Thursday May, 26 2022 02:04:35 PM

NDCB BIDA BALITA (3.1.19)

NDBC BALITA • 19:00 PM Fri Mar 1, 2019
998
By: 
NDBC NCA

-NEWSCAST MARCH 01, 2019 (FRI)
7:00 AM  

HEADLINES:   

 1. TATLONG mga sundalo, patay sa magkahiwalay na mga insidente ng pamamaril sa Cotabato city at Maguindanao.   

 2. DALAWANG mga wanted person, arestado sa magkahiwalay na mga operasyon ng PNP sa Kidapawan City at Magpet, North Cotabato.   

 3. Tatlo katao, patay habang isa pa, sugatan sa salpukan ng dalawang mga motorsiklo sa Koronadal City   

-0-

DALAWANG mga sundalo ang nasawi habang isa pa ang nasa malubhang kondisyon matapos silang tambangan ng mga hinihinalang miembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF sa Datu Salibo, Maguindanao.

Nakilala ang mga napatay na sina Private First Class Junard Estribor at Private Nelier Jhan Pinto habang kritikal naman ngayon sa ospital si Private Muqtadir Sampulna, pawang mga sundalo ng Army’s 57th Infantry Battalion.   

 Isang sibilyan rin umano ang tinamaan ng mga ligaw na bala sa naturang insidente.   

 Sa report mula sa Army’s 6th Infantry Division, sakay umano ang mga biktima sa kulay pulang kotse nang bigla silang paulanan ng bala ng mga armadong suspek sa bahagi ng Sitio Kurungan, Barangay Sambulawan ng nabanggit na bayan pasado alas singko ng hapon kahapon.   

 Agad namang tumakas ang mga suspek sakay ng isa ring kotse.   

-0-   Local………………….   

 DEAD ON THE SPOT naman ang isa pang sundalo matapos mabiktima ng pamamaril sa Sinsuat Avenue, Barangay Rosary Heights 9, Cotabato City pasado alas dose ng tanghali kahapon.   

 Nakilala ang biktima na si Army Staff Sgt. LEVI VERANDE LARDERA, 40 years old,may asawa, nakatalaga sa Army’s 37th Infantry Battalion, at residente ng Gonzalo Javier Street, Barangay Rosary Heights 7 ng syudad.   

 Sa report ng City PNP, sakay ng motorsiklo patungong Barangay Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao ang biktima nang tabihan ng riding tandem suspects at agad na pinagbabaril gamit ang cal. 45 pistol.   

 Nagtamo ng mga tama ng bala sa kanyang likod at kanang balikat ang biktima na naging sanhi ng kanyang kamatayan.  

-0-

DALAWANG mga drug suspect ang nadakip ng mga otoridad sa magkahiwalay na buy bust operation sa Cotabato city.   

Unang nadakip ang binatilyong si MOJIAHID SABAN alyas THO, 19 na taong gulang na taga Purok Von, Brgy. Tukananes, Barangay Poblacion Siyete.   Hinuli ang naturang suspek pasado alas dyes ng umaga kamakalawa sa Rajah Tabunaway Boulevard, Barangay Poblacion Singko.   

 Nakuha mula sa kanya ang isang sachet ng pinaghihinalaang shabu at ang ginamit na marked money.   Samantala, sunod namang nahuli ang isa pang drug suspek na si DATU LOP BABAGO, 32 years old, may asawa, taga Barangay Bagua Dos.   

 Nadakip ang suspek sa kanto ng Sta. Maria at Sta. Barbara St., Mother Brgy. Rosary Heights.   Nakuha mula sa suspek na nakilalang ang isang sachet ng pinaghihinalaang shabu at marked money.  

0--0-

NILINAW ngayon ng Malacañang na walang hiwalay na kasunduang bubuuhin ang gobyerno at Moro National Liberation Front o MNLF.   

 Sinabi ni Executive Sec. Salvador Medialdea na ito ay bahagi lamang ng “gentlemen’s talk” nina Pangulong Duterte at MNLF founding chairman Nur Misuari.   Ayon kay Medialdea, hindi maaaring magkaroon ng ikatlong uri ng gobyerno dahil baka hindi matapos ang rebelyon sa Mindanao.   

