Friday Apr, 19 2024 05:10:23 PM

NDBC BIDA BALITA Sept. 21, 2015

 • 03:34 AM Tue Sep 22, 2015
2,015
By: 
NDBC News and Current Affairs

NEWSCAST

SEPTEMBER 21,
2015 (MONDAY)
7and00 AM

CALOYand MAGANDANG UMAGA! Tunghayan ang mga
pinakabagong balita ngayong LUNES , SEPTEMBER
21, 2015…..

Mga konkretong balita at impormasyon na
dumaan sa wasto, patas at masusing talakayan… Ako si Caloy Bautista at i to ang NDBC BIDA BALITA!

PLAY NEWSCAST – PAU OBB

HEADLINESand

1.
90 mga suspek sa Mamasapano Encounter na kinabibilangan ng MILF members, BIFF
at private armed group, kakasuhan na ng DOJ ngayong araw.

2. Tatlo katao, patay, isa pa sugatan
sa tatlong magkakahiwalay na insidente ng pamamaril at pananaksak sa North
Cotabato

3. Bangkay ng lalaki, natagpuan sa
isang sakahan sa Isulan, Sultan Kudarat

4. PRESYO ng mga produktong petrolyo,
nakatakda namang bumaba ngayong linggo.

CUE VO………….. ‘ANG DETALYE NG MGA BALITA…. SUSUNOD’

Local………………..

KAKASUHAN NA ng Department of Justice o
DoJ at National Bureau of Investigation o NBI ang 90 mga suspek na sangkot sa Mamasapano
encounter kabilang na ang mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front o MILF.

Ito ay matapos na magbigay ng ‘go’
signal ang P. Aquino sa naturang mga ahensya para gawin ang hakbang.

Sinabi ni Justice Sec. Leila de Lima na
mamaya ay

isasampa na nila ang naturang kaso
kasabay ng pagharap ng mga ebidensya sa National Prosecution Service.

Ang mga suspek ay mahaharap sa mga
kasong kriminal

base sa rekumendasyon ng joint Special
Investigation Team, kabilang ang Direct Assault, murder at Theft.

Tiwala naman si De Lima na matibay ang
kaso dahil may mga testigong makapagpapatunay na sinadyang patayin ng ilang
MILF ang 35 na SAF commandos kahit alam na umano ng mga ito na friendly
force ang SAF.

Nabatid na mahigit 60 katao ang nasawi
sa engkwentro sa Mamasapano noong January 25, na kinabibilangan ng 44 SAF
members.

Samantala,
pinaninindigan naman ng MILF ang resulta ng imbestigasyon ng kanilang binuong
sariling komisyon na walang kasalanan ang kanilang mga tauhan.

Sinabi
ni MILF first vice chairperson Ghadzali Jaafar na bagaman at may karapatan ang
pangulo ng bansa na iutos ang pagsasampa ng naturang kaso ay patuloy na
isusulong ng MILF na walang kasalanan ang kanilang mga kasapi dahil ipinagtanggol
lang ng mga ito ang kanilang mga sarili at pamilya.

Giit
ni Jaafar, detalyado ang resulta ng imbestigasyon na kanilang isinumite sa mga
kinauukulan na kabaliktaran sa naging pahayag ni De Lima.

Hindi
naman nabanggit ni Jaafar kung tatalima sila sa kautusan ng DoJ na dakpin ang
kanilang mga miembro mahaharap sa kaso.

Samantala,
aniya, nirerespeto ng MILF ang naging pahayag ng pangulo na mas pinaniwalaan
nito ang report na SAF ang nakapatay sa international terrorist na Zulkifli Bin
Hir o alyas Marwan.

Sa
hiwalay naman na pahayag, tiniyak ni MILF spokesperson for Civil Military
Affairs Von Al-Haq, na hindi sila gagawa ng anumang hakbang na maaapektuhan ang
estado ng seguridad sa rehiyon.

BERNADETTEand

BALITANG
SIMBAHAN

Mas mahalagang dalhin si Hesus sa pagmimisyon
at hindi ang mga gadget na pinahahalagahan ng mga kabataan.

Ito ang mensahe ng Kanyang Kabunyian
Manila archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa Banal na Misa sa Youth
Congress.

Ayon pa kay Cardinal Tagle, tulad ng
Mahal na Birheng Maria, naway tularan ng mga kabataan na ang naging Misyon ay
tagapagdala ni Hesus mula sa kanyang sinapupunan gayundin ang misyon ng
mananamplataya na si Hesus at ang Salita ng Diyos ang mahalaga.

