Tuesday Apr, 16 2024 04:51:43 PM

NDBC BIDA BALITA Sept. 9, 2015

 • 02:52 AM Thu Sep 10, 2015
2,720
By: 
NDBC NEWS AND CURRENT AFFAIRS

NEWSCAST

SEPTEMBER 09,
2015 (WED)
7and00 AM

CALOYand MAGANDANG UMAGA! Tunghayan ang mga
pinakabagong balita ngayong MIYERKULES, SEPTEMBER
9, 2015…..

Mga konkretong balita at impormasyon na
dumaan sa wasto, patas at masusing talakayan… Ako si Caloy Bautista at i to ang NDBC BIDA BALITA!

PLAY NEWSCAST – PAU OBB

HEADLINESand

1. MGA SUNDALO at pulis, mas naghigpit
ng seguridad para mapigil ang dumaraming kaso ng pamamaril sa lungsod, bentahan
ng ilegal na droga at iba pang krimen.

2. Tatlong mga bayan sa North Cotabato,
ginawaran ng Seal of Good Local Governance ng DILG

3. PONDO para sa konstruksyon ng
temporary bridge kapalit ng nasirang tulay sa Koronadal City, aprubado na ng
Sangguniang Panglungsod

4. BILANG
ng mga Pinoy na walang trabaho, dumami pa, batay sa pinakabagong SWS survey.

CUE VO………….. ‘ANG DETALYE NG MGA BALITA…. SUSUNOD’

Local………………..

PERSONAL
GRUDGE ang kadalasang dahilan ng mga kaso ng pamamaril sa Cotabato city.

Bukod
dito, sinabi ni Army’s 5th Special Forces commander Col. Ranny Sevilla
na may kinalaman din ang bentahan ng iligal na droga sa dumaraming kaso ng
pagpatay sa lungsod.

Sabi
ni Sevilla, problema rin ang naglipanang mga hindi lisensyadong baril sa
lungsod.

Kaya
naman, katuwang ng City PNP ay mas mahigpit at madalas ang kanilang
ipinatutupad na checkpoints at choke points sa iba’t ibang mga lugar sa
lungsod.

SEVILLA
CUE……………..

Una
rito, pinatawag na ng Sangguniang Panglungsod ang pamunuan ng City PNP para
hingan ng paliwanag sa patuloy na paglobo ng krimen, lalo na ng mga kaso ng
pamamaril sa lungsod.

Paliwanag
naman ni City PNP Chief police Sr. Supt. Rex Anungos na pawang isolated cases
ang mga naitalang krimen sa lungsod.

Iginiit
din nito na patuloy silang bumabalangkas ng paraan para madakip ang mga
kriminal.

BERNADETTEand

BALITANG
SIMBAHAN

Simpleng regalo sa kaarawan ng Mahal na
Birheng Maria ang pagiging mabuti at patuloy na paglilinis ng sarili mula sa
kasalanan ang isang simpleng maihahandog ng bawat isa sa Mahal na Birhen.

Ito ang ibinahagi ni Rev. Fr. Conegundo
Garganta, executive secretary ng CBCP – Episcopal Commission on Youth sa
pagdiriwang ng kapanganakan ng Mahal na Birheng Maria kahapon.

Paliwanag ng pari, ang pagiging
disiplinado tulad ng simpleng pagsunod sa batas-trapiko at iba pang sibil na
paraan ay ilan lamang sa mga simpleng handog na maiaalay ng bawat isa sa Inang
Maria.

Bukod dito, binigyang diin rin ng pari
ang pagsisimba at ang kahalagahan ng paglapit sa Sakramento ng Kumpisal upang
muling malinis ang sarili mula sa kasalanan.

0-local... NAGPALIWANAG naman ang PNP ARMM kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakabalik sa national capital region ang nasa 300 PNP recruits ng NCR Police Office.

Sinabi ni PNP ARMM spokesperson Ronald de Leon na pinadala ng NCRPO ang naturang mga police recruit sa PNP ARMM camp para mag-training.

