Thursday Apr, 18 2024 04:00:54 PM

NDBC BIDA BALITA Sept. 29, 2015

 • 05:49 AM Wed Sep 30, 2015
1,558
By: 
NDBC News and Current Affairs Team

NEWSCAST

SEPTEMBER 29,
2015 (TUESDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. LALAKI, 20 araw nang missing, bangkay na nang matagpuan sa Cotabato city.

2. Isa katao, sugatan sa grenade attack saKoronadal City.3. Price monitoring sa mga produktong
apektado ng El Nino, pai-igtingin ng Kidapawan LGU.

4. Mga pulis, itinalaga sa mga lansangan sa North Cotabato sa halip na sa tanggapan.5. Treasurer's office ng Surallah, pinasok ng magnanakaw, P128,000 cash natangay

Local

BANGKAY NA nang matagpuan ng kanyang
mga magulang kasama ang mga otoridad, ang 27 taong gulang na lalaki na mahigit
20 araw nang nawawala sa Cotabato city.

Ang bangkay ni Ishmael Micky” Imam, ng
barangay Rosary Heights 6 ay natagpuan ng mga residente ng

Lugay-Lugay, Barangay Bagua uno, na
lumulutang sa ilog, pasado alas dyes ng umaga kahapon.

Agad naman itong ipinagbigay alam sa
city PNP na mabilis ding nagbigay ng abiso sa mga magulang ng biktima.

Ayon sa city PNP, nasa state of
decomposition na ng natagpuang bangkay at halos hindi na makilala.

Tanging palantandaan na lang ng mga
otoridad ang huling suot nitong itim na t-shirt at shorts bago ito nawala.

Ang bangkay ni Imam ay inilagay sa loob
ng sako, nakagapos at may busal ang bibig. May palantadaan ding pinahirapan muna
ito bago pinatay.

Agad namang inilibing ng kanyang
pamilya ang bangkay ni Imam sang-ayon sa tradisyon ng Islam.

September 8 ng gabi nang dinukot si
Imam sa labas ng kanilang bahay at mula noon ay hindi na ito nakita pa.

May mga suspek nang itinuturo ang
pamilya ng biktima na posibleng resposable sa pagkamatay nito.

Gayunman, sa ngayon, ayaw munang
magbigay ng pahayag ng mga otoridad habang nagpapatuloy ang imbestigasyon
kaugnay ng naturang kaso.

BALITANG
SIMBAHAN

Pinag-iingat ni Manila Archbishop Luis
Antonio Cardinal Tagle ang mga botante sa mga pangako ng mga kakandidato
ngayong nalalapit na ang 2016 national election.

Ayon kay Tagle, mas mabuting tiyakin ng
mga botante na ang Diyos ang nangunguna
at gabay ng mga kakandidato at magiging lider ng bansa.

Tinitiyak ni Tagle na walang
patutunguhan kapag hindi makadiyos ang bawat kandidato o mga magiging pinuno.

Inihayag ng Kardinal na maraming
mangangako na sila ang magdadala ng katiwasayan, kayamanan, kapayapaan at
katarungan kapag sila na ang naupo sa puwesto.

Local …………………

KALABOSO
ang tatlong mga pinaniniwalaang drug pusher matapos maaktuhan ng mga otoridad
na nagbebenta ng hinihinalang shabu sa barangay Poblacion, Pikit, North
Cotabato.

Kinilala
ni Pikit PNP chief police inspector Sindato Karim ang mga nadakip na si Jun Talib,
36 years old at taga- barangay Takepan, Pikit at Nelson Noble, 32 at Rey Calandro,
36, pawang mga taga barangay Dalingawen ng nabanggit na bayan.

Naaresto
ang tatlo sa operasyong inilunsad ng Pikit PNP katuwang ang Regional Police Safety
Batallion ng North Cotabato, kamakalawa ng gabi.

Nakuha
mula sa suspek ang ilang sachet ng shabu at mga drug paraphernalia.

Nabatid
na ililipat na ang naturang mga suspek sa Amas provincial jail, ilang araw mula
ngayon.

Samantala,
malubha ang kondisyon ng mga nakilalang sina Abdulrashid Datugan, 55 years old,
magsasaka, at taga Lower Mingdading, Aleosan at kapatid nitong si Abdulhamid,
18 matapos masangkot sa isang vehicular accident pasado alas tres ng hapon
kahapon.

