantala,
dumipensa naman si Lucas at sinabing napag utusan lang siyang mag-recruit ng
mga aplikante.
Kasabay
nito ay humingi ng paumanhin si Lucas kay city administrator Atty. Cynthia
Guiani-Sayadi.
Iginiit
ni Lucas na hindi totoong ginagamit niya ang pangalan ni Sayadi para
makapanghikayat ng mga aplikante.
BERNADETTEand
BALITANG
SIMBAHAN
HILING ni Catholic Bishops Conference
of the Philippines O CBCP president Archbishop Socrates Villegas sa
administrasyong Aquino na magsagawa ng masusing imbestigasyon sa pagpatay sa
mga Lumad bago magturo kung sino ang dapat panagutin.
Ayon kay Villegas, kinakailangang
unahin ng pamahalaan ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa halip na unahin ang
pagtuturuan dahil malinaw na nagpapakita ito na mayroon silang kinikilingan at
pinoprotektahan.
Ito matapos ituro ng pamahalaan sa mga
militia groups at tumanggi sa responsibilidad sa mga nagaganap na
pangaagrabyado sa mga lumad.
Nangangahulugan lamang aniya ito na
mahina ang kapangyarihan ng pamahalaan sa pagpapatupad ng proteksyon sa
karapatan ng mga lumad.
0-local.. Patay ang
isang laborer matapos saksakin ng di pa kilalang suspek sa loob ng isang
bar sa National Highway sa Kidapawan
City kahapon ng madaling araw.
Kinilala ang
biktima na si Robert Malumbaga, 19 anyos na taga brgy. Kalaisan, Kidapawan City
Ayon sa report
ng Kidapawan City PNP, pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang biktima sa loob ng
bar na sinubukan pang isinugod sa pagamutan pero ideneklara na itong dead on
arrival ng mga doktor.
Patuloy pa
ngayong iniimbestigahan ng mga otoridad ang insidente habang patuloy ring
inaalam kung ano ang motibo sa nasabing krimen.
0-local... Sinimulan na sa
barangay level ang evaluation para sa Search for Most Outstanding Model Family
sa lalawigan ng South Cotabato.
Ito ay matapos
pinagtibay sa pamamagitan ng pagpasa ng OrdinansaSangguniang Panlalawigan k.
Ayon kay Zenaida
Duron, ang provincial population officer
ng South Cotabato, kasabay naman nito
ang pagdagdag ng premyo.
Ang Search ay
pinaglaanan ng pamahalaang panlalawigan ng mahigit tatlong daang libong piso.
Ang pagpili ng
mga nominado ay sisimulan sa Barangay Level, patungo sa bawat bayan o lungsod.
Ang mananalo sa
ay magiging kinatawan naman ng sampung
bayan at isang lungsod sa provincial level.
Ang provincial
evaluation para sa Search for Outstanding Model Family ay gaganapin naman sa
Oktobre.
Habang ang
awarding ceremony naman ay gagawin sa Nobyembre.
Ang tatanghaling
Outstanding Model Family ay tatanggap ng
dalawampung libong piso, kinse mil ang first runner up at sampung libo ang second runner up at limang
libong piso naman bilang consolation prize.
Layon ng Search
na bigyan pugay ang mga pamilya nagsilbing magandang halimbawa sa kanilang
komunidad.
0- 2ND BREAK
Local …………………
HAWAK
na ngayon ng mga otoridad ang pitong mga suspek sa umano ay panggagahasa,
pagpatay at panununog sa bangkay ng 18 taong gulang na dalaga sa Buluan,
Maguindanao.
Nadakip
ang pitong mga suspek matapos mahigpit na ipag-utos ni Maguindanao Governor
Esmael Mangudadatu sa Maguindanao PNP na tutukan ang naturang kaso at dakpin
ang mga suspek sa lalong madaling panahon.
Nabatid
na ang pitong mga suspek ay pawang mga trabahante ng isang banana plantation na
malapit lamang sa Mahad National High School, ang paaralang pinapasukan ng
biktima.
Una
rito, iniulat ni Buluan PNP Chief police inspector Victorino Panchoy na
natagpuan ang sunog na bangkay ng biktimang si Bainor Solaiman sa loob ng bahay
nito sa Sitio Mahad compound, Barangay Poblacion, Buluan.
