Monday Jun, 17 2024 09:54:24 PM

NDBC BIDA BALITA Sept. 18, 2015

 • 07:01 AM Sat Sep 19, 2015
2,005
By: 
NDBC News and Current Affairs

NEWSCAST

SEPTEMBER 18,
2015 (FRI)
7and00 AM

CALOYand MAGANDANG UMAGA! Tunghayan ang mga
pinakabagong balita ngayong BIYERNES, SEPTEMBER
18, 2015…..

Mga konkretong balita at impormasyon na
dumaan sa wasto, patas at masusing talakayan… Ako si Caloy Bautista at i to ang NDBC BIDA BALITA!

PLAY NEWSCAST – PAU OBB

HEADLINESand

1. LALAKI na pinaniniwalaang dinukot
sa Cotabato City, patuloy na pinaghahanap ng kanyang pamilya taliwas sa pahayag
ng city PNP

2. Mahigit isang daang mga mamamayan
nakibang sa programang pangkabuhayan ng
lokal na pamahalaan at DOLE 12 sa Koronadal City.

3. Bagong PNP Director sa NOrth
Cotabato, pormal ng umupo sa kanyang puwesto mga prioridad ng opisyal
ibinunyag.

4. PNOY, kumbinsidong ang SAF ang
nakapatay kay MARWAN

0-Local………………..

HANGGANG SA KASALUKUYAN ay hindi parin
nakakabalik at nakikita nang mga kaanak ang kanilang kapamilya na si ISHMAEL
GLANG IMAM alias Miki, 27-anyos, lay-out artist sa isang tarpaulin shop sa
Cotabato City.

Sa panayam ng Radyo Bida kay BAI Tayan
Glang Imam ang ina ni Miki, Sinabi nitong mula nang magpaalam ang kanyang anak
na lalabas ng kanilang bahay noong nakaraang linggo ay hindi parin ito
nakakabalik sa kanila.

Nagsimula ng magalala si Bai tayan nang
hindi ito makauwi at wala namang silang maisip na posibleng pinuntahan ni Miki
nong mga oras na iyon.

KINABUKASAN ng hating gabi ay nakatanggap
ng tawag si Bai Tayan sa hindi pa nakikilalang caller at nagtatanong kung siya
ba ang ina ng Biktima.

Sa kasagsagan ng paguusap, pinagtataka
ni Bai Tayan kung bakit sinabi ng naturang caller na magtulong-tulong umano
silang magkaka-maganak para maibalik si Miki.

Dumulog naman si Mrs. Imam sa City
Police station 2 para ipa-blotter ang naturang insidente at humihingi ng tulong
para maibalik ang kanilang anak.

Itinanggi naman nito na nakausap na
nila ang kanilang anak, taliwas sa mga kumakalat na balita at inihayag ng CITY
PNP.

SA KABILA nito, umaasa ang ina ng
biktima na maibabalik sa kanila ang kanilang nawawalang anak.

Local……………………

BERNADETTEand

BALITANG
SIMBAHAN

MAAARING MAGKAGULO lamang sa kabuuang
resulta ng imbestigasyon ng Board of Inquiry ang muling pagbubukas ng
Mamasapano incident na nagresulta sa kamatayan ng 44 na miyembro ng Philippine
National Police-Special Action Force o PNP-SAF.

Ito ang pangamba ni Rev. Fr. Jerome
Secillano, executive secretary ng Catholic Bishops Conference of the
Philippines-Permanent Committee on Public Affairs.

Sa kabila nito, maari pa rin naman
aniyang ipagpatuloy ng pamahalaan ang pagkakaroon ng tahimik na pagsusuri upang
alamin kung may katotohanan ang mga bagong pahayag hinggil sa kaso.

Naniniwala rin ang pari na may malaking
epekto ang sinasabing alternative truth sa pagtingin ng publiko sa mga nasawing
miyembro ng SAF 44 na una inihayag na siyang nakabaril at nakapatay sa
international terrorist na si Zulkifli Bin Hir alyas Marwan.