 Ito ay sa kabila ng nauna ng kautusan si Pangulong Duterte kina Interior Sec. Eduardo Año at Defense Sec. Delfin Lorenzana na gumawa ng draft agreement para sa MNLF.   

 Paglilinaw ni Medialdea, gusto lamang ipalatag ni Pangulong Duterte ang mga mungkahi para magiging mas katanggap-tanggap sa kampo ni Misuari ang Bangsamoro Organic Law o BOL na pinangangasiwaan ngayon ng Bangsamoro Transition Authority o BTA.   

 Kaugnay nito, muli umanong maghaharap at magpupulong sina Pangulong Duterte at Misuari para plantsahin ang mga mungkahing ito na balak umanong ipatupad ng pangulo kasama ng umiiral na BOL.   

Sa kabilang dako naman, hindi umano mabubuwag ang Moro Islamic Liberation Front o MILF ngayong meroon ng BTA na namamahala sa bagong tatag na Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

-0-

DALAWA PANG mga miembro ng Abu Sayyaf Group o ASG ang magkahiwalay na sumuko sa tropa ng pamahalaan sa Sulu.   
 Kinilala ni AFP Western Mindanao Command spokesperson Col. Gerry Besana ang unang sumuko na si Jul-Amri Sali alyas “Pujong”, 27 years old, taga Brgy. Bulangasin, Panamao, Sulu, na nasa ilalim ng pamumuno ni Abu Sayyaf Commander Radulan Sahiron.   

 Ayon kay Besana si Sali ay sumuko sa himpilan ng  Marine Battalion Landing Team 3 na nakabase sa Brgy. Seit, Poblacion, Panamao, Sulu na pinamumunuan ni Lt. Col. Ramil Holgado   Isinuko rin nito ang dalang M1 garand rifle.   

 Samantala, sumunod namang sumuko ang isa pang ASG member na kinilala lang sa alyas na “Sibih”.   Sumuko ito sa Army’s 21st Infantry Battalion na nasa Brgy. Danag, Patikul, Sulu.   

 Sinabi ni Sibih na nadismaya siya matapos na marami sa kanyang mga kasamahang sugatan at nasawi ang pinababayaan lamang umano ng kanilang lider.   -0-

-0-
 

Board Member Socrates Piñol, hinamon ang Gobernadora na makipagdebate dahil sa isyu ng agrikultura Deadma lamang si North Cotabato Gov. Emmylou Taliño-Mendoza sa naging hamon ni Board Member Socrates Piñol na makipagdebate sila hinggil sa isyu sa agrikultura sa probinsya. 

Nag-ugat ang kanyang paghamon sa gobernador matapos umanong binabatikos si DA Secretary Manny Piñol sa samu’t-saring isyu hinggil sa agrikultura. 

Matatandaan na sa isang talumpati ng Pangulo minura nito ang kalihim dahil sa pangako na magkaroon umano ng rice suffiency ang bansa gayung hindi naman ito mangyayari. 

Sa kabila nito ay iginiit ng mambabatas na mananatili ang kanyang pagrespeto sa gobernador dahil ang gobernadora pa rin ang kanyang boss hanggang sa Hunyo ng kasalukuyang taon. 

Naglabas din ng kanyang sama ng loob ang board member dahil sa sigalot dala ng pulitika sa probinsiya. 

Samantala, tinawanan lamang ni Gov. Lala Mendoza ang hamon ng kanyang katungali sa pagkabise gobernador sa mismong tugon nito sa pamamagitan ng text message na ipinarating sa DXND-Radyo BIDA. 

Giit ng gobernador, abala siya sa pamamahagi ng actual intervention sa agrikultura dahil sa mababang presyo ng ilang mga high value crops. 

