Wednesday Sep, 27 2023 12:30:04 AM

PhilHealth XII nakiisa sa 25th year ng pagsasabatas ng IPRA law

INDIGENOUS PEOPLES NEWS • 05:45 AM Sat Oct 22, 2022
1
By: 
Hanah G. Naanep PRO-III
IP couple doing their ritual during the “Kasalang Tribu” in Polomolok, South Cotabato on October 20, 2022

KORONADAL CITY - Bilang suporta sa ika dalawampu’t limang anibersaryong pagpapatupad ng Indigenous People’s Rights and Acts  o IPRA Law ngayong 2022, ang PhilHealth XII ay nagsagawa ng malawakang pagpapatala ng mga indigenous community members.

Ito ay sa pamamagitan ng pagdalo sa malawakang “Kasalang Tribu” ng South Cotabato mula October 18 sa Lake Sebu, October 19 sa Tupi, October 20 sa Polomolok, October 21 sa Tampakan; October 24 sa T’boli at October 25 sa lungsod ng Koronadal.

Ayon sa National Commission on Indigenous Peoples o NCIP, layunin nitong ma-institutionalized ang civil registration ng mga Indigenous Peoples o IPs.

“Kailangan nang ma institutionalize ang listahan ng mga IPs para sa kanilang birth, death at marriage records at kinakailangan na silang ma-empower para sa kanilang mga legal rights,” ayon kay Atty. Adolf Ryan Lantion, Legal Hearing Officer, NCIP Region XII.

Ang mga Marriage Certificates lamang na merong Local Civil Registry (LCR) ang natatanging dokumentong niri require ng PhilHealth para sa deklarasyon ng legal spouse.

Upang sila ay maisyuhan ng kanilang marriage certificates, ang mga LGUs ay nagpadala ng mga Local Civil Registrar’s representatives.

Dahil dito, inaasahang sa darating na mga araw at sa susunod pang mga taon ay madadagdagan ang mga IPs na magkaroon nang maayos na legal documents na kanilang maaring gamitin hindi lamang sa PhilHealth kundi pati na rin sa iba pa nilang karapatan bilang mga mamamayan ng bansa.

Open photo

Membership Section representative, Raffy B. Elizares giving KonSulTa and UHC orientation during one of the “Kasalang Tribu” activities in South Cotabato.

Open photo

IP couples preparing for the mass wedding during the “Kasalang Tribu” in Lake Sebu, South Cotabato.

 

Reformation center nearing completion in former ASG bastion in Sulu

COTABATO CITY – Former Moro extremists who opted to rejoin the mainstream will soon become productive citizens once they complete skills training...

Sa Surallah, kotse bumangga sa puno, driver na guro, patay

SURALLAH, South Cotabato- Patay ang isang guro sa self-accident sa Prk. Maligaya, Brgy. Dajay, Surallah, South Cotabato alas 6:00 kagabi, Setyembre...

MOH-BARMM moves to help contain measles outbreak in Lanao Sur

COTABATO CITY - The Ministry of Health in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (MOH-BARMM) has taken steps to help arrest the outbreak...

2 slain in police anti-gunrunning ops in Sultan Kudarat

  PATAY matapos manlaban sa raiding team ang dalawang mga suspek sa ikinasang entrapment operation ng mga pulis sa National Higway, Brgy....

Dawlah member dead, 3 hurt in Maguindanao del Sur clash

COTABATO CITY - Soldiers shot dead a member of the Dawlah Islamiya and wounded three others in an encounter over the weekend in Ampatuan town in...