Nito pang August 25 natapos ang kanilang training subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakabalik sa NCR ang mga ito para sana makapagsimula nang magtrabaho.

Ayon kay de Leon, hinihintay pa kasi ang travel fund ng mga ito mula sa NCRPO

Kaugnay nito, pinayuhan naman ni de Leon ang mga police recruit na maghintay ay gamitin ang kanilang natitirang panahon sa ARMM para magpahinga at mag enjoy. 0- 2nd break

Local …………………

INAASAHANG
mas marami pang mamumuhunan ang papasok sa Matanog, Maguindanao ngayong mas
nagiging payapa na ang bayan.

Sinabi ni
Matanog mayor Mohammad Guro na may mga multimillion-dollar investments na para
sa mga produktong saging, pinya, niyog at kape, ang ngayon ay

pumapasok sa
bayan.

Aniya, mataba
kasi ang lupa sa kanilang bayan na angkop pagtamnan ng mga high value crop.

Sabi ng
alkalde, hindi na nila kailangan pang maghintay na maipasa ang Bangsamoro Basic
Law o BBL dahil ngayon pa lang ay ginagawa na nila ang lahat ng paraan para
maging payapa ang kanilang lugar at magtamasa ng kaunlaran.

Una rito,
ilang magkalabang pamilya na sa lugar ang napagbati ng lokal na pamahalaan sa
tulong ng Joint Task Force Iranun

Samantala, sa
karatig na bayan nitong Buldon at Barira ay natuldukan na rin ang apat na
dekada ng rido o away pamilya.

Nagkasundo
ang Malambut-Kudanding-Alo clan at Madid-Cawi-Macauyag at nanumpa sa Koran na
tatapusin na ang kanilang away. Lumagda rin sila sa isang peace covenant.

Nabatid na 16
katao na mula sa magkabilang panig ang nagbuwis ng buhay dahil sa matagal na
nilang alitan.

Kasunod nito
ay nangako si Buldon Mayor Abolais Manalao na tututukan ang mga naglipanang mga
baril sa kanilang lugar na karamihan ay wala pang lisensya.

Ito aniya
kasi ang nagpapa init pa sa mga magkakalabang pamilya at nagiging mitsa ng
kanilang buhay.

Pinasalamatan
naman ni Manalao ang Army’s 603rd Infantry Brigade at USAID Enhancing
Governance Accountability and Engagement o ENGAGE na tumulong sa pagbalangkas
ng mga paraan para tugunan ang mga rido o clan wars sa kanilang lugar.

Nabatid na
nasa 27 mga rido na ang naresolba sa lugar simula September 5.

CUE ………………. STINGER BALITANG PAMBANSA

Inanunsyo
kahapon ni Pangulong Aquino na si Western Samar Rep. Mel Senen Sarmiento ang
papalit kay DILG Sec. Mar Roxas sa sandaling magbitiw ito sa puwesto at
magsumite ng kanyang certificate of candidacy bilang presidential candidate.

Inalok
ng Pangulo si Rep. Sarmiento, secretary-general ng Liberal Party bilang susunod
na DILG chief na tinanggap naman umano ng kongresista.

Si
Sarmiento ay na­ging Alkalde ng 9 na taon bago ito naging kinatawan ng Samar
noong 2010.

Malaki
rin ang karanasan at malalim ang kaalaman ni Sarmiento sa local government na
kailangan para sa Secretary ng DILG.

Magugunita
na nagsumite si Roxas ng kanyang resignation bilang DILG chief kay Pangulong
Aquino noong Agosto 3 subalit hindi ito tinanggap ni PNoy bagkus ay humingi pa
ito ng kaunting panahon upang tapusin nito ang mga programa sa DILG.

Ginawa
ni Roxas ang pagbibitiw sa puwesto tatlong araw matapos siyang iendorso ni PNoy
bilang pambato ng administrasyon sa darating na 2016 presidential elections.

0- 3rd break

Local…………………….

Iginiit
ngayon ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr. na walang dahilan para hindi
maipasa o hindi matalakay hanggang sa mapagbotohan ang panukalang pagsasabatas
ng Basic Law on the Bangsamoro Autonomous Region o BL-BAR, dahil ito naman daw
talaga ang kanilang pakay.

Kaya
naman simula noong Lunes, September 7 ay limang beses nang magkakaroon ng
sesyon ang House of Representatives sa halip na tatlong beses lang kada linggo.

Ito ay
para talakayin ang mga priority bill, kabilang na ang BL BAR.

Ang
kongreso ay nakatakdang magkaroon ng recess sa October 10 hanggang November 2.

Subalit
ayon kay Belmonte, hindi pa rin nito magagarantiya na magkakaroon ng quorum sa
lahat ng mga gagawing sesyon.

Samantala,
sabi ni Belmonte, nagpapabagal din sa pagdinig ang napakaraming mga mambabatas
na gustong magkomento at magtanong hinggil sa panukala.

Gayunman,
aniya, sisikapin nilang masimulan ang

plenary
debates hinggil sa BL BAR bago matapos ang buwang ito para maipasa na ang
panukala sa pagpasok ng Oktubre.

CUE ………………. STINGER BALITANG PAMBANSA

Aabot
sa 10.5 million Filipino adults sa bansa o 23.2 percent ang walang trabaho,
ayon sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations o SWS para sa ikalawang
quarter ng taon.

Tumaas
ang bilang ng unemployment mula sa 19.1 percent o nasa siyam na milyong
Pilipino nitong Marso.

Lumabas
sa pag-aaral na 10 percent o 4.4 milyong Pinoy ang nawalan ng trabaho, habang
11 percent o 4.7 milyon naman ang kusang umalis sa kanilang pinagtatrabahuhan.

Kung
ikukumpara sa unang quarter ng taon, pitong porsiyento lamang ang iniwan ang
kanilang trabaho, habang natanggal.

Mas
maraming babae naman ang walang trabaho na umabot sa 31.3 percent nitong Hunyo,
mas mataas sa 27.6 noong Marso, habang dumami rin ang mga lalaking tambay sa
16.9 percent mula sa 12.2 percent.

Maituturing
na unemployed ang isang tao kung wala siyang trabaho at naghahanap ng trabaho.

Isinagawa
ang naturang survey nitong June 5 hanggang 8, sa 1,200 respondents.

NARITO
ANG BALITANG PANGKALUSUGAN HATID NG GOLDSHINE PHARMACEUTICALS INCORPORATED.

HEALTH
NEWS-

PINAWI ng Malacañang ang pangamba ng
publiko hinggil sa nakumpirmang pagpasok ng Ebola virus sa bansa.

Sinabi ni Presidential Communications
and Operations Office o PCOO Secretary Herminio Coloma Jr., na ang Ebola virus
na nakapasok sa bansa ay hindi naman nakapagdudulot ng anumang sakit sa tao.

Sa kasalukuyan aniya, ang Philippine Inter-Agency
Committee on Zoonosis na kinabibilangan ng DOH, Department of Agriculture, at
ng Department of Environment and Natural Resources ay nagtutulung-tulong sa
pagpapatupad ng mga programa at istratehiya upang pigilan, kontrolin at sugpuin
ang mga tinaguriang zoonotic diseases o ang mga sakit na naililipat mula sa mga
hayop tungo sa tao at vice versa base na rin sa Administrative Order No. 10 ni
Pangulong Noynoy Aquino.

0- local... Magkakaroon ng lugar para pangalagaan ang mga menor de edad na nabubuntis sa South Cotabato Provincial Hospital.
Ayon kay Dr. Conrado Brana, ang Chief of Hospital ng South Cotabato Provincial Hospital, layon ng pagtatag ng Teen Center ay upang mabigyan ng sapat na tulong hindi lamang ang mga batang ina kungdi pati na rin ang kanilang mga anak.
Target ng pasilidad na matulungan na manumbalik ang kalusugan ng mga kabataan nabubuntis at maging kapaki pakinabang na indibiwal sa komunidad.
Ito ay matapos maitala ng out patient Department of Provincial Hospital ang tumataas na bilang ng mga kabataang nabubuntis.
Ang Teenage Center ay magkatuwang na itinatag sa pagtutulungan ng ibat ibang departamento ng Provincial Hospital .
Ayon kay Brana tutulong din sa pagtataguyod nito ang MindanaoHealth, isang proyekto ng United States Agency for International Development o USAID na may layong makapagbigay ng serbisyong pangkalusugan sa mga mamamayan.
Ang Teenage Center ay ilulunsad sa South Cotabato Provincial Hospital kahapon. 0- local.... Ikinustodya na ng pulisiya ang mga fully grown marijuana plants na natuklasan sa Tupi, South Cotabato.
Ang tatlong puno ng marijuana ay nadkiskubre sa liblib na Sitio ng Lemglisong, Barangay Kalbon Tupi, South Cotabato.
Ang mga ito ay ibinigay sa Tupi Municipal Police Station nina Roy Manulang at Jojie Dialang, pawang mga kasapi ng Barangay Peacekeeping Action Team o BPAT sa lugar.
Ang mga marijuana plants ay na uproot nina Manujlang at Dialang sa Mt. Matutum Protected Area, sa katabing Sitio ng Palo Tres, Barangay Kablon, Tupi, dakong alas singkoe ng hapon kamakalawa.
Ang narecover na mga marijuana plants ay ipasusuri naman ng Tupi PNP sa PNP 12 Laboratory sa General Santos City.
0- local... Kalaboso ang isang umano’y bigtime na tulak ng Shabu matapos matimbog sa anti illegal drug operation ng mga pulis sa Koronadal City.
Kinilala ni Police Chief Inspector Ramil Villagracia, ang hepe ng Provincial Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Force ng South Cotabato PNP ang suspek na si Rizaldi Malaquial, trenta’y kwatro anyos at residente ng Barangay Atan, Shariff Aquak, Maguindanao.
Si Malaquial ay naaresto ng mga pulis sa Zulueta Street, barangay Zone IV,Koronadal City kahapon ng madaling araw.
Narekober ng mga pulis mula sa suspek ang anim na sachet ng suspected shabu.
Ayon kay Villagracia, ang suspek ang siya umanong nagtutulak ng illegal na droga sa mga bayan ng Banga, Polomolok, Tampakan, Surallah, Sto. Nino at mga lungsod ng Koronadal at General Santos City.
Ang mga umanoy droga na dinideliver ni Malaquial ay kinukuha nito sa isang shabu laboratory na di muna tinukoy ni Villagracia.
Kinumpirma din ni Villagracia na matagal nang minamanmaman ng mga pulis ang suspek.
Inihayag din ng police official na ayon sa pahayag ng suspek may mga pulis din umano sa South Cotabato ang kumukuha sa kanya ng illegal na droga.
Ito ayon kay Villagracia ay kanila pang benipiripika sa ngayon.
Naging modos operandi na rin nito ang palipat lipat ng hotel at lodge para doon isagawa ang kanyang illegal drug transaction.
Inihahanda na ng pulisiya ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act laban sa suspek na sumasailalim pa sa interogasyon ng South Cotabato Police. 0- local... Nagpalabas na ng deriktiba si President Roxas Mayor Jaime
Mahimpit sa PNP na maglunsad ng malalimang imbestigasyon sa pagbaril at
pagbatay kay Brgy. Ilustre Kagawad Wendel Gasete.

Para kay Mahimpit, walang basehan ang pagpatay kay Gasete kung
saan inilarawan pa nitong isang aktibong leader sa kanilang barangay at wala
itong natantandaang ginawa ng biktima na posibleng dahilan sa pagbaril sa
kanya.

Una rito pasado alas onse ng gabi kahapon, nakatayo lamang ang
biktima sa nabanggit na lugar habang naghahanda na para umuwi sa kanilang bahay
matapos isagawa ang isang singing contest sa brgy. kasabay ng kanilang
kapiestahan.

Pero bigla na lamang itong nilapitan ng suspek at agad na
pinagbabaril at mabilis ring tumakas.

Hanggang sa ngayon, wala pang matukoy na responsable ang pulisya
na suspek sa pamamaril dahil na rin sa kawalan ng testigo na magtuturo nito.

Ikinaalarma rin ng alkalde ang nangyaring sunod sunod na
pamamaril na may kaugnayan sa mga brgy. workers sa Upper Presidente Roxas kung
saan una rito ang pagpatay kay Alvin Embac na isang brgy. tanod ng brgy.
Lama-lama President Roxas.

Pero pinabulaanan naman ni Mahimpit ang mga reports na may
kaugnayan ang dalawang insidente maging ang impormasyong New People's army ang
nasa likod nito matapos personal na makausap ang mga residente sa mga nabanggit
na lugar.
0- local... Aprubado ng Department of Agriculture ang gagawing cloud seeding
operation sa probinsya ng North Cotabato bilang paghahanda sa nalalapit na El
Niño Phenomenon na tatama sa bansa.

Sinabi ni Cotabato Board Member Loreto Cabaya, chair ng
committee of Agriculture na maliban sa cloud seeding,magsasagawa rin ang
Provincial Government ng information drive sa mga liblib na barangay sa
lalawigan.

Ayon kay Cabaya, ilang mga lugar pa kasi sa North Cotabato ang
hindi pa alam ang tungkol sa nasabing kalamidad kaya nais nila itong ipaalam sa
mamamayan at kung paano ito paghandaan.

Una nang nabanngit ni Cotabato Governor Emylou Mendoza na
pupulungin niya ang opisyales mula sa Provincial Agriculture Office maging ang
Provincial Disaster and Management Team para pag-usapan ang mga gagawing
paghahanda sa nabanggit na kalamidad.

Kaya naman ilan lamang ito sa mga napagusapan ng team na patuloy
pa ngayong naghahanap ng alternatibo at magandang plano para sa kapakanan ng
mamamayan.

Ayon kay Cabaya sa ngayon nakatutok ang provincial Government sa
mitigation para labanan ang masamang epekto ng El Niño sa mga magsasaka at
mamamayan.

0- local... Handa ang pamunuan ng Kidapawan Traffic Managment Unit o TMU na
sampahan ng kaso ang kanilang sariling tauhan oras na mapatunayang nangongotong
ang mga ito sa daanan.

Ito ang sinabi ni TMU Head Rey Manar matapos ireklamo ng
nagpapakilalang director ng FILIPINO ALLIANCE MOVEMENT SUPPORT GROUP o FAM SG
na si Isagani Moisco na isa rin daw umanong Retired Marine ang dalawang TMU
Personnel na si Rolly Tindugan at Salmorin na kinotongan siya nito.

Una rito, August 30, 2015 ng issuehan na sana ng Temporary
Operatior's Permit o TOP ang nasabing retired marinematapos sumuway sa one way
policy partikular sa Dayao street ng lungsod.

Sa salaysay ni Tindugan , agad nilang nakita ang ginawa ni
Moisca dahil nagdulot ito ng sandaling traffic sa lugar.

Bibigyan na sana nila ito ng TOP pero hindi tinangap ni Moisca
at sa halip ay humingi pa ito ng isa pang pagkakataon.

Paliwanag naman ni Manar sa kanya pagdating sa opisina ng TMU na
hindi ito maaring idaan sa pakiusap dahil malinaw na labag sa batas trapiko ang
kanyang ginawa.

Dahil sa nasabing pangyayari nagreport kaagad sa pulisya si
Moisca kung saan ang nakalagay sa police blotter ay hiningan siya ng 500 pesos
dalawang TMU member.

Handa naman si Manar na paimbestigahan ang kanyang mga tauhan
kung totoo ngang may nangyaring pangongotong sa nabanggit na pangyayari.
0- local... Aprubado ng Department of Agriculture ang gagawing cloud seeding
operation sa probinsya ng North Cotabato bilang paghahanda sa nalalapit na El
Niño Phenomenon na tatama sa bansa.

Sinabi ni Cotabato Board Member Loreto Cabaya, chair ng
committee of Agriculture na maliban sa cloud seeding,magsasagawa rin ang
Provincial Government ng information drive sa mga liblib na barangay sa
lalawigan.

Ayon kay Cabaya, ilang mga lugar pa kasi sa North Cotabato ang
hindi pa alam ang tungkol sa nasabing kalamidad kaya nais nila itong ipaalam sa
mamamayan at kung paano ito paghandaan.

Una nang nabanngit ni Cotabato Governor Emylou Mendoza na pupulungin
niya ang opisyales mula sa Provincial Agriculture Office maging ang Provincial
Disaster and Management Team para pag-usapan ang mga gagawing paghahanda sa
nabanggit na kalamidad.

Kaya naman ilan lamang ito sa mga napagusapan ng team na patuloy
pa ngayong naghahanap ng alternatibo at magandang plano para sa kapakanan ng
mamamayan.

Ayon kay Cabaya sa ngayon nakatutok ang provincial Government sa
mitigation para labanan ang masamang epekto ng El Niño sa mga magsasaka at
mamamayan.

0- 4th break

Local……………….

TUMATANGGAP
na ng nominasyon para sa Search for Model OFW Family of the year awards ang
Overseas Workers Welfare Administration sa Autonomous Region in Muslim Mindanao
o OWWA ARMM.

Sinabi
ni OWWA-ARMM Chief Habib Malik na may dalawang kategorya ang naturang
patimpalak, ang Land based at sea based.

Aniya,
ito na ang ika-labing isang taong nagbibigay ng pagkilala ang OWWA ARMM sa mga
OFW at kanilang pamilya na nalagpasan ang mga pagsubok habang magkalayo.

Ang
mapipiling Model OFW Family of the year ay makakatanggap ng cash prize at plake.

Ito
rin ang magiging kinatawan ng ARMM para sa pambansang patimpalak ngayong taon.

Para naman
sa mga interesadong lumahok sa kompetisyon ay maaring lumapit at magtanong sa
OWWA-ARMM sa telephone numbers (064) 421-7237 o 421-7236.

BALITA ABROAD………………….. PLAY STINGER

Nilinaw
ng Saudi government na hindi nila ipinatitigil ang hiring o pagkuha ng mga
manggagawang Pinoy sa kanilang bansa.

Ito ay
taliwas sa mga naglalabasang ulat na ititigil na ng kanilang gob­yerno ang
pag-iisyu ng visa at hiring sa mga overseas Filipino workers sa kingdom.

Binigyang
diin ni Ministry of Labor Spokesperson Tayseer Al-Mufrej na hindi nagpapalabas
ng anumang kautusan ang Saudi government na ititigil na ang pagtanggap ng OFWs.

Maging
ang Embahada ng Pilipinas sa Saudi ay naghayag na walang nabago sa kasunduan sa
pagitan ng Pilipinas at Saudi kaugnay sa pagkuha ng mga Pinoy.

Base
sa report, ang nagdaang labor agreement sa pagitan ng Pilipinas at Saudi ay
sinimulang ipatupad matapos na maaprubahan ng gabinete ng Saudi noong 2014 na
nagbibigay ng SR1,500 buwanang minimum na suweldo sa mga kasambahay,
babysitter, labandera, family driver, cook at hardinero.

Nakasaad
din sa kasunduan na hindi kukumpiskahin sa mga OFW ang kanilang pasaporte at
work permits.

Kasama
sa kasunduan na dumaan sa tamang pagsasanay at orientation ang OFWs at iba pang
manggagawang dayuhan upang mapag-aralan ang kultura at mga batas sa Saudi.

Pahihintulutan
din ang mga manggagawa na maghain ng kaso laban sa kanilang employer o sponsor.

Nabatid
na halos dalawang milyong OFWs na ang nagtatrabaho sa Saudi Arabia.

0- 5th break

Local…………………..

Bawal
maging bodyguard ng mga VIP ang mga bagitong pulis.

Ito
ang nilalaman ng panibagong direktiba ni PNP Chief Police Director General
Ricardo Marquez.

Sinabi
ni Marquez na dapat ang mga Police Officer 1 o PO1 ay nasa lansangan at
nagpapatrulya sa mga matataong lugar upang matutukan ang pagsugpo sa
kriminalidad lalo na ngayong ‘ber months’.

Nabatid
na marami sa mga bodyguard ng mga VIP ay ang mga bagitong pulis na malamang
ipa-recall na ng PNP.

Nais
ni Marquez na maipatupad ang Patrol 101 na binabalangkas ng liderato ng PNP o
ang deployment ng mas maraming mga pulis sa kalye at mga barangay.

Samantala,
ang mga nasa himpilan ay mamanduhan lamang ng ilang mga pulis na siyang gagawa
ng mga trabahong administratibo.

Sa ngayon,
nasa one is to one thousand ng ratio ng pulis sa bawat mamamayan kaya’t
nagbawas ang liderato ng mga tauhan sa mga himpilan para maipakalat sa mga
lansangan.

Sa
kasalukuyan ay patuloy ang recruitment ng 6,000 rookie cops ngayong taon.

SPORTS ……………. (Play Stinger)

Tampok ang boxing team na nakakuha ng slot para sa Doha world
championships at Bingo Bonanza National Open Badminton Championships sa PSA
Forum sa Shakey’s Malate.

Si Philippine Badminton Association sec-gen Rep. Albee Benitez ng PBA Smash
Pilipinas ang tatalakay ng annual badminton event, kasama sina tournament
director at coach Nelson Asuncion at Al Alonte ng Bingo Bonanza.

Magbabalik naman si ABAP sec-gen Ed Picson sa session kasama
sina boxers Eumir Felix Marcial at Rogen Ladon, pati na sina coach Pat Gaspi at
Nolito Velasco.

Sina Marcial at Ladon ay silver medal winners sa katatapos na
ASBC Asian Boxing Champion­ships, na nagbigay-daan para makasali sa world
championships sa susunod na buwan sa Doha, Qatar.

CALOY……………….

Sumainyo ang mga bidang balita ngayong MIYERKULES, SEPTEMBER 9, 2015… INYONG NAPAKINGGAN sa mga himpilan
ng NOTRE DAME BROADCASTING CORPORATION, ang RADYO BIDA at HAPPY FM…

Bahagi ng serbisyo-publiko ng Oblate of Mary Immaculate na MAHIGIT
75 taon ng nagbibigay ng makabuluhan at matapang na paglilingkod sa Pilipinas.

AKO SI CALOY BAUTISTA .Maaari ninyong balikan ang
mga balitang narinig sa sa and//www.ndbcnews.com.ph www.ndbcnews.com.ph na ngayon ay mayroon ng
mahigit 500 tagapagtangkilik at mambabasa.

Sa ngalan ng NDBC Radyo Bida News and Current Affairs Team,
I-WATCH Productions at Maguindanao Sky Cable,

Hanggang BUKAS pong
muli! Maraming salamat at MAGANDANG UMAGA.

Cotelco announces April 20 scheduled power service interruption

TO OUR VALUED MEMBER-CONSUMER-OWNERS (MCO): This is to inform you that we will have a SCHEDULED power interruption on the following scheduled date...

Comelec holds historic voter sign-up in 2 MILF camps

SULTAN KUDARAT, Maguindanao del Norte – The Commission on Elections (Comelec) on Monday held the first-ever voter registration inside the Camp...

NDBC BIDA BALITA (April 16, 2024)

HEADLINES 1   Registration of voters, ginawa ng Comelec sa loob ng kampo ng MILF 2   Tatlong drug suspect na may higit...

Lalaki sa Mamasapano, nakaligtas sa pamamaril, pero motor niya sinunog ng mga suspect

NAKALIGTAS sa pananambang ang isang lalaki habang sakay ng kanyang motorsiklo sa Sitio Dakumuya, Brgy Mamasapano, Mamasapano town sa Maguindanao del...

Peaceful BARMM plebiscite beckons hope for new citizens of BARMM

COTABATO CITY  – The voters in 63 villages in North Cotabato on Saturday ratified the creation of eight new municipalities in the Bangsamoro...