Thursday Apr, 25 2024 02:17:35 PM

NDBC BIDA BALITA Sept. 24, 2015

 • 05:43 AM Fri Sep 25, 2015
2,032
By: 
NDBC News and Current Affairs

NEWSCAST

SEPTEMBER 24,
2015 (MONDAY)
7and00 AM

CALOYand MAGANDANG UMAGA! Tunghayan ang mga
pinakabagong balita ngayong HUWEBES , SEPTEMBER
24, 2015…..

Mga konkretong balita at impormasyon na
dumaan sa wasto, patas at masusing talakayan… Ako si Caloy Bautista at i to ang NDBC BIDA BALITA!

PLAY NEWSCAST – PAU OBB

HEADLINESand

1. MGA MUSLIM, hinikayat na gawing
makabuluhan ang pagdiriwang ng Eidl Adha ngayong araw Non-Muslims, hinamon
naman na gawing kapaki-pakinabang ang long weekend.

2. Higit kalahating milyong pisong
halaga ng shabu, nakumpiska sa Sta Cruz, Davao del Sur Rubber tapper, huli
naman sa pagdadala ng baril sa Kidapawan City

3. BATANG suspek sa pagpatay sa isang grade
three pupil sa Polomolok, South Cotabato, arestado

4. Pagkakaroon ng parking space bago
makabili ng sasakyan, isinusulong sa Kamara

CUE VO………….. ‘ANG
DETALYE NG MGA BALITA…. SUSUNOD’

Local………………..

IDINEKLARA bilang isang MUSLIM REGULAR
at LEGAL non-working holiday ang araw na ito, September 24, sa buong Autonomous
Region in Muslim Mindanao o ARMM, ganundin sa Cotabato city.

Sa ARMM, ang deklarasyon bilang Muslim
regular holiday ng araw na ito ay sa bisa ng MMA Act. No. 17 na kumikilala sa
pag-obserba ng Eidl Adha ng mga Muslim.

Sa Cotabato city, ang deklarasyon
bilang Muslim legal holiday ng September 24 ay sa bisa naman ng Presidential
Decree 1083 o Code of Muslim Personal Laws of the Philippines.

Samantala, sa pamamagitan naman ng
proclamation no. 1128, idineklara ng office of the president ang September 25,
araw ng Biyernes, bilang regular holiday sa buong bansa.

Kaugnay nito, hinihikayat ng pamunuan
ng ARMM at City LGU ang lahat ng mga Muslim sa lugar na kanilang nasasakupan,
na gamitin ang pagkakataong ito para gawing makabuluhan ang paggunita ng Eidl
Adha kaisa ng mahigit dalawang bilyong Muslim sa buong mundo.

Hamon naman para sa mga non-muslim,
gawing kapaki-pakinabang ang long weekend kasama ang pamilya.

Ang Eidl Adha o Pagdiriwang ng
Sakripisyo o Mas Malaking Eid ay isang kapistahang
ipinagdiriwang ng mga Muslim sa buong mundo upang alalahanin ang pagpapaunlak
ni Ibrahim na isakripisyo ang kanyang anak na lalaking si Ismael bilang isang
gawain ng pagsunod sa Diyos.

Ito ang pangalawa at panghuli sa
dalawang mga kapistahang Eid na ipinagdiriwang ng mga Muslim, na ibinatay mula
sa Kuran.

Taunang pumapatak ang Eid al-Adha
tuwing ika-sampung araw ng buwan ng Dhul Hijja ng maka-buwang kalendaryong
Islamiko.

Nagaganap ang Eid al-Adha pagkaraan ng
pagbaba ng mga pilgrim na nagsasagawa ng Hajj mula sa Bundok ng Arafat.

local...

Plano ngayon
ng lokal na pamahalaan ng Antipas na paunlarin at gagawing tourist attraction
ang Bulwang Lake na matatagpuan sa brgy. Malatab, Antipas North Cotabato.

