Thursday Feb, 22 2024 10:17:44 PM

NDBC BIDA BALITA Sept. 30, 2015

 • 00:55 AM Thu Oct 1, 2015
1,696
By: 
NDBC News and Current Affairs

NEWSCAST

SEPTEMBER 30,
2015 (WENESDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. MAGSASAKA, SUGATAN sa pamamaril saDOS, Maguindanao.

2. Magasawang tadtad ng bala,
natagpuang patay boundary ngSouth Cotabato at President Quirino.

3. Apat big time shabu supplier,arestado sa North Cotabato, shabu, baril, granada nakumpiska4. Inireklamong principal sa South Cotabato, inilipat ng assignment

Local AGAD NAARESTO NG Datu Odin Sinsuat,
Maguindanao ang suspek sa nangyaring pamamaril pasado alas syete kagabi sa
Sitio Broce, Barangay Tamontaka sa nasabing bayan.

Kinilala ang biktima na si Florante
Rabata Olindo, 61 anyos, isang magsasaka na residente ng Barangay Kenemi, Datu
Blah Sinsuat, Maguindanao na sinasabing binaril umano ni Florante Padilla
Lunod, 63 anyos, isang retired Philippine Army na residente rin ng Sitio Broce.

Ayon sa testimonya ng biktima, pumunta
siya sa bahay ng suspek at nang malapit na itong makapasok ay nilapitan siya
nito at biglang pinagbabaril gamit ang kalibre 45 na pistola.

Nagtamo ng tama ng bala sa kanyang
tiyan at kaliwang braso si Olindo.

Agad namang nakapagresponde ang DOS PNP
para maaresto si Lunod at maisugod sa pagamutan ang biktimang si Olindo.

Awayan umano sa lupa ang dahilan ng
pamamaril batay na rin sa testimonya ng biktima.

Local...Apat katao ang naaresto habang abot naman sa halos P1 million na halaga ng shabu ang nakumpiska sa magkasunod na raid ng police laban sa shabu tiangge.Pinangunahan ni North Cotabato police provincial director Senior Supt. Alex Tagum ang raiding team na armado ng search warrant mula sa korte.Hindi muna kinilala ang apat na mga suspected big time shabu supplier habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.Ginawa ng pinagsanib na pwersa ng police, 7th Infantry Battalion at CIDG ang raid alas 3 ng madaling araw sa Barangay Kayaga at Purok Islam, Barangay Poblacion, pawang nasa Kabacan, North Cotabato.Apat na mga hand gun, dalawang granada at mga di lisensyadong motorsiklo ang nakumpiska ng raiding team maliban sa shabu, ayon kay Tagum.Sinabi ni Tagum na nagulat ang mga suspect nang napalibutan na ang kanilang shabu tiangge.Patunay aniya ang mga shabu tiangge na laganap na ang illegal drugs sa Kabacan.Bago ang raid sa Kabacan, sinalakay rin ng PNP ang mga shabu tiangge sa Kidapawan City at naaresto ang walo katao.

BALITANG
SIMBAHAN

Walang pagsidlan ng tuwa ang 13
Filipino-Americans na kabataan nang makaharap ng mga ito sa unang pagkakataon
ang pinakamataas na lider ng Simbahang Katoliko nang dalawin nito ang Estados
Unidos.

Ayon kay Philippine Ambassador to the
United States Jose Cuisia Jr., labis ang tuwa ng nasabing mga kabataan nang
personal na makaharap ng mga ito si Pope Francis.

Napili ang naturang 13 kabataan mula sa
137 Fil-Ams sa pamamagitan ng lottery system.

Nagpasalamat naman ang embahada sa Archdiocese
of Washington dahil sa ibinigay na oportunidad sa mga kabataan para makaharap
at makausap ang Santo Papa.

Local...Tinatayang 50
mga mga highschool student ngayon ng Kidapawan City National High School ang
pinagdududahang gumagamit ng ilegal na droga.

Sinabi ni
Rosalinda Lonzaga, principal ng KCNHS, ang nabanggit na bilang ay mahigpit ngayong tinututukan ng eskwelahan.