Aniya, namahagi siya ng certified palay sa 150 na mga Magsasaka sa Balindog, Kidapawan City at kahapon ay 150 ding mga magsasaka ang nabahaginan ng kahalintulad na serbisyo. Nagpasaring pa ang gobernador sa huling bahagi ng kanyang mensahe na ipatuloy ang Serbisyong Totoo NDBC BIDA BALITA

-0-

 

 

Dalawa ka tao, patay sa vehicular accident sa Davao Del Sur Patay ang dalawa ka tao kabilang na ang isang menor de edad matapos na bumangga sa nakaparadang truck sa Davao Cotabato Highway particular sa barangay Kinukol Sta. Cruz Davao Del Sur. 

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Allyza Tirik Abeco, 15 anyos at nakatira sa barangay Zone 1 Lubo ng nasabing lungsod, Haris Jusol Maitum, 21 anyos, may asawa at nakatira sa Toril Davao City. 

Ayon sa ulat ng davao Del Sur PNP traffic division, pasado alas 10:15 ng gabi kamakalawa minamaneho ng menor de edad na babae ang isang motorsiklo sakay si Maitum. Pagdating sa pinangyarihan ng insidente, hindi umano napansin ng mga biktima ang isang nakaparadang Mitsubishi Fighter Dropside na minamaneho naman ni George Delos Santos, 33 anyos at residente ng Digos City. 

Ayon sa ulat, nakaparada ang nasabing truck sa inner lane ng daan dahil nasiraan pero may nakalagay namang mga early warning device pero mabilis ang takbo ng sasakyan dahil para sumalpok ang motorsiklo sa likurang bahagi ng truck. Dead on the spot ang dalawang mga biktima habang nasa kustodiya nan g PNP ang drayber ng naturang sasakyan. NDBC BIDA BALITA

-0-

 

Temporary closure ng Mt. Apo, pinag-aaralan sanhi ng matinding init ng panahon sa North Cotabato 

Pinag-aaralan na ngayon ng Lokal na pamahalaan ng Kidapawan City kung ipapasara muli para sa mga climbers ang Mt. Apo ngayong summer seaon

Dahil na din sa matinding init na nararanasan sa lungsod na maaring maging dahilan ng grassfire. Sa panayam ng Radyo Bida kay City Tourism officer Joey Recimilla, inaantay pa ng City Tourism Council ang magiging desisyon ng Protected Areas Management Board o PAMB ng DENR kung itutuloy ba ang temporary closure. 

Bagamat bukas pa ang bundok sa mga climbers sa kasalukuyan, pinag-aaralan din kung lilimitahan ang bilang ng mga aakyat sa layuning makontrol ang dami ng climbers at upang maiiwasan ang posibleng sunog.

 Patuloy na umiinit ang panahon at natutuyo na ang mga damo sa bundok na peligrosong magsanhi ng grass fire. Matatandaang taong 2016 na naitala ang grassfire na sumira sa ekta-ektaryang kahuyan at damuhan sa bundok. Sampung kilometro ang haba ng kasalukuyang fireline na may lapad na sampung metro. 

Habang may namuo namang yelo o tinatawag na icicles sa ilang parte ng Mt.Apo kahapon ng umaga. Sinabi ni Recimilla, normal lang ang nasabing pangyayari dahil ito sa pagtatagpo ng init sa baba at lamig naman sa taas ng bundok. 

-0-

 

Dalawang mga wanted person, arestado sa magkahiwalay na operasyon ng PNP sa Magpet at Kidapawan City 

Arestado ang dalawang mga wanted persons sa magkahiwalay na operasyon ng mg pulis sa bayan ng Magpet at Kidapawan City kahapon, Unang naaresto ang isang wanted person na may dalawang bilang ng nkasong robbery na kinilalang si Vicente Cañedo, nasa hustong gulang, may asawa at nakatira sa barangay NOA Magpet, North Cotabato. 

Ang naaresto ay number 4 wanted person sa nasabing bayan. Nasa kustodiya nan g Magpet PNP ang naaresto. Habang alas 8:45 ng umaga kahapon, naaresto naman ang lalaking may kasong paglabag sa RA 7610 o Protection against child abuse, exploitation and discrimination sa barangay Sudapin Kidapawan City. 

