Thursday Apr, 25 2024 09:03:40 AM

NDBC BIDA BALITA September 2, 2015

 • 02:24 AM Thu Sep 3, 2015
2,850
By: 
NDBC

NEWSCAST

SEPTEMBER 02,
2015 (WED)
7and00 AM

CALOYand MAGANDANG UMAGA! Tunghayan ang mga
pinakabagong balita ngayong MARTES, SEPTEMBER
2, 2015…..

Mga konkretong balita at impormasyon na
dumaan sa wasto, patas at masusing talakayan… Ako si Caloy Bautista at i to ang NDBC BIDA BALITA!

PLAY NEWSCAST – PAU OBB

HEADLINESand

1. INSIDENTE NG PAMAMARIL, PAMBOBOMBA
AT IBA'T IBANG KRIMEN sa Cotabato city, hindi NORMAL ayon sa isang konsehal

2. Selebrasyon ng Kalivungan Festival
2015 at 101 Anniversary ng North Cotabato, naging mapayapa ayon sa PNP.

3. Mga mamamayan sa South Cotabato na
nasiraan at nawalan ng bahay dahil sa pananalasa ng malakas na hangin nabigyan
na tulong ng provincial government

4. DOST, ISINUSULONG na masertipihan
ang mga albularyo o traditional herbal healer sa bansa

CUE VO………….. ‘ANG DETALYE NG MGA BALITA…. SUSUNOD’

local………………….

HINDI NORMAL ANG MGA INSIDENTE NG
KRIMEN SA COTABATO CITY.

Ito ang binigyang diin ni Councilor Bruce Matabalao sa
isinagawang SP Session kahapon.

Ito ang reaksyon si Councilor Matabalao
sa mga sinasabing normal na o nakasanayan na ang insidente ng pamamaril,
pambobomba o pagpaslang sa lungsod ng Cotabato.

Aniya, masakit para sa kanya na marinig
ang mga impormasyong hindi naman totoo tungkol sa Cotabato.

CUE.....BRUCE

Sa isinagawang Sanguniang panglungsod
session kahapon, muling nirecall ni Matabalao ang testimonya ni City Director
Sr. Supt Rex Anongos na bago siya maupo bilang CD ng lungsod, ay hindi normal
ang mga tulad na pangyayari sa kanyang pinanggalingan at posible umanong
nakasanayan na ng mga taga-Cotabato ang iba't ibang insidente sa lungsod.

CUE......
BRUCE 2

Dahil dito, hinamon ni Councilor Bruce
ang mga community leaders at publiko na makipagtulungan sa mga otoridad sa
pagresolba ng mga kaso lalo na sa rido settlement.

SAMANTALA , AMINADO naman Si Cotabato city Police
Office o CCPO Director Sr. Supt. Rex Anongos na hirap silang papanagutin sa
batas ang mga nasa likod ng sunod-sunod na mga insidente ng pamamaril sa
lungsod.

Sa pagsalang ni Anongos sa sesyon ng
Sangguniang Panlungsod KAHAPON, tinalakay ng city council ang matinding
problema sa talamak na krimeng nagaganap sa Cotabato city noong mga nakaraang
araw.

Gayunpaman, nilinaw ni Anongos sa city
council na kilala nila ang mga suspek sa mga insidente ng pamamaril pero duda
silang makakamit ang hustisya kung walang lilitaw na witness at magsasampa ng
kaso laban sa mga ito.

PLAY
ANONGOS...

Una rito, naitala ang sunod-sunod na
insidente ng pamamaril sa Cotabato city na pinaniniwalaang rido o away pamilya
ang dahilan.

Maliban dito, tinalakay din sa sesyon
ang nangyaring pambubugbog at panunutok umano ng baril sa apat na mga
estudyante ng Pilot Provincial Science and Technology highschool sa loob mismo
ng kanilang eskwelahan sa Barangay Tamontaka uno, Cotabato city.