0-LOCAL... Nagpahayag
ngayon ng suporta ang mga Ancestral Domain leaders sa North Cotabato sa nais ni
2nd District Rep. Nancy Catamco na gawing legal ang pagpa-pa-armas sa mga katutubo
o BAGANI, base sa kanilang tradisyunal na IP defense system.

Sinabi ni Datu
Arcadio Aman, ng Kilananan Manuvu Claim na bahagi sa kanilang kultura ang
Bagani kaya nararapat lang itong buhayin at gawing legal ng gobyerno.

Iginiit ni
Aman na ang nasabing bagong sistema ay makakatulong na magpapalakas pa sa
kanilang mga tungkulin na prtotektahan ang mga lupa ng kanilang mga ninuno mula
sa mga non-IP's nga gustong sumakop sa kanila.

Suportado
naman ito sa Indigenous Peoples Rights Act o IPRA Law na nagsasabing may
kalayaan ang Tribu sa kanilang Ancestral Domian, panggobyerno at kultura.

Samantala
ipinahayag naman ni Datu Jaime Udo, sa Makilala 4Bs na sa nasabing paraan
maprotektahan ang Tribu mula sa mga inidibidwal o grupo na magdadala ng gulo at
kasiraan sa kanilang kumonidad at kapaligiran.

Nilinaw nito
na ang layunin ng BAGANI ay hindi gulo kundi proteksyunan lamang ang mga lupa
ng kanilang mga ninuno.

VC- UDO

Ang dalawang
nabanggit na mga IP leader ay may sariling BAGANI at PAKAY na ngayon ang mga
grupo na nagdedepensa sa kanilang Ancestral Domain.

Ang asembliya
at konsultasyon sa mga leaders sa North Cotabato, isinagawa kahapon sa Sitio
Kamanagan, Ganatan, Arakan, North Cotabato. 0-

2nd break

Local …………………

IMBES
na rido settlement, ay isang power point presentation lamang ng local
government units, PNP-Sultan kudarat province at Philippine Army mula sa Bayan
ng Lutayan ang nangyari sa loob ng conference room ng 6th infantry division
Philippine Army, kahapon.

Halos
magkakapareho naman ang pinapakita ng PNP at 33rd infantry battalion sa
kanilang powerpoint.

SA
ulat ng mga otoridad, nagsimula ang alitan NANG LUSUBIN umano ng grupo ni
kumander Pigi Guianudin na nagpakilalang kasapi ng Bangsamoro Islamic Armed
Forces ng MILF at naninirahan sa barangay Sisiman, ANG GRUPO NI Kumander Asgal
Bansil na siyang barangay chairman ng barangay Bayasing sa nasabing bayan.

PERO
hanggang sa ngayon ay hindi pa rin malinaw sa mga otoridad kung anong armed
group ang kinaaaniban nito.

Batay
sa iniulat kahapon ng PNP-sultan Kudarat province sa pangunguna ni provincial director
Sr/Supt.Danny Reyes at ni 33rd infantry batallion commander Army col. Ricky
Bunayog, nagkaroon na ng paglagda ng ceasefire agreement sa pagitan ng dalawang
kumander noong Sept.12, 2015 subalit hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin ang
kaguluhan sa barangay Bayasing.

Bagamat
hindi direktang inamin ng LGU-Lutayan kung naging ghost barangay na ang
Bayasing pero sinabi nito na ang lahat ng mga sibilyang naninirahan ay lumikas
na at pansamantalang nanunuluyan sa kani-kanilang mga kamag-anak sa mga kalapit
barangay at bayan.

Umaasa
naman ang mga opisyal ng Lutayan na maresolba ito sa tulong ng mga otoridad at
Department of Interior and Local Government.

Kaugnay
nito, iminungkahi naman ng sixth infantry division ng Philippine army sa
pangunguna ni commanding general B/Gen. Edmundo Pangilinan na mas maigeng
magkaroon muna ng pag-uusap ang lahat ng sektor sa nasabing bayan bago
magtipon-tipon para sa isang diyalogo.

Kasabay
nito, iminungkahi naman ng Phil. Marines sa pangunguna ni first marine brigade
commander B/Gen. emmanuel Salamat na dapat unahin munang paalisin ang lahat ng
miyembro ng MILF na hindi residente ng lugar.

