Publiko pinag-iingat pa rin ng Koronadal vet office laban sa bird flu
KORONADAL CITY Sumunod sa mga panuntunan sa pagpapasok ng mga poulty at poultry products sa Koronadal.
Ito ang panawagan sa publiko ni Koronadal City Veterinarian Dr. Charlemagne Calo.
Paliwanag ni Calo, nanatili pa rin kasi ang banta ng Avian Influenza o bird flu virus sa lungsod.
Ipinunto ni Calo na requirement sa mga poultry products ang certificate of acceptance mula sa mga barangay na pagdadalhan nito.
Ito ay maliban pa sa mga kaukulang dokumento mula sa pinanggalingang lugar.
Ang Avian influenza ay mikrobyo na nakukuha mula sa wild aquatic birds na nakakahawa sa mga domestic poultries at mga tao.
Aminado din si Calo na may mga programa din na naisasantabi ang City Veterinary Office dahil sa pagtutok nila sa mas mapanganib na banta ng African Swine Fever o ASF.