Oil price increase, ikakasa bukas ng mga oil companies
Breaking News • 06:30 AM Mon Feb 20, 2023
346
By:
NDBC NCA
BUKAS, inaasahan na magtataas ng presyo ang mga produktong petrolyo.
Ang diesel ay madadagdagan ang presyo ng kada litro ng P0.70 hanggang P0.80, samantalang P0.50 – P0.60 naman sa gasolina.
Sinabi ni Department of Energy Oil Industry Management Bureau assistant director Rodela Romero na ang pangunahing dahilan ng paggalaw sa halaga ng langis sa pandaigdigang pamilihan ay ang plano ng Russia na magbawas ng produksyon sa krudo at ang pagtaas ng forecast sa pangangailangan ng langis ng International Energy Agency.