LOCAL...Mahigpit ng
ipapatupad ni Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista ang 'zero PTA collection'
sa lahat ng pampublikong eskwelahan sa lungsod para sa school year 2016-2017.

Ito ang
pahayag ng alkalde matapos nitong iabot mismo sa Parents Teachers Association
ng Felipe Suerte Elementary School Kidapawan ang kanilang P243,600 na subsidy
para ngayong taon.

Ginawa ang
turn-over ng PTA subsidy sa Brigadahan sa Eskwelahan sa nabanggit na paaralan
kahapon.

Layunin ni
Evangelista na ipatupad ang zero collection sa PTA fees sa mga public schools
upang mas maging magaan na sa mga magulang ang pag-papaaral sa kanilang mga
anak.

Nabatid na
P300 na ang PTA subsidy na ibibigay ng City LGU simula sa susunod na school
year.

Ito ay mas
mataas sa P100 na subsidy kada estudyante na inilibre na ng City LGU noong
nakaraang school year at ngayong taon.

Abot sa P7
Million ang pondong inilaan ng City LGU para sa PTA subsidies ngayong taon kung
saan sakop nito ang may 35,000 na mga mag-aaral na naka-enroll sa mga public
schools ngayong school year.

Kahapon ay pormal
nang itinurnover ni Supt. Noel Kinazo ang kanyang pwesto bilang PNP Provincial
Director sa North Cotabato kay Senior Supt. Alexander Tagum na tubong Kidapawan
City.

Ang turn over
ay sinaksihan mismo ni Senior Supt. Danilo Peralta na dating provincial
Director ng Cotabato Polive Provincial Office na ngayon ay hepe ng ng Police
Human Resource Offce sa Police Regional Office 12 na nakabase sa General Santos
City.

Sa isinagawang
press conference kahapon, ibinunyag ni Colonel Tagum ang ilan sa kanyang mga
prioridad bilang bagong Provincial Director ng probinsya.

Una ang HOUSE
CLEANING na ang ibig sabihin ay ang pagtanggal o pagpapalit sa pwesto ng mga
overstaying na mga Chief of Police sa North Cotabato at kabilang na rito ang
bayan ng Makilala, Pigcawayan, Midsayap
at bayan ng Matalam.

Ikalawa, ang
kanyang kampaya kontra ilegal na droga, drug traffickin at iba pang ilegal na
aktibidad kagaya ng ilegal numbers game, kotong o extortion, carnapping at iba
pa.

At ang ikatlo
ay ang Peace and Order.

Ayon pa kay
tagum siya mismo ang mangunguna sa nasabing mga kampanya.

VC- TAGUM

Cotabato
Police Provincial Office Director Senior Supt. Alexander Tagum.

Pinigil ng mga
miembro ng 23rd at 8th infantry Batallion ng Philippine Army ang mga Human
Rights Advocate na nais magsagawa ng Fact Finding Mission sa brgy. White
Kulaman, Kitao-tao, Bukidnon kahapon.

Layon nila na
maimbestigahan ang mga pangayayari sa White Kulaman, partikular ang pag aresto
sa higit 15 mga magsasaka at lumad doon.

Pero hindi
umano sila pinapasok ng mga sundalo at ni brgy. White Kulaman Chairperson
Filepe Cabugnason dahil sa duda nilang sila ay mga taga suporta ng New People's
Army o NPA.

Maging ang
MISFI school sa loob mismo ng barangay ay pinigil ni Cabugnason dahil sa
alegasyon nitong sila ay mga NPA member.

Samantala,
kahapon rin isang media personnel mula sa Davao City ang inaresto ng mga
sundalo.

Ang nasabing
media personnel ay pinaghihinalaan na isang karate teacher ng MISFI school at
miembro raw ng NPA.

Nabatid na ang
MISFI school ay pagmamay-ari at pinangangasiwaan sa mga madre sa ilalim ng
kongregasyon na Rural Missionaries.

