Wednesday Apr, 24 2024 08:16:45 AM

NDBC BIDA BALITA Sept. 26, 2015

 • 14:54 PM Sun Sep 27, 2015
1,641
By: 
NDBC News and current affairs

NEWSCAST

SEPTEMBER 26,
2015 (SATURDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. DECEMBER 16 2015, panibagong
deadline para maipasa ang BBL

2. 9 na mga drug courier arestado 2
granada, higit 30 sachet ng shabu nakumpiska ng PNP sa sabayang buy-bust raid
at search operations sa Kidapawan City

3. Laborer na patay matapos mahulog at
masagasaan ng truck na sinakyan nito sa Banga, South Cotabato

4. ILANG ahensiya sa bansa,
makakatuwang sa Lumad probe

LOCALand

SA DECEMBER 16 na uli ang deadline para
maipasa sa kongreso ang panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL imbes na sana'y
noong September 15.

Ayon kay Communications Sec. Sonny
Coloma, Ito ay dahil kailangang unawain ang proseso at reyalidad sa pagsasabatas
na malaya, bukas at demokratiko.

Isa sa mga nakapagpabagal rin sa
pagusad ng panukala ay dahil sa napakaraming kuwestiyonableng nilalaman nito na
inihahain ng mga mambabatas.

Nabatid na marami pang mambabatas ang
nais sumali sa debate ng panukalang batas at nagkataong nakasabay pa nito ang
proposed 2016 national budget na kapareho nitong priority bill.

Nakiusap naman si Coloma sa publiko na
buksan ang isip sa reyalidad na mataas ang prayoridad ng Kongreso para sa
napapanahong pagsasabatas ng General Appropriations Act para ito ay maging
epektibo sa unang araw ng 2016.

Ayon kay Cagayan de Oro Rep. Rufus
Rodriguez, chairman ng 75-member ng ad hoc committee on the BBL, November 3 ng
taong kasalukuyan sila magpapatuloy sa interpellation ng BBL sa house of
representatives at makapag delibrate at amenyadahan ito hanggang katapusan ng
buwan.

Tiniyak naman ni Rodriguez na kung
sakaling magsisimula na ang plenary deliberations sa proposed budget ng
naturang panukala, wala na silang ibang paguusapan hangga't maipasa na ang
BBLsa kamara.

BALITANG SIMBAHAN

Nagpahayag ang Santo Papa ng pakikiisa
sa mga Muslim matapos ang trahedya sa Mecca Saudi Arabia.

Sinabi ni Pope Francis sa kanyang
homily sa St. PAtrick’s Cathedral na nais nyang ihayag ang pagiging malapit ng
Simbahan sa mga naapektuhan sa Mecca.

Kasabay nito ay hiniling ni Pope
Francis na manalangin para sa biktima ng stampede na naganap sa taunang hajj sa
Mina, Saudi Arabia.

local...Hinihintay na lamang na
malagdaan ni Police Regional Director Chief Supt. Lester Camba ang order para
tuluyan ng iimplementa ang pagpapalit sa mga overstaying na mga Chief of Police
sa North Cotabato.Sinabi ni Police Regional
Human Rsource Head Senior supt Danilo Peralta, meron na silang napiling mga
opisyal na ipapalit sa mga overstaying na mga hepe ng Makilala, Matalam,
Midsayap, at Pigcawayan PNP.

Ayon kay Peralta, agad
nilang ipatupad ang turn over oras na malagdaan na ang order para makapasimula
na rin ng serbisyo ang mga napiling opisyal.

Nilinaw ni Peralta na
ipinapatupad ito ng PNP para manatiling neutral at partisan ang kanilang
organisasyon lalo na sa darating na National at Local Elections.

Aniya, lampas na kasi sa
dalawang taon ang mga chief of police sa mga nabanggit na bayan dahilan na
papalitan na sila na una naman sa ipapatupad na reshuffling kasabay sa pag upo
ni Ssupt Alexander Tagum ang bagong Director ng Cotabato Police Provincial
Office noong nakaraang linggo.