Si
Bainor ay 4th year high school student at taga-Datu Paglas, Maguindanao.
Gayunman,
nilinaw ni Pancho na patuloy nilang ini imbestigahan at beniberipika ang ulat
na ginahasa, pinagtataga bago sinunog ang biktima.
Sa
hiwalay kasi na ulat, mismong pinsan ni Bainor na kinilala lang sa pangalang Mariano
ang nagbunyag sa sinapit ng biktima.
Ayon
kay Mariano, halinhinan umanong ginahasa ng mga suspek ang biktima at pinagtataga
bago sinunog ang buong bahay para pagtakpan ang nagawang krimen.
Pinabulaanan
naman ni Mariano ang impormasyon na kabilang sa pitong nadakip na suspek ang
dalawang mga kapatid ng biktima at ang nobyo nito.
local... KULUNGAN sng bagsak ng isang magsasaka ng Barangay Pangao-an Magpet, North CVotabato matapos na siya ay mahulihan ng matataas na kalibre ng armas, granada at shabu.Kinilala ni Magpet town police chief Senior Inspector Felix Fornan andsuspect na siZaldy Pareja, 32 taong gulang at mary-ari ng limang ektaryang banana plantation. Kasama ring inaresto ang kanyang alalay na 17 taong gulag pero pinalaya din. Sakay si Pareja ng kanyang Nisaan pick-up nang sitahin ng Magpet PNP sa isang checkpoint. Walang maipakitang papeles si Pareja sa mga armas na dala nito. Napansin kasi ng mga pulis ang dulo ng cal. 50 barret sniper rifle na natakpan ng tarpulin at mga saging sa likod ng kanyang sasakyan. Nakuha rin ang isang bag na naglalaman ng electronic gadget, granada at shabu. Pati ang kanyang cal. 45 pistol na nakasukbit sa kanyang baywang. Ayon kay Pareja, ang mga baril ay iniwan sa kanyang ng isang kaibigan na di niya kinilala. Naniniwala naman si Fornan na posibleng gun runner si Pareja at nakatakdang i-deliver ang mga armas nang masabat ng PNP. Siya ay nahaharap sa kasong illegal possession of firearms and explosives at possession of illegal drugs. 0- local....Nakatakdang
maglunsad ng kanilang bagong programa ang Department of Labor and Employment o
DOLE region 12.
Layon ng
Barangay Mo, Serbisyuhan Ko” Project na lalo pang matutukan ang pagpapatupad
ng mga programa ng ahensya sa mga barangay.
Ayon kay DOLE 12
Regional Director Ofelia Domingo, maliban sa mga sangay na ahensya ng DOLE,
katuwang din nila sa pagtiyak sa pagpapatuloy ng proyekto ang mga opisyal ng
bawat barangay.
Inihayag ni
Domingo na para sa mas maigting na pagpapatupad ng kanilang mga programa,
kailangan pa ng ahensya na makipag ugnayan sa mga barangay.
Para mapaghandaan
ang pagpapatupad ng programa isinailalim
ng DOLE 12 sa workshop ang mga myembro
ng kanilang Regional Coordinating Committee o RCC.
Ayon kay Domingo
layon nito na matukoy ang mga, layunin,
interbyensyon,at mga datus na kinakailangan para matulungan ang mga
komunidad.
Ito ay para
maiwasan ang mga kaso ng illegal recruitment,at undocumented Overseas Filipino
Workers.
Inaasahan din
na sa pamamagitan ng Barangay Mo, Serbisyuhan Ko” ay matutulungan pa ang mga mamamayan na
magkaroon ng access sa iba pang mga programa ng DOLE 12-RRC.
Kabilang dito
ayon kay Domingo ang Reintegration at Reptariation Program ng Overseas Workers
Welfare Administration o OWWA,
Kasambahay program at iba pa.
Isinusulong din
ng proyekto ang kaligtasan ng mga
trabahante sa mga proyektong pang inprastraktura sa mga barangay, pagkakaroon ng access sa mga programa ng
Technical Education Skills Development Authority o TESDA, at pagbibigay ng
legal assistance.