Muli namang umapela ng tulong si
Anongos sa city council at sa komunidad na makiisa sa mga pulis sa kanilang
kampanya laban sa kriminalidad upang mas mabilis maresolba ang problema.

Nabatid na si Anongos ay kakaupo lamang
bilang OIC Director ng CCPO kapalit ni Sr. Supt. Rolen Balquin.

Ipinaliwanag ni Anongos na ang kanyang
pagiging OIC lamang ay isa rin umano sa nakakapigil sa kanyang kapasidad na
pangunahan ang kapulisan sa Cotabato city.

BERNADETTEand

BALITANG
SIMBAHAN

Hinikayat ni Catholic Bishops
Conference of the Philippines President Archbishop Socrates Villegas ang
millennial general na makibahagi sa pangangalaga sa kapaligiran.

Ayon kay Villegas, kumbinsido siyang
kailangan nang hingin ang tulong ng younger generation para maisalba at
makatulong sa paglaban sa climate change.

Binigyang diin ni Villegas ang
kakayanan ng mga kabataan sa mas epektibo at mabilis na komunikasyon kumpara sa
mga older generations.

Idinagdag pa ni Villegas na umaasa
siyang sa paghimok sa mga kabataan ay mas marami ang maaabot ng panawagan na
pangalagaan ang kapaligiran.

0- Local …………………

NAKATAKDANG
SAMPAHAN ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 ngayong araw ang dalawang
lalaki na naaresto pasado alas nuwebe nang umaga kahapon sa Barangay Tamontaka
uno, Cotabato city.

Unang
nakatanggap ng intelligence report ang Police station number 3 na pumasok sa
looban ng Tamontaka uno sina Reynante Atason Camagal, kwarenta anyos, residente
ng Taragona, Mati, Davao Oriental at Glenn Noniala Gargarita, trentay sais
anyos, residente ng Purok Clemente, Mati, Davao Oriental, para sa isang ilegal
na transaksyon.

Dahil dito,
agad naglagay ng checkpoint sa entrance at exit ng Barangay ang mga tauhan ng
Police Station number 3 at Barangay tanod sa pangunguna mismo ng kanilang
station commander na si Sr. Insp. Yul Hilado.

Ayon sa report,
dakong alas diyes bente nang umaga nang maharang si Camagal at Gargarita na
sakay ng SUZUKI motorcycle na walang license plate.

Nakuha mula
kay Camagal ang ilang drug paraphernalia kaya agad inaresto ng Police Station
number 3 kung saan ay nakakulong ang mga ito sa ngayon.

Locla...Kasabay ng pagdeklara ni Pope Francis sa September 1 bilang World Day of
Prayer for Creation, isinagawa namana ang malawakang prayer caravan at rally sa
South Cotabato kahapon.

Ang rally na pinangunahan ng Diocese of Marbel ay nilahukan ng mahigit
limang libo katao mula sa iba’t ibang lugar sa SOCCKSARGEN Region.

Ang mga ito ay kumakatawan hindi lamang sa simbahan kungdi maging sa iba
pang sektor na ipinakita ang kanilang mariing pagtutuol sa aerial praying.

Naniniwala ang mga dumalo sa rally na ang aerial spraying ay nagdudulot
umano ng peligro hidi lamang sa kapaligiran kungdi maging sa mga mamamayan na
nakatira sa paligid ng mga banana plantation.

Ang Caravan ay nagsimula sa General Santos City, at nagtapos sa bayan ng
T’boli kung saan nagkaroon ng programa ang mga nagkilos protesta.

Ayon naman kay Father Guillerme Joy Pelinyo, ang director ng Social
Action Center ng Diocese of Marbel, ang pakikilahok ng mamamayan sa rally ay
tanda ng pagkakaisa ng mga ito para sa pangangalaga sa kalikasan.

