Thursday Sep, 28 2023 05:30:36 AM

Public schools sa Sox, 80 percent na ready sa face to face classes, ayon sa DepEd-12

GOVERNANCE/POLITICS • 10:45 AM Fri Aug 19, 2022
852
By: 
DXND radyo Bida

KIDAPAWAN CITY – Pinaplantsa na lamang ngayon ng Department of Education ang kanilang paghahanda para sa ipapatupad muli na in person classes sa Region 12.

Batay sa tala ng DepEd, nasa halos 800,000 na mga mag-aaral mula sa ibat-ibang division ng rehiyon dose ang nakapagpatala pa para sa pasukan habang inaasahan pa ang dagdag na 300,000 na mga kabataan o mag-aaral.

Sinabi ni Regional Director Carlito Rocafort, nasa 80 percent ng handa ang kagawaran ng edukasyon para sa Lunes, kabilang ang mga paaralan, pagsunod sa health protocols ng mga kabataan at maging ng mga guro.

Bagaman aminado si Rocafort na may kakulangan pa rin sa mga silid-aralan at teaching personnel ang DepEd sa ngayon pero manageable naman habang pansamantalang gagamit ng Temporary Learning Spaces ang kulang na classrooms.

Samantala, naipresenta na ng Regional Director sa kanilang meeting para sa agarang pagpapalabas ng Billion pesos na pondo para sa pagsasaayos ng mga school building.

Lalaki patay sa pamamaril sa Sultan sa Barongis, Maguindanao Sur

DEAD ON ARRIVAL sa ospital ang isang lalaki nang pagbabarilin sa Brgy. Barurao, Sultan Sa Barongis, Maguindanao Del Sur pasado alas 3:00 ng hapon...

Isa pa binaril sa PIkit, ika-5 sa nakalipas na 3 araw

SUGATAN ang isang lalaking bumabiyahe at napadaan lang sa Barangay Takepan, Pikit North Cotbato nitong hapon ng September 27, 2023. Hindi pa...

NDBC BIDA BALITA (Sept. 27, 2023)

HEADLINES 1   PNP-BARMM magtatalaga ng isang libong pulis na magsisilbi bilang electoral board members sa Lanao del Sur matapos...

Reformation center nearing completion in former ASG bastion in Sulu

COTABATO CITY – Former Moro extremists who opted to rejoin the mainstream will soon become productive citizens once they complete skills training...

Sa Surallah, kotse bumangga sa puno, driver na guro, patay

SURALLAH, South Cotabato- Patay ang isang guro sa self-accident sa Prk. Maligaya, Brgy. Dajay, Surallah, South Cotabato alas 6:00 kagabi, Setyembre...