Ayon sa mga
opisyal sa Humanitarian mission, ang ginawa ng mga sundalo at ni Chaiperson
Cabugnason ay malinaw na paglabag sa karapatang pantao.

CUE ………………. STINGER BALITANG
PAMBANSA

NAGPASALAMAT si dating Philippine
National Police – Special Action Force o PNP-SAF chief Getulio Napeñas kay
Pangulong Noynoy Aquino matapos nitong tuldukan ang ‘alternative version’ sa
Mamasapano encounter noong Enero.

Una ng inihayag ni Pangulong Aquino na
kumbinsido siyang ang mga SAF members ang nakapatay kay Malaysian terrorist
Zulkifli bin Hir alias Marwan.

Ayon kay Napeñas, patunay ito na
kinikilala ng Pangulo ang kabayanihan ng mga SAF commandos.

tila nabunutan naman si Napeñas ng
tinik sa dibdib kasunod sa isinagawang anunsyo ng Pangulo.

Nabatid na si Pangulong Aquino mismo
ang nagpakita ng mga larawan na magpapatunay na ang SAF ang pumutol at nagdala
ng daliri ni Marwan.

3rd
break

Local…………………….

NAGKAKAISA ang local government ng Cotabato City at
Department of Labor and Employment and the Mindanao Youth for Development
Program para sa pagsasagawa ng training sa mga out-of-school youth at maging sa
mga naghahanap ng mga trabaho.

Ito ay para sa
inaasahang pagdagsa ng mga Job hiring mula sa mga investors na kamakailan lang
ay nagpatayo at nagpapatayo pa lang ng kanilang mga business establishment sa
lungsod.

Napagkasunduan ng
mga lokal na opisyal ng Cotabato at mag investors na 90% sa kanilang mga
trabahante ay mula sa Cotabato City.

Ayon kay Cotabato
City Administrator Atty. Cynthia Guiani-Sayadi, para maiwasan ang anumang
aberya o problema ay tatanggap ng mga empleyado ang mga employer mula sa mga
aplikanteng sumailalaim sa proper assestment ng PESO.

KASALUKUYAN
namang nagsisimula ang isinasagawang training ng MyDev, isang non-government
organization sa mga out of school youth.

Ilan sa mga ito
ay commercial packing, cashiering, utility at iba pa.

Inaanyayahan naman
ni City Administrator Sayadi ang mga business establishments at iba pang
ahensya na na lumahok sa kanilang jobs fair na inaasahang gagawin sa September
30 at October 22, 2015.

0 LOCAL...Nakiisa rin sa early registration para sa Senior
High School ang Department of Education o Deped Koronadal City.

Ayon kay Prima Roullo ang Education Supervisor ng
Senior High School Curriculum, ang early enrolment ay ginagawa ngayon sa
Koronadal National Comoprehensive High School o KNCHS.

Nabatid na para mas madaling matugunan ang
pangangailangan ng mga magpapatala naglagay ng mga booth sa school campus ang
Deped.

Inihayag din ni Roullo na 40-60 ang hatian ng mga public at private school sa mga
estudyanteng magpapatala ng mas maaga.

Nabatid na abot sa pitong mga pampublikonog
eskwelahan ang mag-ooffer ng Senior High School sa Koronadal City.

Kabilang sa mga eskwelahang ito ang KNCHS, Esperanza
National High School, Rotonda National High School, Bacongco National High
School, Marbel 7 National High School, Saravia National High School at
Concepcion National High School.

Ang early registration para sa senior high school ay
bilang paghahanda na rin ng Deped sa full impelementation ng K to 12 program sa
susunod na taon.

Tema naman nito ang High School Lista”.

0LOCAL...Inirerekomenda ng Administrative Investigation
Committee o AIC ang pagsibak sa serbisyo kay Ramon Ponce de Leon, ang pinuno ng Provincial Environment and
Management Office o PEMO South Cotabato.

Ito ay matapos magdesisyon ang AIC na guilty sa mga
reklamo laban sa kanya si Ponce de Leon.

Kabilang dito ang umano ay pagtanggap ni Ponce de Leon ng payola sa mga humihingi ng
permit sa kanilang tanggapan at pagpapalusot ng mineral ore, para sa sariling
kapakanan.