Ayon kay
Lonzaga, isasailalim nila sa drug test ang mga estudyante sa lalong madaling panahon.

Nanakapanayam
na rin ng Guidance Councilors ng paaralan ang magulang ng mga bata. Sa ngayon,
mas pinalalakas pa ng eskwelahan ang kanilang kampanya at adbokasiya kontra ilegal
na droga sa paaralan.

Sa katunayan
kabilang na ito sa kanilang mga subject na itinuturo ngayon sa mga mag- aaral.

Matatandaang
walong mga estudyante noong nakaraang taon ang nagpositibo sa ilegal na droga
na ngayo’y ay nagpapatuloy sa psychosocial intervention para makabalik sa
kanilang normal na buhay.

Patuloy ding
minomonitor ng Guidance Councilors, katuwang ang City Social Welfare and Development
office ang magulang ng mga estudyante para magabayan ito sa tamang landas. Local …………………

BIKTIMA
umano ng panggagahasa ang isang lumad sa Datu odin Sinsuat Maguindanao.

Ayon
kay DOS PNP chief Chief Insp. Lendsy Sinsuat, Gabi noong linggo nang magsumbong
sa kanila ang 27-anyos na babae na kinilalang si Melba, separada, isang kasambahay
at residente ng Urban, Brgy. Awang DOS.

Kinilala
naman ni Sinsuat ang suspek na si Dario Tolindres Borines, 35-anyos, karpentero
at taga Brgy. Pilar, South Upi, Maguindanao.

Sa
salaysay ng biktima, nangyari ang insidente dakong alas-3 ng hapon noong
linggo.

Sa mga
oras na iyon ay wala ang amo ni Melba at aktong magisa lamang siya sa bahay
habang nagkakarpentero ang si Borines.

Inamin
naman ng suspek na may nangyari sa kanila sa araw na iyon.

Samantala,
naisampa na sa korte ang kasong rape para sa suspek.

Local PINULONG NG
Maguindanao Electric Cooperative o MAGELCO ang lahat nang mga kinatawan ng
bawat lokal na pamahalaan sa lalawigan kahapon.

Sa
isinagawang MAGELCO'S Stakeholders' summit sa Koronadal city, iprinisenta ni
General Manager Sultan Ashary Maongco ang mga plano ng kooperatiba at kung ano
ang mga maaaring maitulong ng mga Local Government Units para makamit ang mga
ito.

Sa ngayon
kasi, halos umabot na ng isang bilyong piso ang utang ng MAGELCO sa mga power
providers at dahan-dahan nila itong binabayaran.

Gayunpaman,
inihayag ni Maongco na kulang pa rin ito dahil mas mababa pa sa 50 percent ang
collection efficiency rate sa ibang mga bayan sa Maguindanao.

Nabatid na
may iilang mga munisipyo din ang nagkaroon ng malaking pagbabago sa collection
efficiency tulad na lamang ng North Upi at Datu Piang na sumobra pa ng 100
percent ang kanilang collection efficiency rate.

Inihayag ni
Datu Piang Councilor Sammy Ibrahim na bumilib sila sa pagbabagong naipatupad sa
MAGELCO kaya tinulungan nila ang kooperatiba na makakolekta ng maayos sa
kanilang bayan.

Handa naman
aniya ang Sangguniang bayan ng Datu Piang na magpasa ng resolusyong sumusuporta
sa MAGELCO at sa mga programa at proyekto nito.

Hinihikayat
naman ng MAGELCO ang iba pang Local Government Units na gawing modelo ang Datu
Piang sa maayos na pagbabayad ng kanilang mga electric bills.

HEALTH
NEWS-

NAGTATAKA ka ba kung bakit kahit wala
ka pa sa edad ng pagiging makakalimutin ay mahina na ang iyong memorya?

Narito ang ilang tips upang
masolusyunan ito.

Hindi lang napapanatiling alerto ang
ating utak sa sapat na tulog. Nakakatulong din ito upang makaiwas sa mabilis na
pagtanda ng ating utak, dahilan upang maging makakalimutin tayo.