Ayon kay Perlata, malaki ang
kanyang kumpyansa na susuportahan rin ng mga Local Chief Executives o mga
alkalde ang mga bagong hepe base na rin sa kanilang mga track records sa
anti-criminality at Peace and order campaigns.

TINIYAK NG
MORO ISLAMIC LIBERATION NA HINDI SILA
MANGGUGULO SAKALING HINDI MAIPASA ANG PROPOSED BANGSAMORO BASIC LAW SA
ILALIM NG ADMINISTRASYON NI PNOY2 AQUINO lll.

Sinabi ni BTC
Chairman Mohagher Iqbal na mahabang panahon din silang nagbaka-sakali para
makamit ang kanilang hangarin kung kaya’t
nagdadalawang isip din silang muling
sumabak sa giyera ngayong tahimik na ang kanilang sitwasyon.

Ayon kay
Iqbal, nakahanda ang MILF para sa isang
democratic struggle sakaling maipasa ang katanggap-tanggap na bersiyon ng BBL.

Panauhing
pandangal ang MILF Official sa isang forum na pinangunahan ng Catholic Bishops
Conference of the Philippines-Episcopal Comission on Interreligious Dialogue,
National Ulama Conference of the Philippines, Philippine Council of Evangelical
Churches, Focolare, Religions for Peace Philippines and Ramon Magsaysay Award
Foundation sa Ramon Magsaysay Center, Manila.

Nagtungo rin
sa senado ang ilang BTC Commissioners upang makinig sa plenary session subalit
hindi natalakay ang BBL dahil wala si Senator Bong-Bong Marcos, principal
sponsor ng Senate Bill 2894.Absent din si
Cong. Rufus Rodriguez, principal sponsor ng House Bill 5811 sa House of
Representatives.

Muli iginiit
ni Iqbal na hindi nila tatanggapin ang
watered down version ng BBL dahil karugtong lamang ito ng bangsamoron problem
sa Mindanao.

local...MAARING
maging katuwang ng joint investigation team ng NBI at National Prosecution
Service sa pag-iimbestiga sa diumano’y panggigipit sa mga Lumad ang iba pang
ahensya ng gobyerno.

Gaya
na lamang ng National Commission on Indigenous People, Office of the
Presidential Adviser on the Peace Process, Department of Social Welfare and Development,
Commission on Human Rights, pati na ang AFP, DILG ay mga Local Government
Units.

Sa
bisa ng department order ng DOJ, inaatasan din ang NPS-NBI special
investigation team na kumalap ng mga testimonya at ebidensya mula sa nabanggit
na mga ahensya ng gobyerno, maging ang mga documentation report ng mga
insidente ng panggigipit na ginawa ng mga non-government organizations,
people’s organization at lokal na media.

Pinakakalap
din ng kagawaran ang kopya ng mga medico-legal, autopsy at ballistic report at
hospital records sa mga insidente na humantong sa pananakit, panggagahasa,
torture at pagkamatay ng biktima.

0- local...Patuloy na ipaglaban
ang katarungan at karapatan ng mga Special Action Force o SAF troopers na
nasawi sa Tukanalipao, Mamasaspano, Maguindanao clash noong Enero biente
singko. Ito ang tiniyak ni dating SAF Director Getulio Napenias sa panayam sa
kanya ng DXOM Radyo Bida Koronadal. Ayon kay Napenias, kahit wala na siya sa
serbisyo, hindi nito pababayaan ang kaso ng nasawing mga SAF troopers at
kapakanan ng kanilang mga naulilang pamilya. Binigyan diin ng retiradong police
official na ipaglalaban nito ang sinapit ng kanyang mga tauhan sa kamay ng mga
umano’y Moro Islamic Liberation Front o MILF , Bangsamoro Islamic Freedom
Fighters o BIFF at Private Armed Groups. Ayon kay Napenias ikinagalak nito ang
pagsampa ng kaso sa siyamnapung mga suspek sa pagpatay sa apatnaput apat na mga
SAF troopers. Ito ayo sa dating police official ay patunay lamang ng pagusad ng
kaso laban sa mga salarin. local... Magandang balita para sa mga
taga North Cotabato at karatig lalawigan dahil isinusulong ngayon ng Kidapawan
City Government ang pagpapatayo ng satellite office sa National Bureau of
Investigation o NBI.