Ito ang
ibinunyag ni Antipas Administrator Ramon Cadungon sa DXND Radyo Bida.

Ayon kay
Cadungon, nailatag na nila ang mga plano maging ang pondo na ilalaan ng Lgu
para sa naturang Eco-tourism Development para sa susunod na taon.

Noong una ayon
kay Cadungon ay para lang daw itong isang balon na ngayon lumawak at mas
gumanda pa.

Sinabi ni
Cadungon na kapansin pansin kasi ang unti-unti pagdami ng tao sa kanilang bayan
maging ang pagdayo ng mga taga ibang lugar mula sa probinsya sa nasabing
Bulwang lake.

VC- CADUNGON

Si Antipas
Administrator Ramon Cadungon

Maliban sa
pagsasaayos sa daanan patungo sa lugar nangako na rin ang Cotabato Provincial
Government na maglaan ng pondo para sa pagpapaunlad dito. 0-local... Posibleng
dinapuan ng sakit na cholera ang tatumput anim katao sa barangay New IloIlo,
bayan ng Tantangan, South Cotabato

Ito ay ayon
kay Dr. Renato Ureta, ang Municipal Health Officer sa bayan ay kanila pang iniimbistigahan sa
ngayon.

Inihayag ni
Ureta na dalawamput isa sa mga pinagdududahang nagkaroon ng cholera sa kanilang
lugar ay isinugod sa iba’t ibang ospital sa Tantangan at Koronadal City kanina.

Ang mga
pasyente ay nakitaan ng sintomas ng
cholera tulad ng diarrhea,pagsusuka at panghihina ng katawan.

Ayon kay Ureta
inaalam din nila kung naging sanhi ng diarrhea ng mga residente na pawang nangagaling lamang
sa iisang purok ay ang kanilang inuming
tubig na
nangaling sa water system ng barangay.

Isa din
sa posibilidad na tinitingnan nila ayon
kay Ureta ang posibleng food poisoning dahil karamihan sa mga biktima ay dumalo
sa birthday party ng kanilang mga kapitbahay noong linggo.

Gayunpaman
ayon kay Ureta bago pa man ang birthday party, ilang mga residente na umano sa
lugar ang nagka-diarrhea.

Para mapigilan
ang pagkalat pa ng karamdaman, naglibot na sa mga bahay ang mga health
officials sa Tantangan.

Pinayuhan ng
mga ito ang mga residente na pakuluin muna ang inuming tubig.

Namigay din ng
oresol para panghalo sa inuming tubig ng mga residente ang Tantangan municipal
health office 0-BERNADETTEand

BALITANG
SIMBAHAN

Hangad ng bawat isa ang katahimikan at
kapayapaan!

Ito ang binigyang diin ni Prof. Moner
Bajunaid, Secretary General ng National Ulama Conference of the Philippines at
Co-Convenor ng bagong tatag na Inter-religious Council of the Philippines.

Aniya, hindi usapin ng relihiyon o
pananampalataya ang usapin ng kapayapaan At hindi lamang ito sa rehiyon ng
Mindanao kundi maging sa buong bansa.

Dagdag pa ni Bajunaid, ang usapin sa
pagkamit ng kapayapaan ay isang layunin na matagal ng hinahangad hindi lamang
ng bawat Kristyano o Muslim kundi ng bawat Pilipino.

Una nang hinimok ng Catholic Bishops
Conference of the Philippines ang mga mambabatas na malawakang pag-aralan ang
lahat ng mga probisyon sa Bangsamoro Basic Law lalo’t malaking bahagi ng
populasyon sa rehiyon ng Mindanao ang inaasahang maapektuhan ng naturang batas.

0 Local …………………

NAHAHARAP
NGAYON sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs
Act of 2002 ang dalawang indibidwal matapos maaktuhang nagbebenta ng
pinaniniwalaang shabu sa Bo’s Coffee Shop sa loob ng Alnor Complex, Sinsuat
Avenue, Cotabato city pasado alas kwatro ng hapon kahapon.