Ang Barangay Mo
Serbisyuhan Ko” project ay unang ipatutupad sa General Santos City.
Ito ayon kay
Domingo ay inaasahan din nilang susndin ng iba pang local na pamahalaan sa rehiyon dose.
CUE ………………. STINGER BALITANG PAMBANSA
NAIS
ni Pangulong Aquino na ituloy ni bagong Interior Sec. Mel Sarmiento ang mga
programang sinimulan ni resigned Sec. Mar Roxas sa Department of Interior and
Local Government o DILG.
kabilang
na rito ang Sagana at Ligtas na Tubig sa Lahat Program o SALINTUBIG, Payapa at
Masaganang Pamayanan program ng Office of the Presidential Adviser on the Peace
Process o PAMANA, pagpapalakas sa Philippine National Police at SAFE KAM
project.
Ayon
kay deputy presidential spokesperson Abigail Valte, isa sa mga concern ng
pangulo ang DILG dahil marami itong frontline service projects.
Sabi ni
Valte, hindi madali ang trabaho ng pagiging DILG secretary kaya't medyo
natagalan ang Pangulo na tanggappin ang pagbibitiw ni Roxas.
Aniya,
gusto kasi ng pangulo na maging maayos ang trasition process para matiyak na
magpapatuloy ang mga nasimulang reporma sa ilalim ni Roxas.
0-Local...Isinailalim na
sa review ng Cotabato Provincial Government ang memorandum of Agreement sa
pagitan ng Department of Agriculture para sa gagawing cloud seeding sa
lalawigan sa mga lugar na direktang maapektuhan ng El Niño ngayong taon.
Sinabi ni
Cotabato Governor Emylou Mendoza, paglalaanan ito ng pondo ng abot sa 500
thousand pesos bilang kontribusyon.
Layunin ng
cloud seeding ay para sa pag mitigate sa epekto ng tag-init sa malawak na
lupain ng mga magsasaka at iba pang mga agricultural crops sa probinsya.
Apela lamang
ng gobernadora sa publiko na ngayon pa lamang ay ihanda na ang mga water
collection tanks para makapag ipon ng tubig mula sa ulan para magamit sakali
mang mararanasan na ang El Niño na posibleng magsisimula ngayong darating na
oktubre.
Naniniwala si
Mendoza na ang tamang paghahanda ay makakatulong ng malaki para laban ang
matinding epekto ng nasabing kalamidad.
0-local....Walang marriage
certificate, walang conjugal visit.
Ibig sabihin nito
ayon kay Juan Lanzaderas, ng OIC Provincial Jail Warden ng South Cotabato,
tanging mga legal na magasawa lamang ang
papayagan na magkaroon ng conjugal visit sa pasilidad.
Ito ay nakatakda namang ipatupad ng pamunuan ng
South Cotabato Rehabilitation and Detention Center na mas kilala din sa tawag
ng provincial jail.
Layon nito ayon
kay Lanzaderas ay upang mapanatili ang katiwasayan at kaayusan sa loob ng
pasilidad.
Para mabigyan ng
pagkakataon ang mga presong di kasal na mabisita ng kanilang mga kasama sa buhay.
Magkakaroon naman
ng kasalan ng bayan para sa mga ito sa loob ng provincial Jail sa Oktobre.
0-0 3rd break
Local…………………….
NANATILING
TAHIMIK ang Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP sa insidente
noong September 9 kung saan muntik nang magsalpukan sa ere ang eroplano ng
Philippine airlines at umano ay Philippine Air Force.
Sabi ni CAAP
officer in charge Frederick Ortiz, wala raw silang alam sa nangyari.
Gayunman, sa pahayag
ng ilang mga pasahero ng PAL, kumpirmadong muntik nang magkaroon ng aksidente
sa himpapawid at kung nagkataon ay maraming buhay ang nabuwis.
Isa sa mga
pasahero si Regional Planning and Development Office o RPDO ARMM Director Bai
Intal Adil.
Kwento ni Adil
sa DXMS AM Radyo Bida kanina, sinabi nito na nagkaroon ng matinding turbulence
matapos na iniwas ng piloto ng PAL ang eroplano sa kasalubong nitong isa pang
eroplano na sinasabing pag aari ng PAF.