Gayunpaman nilinaw ni South Cotabato Governor Daisy
Avance Fuentes na siya ring namuno sa
AIC na pwede pang umapela si Ponce de Leon kapag naiparating na sa Civil
service commission o CSC ang kanilang desisyon.

Tumanggi ring magbigay ng merito sa kaso si Fuentes
dahil bukod sa recommendee nito si Ponce de Leon, siya rin ang namumuno sa AIC
na nagimbistiga sa kanya.

Sinisikap pa ng DXOM Radyo Bida Koronadal na makuha
ang pahayag ni Ponce De Leon sa isyu.

Maliban kay Ponce de Leon, dalawa pang mga
Department Heads ng Provicial Government ang iniimbistigahan dahil sa
katiwalian.

0-LOCAL...Maswerteng nakaligtas ang driver ng isang Isuzu
Canter Truck na naaksidente sa national
highway, Barangay San Filipe, Tantangan, South Cotabato, kahapon ng umaga.

Ito ay sa kabila ng grabeng pinsala sa harapan ng
truck na nagka yupi-yupi matapos araruhin ang puno ng acacia sa gilid ng
highway.

Nabatid na ang truck na nagmula sa bayan ng matalam North Cotabato ay
may lulang limang daan at limampung sako ng asukal na dadalhin sana sa
Koronadal City nang maaksidente.

Kinilala ang driver nito na si Jhonny Boy”
Gusto,biente tres anyos at residente ng Poblacion Carmen, North Cotabato.

Ayon kay Gusto, nag-lock umano ang manibela ng
minamanehong truck kaya siya nawalan ng control at bumangga sa akasya bago nahulog sa kanal.

Sa kabila nito si Gusto ay nakaligtas matapos magtamo lamang ng gasgas
sa katawan.

Gayunpaman ang aksidente ay naging sanhi ng pagbagal
ng trapiko sa lugar.

Ang road accident ay naganap sa accident prone na bahagi ng highway.

Kaya payo ng pulisiya sa mga mamamayan na dumadaan
sa Tacurong-Koronadal City highway,para iwas aksidente doble ingat sa
pagmamaneho.

LOCAL...Umabot na sa mahigit dalamput dalawang milyong piso ang
pinsala sa taniman ng mais at palay sa lalawigan ng South Cotabato.

Ito ay bunsod ng pang-aatake ng mga pesteng daga.

Sinabi ni Provincial Agriculturist Justina Navarete
na sinira ng mga pesteng daga ang abot
sa 177 na ektaryang palayan sa South Cotabato.

Ito ay nagresulta sa pagkalugi ng 8.8 million ng
mahigit apatnaraang mga magsasaka ng palay sa mga bayan ng Banga, Polomolok,
Sto nino at Norala.

Dinagdag din ni Navarete na dahil sa pamemeste ng
mga daga, nalugi din ng 12.8 million pesos ang mga magsasaka ng mais sa mga
bayan ng Lake Sebu, Banga, Polomolok, T’boli at Koronadal City.

Ayon kay Navarete, nakababahala ang mga daga dahil
walang pinipili ang mga ito at pinipeste rin maging ang mga root crops at
gulay.

Naging dahilan naman ng paglabasan ng mga daga ayon
kay Navarete ang tag-init.

Para makontrol ang pagdami ng mga daga, namimigay ng
rodenticides sa mga apektadong magsasaka
ang provincial agtriculture office.

Nilinaw din ni Navarete na dahil sa ubos na ang
pondong ibinigay sa kanila ng provincial disaster risk reduction and management
office, itinigil na ng provincial agriculture office ang pamimigay ng bigas sa sinumang makapagdala sa
kanilang tanggapan ng buntot ng daga.

0-LOCAL...Isinailalim sa orientation ang mahigit isang daang
benipisyaryo ng Negosyo Cariton sa Koronadal City.