Sinabi ni City Mayor Joseph
Evangelista, kanila ng natanggap pag-aproba ng NBI Central office at bago
lamang din nakumpleto ang pagbuo sa Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng
dalawang ahensya.

Nakasaad sa MOA na
obligasyon ng lokal na pamahalaan ang pagbibigay ng office space, equipment at
support personnel ng NBI satellite Office para sa kanilang regular operation.

Ilalagay ang nasabing
opisina sa loob ng overland transport terminal, kung saan din matatagpuan ang
Professional Regulatory Commission (PRC) satellite office na nagsimula noon
pang nakaraang taon.

Inaasahang daang daang mga
taga North Cotabato at karatig probinysya ang makakabenipisyo sa naturang
inisyatiba na magbabyahahe pa mula sa Cotabato City, Koronadal City at Dvo del
Sur para kumuha lamang ng NBI Clearance.

MATAPOS
ang pagdukot sa dalawang Canadian, isang norwegian at isang pinay sa Samal
Island, agad na nagpalabas ng travel advisory ang embahada ng Canada at Norway
sa kanilang mamamayan na iwasang bumiyahe sa ilang lugar sa Mindanao.

Kabilang
rito ang ang Davao City, Autonomous Region in Muslim Mindanao, Zamboanga
Peninsula pati ang probinsya ng Sarangani, Lanao del Norte, Davao del Norte,
Davao del Sur, Davao Occidental, Davao Oriental, Cotabato, South Cotabato at
Sultan Kudarat.

Pero
Binigyang diin ng Canada na hindi kabilang sa kanilang travel advisory ang
sentro ng Davao City.

Inihayag
ng embahada ng Canada na hindi dapat isawalang bahala ang mga seryusong
terrorist attacks at kidnapping.

Kalakip
sa naturang advisory, pakiusap ng naturang embahada na kung sakaling nakatira
na mismo sa mga nasabing rehiyon o probinsya ang sinumang canadian o norwegian
ay lalong magdoble ingat sa lahat ng oras.

Kalat
naman sa social media ang naturang travel advisory kung saan umani ito ng
negatibo at positibong reaksyon MULA SA NETIZEN..

Ayon
kay Mike ng Davao City, normal lang na maglabas ng travel advisory ang isang
bansa matapos ang insidente pero mas mahalaga aniyang maisip nilang may
pangyayaring hindi maiiwasan pero hindi ibig sabihin na normal na itong
nangyayari sa isang lugar na dapat ng katakutan.

Sabi
naman ni Joan na ligtas na lugar ang Mindanao at kung may mga insidente man
umanong nangyayari sa isang lugar ay hindi ibig sabihin na nangyayari na ito sa
lahat.

Ayon
naman sa sa twitter post ni Michelle, hayaan na lamang ang Canada na maglabas
ng kanilang travel advisory dahil tiyak na lilipas lamang aniya ito.

Nitong
Lunes lamang nang dinukot ng halos 20 armado ang apat katao sa Samal Island
kabilang ang dalawang Canadian, isang norwegian at isang pinay sa isang resort
sa Samal Island davao del norte.

Patuloy
namang iniimbestigahan ng mga otoridad ang naturang insidente.

0-Balik normal na ang
sitwasyon sa brgy. Bao Alamada, North Cotabato matapos ang umano paglikas ng
mahigit limang daang residente dahil sa nangyaring shooting incident sa lugar
noong nakaraang linggo.

Ito ang kinumpirma ni Chief
Ins. Placer, hepe ng Alamda PNP sa DXND Radyo BIDA.