Kung mahilig ka namang manigarilyo,
itigil na ‘yan dahil nakakasira ito ng ating mga brain cells na siyang
kailangan upang tumalas ang ating memorya.

Dagdag pa riyan, alam niyo ba na ang
pag-inom ng green tea ay makabubuti rin para mabawasan ang tsansa ng pagiging
makakalimutin?

Makakatulong din ang mga me time” o
ang mga sandali na wala kang kausap dahil dito mas nagiging aktibo ang ating
isipan.

LocalNaaresto ang isang 18-anyos na lalaki matapos tangayin nito ang motorsiklo ng kanyang

pinsan sa Sitio Gomez, Brgy la Esperanza, Tulunan North Cotabato pasado ala una ng

madaling araw kahapon.
Kinilala ni Police Ins. Rolando Dillera, hepe ng Tulunan PNP ang suspek na si Jezer

Floreta, tubong Brgy Camutan, bayan ng Antipas.
Ayon kay Dillera, nakatanggap na lamang sila ng report tungkol sa insidente na agad

namang nagsagawa ng pursuit operation para mahuli ang suspek.
Sa report naman ng biktimang si Jake Canaria, nagising na lamang ito ng mapansing

pinapaandar na ang kanyang Suzuki FJ MC na ipinarada pa sa loob mismo ng kanilang bahay.
Pasado alas dos ng madaling araw ng ng makatanggap naman ang Tulunan PNP ng report mula

sa Makilala PNP na may isang binatilyo na naaksidente na minamaneho ang isang

kwestyunableng motorsiklo.
Nang beripikahin na ito ng biktima nagulat na lamang siya na pinsan pala nito ang tumngay

sa kanyang sasakyan na agad agad namang itiniurn over sa Tulunan PNP. Ayon kay Dillera nasa kamay na ng pamilya ng biktima ang desisyon kung itutuloy nila ang

pagsampa ng kasong carnapping laban sa suspek habang patuloy na iniimbestigahan ng PNP

ang insidente.
LocalPinagbabaril hanggang sa mapatay ang isag 33-anyos na manicurista ng di pa kilalang

suspek sa Purok Krislam, Mantawil St., Poblacion, Kabacan, North Cotabato.Sinabi ni Police Senior Ins. Ronie Cordero, hepe ng Kabacan PNP, ang biktima na si Analyn

Degobaton Varona, na taga Brgy. 7, Bual, Midsayap, North Cotabato.Ayon kay Cordero, nasa harap lamang ng bahay ng isang Joey Lebag ang biktima kasama ang

di pa kilalang umano nang lapitan ito dalawang lalaki sakay ng motorsiklo at agad na

pinagbabaril si Analyn.Tama sa pisngi naman ang tinamo ng biktima na naging sanhi ng kanyang kamatayan gamit ang

kalibre 45 na baril base na rin sa narekober ng mga otoridad sa crime scene.Agad namang tumakas ang riding tandem suspek matapos ang krimen.

Inaalam na ngayon ng Kabacan PNP ang motibo sa pamamaril habang patuloy na

iniimbestigahan ang insidente.Sa bayan ng Makilala...

Patay ang isang 15-taong gulang na high school student habang kritikal naman ang ina nito

matapos masangkot sa pinakabagong vehicular accident sa National Highway sa Sitio Bagong

Silang, Brgy. San Vicente Makilala, North Cotabato.Kinilala ni SPO4 Norberto Calayca, imbestigasdor ng Makilala PNP, ang namatay na biktima

na si Elvin May Alimania Celis, habang patuloy namang ngayong nagpapagaling sa pagamutan

ang nitong si Elsie Alimania Celis 45- anyos.Ayon sa report sakay sila sa isang motoposh motorcycle na minamaneho ni Eljan Gipulane

Eudilia at nang patawid na sana ay nabangga ito ng dalawang magkasunod na na rumaragasang

motorisklo na minamaneho ito nina Fermen almares, 17 anyos ng Luna Sur, Makilala at