Kasama
rin sa flight si John Unson, correspondent ng Philippine Star at Oblate Media.
Sabi
ni Unson, matapos ang pangyayari ay kailangang magpaliwanag ang pamunuan ng
CAAP sa nangyari at gumawa ng hakbang para hindi na ito maulit.
Aniya,
nakakapagtaka kasi kung paano magkakasalubong ang mga eroplano gayung
kontralado naman dapat ng tower ang traffic sa himpapawid.
CUE ………………. STINGER BALITANG PAMBANSA
Pabor
sa easy annulment” ang Mababang Kapulungan ng Kongreso tulad ng isinusulong ni
Pope Francis.
Pero
nananatiling matigas sa panukalang gawing legal ang divorce sa Pilipinas.
Ayon
kay House Speaker Feliciano Belmonte, dapat nang makuntento ang mga tao sa
‘easy annulment’ at huwag nang umasang magkaroon pa ng divorce law sa bansa
dahil walang panahon rito ang Kongreso.
Aniya,
suportado nila ang isinusulong ng Santo Papa na maging bukas sa realidad sa
buhay at komunidad na may mga relasyong hindi na dapat magsama at mas
makabubuting pahintulutan ng simbahan na maghiwalay.
Gayunpaman,
hindi naniniwala sina Belmonte at Tugna na maiimpluwensyahan ang lehislatibo ng
hakbang na ito ng pinakamataas na lider ng Simbahang Katolika para maipasa ang
divorce bill sa Kongreso.
Hindi
naman sumusuko ang mga nagsusulong sa Divorce Law sa Kongreso na sina Gabriela
partylist Reps. Luzviminda Ilagan at Emmi de Jesus.
NARITO
ANG BALITANG PANGKALUSUGAN HATID NG GOLDSHINE PHARMACEUTICALS INCORPORATED.
HEALTH
NEWS-
Narito
ang mga paraan upang mabilis na mawala ang sore eyes.
Maghilamos
ng malinis at malamig na tubig upang marelax ang mga mata at matanggal ang mga
dumi nito.
Maaari
ring maglagay ng asin sa tubig at gamiting panghilamos. Ang asin ay may
antibacterial elements upang agad na mawala ang pamumula at mamatay ang
bacteria sa loob ng mata.
Nakatutulong
din ang pag-iyak upang mahugasan ang mata at matanggal ang mga impurities.
Ang
paglalagay naman ng gatas ng ina sa mata ay hindi inirerekomenda ng mga doktor
dahil maaari itong pagmulan ng bacterial growth.
4th break
Local……………….
MAHIGPIT
NA PINAALALAHANAN ng SULTAN KUDARAT
MAGUINDANAO PNP ang mga motorista na wag maging kampante at maging maingat sa
kanilang pagmamaneho sa lahat ng oras.
Ito
matapos na maitala ang sunod-sunod na vehicular accident sa kanilang area of
responsibility.
Isa
rito ay ang naitalang aksidente sa Brgy. Corner simuay Sultan Kudarat
Maguindanao kung saan isa patay habang isa naman ang sugatan kamakailan lang.
Nabatid
na habang minamaneho ni PO3 Kusain Kamensa, 50-anyos, taga Brgy. Sarmiento ng
Parang ang kanyang motorsiklo na may license plate 46987 sa kahabaan ng
Davao-Cotabato national highway sa Simuay mula sa Brgy. Upper Ungap sa Sultan Kudarat
ay biglang tumawid ang isang kambing at aksidenteng mabangga niya ito.
Dahil
dito, tumilapon ang angkas niya na si Lilibeth Camporedondo Castroverde,
45-anyos, residente ng brgy. Making Parang sa ginagawang concrete road sa lugar
habang agad namang nakatayo si Kamensa.
Agad
namang dinala sa pagamutan ang dalawang biktima.
Nagtamo
ng kaunting galos si Kamensa habang idineklara namang dead on arrival ng doktor
si Castroverde.
SUMUNOD
rito ang aksidente na kinasangkotan ng dalawang sasakyan.