Una rito, ayon kay Placer
isang pamamaril ang naganap noong september 17 sa nabanggit na lugar na
ikinasawi ng dalawang Muslim members. Ang insidente ay nagdulot
raw ng takot sa mga residente dahil na rin sa umano presensya ng mga armadong
kalalakihan na pininiwalaang mga miembro ng Moro Islamic Libertaion Front o
MILF sa ilalim ni Kumander Kiram. Para kay Kumander Kiram mga
Kristyano raw ang bumaril sa kanyang mga kapatid na Muslim na ngayon ay
iniimbestigahan at patuloy ring kinukumpirm ng PNP.

Hiling ni Placer sa mga taga
brgy. Bao na kung sino man ang nakakita sa naturang insidente at makipag
ugnayan ito sa PNP para masampahan na ng kaso ang tunay na salarin sa krimen.

Tiniyak naman ng opisyal ang
protekston sa kung sino man ang mag wiwitness nito.

Katunayan aniya,nitong
miyerkules lang ay naglagay na ng detachment ang Militar sa lugar na binubuo ng
Charlie Company ng 45th IB para tiyakin ang kaligtasan ng mga mamamayan.

Sa ngayon dahan dahan ng
nakabalik ang mga residente sa kanilang mga tahanan matapos ang ilang araw na
paglikas.

0-local...Timbog sa anti illegal
drug operation ng mga pulis ang apat na suspected drug pusher at user sa
Norala, South Cotabato. Ayon kay Police Senior Inspector Dennis Madriaga, ang
chief of Police sa Norala, ni raid nila ang bahay ng isang Mark Canario Alyas Panoy
sa Purok Acacia Barangay Poblacion kamakalawa ng gabi. Maliban kay Canario,
arestado din ang umanoy mga kasama nito na sina William Henda, Edgar
Delijero,at Karen Canario. Nabatid na ang mga suspek ay nahuli sa tulong ng mga
concerned citizen na naiistorbo na umano sa illegal na gawain ng mga suspek.
Ayon kay Madriaga, maliban sa pagbebenta umano ng illegal na droga ginagawa na
rin umanong pasugalan ang bahay ng subject na si Alias panoy. Nakuha ng mga
pulis sa bahay nito ang walong sachet ng suspected shabu. Inihayag din ni
Madriaga na ang suspek na si Alias Panoy ay matagal nang minamanmanan ng
pulisiya dahil umano sa pagtutulak nito ng illegal na droga.

TUMATANGGAP
ngayon ang Department of Public Works and Highways o DPWH ng mga aplikante sa
ikatlong pagkakataon para sa 40 bakanteng posisyon sa kagawaran.

Inihayag
ni DPWH Secretary Rogelio Singson na binubuksan ng DPWH ang pintuan nito sa mga
civil engineer, edad 21-25, upang maging bahagi ng Cadet Engineering Program o
CEP.

Ang
mga aplikante ay kailangang pumasa sa ilang tiyak na requirement at sumailalim
sa mga pagsusulit at panayam na isasagawa ng DPWH, katuwang ang First Pacific
Leadership Academy o FPLA.

Bukod
sa dapat na nagtapos ng BS Civil Engineering, ang mga aplikante ay
kinakailangang magkaroon ng general weighted average/grade point average
(GWA/GPA) at above average rating sa Civil Engineering board exams.

Layunin
ng DPWH na madagdagan ang mga batang engineer sa kagawaran.

0- Idineklara na
ang State of Calamity sa Barangay New Iloilo Tantangan, South Cotabato. Naging
dahilan nito ayon kay Dr. Renato Ureta ang Municipal Health Officer sa bayan
ang diarrhea outbreak. Ayon kay Ureta mula sa tatlumput isa katao na naitala
kamakalawa, umaabot na sa apatnaput anim ang nagkaroon ng diarrhea sa barangay.
Labinsiyam sa mga ito ay nananatili pa rin sa iba’t ibang mga pagamutan.
Nilinaw ni Ureta na sa ngayon ay patuloy pa ang imbistigayon para makumpirma
kung naging sanhi ng diarreha ng mga residente sa lugar ang cholera. Dinagdag
din ni Ureta na patuloy pa ring nagsasagawa ng maigting na monitoring sa
barangay New Iloilo ang mga health officials ng Tantangan. Bagama’t hindi pa
makumpirma kung ang tubig na inumin ng mga residente ang sanhi ng diarrhea
outbreak, tuloy pa rin ang paglilibot ng mga healh officials at pamimigay ng
oresol sa mga apektadong mga residente. Ito ay upang mapigilan ang posibleng
pagkalat pa ng diarrhea sa bayan.