David Sardua Ranggat, 18 anyos na taga Kawayanon, Makilala.Parehong isinugod sa pagamutan ang limang mga biktima pero binawian din ng buhay ang 15

anyos na babae habang kritikal naman ang ina nito.
LocalNakatanggap na ang unang walong barangay sa Kidapawan City ng kanilang power subsidies

mula sa Kidapawan City Government.Sa pahayag ng ilang COTELCO member consumers malaking tulong raw sa kanilang gastusin ang

nasabing subsidy na abot sa mahigit apat na raang piso mula sa royalty tax share na

binayaran ng Energy Development Corporation sa City Government.Tumanggap kasi ng tig P408.16 na power subsidy ang mga Cotelco members na naging miyembro

noong 2011 pababa.Abot naman sa P200 ang natanggap ng mga members ng 2012 at mahigit P100 naman sa mga

2013-2014 members ng Cotelco.Mahigit P10 Million ang kabuuang halaga ng power subsidies na ibabalik ng City LGU sa may

26,000 member consumers ng Cotelco sa Kidapawan City.Nagsimulang ibigay ang power subsidies noong lunes sa mga barangay ng Ginatilan Meohao,

Ilomavis at kahapon naman sa brgy. Balabag, Paco, Binoligan, Sibawan at Amazion.Magpapatuloy ang pagbibigay ng power subsidies hanggang sa October 10.
LocalAbot sa 54 na mga menor de edad ang nahuli ng Kidapawan City PNP, Traffic Management

Unit, City Social Welfare and Development Office at City Health office sa kanilang

inilunsad na dalawang araw na saturation drive sa Kidapawan City.Sinabi ni Daisy Gaviola ang Acting Ass. Officer ng CSWD, bahagi ito ng kampanya ng PNP na

Oplan Sleepless Nights at Oplan Kapkap bakal na una ng mandatu ni City Mayor Joseph

Evangelista.Ayon kay Gaviola sa unang gabi na kanilang paglilibot sa lungsod kasama ang mga nabanggit

na ahenya ay 47 minors kaagad ang kanilang nahuli na agad namang itinurn over sa CSWD.Ito ay mga kabataang nasa mga lansangan, videoke bar, internet cafe at iba pang mga

establisyemento dis oras ng gabi.Nakasaad kasi sa ordinansa na isinusulong ngayon ng alkalde ng lungsod na wala nang dapat

makitang menor de edad na gumagala mula alas 10 ng gabi hanggang alas kwatro ng madaling

araw.Samantala, sa ikalawang araw na operasyon naman ay pitong menor de edad na lamang ang

kanilang nahuli.

Mula sa 54 na kabuuang bilang dalawa sa mga ito ay nanggangling sa ibang munisipyu at ang

lahat ay mga taga Kidapawan City habang anim naman ay mga babae.Mismong ang CSWD naman ang naghatid sa mga nahuling menor de edad sa kanilang bahay

matapos isinagawa ang counseling kasama ang kanilang mga magulang.Iginiit ni Gaviola na hindi sasampahan ng kaso ang mga nahuling bata bagkus ang mga

magulang ng mga ito ang papatawan ng penalidad lalo na kung ikatlong beses nang mahuli

ang kanilang mga anak at wala pa rin silang ginagawa aksyon.Layunin ng Oplan Sleepless nights at Kapkap bakal na marami pang mga kabataan ang

matutulungan at magabayan sa tamang landas at para hindi mapariwara ang kanilang buhay.Umaasa si Gaviola na sa pamamagitan ng pagpapaigting ng naturang kampanya, mas marami pa

silang mga kabataan ang matutulungan. LocalTinatayang 50 mga studyante, pinagdududahang gumagamit ng ilegal na droga sa

isang eskwelahan sa Kidapawan City.Tinatayang 50 mga mga highschool student ngayon ng Kidapawan City National High School

ang pinagdududahang gumagamit ng ilegal na droga.Sinabi ni Rosalinda Lonzaga, principal ng KCNHS, ang nabanggit na bilang ay mahigpit

ngayong tinututukan ng eskwelahan.Ayon kay Lonzaga, isasailalim nila sa drug test ang mga estudyante sa lalong madaling

panahon.