Sa
report ng SK Maguindanao PNP, nangyari ang insidente sa kahabaan ng
Cotabato-Lanao-Davao national roaad sa Sitio
Marhaban,
Brgy. Salimbao, Sultan Kudarat.
binaybay
ito ng isang Alfredo Samson, 58 yrs old, taga-Townsite, Parang dala ang kanyang
kulay gray na toyota Hi-ace van
na may
license plate 121807 habang sa kabilang lane ay isang unit ng kulay pula na
Honda XRM-110 na may license plate OD-7629 na pagmamayari ni Basir Ibrahim,
46-anyos, taga-Brgy. Gang.
Patungong
Cotabato City si Samson ng bigla itong mag overtake sa kabilang lane at mabangga
ang minamaneho ni Ibrahim dahilan upang mahulog ito sa konkretong bahagi ng
kalsada.
Nagtamo
ng minor injury si Ibrahim habang nasira naman ang kanyang motorsiklo.
Tumanggi
namang magpagamot ang biktima habang pansamantala namang nasa kostudiya ng SK
PNP ang dalawang sasakyang sangkot sa insidente para sa karampatang
disposisyon.
0- Isinailalim na
sa review ng Cotabato Provincial Government ang memorandum of Agreement sa
pagitan ng Department of Agriculture para sa gagawing cloud seeding sa
lalawigan sa mga lugar na direktang maapektuhan ng El Niño ngayong taon.
Sinabi ni
Cotabato Governor Emylou Mendoza, paglalaanan ito ng pondo ng abot sa 500
thousand pesos bilang kontribusyon.
Layunin ng
cloud seeding ay para sa pag mitigate sa epekto ng tag-init sa malawak na
lupain ng mga magsasaka at iba pang mga agricultural crops sa probinsya.
Apela lamang
ng gobernadora sa publiko na ngayon pa lamang ay ihanda na ang mga water
collection tanks para makapag ipon ng tubig mula sa ulan para magamit sakali
mang mararanasan na ang El Niño na posibleng magsisimula ngayong darating na
oktubre.
Naniniwala si
Mendoza na ang tamang paghahanda ay makakatulong ng malaki para laban ang
matinding epekto ng nasabing kalamidad.
0- local...Magtanim pa ng
mas maraming puno ng niyog niyog.
Ito ang hiling ni
South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes sa mga mamamayan ng lalawigan.
Ayon kay Fuentes
sinimulan na kasi ng pamahalaang
panlalawigan ang pakikipag negosasyon nito sa Philippine Cocunut Auhtority.
Ito ayon sa
gobernador ay kaugnay sa ipatatayong Haul Nut Coco Processing Hub sa lalawigan.
Ang proyekto na
ipatatayo sa barangay Kipalbig sa bayan ng Tampakan ay nagkakahalag ang humigit
kumulang animnapung milyong piso.
Ayon kay Fuentes
ang pasilidad ay gagamitin sa pagproseso sa mga produktong hango sa niyog.
Kabilang sa mga
ito ang virgin coconut oil, at iba pa na
makatutulong para magkaroon ng karagdagang pagkakakitaan ang mga mga magsasaka ng niyog.
Samantala patuloy
pa rin ang pamimigay ng lalawigan ng coconut seedlings para sa mga nais magtanim nito.
Naglaan naman ng
apat na milyong piso ang pamahalaang panlalawigan para pambili ng coconut
seedlings, kape at iba pang mga prutas.
BALITA ABROAD………………….. PLAY STINGER
ABOT
NA SA 107 katao ang nasawi habang 238 naman ang sugatan matapos bumagsak ang
isang crane sa Grand Mosque sa Mecca, Saudi Arabia dahil sa matinding pag-ulan
at sandstorm kamakalawa.
Base
sa Civil Defense, dakong alas-singko ng hapon noong sabado nang maganap ang
aksidente kung kailan marami ang nagtitipon sa lugar para sa kanilang Friday
prayers, kabilang ang ilang Filipinong Muslim.
Gayunman,
Kinumpirma ni Philippine Consul-General to Jeddah, Saudi Arabia Imelda Panolong
na walang Pinoy na nasaktan o nadamay sa aksidente.