Mula Midsayap
ay mauwi na sana ang magkapatid sakay ng motorsiklo nang mahagip sila ng
rumaragasang pickup vehicle sa national highway na bahagi ng barangay San Mateo,
Aleosan.

Gayunman,
hindi tumigil ng pickup at iniwan ang mga biktima na nakabulagta.

Mabilis
namang naisinugod sa ospital ang magkapatid sa tulong ng mga residente sa
lugar.

Umaabot na sa limamput anim katao ang kumpirmadong nagkasakit ng diarrhea sa Barangay New Iloilo, Tantangan, South Cotabato.
Gayunpaman nilinaw ni New Iloilo Chairman Chelsor Deocadez na kontrolado na ang pagkalat ng karamdaman sa kanilang barangay.
Sa katunayan ayon kay Deocadez, sa tatlumput anim na NAISospital, dalawa na lamang ang nananatili pa rin ngayon sa South Cotabato Provincial Hospital sa Koronadal City.
Ayon kay Deocadez, matapos magdeklara ng state of calamity, ginamit nila ang bahagi ng calamity fund ng barangay para pambili ng gamot at malinis na tubig para sa mga biktima.
Itinuturo namang dahilan ni Deocadez ng diarrhea outbreak sa kanilang lugar ang kontaminadong tubig.
Ayon kay Deocadez, karamihan sa mga nagka-diarrhea sa kanilang lugar ay pawang mga residente ng apat na mga purok na madalas bahain.
Inihayag din nito,na dahil sa mga pagbaha posibleng na kontamina din ang tubig mula sa water pump na pinagkukunan ng purified water na ibinebenta sa kanilang barangay.
Kaya maliban sa mga water pump nakatakda ring inspeksyunin ng mga barangay at health officials ang mga water purified at refilling stations sa barangay New Iloilo.
Ayon kay Deocadez, para matiyak na hindi na kumalat pa ang diarrhea, nagpapatuloy pa rin ang maigting na monitoring kontra diarrhea ng mga barangay at health officials sa kanilang lugar.
LocalSugatan ang isa katao sa panghahagis ng granada sa isang bahay sa Agreda Phase I, Subdivision, Barangay Sto. Nino, Koronadal City.
Kinilala ang sugatan sa binti na si Moktar Esmael, biente singko anyos, laborer at caretaker ng pamilya Mangudadatu.
Nabatid na ang bahay na hinagisan ng granada ay pagaari ng isang Naga Mangudadatu, kapatid ni Sultan Kudarat Governor Suharto Teng” Mangudadatu.
Ayon sa ina ni Naga na si Nora Mangudadatu, pagkarining ng motorsiklong huminto sa tapat ng kanilang bahay, sinilip umano niya ito sa bintana, dakong alas syete y medya kamakalawa ng gabi.
Inihayag ni Nora na nakita niya ang paghagis ng granada ng riding tandem na mga suspek.
Mabuti na lamang ayon kay Nora naharang ng sasakyang nakapark sa harap ng kanilang bahay ang granada.
Dinagdag din nito na nakita niya mismo ang pagmumukha ng suspek na naghagis mismo ng granada sa kanilang bahay.
Naniniwala naman si Nora na ang insidente ay may kinalaman sa alitan ng grupo ng MILF at ni Barangay Bayasong Chairman Faisal sa bayan ng Lutayan, Sultan Kudarat kamakailan lang.
Gayunpaman ang insidente ay patuloy pang iniimbistigahan ng Koronadal City PNP.
local...Natangay ng mga magnanakaw na nambiktima sa municipal treasurer’s office sa bayan ng Surallah, South Cotabato ang abot sa P128,000.
Lumabas sa inisyal na imbistigasyon ng Surallah PNP na ang panloloob sa kanilang tanggapan ay natuklasan mismo ni Surallah Munnicipal Treasurer Jenny Tedera, pasado alas dyes ng umaga kamakalawa.
Napasok ng di kilalang suspek ang tanggapan na matatagpuan mismo sa municipal hall building sa pamamagitan ng pagsira sa padlock ng fire exit sa likurang bahagi nito.
Tantiya ng team ni Police Superintendent Franklin Valdez na nagimbistiga sa lugar, posibleng pinasok ang municipal treasurers office kamakalawa ng madaling araw.
Umaasa naman ang pulisiya na makatutulong sa paglutas nila sa krimen ang latent print na nakuha nila sa crime scene. localInaalam pa rin ng mga pulis ang pagkakakilanlan sa isa katao natagpuan sa may dalawampung metrong lalim na bangin sa T’boli, South Cotabato.
Ang biktima ay natagpuan ng isang concerned citizen sa Purok Blancia, Barangay Poblacion, T’boli, dakong alas nuebe ng umaga kamakalawa.
Ayon sa T’boli PNP bagama’t humihinga pa ang biktima ng matagpuan, idineklara itong dead on arrival sa isang pribadong ospital sa bayan.
Ito ay matapos magtamo ng matinding sugat sa mukha at likod possible dahil sa pagkakahulog sa bangin.
Nagpapatuloy pa ang imbistigasyon ng pulisiya para matukoy kung sino ang mga suspek at kung ano ang motibo ng mga ito sa pagpaslang sa biktima.
Nanawagan naman ang T’boli PNP sa kung sinuman ang nawawalan ng kakilala o kamaganak na makipag ugnayan sa T’boli Municipal Police Station. local...Balakid pa rin sa kampanya kontra rabbies sa South Cotabato ang mga ireponsableng mga pet owners.
Ayon kay Dr. Flora Bigot, ang OIC ng provincial veterinary o PVET ng South Cotabato, marami pa ring mga mamamayan ang tumatangging pabakunahan ang kanilang mga alagang aso.
Binigyan diin ni Bigot na may mga residente pa ngang mas pinili na tumaya na lamang ng last two kesa sa magbayad ng sampung pisong vaccination fee.
Kapalit naman nito ayon kay Bigot ang kaligtasan ng mga mamamayan sa rabbies.
Problema din nila ayon kay Bigot ang hindi pagtali ng mga pet owners sa kanilang mga alagang hayop.
Kaya may pagkakataon na kinakailangan pa muna nila itong habulin bago mabakunahan.
Sa kabila nito, tiniyak niBigot sa isang pulong balitaan na nagpapatuloy pa rin ang malawakang rabbies vaccination sa South Cotabato.
Nabatid na sa ngayon abot na sa mahigit dalawamput anim na libo o kalahati ng populasyon ng mga aso ang nabakunahan kontra rabbies sa lalawigan. Target naman ng PVET na maturukan ng anti rabbies vaccine ang pitumpung porsyento ng mga alagang aso sa South Cotabato ngayong taon.
Ang vaccination team ng PVET ayon kay Bigot ay nakatutuok sa mga barangay sa bayan ng Polomolok, sa ngayon. Local NAGSAGAWA
ng Payapa at Masaganang Pamayanan, o PAMANA Summit 2015 ang Department of
Social Welfare and Development ng Autonomous Region in Muslim Mindanao o
DSWD-ARMM simula kahapon hanggang ngayong araw.