Binigyan diin ni Father Pelinyo na bilang mga nilikha ng diyos,
obligasyon ng bawat mamamayan na alagaan kung anumang ang biyayang ibinigay
nito sa mga tao. 0-

CUE ………………. STINGER BALITANG PAMBANSA

Isusulong
ng Department of Science and Technology o DOST na mabigyan ng sertipikasyon
para kilalanin ang mga traditional herbal healer o albularyo na maging
propesyonal sa kanilang larangan.

Ayon
kay Jaime Montoya ang executive director ng DOST Philippine Council for Health
Research and Development, umaasa ang ahensiya na mabigyan ng akreditasyon sa
sunod na taon ang mga albularyo” sa pakikipag–ugnayan at tulong ng Department
of Health-Philippine Institute of Traditional and Alternative Health Care.

Aniya,
ang pagkilala sa mga albularyo ay makatutulong sa kanilang larangan at sa DOST
hinggil sa kaalaman sa herbal medicine.

0- local...Magtatagpos ang Population Census sa Koronadal City sa September 6.

Ito ang kinumpirma ni Jing Superlativo, ang Registration Officer 3 ng
Koronadal City Population Office.

Layon ng census ayon kay Superlativo na magkaroon ng update ang local na
pamahalaan sa bilang mga mamamamayan sa lungsod.

Ito kasi ayon kay Superlativo ang maging batayan ng pamahalaang nasyonal
sa pagbibigay ng Internal Revenue Allotment o IRA.

Mahalaga ang population census dahil ginagawa rin itong basehan sa
pagtatag ng bagong mga local government units at conversion ng mga LGU sa
higher level.

Kabilang dito ang pag-convert sa mga bayan para maging component cities
at pagiging highly urbanized naman ng mga component cities.

Ang population census ay minamadali na ngayong tapusin ng mga kawani ng
city civil registrar na naglilibot sa dalawamput pitong mga barangay sa
Koronadal City. 0-local...Naghahanda na para sa mega jobs fair kaugnay sa 15th Charter Anniversary
ng lungsod sa Oktobre ang lokal na pamahalaan ng Koronadal.

Ayon kay Judith Marmonejo, ang Manager ng Public Employment Service
Office o PESO Koronadal, ang mga nais makilahok sa jobs fair ay maari nang
magpatala sa kanilang tangapan ngayon.

Ang Dalawang araw na Jobs fair na wala pang pinal na petsa ay gagawin sa
Gaisano Grand Mall.

Ang mega jobs fair ayon kay
Marmonejo ay bukas hindi lamang para sa mga taga Koronadal kungdi maging sa mga
job seekers mula sa mga karatig lugar.

Inihayag ni Marmonejo na bilang paghahanda sa kanilang mega jobs fair,
sususpendihin ng lokal na pamahalaan ang kanilang mini jobs fair tuwing byernes
sa susunod na buwan.

Umaapela naman si Marmonejo sa
mga mamamayan na walang trabaho at mga bagong graduates na makilahok sa
kanilang mega jobs fair.

Ang jobs fair ayon kay Marmonejo ay lalahukan din ng mga kompanyang
magaalok ng trabaho sa loob at labas ng bansa. Katuwang ng lokal na pamahalaan
ng Koronadal sa pagsasagawa nito ang Department of Labor and Employment o DOLE
12. 0- Local…………………….

ANIM
na session na lamang ang natitira bago ang target date ng pagpasa ng Bangsamoro
Basic Law o BBL sa kongreso hanggang September 15.

Bagama't
ilang mga problema sa quorom ang nagpapabagal sa pagpasa ng BBL, naniniwala ang
ilang mga mambabatas na mailulusot ang nasabing panukala.

Ayon
kay House of Representatives’ Ad Hoc Committee on the Bangsamoro Basic Law
Chairperson at Principal sponsor ng HB 5811 o substitute bill ng draft BBL ng
GPH-MILF na si Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, KUMPIYANSA siyang maipapasa
ang bbl bago ang itinakdang araw sa Sept. 15.