Ang programa ay magkatuwang na ipatutupad ng local
na pamahalaan at Department of Labor and Employment o DOLE 12,

Ayon kay Judith Marmonejo, ang manager ng Public
Employment Service Office o PESO, layon nito na maturuan ang mga benipsyaryo ng
programa na paunlarin ang kabuhayang bigay sa kanila.

Kabilang sa itinuro sa mga ito ng mga DOLE Officers
ay ang pangangalaga sa kanilang kita.

Pumili din ng kanilang mga opisyal ang mga kariton vendors para lalo pang mapatatag ang
kanilang grupo at kabuhayan.

Umaapela naman si Marmonejo sa mga nais makinabang
sa programa na sumangguni lamang sa kanilang tanggapan o di kaya ay sa DOLE
Regional Office 12.

CUE ………………. STINGER BALITANG
PAMBANSA

HINDI LAMANAG 3-way fight ang Presidential derby sa
2016 elections.

Ito ang iginiit ni Vice President jejomar Binay.

Aniya, natitiyak niyang may aasahan pang isang
kandidatu na magdedeklara ng kanyang Presidential bid sa 2016 maliban kina
Interior Sec. Mar Roxas at Senator Grace Poe.

Tumanggi naman si Binay na pangalanan kung sino ang
tinutukoy nitong posibleng dadagdag sa kanyang makakalaban sa pagka-Pangulo sa
eleksiyon.

Ayon kay Binay, malalaman lamang kung ilan ang
magiging kandidato sa pagka-Pangulo sa 2016 pagkatapos ng filing ng certificate
of candidacy.

Hindi naman nababahala ang Bise Presidente sa
makukuhang boto kahit na nagdeklara na ng kanyang kandidatura si Sen. Poe na
makakatandem si Senator Chiz Escudero.

NARITO ANG BALITANG PANGKALUSUGAN HATID NG GOLDSHINE
PHARMACEUTICALS INCORPORATED.

HEALTH NEWS-

ALAM
NIYO BA MGA BIDA na ang pag-inom ng maligamgam na tubig ay may dulot na
benepisyo sa atin?

Mabisa
ang pag-inom ng maligamgam na tubig upang maalis ang sakit sa ulo, menstural
cramps at irregular stomach activity.

Nakakatulong
din itong maagapan ang pagtanda ng ating balat dahil tinatanggal nito ang mga
toxins sa ating katawan.

Kung
nais namang matanggal ang pag-dighay dulot ng acid, makabubuti rin na gawin
ito.

0

4th
break

Local……………….

PINASABOG ng Army's 6th Infantry
Division Bomb Disposal Unit ang daan-daang mga improvised explosive devices o
IEDs kahapon sa kanilang 80 hectare military installation sa Barangay Semba,
Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Ang naturang mga IEDs ay kanilang mga
narekober, nakumpiska at nakuha mula sa kanilang iba't ibang isinagawang
operasyon.

Nagsimula ang pagdetonate sa mga IEDs
ala-9 ng umaga hanggang maghapon.

Ayon kay 6ID Spokesperson Capt. Joan
Petinglay, Ilan sa mga IEDs ay hand grenades, rifle grenades, rocket propelled
grenades, 60 mm at 81 mm mortars.

INilagay ang mga ito sa isang nakatakip
na semento upang matiyak na hindi makakatama o makakadisgrasya ng tao, hayop o
anumang struktura na may layong tatlo hanggang limang kilometro.

Ayon kay Petinglay, karamihan sa mga
pinasabog na IEDs ay mula sa lalawigan ng Maguindanao matapos ang isang buwang
police law enforcement campaign laban sa mga Bangsamoro Islamic Freedom
Fighters o BIFF.

BALITA
ABROAD………………….. PLAY STINGER

Umabot na sa 11 katao ang naitalang
patay habang isang milyong katao naman ang inilikas mula sa kani-kanilang
tahanan bunsod ng pagyanig ng magnitude 8.3 na lindol sa Chile.

Dahil dito, nagdeklara ng state of
emergency ang gobyerno ng Chile sa Coquimbo region.

Ayon kay Chilean President Michelle
Bachelet, mainam na huwag munang bumalik sa kanilang tahanan ang evacuees
habang patuloy na minomonitor ng gobyerno ang sitwasyon.