Kinilala ang
mga naarestong suspek na sina Ema Salipada, 42 years old, magsasaka at Datu
Justin Kasuyo, 22 taong gulang, tanod ng barangay Rosary Heights 10, ng lungsod.

Sa report ng
Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA-ARMM, nagkunwaring bibili ng shabu
ang isa sa kanilang mga agent at nakipagtulungan sa pamununan ng Alnor complex para
maisagawa ang buy bust operation.

Tagumpay ang
operasyon ng PDEA ARMM at nakuha mula kay Salipada at Kasuyo ang apat na
malalaking sachets ng pinaniniwalaang shabu na tinatayang nasa dalawang daang
gramo at nagkakahalaga ng 400 thousand pesos.

Inihahanda na
lang ng PDEA-ARMM ang mga ebidensya para tuluyang masampahan ng kaso ang
dalawa.

local...Hindi na
nakapalag pa ang isang 35-anyos na ama nang posasan na ito ng mga otoridad
matapos ang umano panggagahasa nito sa kanyang dalawang anak sa Kidapawan City.

Isa umano sa
anak ng suspek ay person-with-disability o PWD.

Nahuli ang
suspek dalawang araw matapos magsumbong ang lolo ng mga biktima sa mga
otoridad.

Una na ring
humingi ng tulong ang lolo ng mga biktima sa Radyo BIDA na agad namang
nakipag-ugnayan sa City PNP.

Kahapon ay
tuluyan na ngang naaresto ang suspek na pinagunahan mismo ni Senior Inspector
Samuel Bascon, deputy chief ng Kidapawan City PNP kasama ang iba pang pulis sa
mismong bahay ng suspek sa bisa ng search warrant mula sa korte.

Nabatid na
matagal ng ginagawa ng suspek ang panghahalay sa dalawang anak na umano
tinatakot nito para hindi magsumbong sa mga otoridad.

Sa ngayon
nakakulong na ang suspek sa Kidapawan City PNP lock up cell habang inihahanda
ang kasong isasampa laban sa kanya.

0-CUE ………………. STINGER BALITANG PAMBANSA

NANANAWAGAN
si Valenzuela Rep. Sherwin Gatchalian na mapabilis ang pagpasa ng House Bill
5098 o Proof of Parking Space Act” upang masolusyunan ang lumalalang lagay ng
trapiko sa bansa.

Ayon
kay Gatchalian, hindi lamang sa malalaking kalsada tulad ng EDSA sa Maynila nagmumula
ang bigat ng trapiko kundi pati na rin sa mga sasakyang nakaparada at umookupa
sa bahagi ng mga kalsada.

Sa
ilalim ng panukala, kailangang magsumite muna ng affidavit ang lahat ng bibili
ng sasakyan na nagpapatunay na mayroon silang parking space.

0- Local…………………….

PINAALALAHANAN
ngayon ng Datu Piang PNP ang lahat ng mga motorista sa kanilang bayan at mga
karatig na lugar, na laging mag ingat sa pagmamaneho para maiwasan ang sakuna
at pagbuwis ng buhay dahil sa aksidente sa kalsada.

Ito ay
kasunod ng naganap na vehicular accident sa Brgy. Magaslong, Datu Piang
kamakalawa, kung saan

Nagka-banggaan
ang improvised tricycle o payong-payong at motorsiklo.

Patay
habang ginagamot sa pagamutan ang driver ng motorsiklo na si Marsid Abdulatip,
19 years old at taga-Datu Salibo.

Sugatan
naman ang angkas nito na si Mohamidin Panalingin at ang driver ng payong-payong
na si Tambak Sindato, 17 taong gulang, may asawa, at taga-Brgy. Sambulawan,
Datu Salibo.