Dapat
na maipasa ang HB 5811 bago ang September 28 upang mapagusapan o mapagdebatehan
na ang 2016 budget sa plenaryo.

TALIWAS
naman sa positibong pananaw ng mga mambabatas, Inihayag naman ni Muntinlupa
Rep. Rodolfo Biazon ang posibilidad na hindi maipapasa ang BBL ngayong buwan ng
setyembre o Oktubre.

Ayon
kay Biazon, nasa decommissioning issue pa sila at nasa 20 pa ang dapat
sumailalim sa interpellation.

Paglilinaw
ni Biazon, Sakaling hindi maipasa ang BBL hanggang oktubre, magfa-file ng
candidacies ang mga kakandidato sa susunod na eleksyon sa ilalim ng ARMM o
Autonomous Region in Muslim Mindanao law” o RA 9054.

CUE ………………. STINGER BALITANG PAMBANSA

Ibinunyag
ni Commission on Elections Chairman Andy Bautista na posibleng gamitin ng
ahensya ang mga lumang PCOS machines sa darating na 2016 synchronized
elections.

Aniya,
bagama’t ibi-bid ng ahensya ang refurbishment at pag-upgrade sa 82,000 PCOS
machines na gagamitin sa 2019 mid-term elections, pinag-­aaralan din umano na
magamit ang ilan sa mga ito sa May 2016 elections.

Idinagdag
ni Bautista na sa kabila ng paglagda nang poll body ng kasunduan sa Smartmatic
para magamit ang bago at upgraded version ng PCOS machines, ay may posibilidad
na gamitin din ang mga lumang makina para maabot ang voter-to-machine ratio na
600 voters per cluster kada makina.

Sinabi
pa ni Bautista na ilang IT firms ang nagpahayag ng intensyong tumulong at
magamit ang lumang PCOS machines na tinatayang nasa 82,000 at nakatago sa
warehouse sa Laguna.

Magugunitang
nag­desisyon ang Comelec na upahan ang 94,000 optical mark readers (OMRs) para
magamit sa darating na eleksyon.

NARITO
ANG BALITANG PANGKALUSUGAN HATID NG GOLDSHINE PHARMACEUTICALS INCORPORATED.

HEALTH
NEWS-

Lumabas sa isang pag-aaral sa
University of Soutrh Carolina na may magandang epekto sa ating katawan ang
fasting o pag-aayuno.

Sa tulong ng dalawa hanggang apat na
araw na fasting kada anim na buwan, nagigising nito ang ating mga stem cells
upang magpatibay muli ng ating immune system.

Payo ng mga eksperto, gawin ang
detoxification fasting kung saan lilimitahan ang pagkain at tanging tubig
lamang ang iinumin tuwing nagugutom.

Dapat din umanong gawin ito sa mga araw
na walang masyadong ginagawa upang hindi mapwersa ang katawan at labis na
manghina.

- Local……………….

TEMPORARYONG
IPINAGBABAWAL ng Department of Education o DepEd Cotabato City sa kanilang mga
guro ang pagsuot ng mga t-shirt na may mukha o kulay na nagre-representa ng
partido sa pulitika o kandidato sa lungsod.

Ito ay upang
maiwasang masangkot ang mga guro sa anumang political issues, pangangandidato o
paghayag ng pagsuporta ng sa isang kandidato.

Ayon kay
Cotabato Schools division Supt. Concepcion Balawag, mahigpit nilang
pinaalalahanan ang kanilang mga guro lalo na't nalalapit na ang itinakda ng
Comelec para sa filing of certificates of candidacy o COC sa Oktubre para sa
mga kakandidato sa susunod na eleksyon.

Pero nilinaw
ng DepEd na hindi nila mapipigilan ang mga eskwelahan at mga guro na humingi ng
suporta mula sa mga incumbent elected government officials sa anumang dahilan.

