Wednesday Apr, 24 2024 10:29:55 AM

Pagpupulong ng pamilya Sinsuat sa Cotabato City, nauwi sa barilan; police escort, patay

Local News • 18:30 PM Tue Jan 2, 2024
552
By: 
DXMS NDBC
Tropa ng PNP at Marines sa harap bahay ni dating Cong. Ronnie Sinsuat matapos ang putukan.

KINILALA ang nasawing police escort na si S/Sgt Zahraman Mustapha Diocolano, taga Dalican, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte at nakatalaga sa Provincial Mobile Force Company ng Maguindanao Del Norte Provincial Police Office.

Ang biktima ay escort ni Datu Odin Sinsuat Mayor Datu Lester Sinsuat.

Ayon sa PNP, katatapos lamang ng pag-uusap ng nina Mayor Lester Sinsuat ng Datu Odin Sinsuat at pamilya ni Datu Jham Sinsuat sa bahay ni former Congressman Datu Roonie Sinsuat, nang biglang barilin ang escort ni Mayor Lester sa labas ng compound sa bahagi ng Rosales St., Rosary Heights 6 pasado alas dos ng hapon kanina.

Agad namang rumisponde ang PNP at Marines sa lugar at naaresto ang apat na mga suspek na sinasabing responsable sa pamamaril.

Kinilala ang mga ito na sina PFC John Carlo Bravo Nocum, kasapi ng 2nd Mechanized Battalion, Philippine Army at escort ni Datu Kim Sinsuat, Jholex Padsod Buludan, Datu Ali Ibrahim Mongkar at Roufden Angkad Ameril, na mga residente naman ng Datu Odin Sinsuat.

Sa ngayon ay blangko pa ang PNP kung bakit nauwi sa pamamaril ang sanay pagkakasundo ng nasabing pamilya.

Matatandaang nagkalamat ang pamilya matapos ang National at Local Elections noong 2022 kung saan nasawi sa pamamaril si Datu Jamael Sinsuat, Sr.

P340K na halaga ng smuggled cigarettes, natagpuan sa Maguindanao del Norte

COTABATO CITY - MAHIGIT P340,000 na smuggled cigarettes nasamsam sa baybayin ng Simuay, Sultan Mastura, Maguindanao del Norte. Sa isinagawang Anti...

Maj. Gen. Rillera honors wounded soldiers in clash with BIFF in MagSur

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte - Major General Alex S. Rillera PA, Commander of the 6th Infantry Division/Joint Task Force Central, led the...

Cotelco announces power interruption sked in Kidapawan

TO OUR VALUED MEMBER-CONSUMER-OWNERS (MCO): This is to inform you that we will have a SCHEDULED power interruption on the following scheduled date...

Cotabato Light announces power service interruption for April 25

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company has announced a scheduled power interruption for April 25, Thursday affecting Bubong, Kalanganan...

NDBC BIDA BALITA (April 23, 2024)

HEADLINES 1   BIFF leader Kagi Karialan at 11 mga tauhan, patay sa Army offensive sa Maguindanao del Sur; sabi ng BIFF laban nila di pa...