Wednesday Sep, 27 2023 12:53:25 AM

Pagpatay sa mga kasapi ng CAFGU sa Buldon, Maguindanao Norte, kinundina ng 6th ID

Mindanao Armed Conflict • 20:30 PM Mon Nov 28, 2022
459
By: 
6th ID Division Public Affairs Office

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – Mariing kinundena ng pamunuan ng 6th Infantry Division ang pamamaril sa mga kasapi ng civilian active auxiliary (CAA) sa Sitio Simway, Edcor, Buldon, Maguindanao del Norte, ala-1:00 ng madaling araw kanina.

Ayon kay Major General Roy M Galido, 6th ID commanding general at hepe ng Joint Task Force Central, hindi makatarungan ang pagpaslang sa mga miyembro ng CAA na nagbabantay lamang ng inaayos na tulay.

“This inhumane act of the killing and wounding of our personnel must be condemned to the full extent. JTF Central calls on the populace to remain vigilant of the atrocities of these culprits behind the attack on our personnel hence, this shooting incident deliberately violates the right to life and cannot be justified under any ideology or circumstance,” ayon kay Maj. Gen. Galido.

Sa ulat na nakarating kay Colonel Eric A Macaambac, ang Commander ng 1st Marine Brigade nagbabantay sa inaayos na tulay na nasira dahil sa pananalasa ng ‘Tropical Storm Paeng’ ang mga miyembro ng mga CAA ng sila ay pagbabarilin ng mga armadong suspek.

Kinilala ang mga nasawi na sina CAA Christian Silvestre; CAA Ignacio Lozada; at CAA Dondon Ahito habang sugatan naman sina CAA Arnel Cayanan at CAA Calbertson Baggay. Kinuha din ng mga suspek ang apat na M14 rifle ng mga biktima.

Isa sa dalawang sugatan ay pumanaw na rin sa ospital alas 4 ng hapon.

Kaugnay nito, inatasan na ni Maj. Gen. Galido ang mga tauhan nito na tugisin ang mga responsable sa nasabing krimen.

“We will ensure that justice for the victims will be served,” dagdag ni Gen. Galido.

Reformation center nearing completion in former ASG bastion in Sulu

COTABATO CITY – Former Moro extremists who opted to rejoin the mainstream will soon become productive citizens once they complete skills training...

Sa Surallah, kotse bumangga sa puno, driver na guro, patay

SURALLAH, South Cotabato- Patay ang isang guro sa self-accident sa Prk. Maligaya, Brgy. Dajay, Surallah, South Cotabato alas 6:00 kagabi, Setyembre...

MOH-BARMM moves to help contain measles outbreak in Lanao Sur

COTABATO CITY - The Ministry of Health in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (MOH-BARMM) has taken steps to help arrest the outbreak...

2 slain in police anti-gunrunning ops in Sultan Kudarat

  PATAY matapos manlaban sa raiding team ang dalawang mga suspek sa ikinasang entrapment operation ng mga pulis sa National Higway, Brgy....

Dawlah member dead, 3 hurt in Maguindanao del Sur clash

COTABATO CITY - Soldiers shot dead a member of the Dawlah Islamiya and wounded three others in an encounter over the weekend in Ampatuan town in...