Nabatid
na nasa kalagitnaan na nang paghahanda ang lungsod ng Mecca, para sa pagdating
ng milyun-milyong Muslim para sa taunang haj pilgrimage nang mangyari ang pagbagsak
ng crane.
Personal
namang tiniyak ni DFA Spokesperson Ambassador Charles Jose, na walang
Filipinong nadisgrasya sa trahedya matapos itong makipag-ugnayan sa embahada ng
Pilipinas.
0-5th break Local…………………..
Isang dagok
para sa mga nasawing mga miyembro ng Special Action Force o SAF ng Philippine
National Police ang lumabas sa sariling imbestigasyon ng Moro Islamic
Liberation Front o MILF.
Ayon kasi sa
MILF, lumalabas na hindi mga miyembro ng SAF ang nakapatay sa teroristang si
Zulkifli Bin Hir alyas Marwan, kundi ang sariling aide nito.
Ito ang
nilalaman ng report na nabuo ng MILF batay sa kanilang imbestigasyon at
obserbasyon sa mga pangyayari noong January 25 nang sugurin ng SAF ang kuta ni
Marwan na ikinamatay ng 44 na SAF commandos.
Sinabi pa sa
ulat na drama na lamang ang pagsugod ng SAF sa pinagtataguan ni Marwan dahil
‘patay’ na ito nang sugurin ang kuta ng terorista.
Ayon sa
report, ang nakasagupa ng 84th Seaborne ng SAF ay ang grupo ng mga bodyguard ng
isa pang terorista na si Basit Usman at hindi ang grupo ni Marwan.
Ayon pa sa
mga MILF investigator, malaki ang posibilidad na hindi nanggaling sa labas ng
kubo ni Marwan ang bala na pumatay sa kanya dahil sa trajectory ng mga butas ng
mga bala na nakita sa loob ng kubo nito.
Gayunman,
iginiit ni MILF chief peace negotiator Mohagher Iqbal, hindi na nila sinundan pa
ang imbestigasyon dahil trabaho na ito ng PNP.
Una nang
binanggit ni Pangulong Aquino na may ini imbestigahan silang ‘alternative
truth’ sa Mamasapano clash.
Sa kanilang
panig, pinanindigan naman ng pamunuan ng SAF na sila ang nakapatay kay Marwan.
SPORTS ……………. (Play Stinger)
IGINIIT
ni Boxing promoter Don King na hindi The Best Ever” o TBE si WBC at WBA
welterweight champion Floyd Mayweather Jr.
Ayon
kay Don King, malayung-malayo sa mga nagawa ni dating undisputed heavyweight
champion Muhammad Ali ang karera ni Mayweather.
Aniya,
nagiisa lang si Ali sa kanyang position bagama't magaling rin na manlalaro si
Mayweather.
Nitong
linggo lang ay nanalo muli si Floyd laban kay Andre Berto sa Las Vegas kung
saan umani ito ng danan-daang komento kabilang na si Congressman Manny Pacquiao
na nagpost sa kanyang Instagram na I'm bored
Hindi
man niya direktang tinukoy si Mayweather pero animo'y pahiwatig ito na hindi
siya nasiyahan sa laro nito.
CALOY……………….
Sumainyo ang mga bidang balita ngayong LUNES, SEPTEMBER 14, 2015… INYONG NAPAKINGGAN sa mga himpilan ng
NOTRE DAME BROADCASTING CORPORATION, ang RADYO BIDA at HAPPY FM…
Bahagi ng serbisyo-publiko ng Oblate of Mary Immaculate na
naghahanda para sa kanilang IKA- 200 TAONG PAGDIRIWANG ng pagkaka-tatag bilang
misyonaryong kongregasyon ng simbahang katoliko.
AKO SI CALOY BAUTISTA .
Maaari ninyong balikan ang
mga balitang narinig sa sa and//www.ndbcnews.com.ph www.ndbcnews.com.ph na ngayon ay mayroon ng
mahigit 500 tagapagtangkilik at mambabasa.
Sa ngalan ng NDBC Radyo Bida News and Current Affairs Team,
I-WATCH Productions at Maguindanao Sky Cable,
Hanggang BUKAS pong
muli! Maraming salamat at MAGANDANG UMAGA.