Kinilala ang naaresto na si Andy Manay Buenaflor, 45 anyos at residente ng nasabing barangay. 200,000 pesos naman ang inirekomendang piyansa para sa temporaryong kalayaan ni Buenaflor. Temporyaong nakapiit na ang suspek sa lock up cell ng Kidapawan City PNP. NDBC BIDA BALITA

-0-

 

Oil Palm plantation sa bayan ng Arakan North Cotabato, nasunog 

Ekta ektaryang pananim na mga Oil Palm plsnysyion ang nasunog sa bahagi ng barangay Gambodes Arakan North Cotabato, kahapon. Ayon kay BFP Arakan, Senior Fire Officer 2 Ronald Valle, una silang nakatanggap ng report kahapon ng tanghali na may forest fire sa lugar. 

Bandang alas 4:45 ng hapon ay kumalat na ang nasabing sunog. Ang nasabing Palm oil plantation ay pagmamay-ari ng isa sa mga Municipal Councilor ng Matalam North Cotabato na nasa hangganan na ng Arakan, Bukidnon at Marilog District sa Davao City. 

Nasa bulubunduking bahagi ang mga pananim dahilan upang masunog rin ang mga halamang nakapalibot sa bundok. Ayon sa natanggap na report ng BFP mula sa caretaker ng plantasyon ay may nagsusunog umano malapit sa kanilang area na siyang posibleng dahilan ng sunog. 

Isa naman ito sa iniimbestigahan ngayon ng BFP.  

 Sa ngayon ay fire control na ang plantasyon matapos na umambon sa naturang lugar. 

-0-

PNP wala pang natukoy na election hotspots sa region 12 

 Walang ideklarang hots spots o areas of concern kaugnay sa eleksyon sa Mayo ang pulisiya sa region 12. Ayon kay PRO 12 Spokesperson, Police Superintendent Aldrin Gonzales, nanatili pa ring matiwasay ang rehiyon at wala silang naitalang anumang karahasan kaugnay sa halalan. 

 Dinagdag ni Gonzales na bilang pagtalima sa kanilang security plans, naka full alert ngayon ang lahat na police units sa buong SOCCKSARGEN. Dinagdag din nito na pinaigting rin ng PNP 12 ang kanilang monitoring para masiguro ang maayos at matiwasay na Eleksyon sa Mayo sa region 12.

 Nilinaw ni Gonzales na dahil sa ngapapatuloy na assessement at monitoring hindi pa maaring ideklara ng PNP 12 ang natukoy nilang posibleng election hotspot. Ang mga ito ayon kay Gonzales ay mga nasa Cotabato City at Sarangani at iba pang lugar na nakapagtala noon ng election related violence, matinding political rivalry at presensya ng armadong grupo. 

 Ibinabase naman ng PNP ang pag-classify sa election hotspot depende sa banta ng seguridad ng isang lugar. Ang mga ito ay ang areas of concern, areas of immediate concern, at areas of grave concern. 

-0-

Scholarship program nito, bubuksan sa mas maraming estudyante sa kolehiyo ng pamahalaang panlalawigan ng South Cotabato 

 Target ng pamahalaang panlalawigan ng South Cotabato na makapagtala ng mas maraming iskolar ngayong taon sa pamamagitan ng kanilang Kabugwason Paglaum Scholarship Program o KPSP. Ito ang ipinahayag ni KPSP Executive Director Ruel Bagunoc, kasunod ng pagtanggap na ng application para sa nasabing programa. 

 Ayon kay Gabunoc ang application form para sa KPSP ay maari nang makuha sa provincial capitol sa Koronadal City simula ngayong Marso. Dinagdag nito na tulad noong mga nakaraang taon, ang mga aplikante ay dadaan sa masusing screening at evaluation processes ng panel na kinabibilangan ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang sektor. 

 Layunin nito na matiyak na mapili ang deserving at pinaka-kwalipikadong aplikante. Sinabi ni Bagunoc na bukas ang scholarship slot sa limang mga kategorya ng grant-in-aid program na nakasaad sa provincial ordinance. 

 Mapapabilang sa Category A ang sholar na ang pamilya mayroon annual income na mababa sa P200,000; Category B ang mayroong P200,000 pataas at Category C naman ang iskolar na mga mayroong recognitioon o nanalo sa regional o national competition. Ang Category D ay para naman sa mga persons with disability habang ang Category E ay para sa mga Indigenous Peoples. 