Lumahok
sa naturang dalawang araw na aktibidad ang mahigit 200 mga kinatawan ng community
livelihood cooperatives at provincial PAMANA teams mula sa Maguindanao, Lanao del Sur, Basilan,
Sulu at Tawi-Tawi.

Kahapon,
iprinisinta sa grupo ang mga PAMANA project na matagumpay na naipatupad sa
ARMM.

Pinag
usapan din ang mga isyu at mga hamong kanilang kinakaharap sa implementasyon ng
mga proyekto.

Layunin
din ng naturang summit na mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga project
stakeholder sa pamamagitan ng tamang impormasyon at diskusyon kaugnay ng
kooperasyon, organizational management, at entrepreneurship.

Ngayong
araw, Sept. 29, magkakaroon ng PAMANA Expo sa Shariff Kabunsuan Cultural Complex
bilang promosyon ng mga mahahalagang PAMANA programs sa pamamagitan ng mga
produkto, larawan at success stories.

Ang PAMANA
ay isang flagship program ng gobyerno sa ilalim ng Office of the Presidential
Adviser on the Peace Process.

Ang DSWD-ARMM
ang nagpapatupad ng mga PAMANA programs simula pa noong 2012.

Target
ng programa na mapaunlad ang nasa 2,159 communities, kabilang ang 386 barangays
bilang mga pilot areas. Sa ngayon, lahat ng proyekto sa mga pilot area ay
kumpleto nang naipatupad.

Local NAGKASUNDO
NA ang pamilyang Mangadang at Masbud na matagal nang may alitan at sanhi ng
serye ng bakbakan at pagbubuwis ng buhay sa Balabagan, Lanao del Sur.

Ito ay
matapos na manumpa sa Qur’an at lumagda sa isang peace covenant ang lider ng naturang
mga pamilya na hindi na tapusin na ang kanilang rido o clan war at idadaan sa
mapayapang usapan ang anumang hindi nila pagkakaunawaan.

Ang
pagbabati ng dalawang magkalabang pamilya ay isinagawa sa Marawi city
kamakalawa sa harap nina Lanao del Sur Gov. Mamintal Adiong Jr., ARMM Vice Gov.
Haroun Al-Rashid Lucman, mga pulis at sundalo.

Nabatid
na maraming buhay na ang nasayang dahil sa matagal nang rido ng naturang mga
pamilya.

Nagiging
dahilan din ito ng paglikas ng ilang mga residente sa kanilang lugar na
natatakot madamay sa kanilang away.

Nabatid
na nagka iringan ang dalawang pamilya dahil sa pinag aagawang teritoryo at banggaan
ng mga ito sa politika.

Huling
nagkasagupa ang magkalabang pamilya sa nitong Hunyo na naging sanhi ng
pagsasara ng Narciso Ramos Highway sa Balabagan para sa mga motorista, sa loob ng
tatlong araw.

Local NASUNGKIT
MULI ng Tenorio Elementary School, sa ikatlong pagkakataon, ang unang
gantingpala sa katatapos na 2015 Regional On-the-Spot Mosaic Poster Making
Contest ng Department of Agriculture o DA-ARMM.

Si
Khasmira Tuankali ng Tenorio Elementary School ay tumanggap ng cash prize,
medalya at plake.

Si
Tuankali rin ng magiging kinatawan ng ARMM sa National On-the-Spot Mosaic
Poster Making Contest ngayong October 10, na gagawin sa DA-Central Office,
Quezon City.

Ang
2015 World Food Day ARMM On-the-Spot Mosaic Poster Making Contest ay nakasentro
sa temang, Social Protection and Agricultureand Breaking the Cycle of Rural
Poverty.”Naging
basehan naman ng mga hurado sa paghirang
kay Tuankali bilang winner sa naturang patimpalak ay ang Originality ng obra
nito, Visual Impact at malikhaing paggamit ng mga Agri-Fishery Products at ang
kaugnayan ng ginawa nito sa tema.

Samantala,
bukod kay Tuankali, tumanggap din ng cash prize at medalya sina Mohamen Guiapal
ng Making Elementary School, Parang, Maguindanao bilang nasa ikalawang pwesto
at Gianne Dave Molawan ng Sarmiento Elementary School, Parang, Maguindanao na nasa
ikatlong pwesto.

Ang
aktibidad na ito na taunang isinasagawa ay itinataguyod ng United Nation Food
andamp Agriculture Organization sa pakikipagtulungan ng Department of Education
ARMM.

LocalSimula kahapon, ipinakalat na ni Cotabato Police Provincial Director Senior Supt. Alexander Tagum ang mga pulis sa mga pampublikong lugar sa probinsya para sa pagpapatupad ng static patrol system kapalit ng foot at mobile patrol.
Sa mandatu ni Tagum, 95% ng PNP personnel sa bawat municipal stations ang kinakailangang pumwesto sa mga public convergence kagaya ng palengke, terminal, plaza, highways at piling mga eskwelahan.
Tiniyak ni Tagum na hindi makakalusot ang mga pasaway na pulis dahil may mga non-uniformed personnel rin na magmomonitor sa kanilang designated post kasama na ang patrol supervisor mula sa Police Regional Office.Maari lamang maiwan sa mga police station ang mga Non-Uniform Personnel o NUP para sa clerical works, Desk officer, imbestigador at ang hepe na mag-oversee sa operation.