HEALTH
NEWS-

Alam nyo bang mayroong mga fats na
mabuti sa katawan, pero mayroon rin namang mga nakasasama?

Ang Lahat ng pritong pagkain kahit pa
niluto sa vegetable oil ay hindi makabubuti.

Dati, sinasabing ang margarine ay mas
mabuti kasysa butter, pero nang maglabasan ang katototahanan sa hydrogenated
oil products, nagkaroon ng masamang reputasyon ang margarine.

Ang mga shakes at creamy drinks ay puno
ng mga trans fats na maaring magdulot ng pagkakasakit pagtagal.

Karamihan sa mga pies na nabibili sa
groceries ay puno rin ng trans fats.

Marami ring biscuit at tinapay na
nabibili over-the-counter ang may trans fats at hydrogenated oils.

Kaya naman mas makabubuti na kung hindi
maiiwasan, gumawa na lamang ng home-made at alisin ang taba o di kaya ay
tignang mabuti ang packaging bago bumili.

0 AKTIBO
ngayon ang mga kapulisan ng Midsayap North Cotabato sa isinsagawang random drug
testing sa lalawigan.

Ito
matapos na iutos ni Bagong Provincial Director Supt. Alexander Tagum na
paigtingin ang kampanya kontra droga na magsisimula sa mga otoridad.

Ayon
kay Midsayap Chief of police Supt. Reynante Delos Santos, kamakailan lang ay
nagpatawag ng commadn conference si Tagum sa lahat ng mga chief of police at
operations officer sa lalawigan upang mapagusapan at ilathala ang kanyang mga
plano.

Inihayag
naman ni Delos Santos na malaki ang maitutulong ng random drug testing upang
masugpo, una ang illegal na droga sa mga kapulisan.

Nabatid
na may dalawang pulis na iniimbestigahan ngayon matapos itogn magsumite ng
kahinahinalang specimen, na imbes na ihi ay tubig ang laman nito.

Patuloy
naman ang pagtugis at pagpapaigting ng Midsayap PNP nang kanilang operasyon
laban sa Illegal na droga.

National Statistics Month ipagdiriwang ng Civil Provincial Planning and Development Office ng South Cotabato sa
pamamagitan ng pag-proseso ng civil registration. Makikiisa din sa pagdiwang ng
National Statistics Month ang Provincial Planning and Development Office o PPDO
South Cotabat sa susunod na buwan. Ito ay sa pamamagitan ng pagsasagawa ng
civil registration. Ibig sabihin nito ayon kay Elizar Abellera, ang Supervising
Administrative Officer ng Research Evaluation Monitoring Division ng PPDO,
maari silang magproseso ng NSO authenticated Birth Certificates, marriage
contract at certificate of no marriage. Ang mga ito ayon kay Abellera ay
kanilang gagawin mula a uno hanggang a-trenta’y uno ng Oktobre. Ayon kay
Abellera ang mga mamamayan na dudulog sa kanilang tanggapan ay maaring magbayad
ng P190.00 sa bawat kopya ng birth, death at marriage certificate. Habang ang
bawat kopya naman ng Certificate of No Marriage ay makukuha sa halagang
P245.00. Tema naman ng national statistics month celebration ang Pagyamanin
at Gamitin ang Estatistika, Kalusugan para sa Lahat ay Abot kamay na.”

GAGAWIN
ngayong araw ang vocation month culmination sa Midsayap, North Cotabato.

Ayon
kay Fr. Ben Toreto, DCC, rector ng Notre Dame Archdiocesan Seminary, alas-5
mamayang hapon sisimulan ang selebrasyon sa pamamagitan ng isang misa na pangungunahan
ni Orlando Cardinal Quevedo sa Sto. Nino Shrine Church.

