P3.4-M na halaga ng shabu nakumpiska ng PDEA-BARMM, 2 suspect huli
Local News • 13:45 PM Thu Mar 4, 2021
657
By:
NIGEL PAUL FLORA SUMANGHID/DXMS Radyo Bida
ABOT sa 3.4 milyon pesos na halaga ng shabu ang nakumpiska ng PDEA-BARMM mula sa dalawang drug suspek sa ikinasang drug bust operation sa Purok Krislam, Poblacion 2, Cotabato City alas onse ng umaga kanina.
Kinilala ni PDEA-BARMM Regional Director Juvinal Azurin ang mga suspek na sina Saidin Campong at Salipudin Campong.
Nasabat mula sa mga suspek ang 500 grams ng shabu isang libong piso na ipinatong sa 800,000 pesos na photocopied money, isang unit ng analog cellphone at isang blue multicab.
Pinuri naman ni Cotabato City Mayor Cynthia Guiani Sayadi si Director Azurin dahil sa isa nanamang matagumpay na operasyon.