Opisyal at kawani ng Office of Vice Pres. Sara sa BARMM, nagtanim ng mga puno
COTABATO CITY - Nagsagawa ng tree planting activity ang Office of the Vice President (OVP-BARMM) sa Barangay Talibadok, Datu Hoffer, Maguindanao del Sur nitong nakaraang linggo.
Umabot sa 1,500 seedlings ng mahogany, narra at mga bamboo shoots ang naitanim kasama ang Ministry of Environment, Natural Resources and Energy (MENRE) - Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, LGU ng Datu Hoffer, Barangay Talibadok officials, Palao and Forest Rangers, 40IB Philippine Army 6ID, PNP, BFP, Bangsamoro READi at mga grupo ng environmentalists mula sa iba’t-ibang lugar ng probinsya.
Bago yan, noong Sept. 8, nasa 1,000 na mahogany at narra seedlings naman ang naitanim sa isa ring tree planting activity na ginawa sa Darapanan Camp, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.