Nanakapanayam na rin ng Guidance Councilors ng paaralan ang magulang ng mga bata.Sa ngayon, mas pinalalakas pa ng eskwelahan ang kanilang kampanya at adbokasiya kontra

ilegal na droga sa paaralan.Sa katunayan kabilang na ito sa kanilang mga subject na itinuturo ngayon sa mga mag-

aaral. Matatandaang walong mga estudyante noong nakaraang taon ang nagpositibo sa ilegal na

droga na ngayo’y ay nagpapatuloy sa psychosocial intervention para makabalik sa kanilang

normal na buhay.Patuloy ding minomonitor ng Guidance Councilors, katuwang ang City Social Welfare and

Development office ang magulang ng mga estudyante para magabayan ito sa tamang landas. LocalPatay na ang magasawa ng matagpuan sa purok Sarangay, Barangay New Cuyapo, Tantangan, South Cotabato malapit lamang sa boundary Barangay Estrella, President Quiriono, Sultan Kudarat kung saan din nakatira ang mga biktima.
Kinilala ng Tantangan PNP ang magasawang biktima na sina Jonelo Berbocidad kwarenta’y dos anyos, magsasaka at misis nitong si Betty kwarenta’y singko anyos.
Lumabas sa inisyal na imbistigasyon ng Tantangan Police na ang magasawang Berbocidad ay tadtad ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanilang mga katawan ng matagpuan dakong alas singko ng madaling araw kahapon.
Ayon sa pulisiya, pauwi na ang magasawa mula sa birthday party na dinaluhan sa Barangay Matapol, Norala, South Cotabato ng abangan ng mga suspek at barilin bago pa man makarating sa kanilang barangay.
Nawawala din ang kulay itim na Bajaj Motorcyle na may license plate 1197 na sinakyan ng mga biktima.
Narecover ng mga rumespondeng police sa crime scene ang labinpitong empty shells ng M 16 rifles.
Inaalam pa ng mga pulis kung ang pagbaril sa magasawang Berbocidad ay may kaugnayan sa pagkakabaril at pagpatay sa kapitbahay nila dahil sa land conflict noong gabi ng Setyembre a biente syete.
LocalPatay ang isa katao matapos tamaan ng nahulog na reserbang tire mula sa isang sasakyan sa Koronadal City.
Kinilala ng Koronadal City PNP ang biktima na si Teofilo Maycong, singkwenta’y singko anyos, at residente ng Sitio B’tal-ag, bayan ng Tupi, South Cotobato.
Lumabas sa inisyal na pagsisiyasat ng mga pulis na habang minamaneho ni Maycong ang kanyang Suzuki motorcycle na may license plate 9786 OK dakong alas kwatro ng hapon kamakalawa.
Aksidente itong tinamaan ng nahulog na reserbang tire mula sa ibabaw ng kasalubong na Isuzu Land Car na may license plate 122610 na minamaneho ni Jory Samodin, kwarenta’y dos anyos.
Ang biktimang mister ay dead on arrival sa South Cotabato Provincial Hospital dahil sa matinding sugat sa ulo.
Ang dalawang mga sasakyan at driver ng Isuzu truck na si Samodiin ay inilagay sa custody ng Koronadal City PNP habang nagpapatuloy pa ang kanilang imbistigasyon sa insidente.
LocalPatay na ng matagpuan ng kanyang mga kaanak ang umanoy nagpatiwakal na magsasaka sa Lake Sebu, South Cotabato.
Kinilala ng Lake Sebu PNP ang biktima na si Doning Gal, trenta’y syete anyos at residente ng Sitio Tinago, Barangay Denlag, Lake SEbu.
Nabatid na ang wala nang buhay na katawan ng biktima ay natuklasang nakalambitin sa trusses ng kanilang bahay dakong alas onse ng umaga kamakalawa.
Lumabas sa inisyal na imbisitgasyon ng mga pulis na si Gal ay nagpatiwakal gamit ang lubid.
Inaalam pa ng pulisiya kung ano ang naging sanhi ng umano’y ng biktima ay kung may foul play sa pagkasawi nito.
LocalInilipat na sa San Vicente Elementary School sa bayan ng Banga ang dating School Principal ng New Iloilo Elementary School sa bayan ng Tantangan.