Sa
imbestigasyon ng Datu Piang PNP, patungo nang Datu Salibo si Sindato nang mag-overtake
siya sa nauunang multicab. Gayunman, hindi niya nakita ang motorsiklong kasalubong
kaya naganap ang aksidente.

Samantala,
patuloy pang inaalam ng mga otoridad kung sino ang responsable sa pagpatay sa
isang magsasaka sa DATU SAUDI AMPATUA, Maguindanao.

Pinagbabaril
ang biktimang si Tanex Dagadas Salik, 35-anyos, may asawa, at taga Brgy. Lower
Salbo, kamakailan lang.

Nagtamo
ng tama ng bala ang biktima sa iba't ibang bahagi ng kanyang katawan dahilan ng
kanyang agarang kamatayan.

Nakatayo
lang ang biktima malapit sa kanyang bahay nang pagbabarilin ng riding-tandem gamit
ang caliber 45 na pistola.

0-local.. Naaresto na ng
mga pulis ang isa mga suspek sa pagpatay at posibleng paggahasa sa isang grade
three pupil sa Polomolok, South Cotabato.

Ito ay kinumpirma
mismo ni Superintendent Amante Suriaga, ang Chief of Police sa bayan ng
Polomolok.

Ayon kay
Suriaga ang nahuling suspek ay labinapat
na taong gulang na menor de edad na rugby boy.

Isa sa mga
suspek sa krimen ayon kay Suriaga ay pinaghahanap pa ng mga pulis.

Inihayag ng
police official na nahuli ang suspek
dahil na rin sa pakikipagtulungan ng mga kaanak ng biktima sa kanila.

Matatandaan na
ang grade three pupil ng Polomolok Central Elemtantary School na si ay huling
nakitang buhay noong byernes ng hapon habang naglalaro sa harap ng kanilang
eskwelahan.

Ang mga labi
nito ay nasa state of decomposition nang matuklasan sa bakanteng lote sa bayan
Subdivision, Barangay Magsaysay, Polomolok, South Cotabato noong Lunes.

CUE ………………. STINGER BALITANG PAMBANSA

INAMIN
ngayon ni P. Aquino na mahirap nang makamit ang kanyang target na maging 100%
self sufficient sa bigas ang bansa bago siya bumaba sa pwesto sa 2016.

Ito ay
dahil sa kinakaharap na El Niño phenomenon.

Inamin
ng Pangulo na mahihirapan na siyang makamit ang naturang target lalo pa’t
paparating ang matinding tagtuyot sa bansa.

Una
rito, noong nakaraang state of the nation address ni PNoy ay ipinagmalaki nito
na darating din ang panahon na hindi na aangkat ng bigas ang Pilipinas dahil magiging
sapat na ang palay na aanihin sa bansa.

Subalit
dahil sa pagtama ng malalakas na bagyo na siyang sumira sa maraming palayan sa
bansa, hindi na nakamit ng pamahalaan ang target para sa rice self sufficiency.

NARITO
ANG BALITANG PANGKALUSUGAN HATID NG GOLDSHINE PHARMACEUTICALS INCORPORATED.

Lalala ang arthritis kapag hindi madalas
na kumikilos ang taong meron nito kaya makakatulong ang exercise.

Gawin ito sa gabi para mabawasan ang
sakit at hindi manigas ang katawan sa umaga.

Puwede kang mag-exercise habang nanood
ng TV o nakaupo lamang.

Palitan ang posisyon ng kamay from time
to time.

Ugaliin ding mag stretching… inatin ang
mga paa, ang kamay at ang leeg.

Iwasan ang pagtakbo, pagtalon at mga high-impact
aerobic exercises.

Huwag kalimutan magpahinga para hindi
gaanong mapagod.

Masama rin ang sobrang paggalaw ng
joints dahil lalong sasakit ito. 0-local...Abot sa
mahigit 500 thousand pesos na halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga otoridad sa
isinagawang buy bust operation sa Davao Cotabato highway partikular sa Barangay
Bato, Sta Cruz, Davao Del Sur.