Pahayag pa ng cardinal, mahalaga na
dalhin sa pagkatao ang presensiya ni Hesus sa mga naghahanp ng pag-ibig awa at
habag.

Dagdag pa ng kardinal, ang Mahal na
Birheng Maria ang tunay na modelo ng pagmimisyun na una munang tumaggap sa
salita, pinanindigan ang pangako at isinabuhay ang pangako sa pamamagitan ng
pagiging mabuting ina kay Hesus.

0-

2nd
break

Local …………………

IPINAGKIBIT-BALIKAT
lang ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines o AFP ang pagpalag ng nasa
31 mga retiradong heneral kabilang ang limang dating chief of staff ng AFP na pumirma
sa isang manifesto na tumututol sa pagsusulong sa Bangsamoro Basic Law o BBL.

Ayon
kay AFP Spokesperson Col. Restituto Padilla, walang masama sa manifesto na
nilagdaan ng naturang mga retiradong heneral na mga miyembro at opisyal ng
Association of Generals and Flag Officers o AGFO.

Sinabi
ni Padilla na sariling opinyon ito ng mga retired general at bahagi ng
democratic system ang malayang pagpapahayag ng opinyon.

Pagtiyak
ng AFP na suportado ng AFP ang inisyatibong pangkapayaan ni Pangulong Aquino.

Samantala,
kinuwestyon naman ng Moro Islamic liberation Front o MILF ang ‘timing’ ng pag-alma
ng mga retired general na nagpahayag ng pagtutol na maipasa ang BBL.

Ayon
sa MILF, bagama't may magandang intensyon ang mga retiradong heneral kaya
nagpalabas ng manifesto, hindi daw maintindihan ng grupo ang timing sa
pagpapalabas nito dahil patuloy pa naman ang deliberasyon ng naturang panukala
sa kongreso.

Sabi
ng MILF, nirerespeto nila ang pananaw ng mga dating heneral ng AFP at PNP ngunit
nalilito ang grupo kung bakit ngayon lang ito ginawa at ano ang posibleng
motibo ng mga ito.

Local…

Naglaan ng mahigit 44.2
million pesos na pondo para sa mga programa nito para maibsan ang epekto ng El
Nino Phenomenon ang Department of Agriculture o DA 12. Ayon kay DA 12 Regional
Executive Director Amalia Jayag Datukan, ang pondo ay gagamitin sa mga
mitigation plan ng ahensya. Kabilang sa mga ito ayon kay Datukan ang pamimigay
ng binhi ng palay, mais at mga gulay, pesticide, organic fertilizers at
pagpapatayo ng mga shallow tube wells. Inihayag din ni Datukan na ang 4.5
million sa nabanggit na halaga ay inilaan sa mga lalawigan na mangangailangan
ng cloud seeding. Ayon sa forecast ng Pagasa ang El Nino Phenomenon dala ng
below normal na pagpatak ng ulan ay mararanasan sa bansa mula Oktobre nitong
taon hanggang sa unang quarter ng 2016. Matatandaan na ipinahayag ng Office of
the Civil Defense o OCD 12 na mararanasan ang pinakamatinding below normal na
rainfall sa mga lalawigan ng South Cotabato, Sultan Kudarat at Saranggani.

0

CUE ………………. STINGER BALITANG
PAMBANSA

PAGKATAPOS NG DALAWANG LINGGONG sunud-sunod
na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, may nakaamba namang pagbaba ng
presyo nito ngayong darating na linggo.

Posibleng may tapyas-presyo sa gasolina
na maglalaro sa pagitan ng 25-35 centavos habang 40-50 centavos naman sa kada
litro ng diesel at kerosene.

Dulot pa rin ito ng paggalaw ng presyo
ng langis sa world market.

Kaugnay nito, diringgin ngayong araw ng
Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang petisyon ng
transport groups at iba pang sektor na i-rollback ang pamasahe sa taxi at jeep.

Local…

Nakatulong sa
pagpapababa ng bilang ng mga malnourished na kabataan ang mga programa
pang-nutrition ng South Cotabato. Patunay dito ayon kay Maria Ana Uy, ang
Provincial Nutrition Officer ng South Cotabato ay ang pagkakapili muli sa
lalawigan bilang pinakamatagumpay sa pagpapatupad ng Philippine Plan of Action
for Nutrition sa buong region 12. Ito ay batay naman sa evaluation na isinagawa
ng Regional Nutrition Evaluating Team ng National Nutrition Council o NNC noong
2014. Inihayag ni Uy na dahil sa mga programang pang nutrisyon, nabawasan ang
dami ng mga batang kulang sa timbang o malnourished sa South Cotabato. Kabilang
sa mga programang ito ay ang pagpapatupad ng feeding program lalong lalo na sa
mga liblib na barangay sa lalawigan. Dinagdag din ni Uy na lalo pang
paiigtingin ng provincial nutrition office ang pagbibigay ng serbisyo sa mga
mamamayan. Umaapela din si Uy sa mga magulang lalong lalo na sa mga ina na
tulungan sila na mapanatiling malusog ang kanilang mga anak sa pamamagitan ng
pagbantay sa kanilang mga kinakain . Dinagdag din ni Uy na dapat ding tiyakin
ng mga magulang na sinusunod nila ang ten kumainments” ng National Nutrition
Council o NNC. Ito ay upang maiwasan ang kakulangan sa timbang at obesity o
sobra sa timbang. Ayon kay Uy target ng provincial nutrition office na makuha
muli ang award sa susunod na taon para makuha ng lalawigan ang prestihiyosong
Consistent Regional Outstanding Winner in Nutrition o CROWN Award.

0-

Local…

Natagpuang
patay ang isang dating bilanggo sa sakahan sa Purok Tumamin, Barangay Kalawag
III,Isulan, Sultan Kudarat kamakalawa. Kinilala ni Superintdent Jofil Siason,
ang chief of police ng Isulan ang biktima na si Datu Razul Camsa, biente sais
anyos, at residente din sa lugar. Ayon kay Siason ang tama ng bala sa kanyang
kili kili ang naging sanhi ng dagliang pagkasawi ni Camsa. Narekober ng mga
pulis katabi ng bangkay ng biktima ang isang revolver , tatlong basyo at
tatlong mga bala nito. Nabatid na ang biktimang si Camsa na kalalabas lamang ng
kulungan ay nahaharap sa kasong pagtutulak ng shabu at illegal possession of
fire arms. Nakalaya lamang umano ito matapos magpyansa. Inaalam pa ng mga pulis
kung sino ang suspek at kung ano ang motibo nito sa pagpatay sa biktima.

0-

3rd
break

Local…………………….

TINIYAK NG Metro Cotabato Water
District o MCWD walang dapat ikabahala ang mga water consumers sa pagbubukas ng
mga bagong malls sa Cotabato city.

Paliwanag pa ni MCWD Engineering
Department Manager Engr. Vevacio Villarma, nasa 5,000 liters ng tubig kasi ang
estimated minimum consumption ng isang mall kada araw.

Nabatid na nasa 6,000 hanggang 7,000
cubic meters ang kulang sa water supply ng MCWD para matugunan ang peak demand
ng mga water consumers.

Pero nilinaw ni Engr. Villarma na may
projection na sila pagbubukas ng mga mall sa Cotabato city at may mga ginagawa
na sila para rito.

Nabatid pa na nakatakdang magsagawa ang
United States Agency for International Development o USAID ng libreng pag-aaral
para gawing alternative source ng tubig ang Rio Grande de Mindanao.

CUE ………………. STINGER BALITANG
PAMBANSA

DAPAT DAW NA TUTUKAN ng Department of
Tourism o DOT ang peace and order sa iba’t ibang tourist destination sa bansa
upang makamit ang target na sampung milyong turista kada taon.

Ito ang mungkahi ni Buhay partylist
Rep. Lito Atienza.

Aniya, ang Pilipinas ang isa sa mga
bansang may pinakamagandang beach sa buong mundo at marami rin magagandang
pasyalan subalit pang anim lang tayo sa Asean nations pagdating sa tourist
arrivals na umaabot lang sa 4.8 milyon.

Nangunguna sa listahan ang Malaysia na
may 27 million, sumunod ang Thailand na 24 milyon, Singapore 15 million,
Indonesia 9.4 million at Vietnam na may 7.8 million habang ang Cambodia ay pang
pito sa listahan na 4.5 million.

Ito ay dahil sa hindi kampante ang mga
turista na magtungo sa bansa sa kabila ng magagandang tourist destination tulad
ng Palawan, Boracay at Malaspacua dahil bukod sa malalang daloy ng trapiko ay
bunsod na rin sa pagbagsak ng peace and order sa bansa.

Giit ni Atienza, napapanahon na para
kumilos si DOT Sec. Ramon Jimenez kung gusto nitong maabot ang 10 million
target na tourist sa halip na sisihin ang nakaraang administrasyon.

NARITO ANG BALITANG PANGKALUSUGAN HATID NG GOLDSHINE
PHARMACEUTICALS INCORPORATED.

HEALTH NEWS-

Madalas
bang sumisipa ang iyong mister sa kasarapan ng tulog niya?

Malamang
meron siyang restless legs syndrome o RLS kung saan hindi komportable ang paa
dahil matagal siyang nakaupo o nakahiga.

Hindi
mapakali ang paa at pansamantalang nawawala ito kapag naglakad o kumilos.

Pwede
itong magsimula sa kahit anong edad at lumalala ito habang tumatanda.

Isa
sa mga sintomas nito ay night time leg twitching at maaaring may kasamang periodic
limb movement disorder o PLMD.

Sa
nasabing sakit, gumagalaw ang paa habang natutulog at maaaring paulit-ulit ang
pagsipa nang hindi alam ng pasyente.

Kung
grabe ang sakit, maaaring mangyari ito habang gising.

Ang
PLMD ay makikita in 4 out of 5 people na merong RLS.

Hindi
alam ang dahilan nito. Sabi ng iba, dala raw ito ng imbalance ng dopamine,
isang kemikal sa utak na may kinalaman sa paggalaw ng kalamnan.

Pwedeng
manahin ito o dala ng ibang sakit tulad ng iron-deficiency anemia o peripheral
neuropathy.

Ang
gamot para sa RLS ay pareho sa Parkinson’s disease.

Pwede
rin siyang bigyan ng gamot para sa epilepsy.

Iwasan
ang caffeine at alak, mag-exercise, huwag magpakapagod at tigilan ang
paninigarilyo.

Local……………….

NABAWI NG MEKANIKONG si Lopong Zailon
Bago ang kanyang cell phone na tinangkang nakawin ng fish vendor na nakilalang
si Jalani Benito Jabangan sa Cotabato city.

Sabi ni Bago, nag-aayos siya ng
motorsiklo sa isang motorcycle shop sa Jose Lim Sr. Street pasado alas dose ng
tanghali kahapon nang nakawin ng suspek ang kanyang cell phone na naka charge.

Gayunman, hinabol ni Bago si Jabangan
hanggang sa maabutan sa Don Rufino Alonzo street.

Bugbog-sarado si Jabangan mula sa galit
na si Jabangan at mga kasamahan nito kaya agad na isinugod sa ospital.

Samantala, kalaboso naman ang isang
lalaki matapos mahulihan ng pinaniniwalaang shabu pasado alas nuwebe kagabi sa
choke point na inilagay ng City PNP sa Quezon avenue corner Notre Dame avenue.

Kinilala ang suspek na si Tato Amina
Adam, bente singko anyos, taga- Purok Krislam, barangay Poblacion dos ng
lungsod.

Nakuha mula kay Adam ang isang sachet
ng pinaniniwalaang shabu habang ito ay nagmamaneho ng payong-payong kasama ang
pasaherong si Saiden Palakad, 24 anyos at kapitbahay din ng suspek.

Nasa kustodiya na ng police station
number 1 ang suspek na nakatakdang sampahan ng kaso habang nakatakda namang
pakawalan ang pasahero ngayong araw.

Sa iba pang balita, isa namang negosyante
ang nabiktima ng basag-kotse pasado alas dose nang tanghali kahapon sa
kahabaang ng Sinsuat avenue partikular sa harap ng CRMC o labasan ng Mall of
Alnor.

Ayon kay Darwin Mamao Panga, taga-Salimbao,
Sultan Kudarat, Maguindanao, ipinarada niya sa harap ng CRMC ang kanyang kulay
pulang Mitsubishi Pajero.

Pagbalik niya, nakita na lang niyang
basag na ang salamin ng kanang bintana ng sasakyan at nang buksan ay wala na
ang kanyang 40 thousand pesos na cash at isang pares ng shooters shoes.

UNA RITO, DALAWANG MGA sasakyan ang
napaulat na niransak ng mga magnanakaw noong nakaraaang biyernes habang
nakaparada sa Mall of Alnor.

Unang nagreport sa pulisya ang biktima
na kinilalang si Patrick Luan Uy, taga- Tenorio, Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao
at isang bumbero mula sa Bureau of Fire Protection o BFP-ARMM.

BALITA ABROAD………………….. PLAY STINGER

NATUWA ang Department of National
Defense o DND kasunod ng pagpapasa ng Japan security bill na nagpapahintulot sa
Japanese Armed Forces na ipagtanggol ang mga bansang kaalyado nito tulad ng
Pilipinas laban sa mga magtatangkang umatake at manakop.

Sabi ni Defense Spokesperson Peter Paul
Galvez, magandang balita at magandang indikasyon para sa Pilipinas lalo pa nga
at umiinit ang tensiyon sa pakikipag-agawan nito ng teritoryo sa West
Philippine Sea sa China.

Ang desisyon ng Japan Parliament ay
kauna-unahan matapos ang pagwawakas ng World War II may 70 taon na ang
nakalilipas.

Noong World War II ay sinakop ng mga
Hapon ang Pilipinas sa madugong digmaan na naitala sa kasaysayan ng mundo.

Gayunman sa pagdaan ng mga panahon ay
naging kaalyado ng Pilipinas ang pamahalaan ng bansang Japan.

0-

Local…

Tumaas ang bilang ng mga
botante sa General Santos City. Ito ay batay naman sa pinakahuling datus ng
Commission on Elections o Comelec sa lungsod. Ayon kay Atty. April Melchor,ang
City Election Officer ng Gensan, ang lungsod ay mayroon nang 238,697 na mga
botante.

Ito ayon may Melchor ay mas
mataas ng pitong porsyento kumpara sa kanilang mga datus noon. Nabatid na ang
Gensan Comelec ay nakapagtala ng mahigit labindalawang libong bagong botante sa
isinasagawa ngayong voters registration.

Dinagdag din ni Melchor na
kinukumpleto na rin ngayon ng kanilang tanggapan ang biometric registration at
re-validation ng mga botante sa lungsod.

Binigyan diin Melchor na ang
sinumang botante na walang biometric records o hindi nakuhanan ng computer ang
kanilang larawan, pirma at finger print ay hindi makaboto . Ito ay kaugnay sa
No Bio No Boto Policy” ipatutupad sa 2016 election.

Inihayag din ni Melchor na
para mahikayat ang mas maraming mga mamamayan na magpatala o ma validate ang
kanilang record, tuloy pa rin ang satellite registration ng Comelec sa mga
barangay.

0-

5th
break

Local…………………..

MAGPAPATUPAD NG SUNOD-SUNOD NA
TRAININGS PARA SA MGA OUT OF SCHOOL YOUTH ANG COATABATO CITY LGU AT DEPARTMENT
OF LABOR AND EMPLOYMENT.

Ito ay bahagi ng paghahanda para sa
pagpasok ng mga investors sa lungsod.

Una nang nagkasundo ang city government
at mga investors na 90 percent sa kukunin nilang mga trabahante kabilang na ang
mga managers at supervisors ay magmumula sa lungsod.

Tiniyak naman ng mga negosyante na
tatanggapin nila ang isang aplikante basta’t pumasa sa kanilang hinihinging
criteria at pasado sa Public Employment Service Office ng lungsod.

Sa pangunguna ni City Administrator
Cynthia Guiani Sayadi, kanyang kinausap ang mga dati at bagong mamumuhunan
kabilang na ang Centro na handa ang lokal na pamahalaan na tumulong sa pagpili
ng mga magagaling na mga empleyado.

Ang MyDev, isang non-government
organization ay nagsasagawa ng training para sa commercial packing, cashiering,
utility a maraming iba pa.

Ito ay bahagi ng programa ng City LGU
na zero OSY community para sa lungsod.

Local…………………..

Mga hakbang
para maibsan ang epekto ng El Nino Phenomenon, inilatag ng Provincial
Agirculture Office ng South Cotabato

Patuloy pa
ring pinaghahandaan ng provincial agriculture office ng South Cotabato ang El
Nino Phenomenon.

Ayon kay
Justina Navarete, ang OIC Provincial Agriculture Officer ng South Cotabato, isa
sa mga ginawa ng kanilang tanggapan ay ang pag-revive ng Task Force El Nino.
Ang Task Froce ay binubuo ng mga kinatawan mula sa national irrigation
administration o NIA, Bureau of Agricultural Statistics at iba ang concerned na
ahensya ng gobyerno.

Ayon kay
Navarete ilang sa mga napagkasunduan ng Task Force para maibsan ang epekto ng
El Nino Phenomenon ay ang paglalagay ng karagdagang shallow tube wells at
impounding facilities.

Posible rin
ayon kay Navarete na magkaroon ng cloud seeding. Umapela din si Navarete sa mga
magsasaka na sa halip na palay o mais, mas mabuting magtanim na lamang muna ng
mga root crops o iba pang produkto na tatagal sa dry spell.

Kaugnay nito
ipinahayag naman ni Engineer Orlando Tibang, ng NIA South Cotabato na maaring
maapektuhan ng El Nino ang tatlumpu hanggang singkwenta porsyento ng service
area ng Banga River Irrigation system.

Ito ang
dahilan kung bakit ayon kay Tibang nagpalabas ang NIA ng schedule ng
pagsu-supply ng tubig, cropping calendar at pattern calendar para maiwasan ang
pagkalugi ng mga magsasaka.

SPORTS
……………. (Play Stinger)

TINIYAK ngayon ni people’s
champ Manny Pacquiao na wala na siyang nararamdamang sakit o pamamaga sa
kanyang muscles partikular sa balikat.

Ayon kay Top Rank chief
executive Bob Arum, ito ang abiso sa kanya ng Pinoy ring icon matapos ang
pagsailalim sa operasyon noong Mayo.

Gayunman, sasailalim ang
fighting congressman sa magnetic resonance imaging ngayong linggo sa bansa at
ipapadala niya ang resulta sa US surgeon para sa evaluation.

Inaasahan sana ni Arum na
babalik sa Los Angeles si Pacquiao sa unang linggo ng Hulyo para bisitahin ang
kanyang doktor na si Dr. Neal ElAttrache ngunit bigo itong sumipot.

Samantala, hindi na lalaban
sa WBC world featherweight title ang GenSan pride na si Marvin
Marcelous Sonsona kontra kay Gary Russell ng Estados Unidos.

Ito'y matapos na hindi
sumipot si Sonsona sa kanyang training kaya kinansela muna ang nakatakdang
laban nito ngayong buwan.

Ayon kay Sammy Gello-ani,
handler ni Sonsona, nag-extend ng kanyang bakasyon ang Pinoy boxer at hindi na
nila ito hahabulin kung hindi man bumalik sa training camp sa Cebu sa ilalim ng
beteranong trainer na si Jhun Agrabio.

Pinakansela na rin daw ng
international promoter na si Sampson Lewkowicz ang WBC title fight dahil hindi
nag-ensayo si Sonsona at baka mapahiya lamang ang Pilipinas.

CALOY……………….

Sumainyo ang mga bidang
balita ngayong LUNES, SEPTEMBER 21, 2015…
INYONG NAPAKINGGAN sa mga himpilan ng NOTRE DAME BROADCASTING CORPORATION,
ang RADYO BIDA at HAPPY FM…

Bahagi ng serbisyo-publiko
ng Oblate of Mary Immaculate na naghahanda para sa kanilang IKA- 200 TAONG
PAGDIRIWANG ng pagkaka-tatag bilang misyonaryong kongregasyon ng simbahang
katoliko.

AKO SI CALOY BAUTISTA .

Maaari ninyong balikan ang mga balitang narinig sa sa
and//www.ndbcnews.com.ph www.ndbcnews.com.ph na ngayon ay mayroon ng
mahigit 500 tagapagtangkilik at mambabasa.

Sa ngalan ng NDBC Radyo Bida
News and Current Affairs Team, I-WATCH Productions at Maguindanao Sky Cable,

Hanggang BUKAS pong muli! Maraming salamat at
MAGANDANG UMAGA.

PBBM to PNPA grads: Maximize technology to fight crime, serve

SILANG, CAVITE – President Ferdinand R. Marcos Jr. on Friday called on the new graduates of the Philippine National Police Academy (PNPA) to...

Picong ambush suspect falls during hot pursuit operation

PICONG, Lanao del Sur - After a thorough investigation and follow-up operation, operatives were able to identify the seven individuals involved in...

NDBC BIDA BALITA (April 19, 2024)

  HEADLINES 1   BABAE patay sa ambush sa Maguindanao del Sur; Pulis naman sugatan sa ambush sa Lanao del Sur 2  ...

3 dead in South Cotabato highway accident

COTABATO CITY - Three individuals died instantly in a gruesome highway mishap involving two vehicles in Barangay Polonuling in Tupi town in South...