 Ang mga KPSP scholars ay maaring mabigyan ng 15,000 pesos na pang tuition at ibang bayarin kada semester. Makatatangap din ang mga ito ng mula 1,500 hanggang 3,500 pesos na buwanang stipend. 

 Ipinahayag ni Bagunoc na 39 ng mga scholars ng KPSP ang nagtapos noong nakaraang taon. 

-0-

Tatlo patay, isa sugatan sa salpukan ng dalawang motorsiklo sa Koronadal City 

 Pawang dead on arrival sa South Cotabato Provincial Hospital ang tatlong sakay ng nagsalpukang motorsiklo sa Koronadal City. Kinilala ng Koronadal PNP na pinamumunuan ni Police Superintendent Benjiel Kirby Bajo ang isa sa nasawing biktima na sina Loie Jay Debil, nakatira sa Barangay Zone 3,sa syudad. 

 Sugatan naman sa insidente ang angkas nitong si John Michael Dela Cruz, 30 years old ng Barangay Sto. Nino sa syudad. Lumabas sa inisyal na pagsisiyasat ng mga pulis na nakasalpukan ng Suzuki Raider na minamaneho ni Debil ang kasalubong na Kawasaki Bajah motorcycyle sa provicial road, sa Purok Twin River East, Barangay Sto. Nino, Koronadal. 

 Dahil sa lakas ng impact ang driver ng Kawasaki Baja na si Kenneth Peril 20 anyos 21 at angkas nitong si Mchern Vitar pawang mga nakatira sa Sitio Lagono, Kalawani II, President Quirino, Sultan Kudarat ay nagtamo ng matinding mga sugat. 

 Ito ay nagresulta naman sa kanilang dagliang pagkasawi. Ang dalawang motorsiklo ay ikinustodya ng mga pulis habang nagpapatuloy pa ang kanilang imbestigasyon sa naganap na vehicular crash. 

-0-

 DA Secretary inaasahan ang mas mataas na produksyon ng sektor ng agrikultura sa bansa ngayong 2019 

Naniniwala si Department of Agriculture Secretary Manny Pinol na makakabawi ngayong taon sa hindi magandang peformance nito noong nakaraang taon ang sektor ang Agrikultura sa bansa. 

 Ayon kay Pinol inaasahan na nito ang pagtaas ng produksyon sa palay, abaca, saging at maging ng mga palaisdaan sa unang quarter ng 2019. Kaugnay nito, hiniling naman ni Pinol sa mga kawani ng DA na ipagpatuloy ang trabaho lalong lalo na sa mga programang may layung magkaroon ng sapat na pagkain ang bawat mamamayang Pilipino. 

 Dinagdag ni Pinol na nakikipag tulungan na rin ang pamahalaan sa isang Israeli Agricultural company sa pagpapagawa ng mahigit anim nalibong solar-powered irrigation system. 

 Ito ay may kakayahang mag-supply ng tubig sa mahigit limang daang libong ektaryang palayan at pataniman ng high value crops sa buong bansa.

Bomb explodes inside travelling Yellow Bus in Koronadal

KORONADAL CITY - A suspected improvosed bomb went off inside a moving Yellow Bus along Gen San Drive, this city, particular in front of KCC Mall....

UPDATE: Fire hits Cotabato City's PC hill residential area

COTABATO CITY - SUMIKLAB ANG SUNOG sa PC hill Cotabato City na tumupok sa ilang mga tahanan na nasa likod ng Cotabato City Naitonal High School annex...

Bus conductor slain, driver hurt in NoCot gun attack

KABACAN, North Cotabato – An unidentified gunman shot dead Wednesday a bus conductor of Rural Tours inside what supposed to be a police well-...

PNP: Lanao Sur special polls “peaceful, orderly, quiet”

COTABATO CITY – Police said the special elections in 12 villages in Lanao del Sur have been going on smoothly without any hindrances. Lt. Colonel...

MILG-BARMM continues projects to capacitate LGUs

COTABATO CITY – Minister Naguib Sinarimbo of the Ministry of the Interior and Local Government in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao...