P200k reward up for suspects in Mlang bus arson
Local News • 11:30 AM Fri Jun 4, 2021
1
By:
Edwin O. Fernandez
KIDAPAWAN CITY - Abot sa P200,000 ang reward money na inihanda ng local officials ng North Cotabato para sa pagkakilanlan, pagdakip at prosecution ng mga taong nasa likod ng pagsunog sa Yellow Bus Line unit sa Mlang, North Cotabato kahapon na ikinasawi ng tatlo katao.
Si Mayor Russel Abonado ng Mlang ay nag-alok ng P100,000 habang si North Cotabato Gov. Nancy Catamco ay nag-alok ng dagdag na P100,000 reward.
Nangako rin si Catamco ng tulong para pamilya ng mga nasawi na sina John Roy Ramil Jr., 28, laborer at Hazel Mallo Gallardo, 30, kapuwa taga Poblacion Mlang at si Arnold Patron, 49, na taga Tulunan town.