Ang suspek ay
kinilalang si Richard richard Nokiya na residente rin ng nabanggit
na Barangay.

Nakuha sa
kanya ang 52.5 na gramo ng shabu.

Pinangunahan
mismo ng Philippine Drug Enforcement Agency, Provincial Intelligence Unit at
Sta. Cruz PNP ang pag-aresto sa suspek kung saan isa sa kanilang tauhan ang
nagpanggap bilang buyer ng shabu.

Ayon pa sa
PNP, matagal na umano nilang minamanmanan si Richard at kahapon ay tuluyan na
itong nahulog sa mga kamay ng mga otoridad.

Sa kidapawan
City, huli naman ang isang rubber taper na si Sonny Fortugalete, 35- anyos
matapos makuhanan ng di lisensyadong baril sa isinagawang pagpatrolya ng PNP
kahapon ng gabi.

Nakuha mula sa
suspek ang dalawang unit ng 22 caliber handgun revolver na may anim na bala.

Nakakulong na
ang suspek sa Kidapawan City PNP lock up cell habang inihahanda ang kasong
isasampa laban sa kanya.0 0 Local……………….

BINISITA
NG DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS AUTONOMOUS REGION IN MUSLIM MINDANAO
ANG 6.5 KILOMETERS ROAD CONCRETING PROJECT SA PINARING –IBOTIGEN ROAD SA SULTAN
KUDARAT, MAGUINDANAO.

Ang
inspection ay pinangunahan ni Secretary Don Mustapha Loong kasama si Sultan
Kudarat Mayor Datu Shameem Mastura.

Ayon
kay Mastura, 80 porsyentong kumpleto na ang naturang proyekto kaya’t di
magtatagal ay mapapakinabangan na ito ng mga mamamayan sa bayan.

Nabatid
na 70 milyong piso ang pondong inilaan sa naturang proyekto mula sa ARMM
government.

SAMANTALA,
NAGSIMULA NA ANG INSTALLATION NG LIBRENG WIFI PARA SA MGA BARANGAY SA SULTAN
KUDARAT.

Ayon
kay Mastura, apat na barangay ang magiging pilot area ng free wifi.

Tiniyak
ng alkalde na hindi maaabuso ang paggamit sa naturang programa dahil
nilimitahan lamang sa dalawang websites ang puwedeng buksan ng mga residente.

Layunin
ng paglalagay ng libreng wifi sa bayan ay upang matulungang iangat ang kalidad
ng edukasyon ng mga mag-aaral sa bayan sa pamamagitan ng online research.

0-local.... Patay ang
lider ng isang armadong grupo matapos maka-engkwentro ang mga myembro ng CAFGU at pulis sa Polomolok, South
Cotabato.

Kinilala ni
Superintendent Amante Suriaga,ang Chief of Police ng Polomolok ang nasawing
lider na si Mohaliden Utap.

Kasama rin sa
mga nasawi ang kapatid ni Mohaliden na si Karim Utap.

Tinamaan naman
ng bala ng baril sa daliri ang sampung taong gulang na
anak ni Mohaliden nang isama niya itong mangharass sa mga residente ng
Purok 7, Barangay Lapu, Polomolok, South Cotabato kamakalawa ng umaga.

Ang isa pang
labinpitong taong gulang na menor de edad na kasama ng mga armadong grupo ay
dinala din sa ospital dahil sa tama ng bala sa kanyang likod.

Ayon kay
Suriaga, nagpaputok ng kanilang armas ang armadong grupo nang pigilan ng isang
Norhani Mangakoy na pasukin ang kanilang bahay.

Ito ay
ikinatikot naman ng mga residente sa lugar.

Agad namang
rumesponde ang mga CAFGU members at nakipagpalitan ng putok sa mga bandido bago
pa man dumating ang mga pulis.

Inihayag ni
Suriaga na tinangka pa umanong i-hostage ng mga bandido ang isang taong gulang
na anak ni Mangakoy ngunit agad niya itong naagaw.

Nabatid na ang
napatay na si Mohaliden Utap ay wanted sa mga kasong pagpatay,
pangagahasa,pagnanakaw at pagbabanta sa mga residente ng Sitio Bio, Barangay
Lapu Polomolok.

Narecover ng
mga pulis sa lugar ang ilang matataas na calibre ng armas, at mga bala.

Ang grupo ni
Utap ang siya ring nakipaglaban sa mga
pulis at CAFGU sa Gallo Farm sa katabing Sitio ng Bio sa Lapu noong Setyembre a
trese.

0-local.... Patay na nang
matagpuan ng kanyang apo ang isang sitenta’y singko anyos na Lola sa Purok III,
Zone 4, Libertad Surallah, South Cotabato.

Ayon sa
Surallah PNP, ang biktimang si Jelly Castro, ay natuklasan ng apo nitong si
Ryan Castro, sa nirerentahan nilang boarding house dakong alas dos ng hapon
kamakalawa.

Lumabas sa
inisyal na imbistigayon ng mga pulis na ang lolang biktima na taga Barangay
Sto. Ninio, Koronadal City ay nagtamo ng
taga sa leeg na naging sanhi ng kanyang dagliang.

Robbery o
pagnanakaw ang motibo na tinukoy ng mga pulis sa krimen.

Ayon sa PNP
nawawala kasi ang ilang mga gamit ng biktima.

Kabilang sa
mga ito ang laptop computer, dalawang mamahaling cellphone at relo.

Narecover ng
mga pulis sa crime scene ang isang itak na posibleng ginamit sa krimen.

Nagpapatuloy
pa ang imbistigasyon ng mga pulis para matukoy
at maaresto ang suspek na pumaslang sa lolang biktima.

BALITA ABROAD………………….. PLAY STINGER

Dalawang
overseas Filipino workers o OFWs ang sugatan makaraang tamaan ng shrapnel mula
sa sumabog na bomba sa gitna ng patuloy na giyera sa pagitan ng Yemeni
government at mga rebeldeng Houthi sa border ng Saudi Arabia at Syria.

Kinumpirma
ni Vice Consul Alexander Estomo, head ng Assistance to National Section ng
Philippine Consulate ang nangyaring trahedya.

Agad
namang isinugod sa pagamutan ang dalawang biktima na isang pinay nurse at
construction worker.

Samantala,
sa US, naghain ng not guilty plea ang 15-anyos na Filipino-American matapos
akusahan ng kasong kidnapping, rape at pagpatay sa isang walong taong gulang na
babae na inihain ng Santa Cruz County Courthouse, California.

Kinilala
ang akusadong si Adrian Jerry AJ Gonzales habang ang biktima naman
ay si Madyson Maddy Middleton.

Dalawang
buwan na ang nakalipas matapos maaresto si Gonzales dahil sa tatlong kasong
kinakaharap na isinampa sa kanya ni Michel Middleton, ama ng biktima.

Batay
sa ulat, nitong July 26 dinala umano ng suspek ang biktima sa kanilang
apartment kung saan hinihinalang nangyari ang krimen.

Kinabukasan,
natagpuan ang bangkay ng biktima na nasa isang malaking basurahan sa isang
parking garage sa kanilang lugar.

Napag-alaman
na kung mapapatunayang may sala si Gonzales, papatawan siya ng habambuhay na
pagkabilanggo.

0- Local…………………..

SUPORTADO
ni government peace panel chairperson Prof. Miriam Coronel-Ferrer ang judicial
process para sa 90 sinasabing sangkot sa pagkamatay ng 44 na miembro ng
PNP-Special Action Force.

Sinabi
ni Ferrer na tiniyak naman ng ceasefire mechanism at Ad Hoc Joint Action Group
o AHJAG na lagi itong makikipag-ugnayan at makikipagtulungan sa GPH at MILF
peace panels para maiwasan ang gulo kapag inihain na ang subpoenas sa mga
miyembro ng Moro Islamic Liberation Front o MILF na kabilang sa mga suspek sa
Mamasapano incident.

Ang
AHJAG ang nagsisilbing cooperative mechanism sa pagitan ng gobyerno at MILF na
namamahala sa kriminalidad at terorismo sa mga lugar na may presensiya ng MILF.

Nabatid
na noong Martes, September 22, ay isinampa na ng National Bureau of
Investigation at National Prosecution Service ang kasong kriminal laban sa 90
katao kabilang ang 26 MILF fighters na umano ay sangkot sa pagkamatay ng 35 SAF
troopers.

Namatay
ang naturang mga pulis habang tinutugis ng mga ito ang international terrorist
na si Zulkifli bin Hir alyas Marwan.

SPORTS ……………. (Play Stinger)

SUSUBUKANG
MAKABANGON ng Gilas NGAYONG ARAW kontra 69th seeded Hong Kong matapos SILANG
talunin ng Palestine sa FIBA Asia Men’s Chamionship sa Hunan, China kahapon.

Dumulas
sa kamay ng Pilipinas ang 15-puntos na kalamangan matapos bumulusok sa payoff
period ang Palestine diretso sa panalo, 75-73.

Tinik
sa lalamunan ng Nationals ang may back-to-back 3-pointer na si Jamal Abu
Shamala sa 10-0 attack ng Palestinians sa endgame.

Sinubukan
pang humabol ng Gilas sa natirang 18 seconds ngunit nabutata ang three point
attempt ni Andray Blatche mula sa kaliwang kanto.

Sa
pagkatalo ng Pilipinas ay kinakailangan nilang maipanalo ang mga susunod na
laban upang tumawid sa susunod na round.

CALOY……………….

Sumainyo ang mga bidang balita ngayong HUWEBES, SEPTEMBER 24, 2015… INYONG NAPAKINGGAN sa mga himpilan ng
NOTRE DAME BROADCASTING CORPORATION, ang RADYO BIDA at HAPPY FM…

Bahagi ng serbisyo-publiko ng Oblate of Mary Immaculate na
naghahanda para sa kanilang IKA- 200 TAONG PAGDIRIWANG ng pagkaka-tatag bilang
misyonaryong kongregasyon ng simbahang katoliko.

AKO SI CALOY BAUTISTA .

Maaari ninyong balikan ang
mga balitang narinig sa sa and//www.ndbcnews.com.ph www.ndbcnews.com.ph na ngayon ay mayroon ng
mahigit 500 tagapagtangkilik at mambabasa.

Sa ngalan ng NDBC Radyo Bida News and Current Affairs Team,
I-WATCH Productions at Maguindanao Sky Cable,

Hanggang BUKAS pong
muli! Maraming salamat at MAGANDANG UMAGA.

Villagers displaced by hostilities between 2 Moro factions

COTABATO CITY - A Moro gunman was killed while six others were reportedly hurt in a series of gunfights on Wednesday afternoon in Barangay Banucagon...

300 pamilya, lumikas dahil sa bakbakan ng dalawang armed groups sa Pigcawayan

LUMIKAS ang nasa 300 mga indibidwal mula Barangay Banucagon, Pigcawayan, Cotabato nang sumiklab kahapon ng hapon ang bakbakan sa pagitan ng dalawang...

Cotabato Light announces power interruption for April 30

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company announced the scheduled power interruption affecting some parts of Barangay Macaguiling, Sultan...

Over P65-M shabu destroyed in Sulu: PDEA

COTABATO CITY - The Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office (PDEA-BARMM) destroyed more than 11 kilos of dangerous drugs with a...

DENR-12, partners kick off tree planting efforts in Sarangani tree park

KIAMBA, Sarangani Province – A total of 300 native tree seedlings were planted on Monday, April 22, by the DENR Community Environment and Natural...