Karamihan sa mga lumikas ay mula sa
coastal areas ng Chile na binaha bunsod ng tsunami na may taas na 4.7 meters o
15 ft.

Bukod dito, nakaranas din ng tsunami
ang Peru na may taas na isang metro.

Sa tindi ng nangyaring lindol, nawasak
ang napakaraming gusali, kabahayan at imprastraktura.

Patuloy naman ang assessment ng Chile
upang matukoy ang laki ng pinsalang dulot ng matinding lindol. 5th break

Local…………………..

SPORTS ……………. (Play Stinger)

GAYA
NG INAASAHAN labis ang kasiyahang nadama ni San Miguel Beer head coach Leo
Austria sa pagkilalang ibinigay sa kanya ng mga bumubuo ng PBA Press Corps
bilang 2015 PBA Coach of the Year sa nakaraang awards rites ng grupo na ginanap
sa Century Park Hotel sa Manila noong Miyerkules ng gabi.

Matapos
gabayan ang Beermen sa dalawang titulo noong nakaraang season, si Austria ang
napili para tumanggap ng Virgilio Baby” Dalupan Coach of the Year trophy ng
PBA Press Corps.

Kasama
ni Austria na pinarangalan sa okasyon sina outgoing PBA chairman Patrick
Gregorio bilang Danny Floro Executive of the Year, Terrence Romeo bilang
Scoring champion at Paul Lee para sa Order of Merit .

Tumanggap
din ng kaukulang parangal ang mga manlalaro ni Austria sa San Miguel na sina
June Mar Fajardo at Alex Cabagnot bilang Defensive Player of the Year at
William Bogs” Adornado Comeback Player of the Year, ayon sa pagkakasunod,
kasama sina Stanley Pringle, Matt Ganuelas-Rosser, Chris Banchero, Jericho
Cruz, at Jake Pascual na nahirang para sa All-Rookie Team.

Si
Calvin Abueva naman ang kinilala bilang Mr. Quality Minutes.

CALOY……………….

Sumainyo ang mga bidang balita ngayong BIYERNES, SEPTEMBER 18, 2015… INYONG NAPAKINGGAN sa mga himpilan
ng NOTRE DAME BROADCASTING CORPORATION, ang RADYO BIDA at HAPPY FM…

Bahagi ng serbisyo-publiko ng Oblate of Mary Immaculate na
MAHIGIT 75 taon ng nagbibigay ng makabuluhan at matapang na paglilingkod sa
Pilipinas.

AKO SI CALOY BAUTISTA .

Maaari ninyong balikan ang
mga balitang narinig sa sa and//www.ndbcnews.com.ph www.ndbcnews.com.ph na
ngayon ay mayroon ng mahigit 500 tagapagtangkilik at
mambabasa.

Sa ngalan ng NDBC Radyo Bida News and Current Affairs Team,
I-WATCH Productions at Maguindanao Sky Cable,

Hanggang BUKAS pong
muli! Maraming salamat at MAGANDANG UMAGA.

6 dead, four hurt in General Santos City highway accident

COTABATO CITY - Five commuters, among them a 12-month-old child, and a tricycle driver died when the three-wheeled vehicle carrying them...

NDBC BIDA BALITA (June 17, 2024)

HEADLINES 1   P2.2 million na halaga ng shabu, nakumpiska ng PNP sa simultaneous operation nito sa Region 12 2   Sa North...

63 guns seized, confiscated during PRO-12 Sacleo

GEN. SANTOS CITY - A total of 62 operations were conducted that resulted in the arrest of 2 individuals and the confiscation of 63 assorted...

P2.2-M shabu seized during PRO-12 SACLEO

GEN. SANTOS CITY - The Police Regional Office 12, under the leadership of Regional Director Brig. Gen. Percival Augustus Placer has successfully...

Kagi Murad: Reflect on Eid al-Adha for stronger, unified Bangsamoro

COTABATO CITY – As Muslims celebrated Eid al-Adha on Sunday, Chief Minister Ahod Ebrahim called on the Bangsamoro community to reflect on the...