Ayon kay Crispen Soliven ang Schools Division Superintendent ng South Cotabato, ito ay matapos hilingin mismo ng mga magulang at guro ang paglipat kay Arceli Vergara.
Si Vergara ay inirereklamo ng mga magulang sa barangay New Iloilo dahil sa pagiging palagi umanong galit at palamura umano nito.
May mga pagkakataon pa umano na ipinapakain din ni Vergara sa mga estudyante ang mga basurang napupulot ng mga ito sa paligid ng kanilang eskwelahan.
Kinukuwestyon din ng mga guro at mga myembro ng Parents Teachers Association PTA ang paggamit ni Vergara ng Maintenance and Other Operating Expenses o MOOE Funds ng eskwelahan.
Nilinaw naman ni Soliven na walang pormal na reklamo na natanggap laban kay Vergara ang Dep ed South Cotabato.
Tanging natanggap lamang ng kanyang tanggapan ayon kay Soliven ay ang sulat ng mga guro na humihiling sa Deped na magpatupad ng kaukulang hakbang para manumbalik ang katiwasayan at kaayusan sa kanilang paaralan.
Ayon kay Soliven ang paglipat kay Vergara ay resulta ng dialogue na ipinatawag ng Deped sa pagitan ng mga guro, at mga PTA officials sa New Iloilo Elementary School.
Dinagdag din ni Soliven na naging patakaran na rin ng DepEd ang paglipat sa mga School Principals kada dalawa o hanggang tatlong taon.
LocalPatay ang isang menor de edad matapos malunod sa Bulok Creek sa Koronadal City.
Ang trese anyos na biktimang si Jason Esperancilla ay kinilala mismo ng ina nitong si Glaiza Esperancilla, residente ng Purok Pagkakaisa, Barangay General Paulino Santos, Koronadal.
Matatandaan na ang biktima ay nalunod matapos lumundag sa bulok creek kamakalawa ng hapon. Sa eklusibong panayam sa kanya ng DXOM Radyo Bida Koronadal, ipinahayag ni Aling Gaiza na huli umano niyang nakitang buhay ang kanyang anak nang magdiwang ito ng kanyang kaawaran noong Setyembre a dise-syete.Nakatira raw kasi ang kanyang anak sa kanyang Lola.
Kinumpirma din ng ina na bago pa man nalunod ang kanyang anak, nalaman nitong hindi na ito pumapasok sa kanyang klase.Ang nalunod na si Jason ay Grade 6 pupil ng Sto. Nino, Elementary School sa barangay Sto. Nino, Koronadal.
Kaugnay nito umaapela naman si Cyrus Urbano ang City Disaster Risk Reduction and Management Council o CDRRMC Officer ng Koronadal sa mga magulang na bantayan ang kanilang mga anak.Payo pa nito lalong lalo na sa mga mamamayan na nakatira malapit sa pampang, huwang hayaang maligo sa bulok creek ang kanilang mga anak.
LocalNakiisa sa 14th National Vegetable Congress ang mahigit walong daang mga magsasaka sa bansa. Ang apat na araw na aktibidad ay isinagawa kamakailan lang sa Cagayan de Oro City.
Kaugnay nito, tiniyak ni DA Secretary Proceso Alcala na nagpapatuloy pa rin ang pakikipag ugnayan ng ahensya sa mga pribadong sektor upang matiyak ang pagunlad ng industriya ng gulay sa bansa.
Kabilang sa napagusapan sa national congress ang mga programang dapat ipatupad para sa ikauunlad ng vegetable industry.
Binisita din ng mga participants ang Westbound Public Market sa Barangay Balua, Cagayan de Oro City.
Layon nito na makapaghanap ng possible market sa kanilang mga produkto.
Ang Westbound Public Market ang pinakamalaking bagsakan ng mga produktong gulay sa Cagayan de Oro City.
Tiningnan din ng mga vegetable enthusiasts ang iba’t ibang gulay na nakatanim sa Manresa Farm ng Xavier University College of Agriculture. Inaasahan naman ni DA 12 Regional Executive Director Amalia Jayag Datukan na maibahagi ng dalawamput limang mga participants mula rehiyon ang kanilang mga natutunan sa vegetable congress sa kapwa nila mga magsasaka. Local

TINIYAK
NG MORO ISLAMIC LIBERATION NA HINDI SILA
MANGGUGULO SAKALING HINDI MAIPASA ANG PROPOSED BANGSAMORO BASIC LAW SA
ILALIM NG ADMINISTRASYON NI P.NOY AQUINO.

Sinabi
ni BTC Chairman Mohagher Iqbal na mahabang panahon din silang nagbaka-sakali
para makamit ang kanilang hangarin kung kaya’t nagdadalawang isip din silang
muling sumabak sa giyera ngayong tahimik
na ang kanilang sitwasyon.

Ayon
kay Iqbal, nakahanda ang MILF para sa isang democratic struggle sakaling
maipasa ang katanggap-tanggap na bersiyon ng BBL.

Panauhing
pandangal ang MILF Official sa isang forum na pinangunahan ng Catholic Bishops
Conference of the Philippines-Episcopal Comission on Interriligious Dialogue,
National Ulama Conference of the Philippines, Philippine Council of Evangelical
Churches, Focolare, Religions for Peace Philippines and Ramon Magsaysay Award
Foundation sa Ramon Magsaysay Center, Manila.

Nagtungo
rin sa senado ang ilang BTC Commissioners upang makinig sa plenary session
subalit hindi natalakay ang BBL dahil wala si Senator Bong-Bong Marcos,
principal sponsor ng Senate Bill 2894.

Absent
din si Cong. Rufus Rodriguez, principal sponsor ng House Bill 5811 sa House of
Representatives.

Muli
iginiit ni Iqbal na hindi nila tatanggapin ang watered down version ng BBL
dahil karugtong lamang ito ng bangsamoro problem sa Mindanao.

Local IKINALUNGKOT
ni Autonomous region in Muslim Mindanao Governor Mujiv Hataman ang muling pag
postponed ng deadline na maipasa ang Bangsamoro Basic Law sa kongreso.

Ayon
kay Gov. Hataman, bagama't binibigyang atensyon ni Pangulong Aquino ang budget
para sa ARMM ay hindi nila ito inaasahan sapagka't ang pinaghahandaan na lamang
nila ay ang pagbabago tungo sa Bangsamoro Government.

Ilang
mga katanungan din ang inihain sa kongreso bago mailusot ang budget tulad ng
kung saan mapupunta ang pera at kung anong ahensya ang magiimplimenta ng mga
proyekto.

Ayon
kay Hataman naglaan ng 29 billion pesos na budget ang pamahalaan para sa ARMM.

Nilinaw
naman ng gobernador na ang perang ito ay para sa mamamayan ng ARMM.

PDEA shuts down drug den in Cotabato City, arrests 4, seizes P170K shabu

COTABATO CITY - Joint elements of PDEA BARMM Drug Enforcement Officers, Police Station 2, Cotabato City Police Office, and PNP Maritime conducted a...

P6.8-M worth shabu seized in another Lanao del Sur PDEA bust

COTABATO CITY - Anti-narcotics agents confiscated P6.8 million worth of shabu from two dealers who fell in another entrapment operation in Lanao...

BTA backs Cha-Cha moves

COTABATO CITY - The Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) parliament has expressed support to calls for charter change to resolve...

OPAPRU assures corruption has no place in MILF decommissioning process

MANILA – The Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) assured that it would not tolerate irregularities in...

CIDG agents arrest in North Cotabato 2 men wanted for illegal drugs, murder in BARMM

PIGCAWAYAN, North Cotabato - KAKALABAS pa lamang sa pagamutan ng dalawang mga wanted persons nang arestuhin ng mga tauhan ng Criminal Investigation...