Kaugnay nito, kahapon nilibot rin ni Tagum ang ilang mga PNP station sa lalawigan para makita ang full implementation sa kanyang mandatu.
Ang static patrol system ay may layuning i-maximized ang limitadong bilang ng PNP at para mapahusay pa ang kanilang kapasidad na mga mandatu ng kanilang organisasyon na protektahan at pangalagaan ang kapakanan ng publiko.
0-Bago magtapos ang taong 2015, inaasahang maipapatupad na ang ordinance no. 294-2015 o an ordinance regulating the travel speed of motor vehicles within the territorial jurisdiction of the municipality of Makilala, North Cotabato.
Ito ang tiniyak ni Makilala Vice Mayor Ricky Cua nang makapanayam ng DXND Radyo Bida.
Ayon kay Cua, aminado siyang kulang sa budget ngayon ang Makilala LGU para sa publication ng ordinansa na pangunahing requirment naman para sa approval nito sa Sangguniang Panlalawigan.
Pero sa kabila nito, ayon kay Cua makakaasa ang mga taga Makilala na maipapatupad na ito sa lalong madaling panahon. Sakali mang tuluyang ng maiplemanta ang naturang ordinansa kinakailangan ng sundin ng driver operators na dadaan sa Makilala ang speed limit.

Nakasaad sa ordinansa na mula brgy. Old Bulatukan hanggang brgy. Kisante meron itong speed limit na 60 kph, brgy. Kisante hanggang brg. Malasila at vice versa ay 40 kph, mulanaman Patulangon bridge ng Malasila hanggang Malaang Bridge Poblacion Makilala ay 30 kph. Malaang bridge hanggang saguing bridge sa brgy. Saguing ay 40kph, mula naman brgy, Singkatulan hanggang Poblacion Makilala ay 60kph, brgy taluntalunan hanggang public market ay 30 kph. at lahat ng mga school zone ay kinakailangan ang 20 kph.

Magmumulta naman mula 1000 hanggang 2000 ang sinumang lalabag nito.

Una nang naipasa sa Sanguniang bayan ng Makilala ang nabanggit na ordinansa noon pang buwan ng Mayo.
Nais ngayon ni Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista na palakasin pa ang pagpapatupad ng reward system sa lungsod.
Kasunod ito sa pagbibgay ng abot sa 50 thousand pesos sa sampung informants o intelligence assets ng mga pulis bilang reward sa kanila.
Ang nasabing mga informant ang naging vital witnesses para mahuli ang walong mga suspected big time drug couriers noong biyernes sa isinagawang simultaneous buy-bust raids at search operations sa ibat-ibang area sa Kidapawan City.
Nais ngayon ng opisyal na mas palakasin pa ang pagpapatupad ng reward system para makumbinsi ang publiko na tumulong sa kampanya kontra kriminalidad kagaya ng ilegl na droga.
Samantala, matapos namang isinailalim sa random drug test ang mga college at high school students sa piling institusyon sa lungsod, tatlo sa mga ito ag nagpositibo.
Isa rito ay kolehiyo at dalawang high school.

Pinili namang wag banggitin ng alkalde ang kanilang pagkakakilanlan at ekwelahan para sa kanilang proteksyon.
Ayon kay Evangelista hindi nila ikukulong at sasampahan ng kaso ang mga estudyante pero ilalagay nila ito sa counseling kung saan kabilang na rito ang kanilang mga guardian at magulang.

MSSD-BARMM condemns attack against lady employees; PRO-BAR offers P100K reward for info on attackers

COTABATO CITY  - The Ministry of Social Services and Development (MSSD) in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) has...

2 patay, tatlo sugatan sa salpukan ng fish car, Mazda pick-up at prime mover sa Tupi

KORONADAL CITY - Dalawa ang patay at tatlo agn sugatan sa vehicular crash sa national highway sa bayan ng Tupi kaninang madaling araw na...

Babaeng kawani ng Maguindanao Norte provincial social welfare office, patay sa ambush, kasama sugatan

DATU ODIN SINSUAT, Maguindanao Norte - Patay ang isang babaeng kawani ng Municipal Social Welfare Office o MSWO ng Datu Odin habang sugatan ang...

Drought-stricken Basilan declared under state of calamity

COTABATO CITY - The Sangguniang Panlalawigan in Basilan placed the entire province under a state of calamity in a session on Wednesday due to...

Surallah isinailalim sa state of calamity dahil sa El Niño

Idineklara na ang state of calamity sa bayan ng Surallah, South Cotabato. Ito ay sa pamamagitan ng resolusyon na inaprubahan ng Sangguniang Bayan...