Susundan
naman ito ng Torch Parade ng mga delegado papuntang Notre Dame Midsyap College
o NDMC para sa vocation jamborie.

Mula
sa 380 na kabataan na unang nagparehistro ay inaasahang dadami pa ito hanggang
500 kabataan mula sa iba't ibang parokya na dadalo sa naturang selebrasyon.

Magdamagan
naman na gaagwin ang vocation jamborie.

Ayon
kay Fr. Toreto, imbes na isang malakihang pagtitipon, naka station lahat ng mga
congregasyon tulad ng Archdiocese of COtabato, Oblates of Mary Immmaculate, RVM
at iba pa para iikutan ng mga kabataan upang mas magign ekslusibo ang kanilang
pakikipagugnayan.

0-local...Dumalo sa isinagawang Drug Symposium
ng Banga PNP sa may Brgy. Lamba, Banga, South Cotabato ang daang daang mga
bata. Pinangunahan mismo ni Police Senior Inspector Senen Balayon, OIC Chief ng
Banga PNP ang nasabing aktibidad kasama ang PDEA 12 at ilang konsehal ng
naturang bayan. Sa panayam ng Radyo Bida kay Balayon ipinahayag nito na layunin
ng Drug Symposium ang mapaigting ang kanilang kampanya laban sa pag sawata ng
illegal na druga sa Banga. Dagdag pa ng Pulis official na dapat matutukan ang
mga kabataan at maipaalam sa kanila ang mga negatibong epekto ng ipinag babawal
na gamot. Ito ayon kay Balayon ay bunsod ng mga report na paggamit sa mga bata
para maging drug courier o taga-diliver ng illegal na droga. Sa ngayon patuloy
naman ang monitoring ng Banga MPS sa kanilang Area of Responsibility para
mapanatili ang katiwasayan at kaayusan sa Banga.

local...Hindi na rin nakatakas pa
ang isang magsasaka matapos mahuli ng mga otoridad sa isinagawang buy bust
operation ng Kidapawan City PNP sa brgy. Amas Kidapawan pasado alas tres ng
hapon kahapon.

Ang suspek ay kinilalang si
Jerry Sabelio, 36, may asawa at residente rin ng nabanggit na lugar.

Madali para sa suspek na
mgabenta ng ilegal na droga dahil nag mamay-ari rin ito ng isang tindahan sa
lugar na posibleng ginagamit ng paraan para makapagbenta ng shabu.

Nakuha mula sa kanya ang
dalawang sachet ng pininiwalaang shabu, 500 peso bill bilang marked money at
mga drug paraphernalia.

Nabatid na dalawa sana
silang targer sa naturang operayon ngunit nakatakas ang isang Jasaon Palma
matapos matunugan ang presensya ng mga otoridad.Nakakulong na ngayon ang
suspek sa Kidapawan City PNP lock up cell habang patuloy na tinutugis si Palma
na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous
drugs Act. of 2002.

P340K na halaga ng smuggled cigarettes, natagpuan sa Maguindanao del Norte

COTABATO CITY - MAHIGIT P340,000 na smuggled cigarettes nasamsam sa baybayin ng Simuay, Sultan Mastura, Maguindanao del Norte. Sa isinagawang Anti...

Maj. Gen. Rillera honors wounded soldiers in clash with BIFF in MagSur

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte - Major General Alex S. Rillera PA, Commander of the 6th Infantry Division/Joint Task Force Central, led the...

Cotelco announces power interruption sked in Kidapawan

TO OUR VALUED MEMBER-CONSUMER-OWNERS (MCO): This is to inform you that we will have a SCHEDULED power interruption on the following scheduled date...

Cotabato Light announces power service interruption for April 25

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company has announced a scheduled power interruption for April 25, Thursday affecting Bubong, Kalanganan...

NDBC BIDA BALITA (April 23, 2024)

HEADLINES 1   BIFF leader Kagi Karialan at 11 mga tauhan, patay sa Army offensive sa Maguindanao del Sur; sabi ng BIFF laban nila di pa...