Nalalapit na
rin ang pagunita ng National Teachers’ Month simula ngayong September 5 hangang
October 5 na dapat na paghandaan at bigyang halaga ng mga guro.

kung saan,
ito ang panahon na dapat magsaya at hindi dapat masangkot sa anumang isyu ang
mga guro lalo na sa ngalan ng pulitika.

BALITA ABROAD………………….. PLAY STINGER

NANINDIGAN
ang Thailand na makikipagtulungan sa Pilipinas at sa mga kasaping bansa sa
Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) upang lubusang maipatupad ang
Declaration on the Conduct (DOC) ng mga partido sa South China Sea at sa
mabilis na pagtatapos ng Code of Conduct (COC) sa South China Sea.

Ito
matapos ang pakikipagpulong ni Thai Prime Minister General Prayut Chan-o-cha
kay Pangulong Benigno Aquino III sa Malacañang ayon sa Department of Foreign
Affairs.

Ayon
sa DFA, ipinagbigay-alam ni Pangulong Aquino kay Prime Minister Prayut ang mga
huling kaganapan sa kasong arbitration ng Pilipinas sa Permanent Court of
Arbitration sa The Hague.

0SPORTS ……………. (Play Stinger)

MULING sumailalim sa pagsasanay ang National men’s football team
na Philippine Azkals upang paghandaan ang World Cup qualifying tournament.

Para kay Azkals coach Thomas Dooley, mabigat na kalaban ang
susunod nilang makatutunggaling Uzbekistan sa September 8 sa Philippine Sports
Stadium sa Bulacan.

Bagamat natalo ito sa una nilang laban kontra North Korea, 2-4,
ang Uzbeks ang nakikita niyang pinakamalakas na katunggali sa kanilang grupo.

Nakita ni Coach Dooley ang skills at talento ng Uzbekistan na
may world ranking na ika-74 sa paglalaro kung saan tila hindi na kailangan pa
ng mga Ito ang lumikha ng sitwasyon upang maka-goal.

Sumainyo ang mga bidang balita ngayong MIYERKULES, SEPTEMBER 2, 2015… INYONG NAPAKINGGAN sa mga himpilan
ng NOTRE DAME BROADCASTING CORPORATION, ang RADYO BIDA at HAPPY FM…

Bahagi ng serbisyo-publiko ng Oblate of Mary Immaculate na MAHIGIT
75 taon ng nagbibigay ng makabuluhan at matapang na paglilingkod sa Pilipinas.

AKO SI CALOY BAUTISTA .

Maaari ninyong balikan ang
mga balitang narinig sa sa and//www.ndbcnews.com.ph www.ndbcnews.com.ph na ngayon ay mayroon ng
mahigit 500 tagapagtangkilik at mambabasa.

Sa ngalan ng NDBC Radyo Bida News and Current Affairs Team,
I-WATCH Productions at Maguindanao Sky Cable,

Hanggang BUKAS pong
muli! Maraming salamat at MAGANDANG UMAGA.

300 pamilya, lumikas dahil sa bakbakan ng dalawang armed groups sa Pigcawayan

LUMIKAS ang nasa 300 mga indibidwal mula Barangay Banucagon, Pigcawayan, Cotabato nang sumiklab kahapon ng hapon ang bakbakan sa pagitan ng dalawang...

Cotabato Light announces power interruption for April 30

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company announced the scheduled power interruption affecting some parts of Barangay Macaguiling, Sultan...

Over P65-M shabu destroyed in Sulu: PDEA

COTABATO CITY - The Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office (PDEA-BARMM) destroyed more than 11 kilos of dangerous drugs with a...

DENR-12, partners kick off tree planting efforts in Sarangani tree park

KIAMBA, Sarangani Province – A total of 300 native tree seedlings were planted on Monday, April 22, by the DENR Community Environment and Natural...

Army gets 5-hectare land for new Basilan camp

COTABATO CITY - The Lamitan City government on Tuesday donated to the Philippine Army a five-hectare land for a camp as part of its security and...